Atty Jerith Gonzalez ll
GOVERMENT LAWYER
No payment for pilipino citizen๐ต๐ญ
[email protected]โ๏ธ๐ต๐ญ
HINDI NAG SUSUSTENTO ANG AMA/INA KASUHAN MO NAYAN! PAANO?
-
Maaaring magsampa ng kaso para sa sustento sa ilalim ng Rules on Action for Support at Petition for Recognition and Enforcement of Foreign Decisions or Judgments on Support ng Korte Suprema.
Ang isang tao ay maaaring magsampa ng beripikadong reklamo sa Family Court na nakakasakop sa lugar kung saan nakatira ang nagrereklamo o inirereklamo, batay sa kagustuhan ng nagrereklamo.
atty, jerith nagpapaalala kapag nasa katwiran mahirap man o mayaman basta inapak apakan kana ipaglaban mo โ๏ธ๐ช
Sobrang ibinayad sa utang mababawi pa ba?
Ma'am mababawi ko pa po ba ang P300,000 na sobrang naibayad ko sa aking inutangan kamakailan lang? Kahit kasi wala naman kaming napag-usapan tungkol sa interes ay binayaran ko na rin sa pag-aakalang may interes nga akong kailangang bayaran. Ngayong nalaman ko na hindi naman pala ako kailangang magbayad ng interes ay puwede ko pa bang habulin ang sobra kong naibayad?
-
Sender Maari mo pa ring bawiin ang naibayad mong P300,000. Ayon sa Article 1960 ng Civil Code, kung nagbayad ng interes ang isang umutang kahit wala namang napagkasunduan ukol dito, kailangang sundin ang prinsipyo ng solutio indebiti na nakasaad sa Article 2154 ng Civil Code.
Ayon sa Article 2154, kung may natanggap na isang bagay at wala namang karapatan ang nakatanggap na hingin ito at naibigay lamang ito sa kanya bunsod ng pagkakamali ay magkakaroon ng obligasyon ang nakatanggap na ibalik ang bagay na kanyang natanggap.
Base rito, may karapatan kang singilin pabalik ang interes na ibinayad mo dahil ibinigay mo lamang ito sa pag-aakalang kailangan mo talagang magbayad ng interes.
Sa small claims court ka dapat magsampa ng kaso dahil nasa P300,000 lamang ang iyong sisingilin ngunit kailangan mo munang magpadala ng demand letter upang maipakita sa korte na binigyan mo ng tsansa ang iyong inutangan na bayaran ang sinisingil mong halaga.
Naway nasagot ko po Ang iyong tanong sakin , Paalala lamang po sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na opinyon Kong ito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.
Atty Jerith nagpapa alala kapag nasa katwiran at ina apak apakan kana ipaglaban moโ๏ธ๐ช
NOTARYO SA DEED OF SALE
Ma'am jerith Kapag hindi po ba naipanotaryo ang deed of sale ng lupa wala nang bisa ang naging bentahan? Sana ay masagot nio po
-
GANITO Po yan sender para sainyong kaalaman po Nakasaad sa Article 1358 ng Civil Code na kailangang nasa isang public na dokumento ang kasunduan ukol sa bentahan ng real property. Upang maging public document ang isang deed of sale ng lupa ay sa pamamagitan ng pagpapanotaryo nito.
Ngunit sa kabila ng probisyong ito na nagsasaad na kailaยญngang notaryado ang mga kasulatang ukol sa bentahan ng lupa, tahimik naman ang batas sa epekto ng hindi pagpapanotaryo.
Bagamaโt hindi alinsunod sa Article 1358 ng Civil Code ang hindi pagpapanotaryo ng bentahan ng lupa, hindi naman makakaapekto ang kakulangang ito sa bisa ng kontrata, ayon sa ilang kasong nadesisyunan ng Korte Suprema. May bisa rin ito at kailangang tuparin pa rin ng mga pumirma sa dokumento ang kanilang mga napagkasunduan.
Ang requirement na kailangang notarized ang dokumento ay para lamang sa convenience ng lahat at wala itong kinalaman o epekto sa bisa ng naging kasunduan [James Estreller, et al. v. Luis Miguel Ysmael, et al., G.R. No. 170264, March 13, 2009; Tigno v. Aquino, 486 Phil. 254, 268 (2004)].
Ngunit hindi man apektado ang bisa ng deed of sale kung hindi ito notaryado ay kakailanganin pa rin na ipanotaryo ito dahil sa isang praktikal na dahilan: hindi kasi maipaparehistro sa pangalan ng bumili ang titulo ng lupa sa Registry of Deeds kung ang Deed of Sale ay hindi notaryado. Ito ay alinsunod sa Section 112 ng P.D. 1529 o Property Registration Decree.
That's what I say so for the people who can't afford private atty
Pls include also those lawyers who twisted the truth so that the guilty is acquitted and the innocent is put behind bars.โ๏ธ
The Supreme Court has ordered the disbarment of a lawyer who left his family for another woman.
READ: https://inqnews.net/lawyerdisbarred
all for the one people power๐ต๐ญ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Website
Address
Bocaue
Bocaue, 3018
Use of data science, spatial / site analysis and valuation software for realty investing and selling
Bocaue, 3018
Subdivision Development by APEC Homes in Pinakpinakan, San Rafael, Bulacan
Bocaue, 3018
๐ฅ๐ฅ๐๐ง ๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐น๐ง๐ฉ page is being managed by Jenelyn P. Tagao & Ralf Roger C. Tagao (RRCT) both a Licensed Re
Block 106 Lot 1 Villa Zaragosa
Bocaue, 1318
We want our client's best interest our top priority in providing a good place they could call their
Bocaue, 3018
House and Lot for Sale are affordable Housing Projects located in Bulacan, Pampanga and Tarlac.
P. Gonzales Street ( Former Balubaran St. ), Duhat
Bocaue, 3018
Real Estate Titling Services โขTitle Transfer โขTitle Research โขTitle Verification โขLand Surveying