Jhun Cerbito
I use my Facebook to Glorify God ��
Sa lahat po ng may sakit at karamdaman, malubha man o hindi, bago Lang o matagal mo ng iniinda, araw o taon mo na yang tinitiis. basta naniniwala ka sa Diyos at sa Kanyang Kapangyarihan ikaw ay gagaling. Maniwala ka na gagaling sa oras na ito. I pray for you.
Sa oras na ito, para mas effective, magpatawad ka at i-release mo ang galit o p**t at pagkamuhi mo para makatulong sa mabilisan mong pag galing.
Father God I Speak Supernatural Instant healing right now in the mighty and powerful name of Jesus. 🔥🔥🔥
Ikaw na sakit at karamdaman sa oras na ito, inuutusan kita na malusaw at hindi na babalik pa kahit kailan sa pangalan ni Hesus. 🔥🔥🔥
Right now I receive healing thank you Lord.
Malaya na ako sa sakit at karamdaman at pinutol mo na ang mga kadena na nagpapahirap sakin. Sayo po ang lahat ng papuri at pasasalamat.
Thank you Lord God. 🙌🙏😍
Pm mo ako kung may ginawa sayo ang Panginoon after mo basahin itong aking maikling panalangin.
Thank you Jesus!
Glory all to God. 🙏🙌
ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Isaias 40:31
Always do your best! ♥️🔥💯%
PRAY:
Pray until your situation changes. Miracles happen everyday so, never stop believing in God and His timing.
Kaya tandaan ninyo: anuman ang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo.
Marcos 11:24
Hindi lahat ng salitang"suko" ay talo na. Subukan mo isuko ang buhay mo sa Panginoon 💯% Panalo ka! 🙏🙌🔥
Libre lang manalangin pero grabe yung balik sayo.🙏🙌
When God gives you a new beginning, don't repeat the same mistake.
Umulan man ng problema at pagsubok, gawin mong payong ang tiwala at pananampalataya sa Panginoon.
Kung gusto mong manatiling malakas, dapat palagi kang konektado sa taas. ☝️🙏🙌
Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios.
2 Timeteo 3:16-17
Kapag naaalala mo ang lahat ng ginawa ng Diyos sa buhay mo minsan maluluha ka na lang. 🥹😭🙏🙌
Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
Juan 14:6
Blessed sunday everyone. May the Lord bless and keep you. Make His face shine upon you. 🙏🙌
PRAYER is the FASTEST and RELIABLE CONNECTION to GOD. 🙏🙌
Salute sayo kuya sa pag share ng word of God dito sa loob ng TS Cruz Subd. Brgy Almanza Dos Las Piñas City. :)
Salamat kasi isa rin sa ginagamit ng Lord para ihayag ang goodness ng Lord. 🙏🙌
Shoutout sayo kuya sana mapanood mo rin ito.
Glory all to God.
Share niyo rin po itong video para malaman ng iba. :)
Si Jesus lang po ang kailangan natin at makakapag pabago satin.
Magsisi na po tayo habang hindi pa po huli ang lahat. :)
Great Commission!
Then Jesus came to them and said, "All authority in heaven and on earth has been given to me.
Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,
and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age."
Matthew 28:18-20 (NIV)
For to me, to live is Christ and to die is gain.
Philippians 1:21 (NIV)
Sapagkat para sa akin, ang buhay ko ay para kay Cristo. At kung mamatay man ako, kapakinabangan ito sa akin dahil makakapiling ko na siya.
Filipos 1:21 (ASND)
Glory all to God! 🙏🙌
Sapagkat para sa akin, ang buhay ko ay para kay Cristo. At kung mamatay man ako, kapakinabangan ito sa akin dahil makakapiling ko na siya.
Filipos 1:21 (ASND)
To live is Christ to die is gain. 🙏🙌
Mga Paghihirap at Pag-uusig na Darating
Habang nakaupo si Jesus sa isang lugar sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kanya ang mga tagasunod niya at nakipag-usap nang sarilinan. Sinabi nila, “Sabihin nʼyo po sa amin kung kailan mangyayari ang sinabi nʼyo? At ano po ang mga palatandaan ng muli nʼyong pagparito at ng katapusan ng mundo?”
Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo madaya ninuman. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihing sila ang Cristo, at marami ang kanilang ililigaw. Makakarinig kayo ng mga digmaang malapit sa inyo, at mababalitaan ninyo na may mga digmaan din sa malayo. Ngunit huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang katapusan. Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at paglindol sa ibaʼt ibang lugar. Ang lahat ng itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating.
“Sa panahong iyon, kamumuhian kayo dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Dadakpin kayo upang parusahan at patayin. Marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Kapop**tan at ipapahuli nila ang kapwa nila mananampalataya. Lilitaw ang maraming huwad na propeta at marami ang maililigaw nila. Lalaganap ang kasamaan, at dahil dito, manlalamig ang pag-ibig ng maraming mananampalataya. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang sa wakas ay maliligtas. Ipangangaral sa buong mundo ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios upang malaman ito ng lahat ng tao, at saka darating ang katapusan.”
Mateo 24:3-14
Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Cristo na.
Galacia 3:28 (ASND)
HaveFaithInGod
Happy Valentine's day everyone ❤💞💗
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=6008647422515386&id=100001105629009&mibextid=Nif5oz
Begin to take action in faith, and boldness will come.
Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Dios, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmalaki ang sinuman.
Efeso 2:8-9 (ASND)
Ang sinumang nagsasabing siyaʼy nasa liwanag ngunit napop**t naman sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin. Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay namumuhay sa liwanag, at walang anuman sa buhay niya ang magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa.
1 Juan 2:9-10 (ASND)
“O Panginoong Dios, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa. Ipinapakita nʼyo ang pag-ibig nʼyo sa libu-libo, pero pinarurusahan nʼyo ang mga anak dahil sa kasalanan ng mga magulang nila. O kay dakila po ninyo O Dios, ang pangalan ninyo ay Panginoong Makapangyarihan. Napakaganda po ng mga plano nʼyo at kahanga-hanga ang mga gawa ninyo. Nakikita nʼyo ang lahat ng ginagawa ng mga tao at ginagantihan nʼyo po sila ayon sa mga pag-uugali at gawa nila.
Jeremias 32:17-19 (ASND)
Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
Galacia 2:20 (ASND)
Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid,
at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan.
Salmo 34:15 (ASND)
Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, pero hindi nʼyo pa kayang intindihin sa ngayon. 13 Pero pagdating ng Banal na Espiritu na siyang tagapagturo ng katotohanan, tutulungan niya kayo para maintindihan nʼyo ang lahat ng katotohanan. Ang ituturo niya ay hindi galing sa kanya; sasabihin niya kung ano lang ang narinig niya at ipapahayag din niya sa inyo ang tungkol sa mga bagay na darating.
Juan 16:12-13
Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.
Masasabi niyaa sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol.
Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.”
Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot.
Iingatan ka niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak.
Iingatan ka at ipagtatanggol ng kanyang katapatan.
Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na nakakatakot,
o sa palaso ng mga kaaway, o sa sakit at mga salot na sumasapit sa gabi man o sa araw.
Kahit libu-libo pa ang mamatay sa paligid mo, walang mangyayari sa iyo. Makikita mo kung paano pinaparusahan ang mga taong masama.
Dahil ginawa mong kanlungan ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios na aking tagapagtanggol,
walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan.
Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta.
Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato.
Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas.
Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin.
Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya;
sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya.
Ililigtas ko siya at pararangalan.
16 Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.”
Salmo 91:1-16 (ASND)
Basahin at i-declare natin ito araw araw.
Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa.
Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo.
Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion.
Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Dios ng Israel na nasa piling ninyo.”
Isaias 12:5-6 (ASND)
Binuhay kayong muli kasama ni Cristo, kaya sikapin ninyong makamtan ang mga bagay na nasa langit kung saan naroon si Cristo na nakaupo sa kanan ng Dios. Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay. Sapagkat namatay na kayo sa dati nʼyong buhay, at ang buhay ninyo ngayon ay nakatago sa Dios kasama ni Cristo. Si Cristo ang buhay ninyo, at kapag dumating na ang panahon na nahayag na siya, mahahayag din kayo at makikibahagi sa kapangyarihan niya at karangalan.
Colosas 3:1-4 (ASND)
Merry CHRISTmas!
Jesus is the reason for the season. 🎄🎁🙌🙏
Sambahin Ka O Yahweh - Youth Christmas Party Presentation City Church TS Cruz
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the public figure
Telephone
Address
Bacoor
4102