Peregrinian Files
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Peregrinian Files, Health/Beauty, Bacoor.
In preparation for the upcoming Intramurals, the following adjustments in the schedule of Junior High School and Senior High School were made:
Hi!
Peregrinian Files Handled by the Supreme Student Government S.Y. 2017-2018. | This form is not affiliated with the School Administration.
malapit nanaman ang pasukan :)
Peregrinian Files Handled by the Supreme Student Government S.Y. 2017-2018. | This form is not affiliated with the School Administration.
Peregrinian Files Handled by the Supreme Student Government S.Y. 2017-2018. | This form is not affiliated with the School Administration.
desididong sumuko
buo na ang loob ko,
desididong lumayo sa iyo
at pigilan ang nararamdaman
para hindi na masaktan
sa laro ng pag-ibig na ating sinalihan:
ang larong iyong sinimulan
ngayon ay lalagyan ko na
ng mapait na katapusan
sapagkat mukhang ika'y hindi pa handa
nakikita ko sa iyong mga mata:
hindi ka pa handang tanggapin
ang mga bagay na bumubuo sa akin
hindi ako kayang mahalin
dahil siya parin ang nasa iyong damdamin
mahal kita
ngunit kung ipagpapatuloy ko pa
at sabihin sa sarili na ako ang mahal mo
sasaktan ko lang ang sarili ko
sasaktan mo lang ako
sapagkat alam ko
na siya parin ang 'yong gusto
masakit isipin
na ako'y hindi mo kayang mahalin
ngunit mas masakit sa damdamin
kung aking pipilitin
at ako'y iyo ngang mahalin,
ngunit siya parin ang iyong hangarin
mas masasaktan lang ako
kung sa bawat message mo sa akin
ay siya ang nasa isip mo
na para bang siya ang kausap mo,
at kung sa bawat tingin mo sa mga mata ko
ay siya parin ang nakikita mo
natatakot ako
dahil alam kong gusto mo ako
ngunit hindi mawala sa isip ko
na baka ito ay dahil,
sa bawat tingin mo sa akin,
ay siya ang naaalala mo
kaya buo na ang loob ko,
desididong lumayo sa iyo
buo na ang loob ko
na sukuan ang ikaw at ako
at tigilan na ang pagnanais
na magkaroon ng 'tayo'
RNBM 🌻
hs-2017
Schedule of Third Monthly Exams.
Congrats Judy Dayrit!
Magandang gabi.
Walang pasok bukas (November 10, 2017) sa lahat ng antas sa buong Lalawigan ng Cavite.
Matulog ng maaga mga hijo at mga hija!
CALLING THE ATTENTION OF ALL GRADE 12 STUDENTS.
The requirements for Mrs. Jeanne Bondoy would be the xerox copy of all your requirements for your OJT.( for those who already finished their OJT).
To the rest of the students who're not yet done with their training, your parent's consent and medical result would be your requirement.
ATTENTION TO ALL PEREGRINIANS!
A good netizen came to our school and returned a cellphone. The cellphone was said to be owned by a Peregrinian. We are now looking for the owner of the missing cellphone.
If you are the owner or you know the owner, please proceed to the faculty.
Peregrinians,
We are going to push through the Finals and 2nd quarterly exams tomorrow (October 18, 2017).
Note: Only the varsities are allowed to take the special exams. Thank you and please be guided accordingly.
Please be informed, Peregrinians!
ANNOUNCEMENT!!!!!
There will be no classes tomorrow, Oct 16 2017. Magiging sched po ng exam sa tuesday ay yung pang monday. 😁
To his new girl
Hi, para to sa bago nyang gusto, mahal or what. Sa bagong babae sa buhay niya. Kung mabasa mo man to gusto kong sabihin sayo na ANG SWERTE MO. Kaya pls? Ingatan mo siya, alagaan mo . Hilig nyan mag lol, pwede bang lagi mo syang alalahanan na magdala ng tubig, tsaka ng towel , pawisin kasi siya. Extra tshirt , para d siya mag kasakit, Kapag mag ttraining lagi mong paalalahanan na magingat siya. Minsan maulan pa , madulas. Lagi mo siyang paalalahanan na kumain na, pasaway yan e madalas. Sabihan mo din siyang wag masyadong magbabad sa computer, baka manlabo mata niya. Kapag may sakit siya, wag mo kalimutang sabihang uminom ng gamot. Kapag may problema siya, tawagan mo kausapin mo. Pikunin yan madalas e , mabilis mainis sa tao. Kausapin mo siya lagi, bilisan mo lagi mag reply mainipin kasi yan, yun kasi ginagawa ko nung una palang kame. Lagi kang magbabaon ng tubig kapag nasa school kayo, Matakaw yan . Kapag may gala sila ng barkada niya , payagan mo minsan lang kasi gumala yan, Kapag may topak yan , lambingin mo nalang . Minsan lang naman topakin yan, kaya lambingin mo na. Mag heart ka sa profile nya, la heart heart naman kasi. Kapag gagala kayo please bago magdilim payagan mo na siyang umuwi. Malayo kasi bahay niya delekado na sadaan pag madilim na, baka pagalitan siya. Nga pala favorite nya din yung Siopao, saka nga pala takot yan sa ipis at multo Gustong gusto nya din na nilalambing ganon. Ayaw nya sa lahat ng masyadong palasigaw, ganun kasi ako kaya madalas mainis sakin pag ganon ako. Alagaan mo siya ha? Tuluyan niya akong inayawan dahil sayo. Hindi mo naman kasalanan pero ang swerte mo kaya ingatan mo siya ha? Ako kasi may mga mali akong nagawa Pero pinagsisihan ko na yon. wala na , ganon talaga. Incase na makita ko kayong magkasama , dont worry hindi ako masasaktan. Hindi masakit yon. Magiging masaya ako kasi masaya na siya. Ganon naman talaga diba? Masaya kana kapag masaya yung taong mahal mo. Ako naman mali, kaya deserve ko to. The more it hurts , the more it heals. Okay lang kung mabasa niya to , atlis alam niyang masaya nako para sa kanya. Napapagod na siya e , sa bigat ng pakiramdam niya kaya binlock niya ko . Basta sa bago niyang mahal? Ingatan mo siya, alagaan mo siya. Sobrang loyal niyan, the best sa lahat ng lalaking dumating sa buhay ko. Siya ang pinaka paborito kong tao. Alam kong mas better ka sakin kaya mas mapapasaya mo siya. Ingatan mo siya, magiging masaya ako para sa inyo. ALAM KONG MAMAHALIN KA NIYA NG HIGIT PA SA SARILI NIYA, WALANG MAGIGING IBANG BABAE SA BUHAY NIYA KUNDI IKAW LANG. ANG SWERTE MO SA KANIYA.
PS. Sa mga makakakilala wag nyo ako itag please.
PPS: 11-Sapphire po si kuya
Cryyy
2017
Good evening, Peregrinians!
Tomorrow will be the last day of our 2nd monthly exam. Tomorrow's schedule will be Filipino and Science. Study hard & Good luck!!
-
baby, you're gold, solid gold
the things you do to me
baby, you're gold, solid gold
the words you say to me
all the cheats and lies
that you can't seem to put to a stop they hurt so fu***ng bad
and i can see in your eyes
evil from the bottom to the top
a devil in disguise
but what can i do
i'm inlove with you
i can't resist the idea of you
but i hope that someday
you'll see my worth and
somehow repay me for my wasted youth
'cause it seems like to you
i'm just a useless piece of copper
so fu***ng easy to find and replace
but to me baby, you're gold, solid gold
in a deck of cards, you're my hearty ace
V
2017
"Minsan"
Minsan mas mabuting hindi malinaw ang tunay na namamagitan sa inyong dalawa.Baka kasi kapag nilinaw mo pa, lumabas lang na malabo talaga.
kitty
Newton
2017
Schedule of Second Monthly Exam
Ano ba talaga tayo?
Araw araw kitang kasama araw araw kita nakakausap pero di ko alam kung ano ba talaga tayo ... tanong may tayo ba ? Para kase meron pero wla naman talaga pinapaasa ba natin yung isat isa o ng hihintay lang mo lang na sumuko ako hindi ko alam kung ano iniisip ko bat ko to na iisip pero nag tataka kase ako kung ano meron tayo yung ibang kaibigan ko ng sabi ano ba talaga kayo ... sigurado ka ba hindi ka niya iiwan aalis na siya next year kaya mo ba mawalay sa kanya?yung mga ganoong tanong di ko alam ang gagawin mahal na mahal kita sobra pero ano ba talaga tayo hays mag hihintay na lang talaga ako. Iloveyoubibi💕
Ps. 10 diamond po siya whihihi
Momo
2017
"N'abandonnez jamais"
N'abandonnez jamais salita sa french na ibigsabin ay hindi susuko. Hindi ako susuko. Patuloy akong lalaban at aasa na balang araw ako'y iyong mapansin. Panget man pakinggan na magkagusto sa alam kong hindi ko maabot. Pasensya na kung nabigla ka sa sinabi ko. Pasensya na rin kasi bigla nalang tumibok ang puso ko sa simpleng tulad mo. Hindi man ikaw ang pinaka gwapo na nakilala ko pero tanging ikaw ang naging dahilan ng pagngiti ko. Siguro hindi ka naniniwala. Iniisip mo na trip ko lang to. Na balang araw itong pagtingin ko sayo'y mawawala din. Sana nga ganun nalang eh. Sana ganun nalang kadali. Kaso wala na eh. Nafall na ko sayo. Gustuhin ko man na hindi nalang pero makita ko lang ngiti mo nababaliw na naman ako. Je t'aime bien.
Megan Bata
SHS
2017
Tuwa at Lungkot.
Natutuwa ako sa tuwing hinahawakan mo ang mga kamay ko,
Natutuwa ako sa tuwing niyayakap mo ako,
Natutuwa ako sa mga matatamis na salitang binibigay mo,
Natutuwa ako sa tuwing didikitan mo ako,
Natutuwa ako sa tuwing isasandal mo ang ulo mo sa balikat ko,
Natutuwa ako sa tuwing nagtatanong ka kung ano ang gusto ko.
Ngunit,
Nalulungkot ako.
Nalulungkot ako kasi alam kong hindi lang ang mga kamay ko ang hinahawakan mo,
Nalulungkot ako dahil naisip kong hindi lang din ako ang niyayakap mo,
Nalulungkot ako kasi naisip kong sweet ka naman talaga at hindi lang ako ang binibigyan mo ng matatamis na salita,
Nalulungkot ako kasi alam kong kapag nagdidikit ang ating mga balat, ako lang ang nakakaramdam ng kuryenteng dumadaloy sa buong sistema ko,
Nalulungkot ako dahil sa tuwing sinasandalan mo ako, umaasa ako. Umaasa ako na ganon din ang nararamdaman mo. Na gusto mo din ako.
Nalulungkot ako kasi kapag tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko, gustong gusto kong sabihin na IKAW.
Ikaw.
Ikaw ang gusto ko.
Umasa ako na gusto mo din ako.
Na mahal mo din ako.
Pero, mahal mo nga ba ako?
O hanggang dito nalang tayo?
BES.
2017
Dahil sayo
Bawat sugat na tinamo,
Humilom sa isang salita mo
Bawat problemang tahakin,
Pinili mong huwag baliwalain.
Sa isang sulyap mo sakin,
Parang nawala ang hangin
Noong ika;'y nasilayan sa aking panaginip,
Mundo ko'y naging langit sa isang ihip.
Noong ika'y unang nakilala,
Dagling nagising ang aking pagkamausisa
Noong ika'y nakilala pa nang husto, Bigla akong nagkagusto.
Ngayon aking pag-ibig,
ihinahandog para sa iyo
Ni isang saglit nasayang para sa'yo Itong pagpapakita ng aking paghanga Sana'y bigyan mong halaga.
Dedicated to: Ithalia Quilal-lan
ABC hanggang Z
2017
MATH and SCIENCE CAMP will be tomorrow! 🎈 Who's excited? Comment below your COLOR/TEAM! 🎉
Also, do not forget that we will be celebrating the Feast Day of St. Peregrine. 🙏
ANNOUNCEMENT
please wear white shirt and jeans tomorrow for the feast day. And kindly bring extra shirt of your team color!😊
SANA HINDI NA LANG IKAW
hi 😌 Pano ko ba uumpisahan to? Siguro uumpisahan ko sa taong nandiyan parati sakin isang lalake nandiyan parati..ang aking bestfriend ..pano kame naging bestfriend? Kinausap na niya ako bago mag umpisa ang klase natuwa pa ako noon kase kahit papano may nakakaintindi sakin 🙂 Pero dumating yung araw na may nagawa akong kasalanan ... yung iyak ako ng iyak kase sobrang dami kong iniisip noon that time kinausap ko siya...para mag sorry kase alam kong magagalit siya kase mali yung ginawa ko ... alam ko namang mali yun ehh pero nasaktan ako nung sinabihan niya akong hindi niya ako bestfriend ... diba dapat siya yung nakakaintindi sakin ? Siya yung nandiyan kahit may kasalanan ako siya yung tumangap ng pag kakamali ko ... kase siya yung bestfriend ko siya yung dapat makaintindi sakin kaso hindi ehh ... bago ang lahat tinapos niya ng ganoon ganoon lang yung friendship namin sa isip isip ko ganoon ba kalake yung nagawa ko para hindi mo na akong tangapin 😢 Bkit kase kahiya hiya akong maging bestfriend hays .... para sakin kulang pa. Yung karanasan mo sa pagiging bestfriend kase hindi mo alam kung ano talaga ang totoong mag bestfriend 😔. Taposin ko na lang dito basa na unan ko kakaiyak babye 😌🙂🙂😊
iniwan mo.
-LALA
Zinc
2017
"WAG"
Wag mong mahalin yung hindi ka mahal. Wag kang tanga. Mahalin mo yung nagmamahal sayo.
-Screen name
Diamond
2017
"Balik kana please"
Hindi makatulog sa gabi.
Iniisip paden ang iyong mga sinabi. Magugulat na lng ako pag-gising ko wala kana sa aking tabi.
Nawawalan na ng pag-asa para umibig muli.
Bumalik kana sa akin, parang awa mo na Dali.
Namimiss ko na ang iyong yakap at halik.
Mahihintay ko paba ang iyong pagbalik?
Mahal kita.
Mahal paden kita.
Hihintayin kita.
Hindi ako mapapagod na mahalin ka. Kasi nga mahal kita.
JYP
Diamond
2017
200 sumbat para sayo
Simulan natin sa una
Kung saan tayo nag umpisa
Umpisahan natin kung paano nabuo ang salitang tayo
At kung paano narin nawala ang salitang tayo
At kung paano nawala
Ako ay yung kinamusta
Ako ay yung binati kahit di naman ako kasali
Nakakagulat isipin na bigla bigla ka na lang susulpot
Magpapadama, magpapahiwatig at mag papaasa nakakaloka ka
Kala ko kaya ka lumapit dahil gusto mo ko pero bakit ganon?
Bakit?
Sana sa una palang sinabi mo na
Sinabi mo na yun lang pala
Nakakalerki. Pinagmukha mo pa kong bakla
Sana kung nalaman ko ng mas maaga
Tinuruan kita kung paano kumita
Para hanggang ngayon may laman parin ang aking pitaka
Di ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko
At mas lalong di ko rin alam kung ano ang uunahin ko
Ang pusong dumudugo O ang pitakang lumuluha
Bakit sa dinami dami ako pa ang iyong natipuhan
Natipuhang utangan
Pero narealize kong tama na
Hahayaan na kita
Sige sayo na
Sayo na 200 ko
-Miss Universe
Crush
Hi po sayo Antonette Laiza Yulo ng 11- Ruby hahaha, alam mo ba crush na crush kita. Sana mapansin mo po ako kahit na hindi ako yung lagi mong kausap or kachat alam ko naman na hindi ako mahalaga sayo kaya di nako aasa pa hays
R
2017
LAST MESSAGE
Sorry sa lahat lahat rave. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ayokong gawin to pero kailangan. Kailangan kasi ayokong makita kang nasasaktan araw araw. Parang sinasaksak ko yung puso ko sa tuwing masasaktan kita. Ikaw yung pinakaminahal kong lalaki. Sayo lang ako nagkaroon ng closure. Hindi ko maipapangakong hindi ako iiyak. Ang galing no? Mahal ko pero iiwan ko. Siguro nga mahal pa kita. Pero tama na. Mas kilala ko yung sarili ko. Mauulit at mauulit pa din to. Sorry sa lahat. Sa attitude ko. Sa lahat ng bagay. Ang saya ng memories ko sayo promise. Kaya sana yung iisang wish ko, na wag kang magagalit sakin. Friends padin. Masakit oo pero yun lang naman yung hiling ko. Sana please. I hate goodbyes. But i think this is not the last time. I love you for the last time. Can we start as a friend? as a tropa? I think it would be fine. No heartbreaks and anything. Ayokong mawala ka. Just please. Don't break your promises.
-It doesn't work anymore
9/12/17
KPOP
Kami lang ba, osige kayo na rin haha. Kami lang ba yung mag kaka-classmate na sobrang adik sa kpop? Yung miski lalaki adik na din haha tas may kanya kanyang bias HAHAHAHAHAHA. Yung tipong dati tingin namin bading mga lalaki, pero nakakaadik pala lalo na ung kanta ng bts na Spring day! HAHAHAHA!
Shout out sa mga Bts ng Diamond jan! 😂 Sige pamangarap pa! Lablab.
-V
9/12/17
ANNOUNCEMENT!!!
As declared by the City Government of Bacoor, classes in all levels are suspended tomorrow, September 13. Stay safe and dry, Peregrinians! 🌸
Hello, Peregrinians! You can now send your stories/confessions using the link below. Thank you!
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfP-sd0Q6kfM7difS1-j5NLJknB0GAyhHW9pFMScSEFRcmfzA/viewform
Peregrinian Files Handled by the Supreme Student Government S.Y. 2017-2018. | This form is not affiliated with the School Administration.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Bacoor
100% organic, Safe & Effective.
678 Commercial Center Unit #19 Mambog IV Molino Boulevard , Bacoor City
Bacoor, 4102
Everyone is beautiful, we just make it obvious! we also accept Gcash payment
Celestino Cmpd Sulok Street
Bacoor, 4000
Tulong pinansyal at kalusugan
Molino
Bacoor, 4102
TO REMOVES SKIN PROBLEMS AND SKIN WHITENING! BEST RECOMMENDED! FREE SHIPPING AND CASH ON DELIVERY NA
Niog 2, Cavite
Bacoor, 4102
With a commitment to helping people, LiveGood brings you the most advanced nutritional supplements