Panatag

Panatag

Baguhang Manunulat
Hangad na kayo'y maging Panatag
Mga sulat ko'y maging inspirasyon sa inyong lahat.

21/11/2023

Maiwan man ako ng aking magulang, May Panginoon pa akong aasahan.

-Awit 27:10 MB

-👔

20/11/2023

Sa bigat ng aking dinadala
Sa hirap ng aking nadarama,

"Salamat may Pagsamba"

At kung minsa'y nanlulupaypay at nanghihina
Sa pakiramdam koy wala ng pag-asa,

"Salamat may Pagsamba"

Sa pagsubok at problema na akala koy hindi ko na makakaya,
Dahil sa tindi na sa tingin koy di na ako makakabangon pa,

"Salamat may Pagsamba"

Salitang nababangit sa panalangin na totoong ako'y naluluha at naitatanong, paano nalang kung walang Pagsamba?

Kaya, Salamat po Ama may Pagsamba!

_Ka R.V👔

19/11/2023

'Di bale ng magtiis, malungkot at mahirapan
Patungo sa maligayang wakas,
Kaysa naman masaya sa ngayon Subalit mapapahamak naman pagdating ng panahon.✨

-Ka R.V.✨

19/11/2023

Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa, kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya?
Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan?

- Job 27:8-9

- Ka RV👔
🇮🇹

18/11/2023

"Huwag mong ipagdamdam kung nabigo ka sa mga bagay na gusto mo. Alam ng Diyos kung ano ang nakabubuti para sayo, kaya hayaan mong Siya ang magbigay ng magandang plano para sayo. Di mo akalain na ang gusto mo'y unti-unting natutupad at higit pa nga sa kung ano ang inaasahan mo"

19/09/2023

🇮🇹✨

Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.
1 Corinto 15:58 RTPV05

19/09/2023

"Magtumibay na may pagtitiis."

Kaya magtiyaga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon. Masdan ninyo kung paano hinihintay ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa at kung gaano siya katiyaga hanggang sa pagpatak ng una at huling ulan.
Santiago 5:7 FSV

Kaya nga, mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang ani ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng tag-ulan.
Santiago 5:7 MB

09/09/2023

Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan...
Mateo 11:29 MB

Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, 4 siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala.
1 Timoteo 6: 3-4 MB

At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
Mateo 26:39 ADB

At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno ng iglesya. Magpakumbabá kayong lahat sapagkat nasusulat, “Sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.”
1 Pedro 5:5 MB

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.
1 Pedro 5:6 MB

09/6-7/23

07/09/2023

Kapag mabigat ang buhay at mahirap kayanin, tumigil ka muna sa iyong sarili. Tumahimik ka. Iyuko mo ang iyong ulo sa pananalangin. Huwag kang magtatanong: maghintay ka sa darating na pag-asa. Huwag mong takasan ang bagabag. Ito ay iyong harapin. Ang inaakala mong pinakamalubha ay hindi kailanman siyang pinakamalubha.

Bakit? Sapagkat Ang Panginoon ay hindi kailanman lilisan, na hindi na magbabalik. Kung Siya man ay gumagawang may kabagsikan, gumagawa rin siyang may kahabagan. Ang mga tinitipon Niyang tapat na pag-ibig ay napakalawak. Hindi Siya nasisiyahang gawing mahirap ang buhay, na naglalagay ng mga balakid sa daan:

Pinatutunayan ng Diyos na siya ay mabuti sa lalaking maalab na naghihintay, sa babaing masikap na humahanap. Pinakamabuting tahimik na umasa, na tahimik na umasa sa tulong na nagmumula sa Diyos.

Panaghoy 3:28-33, 25-26 TM✨

24/07/2023

Happy Anniversary po!🤭😅

Huwag naman sana tayo umabot sa ganito. Ano?👀😶

24/07/2023

🇮🇹✨

Wala ng maisasambit pa
kundi "Salamat po Ama."✨

with Ka R.V.✨

23/07/2023

Happy 109th Anniversary po mga Kapatid!🇮🇹🧡✨

02/07/2023

1 Year na pala ang Page natin.
Panatag
Salamat po 23k na po tayo!🇮🇹✨

Hinirang🇮🇹

10/06/2023
10/06/2023

INC LIFE🇮🇹✨

09/06/2023

Huwag kang huminto sa pagpapanata hanggang sa ito'y itulot.✨

05/05/2023

Makatagpo ka sana ng taong aakayin ka lalo sa kasiglahan
Yung taong sasamahan ka patungo sa tamang daan
Yung taong may mabuting puso at kalooban
Yung taong iingatan ka katulad ng kaniyang kahalalan.

Yung taong may pagpapahalaga sa Ama
Yung taong may malasakit sa Iglesia
Yung taong mapapaluha ka na lang
Kasi dumating sayo ng hindi mo inaasahan.✨

04/05/2023

Sa panahong di na namin maibigkas pa
Sapagkat ang mga luha'y di na mapigilan pa
Sa mundong ito na nakakapagod na
Palakasin Mo pa nawa kami, Ama.

Malayo pa ang aming lalakbayin
Marami pang pagsubok ang aming haharapin
Kaya marapat lang na sa Iyo kami ay lubos na magtitiwala
Sapagkat alam naming nandyan Ka; nakatanaw sa amin tuwi-tuwina.

03/05/2023

At kung para sayo, panatag ka dapat.✨

01/04/2023

🇮🇹✨

Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin.
Awit 27:10

23/03/2023

Hindi hihinto; hindi susuko
Bagkus magpapatuloy.✨

20/03/2023

Hindi mo kailangang mainip sa paghihintay
Dahil ang kaloob Niya'y
Ipinagpapanata, hinihiling at hinihintay
Sa tamang panahon, Kaniya rin ibibigay.

"Ipapasumpong sa tamang panahon
At sa tamang pagkakataon."✨

19/03/2023

Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag ni Abraham na, “Si Yahweh ang Nagkakaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao, “Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan.”
Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ni Yahweh,
“Ako'y nangangako sa pamamagitan ng aking pangalan—Yahweh. Sapagkat hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak,
pagpapalain kita. Ang lahi mo'y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Sasakupin nila ang mga lunsod ng kanilang mga kaaway.
Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat sinunod mo ang aking utos.”
Genesis 22:14-18 • MB

Photos from Panatag's post 16/03/2023

Ang pagiging mapagbigay ay nagdudulot ng kasaganaan, subalit ang pagkakait ng kawanggawa ay nagdudulot ng kahirapan.
Kawikaan 11:24 • TPT
..kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin, at tutulungan ang mahihirap,..... Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong gawa, at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng kaluwalhatian ni Yahweh. Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong dalangin; kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin niya, "Naririto ako."...
Isaias 58:10(a) at 8(b)-9(a) • BMB

Ang kuwento ng Iglesia Ni Cristo Eco-Farming Projects:
https://youtu.be/ErOKk-KSCLY

©️ Google

07/03/2023

Salamat po Ama sa panibagong taon
Sa aking mga pagtawag ako'y Iyong tinugon
Ipinagkaloob ang panibagong buhay at lakas
Na siyang gagamitin ko sa pagharap sa panibagong bukas.

Salamat po Ama sa lahat ng tulong Mo
Lalong lalo na sa mga panahong magulo ang isip ko
Dinala mo ako sa loob ng iyong templo
Doo'y nagmamakaawa't humihiling ng tulong Mo.

Salamat po Ama at napagtagumpayan ko
Ang mga pagsubok na pinagdaanan ko
Sa panahong magulo ang isip ko
Lalo akong nanghawak at nagtiwala sa dakilang magagawa Mo.

Ngayon sa araw na ito, masasabi ko...
"Salamat Ama at naghintay ako
Ito pala ang kaloob mo
Ito pala ang biyayang naghihintay sa akin
Di ko inaasahan sapagkat sobra-sobra pa ang dumating; sobra pa sa aking mga hiniling."✨✨

Isang araw, masasabi mo rin...

"Salamat Ama at naghintay ako
Ito pala ang kaloob mo
Ito pala ang biyayang naghihintay sakin
Di ko inaasahan sapagkat sobra pa sa ang dumating
Sobra pa sa aking mga hiniling."✨

The one who wait patiently will be rewarded soon.
Trust the process.
The timing of God is perfect.
Everything was worth the wait.

"When the time is right,
I, the Lord will make it happen."✨

06/02/2023

Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis? Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig. Muli akong magpupuri sa Diyos ko't Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!
Awit 43:5 • MB

03/02/2023

Kahit anong hiling mo
Kung hindi yun para sayo
Hindi Niya ibibigay ang mga bagay na iyon
Magtiwala ka lang sa Kaniya at hintayin ang tamang panahon.

"Dahil kung para sayo yun,
Ipagkakaloob Niya ang mga bagay na iyon."✨

02/02/2023

Sa PANGINOON mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.
Ipagkatiwala mo sa PANGINOON ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.
Pumanatag ka sa piling ng PANGINOON, at matiyagang maghintay sa gagawin niya.
Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila.
Salmo 37:4-5, 7 • ASND

Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.
Kawikaan 16:3 • MBB

Ipagkatiwala mo sa PANGINOON ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka.
Kawikaan 16:3 • ASND

01/02/2023

Ang lugar na lagi kong pinupuntahan
Ang lugar na nagsilbi kong silungan
Ang lugar na naging pangalawa kong tahanan
Ang lugar kung saan panatag ang puso ko't isipan.✨

29/01/2023

Patuloy mo nawang hilingin sa Kaniya
Ang taong mananampalataya
Ang taong iyong makakatuwang
Sa kasiglahan at sa pagtupad ng sagutin sa loob ng Kaniyang kawan.✨

29/01/2023

Napagtagumpayan ang isang buwan
Na kami'y nakapananatili sa loob ng Iyong kawan
Mananatiling lalakad sa katuwiran
Patuloy na mamumuhay ng may kabanalan.

Madilim man ang mundo
Kami'y hindi magbabago
Mananatiling hinirang Mo
Mananatiling Iglesia Ni Cristo.✨

27/01/2023

Maaaring huminto ka saglit
Maaaring mapag iwanan ka saglit
Maaaring mahuli ka at mauna ang iba
Maaaring mabigo ka pero kailangang bumangon ka.

Magpatuloy ka
Dahil sa bawat umaga ay may pag asa
Dahil habang may buhay ay may pag asa pa
Dahil habang nagpapatuloy ka marami ka pang magagawa.

Iba- iba man ang pagdadaanang hirap
Magpatuloy ka pa rin sa pag abot ng iyong mga pangarap.✨

24/01/2023

Kumusta po kayo?🧡✨

24/01/2023

Patuloy kang maghintay at magtiwala sa Kaniyang magagawa
Dahil sa lahat ng oras nakikita at naririnig ka Niya.✨

11/01/2023

Magpasya ka na
Huwag mo na sanang pabukasin pa
Ang panahon ngayon ay iba na
Ang takbo ng oras ay sadyang napakabilis na.

Magpasya ka na sa sarili mo
Isipin kung ano ang makabubuti sa'yo
Napakabuti ng Ama
Sa bawat pagsubok ay may mga paraan Siya.

Kung nahiwalay ka, magbalik loob ka na
Kung nasa paglabag ka, iwanan mo na
Habang may pagkakataon pa, bumawi ka
Habang hindi pa huli ang lahat, magbagong buhay ka na.

Hindi nais ng Panginoong Diyos na maiwan ka
Ang nais Niya ay maisama ka
Doon sa bayan Niya
Doon sa maluwalhating tahanan Niya.✨

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Bacolod CIty?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Bacolod City