Alternative Learning System - ALS Alobo Daraga
Nearby schools & colleges
Rajshahi Division
Rajshahi Division
Rajshahi Division
Rajshahi Division
Charsadda 24420
Rajshahi Division
Old Malda
Bhagalpur
Rajshahi Division 13210
charkhari, Charkhari
Warsiya Education Hub, Garkha
Rajshahi Division
Rajshahi Division
Huwag ng malumbay. Sa ALS, pangarap mo ay abot-kamay.
Sa ALS Program, ipinapakita natin ang halaga ng pagiging malawak ang pag-iisip at pagiging safe space. Ito ay isang programa na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at pagkakaisa, kung saan bawat isa ay malugod na tinatanggap at nirerespeto.
Dito sa ALS, binibigyang halaga ang mga indibidwal na kwento at layunin, at binibigyang-daan ang bawat isa na maabot ang kanilang potensyal. ✨
Iniisip mo na bang magpalista? Pwes ito ang ilan sa mga kailangan mo, bhie. 🫰
Mag-inquire sa inyong barangay, ALS community learning center, pinakamalapit na pampublikong paaralan, o sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa inyong lugar. Mahahanap mo ang contact details sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
Wag mahihiyang magtanong, kung may ALS po ba dito? 🧐
Makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay, Community Learning Center (CLC), public school, o DepEd Schools Division Office (SDO) ng inyong lugar upang malaman kung saan ang pinaka-malapit na ALS sa iyo.
👉BASAHIN: Ano ang School-based Learning Center (SBLC) at ang Community-based Learning Center (CBLC)?
Para malaman kung saan ang pinakamalapit na ALS CLC sa inyong lugar, direktang makipag-ugnayan sa inyong DepEd Schools Division Office (SDO). Mahahanap mo ang contact details ng mga SDO sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
👉BASAHIN: Ano nga ba ang ang tinatawag na ALS CLC? 🏫
Para malaman kung mayroong ALS CLC sa inyong lugar, direktang makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa inyong lugar. Mahahanap mo ang contact details ng mga SDO sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
Happy friday, mga ka-level up!
Sino ang iyong inspirasyon sa pagpapatuloy ng pag-aaral? 👉👈
https://www.facebook.com/100068637231654/posts/513990170898886/?mibextid=Nif5oz
: Idinaos ng Philippine Commission on Women, UN Women, at UN Philippines ang Breaking the Code: Equality for All through Technology and Innovation kung saan isinig**o ni Vice President and Secretary Sara Z. Duterte na ang mga teenage mothers na nag-drop out para alagaan ang kanilang mga anak ay maaari pa ring magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System.
Ang Breaking the Code: Equality for All through Technology and Innovation ay idinaos noong nakaraang March 8, 2023 sa Samsung Hall, SM Aura, Taguig City.
Mga nasa larawan:
1. Mariel Dela Cruz, ALS JHS learner, SDO Albay
2. VP-Secretary Sara Z. Duterte (Larawan mula sa PCW Facebook)
3. Isabel Barcelon, ALS JHS learner, SDO Camarines Sur
Sa tulong ng ALS, ako ay magiging isang ___? 🧐 Share mo sa comments section ang iyong pangarap, ka-level up!
Interesadong mag-ALS? Direktang makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Mahahanap mo ang contact details ng mga SDO sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
https://www.facebook.com/100068637231654/posts/512416421056261/?mibextid=Nif5oz
Happy International Women's Day mula sa DepEd ALS 2.0! 💖
Ngayong 2023 hanggang 2028, ang tema ng pagdiriwang ng National Women’s Month ay “WE for gender equality and inclusive society”. Ang “WE” ay kumakatawan sa “Women and Everyone” na nagbibigay-diin sa papel ng mga kababaihan at lahat na naghahangad ng gender equality. Ang “WE” ay para rin sa Women’s Empowerment, na makakamit lamang kapag ang mga ahensya, mekanismo, institusyon, pribadong kasosyo, at mga tagapagdala ng tungkulin mula sa pambansa hanggang sa lokal na antas ay nagbibigay sa kababaihan ng pantay na karapatan at pagkakataon, at ginagamit ng mga kababaihan ang mga pagkakataong ito upang isulong ang kanilang sarili. Sa pagkakaisa ng kababaihan at lahat, makakamit natin ang gender equality.
Ipinagdiriwang natin ang National Women’s Month na may pag-asa at ambisyon na WE are all for Gender Equality, WE are all for an inclusive society.
https://www.facebook.com/100068637231654/posts/506366078327962/?mibextid=Nif5oz
Nakikiisa ang Alternative Learning System sa paggunita ng ika-37 taon ng EDSA People Power Revolution na isang halimbawa ng malay na pagkamakabansa nating mga Pilipino.
Tunguhin ng ating kasalukuyang edukasyon na humubog ng mga "functionally literate and developed Filipino" na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga tungo sa pansarili at makabansang pag-unlad.
Sa ALS, sinisikap na bigyan ng nararapat at sapat na edukasyon ang mga ALS learners upang maisakatuparan ang tunguhing ito.
https://www.facebook.com/100068637231654/posts/505105408454029/?mibextid=Nif5oz
Noong nakaraang 19th National Consultative Conference for Regional ALS Focal Persons and Select DepEd Officials, isa sa mga nagbahagi ng kanilang ALS Program learning deliveries ay si Madonna Apang Valencia, isang ALS teacher mula sa SDO Pampanga.
Ibinahagi ni Teacher Madonna ang kanyang mga learning delivery modalities tulad ng face-to-face intervention, modular distance learning, at radio-based instruction. Ibinahagi rin ni Teacher Madonna ang kanilang Basic Literacy Program (BLP) Supplementary Materials in Ayta Mag-Indi Language. Karamihan ng kanyang ALS learners ay mga nanay ng kanyang mga tinuruan noong siya ay naging g**o sa formal school.
https://www.facebook.com/100068637231654/posts/503676305263606/?mibextid=Nif5oz
: Inspirasyon ni April Rose Juridico, isang ALS SHS learner sa SDO Iloilo, ang kaniyang pamilya sa kaniyang pag-aaral. Ani ni April Rose, nais niyang makapagtapos ng ALS SHS upang makahanap ng trabaho at matulungan ang kaniyang pamilya.
Sa pamamagitan ng ALS, nababalanse ni April Rose ang pag-aalaga sa kaniyang mga anak at ang kaniyang na makapagtapos ng pag-aaral.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=489138536717383&id=100068637231654&mibextid=Nif5oz
Ang entrepreneurship o pagkakaroon ng sariling negosyo ay makatutulong hindi lamang sa sarili at pamilya kundi nakalilikha rin ng mga oportunidad para sa kapwa at komunidad. Ito ay maaaring makamit sa kumpletong basic education sa pamamagitan ng ALS.
Galing, kaalaman at kakayahan para sa mas mataas na antas ng edukasyon, skills training, trabaho o pagkakaroon ng negosyo ay makakamit ng out-of-school youth and adults (OSYA) sa kumpletong basic education sa pamamagitan ng ALS.
https://www.facebook.com/100068637231654/posts/485765410388029/?mibextid=Nif5oz
Ang pagkakaroon ng trabahong may dignidad, nakabubuhay sa pamilya at nakatutulong sa pamayanan ay maaaring makamit sa kumpletong basic education sa pamamagitan ng ALS.
Ang mga ALS JHS passers at ALS SHS graduates ay maaaring magtrabaho kaagad dahil sila ay nasa legal na edad at may mga kakayahan na magsagawa ng isang partikular na trabaho. Maaaring magtanong sa kanilang lokal na Public Employment Service Office (PESO) para sa mga posibleng bakanteng trabaho. Maaari din silang mag-browse sa website ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Galing, kaalaman at kakayahan para sa mas mataas na antas ng edukasyon, skills training, trabaho o pagkakaroon ng negosyo ay makakamit ng out-of-school youth and adults (OSYA) sa kumpletong basic education sa pamamagitan ng ALS.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=481395267491710&id=100068637231654&mibextid=Nif5oz
Ang iba’t ibang skills training programs na inaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang industry partners ay maaari nang makamit pagkatapos makumpleto ang basic education sa pamamagitan ng ALS.
Galing, kaalaman at kakayahan para sa mas mataas na antas ng edukasyon, skills training, trabaho o pagkakaroon ng negosyo ay makakamit ng out-of-school youth and adults (OSYA) sa kumpletong basic education sa pamamagitan ng ALS.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Chittagong Division
Barpalw Manyar Near Aqsa Masjid
Chittagong Division
Path Finder Education Academy
Brahmanbaria
Chittagong Division
"ENTER TO LEARN AND GO OUT TO SERVE". 🥰🥰
Chittagong Division
A page for the educational News and lectures.
Gəncə Prospekti 45
Chittagong Division
Erkən inkişaf (3-4 yaş) Məktəbəqədər hazirliq Íbtidai sinif 5-8-ci sinif təkmilləşdirmə Mini bağça