Samahan ng Kabataan Bukal II
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng Kabataan Bukal II, Youth Organization, Baras.
MaZAIyang hapon kabataan! Narito na ang mga pangalan ng mga nag wagi sa ating patimpalak na Spoken word poetry: "BALA AT BARIL,KAPALIT NG LAPIS AT PAPEL". Buong puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga nakilahok at sumali sa programa naming ito. Maraming salamat sa mga sumuporta at tumulong upang maidaos namin ang aming programang ito. Maraming salamat kina:
Mayor Mayor Joric Gacula Vice Mayor Mitch Bermundo sa mga konsehal na bumubuo ng 11th Sangguniang Bayan. Sa ating butihing kapitan Allan De leon. Sa Sk Federation President Roda May Diño Maraming salamat din sa PNP taytay sa bigay suporta sa amin simula unang programa hanggang ngayon sa pangunguna ng ating napaka sipag na hepe PLT.COL RODEL S. BAN-O Owsix Zerofiveeight. At Sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Dolores sa pangunguna ng ating butihing sk chairperson Zai Villanueva at sa Bumubuo ng 6th Sangguniang Kabataan. Maraming salamat din sa ating KKDAT YOUTH ADVISER na si SK Kagawad Jay-e Gonzaga sa pagtulong simula umpisa hanggang sa naidaos ang programang ito maraming salamat po sa inyo. Maraming salamat din sa ating KKDAT NATIONAL YOUTH ADVISER SIR Maru Soriano. Gayundin ang pasasalamat sa mga opsiyales na dumalo sa programang ito.
SAMA SAMA TAYO MGA KAPWA KABATAAN UPANG MAS LALO PANG PALAKASIN ANG ATING ADBOKASIYA LABAN SA DROGA!!
2ND PLACE: CLARENZ NALAUNAN
1ST PLACE: JERICHO ESPINEDO
CHAMPION: HAYESSA DELA RAMA
Hello magandang araw!!!
Sa lahat ng mga nais maging miyembro ng aming organisasyong Samahan ng Kabataang Bukal II (SKB2).
Exclusive for kabataan ng "Bukal 2" ONLY.
Ikaw ba ay nag nanais na makatulong sa ating lugar, mag lilingkod ng buong puso, at maging modelo ng ating lugar.
Narito ang mga katangian na aming hinahanap
1. Dedicated
2. Active
3. Honest
Kung mayroon kang katangian na nasa itaas. Maaari lamang na mag dm/pm sa aming
page: Samahan ng Kabataan Bukal 2
Contact person: Aeron Mugar and Mariel Esguerra
HELLO MAGANDANG ARAW
Samahang Kabataan ng Bukal II
SAGING at ITLOG
Feeding Program
Nakapamahagi po kami ng Saging at Itlog sa mga kabataan noong (Augost 22 2021). Labis ang saya ng mga kabataan at kanilang mga magulang sa aming ipinamahagi na s'yang pumawi sa aming pagod.
Lubos kaming nag papasalamat sa mga magulang at mga kabataang nag titiwala sa aming serbisyo. Nag papasalamat din po kami sa mga magulang at kabataang sumusuporta sa amin upang kami ay maging matatag.
Nag papasalamat din po kami sa ating mga konsehal na sina Villanueva, Kyle Gacula at sa butihing Vice Mayor Mitch Bermundo sa ka nilang tulong upang maisagawa namin ang programang ito.
PS:Ang aming ginagawang pag susulisit every week ay hindi po sa SK na pupunta ang pondong iyon, ang amin pong nasusulisit ay napupunta sa HOME OWNERS ASSOCIATION ang lahat po ng aming sinusulisit ay Pondo ng HOME OWNERS ASSOCIATION.
Maraming salamat po
Angat Kabataan - SK Fed of Taytay
July 15, 2021
Nanalo po ang aming samahan sa programang "Angat Kabataan by SK Federation of Taytay" noong July 15, 2021.
Sa mga taga Bukal 2 na gusto pong suportahan ang aming samahan, maaari po kayong sumuporta sa pamamagitan ng pag bili sa paunang negosyo na natanggap namin. 🤗
Price 🤑
Mekeni skinless longaniza - 50
Bueno imbotido - 50
Mekeni tocino - 60
Mekeni ham - 65
Star nuggets - 45
Feeding Program 🍲
July 18, 2021
Salamat po sa pagsuporta sa amin Sangguniang Kabataan ng Barangay Dolores 🤍
Nakapag bahagi po kaming Samahan ng Kabataan ng Bukal 2 ng sopas sa aming purok Bukal 2. 🤗
Limitado lang po ito, kaya sa mga hindi po nabigyan ngayon meron pa pong susunod. Sana ay mas suportahan n'yo pa po kami. 🥰
Magandang Gabi!
Maraming salamat po sa mga nag donate ng food packs! Ang ilan po dito ay isasama namin sa itatayo naming "Not Your Ordinary Community Pantry" at ang iba naman po ay stock goods ng aming samahan.
Nitong nakaraan lamang po kami ay muling nakatanggap ng 1 Tray of eggs at mga kangkong.
Iniipon pa po namin ang mga donasyon galing sa iba't ibang mga tao para kapag nag umpisa na po kami ay tuloy tuloy na po ito. ❤️
Maghintay lamang po kayo ng anunsyo namin kung kailan po namin ito uumpisahan. Salamat po.
Good Evening!
Kahapon (03/31/21) ay nilinis ng SK ang Center katulong ang Task Force para magamit ng mga officers kapag may meeting o kahit anong pagpupulong ng bawat samahan. Pati narin para maging komportable ang mga magpapa check-up sa center :).
Panatilihin ang kalinisan.
Ang tiles din po ay natakpan na dahil matagal na daw po itong basag para na din hindi po makapahamak.
Tulungan lang po tayong lahat dito. ❤️
Ang lahat po ng naglinis ay nasa tamang edad. 😊
03/28/21
Magandang Gabi!
Kami pong sk ay nagsagawa ng paglilinis muli kaninang umaga, naidamay na din po namin ang pagkakalkal sa kanal. Uunti-untiin po namin linisin ang mga iyan, tulungan n'yo lamang po kami. 😊
Lubos po kaming nagpapasalamat sa nag bigay ng inumin at libreng yelo sa amin kanina.. salamat din po sa mga nagbigay ng pera para po sa pangkain namin. Ang sumobra po sa pera na pinang bili ng pagkain namin ay ipinasok namin sa pondo naming mga sk. ❤️
Ipinaskil din po ni P.R.O Aeron Mugar ang mga signages kung saan nakalagay po dito "Facemask is a must" meron parin po kasing iilan na tila hindi parin po alam na meron pong virus at required po talaga mag suot ng facemask kaya gumawa po kami para hindi po paulit-ulit pagsabihan ang mga hindi nagsusuot ng facemask. 😷😷😷
Nagpapasalamat din po kami sa mga tumulong po samin maglinis kanina, sa susunod po ulit 😊
************************************
Kung kayo po ay may hawak na basura at wala po kayong makitang basurahan itabi nyo lamang po at maghanap ng basurahan, hindi po kung saan saan lang tinatapon dahil bumabara po sa kanal at nakaka perwisyo po. Kung may makita po kayo na nagtatapon ng basura kung saan saan kayo na po ang sumita para malimitahan po ang basura sa kalsada. 😊
Maraming salamat po!
03/24/21
Magandang Gabi!
Kami po ay nakalikom muli ng mga kalakal galing sainyo para makadagdag sa aming pondo, sa ngayon po ay mahigit isang libo na po ang pondo namin. ❤️
Nakakuha din po kami ng pangkain namin at inumin sa pamamagitan ng pagkuha namin ng kalakal. Kanina po ay wala kaming nakuha na tricycle dahil mahal po ang bayad kaya naisipan nalang namin lakarin hanggang junk shop malapit po sa bagong palengke para di na po kami gumastos sa pamasahe.
Kapag po nakaipon na kami ng sapat na pera para makabuo ng isang proyekto para sa ating lugar ay sisimulan po namin, pero sa ngayon ay maliit pa lang po kaya nag iipon pa po kami.
Sa linggo ay maglilinis po ulit kami sa mga kalsada at magso-solicit para po sa pagkain namin. Pero sana po ay pigilan naman po ninyo magtapon kung saan saan dahil mas maganda pong malinis ang kapaligiran natin para maiwasan din po ang sakit. :)
Ugaliin din pong linisin ang harapan para hindi po mapangit tignan. ‼️
Nakakapagod man ang araw na ito, nagpapasalamat parin po kami sa mga patuloy na tumutulong at sumusuporta sa mga isinusulong namin para sa ikagaganda ng ating lugar. ☺️
Inaanyayahan parin po namin ang ibang kabataan na gusto maki-isa sa amin.
Mag iisip pa po kami ng ibang paraan para makakuha ng fund namin, asahan po ninyo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para maging disiplinado at maganda ang bukal 2. Aashan din po namin ang inyong kooperasyon para mas mapadali po sa amin ang mga bagay na isusulong namin. Salamat po. ❤️
Sitio Bukal 2 as of 4:40pm (03/23/21)
Nakakatuwa naman at nararamdaman namin ang kooperasyon ng bawat isa. ❤️
Hindi man mapigilan ang paglabas ng mga bata at least naka facemask naman 😷❤️
Paalala po sa ibang nasa baba nila ang facemask, ang tinatakpan po ay ang ilong at bibig ☺️
Maraming salamat po sa mga nakikiisa para mapaganda at magkaron ng disiplina ang ating lugar, ang pakiki-isa po ninyo ay lubos naming ikinatutuwa 🥰❤️
03/17/21
Natapos po ngayon tanghali ang pag disinfect dito sa ating lugar, panatilihin pong malinis ang ating kapaligiran at umiwas sa sakit. Huwag po tayong pasaway. ☺️
Lubos pong nagpapasalamat ang mga taga-bukal sa mga bumbero na nag disinfect sa ating lugar. ❤️
***WEAR YOUR FACEMASK***
Before and After ng ating court as of March 14, 2021 ❤️
Uunti untiin po natin pagandahin ang ating lugar... Please lang po sana walang maghagis ng basura kung saan saan. 😊
Disiplinahin po natin ang ating mga sarili. ❤️❤️❤️
03/14/21
Magandang Gabi!
Ang SK Officers ay lubos na nagpapasalamat sa mga nagbigay ng tulong pinansyal para sa pagkain namin kanina na aming pinag saluhan. Higit isang libo po ang nalikom namin at nakabili kami ng pananghalian pati narin lugaw na almusal na niluto ng sk, ibinahagi din namin sa mga bata ang lugaw. Ang sobra sa nalikom kanina ay dinagdag namin sa pondo namin.❤️
Naumpisahan na din po namin linisin ang kalsada at ang court. SANA naman po, DISIPLINA SA SARILI PAIRALIN. 😊
Hanggat maaari po, kung wala pong nakikitang basurahan wag pong itapon ang basura sa kanal o sa kalsada dahil HINDI naman po yun basurahan. 😊
Dalawang (2) beses sa isang buwan lang po kami magwawalis sa kalsada pati narin sa pagkolekta ng kalakal sa kadahilanang may mga kailangan din po kaming gawin pansarili at kailangan din ng pahinga. 😊
Muli, nagpapasalamat po kami sa inyong kooperasyon. TULUNGAN LANG PO TAYO. ❤️❤️❤️
03/10/21
Magandang Gabi!
Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng kani-kaninlang kalakal sa amin, kami po ay nakalikom ng pinansyal para sa bubuoin naming programa para sa ating lugar.
Tuwing myerkules po kami ay kakatok sainyo para manghingi ulit ng kalakal o kahit anong pwedeng ibenta sa junkshop para pangdagdag sa aming pinansyal na ang ating lugar naman po ang mag bebenepisyo.
Salamat po sainyong pag-suporta, asahan po ninyo na may pagbabago nang magaganap sa ating lugar. 😊
Tulungan lang tayo. ❤️
03/11/21
Magandang Hapon!
Meron na naman pong naisagawa ang SK ng Bukal 2 na frame po, lagayan po ito ng announcements na ipapaskil dito sa ating lugar para maghatid ng impormasyon.
Salamat sa ating Chairman Ryan Manalo sa pag sponsor. 🤩
Salamat din sa ating masisipag na sk officers sa pag gawa ng announcement frame Rafael Dalimpapas, Aeron Mugar, at Shervin Santos.
March 11, 2021
03/08/21
Samahan ng Kabataan Bukal II
We are the newly elected officers of Bukal Phase 2 Barangay Dolores.
Meeting done with the guidance of Chairman Ryan Manalo & Marife Manalo ❤️
PS: Wala kami virus and safe lahat 😄
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
1920
Opening Hours
Monday | 8am - 8pm |
Tuesday | 8am - 8pm |
Wednesday | 10am - 3pm |
Thursday | 10am - 3pm |
Friday | 10am - 3pm |
Saturday | 10am - 3pm |
Sunday | 10am - 3pm |
Baras, 1480
YOUTH LEADERS PH The Youth Leaders for Sustainable Goals, also known as Youth Leaders PH is a non-profit organization that empowers youth leaders to experience volunteer-based prog...
Baras
Amplifying the voice of the Filipino youth in promoting good governance and inclusive leadership.
Magsaysay Street
Baras, 3127
HIRAYA: Kulaboratibong Pag-asa sa Kabataang Rizal—organisasyong binubuo ng mga kabataang mula sa Bayan ng Rizal. Sama-samang kaisipan, pagtugon at pakikiisa ng mga kabataan upang ...
Baras
Ang platform na ito ay may layuning maging bukal ng kaalaman tungkol sa mga adhikain, plataporma, gawain at aral ni Leni Robredo (at kanyang partido) sa kanyang kandidatura sa pagk...
Baras, 1860
�TEAM KASAMAKITA� KA- BATAAN SA- MASAMANG MA- GLILINGKOD AT KI- KILOS TA- YO!
Sitio Anginan Brgy. San Isidro Rodriguez
Baras, 1860
To promote social change through providing opportunities for youth to give their time and talent to improve their communities and the world.