Kuya Paul "Lupa" Tesoro Jaramillo
Rescuer ng Bayan, Subok Nang Maaasahan. Numero Uno sa Serbisyo
ang KAGAWAD Ninyo. Dito Tayo sa Bago!
Tuloy-tuloy lang po ang ating gawain.
Cheers to my 1870RESCUEGROUPINC.
Mabuhay po ang mga bago naming set of officers at lalo pa po naming pagbubutihin ang aming trabaho sa pagresponde sa mga nangangailangan medical at trauma cases.
God is Good🙏❤️
Goodluck po sa ating lahat.
🙏❤️🙏❤️🙏
Maraming Salamat po.🙏❤️👍
https://www.facebook.com/antipolopeoplescongress/posts/pfbid037PuGjmPcfhz6yCLkV86nKiDo2N8khkyYw2ALZBE47R19HJ455HbmeUoyJgZgBQGQl
SINO SI PAUL JULIUS “LUPA” TESORO JARAMILLO?
BAKIT DAPAT SIYANG IBOTO BILANG KAGAWAD NINYO?
Minamaliit siya ng mga kalabang kumakandidato. Driver lang daw, kung bakit naglakas ng loob ng tumakbong Kagawad ng konseho. Pero sino ng aba si Paul Paul Julius LUPA Tesoro Jaramillo? Bakit nga ba siya naglakas-loob na tumakbo?
Oo, nga naman, totoo. Driver nga si Paul Jaramillo. Bilang Team Leader ng Emergency Medical Services o EMS ng Barangay Bagong Nayon, totoong siya nagmamaneho. Driver siya ng ambulansiya ng Rescue. Pero para kanino?
Tuwing may aksidente o anumang sakuna, si Paul Jaramillo ang unang tumatakbo. Sa lansangan, tuwing may bagyo, si Paul Jaramillo ang tagapagligtas ninyo. Tuwing may mga emergency at mga pasyente na kailangang isugod sa ospital, si Paul Jaramillo ang tagapag-maneho. Hindi alintana ang puyat, ang pagod o ano mang delubyo, si Paul Jaramillo ay handang magsakripisyo matiyak lamang ang kaligtasan ninyo.
Pero maliban sa driver, ano pa ba ang meron sa pagkatao ni Paul Jaramillo? Eto, po, basahin ninyo.
Sa kasalukuyan ay isa siya sa Board of Directors ng Homeowners Association ng COGEO. Dahil mahaba ang kanyang karanasan, dumaan sa maraming pagsasanay at malawak ang kaalaman sa emergency cases at rescue, isa siya sa mga nirerespeto sa larangang ito sa buong lungsod ng Antipolo.
Bilang anak ng retired school teacher at bateranong kawani ng gobyerno, hinubog si Paul sa mabutihang asal, pagpapakumbaba at respeto. Bilang bata, pinarangalan siya bilang Outstanding Boy Scout sa Maynila kung saan siya nagtapos ng elementarya. Bilang leader kabataan ng Youth In Action (YIA) sa Barangay Bagong Nayon, kinilala siya bilang Outstanding Youth Leader ng barangay ng Sanggunian sa pamumuno ni Kapitana Mameng Lazarte.
Isa rin siyang kilalang leader estudyante sa kolehiyo. Sa Polytechnic Unoversity of the Philippines (PUP) kung saan siya nagtapos ng kolehiyo, naging aktibong miyembro ng National Union of the Student of the Philippines (NUSP) at League of Filipino Students (LFS). Nagsilbi din siya ng ilang taon bilang Presidente ng Student Council ng PUP College of Hotel and Restaurant Management, Nutrition and Food Technology (CHRMNFT). Kaya mula pagkabata hanggang sa kanyan kabataan, nahubog na si Paul sa pamumuno ng mga samahan.
Mahaba rin ang kanyang karanasan sa magsisilbi sa pamahalaan. Naging bahagi siya ng pamahalaang barangay ng Darangan sa bayan ng Binangonan kung saan nakatanggap din siya ng maraming pagkilala at mga parangal.
Bilang pribadong mamamayan, sa maraming uri ng trabahong kanyang pinasukan, nakaipon si Paul ng di-matatawarang karanasan. Naging susi ito para siya ay makapag-trabaho sa ibang bansa. Sa mahigit isang dekada niya bilang Overseas Filipino Worker o OFW, iba’t ibang trabaho at pagsasanay sa inhinyeriya at surveying ang kanyang napagdaanan.
Kaya hindi siya dapat na maliitin at sabihing siya ay driver lang. Oo, ikinararangal niya ang kanyang pagiging driver dahil ilang buhay ang kanyang naisalba at naging instrumento ng kaligtasan at pagpapagamot ng maraming mamamayan.
Pero higit diyan, kung propesyonal na kaalaman, kasanayan at karananasan ang pag-uusapan, si Paul Julius LUPA Tesoro Jaramillo ay tiyak na maaasahan.
Tunay na magsisilbi sa tao, karapat-dapat na IBOTO si Paul Julius LUPA Tesoro Jaramillo dahil maliban sa kakayang mamuno ay taglay niya ang maraming katangian bilang Pinuno.
Bilang KAGAWAD ng Sangguniang Barangay, maraming batas at ordinansa ang maaari niya mapanday at magsisilbi boses ng ordinaryong tao sa ating Konseho.
Wala pa man sa puwesto, Numero Uno na sa Serbisyo. Rescuer ng Bayan, Sjubok nang Maaasahan. Yan po si Paul Julius LUPA Tesoro Jaramillo, ang KAGAWAD ninyo!
Barangay Bagong Nayon
Special Group of Kuya Paul "Lupa" Tesoro Jaramillo for Kagawad Bagong Nayon
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
Paul Julius Tesoro Jaramillo
Day 7 BSKE Campaign [October 25, 2023]:
Sa ika-pitong araw ng kampanya, hinarap natin ang pinakamahirap na yugto sa pagbisita sa pinakamalalayo nating sitio, mula Mahogany, Taguisan 2, 2A, 3, 3A, 4, 4A, VillaYnares at TMPC para mabisita ang ating mga ka-Barangay Bagong Nayon kasabay ng operation postering ng Team "DITO TAYO SA BAGO".
Ipinararating natin hanggang sa pinaka-liblib na komunidad sa Barangay Bagong Nayon ang pangunahing dahilan ng desisyon ng inyong lingkod na kumandidato sa pagka-KAGAWAD at maging bahagi ng Sangguniang Barangay ng Barangay Bagong Nayon, at ito ay para tumugon sa naobserbahan nating mga kakulangan sa mga serbisyong panlipunan na natatamasa ng pinakamahihirap nating mga ka- Barangay.
Tulad ng nagdaang mga araw ng kampanya, kasama po natin ang mga kapwa ko kandidato na bumubuo sa aming Team "DITO TAYO SA BAGO", si Sir Wilson T. Gomez, isang private high school teacher na tulad ko ay tumatakbo din sa pagka-Kagawad ng Sangguniang Barangay, at si Mr. Pol Acosta, isang first year college student na tumatakbo naman bilang SK Kagawad.
Binagtas po natin ang mga landas at lansangan ng Barangay Bagong Nayon na hindi alintana ang pagod at ulan. 🇵🇭 Para sa bayan, laban lang. 😍
Special Group of Kuya Paul "Lupa" Tesoro Jaramillo for Kagawad Bagong Nayon
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
Kuya Paul "Lupa" Tesoro Jaramillo
Paul Julius Tesoro Jaramillo
Lupa Tesoro Jaramillo
Day 6 BSKE Campaign [October 24, 2023]:
Binaybay po natin ang mga daan ng Samakata, 1.4 Hectares, Lower Tulaken, Corina, Mahai para mabisita ang ating mga kabarangay sa mga sitiong iyon ng Barangay Bagong Nayon kasabay ng operation postering ng Team "Dito Tayo sa Bago".
Isinusulong natin sa ating kampanya ang pakikisangkot ng masang mamamayan o peoples' participation sa pamamahala sa barangay. Naniniwala tayo na sa pamamaraang ito, nalilikom mula sa bawat sektor at komunidad ang tunay na kalagayang pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunan ng mga ito. Mula ditto ay mauugat ang sanhi ng sektoral at pampamayanang mga suliranin. Natutukoy din sa pamamagitan nito ang wasto at epektibong solusyon sa bawat matutukoy na suliranin.
Tulad ng mga naumang araw ng kampanya ay kasama pa rin po natin ang mga kapwa ko kandidato na bumubuo sa aming Team "DITO TAYO SA BAGO", si Sir Wilson T. Gomez isang private high school teacher na tulad ko ay tumatakbo din sa pagka-Kagawad ng Sangguniang Barangay, at si Mr. Pol Acosta, isang first year college student na tumatakbo naman bilang SK Kagawad, binagtas po natin ang mga landas at lansangan na hindi alintana ang pagod at ulan. 🇵🇭 Para sa bayan, laban lang. 😍
Special Group of Kuya Paul "Lupa" Tesoro Jaramillo for Kagawad Bagong Nayon
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
Paul Julius Tesoro Jaramillo
Lupa Tesoro Jaramillo
Ang halalan ay hindi papogian at slogan-slogan lang. Kailangang ng plataporma at adbokasiya sa pagsisilbi sa mamamayan, ☝️
Ang tunay na kalidad ng pamumuno ay makikita sa pag-angat ng buhay ng pinamumunuan, hindi sa pag-angat ng buhay ng pinuno.
DAY 5 BSKE Campaign [October 23, 2023]:
Pinasyalan po natin ang ating mga ka-Barangay Bagong Nayon sa kabuuan ng Northville at dala natin ang ating intensyon sa pagtakbo bilang KAGAWAD ng ating barangay:
:Ang adhikain po ng inyong lingkod na ipagpatuloy ang nasimulang serbisyo sa ating mga ka-Barangay Bagong Nayon sa loob ng pitong taon ay hindi paghahangad lamang sa posisyon sa pamahalaan. Bagkus, ang paggampan sa mga serbisyong ito bilang halal na opisyal ng barangay ay pagpapahusay pa ng nasimulan kong pagsisilbi."
Kasama pa rin po natin ang mga kapwa ko kandidato na bumubuo sa aming Team "DITO TAYO SA BAGO", si Sir Wilson T. Gomez isang private high school teacher na tulad ko ay tumatakbo din sa pagka-Kagawad ng Sangguniang Barangay, at si Mr. Pol Acosta isang first year college student na tumatakbo naman bilang SK Kagawad, binagtas po natin ang mga landas at lansangan na hindi alintana ang pagod at ulan. 🇵🇭Para sa bayan, laban lang. 😍
Special Group of Kuya Paul "Lupa" Tesoro Jaramillo for Kagawad Bagong Nayon
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
Paul Julius Tesoro Jaramillo
Lupa Tesoro Jaramillo
☝️ PARA SA PAGBABAGO 🫶 DITO TAYO SA BAGO ☝️
Isang Bukas na Liham sa Minamahal na ka-Barangay Bagong Nayon
Ang adhikain po ng inyong lingkod na ipagpatuloy ang nasimulang serbisyo sa ating mga ka-Barangay Bagong Nayon sa loob ng pitong taon ay hindi paghahangad lamang sa posisyon sa pamahalaan.
Bagkus, ang paggampan sa mga serbisyong ito bilang halal na opisyal ng barangay ay pagpapahusay pa ng nasimulan kong pagsisilbi.
Sa gaganaping demokratikong proseso ng Halalang Pambarangay o Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 sa darating na Oktubre 30, ang pangunahing dahilan ng desisyon ng inyong lingkod na kumandidato sa pagka-KAGAWAD at maging bahagi ng Sangguniang Barangay ng Bagong Nayon ay para tumugon sa naobserbahan nating mga kakulangan sa mga serbisyong panlipunan na natatamasa ng pinakamahihirap nating mga ka-Barangay.
Kapansin-pansin na gaano man kagaling, kasipag at kasigasig ang mga namuno sa Barangay Bagong Nayon, gayon din ang kasalukuyang mga opisyal ng ating barangay, sa pagpapatupad ng magagandang programa na naghatid sa atin ng maraming parangal at pagkilala, hindi maitatatwa na salat ang ating barangay sa mga proyektong angkop na tutugon sa mga batayang pangangailangang pangkabuhayan ng mga mamamayan ng ating barangay.
Sa gitna ng tumitinding hirap ng buhay dulot ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina, lumalalang implasyon, at di-mapigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang lumalawak na paglaganap ng paghihikahos ay higit pang pinalalala ng kawalan ng anumang hanap-buhay o pagkakakitaang pang-komunidad at paparaming bilang ng wala o nawawalan ng permanenteng trabaho sa hanay nating mga mamamayan.
Sa kabila ng halos taon-taong livelihood seminars at skills trainings na isinasagawa sa Barangay Bagong Nayon mula sa pinagsamang inisyatiba ng barangay officials at lokal na pamahalaan ng Antipolo, nakakalungkot na walang ni isa mang kaugnay na negosyo o proyektong pangkabuhayan ang naitayo saan mang sitio na dapat ay siyang pangunahing layunin sa pagdaraos ng nasabing mga pagsasanay
Dahil ito sa kawalan ng kaakibat na pagsasanay sa pagtatatag ng mga pasilidad na pang-produksyon o pang-serbisyo, kawalan ng pag-aaral sa pamamahala ng kaugnay na negosyo, kawalan ng pinansyal na suporta sa kakailanganing panimulang puhunan, kawalan ng suporta sa marketing and distribution upang maibenta ang mga produkto at mai-deploy ang mga serbisyo.
Sa bahagi ng mga nagsipagsanay, karaniwang nagtatapos na rin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtatapos ng mga nabanggit na livelihood seminars at skills trainings. Samakaiuwid ay hindi naisasakatuparan ang paggamit sa kanilang mga kaalaman at kasanayang natutuhan kung kaya’t wala silang pagkakataong pagkakitaan ang mga ito.
Sa ating pagsusuri sa panlipunang kalagayan ng ating barangay, ang pangkalahatang dahilan kung bakit hindi malinaw na nakikita ng mga umupong opisyal ng ating barangay ang lumalalang kahirapan ng dumaraming bilang ng ating mga kabarangay lalo na sa mga sitio ay sapagkat hindi nagiging kabahagi ang mga mamamayan sa pamamahala ng kani-kanilang mga komunidad.
Ang pagpapatupad ng “peoples’ participatory governance” sa barangay ay demokratikong proseso kung saan itinatatag ang Peoples’ Council o Konsehong Bayan upang mapanatili ang aktibog paglahok ng taumbayan sa pamamahala ng barangay.
Ang Peoples’ Council na kinabibilangan ng mga samahang masa o peoples’ organizations, non-governmental organizations (NGOs), civic organizations, homeowners at neighborhood associations, sectoral organizations at iba pang stakeholders sa barangay. Mapagpasyang pamamaraan ito sa pagtitiyak ng mga mamamayan ng kanilang kagalingan sa pakikipagtulungan sa pamahalaang barangay.
Sa pamamaraang ito, nalilikom mula sa bawat sektor at komunidad ang tunay na kalagayang pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunan ng mga ito. Mula ditto ay mauugat ang sanhi ng sektoral at pampamayanang mga suliranin. Natutukoy din sa pamamagitan nito ang wasto at epektibong solusyon sa bawat matutukoy na suliranin.
Sa pakikisangkot ng masang mamamayan sa pagtutukoy at paglulutas ng kani- kanilang mga problemang panlipunan, maipa-prayoridad ang karapat-dapat na mga programa at proyektong bago pa man kagyat na masimulan ay masisiguro nang maghahatid ng pangmatagalan kung hindi man permanenteng kapakinabangan sa higit na nakararami.
Pangunahin man ay isa lang ang natalakay sa itaas sa mga usaping nagpapaalab sa ating pagpupunyagi na maipanalo ang ating laban sa halalang Oktubre 30 at maging bahagi ng lokal na pamahalaan bilang KAGAWAD ng Sangguniang Barangay ng Bagong Nayon.
Tandaan po sana natin na ANG TUNAY NA KALIDAD NG PAMUMUNO AY MAKIKITA SA PAG-ANGAT NG BUHAY NG PINAMUMUNUAN, HINDI SA PAG-ANGAT NG BUHAY NG PINUNO.
Kalakip po ng bukas na liham na ito ang TAOS-PUSO, MALINIS, BUKAS at BUSILAK na HANGARIN KONG KAYO AY HIGIT NA MAPAGLINGKURAN sa pamamagitan ng pagsisilbi bilang KAGAWAD na magiging BOSES NINYO SA KONSEHO ng ating pamahalaang barangay.
NASA INYONG MGA KAMAY ANG ATING TAGUMPAY!
NASA BOTO N’YO ANG ATING PANALO!
I-REPORT ANG ANUMANG PAGLABAG SA MGA ALITUNTUNIN NG COMELEC SA BSKE 2023.!
Oversized campaign posters? Pangangampanya bago o pagkatapos ng campaign period?
ISUMBONG YAN SA COMELEC ANTI-EPAL TASK FORCE! https://forms.gle/Yvwf1xknwD5bCQgY6
Barangay at Kabataan, sama-sama nating itaguyod ang responsableng pangangampanya para sa October 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
https://www.facebook.com/comelec.ph/posts/pfbid0jXkduS7Jg2Y85qmCJNMTkpL1qLmpBGqqJ5MDcyKTE7xeG3eMmZtdh3EYG9m9icXAl
DAY3 BSKE Campaign [October 21, 2023]:
Sa ikatlong araw ng ating pangangampanya, ang inyo pong lingkod, Kuya Paul "Lupa" Tesoro Jaramillo ay patuloy na lumalapit sa lahat ng ka-Barangay Bagong Nayon upang ihayag ang aking adhikain na kayo ay paglingkuran bilang kAGAWAD ng ating Barangay. Binisita po natin ang mga ka-Barangay at nag-postering operation sa Sitio Tagumpay, dala ang ating mga adbokasiya sa pamamahala tungo sa pinaunlad na Barangay Bagong Nayon
L - IGTAS, MALULUSOG AT NAGKAKAISANG MAMAMAYAN NG MAPAYAPA AT MAUNLAD NA BARANGAY BAGONG NAYON.
U - LIRAN, ORGANISADO, PARTISIPATORYO AT INKLUSIBO O MAPANGHAMIG NA PAMAHALAANG BARANGAY.
P - AG-IRAL NG TAPAT, BUKAS AT MAY-PANANAGUTANG MGA TRANSAKSYON SA PAMAMAHALA NG PINANSYANG PAMBARANGAY.
A - BANTENG EKONOMIYA, SEGURIDAD SA PAGKAIN AT KATIYAKAN SA PANINIRAHAN AT KABUHAYAN NG MGA MAMAMAYAN.
Kasama pa rin po natin ang mga kapwa ko kandidato na bumubuo sa aming Team "DITO TAYO SA BAGO", si Sir Wilson T. Gomez, isang private high school teacher na tulad ko ay tumatakbo din sa pagka-Kagawad ng Sangguniang Barangay, at si Mr. Pol Acosta, isang first year college student na tumatakbo naman bilang SK Kagawad, binagtas po natin ang mga landas at lansangan na hindi alintana ang pagod at ulan. 🇵🇭Para sa bayan, laban lang. 😍
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
Special Group of Kuya Paul "Lupa" Tesoro Jaramillo for Kagawad Bagong Nayon
Paul Julius Tesoro Jaramillo
Kuya Paul LUPA Tesoro Jaramillo
ALAMIN KYNG SAANG PRESINTO KA BOBOTO! The COMELEC Precinct Finder is now back online!
You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Just input the following info: FULL NAME, DATE OF BIRTH and PLACE OF REGISTRATION.
Scan the QR code or access via this link: precinctfinder.comelec.gov.ph
https://www.facebook.com/photo/?fbid=728011166031385&set=pb.100064675240177.-2207520000
The COMELEC Precinct Finder is now back online!
You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Just input the following info: FULL NAME, DATE OF BIRTH and PLACE OF REGISTRATION.
Scan the QR code or click this link:
🔗 https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct
DAY2 BSKE Campaign [October 20, 2023]:
Binisita po natin ang mga ka-barangay at nag-operation postering sa Sitio Tabing Ilog, dala ang ating mga panukalang pampamahalaan:
P - AGPAPAHUSAY SA MGA PROGRAMA AT PROYEKTONG PANGKALUSUGAN, PANGKAUNLARAN AT PANGKALIKASAN SA MGA PAMAYANAN.
A - NGKOP NA MGA PROGRAMA SA PAGPAPANATILI NG KAPAYAPAAN, KAAYUSAN, KALIGTASAN AT MALINIS NA KAPALIGIRAN SA BARANGAY.
U - MUUNLAD NA MGA PROGRAMA AT PROYEKTONG PANGKABUHAYAN AT SAPAT NA PERMANENTENG TRABAHO SA MGA MAMAMAYAN.
L - ITERASIYA, EDUKASYON AT SPORTS PARA SA LAHAT ALINSABAY SA PAGPAPAYABONG NG SINING AT PROGRESIBONG KULTURANG MASA.
Kasama po natin ang mga kapwa ko kandidato na bumubuo sa aming Team "DITO TAYO SA BAGO", si Sir Wilson T. Gomez, isang private high school teacher na tulad ko ay tumatakbo din sa pagka-Kagawad ng Sangguniang Barangay, at si Mr. Pol Acosta, isang first year college student na tumatakbo naman bilang SK Kagawad, binagtas po natin ang mga landas at lansangan na hindi alintana ang pagod at ulan. 🇵🇭Para sa bayan, laban lang. 😍
DAY1 BSKE Campaign [October 19, 2023]:
Family visitations and postering was how we spent the first campaign day for the Barangay and Sangguniang Kabataan Elections {BSKE), mula sa Sitio Upper Tulaken, pababa sa creek side, patagos sa Cluster D Extensions 1 and 2, haggang sa Sitio Tulagsis.
Hangarin po nating alamin ang kalagayan ng bawat pamilya sa ating mga sitio upang maging kaagapay nila tayo sa pag_unlad at benepisyo.
Kasama po natin ang mga kapwa ko kandidato na bumubuo sa aming Team "DITO TAYO SA BAGO", si Sir Wilson T. Gomez, isang private high school teacher na tulad ko ay tumatakbo din sa pagka-Kagawad ng Sangguniang Barangay, at ang lider kabataan na si Pol Acosta, isang first year college student na tumatakbo naman bilang SK Kagawad, binagtas po natin ang mga landas at lansangan na hindi alintana ang pagod at ulan. 🇵🇭Para sa bayan, laban lang. 😍
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Address
Antipolo
1870
3rd Floor Carigma Street Cor M. L. Quezon Brgy. San Roque
Antipolo, 1870
City Assessor's Office- Official
3rd Floor, (Old) Antipolo City Hall Bldg. , M. L. Quezon Street , Brgy. San Roque, Antipolo City
Antipolo, 1870
Official page of Office of the Building Official and Zoning Administrator's Office Antipolo City, Rizal
1st Floor City Veterinary Office San Jose St. Cor. Sen. Lorenzo Sumulong Memorial Circle, Antipolo City, Rizal Province
Antipolo, 1870
"Let's Make Antipolo City, Rabies Free City" "Be a Responsible Pet Owner"
BRGY. MAYAMOT ANTIPOLO CITY
Antipolo
email add:📩 [email protected] Contact no: 09064912060 Dti permit: 3358122
069 Asusena Street Antipolo Hills Subdivision Antipolo City Rizal Province
Antipolo, 1970
Rizal Province is Best of All
G/F New Hall Of Justice, Marilaque Highway, Sitio Cabading, Brgy. Inarawan, Antipolo City
Antipolo, 1870