Balagtas City

Balagtas City

You may also like

Ikigai Investor
Ikigai Investor

Anything about, by, for, from, or excerps of stories which included, influenced, or inspired by Balagtas.

Balagtas is a first class urban municipality in the province of Bulacan, Philippines. According to the 2010 census, it has a population of 65,440 inhabitants. With the continuous expansion of Metro Manila, the municipality is now part of Manila's built up area which reaches San Ildefonso in its northernmost part. Thirty kilometers North of Manila, Balagtas (formerly known as Bigaa), renamed in hon

15/04/2024

Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars – they help me earn money to keep making content that you love.

Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars.

13/04/2024
31/03/2024
Photos from Balagtas City's post 22/02/2024
Photos from Balagtas City's post 22/02/2024

Initial construction of new Balagtas bypass road going to Bulakan...

Photos from Balagtas City's post 22/02/2024

Construction of the first Medical Center in Balagtas, Bulacan...

06/12/2023

P3.5 Billion Bocaue-Balagtas diversion road papunta sa Bulakan na pagtatayuan ng airport sinisimulan ng gawin

By Carmela Reyes-Estrope- November 13, 2021

BULAKAN, Bulacan–Sinisimulan ng gawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P3.5 bilyon halagang Bocaue-Balagtas bypass/diversion road patungo sa bayang ito na pagtatayuan ng P754-bilyon halagang New Manila International Airport ng San Miguel Corporation at magiging isang alternate route din ng mga motorista upang makaiwas sa congested at binabahang mga bahagi ng MacArthur highway ng dalawang bayan.

Ang Bocaue-Balagtas bypass diversion road ay isang 6-km project mula Lolomboy, Bocaue na tatawid ng Barangay San Juan, Balagtas hanggang sa Barangay Matungao ng bayang ito.

Ayon kay Alcantara, ang proyekto ay isang alternative route para sa mga motorista upang iwasan ang day to day bottleneck traffic sa bahagi ng Bocaue at Balagtas sa MacArthur highway dahil sa mga dumadaang trucks papasok at palabas ng Bulacan.

Kapag nagawa na, mas bibilis na din ang biyahe sa lugar ng mahigit 20 minutos.

Nagsisimula na rin ang land development sa coastal areas ng Barangay Taliptip sa bayang ito kung saan itatayo ang nasabing P754-bilyon halagang airport at inaasahan din itong mag-operate sa 2026.

Ang Matungao na huling bahagi ng bypass and diversion road ay may 10-15 km na distansiya papunta sa nasabing airport site.

23/11/2023

at last, a new Hospital in Balagtas...

17/06/2023

Caluya-Caruya-Karuyan-Bigaa Balagtas

TAGNI-TAGNING KASAYSAYAN

PAGDATING NG MGA AMERIKANO

Makaraang magtagumpay ang mga Amerikano laban sa mga Kastila sa kanilang paghahamok sa tinaguriang “Battle of Manila Bay”, noong a-uno ng Mayo, 1898, sila ay ganap ng nakapasok ng Maynila ng ika- 13 ng Agosto. Nagtapos ang labanan sa pagitan ng dalawang pwersang dayuhan sa Maynila sa paglagda ng kasunduang “Treaty of Paris”, noong Disyembre 10, 1898, kung saan sa 20 milyong piso ay isinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika.

Dahil sa pagdating ng mga Amerikano, ilang buwan matapos ang pagdedeklara ni Aginaldo ng kasarinlan sa Cavite, inilipat niya ang kabisera ng Pilipinas sa Malolos noong Setyembre 14, 1898, kung kaya nasentro ang Gobyernong Rebolusyonaryo sa Bulacan. Kaya’t nang sumapit ang ika-4 ng Pebrero ng 1899, sa pagsiklab ng gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, mula sa Maynila, ay sinimulan naman ng mga Amerikano ang pagsalakay sa Malolos. Sa umpisa pa lamang ng labanan, mula sa Maynila, ay nakuha na agad ng mga puti ang Kalookan nang mapatay ang pinuno ng tropa ng mga Pilipino na si Jose Torres Bugallon. Sa pag-atras ng mga Pilipinong kawal ay dala-dala nila ang labi ni Bugallon dahil ang plano ay sa Bigaa ito ilibing, ngunit sa pagsalungat ng isang Dr. Paul Guevarra, at marahil sanhi ng mabilis na pag usad ng mga kalaban ay isinama ito sa Malolos, na kalaunan ay inilipat din naman sa ibang lugar.

Makaraang makuha ng mga Amerikano ang buong Kamaynilaan, nagsimula na rin ang labanan sa Polo, Bulacan kung saan nakahimpil si Hen. Antonio Luna. Bagama’t naging mainit ang labanan, mula dito’y patuloy ang unti-unting pagsulong ng mga Amerikano pahilaga, at kahit pa sa bawat dinaraanan nila mula sa Meycauayan, Marilao, at Bocaue ay may mga sagabal, noong Marso 29, 1899, mas lalo pa silang nahirapan pagpasok sa Bigaa dahil bukod sa matinding pagsalangsang ng mga kawal sa Bigaa, sinira pa ng mga rebolusyonaryo ang tulay ng Bigaa upang mabalam ang pagsulong ng mga kalaban. Kinailangan pa ng mga Amerikano na gumawa ng mga pansamatalang tulay sa pinagdikit-dikit na mga bangka sa ilog ng Bigaa upang makatawid ang mga sundalo at ang mga kagamitan ng mga Amerikano, at upang ganap na mapasuko ang bayan ng Bigaa, at sa gayon ay tuluyang makadiretso patungong Malolos. Kaugnay pa rin ng pagbagsak ng Bigaa, ayon sa kasaysayan ng simbahan ng San Jose ng Navotas, nadamay ang maraming mahahalagang dokumento ng parokya ng Navotas na itinakas ni P. Nicolas Avendano at dinala sa Bigaa upang itago, sa kasamaang palad, kinailangang sunugin ang mga ito, kasama ng marami pang ibang dokumento, ng bumagsak sa mga kamay ng Amerikano ang Bigaa.
Bago pa man marating ng mga Amerikano ang Malolos, nakatakas na si Aguinaldo papuntang hilaga. Lumipas pa ang halos dalawang taong labanan ng mahuli si Aguinaldo sa Isabela, at nagwagi ang mga Amerikano noong Marso 23, 1901.

Sa kabila ng mga pagkabigo ng mg Pilipino, ang pag ibig sa kasarinlan ay walang pagmamaliw sa puso ng mga Pilipino, maging sa mga taga Bigaa. Patuloy pa rin ang pagdami ng kaanib ng Katipunan sa bayan sa kabila ng lahat, dahil sa pangunguna at panghihimok ng mga natitirang kasapi ng Katipunan, una na si Macario Sakay. Sa unti unting pagbabalik ng normal na pamumuhay sa ilalim ng mga Amerikano, ang mga katipunerong kasapi ng paksyon ng Magdiwang na sumusuporta kay Bonifacio ay nagtatag ng isang partidong political na tinatawag na Partido Nacionalista noong Agosto 21, 1901, kung saan si Hen. Macario Sakay ang natalagang Punong Kalihim. Ang partidong ito na may adhikain ng Kalayaan ng Pilipinas ay ipinagbawal ng mga Amerikano kalaunan, kung kaya’t noong Enero ng 1902, si Macario Sakay ay dinakip sampu ng kanyang mga kasamahan, sa kanyang himpilan sa nayon ng Burol sa Bigaa. Makaraan ang ilang buwan ay pinalaya rin si Sakay ngunit itinatag naman niya ang Republika ng Katagalugan kung saan siya ang naging Pangulong Supremo at punong heneral. Si Sakay ang Heneral ng Katipunan na may mahabang buhok sa buong panahon ng kanyang pakikipaglaban.

Ng sumapit ang taong 1903, ayon sa ulat, ang Bigaa ay mayroon ng halos 8,000 mamamayan29. Nagpatuloy na muli ang nasimulang sanga ng Ferrocaril sa Bigaa na bumabagtas sa mga silangang bayan ng Bulacan patungong Nueva Ecija, kung saan ang linya na nagdurugtong sa Cabanatuan ay sinasabing matatapos pagsapit ng 1905. Tinatayang dumami ng may halos 10 porsyento ang bilang ng mga taong nanirahan sa kahabaan ng dinaanan ng riles mula Bigaa hanggang Cabanatuan ng mayari ang naturang daanan30.
Ng maitatag na ng mga Amerikano ang sibilyang pamahalaan, sa taon ding 1903, upang higit na mapadali ang pamamahala sa lahat ng lugar sa Pilipinas, binawasan nila ang bilang ng mga munisipalidad at pinagsama-sama ang magkakaratig na bayan. Dito ay nagkasanib bilang isang bayan ang Bigaa at ang Bocaue. Ngunit dahil nakatimo na sa puso ng mga taga Bigaa ang pagiging malaya, at ang pagsasarili, hindi basta na lamang pumayag ang mga taga Bigaa na mapailalim sa ibang bayan, sa katunayan isang taga Bigaa, si G. Lorenzo Galvez ang naging presidente ng pinagsanib na bayan (katumbas ng alkalde ngayon) noong 1905-1907, at noon namang 1908, ang mga taga Bigaang miyembro ng konseho sa pangunguna ni G. Guillermo Puato at iba pa, ay nagmungkahi na gawing Balagtas ang pangalan ng pinag-ugnay na bayan, bilang pagpupugay kay G*t. Francisco Balagtas na isinilang sa Bigaa. At bagama’t hindi nangyari ang kanilang panukala, makaraan lamang ang ilang taon, kasama ang Pandi bilang nayon, ay nakamit namang muli ng Bigaa, ang pagiging independyente nuong 1911 at ang naging presidente ay si G. Agapito San Gabriel.

Taong 1924, kinilala ng grupo ng mga mason ng Kakarong Lodge No. 168 ng Legionarios del Trabajo ang kahalagahan ng labanan sa Kakarong, at inilagay nila ang bantayog ng “Inang Filipina Shrine” sa mismong lugar ng Labanan sa Kakarong de Sili sa Bigaa, bilang pag-alala sa kagitingan ng mga nasawing Katipunero sa naturang labanan, at pag alala na rin sa kahalagahan ng Kakarong Republic, isa sa tatlong republikang natatag sa Bulacan noong panahon ng pananakop. Bilang dagdag na pagkilala sa kahalagahan ng Kakarong Republic, ito ay isinama at itinampok rin sa opisyal na sagisag ng Bulacan. Isa sa mga unang dumalaw at nagpugay dito ang naging unang pangulo ng bansa na si Hen. Emilio Aguinaldo makaraan ang digmaan.

Sa taon ding 1924 nagsimula namang makilala ang Balagtasan. Unang ginanap ang Balagtasan nuong ika-26 ng Abril, bagamat ginanap sa Tondo, Manila sa Instituto de Mujeres, bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ni G*t. Francisco Balagtas. Ang unang gumanap bilang magkatunggali ay sina Jose Corazon de Jesus o higit na kilala bilang si Huseng Batute at si Francisco Collantes, kung saan si De Jesus ang nagwagi at naging unang Hari ng Balagtasan.

Ang Balagtasan, na isinunod sa pangalan ni Balagtas, ay isang uri ng tagisan ng dalawang magkatunggali sa pagpapaliwanag ng dalawang magkaibang opinyon sa pamamagitan ng pagtula.

Sa kasamaang palad, unti unting lumamlam ang kasikatan ng Balagtasan ng yumao si Huseng Batute noong taong 1932. Ganunpaman ang mga taong 1924 hanggang 1941 ay tinaguriang Ginintuang Panahon ng Balagtasan sa bansa.
Sa panahon ding ito lumitaw ang galing ng mga taga Bigaa sa larangan ng sining ng makilala ang mga manunulat na sina Hermogenes Ilagan (1873-1943), ang tinaguriang Ama ng Dulaang (Zarsuela)Tagalog, si Roman Reyes (1886-1926), ang Ama ng mga Kwentong Realismo, Macario Pineda (1912-1950), premyadong manunulat, Carmen Batacan (1913), manunulat sa Ingles na nanirahan sa Bigaa, Gerardo (Ilagan) De Leon (1913-1981), director at Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng pelikula at anak ni G. Hermogenes Ilagan, at marami pang iba na nagtaas ng dangal ng mga taga Bigaa.

Want your school to be the top-listed School/college in Balagtas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars – they help me earn money to keep making content that you love.Whenev...

Address

Balagtas
3016

Other Education Websites in Balagtas (show all)
Balagtas Central School Balagtas Central School
Balagtas

Updates regarding enrollment, educational activities and other related information are posted in thi

CND Smart Kids Tutorial Center Santol Main Branch CND Smart Kids Tutorial Center Santol Main Branch
Nia Road Zone 2 Santol
Balagtas, 3016

We are open: Monday to Saturday 9am to 6pm

Tataysirruel.IskwelaSaya Tataysirruel.IskwelaSaya
366 Pulong Gubat
Balagtas, 3016

It's all about day to day activities❤️🥰

ACLC College of Gapan Online Class ACLC College of Gapan Online Class
Maharlika Highway
Balagtas, 3016

Known as t pioneer in IT education, ACLC implements online and blended learning for senior high school and College

La Consolacion School of Balagtas, Inc. La Consolacion School of Balagtas, Inc.
Longos, Balagtas Bulacan
Balagtas, 3016

This is the Official page of La Consolacion School of Balagtas

BNAHS WINS Club BNAHS WINS Club
Pulong Gubat, Philippines, 3016
Balagtas, 3015

BTVC - BASC Balagtas Campus BTVC - BASC Balagtas Campus
Pulong Gubat
Balagtas, 3016

Old Bigaa - Balagtas,Bulacan,PHL Old Bigaa - Balagtas,Bulacan,PHL
Municipal Hall
Balagtas, 3016

Bigaa noon, Balagtas ngayon. Ating alamin at masdan ang ating makasaysayan nakaraan sa mga istorya n