Spoken heart
love..pain..hurts..doubt..worries..sadness..hidden pain..lessons..comfort..care..happiness
A strong woman isn't afraid in the midst of her fears..
Someone I used to love but it considered a lesson ...revealing of his companion is the assets of how he really tried to mess the woman that gave him a challenge to choose whether if it worth enough to make him feel complete..
A strong woman isn't afraid to face her integrity..
Somebody told me he's the right one to stay in my life ..accepted my past and ready to be with me in my flaws..
But I was wrong I intended to catch his feelings in me but the worses words that I recieved is... I was just trying you..if out can do it or what is it capacity to do with it..
A strong woman cries only if they get hurt but ...but she stand again to bring herself to be a grateful woman to proved and to be loved ..to trust and to be trusted and most of all to make her worthy of all the worthless...
Hindi ganito.
Hindi isang tulog, isang kisapmata, o isang pagal lang ang kailangang ipahinga. Paulit-ulit kang magkakamali’t masasaktan. Maraming beses kang mabibigo at magtatangkang sumuko. Asahan mo ang lupit ng mundo.
Matutulog ka’t gigising. Sa pagitan nito’y pinaghalu-halong luha, pagod at lakas ng loob. Sa pagitan nito’y pinagpatong-patong na sakripisyo, pagsisikap, at pangarap. Matutulog ka’t gigising, at sa pagitan nito’y maiikli’t mahabang proseso.
May proseso.
Ang buhay at tagumpay ay proseso. Daraan ka man sa pinakamababang yugto, tandaan mong hindi ka mananatili rito. Kapag naranasan mo ang pagsadsad, ang susunod dito’y pag-angat. Ito ang tiyak. Humanda ka na sa paglipad.
Sapagkat, hindi ganito—hindi isang tulog ang tagumpay. Ito’y paulit-ulit na panaginip at pakikipagniig sa reyalidad ng buhay. Hanggang ang lupit ng mundo, ay maging isa na LAMANG magandang kwento
Bibitaw na ako,
Dito sa mga pangamba na bumabalot sa aking puso.
Hindi ko na pakikinggan ang mapanlinlang na takot na ibinubulong ng aking isipan—
Pipiliin ko na ang sumubok at maging matapang.
Pangako, bibitaw na ako.
Dito sa sakit na dulot ng nakaraan.
Hindi ko na panghahawakan ang lubid ng galit na humihila sa akin pabalik—
Uusad ako ng may pagtanggap at pagpapatawad.
Ito na, bibitaw na ako.
Kahit mahirap pakawalan ang mga nakasanayan.
Pipiliin kong palayain ang mga bagay at tao na hindi naman makabubuti sa akin—
Baka sa pagbabago ko matagpuan ang paglago.
Bibitaw na ako,
Subalit mas kakapit ako sa aking sarili.
Sa aking mga pangarap—
Sa aking halaga.
Pasensya na pero,
Ngayon, ako naman muna.
Bago ka umalis para piliin siya, kinailangan kong magpanggap na hindi ako nasaktan. Na hindi ako masasaktan. Kinailangan kong indahin at intindihin ’yong sakit at lahat ng dahilan kung bakit hindi mo ako nagawang piliin. Na ang minsang pananatili mo sa akin ay isa lamang pansamantalang pag-ibig. At sinisisi ko na naman ang sarili dahil ganoon pala ako ka-hina para hayaan kang mahalin ako sa maling paraan. Pero kapag kasama kitá, lahat ng mali ay nagiging tamà kahit mayroon táyong masasaktan. Kahit sa huli, ako pa ang kailangang masaktan.
Kayâ bago ka umalis para piliin siya, kinailangan kong magpigil ng luha. Kinailangan kong tipirin ’yong sandaling niyakap mo ako nang mahigpit. Baka sakaling, magbago ang desisyon mo at piliin mo na lang na dumito sa akin. Pero hindi. Dahil mali. Mali ang lahat ng nangyari sa atin kahit pa ginusto natin. Matimbang nga lang siguro talaga ang tamà kaya sa kaniya ka lagi umuuwi. Siya pa rin ’yong hindi dapat paghintayin at ako ang laging kailangang umintindi.
At bago ka umalis, sinadya kong magbigay ng ngiti kahit sa loob-loob ko, ito ang pinakamasakit. Walang kasingsakit ang piliin kang palayain. Na kahit gaano pa natin ipilit, hindi magbabagong mali itong nadaramang pag-ibig.
Noong iniwan mo ako para piliin siya, doon ko nakita na hindi ako kailanman magiging sapat sa táong may ibang pinapahalagahan. Kahit kailan, ako ’yong pansamantalang daungan ng mga katulad mong dumaan lang para huminga. Bumisita ka lang para magpahinga.
At ako, masiyado ko na namang ibinigay ang lahat. Umabot sa puntong ako na naman ang nawalan.
Hindi pala sapat na pinipili kitá palagi. ’Yon ang pinakamasakit na hindi kayang hilumin ng isang yakap na mahigpit.
“Hanggang kailan ko ba kailangang intindihin na kinailangan mo akong iwan para piliin siya?”
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang no’ng magkausap tayo. Ngayon, hindi mo na ako kayang suklian kahit isang lingon. Malabo na, sabi mo. Baka maisalba pa, sabi ko. Dahil kung nagawa nating sagipin ang lahat ng kahapon ay baka makaya rin nating isalba ang ngayon. Pero parang maayos ka na. Parang mas maayos ka simula noong lumisan ka. Naisip ko tuloy na baka mali na pinagtagpo tayong dalawa. Na baka mali na naging masyado tayong mabilis no’ng una. Na baka hindi talaga ang tulad ko ang nababagay sa ’yo kun’di iba.
Nag-iba na ang lahat simula nang magiba ang akala nating matibay na pagmamahalan. Akala ko, ikaw na. Akala mo rin, ako na. Pero dito tayo dinala ni tadhana. Ito ang wakas na hindi ko kayang tingnan sa araw-araw. Ito ang wakas na katumbas ng sanlibong paalam. Sa totoo lang, ito ang pinakamahirap: sa bawat paggising ko, laging nangangamoy may pag-asa. Dahil naiisip ko, hindi naman nauubos ang bukas. Baka puwede pang magbago ang ihip ng hangin. Baka hindi mo talaga ako kayang tiisin. Baka pagod ka lang noong umalis ka at kailangan mo ng matinding pahinga. Baka sa susunod na araw, mahanap ulit natin ang kalma sa isa’t isa.
Pero napakabilis ng panahon. Ilang araw, linggo, at buwan na ang lumipas pero walang bumungad sa akin sa maghapon. Inisip ko na lang na abala ka sa pag-aayos sa inyong kuwarto, o ’di kaya ay may lakad ka kaya hindi ka nakasipot. Pero ang totoo, hindi ka na talaga babalik sa “tayo” at ang dati mong iginuhit na dalawang ibon na may “ikaw at ako” ay nauwi na lang sa “ako.”
Ako na lang ang lumalaban hanggang ngayon. Ang bilis ng panahon. Dati “Mahal” pa ang tawag mo. Pero ngayon, isa na lamang akong “kakilala” sa paningin mo.
Ang bilis talaga ng panahon. Posible pala na magising ka isang araw na hindi na ako ang mahal mo.
Salamat dahil kahit hindi táyo nagtagal, binigyan mo pa rin ako ng pagkakataong mahalin ka.
Isa ka sa mga itinuturing kong malaking biyaya na ibinigay ng langit. Simula nang dumating ka, natutuhan kong tanggapin ang nakaraan nang may ligaya. Napalitan ng pag-ibig ang galit. Tinunaw mo nang ilang beses ang puso kong punong-puno ng hinanakit. Tinuruan mo akong umibig ulit kahit hindi iyon naging madali. Minahal mo ako at ipinaramdam mong hindi ako mahirap mahalin. Sa lahat ng mga away-bati natin, palagi kong maaalala na may isang ikaw na handang umunawa nang umunawa.
Pero may hangganan ang lahat. At hindi kitá masisisi kung napagod ka at nagsawa. Kahit sino naman siguro ay makararamdam din ng ganoon. Pero ipinagpapasalamat ko na sa hinaba-haba ng pananatili mo sa mundo ko ay hindi ka sumuko. Inilaban mo pa rin ’yong “tayo” kahit malabo na at komplikado. Salamat sa pagtitiwala mo. Salamat sa inspirasyon at sa lahat ng aral na itinuro mo. Salamat dahil binigyan mo ng sigla ’yong buhay ko. Kaya’t panigurado, napakasuwerte ng susunod na táong mamahalin mo. Dahil naramdaman ko mismo kung paano ka magmahal nang buo.
Salamat dahil inibig mo ako nang totoo. Na minsan sa buhay ko ay nakaramdam ako ng pag-ibig na sigurado. At kahit hindi natin naabot ang mga pinangarap natin, habangbuhay kong gugunitain na sa lahat ng pangarap na iyon ay ikaw ang kasama ko. Marami pa sana akong gustong sabihin pero bilang panghuli, nais kong malaman mong inilaban kitá hanggang dulo. Na kahit natutuhan mong mapagod, hindi kitá nagawang isuko pero kailangan... Kailangan ko nang tuparin ang ipinangako kong ibabalik kitá kay tadhana nang buo. Pero lagi mong tatandaan na mananatiling ikaw ang dalangin ko kahit wala nang táyo.
Salamat sa pag-ibig mo at sa pag-ibig na sabay nating binuo.
Malaya ka nang piliin ang sarili mo, Mahal ko.
And i had to realize my real fights were always against my own self, and they were the hardest ones of all, trying to fight your own fears, your darks thoughts, your wishes to surrender, your desire to stop trying, the melancholy sadness that hits you all of a sudden, your controlled anger that wants to reveal itself, your despair moments, your self doubts, your ego, your selfishness, your weakness, the mistakes you love to repeat, the ones you didn't realize yet, the guilts you got used to and the ones that kill you still, the comparisons you make between your past and your present, the myth of loving yourself in the right way, the dreams that haunts you, a real war that you will have to accept you will loose sometimes, but you will always try to win again till your last breath.
Masyado akong nakampante na hindi ka mawawala. Na hindi ka mang-iiwan. Na sobra mo akong mahal kaya walang pagsubok ang maaaring tumagal. Masyado kong binuhat ’yong ideyang hindi natin magagawang sukuan ang ating sumpaan. Pero nalimutan kong maaaring magbago ang lahat. Na ang bawat araw ay hindi palaging masaya. Nalimutan kong kailangan mo ring huminga. Na masyado nang nakakasakal ang manatili sa ating dalawa. Nalimutan kong puwede ring mapagod ang pagmamahal at pagsugal. Na ang dating matibay ay maaari din palang maghiwalay.
Masyado kasi akong nakampante na palagi mo akong tatanggapin. Na palagi kang babalik. Na palagi mo akong pasasalubungan ng mga yakap at halik matapos ang mga away-bati. Masyado akong nakampante at nalimutan kong hindi pala ganoon ang pag-ibig. Na ang tunay na pag-ibig ay araw-araw na pag-iingat, pagrespeto, at paglago. Nalimutan kong matuto sa bawat pagkakamali na nagawa ko noon. Kayâ nagdesisyon ka na lang na lumayo para siguro matagpuan ko ang pagkatuto na kailangan ko at para matagpuan mo ang kalayaan na hindi ko naibigay noon.
Masyado kasi akong nakampante na magtatagal tayo. Na ako na ang una’t huling taong ipakikilala mo sa mundo. Na ikaw na ’yong makakasama kong bubuo ng pamilya at kasamang manunumpa sa harap ng diyos. Pero may mga kuwento palang maagang nagtatapos. Muntik na nating marating ang dulo. Ilang hakbang na lang pero kinapos. Napagod ka dahil pinagod kita at naubos ka nang naubos. Patawad. Masyado kasi akong nakampante na hindi ka mawawala sa tabi ko. Na palagi mo akong tatanggapin, babalikan, at pipiliin.
Pero tao ka lang din at hindi puwedeng habangbuhay ka na lang magtitiis sa akin.
“Mahal, patawad kung nagkamali ka ng taong piniling mahalin. Patawad kung maling pag-ibig ang nakita mo sa akin.”
Mahal, ikaw ang paulit-ulit na pagkaligaw. At dito sa mundong ibabaw na punong-puno ng hiwalayan ay ikaw ang aking himlayan—ang patag sa matatarik na daan; ang kapanatagan sa ano mang kaguluhan. Ikaw ang tanging kahulugan at siyang katiyakan sa bawat pagpapakahulugan nila sa pagmamahal. Walang araw na hindi ko minamahal ang araw-araw na pagkahulog sa ’yo. At ang ibig sabihin nito ay handa akong halughugin ang mga susunod pang kabanata at handa akong mamanata kasama ka.
Pangako, kahit maging masama ang timpla ng panahon ay hindi magbabagong ikaw ang hinahon. At kung umahon ang mga sigalot, titiyakin kong palaging mamamayani ang masasayang kahapon at oo, ikaw palagi ang ngayon, bukas, at lagi kang sapat sa habampanahon.
Kayâ, Mahal, maniwala ka sanang palagi kong gugustuhing maligaw sa tabi mo. Na ang manahan sa lilim ng pag-ibig mo ay nangangahulugang ligtas ang buong ako. Ang paulit-ulit na pagkaligaw sa iyo ay habambuhay na paninirahan sa tahanan ng kalma. Ikaw ang pinagbigkis na ligaya at paglaya. At oo, kahit umalma pa ang tadhana o kung sino man, ipinapangako kong palagi kong pipiliin na pakinggan ang pintig ng puso nating dalawa. Ituturing kong isang kundiman ang manahan sa bawat piyesa ng ikaw at ako. At oo, saan man ako mapadpad, kaliwa man o kanan ay sa iyo lamang lilingon. Pangako, sabay nating babagtasin ang mga daan at pasan kita sa ano mang dulo.
Mahal ko, kapag sinabi kong naliligaw ako, ang ibig kong sabihin ay sa iyo patungo ang lahat ng daan at hindi nila tayo kayang diktahan. Dahil sa mundong punong-puno ng hiwalayan, ikaw ang nag-iisang hantungan. Palaging sapat ang katatagan. Hindi magiging marupok sa ano mang laban at hindi matutupok ang ating sumpaan. Ito ang walang-hanggan. Ikaw ang aking walang-hanggan.
“Palagi akong maniniwala sa pag-ibig.
Palagi akong maniniwala sa atin.”
“Wala na rin naman kahit na balikan...”
Hindi ko alam kung saan nagsimulang magbago ang lahat; kung nagising ka ba na hindi mo na ako mahal, o may nagawa ako na hindi mo nagustuhan. Hindi ko alam kung paano tayo nawala dahil nasanay akong lagi tayong masaya. Sabi mo, wala namang problema. Naniwala ako dahil palagi mong sinasabi na magtiwala lang ako sa ’yo. Hanggang sa biglang nagbago ang lahat. Hindi ko na matagpuan ang kalma. May kung anong mabigat na sumasalubong sa akin tuwing umuuwi ka. Iniisip ko na lang na baka pagod ka. Na bukas pagkatapos mong magpahinga ay maayos na. Pero hindi.
Kapag sinabi kong nagbago na ang lahat, ang ibig sabihin ay hindi na natin kayang ibalik ang nakaraan. Hindi na natin kayang balikan kung paano tayo nagsimula hanggang sa kung paano natin naging “tahanan” ang isa’t isa. Alam kong hindi ito ang pinangarap nating wakas. Nangako tayo na sa anumang dulo ay tayo ang magkasama pero hindi pala magiging ganoon ang eksena. Ang bawat espasyo ay okupado na ng “paalam” at naiwan na naman ako sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong mabalikan kahit sumugal pa tayo nang isa pa. Nakakapagod na rin dahil parang wala na tayong pinanghahawakan. Kumakapit na lang tayo sa wala. Sapilitan na lang ang lahat. At kung ipagpapatuloy pa ay mas masasaktan lang.
Pero aaminin ko, minsan kong hiniling na maging maayos pa ang lahat. Na baka sa susunod na pagsugal ay hindi na ganito kasakit ang magmahal.
Pero, Mahal, masakit pa rin pala. Masakit pa rin na ipaglaban ka.
Hindi mo kasalanan na hindi mo pa kayang magpatawad. Walang salitang “agad” sa pagpapatawad.
Hindi ito isang paligsahan o pabilisan na makapunta sa finish line. Hindi ito isang bagsakan. Hindi ito isang uri ng bagay na ibibigay mo agad nang hindi ka handa. Ang pagpapatawad ay pinaghahandaan. At hindi mo kasalanan na nahihirapan ka. Na nasasaktan at nadudurog ka. Hindi mo kasalanan na naghihintay sila nang matagal at hindi mo kasalanan na makaramdam ka ng pagkapagal. Sa pagpapatawad, hindi ka mabubuo agad. Hindi ito nangyayari sa isang iglap. Hindi ito nadadaan sa ilang libong sulyap. Dahil sa tuwing naaalala o nakikita mo ’yong dahilan kung bakit kailangan mong magpatawad ay doon mas bumibigat. Kaya siguro, mas madali na magpaalam kaysa magpatawad dahil kahit nagpaalam ka, hindi nawala ’yong sakit sa bawat alaala—mapait man o masaya.
Ang pagpapatawad ay pagtanggap na may mga bagay na kailangang magwakas. May mga tao na kailangang lumisan. May mga panahon na kailangang masayang. May mga desisyon na kailangan ding magkamali bago mo matutuhan ang kabaligtaran. Ang pagpapatawad ay isang mahabang proseso ng pagtanggap, paghilom, at pagbangon. Hindi ito dapat minamadali, bagkus ay pinaglalaanan ito ng panahon. Kayâ tuwing sasabihan ka ng ibang tao na magpatawad ka na at kalimutan na ang nakaraan nang agaran, huwag mo silang pakinggan dahil hindi ka [rin] nila kayang pakinggan. Hindi nila kayang pakinggan kung saan nanggagaling ’yong bigat, ’yong sakit, ’yong hapdi. Hindi ka nila maiintindihan at hindi mo naman kailangan ng pag-iintindi nila.
Magpatawad ka kapag handa ka na. At palagi mong tatandaan na ang pagpapatawad ay isang proseso na kung saan may mga pagkakataong gugustuhin mong huminto at magpatuloy. Hindi palaging maayos ang mga araw ng pagpapatawad. At hindi mo kasalanan ang kasalanan ng taong pinapatawad mo. Hindi mo kasalanan na naghihintay siya ng kapatawaran mo. Hindi mo kasalanan na nahihirapan ka ring patawarin ang sarili mo.
Kung kaya’t magpatawad ka kapag kaya mo na. At hayaan mo silang maghintay at matulala sa pinakamatatag na ikaw, balang-araw. Pasasaan ba’t makakauwi ka rin sa dating ikaw.
Huwag madaliin,
bagkus unti-untiin.
The one that holds his promise to you will never leave you alone in the darkness moments of your life..
He will stay with you no matter what ..
Minsan mahirap magpanggap na masaya Kong alam mo sa sarili mo na durog kna..tinatanong ko ang mga katagang minsan mo ng binitawan. .yung minsan pinagsaluhan natin ang masasayang ala ala na ngaun isang ala ala pa rin..
Di mn tayo mgaktugma ng hangarin pero nais ko pa rin tugmain ang naumpisahan kong damdamin. .. nasa taas ka mn ng pangarap ko na pinipilit Kong abutin hihilahin ka nmn ng bugso ng damdamin..
Mahal ,,bakit nangyari to sa atin..pinahiram ka lang ba para ako ay magising sa katotohanan na d ka magiging akin..o pinagtagpo tayo para para alamin Kong ano ang mga dapat na itama sa akin..
Makakatagpo ka tlga ng taong mahirap hanapin yung minsan mapasa iyo at bgyan ka ng pansin. .pero pagtinangay ang damdamin mo isang dakmang Luha ang ibubulong mo sa hangin..
Cguro hanggang dto nlng ang naming ilusyon na kay tagal Kong kinimkim ang bgyan ng kalayaan ang bugso mg aking damdamin......
Masakit ito pero ito rin ang pinakamasaya:
Lagi kong ipinagpapasalamat na pinahintulutan ng langit na magtagpo ang landas nating dalawa. Na sa iyo ko natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Salamat sa pag-ibig mong walang kapantay. Salamat sa pagtanggap mo sa buhay kong kasinggulo ng politika. Alam kong noong una palang ay ramdam mong hindi magiging madali ang mahalin ako pero salamat dahil inilaban mo pa rin ako kahit hindi sang-ayon sa atin ang buong mundo. Salamat dahil itinuring mo ako bilang iyong sariling uniberso.
Salamat dahil ikaw ang nag-iisa kong tahanan sa bawat maghapong nakakapagod. At kahit maagang nagtapos ang ating kuwento, palagi ko pa ring iibigin ang ibigin ka sa anumang aspekto. Hindi ko kailanman tatanggalin sa sistema ko ang mga itinuro mo. Ikaw pa rin ang lakas ko. Ikaw pa rin ang bumubuo sa mga araw ko. Ikaw pa rin kahit ibang direksyon na ang pinili ng puso mo. Sa iyo pa rin ako kahit ilang pagtatapos pa ang dumating. At hindi mo naman ako kailangang suklian o mahalin ulit pabalik. Gusto ko lang malaman mong walang kinikilalang distansya ang pag-ibig. Mamahalin pa rin kitá sa malayo, sa mga sulyap, sa bawat pagtitig sa ating mga larawan, at mamahalin pa rin kitá kahit umabot pa sa puntong hindi mo na ako gustong maalala.
Palagi pa rin akong babalik sa unang araw na nakilala kitá. Palagi akong babalik sa pag-ibig na binuo nating dalawa. At kahit mag-isa na lang ako ay patuloy kong tatanawin ang ating nakaraan. Dahil, Mahal, kuwento lang naman natin ang nagtapos pero hindi ang pag-ibig ko sa ’yo.
At oo, inaamin kong nadurog ako noong iniwan mo ako pero masaya pa rin ako dahil ang kapalit pala no’n ay ang mahanap mo ulit ang sarili mo.
“Mahal, sulit pala ang lahat ng iniluha ko dahil masaya ka na ngayon.”
May mga bagay tlga na di na dapat pang ipilit....
Palagi mo akong pinipili noon—kahit anong mali, kahit anong pagod, kahit
ay laging ako ang inuuna mo. Nanatili ka at laging lumalaban kahit maraming dahilan para bitiwan ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon mo ako kamahal noon. Para bang mas mahalaga pa ako kaysa sa mga naunang tao sa buhay mo. Para bang kaya mong talikuran ang lahat para lang hindi ako mawala.
Pero ikaw pala ’yong mawawala.
Ikaw pala ’yong magsasawa. Kung sa bagay, wala naman akong karapatan para magreklamo dahil ako lagi ’yong mali. Ako lagi ’yong nagbibigay ng dahilan para mapagod ka. Pero hindi ko gustong mapagod ka. Hindi ko gustong mawala ka. Hindi ko gustong mauwi ang lahat sa wala. Maniwala ka—mahal kitá. Pero siguro nga, totoo ang sinasabi ng ibang matatanda: hindi sapat ang pagmamahal. Kailangan ay sinasamahan ito ng paglago at pang-unawa. Doon siguro ako nagkulang kaya mas pinili mo na lang na mang-iwan.
Kaya’t oo, hindi ko sisisihin si tadhana. Ang magagawa ko na lang ay manalangin na sana, ’yong susunod mong mamahalin ay iingatan ka nang sobra. Sana, ikaw naman ’yong laging ipaglaban at hindi balewalain ang mga gusto mo sa buhay. Sana, sa susunod na magmamahal ka ay hindi mo na kailangang magpatawad nang magpatawad dahil deserve ng puso mo ’yong ligaya na hindi lang panghanggang-simula kun’di panghabangbuhay na.
Pero kahit wala ka na ay mananatili [pa rin] itong pagmamahal. Palagi kitáng maaalala sa lahat ng araw na inilaban mo ako bago sukuan. Salamat sa lahat, Mahal.
Hindi madaling magsabi ng “Babay”.
Ito ang pinakamahirap sa lahat—ang magpaalam sa isang kuwentong hindi nasimulan. Ang hirap. Nakadudurog. Nawasak ako nang ilang beses. Hindi mo alam kung ilang ulit kong kinumbinsi ang sarili na totoong minahal mo ako pero lagi akong nabibigo dahil bigla ka na lang naglaho. Ganoon nga siguro talaga—maaalala kita sa kung paano mo ako iniwan.
Hindi madaling magpaalam. Alam ko... Alam ko noong una palang na magiging kahinaan ko ang palayain ka. Hindi sapat ang pakikinig sa mga lumang awitin para malimutan ka. Hindi sapat ang paglalakbay sa alapaap. At kahit matanaw ang mga minsang pinangarap ay hindi magiging sapat. Naiwan pa rin ang puso ko sa unang beses na kinumusta mo ako, sa unang beses na dinalaw mo ako tuwing nalulungkot, at sa unang beses na ipinagtimpla mo ako ng kape para mapawi ang luha sa mga mata ko.
Ganito kitá palaging maaalala—tatambayan ko ang mga alaala. Maaalala ko kung paano ka umalis kaysa sa kung paano ka minsang nanatili. Masakit... Oo, masakit pa rin. Hindi nagbago ’yong hapdi. Nakaukit ang bawat pait. At itinuturing kong kahapon ang bawat ngayon. Iniisip kong sana ay naisip mo man lang ako bago ka lumayo.
Pero baka nga, hanggang dito na lang ang lahat ng iyong ipinangako. Baka, hindi talaga nakatadhanang maging táyo. Dahil kung oo, bakit narating mo ang dulo nang wala ako?
Kaya’t paano ako magpapaalam sa ating kuwento, kung ikaw pa rin ang itinitibok nitong puso?
Mahal, paano?
Better to leave you than to have you as one of my options ..
I know I hurt you so many time..for I choose to be loved by someone who holds my life..
I intended to keep you in my heart but my mind speaks up to do it right..
Nights and days I always ends up of saying I love you more than you'll never know..while I wipe the tears that flows in my eyes..a tears that awakes me to stop making things possible with you..
The lights that warmed my nights. .thinking of the things so I can make it bright..my heart filled with consciousness..worries if I should leave you by my side..
It truly hurts to leave you ..knowing I love you so much as you have love me back..
Time will heal us together and start pretending we're gonna be fine. ..
Mahal kita pero baka hindi pa ikaw.
Mahal naman kita pero minsan hindi táyo nagtutugma. Sabi mo no’ng isa araw, sa simbahan táyo magtatagpo pero bigla na lang nagbago ang isip mo. Sabi mo, doon na lang sa Luneta—sa mas maraming tao. Tapos sabi mo, kakain táyo sa may turo-turo pero makalipas ang ilang minuto, sinabi mong sa bahay na lang táyo magluto. Mahal naman kita pero hindi ko alam kung paano maging sigurado sa táong punong-puno ng ‘siguro’. Hindi ko alam kung nagkataon lang na kulay asul ang gusto ko pero kulay p**a naman ang sa ’yo. Mababaw lang kung titingnan pero malalim ang pagtingin ko sa mga bagay na hindi nagtutugma.
Mahal naman kita pero parang may mali. Mahal kita pero bakit palaging ikaw na lang ’yong tamà. Ang mga desisyon mo palagi ang nasusunod. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Sabi mo, manatili lang ako sa tabi mo. Pero paano ko pipiliing manatili kung nagiging pilît na ang mga ngiti? Mahal naman kita pero parang hindi na ’yon ang pinakamahalaga. Gusto kong isipin na tamà ang desisyon kong tumaya sa ating dalawa. Pero parang lagi na lang kinukuwestiyon ng tadhana ang ating pagmamahal. Puwedeng baka pagsubok lang ang lahat pero puwede rin namang hindi talaga táyo ang nakatadhana sa isa’t isa. Baka masiyado nating pinapagod ang ating sarili sa walang patutunguhan.
Mahal naman kita pero pati ang buong mundo ay hindi sang-ayon sa ating dalawa. Mahal naman kita pero masiyado kang mahilig na sukatin at bilangin ang mga pagkukulang. Nakakasakal na minsan. Mahal naman kita pero mas gusto ko ’yong pagmamahal na malaya pero nagtutugma. ’Yong pagmamahal na hindi perpekto pero sigurado. ’Yong pagmamahal na hindi nababalot ng takot. ’Yong pagmamahal na marunong makinig, magbigay, at tumanggap.
Mahal naman kita pero baka hindi na ikaw. Mahal naman kita pero baka masiyado nating minadali na piliin ang isa’t isa. Mahal naman natin ang isa’t isa pero tamà pa ba itong pagmamahal?
Baka, hindi na.
Baka, sa iba ka talaga nakatadhana.
At baka, mas kailangan na kitang pakawalan kaysa ingatan itong mga sugat.
Mahal kita pero baka hindi pa ikaw.
Mahal naman kita pero minsan hindi táyo nagtutugma. Sabi mo no’ng isa araw, sa simbahan táyo magtatagpo pero bigla na lang nagbago ang isip mo. Sabi mo, doon na lang sa Luneta—sa mas maraming tao. Tapos sabi mo, kakain táyo sa may turo-turo pero makalipas ang ilang minuto, sinabi mong sa bahay na lang táyo magluto. Mahal naman kita pero hindi ko alam kung paano maging sigurado sa táong punong-puno ng ‘siguro’. Hindi ko alam kung nagkataon lang na kulay asul ang gusto ko pero kulay p**a naman ang sa ’yo. Mababaw lang kung titingnan pero malalim ang pagtingin ko sa mga bagay na hindi nagtutugma.
Mahal naman kita pero parang may mali. Mahal kita pero bakit palaging ikaw na lang ’yong tamà. Ang mga desisyon mo palagi ang nasusunod. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Sabi mo, manatili lang ako sa tabi mo. Pero paano ko pipiliing manatili kung nagiging pilît na ang mga ngiti? Mahal naman kita pero parang hindi na ’yon ang pinakamahalaga. Gusto kong isipin na tamà ang desisyon kong tumaya sa ating dalawa. Pero parang lagi na lang kinukuwestiyon ng tadhana ang ating pagmamahal. Puwedeng baka pagsubok lang ang lahat pero puwede rin namang hindi talaga táyo ang nakatadhana sa isa’t isa. Baka masiyado nating pinapagod ang ating sarili sa walang patutunguhan.
Mahal naman kita pero pati ang buong mundo ay hindi sang-ayon sa ating dalawa. Mahal naman kita pero masiyado kang mahilig na sukatin at bilangin ang mga pagkukulang. Nakakasakal na minsan. Mahal naman kita pero mas gusto ko ’yong pagmamahal na malaya pero nagtutugma. ’Yong pagmamahal na hindi perpekto pero sigurado. ’Yong pagmamahal na hindi nababalot ng takot. ’Yong pagmamahal na marunong makinig, magbigay, at tumanggap.
Mahal naman kita pero baka hindi na ikaw. Mahal naman kita pero baka masiyado nating minadali na piliin ang isa’t isa. Mahal naman natin ang isa’t isa pero tamà pa ba itong pagmamahal?
Baka, hindi na.
Baka, sa iba ka talaga nakatadhana.
At baka, mas kailangan na kitang pakawalan kaysa ingatan itong mga sugat..
Ito ’yong pag-ibig na masakit.
Ito ’yong pag-ibig na hindi ko akalain na magiging ganito kasakit. Ang alam ko lang, masaya naman táyo noon. Nakukuntento na táyo sa mga simpleng kumustahan at mga halakhakan. Akala ko, magkapareho táyo ng nararamdaman pero hindi naman palá talaga lahat ng akala ay tapat.
Traydor ang mga akala nating maaayos pa pero hindi na. Nauwi lang ang lahat sa mga ‘puwede na’ pero hindi na palá sapat. Kasi akala natin, makakaya pang ilaban kahit masakit. Akala natin, lahat ng pagmamahal ay magtatagal basta nagmamahal. Pero paulit-ulit na lang ang lahat. Nauubusan din táyo ng lakas. Hindi lahat ng akala nating matapang sa pagsugal ay matapang din para yakapin ang pagmamahal na wala paláng kasiguraduhan.
Siguro, masiyado lang táyong nasanay sa pag-ibig na palaging inilalaban kahit may masasaktan. Palagi nating ginugusto ang magmahal nang hindi ganoon ka-handa. Akala natin, sapat na ang basta magmahal lang—pero hindi. May mga pagmamahal na kahit ilaban natin, magiging masakit pa rin sa huli dahil hindi ’yon ang pagmamahal na para sa atin.
Kaya naging ganito kasakit ang mahalin ka dahil hindi pa ikaw ang nakatadhana kong maging tahanan. At may mga pagmamahal talaga na susubukin ang ating katatagan. Higit sa lahat, natutuhan kong lahat ng klase ng pagmamahal ay masakit pero hindi ko sinasabing nararapat para sa atin ang masaktan nang masaktan ng maling pag-ibig.
Baka kaya masakit dahil mali. At ang tanging paraan para maituwid ang mali ay magparaya nang paunti-unti.
Ilang beses akong winasak ng pagmamahal. Na akala ko, kapag nagmahal ka, palagi kang bubuoin nito kahit ilang bagyo pa ang dumating at kahit ilang beses ka pang pigilan ng tadhana. Akala ko, kapag nasa ’yo na siya, hindi na siya maaagaw ng iba o hindi na siya kayang agawin ng sinuman. Akala ko, magaan lang. Akala ko, hindi ako madadapuan ng anumang klase ng bigat.
Pero hindi.
Hindi ko alam kung bakit hinayaan kong wasakin ako ng pagmamahal. Marahil ay naisip ko na bakâ makakaya pa táyong isalba ng mga alaala. Na bakâ hindi pa huli ang lahat para piliin ulit natin ang isa’t isa. Pero hindi. Hindi na natin kinaya. Hindi na natin alam kung paano ang manatili sa pagmamahal na sabay nating binuo no’ng una. Hindi na natin kabisado ang daan, ang patutunguhan. At tila naligaw na rin ang pagkapit. Inililigaw táyo ng mga pagkabigo. Subali’t palagi táyong umaasa na mahahanap natin ang daan pabalik kahit napakalabo nang mayroon pang kumapit sa atin.
Pero iyon na palá ang huling sandali.
Palagi kitáng binubuo at pinipili sa araw-araw. Palagi kitáng pinapatawad sa bawa’t pagkakamali kahit alam kong ito ang wawasak sa akin. Palagi kitáng mahal. Pero palagi ko na lang ba kailangang maramdaman na parte lang ako ng eksena at pagkatapos ng pagbisita ay maiiwan lang sa gitna?
Palagi ko na lang ba kailangan ko na tlgang manahan sa pagkapit pa o pagbitiw...
Spoken heart love..pain..hurts..doubt..worries..sadness..hidden pain..lessons..comfort..care..happiness
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Kuwait City