Joan’s Video Diary

Hello sa lahat! Ako si Joan, isang full-time housewife, daily vlogger. ⭐️

Photos from Joan’s Video Diary's post 08/10/2023

Disclaimer: Appreciation post ito, pero magrarant lang ako ng konti po. 🫰🏼

Minsan sa isang bwan napapatanong ako kung bat kasi kailangan ko pang maging babae — ang hirap, ang sakit, nakakairita, nakakapagtampo.

Isa sa mga araw na yun yung ngayon. 😩

Masaya naman yung gising ko kanina, e. Excited pa nga ako kasi nga days-off ulit ni Hans. Pero bago kami lumabas, aba iba na po. Ang sakit na ng balakang at lower back ko. MASAKIT, periodt. Tapos sinabayan pa ng cycle ko. Pano na po? 🫠 Halos di ako makalabas at makapasok ng sasakyan kanina, ang hirap magbend 🫠

Na-amaze nga ako kanina dun sa buntis na nasa simbahan after ng misa. Pagkasawsaw niya sa holy water ng daliri niya, habang karga-karga niya yung toddler niyang anak (feeling ko 2-3y/o yung cute na bata na yun, e), lumuhod siya na parang wala lang. Sign of the cross, AMEN! Luhod sa floor na parang hindi siya buntis at may kargang bata. 😳 I mean, Ate, howwwwww?

Matanda na ba talaga ako o overused yung likod ko? Ewan ko. Hahahayyyy. So ayun na yung rant ko.

——————————————— 🤍

Thank you Lord may Hans.

Madami kaming away, lalo sa mga araw na extra sensitive at sobrang iritable ako. You know, hormones and kaartehan. Pero napapathankyou Lord na lang talaga ako sa haba ng pasensiya niya sakin.

Hirap na hirap ako bumangon kanina (until now, actually). Pero pinilit ko kanina kasi nga kung hindi magiging mukhang murder scene yung bed namin. Hindi rin ako makapagluto kasi sumasakit lalo likod ko pag nakatayo o nakaupo ako. So pag labas ko ng kwarto, itong nasa picture yung eksena sa kusina. Tapos may piano music sa background.

Lagi niya tinatanong bat daw siya. Aba, malay ko! Si Lord nakakaalam, a. Ang alam ko lang ramdam ko yung peace knowing na itong taong to yung kasama kong tatanda. 🤍

P.S.
Maliban sa haba ng pasensiya ni Hans, masarap din siya magluto. 🥰

Charles De Guzman 😘

07/10/2023

Live si Charles

Pinoy Dairy Farmer's Journey ⭐️

05/10/2023

Okoy, pero bite size. 🤤 Disclaimer: Wag niyo po masyado i-judge, ha. Naparami kasi yung paprika kaya instead maggolden brown, ganyan yung kinalabasan. 😆 Pero naubos yan ni Hans. ⭐️

Nakakamiss yung okoy ni Ate Ipay sa Old. 7 pesos ata yun isa non. Di ko na alam kung magkano, pero isa yun sa mga bumuhay sakin non sa CLSU. Kapag naubusan ako ng ulam sa loob, swerte pa din pag may okoy. ☺️ Okoy, lumpia tapos yung s**ang masarap!

NAALALA KO LANG…

Natuto akong magtipid sa CLSU ng sobra. Hindi nagkulang ng support ang family ko sakin non college, pero hindi kami mayaman. Kaya ang allowance non, sakto lang. Sakto lang kung matututo kang mag-budget. Kaya natuto ako.

Ang training ko non, ililista ko lahat ng ginastos ko sa buong araw — pamasahe sa trike, contri sa dorm, breakfast, merienda, lunch, dinner, etc. LAHAT. Bakit? Para makita ko kung alin sa mga yun ang necessities ko at ano yung wants ko lang. Mahirap magtipid pag maraming wants, focus dapat ako sa needs ko.

Example:
Instead magtrike ako non, maglalakad na lang ako mula Dorm 6 hanggang CAS. Kasi ang pagttrike non, hindi ko siya need unless late na ako sa klase ko. 😆🤍

So, anong point? Marami:
1. Namiss ko yung okoy kila Ate Ipay at kung gano kamura, kasimple at kadali ng buhay sa CLSU;
2. Akala ko yun na yun non, e. Yun yung reality ko non, pero hindi yun yung buong realidad ng life, sa true lang; atttt
3. Tama yung sabi nila Chiz E. at Heart E. — hindsight is 20/20.

Dami kong alam. 😝

Ito na nga lang yung laman ng okoy:
- kalabasa
- carrot
- parsnip
- tirang tinapa
- mabangong paminta
- asin
- egg
- flour
- paprika at paminta
- tubig
- PAGMAMAHAL 😘

Ito yung sa s**a:
- s**a
- water
- as**al
- sili at bawang galing sa artem
- asin
- paminta
- sibuyas
- PAGMAMAHAL ulit, syempre.

Ayon si Hans, na-umay. Charrrr. 😆

Photos from Joan’s Video Diary's post 25/09/2023

You. Me. Always. Constant.

22/09/2023

Hello!

Guyyyysssss. Nakakaloka. Inabot kami maghapon sa paglalaba 😆 pero okay lang, hindi source ng stress. Ang importante, happy vibes pa din. Weekend na, sana lahat ng magdday-off makapagpahinga.

Wag kalimutan alagaan ang sarili. Ingat! Love love. 💛

Photos from Joan’s Video Diary's post 21/09/2023

Post na tin to para iwas buro sa mga pictures. 😆

Sweet namin, ano po? Ayieeee.
Pinoy Dairy Farmer's Journey

20/09/2023

Salamat po sa pag-follow! 🤍

Shirley Catalan, Paul William De Vera, John Andrew, Data Safe, Saruki Saruki

Photos from Joan’s Video Diary's post 19/09/2023

Di ko alam, ha. Pero sabi non photographer ko ng time na yan, i-cross ko daw yung arms ko. So ayon. Awkward pose for everyone! 🤣

Pinoy Dairy Farmer's Journey Thank you! 😘

19/09/2023

Hello po sa lahat!

Nagsisimula ng uminit, nagsimula na kasi talaga ang spring. Kaya kanina sinimulan ko na maglinis ng mga bintana. Noong winter kasi, kahit gusto ko, hindi pwede kasi mahihirapan matuyo. Pero kanina sandali lang, mas tolerable din ang paggamit ng tubig. Hehe. Happy Tuesday!

Please like and share!

Wag kalimutan alagaan ang sarili. Ingat tayong lahat. ⭐️

15/09/2023

Hallaaaa!! 300 na kayo 🥹🤩 Sobrang thank you sa mga patuloy na nagsusupport sa page ko na to. Konti lang po tayo dito pero naappreciate ko pa din ito ng sobra. Virtual hug sa lahat ng nagfollow, nagsshare, nanunuod, at nagcocomment sa mga vlogs, reels at posts ko dito. Thank you po ulit! ⭐️

14/09/2023

Hello!

Nacurious ako tignan ung cemetery nila dito. Sobrang konti lang kasi ng laman tapos minsan may mga baka din na nakasuga. Hehe. Tapos sa wakas, natikman na namin ulit ung Biscoff cronuts ng Viands Bakery 🤩 Sa park kami kumain para makapag-relax na din. ☀️

Ingat!

Send a message to learn more

Photos from Joan’s Video Diary's post 14/09/2023

Oh, spring. 🌸

Will be posting behind the scene, too. ☀️

14/09/2023

Lunch date sa bahay. ☺️

12/09/2023

Hello sa lahat!

Sumama ako sa milking ngayon. Non pauwi na kami, nakita namin ung mga beehives kaya nilapitan na din namin. In bloom pa ang mga manuka, pero malamig kaya nasa beehives lang muna kanina ung mga bees. Pero pag mainit na, kahit sa bahay nakakarating sila 😆

Ingat!

12/09/2023

Cowgirl ulit ako today. 🐮

Want your business to be the top-listed Media Company in Te Awamutu?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Moana pala. ☀️ #aiphoto
I’m proud to present to you…TUBE BOY! 😆Disclaimer: Hindi ko siya pinilit. 🫣 #tubegirl #tubegirltrend #dayoffvibes
Nakakaloka silang dalawa. 🥹🤣 #fyp #mentalhealthawareness #pinoyreels
Wykmyk. 🫣🫣🫣 #fbreels
Huyyyy. 🤣 #fyp #reelsfb
Hello. Sa totoong buhay.. 🤣 Kung pano nakakatagal si Hans, hindi ko rin po alam. 🤣🤣 #fyp #profilepicture #reelsfb
1 month pa lang kayo ng jowa mo. 🤣 #funnyreels
Wykyk. Hindi ko pwedeng palampasin tong reel na to. 😆 Hello. Good morning! Happy Friday! #fridayvibes #HIBABY Pinoy Dair...
Tag niyo siyaaa. Char. 🤣 #girlattitude #whatsthetea #thetea #facialexpressionsonly
Sound on para sa malutong na tunog ng buto-buto ko 🤣 #asmr #couplelife #couplecomedy #fyp #reelsviral #reelsfb #reels202...
Guysssss. 🤣🤣🤣 #fypシ゚viralシ #fypシ゚ #fypシ゚viral #fyp #fbreel #fypreel #reelfunny #funnyvideos #funnyviralreels #reelsviral...
Alam mo niyo yun? 🤣 #fypシ゚ #fypviralシ #viralreel #fbviralreels #viralreelsfb #reelsfb #reelsviral #reels2023 #funnytagal...

Category

Telephone

Address

Te Awamutu
3880
Other Video Creators in Te Awamutu (show all)
Messaoud ahdidan Messaoud ahdidan
Te Awamutu

Digital creator

Essy sa NZ Essy sa NZ
12 Haultain Street Kihikihi
Te Awamutu, 3800

🇵🇭🇳🇿 💚