Arch. Ariel C. Valderama
Political / Public servant
PABATIDE: Pabatid ukol sa Lagay ng Tide sa Bayan ng Balagtas
Alamin ang impormasyon ukol sa pagtaas at pagbaba ng tubig sa ating bayan batay sa ulat ng Tideschart.
Petsa: Hulyo 25, 2024
Unang Tide: 12:16 PM tataas ng 1.3 Metro
Ikalawang Tide: 8:23 PM bababa ng 0.1 Metro
Isang hakbang ito upang ang kaligtasan ay sigurado. At maging alerto ang bawat Balagtasenyo.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
BENTE KWATRO ORAS
PARA SA BAYAN NG BALAGTAS
Sa pagpapatuloy ng pananalasa ng Bagyong Carina, magpapatuloy rin ang pamahalaang bayan sa pagbabantay sa kaligtasan ng buong bayan.
Alerto at alisto ang iba't ibang departmento, sa pangunguna ng MDRRMO, upang tugunan ang pangangailangan ng bawat Balagtasenyo.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ay idineklara na ang kanselasyon ng klase at trabaho sa lahat ng mga pampubliko at pampribadong paaralan at tanggapan sa lalawigan ng Bulacan bukas, ika-25 ng Hulyo 2024.
Nagpaalala rin si Gobernador Daniel R. Fernando sa ibayong pag-iingat at pagiging alerto.
Mahigpit ang pagtalima rito ng Bayan ng Balagtas upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Balagtasenyo.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
Hindi tiyak kung kailan bubuti ang panahon.
Hindi tiyak kung kailan huhupa ang baha at hihina ang ulan.
Ngunit ang isang tiyak, kailan man ay hindi tayo pababayaan at iiwanan ng ating Panginoon.
Mga Balagtasenyo, sama-sama tayong mag-alay ng panalangin para sa kaligtasan ng ating bayan at ng bawat mamamayan.
Mula sa Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas, lahat ito ay ating makakayanan.
RED WARNING LEVEL!
Tuloy-tuloy at walang humpay ang pagbuhos ng ulan kaya't itinaas na ng NDRRMC ang Red Warning Level sa Lalawigan ng Bulacan.
Kasama ang Bayan ng Balagtas sa nakararanas nito. Bukas ang Don Cayetano Sports Complex para sa mga kailangang lumikas lalo na sa mga lugar na mataas ang lebel ng baha.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
PABATIDE: Pabatid ukol sa Lagay ng Tide sa Bayan ng Balagtas
Alamin ang impormasyon ukol sa pagtaas at pagbaba ng tubig sa ating bayan batay sa ulat ng Tideschart.
Petsa: Hulyo 24, 2024
Unang Tide: 11:29 AM tataas ng 1.3 Metro
Ikalawang Tide: 7:59 PM bababa ng -0.1 Metro
Isang hakbang ito upang ang kaligtasan ay sigurado. At maging alerto ang bawat Balagtasenyo.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
Balagtas Emergency Hotlines
Bayan ng Balagtas, narito ang mga mahahalagang numero na maaari ninyong tawagan, at dito rin idulog ang inyong mga pangangailangan.
Patuloy rin ang operasyon ng mga departamentong tumututok sa bawat sakuna at nakahandang maghatid ng mga pangunahing serbisyo.
Ibayong pag-iingat para sa lahat. Palaging bukas ang linya ng telepono para sa bawat Balagtasenyo.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
ORANGE WARNING LEVEL!
Sa pagpapatuloy ng malakas na pag-ulan, itinaas ng NDRRMC ang Orange Warning Level sa Bayan ng Balagtas.
Kaugnay nito, ang Tanggapan ng Alkalde ng Bayan naman ay nagbaba na rin ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas at trabaho sa lahat ng pampublikong opisina.
Nananatili namang nakabantay ang ating pamahalaang bayan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Balagtasenyo.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
ULAT ULAN
SUSPENDIDO na ang klase sa lahat ng antas ng paaralan at trabaho sa lokal na pamahalaan ng Bayan ng Balagtas mula 12:00 ng tanghali, Hulyo 23, 2024.
Rekomendasyon ito ng LDRRMO dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa ating bayan.
Manatili nawang ligtas at alerto ang bawat Balagtasenyo.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
ULAT ULAN
Mula kaninang alas-singko ng madaling araw ay nakararanas ng mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang Lalawigan ng Bulacan bunsod ng Enhanced Southwest Moonsoon (Habagat) at Bagyong Carina.
Apektado ang Bayan ng Balagtas, kaya't patuloy rin ang ating pagpapaalala na maging maingat at maging alerto sa pagtaas ng tubig o pagkaputol ng kuryente.
Nagpapaalala at nagmamalasakit, Tanggapan ng Bise-Alkalde ng Bayan ng Balagtas.
NO GO NA ANG POGO!
Sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., kaniya nang tinuldukan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Ang POGO, katulad ng binuwag sa Bamban, Tarlac, na pinamamalakad ng mga dayuhan, ay banta sa katahimikan at kaayusan sa bansa.
Hindi POGO at ano mang porma ng sugal ang magpapaunlad sa bansa. Maraming
natural na yaman, gaya sa agrikultura na ipinagmamalaki ng ating bayan, ang makatutulong sa ating pag-asenso.
Talo ang Pilipino sa POGO, ang ating pagkakaISA ang magpapanalo sa bawat Balagtasenyo.
- ๐โค๏ธ๐งก
Ako po ay bumabati sa ika-21 anibersaryo ng Jesus is Lord Wawa Balagtas. Maraming salamat po sa inyong imbitasyon, nagagalak po ako sapagkat nakasama ko kayo ngayong umaga. Patuloy po akong susuporta sa inyo pong mga adhikain. Maraming salamat po sa pag seserbisyo at pagmamahal sa Diyos at sa Bayan.
God Never Fails โค๏ธ ๐คฒ๐
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป.
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Ano ang katagang magpapanalo sa bawat Balagtasenyo? At magpapanalo sa WALO ng LIMANDAANG PISO!
I-comment at i-share ang iyong sagot at ang tatlong kulay ng puso na magkakaisa, magsasama-sama, at magsasanib-puwersa.
- ๐โค๏ธ๐งก
Piliin palagi na maging isang mabuting tao โค๏ธ
Nakakataba ng puso โค๏ธ Bumisita si Nanay Aurelia sa ating opisina upang magpasalamat sa ating tulong sa kanya noong akin syang nakasalamuha noong July 2 sa Operation Tuli. Nag iwan pa sya ng liham ng pasasalamat. Salamat Nanay Aurelia, ang mga katulad mo ang isa sa mga insipirasyon ko kaya masaya ako sa paglilingkod sa bayan at sa kapwa.
Bumisita sa ating opisina ang ilang mag-aaral ng Bulacan Agricultural State University - Balagtas Campus upang bumati at makipag palitan ng kuro-kuro sa inyong lingkod. Ang palaging payo ni Kuya Vice Mayor Ariel sa kanila ay mag-aral ng mabuti at tumulong sa pamilya. Pakabait kayo palagi at maging huwarang kabataan ๐
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap sa ika-4 na palabag ng ating bagong munisipyo ang Flag Raising Ceremony ngayong araw ng Lunes. Ito ay pinangunahan ng ating Mayor, Alkalde Eladio E. Gonzales Jr. at ng inyong lingkod. Ito ay dinaluhan ng mga national agency officers, mga department head at mga kawani ng munisipyo. Nagsilbing host ang Sangguniang Barangay ng Dalig.
Ito ay sinundan ng Regular na Pagpupulong ng Sangguniang Bayan.
#๐โค๏ธ
Magandang araw ng Linggo bayan ni Kiko.
Salamat po Diyos sa araw na ito ๐
Ang pagsasaayos/pagsisimento sa San Miguel Subdivision Sulok Panginay ay proyekto po ng inyong lingkod katuwang ang ating Mayor, Alkalde Eladio E. Gonzales Jr..
Ginagawan po natin ng paraan upang masolusyunan ang mga nilalapit sa atin ng ating mga kababayan. Hindi man mapagbigyan sa ngayon ang lahat ng mga kahilingan dahil sa limitadong pondo, sisiguraduhin naman ng inyong lingkod na ito ay matutugunan sa mga susunod na panahon.
Narito ang ilang bahagi ng aking mensahe sa ginanap na Updating of Comprehensive Development Plan ngayong araw (July 10) sa ating munisipyo.
"Hindi tayo dapat nagpoproyekto ayon lang sa kagustuhan natin. Dapat ang proyekto natin ay para sa kapakinabangan ng mga mamamayan natin" - Vice Mayor Ariel C. Valderama
Maraming Salamat, Jomari! Pambihira ang iyong talento, ipinagmamalaki ka ng Bayan ng Makata.
Handog natin ay mga semento at panambak sa JIL Sto. Niรฑo Panginay โค๏ธโค๏ธโค๏ธ
Ctto:
Si Jackie Chan ay sumagot sa tanong ng isang mamamahayag kung siya ba ay nasisiyahan sa kanyang buhay. Narito ang kanyang sagot.
"Alam mo, minsan akong nakarinig ng napakatalinong mga salita:
Ang iyong pagsusumikap sa trabaho ay pangarap ng bawat walang trabaho;
Ang iyong makulit na anak ay pangarap ng bawat walang anak;
Ang iyong maliit na tahanan ay pangarap ng bawat walang tirahan;
Ang iyong maliit na kapital ay pangarap ng bawat may utang;
Ang iyong kalusugan ay pangarap ng bawat may sakit na walang lunas;
Ang iyong kapayapaan, ang iyong mapayapang tulog, ang iyong madaling makuhang pagkain ay pangarap ng lahat ng nasa bansang may digmaan.
Dapat mong pahalagahan ang lahat ng meron ka. Pagkat walang nakakaalam kung ano ang dala ng bukas."
Every gising is a blessing! Mabiyayang araw po sa lahat!
Isang masayang araw ng Lunes po sa lahat. Unang araw din sa buwan ng Hulyo, nawa'y pagkalooban tayong lahat ng Panginoon nang mabuting kalusugan at kagaangang pinansyal. Magiging mabiyaya ang buwan ng Hulyo para sa ating lahat, siksik, liglig at umaapaw. claim it!
Ang mga namumuno sa Bayan at sa Barangay dapat nagtutulungan para sa ikabubuti ng ating mga nasasakupan.
Sangguniang Bayan Katuwang ng Sangguniang Barangay para sa KAAYUSAN at KALINISAN.
Ating binisita ngayong araw ang ipinapagawa nating kalsada sa San Miguel, Panginay. Sa pamamagitan nito ay maiibsan ang pagbaha sa nasabing lugar. Ang proyektong ito ay mula sa buwis ng taong bayan. Tayo ay nagpapasalamat sa ating Mayor, Alkalde Eladio E. Gonzales Jr. na palaging naka suporta sa ating mga proyekto.
Sangguniang Bayan KATUWANG ng Sangguniang Barangay para sa KAAYUSAN at KALINISAN.
Soon!
Mga larawang kuha sa ginanap na Regular na Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng Balagtas kahapon, ika-20 ng Nobyembre 2023.
Ating kinilala ang bagong halal na SK Federation President na si Kgg. Matthew Stanley S. Chan mula sa Brgy. Longos sa kanyang unang pagdalo sa Regular na Pagpupulong.
Binigyang parangal din natin ang ilang mga miyembro ng ating PNP dahil sa kanilang ipinakitang husay at kasipagan sa pagsugpo ng ipinagbabawal na droga at krimen sa ating bayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Balagtas
3016