Word for the World Hong Kong
Official Page of Word for the World Christian Fellowship Hong Kong
Time of Worship:
Friday 10:00 AM - 11:30AM
Saturday 10:00 AM to 12:30 PM
Sunday 9:00 AM - 11:30 AM | 2:30 PM - 5:00 PM
Sunday Afternoon Praise and Worship
Sunday Morning Praise and Worship
Saturday Praise and Worship
“Madaming naubos diyan!”
Di ko alam kung oras, pera o lakas. Kwentahang wala ng presyuhan, basta madaming naubos. Uubusin dahil worth it naman, depende kung saan ang paggagamitan. Karamihan sa restoration, it is either bahay or buhay, mas malaki ang kagastusan para sa kaayusan. “Madami pong gigibain at madadamay sa giniba kaya mahal po ang pagsasaayos kesa magsimula sa una”, saad ng foreman na kausap ko. Kapag bahay magastos, kapag buhay, maaaring mahihirapan. Mahirap ng tanggalin ang mantsa ng kahapon. Mahirap ayusin ang pusong walang frame. Sandamukal na pintura ang kailangan upang takpan ang madilim na background. At ang mahirap ayusin, kapag tumakbo, umayaw, nawala ang pipinturahan. Dapat dito “Pintor” na puno ng habag at grasya. Na dala ang pusong ayusin ang dapat sana ay basura na. Na hawakan ang pipinturahan ng buong kakayahang lagyan ng kulay at pagkatapos ay gaganda pa. Na igagalaw sa pananampalatayang pinagsapin sapin ang pahid upang huwag tumagilid. Na kaya iginuhit na muli ay upang gumalaw sa intensyon ng Pintor. At makikita na kahit ang basurang lona ay pwede pang gumanda. Maiiakto na maging huwaran sa mundong ginagalawan. Kapag ang buhay pala ay naipagkatiwala sa kamay ng Dakilang Lumikha, ang lumang lonang natapunan ng dungis, naibasura ng kapalaran, at napaglaruan ng kamunduhan, ay maaaring maging isang tanglaw sa mundong nalito at nawalan ng gabay. At kung sakali at mapinturahan, alalahanin palagi, , may “BUHAY” na naubos upang mailarawang muli.
Efeso 2:10
Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.
From the Pastor’s Desk
“Ang dilim…”
“Walang lasa…”
Dalawang kailangan na agad agad alam ang kulang. Kapansin-pansin na kapag lasa ang kulang agad nakasentro ang isip sa asin? At kapag madilim, agad agad ding ang hanap ilawan. Kahit anong sarap ng pagkain kapag walang nalasahan, walang kasarapan. Kahit anong ganda ng buhay, kung walang ilaw, may kadadapaan. Sabi nga ng iba, may ganda na ugali na lang, at kung madidiinan, may ugali na ganda na lang. Palaging may hinahanap na kakulangan sa gitna ng karangyaan, at palaging maghahanap ng kagabayan sa kalituhan sa paglalakbay. Sa mahabang panahon tayo ang naghahanap ng lasa, at tayo din ang naghahanap ng ilaw, at sa isang iglap nailipat sa panibagong mundo ng may galawang si Hesus ang Hari ng isang paghahari. May nagnanasa na makasama sa trono, may iba naman, kasikatan ang gusto, ang iba naman hindi maalis ang kinalakhan at kinagawian, hanggang maunawaan na matapos sa sakupin ng pag hahari ng Dios, ilalabas upang maging asin at ilaw ng mundong walang lasa at nasa kadiliman. “Wala ka bang napapansin, sa ating kapaligiran” saad ng pasimula sa isang sikat ng awitin. Kapag iyo ng napanpansin, baka naman nakita mo na ang kagamitan sa mundong sobra ng nasaktan ng dilim ng kasalanan. Manatiling may lasa, manatiling may ilaw, in demand po ngayon yan sa mundong madaming dahilan, kagustuhan, kontrobersya at sikat na medalya.
Mateo 5:13-14
13 “Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao
14 “Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago.
From the Pastor’s Desk
Sunday PM Praise and Worship
Sunday AM Praise and Worship
“Kung saan saan ka kasi nakatingin!”
Saway ng nanay ko sa akin ng muntik ng matapilok sa dinadanan. Lampa ako… aaminin ko, madaling matisod, matapilok, madapa at mabuslot. Hindi dahil sa uri ng dinadaanan, kundi dahil sa mga nakikita sa daan. Na kung walang nahahawakang kamay ng Nanay, baka nadala na rin ng nakikitang kung ano ano sa kapaligiran. Madalas nga nagtataka ang Tatay ko kung bakit ang tagal kung utusan. “Siguro may nakita ka na naman sa daan kaya ka natatagalan?” Totoo ito, aminin o hindi, tumatagal ang trabaho at tumitigil kung minsan dahil hindi nakita ang dahilan ng pupuntahan at gagawin dahil kung saan-saan nagkanduduleng. Minsan nga nagugulat na lang dahil sa biglang matatauhan dahil ako nga pala ay nautusan at dali-daling magbabalik sa dapat marating. Madaming makikita sa pananampalatayang paglalakbay. Madaming magsasabi na dito.. dito at doon..doon. Mayron namang mga alok na, pahinga..pahinga o laro laro lang muna, Tigil… tigil..tulog..tulog…tulala.. tulala. Nakakaligtaang ang paghahari ng Dios ay walang kinalaman sa yamang nakakamtan, hindi nakabatay sa nakayakap na kaibigan o ka-ibigan. Wala ring kinalaman sa uri ng estadong kinahuhumalingan. Na ang paghahari ng Dios at dapat tandaan, ay nasa ating kalagitnaan at naghahari sa ating kalooban, patungo sa buhay na walang hanggan.
Sa susunod na mautusan dahil anak na naturingan, alalahanin ang tinig ng Ating Pastol, ang Dakilang Hari ng kaluwalhatian!
Purihin ka Panginoong Hesus!
Lukas 17:20-21
Minsan, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan darating ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Walang makikitang palatandaan ng pagdating ng kaharian ng Diyos, 21 at wala ring magsasabing ‘Narito na!’ o ‘Naroon!’ Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo.”
From the Pastor's Desk
Click here to claim your Sponsored Listing.
Our Story
Time of Worship:
Friday 2:00 PM - 4:00 PM
Saturday 09:45 AM to 12:30 PM
Sunday 9:00 AM - 11:30 AM | 2:30 PM - 5:00 PM
Address: 1/F HK & Macau Bldg. 156-7 Connaught Rd C. Sheung Wan (MTR Exit C)
Tel Nos; 2199-7580/ 9784-9929
Videos (show all)
Category
Contact the place of worship
Telephone
Address
Hong Kong
九龍尖沙咀柯士甸路3號富好中心1字樓全層
Hong Kong
國際聯密佛教慈航會由埵智能者陳果齊,於一九八四年農曆四月初八的釋迦世尊寶誕正式創立。會內佛殿設置密宗壇城,莊嚴肅穆。並於一九九二年在澳門設立分會。
Jewish Community Center, 70 Robinson Road, Mid-Levels
Hong Kong
Welcome to The UJC of Hong Kong! For information about services, events, and membership, check out www.ujc.org.hk.
九龍旺角塘尾道54至58號永利工業大廈901室
Hong Kong
Unitarian Universalists Hong Kong is a community in Hong Kong dedicated to the liberal religion Unita
香港九龍長沙灣青山道476號PeakCastle 702-703室
Hong Kong
1997年九月第一週五,楊天恩牧師師母在沙田神召神學院舉行了第一次「週五復興」聚會。全因他們經歷了聖靈大能的復興,和因為天父給與的異象在1997年八月給他們的異象--「讓我的教?
50 Caine Road, 堅道50號
Hong Kong, HK
HK Baptist Church 崇拜時間 早堂 - 主日上午8:15 中堂 - 主日上午9:45 午堂 - 主日11:30