Mamala Magala

Mamala Magala

Man shall not live in bread alone,but on every word that comes from The mouth of God. Mathew 4:4 NIV

19/07/2024
23/06/2024

Today's Word: Daily Devotional
365 DAILY BOOSTERS FOR THE HEART
by: Pastor Ed Lapiz

HUWAG PROBLEMAHIN

Luke 12:25
Can worry make you live longer?

Huwag masyadong problemahin ang buhay. Marami tayong pinoproblema sa buhay na hindi naman natin kayang lutasin. Nag-aalala kapag lumilindol. Kaya ba nating pigilin yun? Hindi, pero mayroon kang puedeng gawin. Maging alert. Maging handa. Mag-ipon ng konting tubig, pagkain, flashlight kung saan ka nakahiga, para kung madaganan ka ng bahay mo, may baon ka man lang. Kung mahukay ka sa ikapitong araw at naabutan kang kumakain ng butong pakwan, masaya ka nang konti. Ngayon kung may baon kang de-lata, tiyakin mong may abrelata ka, kasi mahirap ngatngatin yung lata sa dilim.

O kaya, alas dos na ng umaga, wala pa ang anak mo. Ano ang magagawa ng lakad ka nang lakad at pabalik-balik ka? Ipanalangin mo siya. At pagkatapos mong manalangin, sikapin mong matulog na. Kasi kahit ka naman mapuyat, wala ka rin namang magagawa e. Mayroon kang asawa na nagtatrabaho abroad, wala ka nang ginawa kundi isiping baka nagtataksil siya. Kung talagang nagtaksil siya, dalawang beses kayong nagdusa: una, sa kaiisip, at pangalawa, kung totoong nagtaksil nga. Pero kung hindi pala nagtaksil, e di nagdusa na rin kayo. Ngayon kung hindi naman pala nagtaksil at inabutan kayong mukhang kalansay dahil sa kawo-worry, e baka tuluyan na nga kayong pagtaksilan. So why worry about things you cannot change?

Mahiwaga talaga ang buhay. Hindi mo kayang maunawaan ang lahat. At dahil maikli lang ang buhay, do not waste time problematizing it. Maximize life’s limited time by enjoying it and by accepting what cannot be changed. Huwag laging nag-aalala. Pray your worries away.

—by: Pastor Ed Lapiz
Daily devotional 365 daily boosters for the heart❤️

01/04/2024

AYUDANG ESPIRITWAL
Monday,
April 1, 2024

Topic:
SINUMANG NAUUHAW LUMAPIT SA KANYA

Bible Reading:
John 7:37

Sa kanyang pagkaratay sa banig ng karamdaman, napagtanto niya na ang yaman, karangalan at kapangyarihan ay hindi ang pinakamahalaga sa buhay.
Kaya kahit hirap siya sa pagkilos, matiyaga siyang nakikinig sa mga pagtuturo tungkol sa PANGINOONG HESUS kaya niya ito naunawaan. Dahil doon, pinagsisihan niya ang mga kasalanan at humingi siya ng kapatawaran sa Diyos.

Sabi ng tal.37
"...TUMAYO ANG PANGINOONG HESUS AT MALAKAS NA SINABI; "ANG NAUUHAW AY LUMAPIT SA AKIN AT UMINOM."

ARAL:
Ang anumang bagay dito sa mundo na pinakahahangad na makamit ng tao ay hindi sapat para masiyahan at makuntento.

HAMON:
Ang mga problema, suliranin at mga pagsubok ang tumutulong sa atin para ma-realized natin ang halaga ng pagkakilala at pananampalataya sa Panginoong Hesus Cristo.
Ikaw, anong lagay ng puso mo ngayon? Tuyo ba, tigang at uhaw na uhaw? Lumapit tayo sa Panginoong Hesus, ang bukal ng tubig ng buhay na papatid sa ating pagkauhaw. Bunga nito, dadaloy ang kagalakan at kapayapaan sa buhay mo.
--------------

ANG PANGINOONG HESUS LAMANG ANG MAKAKAPAWI NG ATING PAGKA-UHAW PAGKAT SIYA ANG BUKAL NA TUBIG NG BUHAY.

-Daybyday Jesus Ministry, Dasma Cavite
Pastor Lawrence

01/04/2024

Live everyday with hope…🙏❤️

19/03/2024

Prayer is the best wireless connection to God.🙏❤️

18/03/2024

AYUDANG ESPIRITWAL
Monday,
March 18, 2024

Topic:
NAGHAHANAP NG KASIYAHAN

Bible Reading:
Ecclesiastes 1:8

Isang napakayamang lalaki ang nakipag-usap sa isang travel agent at sinabi na gusto niyang mamasyal sa tabing dagat para daw siya ay makapaglibang at maging masaya. Kumuha ang ahente ng mapa at ipinakita sa mayaman ang mga kilalang beach resort sa iba't ibang bansa na pwedeng puntahan.
Ang tanong ng lalaking mayaman sa ahente "wala na bang iba?"

Sabi ng tal.8
"ANG MATA SA PAGTINGIN AY HINDI NASISIYAHAN, AT MGA TAINGA SA PAKIKINIG AY WALANG KABULUHAN."

ARAL:
Kasiyahan at kapayapaan ang hinahanap ng karamihan subalit ito'y matatagpuan lamang kung Panginoong Hesus Cristo ay lubos na pananaligan.

HAMON:
Sa gitna nitong mundong puno ng kasamaan at kasalanan, makakatagpo pa rin tayo ng kasiyahan ngunit ang mga ito ay pansamantala lamang. Sa totoo lang, nahanap na yata ng tao ang gusto nila sa buhay subalit naghahangad pa ng mas higit pa sa naranasan. Hindi masusumpungan sa mundong ito ang tunay na makapagpapasaya sa tao kapag hindi pinag-aralan para matutunan sa buhay ang kakuntentuhan.
--------------

DULOT NG PAGKAKILALA SA PANGINOONG HESUS CRISTO AY HINDI MAIKUKUMPARA SA ANUMANG BAGAY DITO SA MUNDO.

-Pastor Lawrence
Day by day Jesus Ministries,Dasma Cavite

11/03/2024

Blessings for another year of life❣️To all of those who greeted me on my birthday, i would like to say thank You, words are not adequate enough to express the joy of seeing your sweet messages flooding my timeline, my messenger,my line, the video messages , & the cute bday letters, the gifts & most specially your prayers.. it means a lot to me, it will stay forever in my heart..♥️♥️♥️
To God be all The Glory, Honor & Thanksgiving!🙏💖
God bless you all!💖

P.S. Thank you for saying, i look younger at the of 62! 😅😍

06/03/2024

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!

Antonio Legaspi, Maxamed Noor

26/02/2024

AYUDANG ESPIRITWAL
Monday,
February 26, 2024

Topic:
NAKALIMUTANG DAAN

Bible Reading:
John 14:6

Ilang taon din siyang hindi umuwi sa kanila dahil sa ibang lugar siya nagtrabaho. Ganoon pa man, kada buwan ay nagpapadala siya ng sustento sa kanyang mga magulang. Kaya ng makaipon ng sapat
nagplano siyang magbakasyon pero hindi niya ipinaalam na uuwi siya sa kanila. Dahil doon, naligaw siya papunta sa bahay nila. Nakalimutan na kasi niya ang daan pauwi sa kanila.

Sabi ng tal.6
"SUMAGOT SI HESUS, AKO ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN AT ANG BUHAY. WALANG MAKAKAPUNTA SA AMA KUNDI SA PAMAMAGITAN KO."

ARAL:
Kapag hindi lubos ang pagtitiwala sa Panginoong Hesus Cristo, posibleng makalimutan ang tunay na daan tungo sa kalangitan.

HAMON:
Ulirang ugali ba o pagbibigay ng malaking halaga sa kawanggawa? Pagsunod sa mga doktrina, pagsisimba at pakikisangkot ba sa mga gawain ang daan tungo sa kalangitan? Gaano mang kapuri-puri ang mga katangiang ito, tanging paglalagak lamang ng buong puso sa Panginoong Hesus Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon ang makapagliligtas sa sinumang tao.
---------------

TIYAK MARAMI TAYONG MAKAKALIMUTAN. PERO ANG TANGING DAAN LAMANG TUNGO SA KALANGITAN ANG HUWAG NA HUWAG NATING KALILIMUTAN.

-Pastor L.Sarmiento
Day by day Jesus Ministries Dasma Cavite

23/02/2024

AYUDANG ESPIRITWAL
Friday,
February 23, 2024

Topic:
TRABAHO, dios?

Bible Reading:
Exodus 20:3

Halos 45 taon daw siyang nagtrabaho noong panahong malakas pa siya. Sa katunayan, kung titingnan daw ang SSS record niya, wala itong patlang o liban sa pagbabayad, kumpleto ito. Ngayong 80 years old na siya, napagtanto niya ang pagkukulang niya ng panahon para sa kanyang pamilya at ang paglilingkod sa PANGINOON dahil sa trabaho ang inuna niya.

Sabi ng tal.3
"HUWAG KAYONG MAGKAKAROON NG IBANG DIYOS, MALIBAN SA AKIN."

ARAL:
Nagiging dios-diosan ang isang bagay na pinagtutuunan ng higit na pagpapahalaga kaysa Panginoong Diyos na makapangyarihan.

HAMON:
Mahalaga ang mayroong trabaho o hanap-buhay sapagkat ito'y paraan para matugunan ang ating mga pangangailangan. Ngunit ang trabaho ay hindi ang pangunahing bagay na makapagbibigay ng kasapatan sa atin. Ang Diyos lamang ang tanging makapagkakaloob nito. Kaya ilagay sa dapat kalagyan ang trabaho. Ang Diyos at ang pamilya ay mas higit na mahalaga kaysa pagsubsob sa trabaho. Isang kaloob ang trabaho, hindi isang dios.
-------------

ANG PANGINOONG HESUS ANG MAGING PANGUNAHIN SA LAHAT NG ATING GAGAWIN UPANG SIYA'Y MALUGOD SA ATIN AT TAYO'Y PATULOY NIYANG PAGPALAIN.

-Pastor Lawrence
Daybyday Jesus Ministries Dasma Cavite

20/02/2024

AYUDANG ESPIRITWAL
Tuesday,
February 20, 2024

Topic:
K. S. P.

Bible Reading:
Philippians 1:6

Sinabi ng isang mangangaral, ang "KABALISAHAN" ay ang labis na pangamba tungkol sa isang bagay na maaaring mangyari o hindi (pero madalas di nangyayari).
Ang "STRESS" ay ang matinding pagpasan sa isang sitwasyong di natin makontrol o maiba (ngunit kayang ibahin ng Diyos). Ang "PAGKATAKOT" ay isang damdaming kakila-kilabot na may panganib (at ito'y lalong nagpapalala ng problema).

Sabi ng tal.6
"... ANG MABUTING GAWA NA PINASIMULAN SA INYO NG DIYOS AY KANYANG LULUBUSIN..."

ARAL:
Kung ang mga pagsubok, suliranin o problema ay nakakapag-alis ng kasiglahan;
ang pagtitiwala sa mga Salita ng Diyos ay nagdudulot ng kagalakan.

HAMON:
Anuman ang dahilan ng ating mga kabalisahan, stress at takot, ito ay hindi makakapigil sa Diyos para ipagpatuloy ang Kanyang mabuting pinasimulan sa ating buhay. Kaya marapat na ang mas pagtuunan bawat araw ay ang pagtitiwala sa Panginoong Hesus pagkat Siya ang may hawak ng bawat buhay at may kontrol ng lahat.
-------------

PANANALIG SA MGA SALITA AT PANGAKO NG DIYOS AY PATIBAYIN, PAGKAT BUNGA NITO'Y KAGALAKAN.
SA GAYON ANG KABALISAHAN, STRESS AT PAGKATAKOT AY ATING MAPAGTATAGUMPAYAN.

- Pastor Lawrence
Daybyday Jesus Ministries Dasma Cavite

19/02/2024

AYUDANG ESPIRITWAL
Monday,
February 19, 2024

Topic:
SAMA-SAMANG NAGKAKAISA

Bible Reading:
Ecclesiastes 4:9

Ang ting-ting sa dahon ng niyog kapag pinagsama-sama ay nagiging walis. Ginagamit natin ito sa paglilinis ng bahay, ng ating bakurang maraming dahon ng puno ng kahoy at marami pang iba. Maaari pa ring magamit ang ting-ting kahit nag-iisa pero marami ang magagawa ng ting-ting kapag pinagsama-sama. Kapag ito'y bingkis ng tali, ang laking pakinabang nito.

Sabi ng tal.9
"ANG DALAWA AY MABUTI KAYSA ISA; MAS MARAMI ANG BUNGA NG ANUMANG GAGAWIN NILA."

ARAL:
Huwag piliing mapag-isa kung magagawan naman ng paraan na magkaroon ng maaaring makasama.

HAMON:
Sa Biblia ay mababasa ang isang uri ng insekto na kapag ito'y nag-iisa ay hindi masyadong pinapansin. Pero kapag sila'y sama-sama sandali lang nilang ubusin ang pananim na mga halaman sa mga bukirin. Ito'y ang balang.
Ang hamon ng maliit na insektong ito sa buhay ng mga tagasunod ng Panginoong Hesus, lalong maraming magagawa kung sama-samang maglilingkod at mananalangin. Mas malakas ang pwersa kapag nagkakaisang sama-sama.
-----------

MALIIT LANG ANG MAGAGAWA NG NAG-IISA PERO KAPAG NAKAHANAP NG MATINONG KASAMA TIYAK MARAMING TAGUMPAY ANG MATATAMASA.

- Pastor Lawrence
Day by day Jesus Ministries Dasma Cavite

01/01/2024

Ōwakudani is a volcanic valley with active sulphur vents and hot springs in Hakone, Kanagawa Prefecture, Japan. It was created around 3,000 years ago, as a result of the explosion of the Hakone volcano. 🇯🇵

21/11/2023

AYUDANG ESPIRITWAL
Tuesday,
November 21, 2023

Topic:
KAPAG PAGOD NA

Bible Reading:
Matthew 11:28

Dahil malayo ang kanyang trabaho at mahaba ang biyahe patungo sa pinapasukan kaya maaga siyang nagigising. Naghahanda ng mga kakailanganin, magluluto ng pagkain para sa mga anak na papasok sa eskwela at saka palang niya iintindihin ang sarili. Araw-araw ay ganoon ang routine ng mga gawain niya kaya pagdating ng hapon ay sadyang sobra ang pagod niya.

Sabi ng tal.28
"LUMAPIT KAYO SA AKIN, KAYONG LAHAT NA NANLULUPAYPAY AT LUBHANG NABIBIGATAN AT KAYO'Y BIBIGYAN KO NG KAPAHINGAHAN."

ARAL:
Dulot ng mga gawain ay sadyang kapaguran ngunit ang alok Niya lagi sa ati'y kapahingahan.

HAMON:
Pagkatapos ng mga gawain, likas sa tao ang nais ay makauwi sa sariling tahanan. Likas din sa isip ng tao ang kamalayang may Diyos. Kaya kung pagod na talaga dahil sa pag-iintindi at pag-aasikaso ng iba't ibang mga gawain, napakalaking tulong para mapalitan ng kalakasan ang kapaguran, ang kusang paglapit na may kababaang-loob sa Panginoong Hesus. Dahil pahinga ang mararanasan kapag tayo'y nasa presenya Niya.
-------------

MATATAGPUAN LAMANG ANG TUNAY NA KAPAHINGAHAN KUNG ANG PANGINOONG HESUS CRISTO AY LUBOS NA PANANALIGAN.

-Pastor L. Sarmiento
Day by day Dasma

24/10/2023

“Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls.” (Matthew 11:28-29)

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan”- Mateo 11:28-29

23/10/2023

AYUDANG ESPIRITWAL
Monday,
October 23, 2023

Topic:
HUWAG PAALISIN

Bible Reading:
Matthew 14:16

Dumungaw siya sa bintana at sinabi sa sorbetero na hindi sila bibili. Bigla naman itong nagsalita, "Makikiinom lang po!"
Lumabas siya at nagdala ng tubig. Pagka-abot niya ay nagsalita muli ang lalaki,
"Hindi po ba ito bawal sa gutom? Kaya kumuha na rin siya ng pananghalian at nakangiting ibigay ito sa gutom na mamang sorbetero.

Sabi ng tal.16
"HINDI NA SILA KAILANGANG UMALIS PA, SABI NI HESUS, KAYO ANG MAGBIBIGAY SA KANILA NG MAKAKAIN."

ARAL:
Ang pag-aabot ng kahit kaunting tulong sa mga nagugutom ay pagsunod sa mga halimbawang ipinakita at itinuro ng ating Panginoong Hesus Cristo.

HAMON:
Hindi pumayag ang Panginoong Hesus sa mungkahi ng alagad na paalisin ang mga taong nagugutom na sumusunod sa Kanya.
(Matthew 14:15-21)
Hindi rin papayag ang Diyos na tayo'y manatiling gutom sa kalinga't pag-ibig Niya.
Kaya ipinagkaloob ng Diyos Ama ang Panginoong Hesus upang matugunan ang lahat ng ating mga pangangailangan.
Ginawa ito ng Diyos pagkat alam Niya na kulang ang ating mga kakayanan at kaalaman.
-------------

HUWAG PAALISIN ANG MGA HUMIHINGI NG TULONG SA ATIN, ABUTAN NATIN SILA NG AYON SA ATING MAKAKAYA.

- Daybyday Dasma

04/10/2023

Too bussy a week ago kaya bihirang mag reels 😅

23/09/2023

There is never a day that God isn’t there. So don’t give up & surrender to your circumstances. You are loved by God. There may be days you struggle. There may be days you feel weak. But there is never a day that God isn’t there. His love will give you the strength to continue to go forward.❤️

❣️

23/09/2023

Hi everyone!
Back to Reels ❣️

23/09/2023

Big shout out to those who’ve recently engaged with me!😘💖

Jovie B. Cunanan, Jenevie Andoy, Marilyn Figuracion, Alona Catherine Mae Lopez, Kris M., Team Simran IndianPinay, SPACE JAM, Hey its Me SNOW

19/09/2023

Big shout out to my newest top fans! 💎

Jenevie Andoy, Marilyn Figuracion

10/09/2023

A blessed Sunday 🙏💖

あなたの事業をメディア会社のトップリストYamatoにしたいですか?
ここをクリックしてあなたのスポンサー付きリスティングを獲得。

ビデオ (すべて表示)

Sunday Church day. Late appload #fbreelsfypシ゚viralシ #fbreels2024 #followerseveryone #highlights #thanksforwatchingmyreel...
Early sakura bloom 🌸 📍Kawazu , Shizuoka #japanspringtime #earlysakura japan #highlights #fbreelsvideo
Ōwakudani is a volcanic valley with active sulphur vents and hot springs in Hakone, Kanagawa Prefecture, Japan. It was c...
Japan New year season. #ornaments2023 #Yearof theDragon2024 #fbreelsfypシ゚viral #highlights #ThanksForWatching❤️
Autumn 2023 #Autumnjapan #fbreels23 #ToGodBeAllTheGlory
Sushi lover🍣💖 #japanesefood #sushilovers #fbreelsfypシ゚viral #fbreels23 #highlights #thankyouforwatchingmyreels
Batang makulit! #fbkidsreels #fbfunnyreels #funnykidsvideo #fbreelsfypシ゚viral #followers
ikot pa more!😂🤣😅#grandpasgoal🩵
Chilling at mall💖 #japanmall #galamodemuna #fbyシreels #happysunday #fbreelsvideo #ThanksForWatching🩵
Thank You po sa inyong lahat😘Kahit paunti unti uusad din! #fbreels23 #fbyシvideo #ThankYouMetaTeam #enjoyfbreels✅ #highli...
Good Morning everyone! Have a nice day! #fbreelsshortvideo #highlights #fbreels2023 #Supporters&viewers #ThanksforWatchi...
Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars - they help me earn money to keep making content you love.#suppotersa...

電話番号

住所

Yamato, Kanagawa
2420029
デジタルクリエイターのその他Yamato (すべて表示)
JPN Mecha JPN Mecha
Kanagawa
Yamato

Waiting for perfect timing

Bige's Diary Bige's Diary
Yokohama
Yamato

Little adventure towards my big dream

Mami Che-Reel Mami Che-Reel
Yamato
Yamato

simply grateful

Eraser32 Eraser32
Kanagawa Ninomiya 586-1
Yamato, 2590123

Welcome to “Eraser “! We’re your ultimate destination for entertainment videos that will make u happy

Mama Yuta Living in Japan Mama Yuta Living in Japan
Fukuda 1947/36
Yamato, 2420024

From Indonesia_Boru Batak Living in Japan LOVE NATURE and FLOWERS