Mga Salita ng Pagkabigo, Pagluha at Pagbangon

Mga Salita ng Pagkabigo, Pagluha at Pagbangon

Writer

02/08/2023
29/11/2022

-As long as there is hope in your heart, you are not alone on this path. 💜

23/10/2022

Tulad ng buwan, aalis ka rin pagdating ng araw.

Ngunit ang nararamdaman ko ay hindi mababaw at malabnaw. Ang uri ng pag-ibig ay totoo, puro at walang hanggan na handang magtiis at maghintay hanggang ika 'y muling masilayan sa madilim at tahimik na kalawakan.

Ika 'y aking buwan sa gitna ng mga nagkikislapan at nagni-ningning na mga tala. Buwan na hindi ko batid kung bukas makalawa sa akin 'y lilisan at hindi na maapuhap pa.

Mananatili kang aking buwan na tanging kaulayaw sa gitna ng gabing balot ng katahimikan at kadiliman- kahit walang kasiguraduhan na pagsapit ng araw ikaw ay hindi na muling masilayan.

Salamat sa pagtanglaw ng mga panahong balot ako ng kadiliman. Ikaw ang saksi sa gabi-gabing pagbuhos ng aking mga luha habang yakap ang aking unan.

Salamat aking buwan, nawa 'y ikaw ay aking muling masilayan pagdating ng araw.

-Ehnna/ Annee Writes
Mga Salita ng Pagkabigo, Pagluha at Pagbangon

03/09/2022

Mga tulang sariling gawa at punong-puno ng puso! Ramdam ang tuwa, lungkot, sabik, pait, galit at sakit. Nawa'y huwag husgahan, nais ko lamang ibahagi ang aking nararamdaman!

17/08/2022

Patuloy nating pinapaniwala ang sarili natin na mahal natin ang isa't isa at tayo talaga marahil ang nakatadhana.

Nilulunod natin ang sarili natin sa mga ngiti, kilig at tawa pero sa kaibuturan ng isip natin batid nating lahat ay kunwari lang at pansamantala.

Dahil pagsapit ng dilim kung saan balot na ng katahimikan ang kalawakan, nasa isang sulok at malungkot na nakatingala sa buwan.
Buwan na malungkot na nakatunghay sa'yo na tila ba nakikisimpatya sa kahungkagan mong nararamdaman.

Madilim, tahimik at tulog na ang lahat.
Ngunit ikaw ay dalawang matang dilat, maraming mga tanong sa isipan at mga kasagutan ay pilit hinahanap.

Sa huli'y, hinahayaan kong mabaklas at mahubad ang suot kong maskara at hindi na nag aksayang punasan ang mga luhang namamalisbis sa'king pisngi.
Pagod na akong ngumiti ng peke at magkunwari.

Sa paghubad ko ng aking maskara at hayaang masilayan ng madla ang aking matang mugto ay may bakas ng pagluha.

Tanggap ko na!
Tanggap ko na, na nagsilbi lamang nating pansamantalang tahanan ang bisig ng isa't isa, habang pilit hinihilom ang sarili at puso mula sa mga taong labis nating minahal pero iba ang mahal.

-Ehnna

15/08/2022

When you meet your old classmates, many of them want to know what you are doing right now. Not because they care but because they want to assess if they are more successful than you in order to know whether to respect you or to look down on you. 🤭🥴

-Ehnna

Photos from Puhon-Padayon's post 05/08/2022

-Ehnna🖤

Photos from 11:11's post 26/07/2022
26/07/2022

😂

24/07/2022
30/06/2022

Be one of us. Message Puhon-Padayon page po.

22/06/2022

Maaari bang humiling?

P'wede bang bumalik na tayo, sa dating tayo?
Yung tayo na totoo, 'yung wala pang siya sa eksena.
Hindi naman siguro kalabisan ang hinihiling ko diba?

Maaari bang ipagdamot kita?
Napapagod na rin kasi akong makipagkompetensya sa kanya,
Masaya at kontento naman tayo dati- nuong hindi ka pa natutong magsinungaling at magkunwari.

Maaari bang bumalik na tayo sa dating tayo?
Yung walang gamitan at eksena ng panloloko,
Maaring nakikita mo akong masaya at naka ngiti, Pero katulad mo, natuto na rin akong magkunwari.

Dahil sa ilalim ng mapanglaw na liwanag ng buwan, nakahilig ako sa kanyang kandungan habang mapait na nakangiti,
Habang tahimik na humihikbi dahil nakakapagod na ring magkunwari na ayos lang tayo, na mayroon pang tayo.

Sana bago mo ako sinaktan tinanong mo muna ang sarili mo kung kailangan pa ba?
Puwede naman nating tapusin at tuldukan ang binuo nating kuwento, nang walang sakitan at pang-gagago.

Magpaalam ka lang!
Hindi ko rin kasi deserve ang masaktan at basta nalang iiwan sa kawalan.

-Ehnna

Timeline photos 20/06/2022

🥳🥳 Proud of you self. Goodluck!

02/06/2022

Nowadays parang hindi na sagrado yung kasal. Parang joke nalang yung relationship at option nalang ang commitment. Kaliwa't kanan na ang hiwalayan na ang madalas na reason ay third party or cheating.

Hayst. Sana bago magloko ask niyo muna sarili niyo kung deserve ba ng partner ni'yo ang pagtaksilan at lokohin. Ang akala kasi nung mga nag ch-cheat kapag nag sorry na sila ng sincere, akala nila okay na. Pero hindi. Yung partner nilang naiwan, she/he will question herself/himself kung saan sya nagkulang, anong mali sa kaniya hanggang sa magiging trauma na dadalhin nya habambuhay.

'Yung pagiging iresponsable ng partner nila, sila yung nag s-suffer. You see, dahil sa cheating, yung partner n'yo ma d-depress, magkakaroon ng anxieties, magkakaroon ng low self-esteem at halos segu-segundong kukwestyunin yung worth nila- kung bakit hindi kayo nakontento sa kanila o hindi kayo satisfied sa love and presence nila.

Kung alam niyo sa sarili niyo, na hindi pa kayo ready sa iisang partner huwag nalang muna kayo pumasok sa relationship, kasi nadadamay yung mga taong gusto ng serious and lifetime relationship.

Cheating is a biggest form of disrespect in every relationship. Kung hindi mo na kayang maging faithful- please just leave.

-Annee Writes

01/06/2022

“Tell the world Johnny. Tell them Johnny Depp, I, Johnny Depp, a man, I'm a victim too of domestic violence and I know it's a fair fight, and see how many people believe or side with you.” - Amber Heard.

He did, the world believed him.

Johnny Depp

31/05/2022

Ang kwento nina Jason at Moira ang isa sa napakaraming kwento na nagpapatunay na kahit gaano pa tayo ka perpekto sa paningin ng lahat, kung yung partner natin hindi marunong rumespeto sa relasyon at kapareha- masisira at masisira pa rin talaga ang pagsasama.

Nakakalungkot lang noh? Kasi yung taong itinuring mong pahingahan at tahanan, nakikisilong lang pala ng panandalian. Ginawa mo siyang pahingahan pero hindi ikaw yung pangarap niyang sisilong at makasama hanggang pagtila ng ulan.

Mas madaya pa nga, kasi pagkatapos nila magloko, hihingi lang ng sorry tapos pakiramdam nila tapos na 'yung kwento ng kanilang panloloko- pero hindi kasi ganuon 'yun kadali.

Pagkatapos ng sorry nila, okay na sila. Pero ikaw? Habang-buhay mo ng baon yung trauma, yung pagtatanong sa worth mo. Walang segundong hindi mo tinatanong ang iyong sarili kung saang bahagi ka may kulang at mali?

Sana kasi, ganuon lang kadali pawiin ang sakit na kanilang hatid. Sana nga yung sakit na pinaramdam nila kayang mawala sa isang tulog o pahinga.

Pero hindi!

Sana bago kayo magloko- tanungin n'yo muna ang sarili niyo kung deserve ba ng taong iyan ang lokohin, gaguhin at pagsamantalahan ang pusong nagmahal lamang.

-Ehnna
Annee Writes

(📸: CTTRO)

31/05/2022

Sa kaliwa't kanang issue ng cheating, betrayal, adultery o kung ano pa mang forms ng panloloko at kawalan ng contentment, I've realized a lot.

Nakakatakot ng sumugal, ano?

Nakakatakot ng pumasok sa panibagong relasyon dahil puno ka ng maraming what if's and dala-dala mo pa rin yung napakaraming questions of how's and why's ng past failed relationship mo.

Sa riyalidad na tila naging normal na lamang ang cheating, parang ang sarap bumalik sa mga panahong sagrado pa ang relasyon lalo na ang kasal. Noong mga panahong itinuturing na kahihiyan ang pagiging manloloko at ang pakikiapid.

Nakakatakot ng magbakasali na makatagpo pa ng partner na irerespeto ka bilang ikaw at handang hawakan ang iyong kamay at sabay sumuong sa mga hamon at unos ng buhay.

Nakakatakot ng pumasok sa relasyon, hindi natin pwedeng isantabi ang ideya na habang buong puso nating binubuhos ang pagmamahal at atensyon sa ating relasyon at ka relasyon, hindi naman pala tunay o dalisay ang kanilang mga intensyon.

31/05/2022

I don't know who need this words. But, yeah.

I just want to say na ang tapang mo. Ang tatag mo. Kasi despite the life's circumstances and struggles you've went through andiyan ka pa rin- patuloy na humahakbang, patuloy na lumalaban at kumakapit sa liwanag at pag asa.

Sa mga sandaling nakakaramdam ka na ng pagod, magpahinga ka. Kung sakaling umabot ka sa puntong gusto mo ng sumuko dahil sa mga masasakit na salitang binabato sa'yo, mga pagdududa sa'yong sarili at kakayahan. Balikan mo ang mga rason at dahilan kung bakit ka nagsimula.

'Yung success, mahabang process 'yan. Hindi mo ma a- achieve in just a snap of your fingers or in just a blink of an eye. Maraming balakid ang iyong pagdadaanan, maraming talahiban ang iyong susuungin at maraming mabakong daan ang iyong lalakbayin ngunit batid kong sa dulo ng mga iyon ay ang pinaka aasam mong success.

So, don't stress yourself, okay? Feel the moment. Be patient with the process. One day, masasabi mo nalang sa sarili mo na; "I'm so proud of you, self. Andaming laban ang inilaban mong mag isa."

30/05/2022

Please read: BEWARE AS THE SKIES OPEN FOR TRAVEL! ✈️

If you travel by air a lot, beware of over-friendly, chatty seat neighbours.

The older lady comes and sits next to me inside the plane. She asked me to help her put her bag in the overhead luggage compartment. But a gentleman sitting across quickly came through. (I am not very tall and the overhead luggage compartment is something I try to avoid at all costs.

Immediately she sits down she strikes up a conversation. She was very pleasant and well spoken. So we chatted all through the flight to Dubai.

Suddenly, when the pilot announced that we were now proceeding to begin our descent into DXB, my good friend 'developed' stomach pains. Me with my good heart, I pressed the stewards button, and the stewardess came to find out what the problem was. I told her my seat mate was not feeling well. And this lady, she suddenly began to address me as 'my daughter'.

The stewardess told me that there was nothing they could do except give her some painkillers and wait until we landed. The pilot announced that we had a medical emergency on board and advised us all to stay calm. My new friend was crying and sweating like crazy. And she refused to let go of my hand... everyone assumed we knew each other.

So we landed at DXB and the same gentleman who helped put up her luggage in the overhead compartment removed her luggage. But as he removed the luggage, he advised me to distance myself from this lady and make it clear to the cabin crew that we were NOT travelling together. He was a godsend!

So indeed, the cabin crew came and asked me if we were related, I categorically told them we had met on the plane. I didn't know her at all. So we began to deplane and as I said goodbye she kept begging me to carry her handbag. I was so torn... but the gentleman looked me in the eye and emphatically shook his head. He passed me a note telling me to let the cabin crew handle her.
So I exit the aircraft and leave my 'new friend' to wait for the wheelchair and be handled by the cabin crew feeling very guilty.

As we waited for our luggage to come through, I hear this commotion. My 'new friend' was running, trying to escape the cabin crew, having gotten out of the wheelchair!

She left the stewardess with her handbag and just ran towards the exit with the rest of her hand luggage! Luckily the airport police were faster than her. They got hold of her and brought her back in handcuffs.

This lady starts calling out to me.. my daughter... my daughter!.. how could you do this to me..... that's when I caught on. She was carrying drugs and she was trying to implicate me!

Luckily for me, the gentleman who had helped her with her luggage came forward and told the airport police that me and her had just met on the plane. The police took my passport and asked her to reveal my full names if it was true we were travelling together.

By God's grace, I had not even told her my first name! I was still asked to follow the police to a little room where I was questioned extensively. Where did I meet her?... where did I board... where did she board. Etc... And my luggage was extensively searched and dusted for fingerprints.

They dusted all her luggage and my fingerprints were not found anywhere on her luggage or on her handbag!

I was let go with advice never ever to touch anyone's luggage either in flight or at the airport. So from that day, I don't care how much luggage you have, you will deal with it yourself. I will not even offer you a trolley to put your luggage on! Your luggage... your problem.... is my policy. And if you can't reach the overhead compartment, and I am the nearest person, please call the cabin crew because all I will do is give you a blank stare and then look away!

A lesson to glean therein for intending air travelers.

***Reposted for Awareness***

NOTE: Be kind, but don't forget to be cautious as well.

29/05/2022

Ilang linggo mula ngayon ay araw ng Kalayaan.

Ngunit, sana ngayon mismo simulan mo ng palayain ang iyong sarili mula sa pang aapi, panloloko, pag iwan, paasa, pananakit at patuloy na pagkapit sa pagsasama, pagkakaibigan at pagmamahalang binabalot na ng napakaraming tanong na paano at bakit.

Tama na sa pagiging marupok.
Tama na sa pagiging mabait.
Tama na sa pagiging maunawain.

Tama na sa lahat ng kabutihang iyong ipinapakita sa kanila. Habang patuloy mo silang pinapakain sa iyong mga palad, ay mas higit mo silang binibigyan ng rason para abusuhin at saktan ka.

Sana kahit walang araw ng Kalayaan, matuto kang magpalaya at humakbang palayo sa mga taong mapagsamantala at hilumin ang iyong sarili ng mag isa.

Araw-araw ay bukas para maging malaya, magparaya at lumaya.

25/05/2022
11/05/2022

- Sa mundong magulo at kumplikado-nawa'y piliin pa rin natin ang pagiging mabuti at marespeto sa kapwa-tao.

Kahit minsan nakakapagod nang umindak sa tugtug ng buhay. Nakakabingi na ang tahimik na mga daing. Nakakasilaw na ang madilim na paligid at kahit may luha na ang mga mata habang nakangiti ang mga labi.

Nakakapagod na ang mamuhay sa kumplikadong mundo na may masayang mukha sa harap ng mga madla, ngunit sa likod ng maskara ay balot ng pait at pagluha.

Sabi minsan ni Ina at Ama, kapag pagod ka na- pahinga ka muna. Sa edad ko, sinubukan ko.. pinilit kong pumikit at humiga ngunit bakit hindi ko pa rin ramdam ang salitang pahinga?

Napagtanto kong hindi lahat ng pagod kayang pawiin ng pagtulog-ng pagpikit at pahinga.

Ang daya ng mundo, ano? Ang bata pa natin pero lunod na tayo ng problema- problema na minsan walang solusyon kundi pagluha at malalim na buntong-hininga.

-Ehnna

29/04/2022

Hayst. Si Nacho at Massimo daw talaga yung end game. BL story po talaga yun. Pagod na kasi si Laura sa Part 3.

21/04/2022

Alam mo kung ano 'yung masakit at nakakapanghinayang na parte kapag may nagawa kang mali?

Walang maniniwala sa pagbabago mo, dahil lahat sila nakabase lang sa kung ano ang mga mali sa nakaraan mo. Mga maling desisyon sa buhay na naging dahilan kung bakit minsan kang napariwara o lumihis ng daan.

Tas, tingin ng mga tao sa'yo; ganuon pa rin. Yes. Maaring ang nakaraan ng isang tao ay habang buhay ng nakaukit sa inyong isipan o nakatatak sa kanyang pangalan, ngunit sino nga ba tayo, para sila ay husgahan? Lahat naman ng tao may pag asang magbago, may pag asang maging matuwid.

Sadyang makitid lang talaga ang utak ng mga tao, dahil ang nakikita lang nila ay ang mga mali mo, hindi ang mga rason o dahilan ng mga pagkakamali mo. Doon lang sila nakafocus sa maling nagawa, hindi sa kung paano at gaano mo nilalabanang makaahon sa putikan ng pagkakamali at tumbukin ang tamang daan-para magbago at tahakin ang daang tama.

-Ehnna

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Al-Sib?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Al-Sib Muscat
Al-Sib