Jesmar Leonardo- New creation

Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.
2 Corinto 5:17 ASND

29/05/2024

ANG SALITA NG DIOS AY KATULAD NG ILAW NA NAGBIBIGAY LIWANAG SA AKING DADAANAN.

28/05/2024

Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay nagnanais ng karunungan, ngunit ang taong ayaw tumanggap ay hangal.
Kawikaan 12:1 ASND

28/05/2024

Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo.
Lucas 17:3 ASND

25/05/2024

Kung Ang Panginoong Jesu-Cristo ang ating SINUSUNOD hindi na tayo namumuhay sa KADILIMAN kundi sa LIWANAG dahil Siya Ang ILAW ng mundo.

Ang PAGSUNOD natin sa Salita ng Dios ang magdadala sa atin sa MATUWID at BANAL na pamumuhay.

At ang ating PANANAMPALATAYA sa Panginoon ang siyang magdadala sa atin sa PAGSUNOD sa SALITA Niya.

The Bible says,👇

Muling nagsalita si Jesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay.”
Juan 8:12 ASND

Ang sumasampalataya sa Anak ng Dios [Kay Lord Jesus Christ] ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa kanya ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan kundi mananatili sa kanya ang galit ng Dios.”
Juan 3:36 ASND

25/05/2024

Ang mga taong naging anak na ng Dios ay hindi na namumuhay sa KADILIMAN kundi sa LIWANAG.

25/05/2024

"ANG KATANGIAN NG TAONG MATUWID" 👇

1.) Hindi siya sumasamba sa mga dios-diosan.[sa mga inukit na rebultong gawa sa bato, metal, pilak o kahoy] o kumakain ng mga inihandog sa mga dios-diosang ito sa mga sambahan.
2.) Hindi siya sumisiping sa asawa ng iba o sa babaeng may buwanang dalaw.
3.) Hindi siya nang-aapi
4.) Ibinabalik niya Ang mga isinangla ng mga nangungutang sa kanya.
5.) Hindi siya nagnanakaw.
6.) Pinapakain niya ang mga nagugutom at binibigyan ng damit Ang mga walang damit.
7.) Hindi siya nagpapatubo Kapag nagpapahiram ng pera.
8.) Hindi siya gumagawa ng MASAMA.
9.) Wala siyang kinakampihan o pinapaboran sa kanyang paghatol.
(Ezekiel 18:5-8)

Sinabi ng Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat. 👇

Sinusunod niyang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin. Ang taong ganito ay matuwid at patuloy na mabubuhay. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.
Ezekiel 18:9 ASND

MAMUHAY TAYO NG MATUWID.!

Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang mga panalangin nila, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.”
1 Pedro 3:12 ASND

22/11/2023
30/08/2023

God is The Great HEALER!
God is The Great Physician!
And the True church [people of God] is the assistant healer!

God Said,
and said, “If you diligently heed the voice of the Lord your God and do what is right in His sight, give ear to His commandments and keep all His statutes, I will put none of the diseases on you which I have brought on the Egyptians. For I am the Lord who heals you.”
Exodus 15:26 NKJV

The Bible also says 👇
Is anyone among you suffering? Let him pray. Is anyone cheerful? Let him sing psalms. Is anyone among you sick? Let him call for the elders of the church, and let them pray over him, anointing him with oil in the name of the Lord. And the prayer of faith will save the sick, and the Lord will raise him up. And if he has committed sins, he will be forgiven. Confess your trespasses to one another, and pray for one another, that you may be healed. The effective, fervent prayer of a righteous man avails much.
James 5:13‭-‬16 NKJV

[Elders of the church] they are leaders,
1)Apostles
2)Prophets
3)Evangelists
4)Pastor's
5)Teacher's

The Word of God told us that if anyone of us are sick let him call for the elders of the church, and let them pray over him [pray over the sick] anointing him with oil in the name of the Lord. And the prayer of faith will save the sick [ the prayer of faith will heal the sick]

If the doctors in hospital can't heal your sicknesses and diseases for a long period of time, and you lost more money, it will make you tired, weak, stressed, and hopeless.
Don't wait that things to happen.
Just lift up your faith in the Lord Jesus Christ and go to the true church of God let the Man of God pray over you and cast out all your sicknesses and diseases, and you will be healed by the power of God.

In the church you won't have thousands bills to pay. The Lord will heal you without payment.

One thing is needed your love for the Lord and your obedience to His Word.

The Lord Jesus Christ says 👇
Jesus answered and said to them, “Go and tell John the things which you hear and see: The blind see and the lame walk; the lepers are cleansed and the deaf hear; the dead are raised up and the poor have the gospel preached to them. And blessed is he who is not offended because of Me.”
Matthew 11:4‭-‬6 NKJV

Come to Me, all you who labor and are heavy laden, and I will give you rest. Take My yoke upon you and learn from Me, for I am gentle and lowly in heart, and you will find rest for your souls. For My yoke is easy and My burden is light.”
Matthew 11:28‭-‬30 NKJV

Always remember that Jesus Christ loves you.
And I love you too..

Praise God 🙌

21/07/2023

WAKE UP!!! 🔥🔥🔥

PAGKATAPOS MONG TUMANGGAP KAY LORD JESUS CHRIST BILANG IYONG PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS, SIGURUHIN MO NA SUSUNOD KANA SA KANYANG MGA UTOS AT PAMAMARAAN, DAHIL KUNG HINDI IKAW AY BILANGGO PARIN AT BIKTIMA NI SATANAS!

THE BIBLE SAYS 👇
Kaya talikuran nʼyo na ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Dios na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo.
Santiago 1:21 ASND

BE A DOERS OF THE WORD OF GOD AND NOT A HEARERS ONLY DECEIVING YOUR SELF. ⚠️

Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang sarili ninyo.
Santiago 1:22 ASND

ANG TUNAY NA PAGSAMBA SA DIOS AMA AY ANG PAGBABAGO NG ATING ISIP AT MGA GAWA, ANG PAGSUNOD NATIN SA KANYANG MGA UTOS AT SALITA, ANG PAMUMUHAY AYON SA KATOTOHANAN, HINDI NAGSISINUNGALING, ANG PAGTALIKOD SA KASALANAN AT KASAMAAN SA MUNDONG ITO, AT ANG PAGBIGAY NG TULONG SA MGA NANGANGAILANGAN.

THE TRUE RELIGION THAT IS ACCEPTABLE TO GOD OUR FATHER AND PLEASES HIM IS THIS 👇
Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito.
Santiago 1:27 ASND

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.
Roma 12:1 ASND

HINDI TAYO KALULUGDAN NG DIOS KAHIT NA PUMUPUNTA TAYO SA SIMBAHAN KUNG HINDI NAMAN TAYO SUMUSUNOD SA KALOOBAN NIYA AT KUNG HINDI NAMAN NATIN SINUSUNOD ANG KANYANG SALITA NA ATING BINABASA SA BIBLE AT PINAKINGGAN. ⚠️

KUNG TOTONG NAG-IINGAT TAYO MGA KAPATID, INGATAN NATIN ANG ATING MGA SARILI SA PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD SA SALITA NG DIOS, SA PAMAMAGITAN PAGSUNOD SA MGA UTOS NG DIOS.
DAHIL KAPAG GINAWA NATIN ANG PATULOY NA PAGSUNOD SA MGA UTOS NG DIOS ANG DIOS ANG NAG-IINGAT SA ATIN, ANG DIOS NA ATING AMA ANG NAGBIBIGAY PROTEKSYON SA LAHAT NG TAO NA NAGMAMAHAL SA KANYA AT SUMUSUNOD SA MGA UTOS NYA.

[MINDS BE OPENED!]

“Kaya ang sinumang nakikinig at sumusunod sa aking mga sinasabi ay katulad ng isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato. Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa matibay na pundasyon. Ngunit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita pero hindi naman ito sinusunod ay parang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin. Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, nagiba ito at lubusang nawasak.”
Mateo 7:24‭-‬27 ASND

“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumusunod sa aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan sapagkat inilipat na nga siya sa buhay mula sa kamatayan.
Juan 5:24 ASND

Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
Juan 14:6 ASND

18/07/2023

🔥❤️ANG MAGANDANG BALITA TUNGKOL KAY LORD JESUS CHRIST BASAHIN MO PO HANGGANG WAKAS ❤️🔥

IBAHAGI PO NATIN ANG KATOTOHANAN [ANG SALITA NG DIOS] SA ATING MGA PAMILYA AT SA IBA PANG TAO. DAHIL ANG SALITA NG DIOS AY KATOTOHANAN AT NAGPAPALAYA, ANG SALITA NG DIOS AY NAGBIBIGAY LIWANAG SA BUHAY NG TAONG TUMATANGGAP NITO, AT ANG SALITA NG DIOS AY NAGBIBIGAY BUHAY.

Nang pasimula, [nang wala pa ang mundo] ay naroon na ang tinatawag na Salita.[The Lord Jesus Christ] Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios. Sa simula paʼy kasama na siya ng Dios. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.
Juan 1:1‭-‬3 ASND

Ang Salita ang pinagmumulan ng buhay, at ang buhay na itoʼy ilaw, dahil ito ang nagbibigay-liwanag sa mga tao.
Juan 1:4 ASND

Ipinapahayag namin sa inyo ang tungkol sa kanya [Kay Lord Jesus Christ] na mula pa sa simula ay nariyan na. Narinig namin siya, nakitaʼt napagmasdan ng sarili naming mga mata, at nahawakan pa namin siya. Siya ang Salita ng Dios [The Lord Jesus Christ] na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
1 Juan 1:1 ASND

"NAGKATAWANG TAO ANG DIOS"
Nagkatawang-tao ang Salita [Ang Lord Jesus Christ] at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.
Juan 1:14 ASND

KAPATID ang MAGANDANG BALITA tungkol kay Lord Jesus Christ, Nagdudulot ito ng KALIGTASAN sa lahat ng tumatanggap nito AT SUMUSUNOD dito.
Basahin mo po hanggang WAKAS. 😇

DAPAT MAINTINDIHAN NG LAHAT ANG KATOTOHANANG ITO.
[THE WORD OF GOD IS THE TRUTH.]
[THE WORD OF GOD IS LIGHT.]
[THE WORD OF GOD IS THE WAY]
[THE WORD OF GOD IS LIFE.]

"THE WORD OF GOD GIVES LIFE and HEALTH TO THOSE WHO FIND THEM."
THE BIBLE SAYS 👇
My son, give attention to my words; Incline your ear to my sayings. Do not let them depart from your eyes; Keep them in the midst of your heart; For they are life to those who find them, And health to all their flesh.
Proverbs 4:20‭-‬22 NKJV

Mga kapatid napakaikli lamang po ng buhay kaya huwag nating aksayahin ang oras at panahon natin sa mga MAKAMUNDONG BAGAY o MAKAMUNDONG KASIYAHAN dahil hindi po iyan makakatulong sa atin para malaman ang KATOTOHANAN, at ang KALOOBAN NG DIOS na dapat gawin natin.

Sa halip bigyan po natin ng panahon ang pagbabasa ng Bible, ang Salita ng Dios, ang KATOTOHANAN. Dahil ang KATOTOHANAN ang MAGPAPALAYA sa bawat tao na TUMATANGGAP NITO.

The Bible says,
Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
Juan 8:32 ASND

Si Lord Jesus Christ lamang po ang KATOTOHANAN, Ang tanging DAAN, at Ang BUHAY, Sinabi Niya

AKO ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN AT ANG BUHAY. WALANG MAKAKARATING SA AMA KUNG HINDI SA PAMAMAGITAN KO.
John 14:6

Mga kapatid ang pera, kayaman, at relihiyon ay walang kakayahan upang MALIGTAS tayo, tanging ang Panginoong Jesu-Cristo lamang po ang DAAN PATUNGO SA TUNAY NA KALIGTASAN.

Kung mayroong nagtatanong na paano?

Ito po ang sagot,
1) Hindi ka dapat magpatuloy sa paggawa ng kasalanan.
2)Ang kasalanan ay dapat pagsisihan ng buong puso, at ITIGIL na ang pagawa nito.
3) TANGGAPIN mo ang Panginoong Jesu-Cristo sa iyong buhay bilang Panginoon, Dios, at iyong tagapagligtas.
4) PATAWARIN mo ang LAHAT NG NAGKASALA SA IYO.
5) Ipamuhay natin [SUNDIN] ang Salita ng Dios habang nandito pa tayo sa mundong ito.

The Bible says 👇
Walang sinuman sa mundong ito ang makapagliligtas sa atin kundi si Jesus lang.”
Gawa 4:12 ASND

Walang taong makapagliligtas sa Kanyang sarili malibang tanggapin niya ang Panginoong Jesu-Cristo at SUMUNOD SA UTOS NG PANGINOON [patuloy na sumusunod]

Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Walang matuwid sa paningin ng Dios, wala kahit isa.
Roma 3:10 ASND

Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.
Roma 3:23 ASND

Dumating ang kasalanan sa mundo dahil sa paglabag ni Adan sa utos ng Dios. At dahil sa kasalanan, dumating din ang kamatayan. Kaya lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao, dahil nagkasala ang lahat.
Roma 5:12 ASND

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay KAMATAYAN,
Roma 6:23

NGUNIT ANG MAGANDANG BALITA AY ITO,👇👇👇😇

Ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Roma 6:23

Ang taoʼy itinuturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. At walang pinapaboran ang Dios. Kaya ang sinumang sumasampalataya kay Jesu-Cristo ay itinuturing niyang matuwid.
Roma 3:22 ASND

Ano man ang lahi mo, mayaman man o mahirap lang, basta SUMASAMPALATAYA ka ng buong puso sa Panginoong Jesu-Cristo ay itinuturing kang MATUWID ng Dios.
[ Ang PANANAMPALATAYA SA PANGINOONG JESU-CRISTO ay ang PAGSUNOD sa mga utos Niya]

“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, [Ang Lord Jesus Christ] upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Juan 3:16 ASND

Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang kanyang Anak dito sa mundo upang hatulan ng parusa ang mga tao, kundi upang iligtas sila. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Dios. Hinatulan sila dahil dumating ang Anak ng Dios bilang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa dilim kaysa sa lumapit sa kanya na nagbibigay-liwanag, dahil masama ang mga ginagawa nila. Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa liwanag, upang malaman ng lahat na ang mabubuti niyang gawa ay nagawa niya sa tulong ng Dios.”
Juan 3:17‭-‬21 ASND

Ang totoo, tiniis niya [ni Lord Jesus Christ] ang mga sakit at mga kalungkutang dapat sanaʼy tayo ang dumanas. Ang akala natin ay pinarusahan siya ng Dios dahil sa kanyang mga kasalanan. Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo.
Isaias 53:4‭-‬5 ASND

👆MGA KAPATID NANGYARI PO ITO MORE THAN 2,000 YEARS AGO NA PO DOON SA KRUS NG KALBARYO NG IHANDOG NG PANGINOONG JESU-CRISTO ANG KANYANG SARILI PARA MATUBOS TAYONG LAHAT SA MGA KASALANAN NATIN. [TAYONG LAHAT NA SUMASAMPALATAYA SA SA PANGINOONG JESU-CRISTO AT SA MGA SASAMPALATAYA PA SA KANYA]

Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.
1 Pedro 2:24 ASND

Siya ang ibinigay na handog para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng mga kasalanan natin kundi pati na rin ng kasalanan ng buong mundo.
1 Juan 2:2 ASND

Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Cristoʼy namatay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan. Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan. Nagpakita siya kay Pedro, at sa iba pang 12 apostol. Pagkatapos, nagpakita rin siya sa mahigit 500 na mga kapatid na nagkakatipon. Karamihan sa kanilaʼy buhay pa hanggang ngayon, ngunit ang ilan sa kanila ay patay na. Nagpakita rin siya kay Santiago, at pagkatapos sa lahat ng apostol.
1 Corinto 15:3‭-‬7 ASND

Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa
Efeso 1:7‭-‬8 ASND
MGA KAPATID SA VERSE NA ITO [EFESO 1:7-8] ANG MGA TINUBOS AT NAPATAWAD NA ANG KASALANAN AY ANG MGA MANANAMPALATAYA ANG MGA TAONG TUMANGGAP SA PANGINOONG JESU-CRISTO AT SUMUSUNOD SA KALOOBAN NIYA.

Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya [Kay Lord Jesus Christ] ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios.
Juan 1:12 ASND
AT ANG MGA TUMANGGAP SA PANGINOONG JESU-CRISTO AT SUMUSUNOD NA SA KANYANG MGA UTOS, AT NAGPABAUTISMO SA PANGALAN NG PANGINOON AY ANG MGA TAONG NAKIPAG-ISA NA SA PANGINOONG JESU-CRISTO.

Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay mamuhay sa bagong buhay. At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay.
Roma 6:4‭-‬5 ASND

Inilibing kayong kasama ni Cristo nang bautismuhan kayo. At dahil nakay Cristo na kayo, muli kayong binuhay na kasama niya, dahil nananalig kayo sa kapangyarihan ng Dios na bumuhay sa kanya.
Colosas 2:12 ASND

AT SA MGA TAONG NAKIPAG-ISA NA SA PANGINOONG JESU-CRISTO ITO ANG SINASABI NG BIBLIA 👇 [KATOTOHANAN]

Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus. Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagbibigay-buhay.
Roma 8:1‭-‬2 ASND

Kapatid kung ikaw ay Hindi pa nakatanggap sa Panginoong Jesu-Cristo ito na ang pagkakataon, kung ibig mong MALIGTAS tanggapin mo Siya at SUMUNOD sa mga UTOS Niya.

SABIHIN MO ANG PANALANGIN NA ITO NG BUONG PUSO:

"Ama, patawad po sa aking mga kasalanan mula pagkabata Hanggang ngayon. Sa aking galit, tampo, habag sa sarili, hinanakit, hindi pagtitiwala sa Iyo ng buong puso, hindi pag-una sa Iyo. Patawad po Panginoong Jesu-Cristo, pumasok ka sa puso ko. Tinatanggap po Kita bilang Panginoon, Diyos, Tagapagligtas, at Manggagamot ng buhay ko. Ikaw ang tanging sagot sa lahat ng problema ko at pangangailangan ko. Pinapatawad ko na rin ang lahat ng nagkasala sa akin. Salamat sa iyong pagmamahal at kapatawaran. Mamahalin kita, susundin, paglilingkuran, magtitiwala at mananatili ako sa Iyo habang panahon.
Amen."

God bless you all 💕😇
Glory be to God the Father and to the Lord Jesus Christ. 🙌

17/07/2023

PLEASE READ THIS UNTIL THE END.

Ang lahat ng tao na hindi sumusunod sa kalooban ng Dios at hindi sumusunod sa mga utos ng Dios ay parurusahan.

The Bible says 👇

Sapagkat haharap tayong lahat kay Cristo para hatulan. Tatanggapin ng bawat isa ang nararapat na kabayaran sa kanyang mga ginawa, mabuti man o masama, nang nabubuhay pa siya sa mundong ito.
2 Corinto 5:10 ASND

Huwag kayong magtaka tungkol dito, dahil darating ang panahon na maririnig ng lahat ng patay ang aking salita, at babangon sila mula sa kanilang libingan. Ang mga gumawa ng mabuti ay bibigyan ng buhay na walang hanggan, at ang mga gumawa ng masama ay parurusahan.”
Juan 5:28‭-‬29 ASND

ANG MABUTING GAWA AY ANG PAGSUNOD SA MGA UTOS NG DIOS.

Walang makapagtatago sa Dios. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.
Hebreo 4:13 ASND

Ayaw ng Dios na mapahamak [mapunta sa impyerno] ang sinomang tao. Ang nais ng Dios ay MALIGTAS ang LAHAT NG TAO at malaman ang KATOTOHANAN.
1timothy 2:4

[Ngunit ang tao ang nagpapasya kung alin ang pipiliin niyang destination (HEAVEN OR HELL) ayon sa kanyang mga ginawa ng nabubuhay pa siya sa mundong ito.]

God said,
Ako, ang Panginoong Dios ay hindi natutuwa kapag namamatay ang masama. Masaya ako kapag nagsisi siya at patuloy na mabuhay.
Ezekiel 18:23 ASND

Hindi ako natutuwa kapag may namamatay. Kaya magsisi na kayo para kayoʼy mabuhay! Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”
Ezekiel 18:32 ASND

Kung nabasa ninyo ang BANAL na KASULATAN sa (Lucas 16:19-31) Ang TAONG mayaman at si Lazarus.
NAMATAY Ang mayaman at napunta agad Ang kaluluwa niya sa [Hades] impyerno at doon naghihirap siya sa tindi ng sakit ng init ng apoy at hindi na makaalis doon. Dahil MASAMA ang mga gawa niya noong nabubuhay pa siya sa mundo. Siya ay nabubuhay sa kasakiman at hindi tumulong sa MAHIHIRAP.

The Bible says 👇
Namatay ang pulubi at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing. At habang nagdurusa siya sa lugar ng mga patay,[Hades] [impyerno] nakita niya sa malayo si Lazarus na kasama ni Abraham.
Lucas 16:22‭-‬23 ASND

Kaya tumawag siya, ‘Amang Abraham, maawa kayo sa akin! Utusan nʼyo po si Lazarus na isawsaw ang daliri niya sa tubig at ipatak sa dila ko para lumamig-lamig ang pakiramdam ko, dahil hirap na hirap ako dito sa apoy.’ Pero sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong noong nabubuhay ka pa sa lupa ay mabuti ang kalagayan mo pero si Lazarus ay hirap na hirap. Ngayon naman ay inaaliw siya rito at ikaw naman ang nahihirapan. Isa pa, hindi maaari ang sinabi mo dahil may malawak na bangin sa pagitan natin. Ang mga nandito sa amin na gustong pumunta riyan ay hindi makakatawid, at ang mga nariyan sa inyo ay hindi rin makakatawid dito.’
Lucas 16:24‭-‬26 ASND

Sinabi pa ng mayaman, ‘Kung ganoon, Amang Abraham, nakikiusap ako sa inyo, papuntahin ninyo si Lazarus sa bahay ng aking ama para bigyan ng babala ang lima kong kapatid na lalaki tungkol sa lugar na ito ng paghihirap, nang hindi sila mapunta rito.’
Lucas 16:27‭-‬28 ASND

Sumagot si Abraham, ‘Nasa kanila ang mga isinulat ni Moises at ng mga propeta.[Ang Bible] Dapat nilang pakinggan ang mga iyon.’ Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sila makikinig doon, amang Abraham. Pero kung may patay na mabubuhay at pupunta sa kanila, magsisisi ang mga iyon.’ Pero sinabi ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang makinig sa mga isinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin sila maniniwala kahit may patay pa na muling mabuhay at mangaral sa kanila.’ ”
Lucas 16:29‭-‬31 ASND

BABALA!!

PANKINGGAN!
PAHALAGAHAN!
TANGGAPIN AT IPAMUHAY PO NATIN ANG SALITA NG DIOS NA [NAKASULAT SA BIBLE] HABANG NABUBUHAY PA TAYO SA MUNDONG ITO.
DAHIL ANG MGA SUMUSUNOD LAMANG SA SALITA NG DIOS ANG MALILIGTAS.

THE LORD JESUS CHRIST SAID,
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang sumusunod sa mga aral ko ay hindi mamamatay.”
Juan 8:51 ASND

“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumusunod sa aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan sapagkat inilipat na nga siya sa buhay mula sa kamatayan.
Juan 5:24 ASND

Ang sumasampalataya sa Anak ng Dios[JESUS CHRIST] ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa kanya ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan kundi mananatili sa kanya ang galit ng Dios.”
Juan 3:36 ASND

NGUNIT ANG MGA TUMANGGAP SA PANGINOONG JESU-CRISTO AT SUMUSUNOD SA KALOOBAN NG PANGINOON AY HINDI NA PARURUSAHAN.

Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus. Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagbibigay-buhay.
Roma 8:1‭-‬2 ASND

"KALIGTASAN"
na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka. Sapagkat itinuring ng Dios na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niya na siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya.
Roma 10:9‭-‬10 ASND

ANG TOTOONG PANANAMPALATAYA AY MAY KASAMANG PAGSUNOD SA MGA UTOS NG DIOS.
Mga kapatid, ano bang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, pero wala naman siyang mabuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya? Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Dios at hindi ka sana ginawin at magutom,” pero hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti? Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.
Santiago 2:14‭-‬17 ASND

Kung paanong patay ang katawang walang espiritu, patay din ang pananampalataya kung walang mabuting gawa.
Santiago 2:26 ASND

ANG MABUTING GAWA AY ANG PAGSUNOD SA MGA UTOS NG DIOS.
GAYA NG NINUNO NATING SI ABRAHAM MABUTI ANG GAWA NIYA DAHIL SINUNOD NIYA ANG UTOS NG DIOS NA IHANDOG SA ALTAR ANG KAISA-ISA NIYANG ANAK NA SI ISAAC, AT DAHIL SA MABUTI NIYANG GAWA [PAGSUNOD SA UTOS NG DIOS] ITINURING SIYANG MATUWID NG DIOS.

Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Dios. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Dios na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay.
Hebreo 11:17‭-‬18 ASND

Hindi baʼt itinuring na matuwid ng Dios ang ninuno nating si Abraham dahil sa mabuti niyang gawa nang ihandog niya sa altar ang anak niyang si Isaac? Makikita mo na ang pananampalataya niyaʼy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa.
Santiago 2:21‭-‬22 ASND
---------------------------------------------------------------
Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa [Dios] Ama. Sapagkat ang lahat ng kamunduhan – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa [Dios] Ama kundi sa mundo. Ang mundo at lahat ng bagay dito na hinahangad ng tao ay mawawala, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay mabubuhay magpakailanman.
1 Juan 2:15‭-‬17 ASND

07/07/2023

Nararapat lamang na magpatawad tayo para hindi tayo madaig ni Satanas. Alam naman natin ang mga binabalak niyang masama.
2 Corinto 2:11 ASND

06/07/2023

"NAKIKILALA ANG PUNO SA BUNGA NITO"

“Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. Ang bawat puno ay nakikilala sa bunga nito. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng igos o ubas. Ganoon din naman ang tao. Ang mabuting tao ay nagsasalita ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang puso niya. Ngunit ang masamang tao ay nagsasalita ng masama dahil puno ng kasamaan ang puso niya. Sapagkat kung ano ang nasa puso ng isang tao, iyon din ang lumalabas sa kanyang bibig.”
Lucas 6:43‭-‬45 ASND

06/07/2023

But love your enemies, do good, and lend, hoping for nothing in return; and your reward will be great, and you will be sons of the Most High. For He is kind to the unthankful and evil.
Luke 6:35 NKJV

06/07/2023

Kung iniibig mo ang Pera ng higit sa Dios magiging SAKIM ka at hindi mo magawang tumulong sa MAHIHIRAP, ngunit kung iniibig mo ang Dios ng TOTOO at HIGIT SA LAHAT magiging MAAWAIN ka, MAPAGBIGAY AT MATULUNGIN SA KAPWA.

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.
1 Timoteo 6:10 ASND

THE BIBLE SAYS 👇
Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Dios na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin. Turuan mo silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, at mapagbigay at matulungin sa kapwa. Sa ganoon, makapag-iipon sila ng kayamanan sa langit na hindi mawawala, at matatamo nila ang tunay na buhay.
1 Timoteo 6:17‭-‬19 ASND

“Huwag kayong mag-ipon ng kayamanan para sa inyong sarili rito sa mundo, dahil dito ay may mga insekto at kalawang na sisira sa inyong kayamanan, at may mga magnanakaw na kukuha nito. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”
Mateo 6:19‭-‬21 ASND

ANO BA ANG MAPAPALA NG TAO KUNG SIYA AY MAGING PINAKAMAYAMAN SA BUONG MUNDO KUNG HINDI NAMAN SIYA SUMUSUNOD SA KALOOBAN NG DIOS? WALA SIYANG MAPAPALA.
READ; [LUCAS 16:19-31]

Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kaluluwa niya? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?
Marcos 8:36‭-‬37 ASND

Kung ako at ang mga aral ko ay ikakahiya ninuman sa panahong ito, na ang mga taoʼy makasalanan at hindi tapat sa Dios, ikakahiya ko rin siya kapag ako na Anak ng Tao ay pumarito na taglay ang kapangyarihan ng aking Ama, at kasama ang mga banal na anghel.”
Marcos 8:38 ASND

"PAALALA SA MGA MAYAYAMAN"
Kayong mayayaman, makinig kayo! Umiyak kayoʼt maghinagpis dahil sa mga kahirapang darating sa inyo. Nabubulok na ang mga kayamanan nʼyo at sinisira na ng insekto ang mga damit ninyo. Itinatago nʼyo lang ang mga pera nʼyo at hindi naman napapakinabangan. Sa mga huling araw, hahatulan kayo sa impyerno dahil sa pera ninyong hindi naman ginamit sa kabutihan. Sayang lang ang mga itinago nʼyo dahil malapit na ang katapusan ng mundo.
Santiago 5:1‭-‬3 ASND

06/07/2023

Kung ikaw ay mayaman sa Pera maging matulungin ka sa mahihirap, maging masaya ka sa pagbigay ng tulong sa mga NANGANGAILANGAN.
See comments below 👇

06/07/2023

WALANG SINOMAN ANG NAKAKAALAM KUNG KAILAN BABALIK ANG PANGINOON.

The Bible says na ang pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo ay katulad ng pagdating ng magnanakaw.
Na ang ibig sabihin po mga kapatid ay walang nakakaalam kung kailan iyon. Ngunit makikita Siya ng lahat ng tao sa Kanyang pagdating, that's what the Bible says 👇

Sapagkat ako na Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan.
Lucas 17:24 ASND

Magsipaghanda kayo! Darating si Jesus na nasa mga ulap. Makikita siya ng lahat ng tao, pati na ng mga pumatay sa kanya. At iiyak ang mga tao sa lahat ng bansa sa mundo dahil sa takot nilang sila ay parurusahan na niya. Totoo ito at talagang mangyayari.
Pahayag 1:7 ASND
------------------------------------------

The Bible says 👇
dahil alam na ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay katulad ng pagdating ng isang magnanakaw sa gabi. Mangyayari ito habang inaakala ng mga tao na mapayapa at ligtas ang kalagayan nila. Biglang darating ang kapahamakan nila katulad ng pagsumpong ng sakit na nararamdaman ng babaeng manganganak na. At hindi sila makakaligtas.
1 Tesalonica 5:2‭-‬3 ASND

[Ang mga taong walang PAGPIPIGIL SA SARILI at gumagawa ng masama at labag sa kalooban ng Dios ay ang mga taong mabibigla sa pagdating ng Panginoong Jesu-Cristo, Dahil namumuhay sila sa kadiliman.]

[Ang mga taong namumuhay sa kadiliman sila ang mga gumagawa ng kasamaan at pagsuway sa utos ng Dios, sila ang mga binanggit sa Bible na natutulog at pabaya.]

Ngunit kayo, mga kapatid ay hindi namumuhay sa kadiliman. Kaya hindi kayo mabibigla sa araw ng pagbabalik ng Panginoon katulad ng pagkabigla ng isang tao sa pagdating ng magnanakaw.
1 Tesalonica 5:4 ASND

Dahil namumuhay na kayong lahat sa liwanag at hindi sa kadiliman.
1 Tesalonica 5:5 ASND

Kaya nga, huwag tayong maging pabaya katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili. Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili.
1 Tesalonica 5:6‭-‬7 ASND

Ang PAGGAWA NG MABUTI.
PAGSUNOD SA MGA UTOS NG DIOS.
PAGLAYO SA MGA KASALANAN AT KASAMAAN SA MUNDONG ITO.
LAGING NANANALANGIN.
PAGBIBIGAY NG TULONG SA MGA NANGANGAILANAGN.
NAGPAPATAWAD.
NAGPAPAKUMBABA.
KABAITAN.
PAGPIPIGIL SA SARILI.
PAMUMUHAY NG MATUWID.
AT KABANALAN.

YAN PO ANG PAGIGING HANDA SA PAGBABALIK NG PANGINOONG JESU-CRISTO.

Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.
2 Pedro 3:9 ASND

Alalahanin nʼyo na kaya hindi pa dumarating ang Panginoon ay para bigyan ng pagkakataong maligtas ang mga tao, gaya nga ng mga isinulat sa inyo ng mahal nating kapatid na si Pablo sa pamamagitan ng karunungang ibinigay sa kanya ng Panginoon.
2 Pedro 3:15 ASND

Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat.
1 Tesalonica 5:15 ASND

Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. At higit sa lahat, magmahalan kayo, dahil ito ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa.
Colosas 3:13‭-‬14 ASND

Lagi kayong magalak, laging manalangin,
1 Tesalonica 5:16‭-‬17 ASND

at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.
1 Tesalonica 5:18 ASND

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Bacolod CIty?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Jesus is our shield worldwide ministriesORAS NG HIMALA
WAKE UP!!!.....“Marami ang tumatawag sa akin ng ‘Panginoon’, pero hindi ito nangangahulugan na makakapasok sila sa kahar...
ANG PINAKAMAHALAGANG UTOS Nang mabalitaan ng mga Pariseo na walang magawa ang mga Saduceo kay Jesus, nagtipon silang mul...

Category

Telephone

Website

Address

Isabela Negros Occidental
Bacolod City
6128
Other Public Figures in Bacolod City (show all)
The Libido Boys 2009 The Libido Boys 2009
University Of Street La Salle
Bacolod City, 6100

We simply love to entertain.

NOHS IV-4 Batch 2003 NOHS IV-4 Batch 2003
Bacolod City

The NOHS section 4 is a pilot section of Negros Occidntal High School which is known also as a "pilo

Green Alert Environmental Network Green Alert Environmental Network
Marapara Heights
Bacolod City, 6100

Environmental Advocacy is a Lifestyle

NAMELESS NAMELESS
Bacolod City, 6100

20 yesterday, 20 today, 20 till the end. No more, no less.

DJ LEANDRO ZAYCO & THE PATIQUEROS DJ LEANDRO ZAYCO & THE PATIQUEROS
Camella Subd
Bacolod City, 6100

Maria Morena Love Radio Bacolod Maria Morena Love Radio Bacolod
Bacolod City

Your morena girl! Ari na! Ari na! Morenang sa inyo ay magpapagana!

Nhoyzkie_vlog Nhoyzkie_vlog
Bacolod City, 6100

Entertainment Website

Broken Promises Broken Promises
Bacolod City

Nagpanggap akong "PANGIT" Putik walang Naniwala! ��

Rol Vibes Rol Vibes
Bacolod City, 6100

musika't kalikasan

Mais pilit kg tam-is pa sa gugma ya. Mais pilit kg tam-is pa sa gugma ya.
Bacolod City
Bacolod City, 6100

johnrey_ph johnrey_ph
Bacolod City

PRADO's PRADO's
Bacolod City
Bacolod City, 6100

family,travel,bonding moments..��