アジーズ 先生 - Azēezū Sensei
A licensed professional teacher 👨🏫
Learner👨💻 Facilitator@BDA inc. Islamic Education is free 🤝 for educational purposes
𝗠𝗴𝗮 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗶𝗻𝗴-𝗣𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗥𝗮𝗺𝗮𝗱𝗮𝗻
✓ Paramihin ang Dhikr (Pag-alaala Kay Allah)
✓ Manalangin na magkaroon ng Mabuting Ramadan
✓ Bayaran ang mga araw na hindi napag-ayunuhan (kung mayroon)
✓ Gumawa ng mga Kabutihan
✓ Gawing mainam ang Pag-uugali
✓ Paramihin ang Kawanggawa
✓ Basahin ang Qur'an araw-araw
✓ Maging taimtim sa Pagdarasal
www.NewMuslimAcademy.ph
Tired of watching Ma'siat? Consider watching Islamic videos to learn & earn rewards. Bismillah
Follow for more 👍
Tired of watching Ma'siat? Consider watching Islamic videos to gain knowledge & earn rewards. Bismillah
The good & the bad you’ve experienced has moulded you into the person you are today. Value the journey of gaining wisdom through your hardships. The only power your hardships & mistakes should hold is the ability to turn you into something more powerful than you were before.
✍️ M***i Menk
𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲
Sinabi ng Allah ﷻ:
{وَتَوَكَّلْ عَلَى الْحَيِّ الَّذِي لَا يَمُوتُ } [الفرقان:56]
((𝑴𝒂𝒏𝒂𝒍𝒊𝒈 𝒔𝒂 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒕𝒂𝒚)) [Al-Qur'an 25:58]
"Ang talatang ito ay isa sa mga pinakadakilang katibayan sa pagtatatag ng pagbubukod-tangi ng pagsamba; Dahil inutusan tayo ng Makapangyarihang Allah na manalig sa Kanya.
Ang talata na ito ay nagbibigay ng pahiwatig na ang pananalig na wasto at matatag ay ito ang pananalig sa isang buhay na umiiral na hindi namamatay.
At wala ng mas nalugi pa sa isang nananalig sa buhay na mamamatay rin kalaunan?! at mas higit na naligaw at nalugi naman ang isang nananalig sa isang patay na hindi buhay.
Kaya naman nakapagtataka! paanong iniwan ang panananalig sa buhay na hindi namamatay, at piniling nananalig sa isang patay na hindi buhay; katulad ng ginagawa noon at ngayon ng mga sumasamaba sa patay?!
Ibig sabihin: ang talatang ito ay isang dakilang patunay para sa mga nag-iisip, dahil ang pananalig at pagsamba ay maaari lamang maging wasto't tama kung ito ay iaalay sa Buhay na hindi namamatay, at iyon ay walang iba kundi Siya ang Allah, Luwalhati sa Kanya, ang Kataas-taasan.”
[𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗮𝗸𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗮: 𝗔𝗹-𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗔𝗹-𝗪𝗮𝘀𝗶𝘁𝗶𝘆𝗮𝗵 | 𝗻𝗶: 𝗦𝗵𝗮𝘆𝗸𝗵 𝗦𝗮𝗹𝗲𝗵 𝗕𝗶𝗻 𝗔𝗯𝗱𝗶𝗹 𝗔𝘇𝗶𝘇 𝗔𝘀-𝗦𝗶𝗻𝗱𝗶𝘆 - حفظه الله-].
____________________________________________
✍🏻Aʙᴜ Iʙʀᴀʜᴇᴇᴍ Aʟ-Hᴀғᴇʏᴢ Aᴛᴀʀᴀ Bᴀᴜᴛɪsᴛᴀ
MGA PAMAHIIN AT GAWAING BID'AH NA KADALASAN NAGAGAWA NG NAMATAYAN O SINUMANG DUMALO SA JANAZAH❗❗❗
👉 Alalahanin na ang lahat ng pamahiin ay pawang kasinugalingan at panliligaw lamang ni Shaitan sa tao at higit sa lahat ay isang uri ng pagtatambal kay Allah (Shirk).
NARITO ANG IILAN SA PAMAHIIN "Shirk" AT GAWAING BID'AH NA MADALAS NAGAGAWA NG NAMATAYAN:
-Bawal lumapit ang buntis o may regla sa naghihingalo o sa namatay
-Bawal magsuklay, magsuot ng p**a o anumang masayang damit bagkus ang tanging isuot ay itim ang kulay
-Bawal magluto ng kalabasa, pancit etc..
-Bawal magwalis
-Lahat ng salamin ay kailangan takpan
-Ipinagbawal ang pagbahing ng sinuman sa harap ng bangkay
-Pag-uwi ng bahay ay kailangan magpalit agad ng damit
-Bawal matuluan ng luha ang namatay
-Hindi puede maligo ang namatayan o kapitbahay nito
-Kapag may idinaan na patay ay kailangan magbuhos ng tubig o magdura sa harapan at marami pang iba…
👉👉👉 Ang ganitong paniniwala ay matinding ipinagbawal ng Propeta dahil ito ay isang uri ng pamahiin, kamangmangan at panggagaya sa mga hindi mananampalataya❗
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta:
"Ang TIYARAH "pamahiin" ay kabilang sa Shirk.” Ang Hadith ay Authentic ayon kay Shaikh Albani
👉 Sa ibang ulat na Hadith: “Ang sinumang pinabalik siya ng masamang pangitain mula sa kanyang nais gawin, Katotohan siya ay nakagawa ng Shirk (pagtatambal)".
👉👉 Kung ang paniniwala sa pamahiin ay may kakayahan magbigay ng kabutihan o magandang buhay o may kapangyarihan magbigay pinsala sa tao, Katunayan siya ay nakagawa ng Shirk.
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: : «الطيرة شرك، الطيرة شرك، الطيرة شرك" رواه أبو داود (3910) في الطب، والترمذي (1614) في السير وقال: هذا حديث حسن صحيح.
و في رواية: "من ردته الطيرة عن حاجته فقد أشرك". وصححه الألباني في السلسلة الصحيحة برقم 1065
✍ Zulameen Sarento Puti
𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐑𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐀𝐘𝐓𝐀𝐍 𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐋𝐈𝐆𝐀𝐖 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐀𝐎
Tunay na ang Shaytan ay siyang malinaw na kalaban ng mga tao; Sinabi ng Allah:
(إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمْ عَدُوٌّ فَاتَّخِذُوهُ عَدُوًّا ۚ)
((𝑻𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒕𝒂𝒏𝒂𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒊𝒕𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏.)) [Al-Qur'an 35:6].
At kabilang sa mga paraan ng Shaytan upang linlangin at iligaw ang mga tao:
🔘 𝗣𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼 𝘀𝗮 𝗦𝗵𝗶𝗿𝗸 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗳𝗿: Ito ay sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila na sumamba sa iba maliban pa sa Allah at hindi maniwala sa Kanya at sa Kanyang batas.
🔘 𝗣𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼 𝘀𝗮 𝗔𝗹-𝗠𝗮𝗮𝘀𝗶𝘆: Kung hindi niya sila maakay sa Shrik at Kufr, siya naman ay nasisiyahan sa anumang bagay na mas mababa pa rito, tulad ng pag-udyok sa kanila na gumawa ng malalaking kasalanan at pagsuway.
🔘 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵: Hindi lamang tinatawag ng Shaytan ang mga tao sa hindi paniniwala, kasalanan, at paglabag, ngunit pinipigilan din sila sa paggawa ng mabubuting gawa.
🔘 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗶𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗯𝘂𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘄𝗮𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱: Kung hindi kayang pigilan ng Shaytan ang mga tao sa pagawa ng pagsunod, sisikapin naman niyang sirain ang mga gawaing pagsamba upang pagkaitan sila ng gantimpala.
𝙉𝒂'𝒖𝙙𝒉𝙪 𝘽𝒊𝙡𝒍𝙖𝒉𝙞 𝙈𝒊𝙣𝒂𝙨𝒉-𝑺𝙝𝒂𝙮𝒕𝙖𝒏𝙞𝒓 𝑹𝙖𝒋𝙚𝒆𝙢...
____________________________________________
✍🏻Aʙᴜ Iʙʀᴀʜᴇᴇᴍ Aʟ-Hᴀғᴇʏᴢ Aᴛᴀʀᴀ Bᴀᴜᴛɪsᴛᴀ
"ANO ANG IPINANGGAMOT MO?"
May isang babae na Saudia na nakatira sa malapit sa Riyadh, KSA.
Siya ay nagkasakit na ang sakit niya ay Cancer sa dugo, Ilayo nawa tayo ni ALLAH sa sakit na yan.
Sa kadahilanang lumala na ang kanyang sakit ay hindi niya na kayang gumawa ng gawaing bahay kaya kumuha siya ng katulong na Indonesian.
Nang dumating ang Indonesian, sa loob ng ilang araw ay napansin niya na sa tuwing pumapasok sa CR ay matagal itong lumalabas.
Nang lumipas ang ilang araw ay kanya na itong tinanong : "Bakit ang tagal mo lumabas sa CR? Ano ang ginagawa mo sa loob?"
Napaiyak ang Indonesian at hindi makaimik.
At sabi ng amo niya, "Sabihin mo na sa akin."
At kanyang sinabi: "20 days palang ang lumipas ng ako ay manganak ng tumawag sa akin ang agency na may naghahanap daw ng katulong, tinanggap ko na agad sapagkat kailangang-kailangan na namin ng pera, kaya iniwan ko ang aking anak para lang makapagtrabaho sa inyo at kaya ako natatagalan sa CR dahil binabawasan ko ang gatas sa aking dibdib kasi sumasakit kapag napupuno." At siya ay iyak ng iyak.
Hindi na umimik ang kanyang amo at kanyang pinabili ng ticket ang kanyang katulong: "Riyadh to Indonesia".
At kanya itong ibinigay sa kanya.
Sabi niya: "Ito ang ticket at ang pera na ito ang sweldo mo sa loob ng dalawang taon, 2 years na kontrata mo, umuwi ka na sa anak mo."
Sobrang saya ng katulong.
Nang kinabukasan ay pumunta ang babae (Amo) sa hospital para muling magpa check-up kung ano na ang resulta ng kanyang Cancer.
Hindi makapaniwala at nagtataka ang doctor sapagkat nawala ang kanyang Cancer, ilang beses ng na-examine at 0% ang Cancer niya.
Siya ay tinanong ng Doktor:
"ANO ANG IPINANGGAMOT MO?"
Sinabi ng babae:
عن أبي أمامة رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه و سلم قال: داوو مرضاكم بالصدقة... الحديث
Kahulugan: Ayon kay Abu Ummah رضي الله عنه na kanyang sinabi na ang Propeta ﷺ ay nagsabi: "Gamutin niyo ang mga may sakit sa inyo sa pamamagitan ng Pagkakawanggawa (Sadaqah)."
Al-Hadith.
"Kawanggawa (Sadaqah)."
Mula sa wikang arabic na isinalin ni Shaykh Muhammad Ata Ibrahim Abdulkarim حفظه الله sa wikang Iranon at pinagsumikapan namang isalin ni Bro. Fahad Sultan Abdullah Tambara حفظه الله sa wikang Filipino.
*****
📌قد يتزوج الرجل امرأة كأنها قطعة من القمر 💎ويرى أنه فاز فوزاً عظيما، ويعتاد على شكلها بعد شهر أو شهرين ويصبح جمالها عادياً بعد أن كانت لا مثيل لها ولكن صاحبة الدين يبقى جمال دينها يتجدد يوماً بعد يوم وترى ثمرة ذلك في بيتك ونفسك وذريتك.
فاظفر بذات الدين تربت يداك.
📌Tunay na ang isang lalaki ay maaaring makapagasawa ng isang babae na may kagandahan na kasing liwanag ng buwan na para bagang siya ay nagkamit ng malaking tagumpay (dahil sa kagandahan ng babae),
Hanggang sa dumating sa punto na kanyang nakasanayan ang kagandahan ng kanyang asawang babae at naging normal na lamang ito sa kanya,
Ngunit ang babaeng muslimah na nagsasabuhay ng islam ay mananatili ang kagandahan ng kanyang relihiyon at mas lalo pa itong gumaganda bawat araw sapagkat makikita mo ang resulta nito sa iyong bahay, sarili at pamilya.
Kaya't ikaw ay maging wais, pumili ka ng mapapangasawa na nagsasabuhay ng islam at ikaw ay magiging maligaya at matagumpay.
✍️ Alnor R. Alawi
𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗠𝗨'𝗔𝗛 𝗦𝗨𝗡𝗡𝗔𝗛 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗧𝗔 𝗠𝗨𝗛𝗔𝗠𝗠𝗔𝗗ﷺ
Ang Salawàt ay isang uri ng du'a at pagpupuri ng isang muslim para kay Nabi ﷺ na naitala sa Qur'ān at Sunnah At Sunnah po na ito'y paramihin lalong-lalo na sa gabi at araw ng Jumu'ah ayon sa mga hadith sahih.
At mismo ang Allah at ang Kanyang mga anghel ay nagsalawat kay Nabi ﷺ.
Ang salawat ng Allah kay Nabi ﷺ ay ang Kanyang pagpuri sa kanya doon sa Kanyang mga anghel, ayon sa sinabi ni Abul-'Àliyah (رحمه الله).
At ayon naman kay Ibnu 'Abbas (رضي الله عنهما) ang salawat ng mga anghel kay Nabi ﷺ ay ang pagdudu'à nila ng barakah para sa kanya ﷺ.
Ang dalawang pananaw na ito mula kay Abul-'Àliyah (رحمه الله) at Ibnu Abbas (رضي الله عنهما) ay kapwa tinakhrij o inulat ni Imam Bukhari sa kanyang Sahih معلقا.
At ganito din ito inutos ng Allah (ang salawat) sa mga muslim, upang matipon ang mga salawat ng mga nasa kalangitan na mga anghel at ang nasa ibaba pa ng lahat ng kalangitan - ang Allah - at ang salawat ng mga nasa kalupaan para kay Nabi ﷺ. Ganito ipinakita ng Allah ang antas ng Kanyang Propeta Muhammad ﷺ at ganundin ang Kanyang pagpaparangal sa kanya ﷺ, ayon kay Ibnu Kathir at iba pang mga Mufassir (رحمهم الله).
Sinabi ng Allah:
إِنَّ ٱللَّهَ وَمَلَٰٓئِكَتَهُۥ يُصَلُّونَ عَلَى ٱلنَّبِيِّۚ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ صَلُّواْ عَلَيۡهِ وَسَلِّمُواْ تَسۡلِيمًا
Katiyakan, ang Allâh ay pinarangalan Niya ang Kanyang Propeta sa Kanyang mga malalapit na mga anghel, at ganoon din ang Kanyang mga anghel ay pinupuri nila ang Propeta at nananalangin sila para sa kanya. O kayong mga naniwala sa Allâh at sa Kanyang Sugo, at sumunod sa Kanyang Batas, pumuri rin kayo at manalangin para sa Sugo ng Allâh, at magsagawa ng tunay na pagbati ng Salâm (kapayapaan) bilang pagbati at pagdakila sa kanya.
Ang pamamaraan ng ganitong pagpupuri, pananalangin para sa Propeta ay naitala sa Sunnah sa iba't ibang kalagayan at kaparaanan at kabilang rito;
ALLĀHUMMA 'SALLI 'ALĀ MUHAMMAD WA 'ALĀ ĀLI MUHAMMAD KAMĀ 'SALLAYTA 'ALĀ IBRĀHIM WA 'ALĀ ĀLI IBRĀHIM INNAKA HAMIYDUM MAJIYD
ALLĀHUMMA BĀRIK 'ALĀ MUHAMMAD WA 'ALĀ ĀLI MUHAMMAD KAMĀ BARĀKTA 'ALĀ IBRĀHIM WA 'ALĀ ĀLI IBRĀHIM INNAKA HAMIYDUM MAJIYD
Ang pagkakasalin ng kahulugan: O Allah! Padalhan mo ng Salât (mga biyaya, mga karangalan at mga kagandahang-loob) si Muhammad at ang mga pamilya ni Muhammad, na tulad ng pagpadala Mo ng Salât kay Ibrâhim at sa mga pamilya ni Ibrâhim sapagkat Ikaw ay Hameedum Majeed: Hameed – Karapat-dapat sa lahat ng papuri na Ganap na Pinupuri sa Kanyang mga katangian at mga gawa sa lahat ng pagkakataon, na Majeed – Karapat-dapat sa lahat ng papuri na Ganap na Pinupuri sa Kanyang Kataas-Taasan at Karangalan sa lahat ng pagkakataon. O Allah! Padalhan mo ng mga biyaya si Muhammad at ang mga pamilya ni Muhammad, na tulad ng pagpapadala Mo kay Ibrâhim at sa mga pamilya ni Ibrâhim, sapagkat Ikaw ay Hameedum Majeed.
(Surah Al-Ahzab: 56)
✍𝗦𝗛𝗔𝗬𝗞𝗛 𝗠𝗨𝗛𝗔𝗠𝗠𝗔𝗗 𝗔𝗟𝗜 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗘𝗥𝗢𝗦
✅ Tamang Disiplina- alam mo kung kailan ka magsasalita.
✅ Mabuting Pag-uugali- makinig sa sinumang nagsasalita.
✅ Mabuting Asal- huwag putulin ang pananalita ng sinuman.
✅ Ang Katalinuhan- huwag paniwalaan ang lahat ng nagsasalita
✍️ Isinalin sa ℱ𝒾𝓁𝒾𝓅𝒾𝓃ℴ ni 𝒜𝒷𝓊 𝒵𝒽𝒶𝓀𝓎
Truly evil people don't just hurt others. They take pride in the pain they cause and then try to blame their victims.
~Anonymous
Via Dr Muhammad Salah
Today's highlight: A mesmerizing video on social media, bearing a special reward. It's a must-watch! Bismillah.
Follow for more 👍
It’s darkest before dawn. So if you feel like giving up, hang on for a little longer. The Almighty knows how much your heart aches. He will grant relief at the perfect time. Trust Him.
✍️ M***i Menk
Who knows the pain
and tears a smile
can hide except the
Almighty. What is
shown to the world is
just a glimpse. Spill
your sorrows to Him.
📖 Motivation Moments
Ipagpatuloy lamang ang pananalangin
Mula kay Abdullah bin Mas'ud -radiyallahu anhu-:
"Tunay na habang ikaw ay nasa pagdarasal, ikaw ay kumakatok sa pintuan ng Mãlik (Allah na Hari ng lahat ng nilikha). Sinumang paramihin niya ang pagkatok sa pinto ng Mãlik ay maaari siya Nitong pagbuksan."
📚 Musannaf ibn Abi Shaybah 8355
Sa tuwing ikaw ay nagsasalah, manalangin ka palagi sa Allah, huwag kang magsawa at huwag kang magmadali sa resulta, dahil darating ang tamang panahon na tutugunan ng Allah ang iyong mga panalangin.
Wallahu A'lam
https://www.facebook.com/100000214992291/posts/7609791522371272/?mibextid=Nif5oz
SINO ANG MAS HIGIT NA SUSTENTUHAN?❗❗❗
👉 Nagkaisa ang mga Ulama na obligadong sustentuhan (gastusan) ng lalaki ang kanyang maybahay (asawang babae) at ang mga anak nito na nangangailangan, gayundin ang mga magulang nito na mahihirap na walang kakayahang maghanap-buhay❗
Tanong: Sino sa kanila ang mas higit na uunahin sa pagbigay ng sustento (gastos)?
Sagot: Ang unang dapat bigyan ng sustento ay ang asawang babae, muli ang mga anak na walang kakayahang maghanapbuhay at muli ay ang mga magulang na mahihirap.
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta kay Hind: "Kunin mo mula sa iyong asawa (na si Abu Sufyan) ang kasapatan ng kabuhayan para sa iyong sarili at sa inyong mga anak sa mainam na pamamaraan (katamtaman)"
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta sa ibang Hadith: "Unahin mo sustentuhan ang obligadong sustentuhan (tulad ng asawa at anak) muli ay ang iyong ina, ama, kapatid na babae, kapatid na lalaki, muli ay kung sino ang mas malapit sa iyo" Inulat ni Imam An-Nasaie
Yan ang pagkakasunod-sunod na dapat sustentuhan kapag sila ay walang kakayahan.
☆☆ ANG PAG-IWAN SA PAGBIGAY NG SUSTENTO SA PAMILYA AY ISANG MALAKING KASALANAN:
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: "Sapat na ang pagkakasala (malaking kasalanan) ang pigilin ng tao ang pagsustento sa kanyang obligadong sustentuhan" Inulat ni Imam Muslim
HANGGANG KAILAN DAPAT SUSTENTUHAN ANG MGA ANAK
Sagot:
♦️ Ang anak na lalaki ay susustentuhan hanggang sa magkaroon ng kakayahan maghanap-buhay
♦️ At ang anak na babae ay hanggang makapag-asawa
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
-حديث: "خذي ما يكفيك وولدك بالمعروف" أخرجه البخاري
-حديث: "وَابْدَأْ بِمَنْ تَعُولُ: أُمَّكَ وأَبَاكَ، وأُخْتَكَ وأَخَاكَ، ثُمَّ أَدْنَاكَ أَدْنَاكَ".رواه النسائي
-حديث: "كَفَى بِالْمَرْءِ إِثْمًا أَنْ يَحْبِسَ عَمَّنْ يَمْلِكُ قُوتَهُ" رواه مسلم
✍ Zulameen Sarento Puti
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔‼️
Tanong mula sa isang sister:
Assalamu alaykum warahmatullahi wabarakatuhu ustadh magtanong lang po ako kung ano po Ang batayan Ng islam SA MGA baklang nag-aayos SA MGA babaeng kinakasal Ngayon?
ito po ba ay pinagbabawal po??
Sagot:
𝗜𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗵𝗮𝗿𝗮𝗺 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗸𝗹𝗮 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗿𝗮𝗺.
قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: (لاَ يَخْلُوَنَّ رَجُلٌ بِامْرَأَةٍ إِلاَّ كَانَ ثَالِثُهُمَا الشَّيْطَانُ) صحيح الجامع
Sinabi ng Sugo ﷺ ng Allāh:
”walang pagkakataon na nakikihalubilo ang lalaki sa babae na hindi nila nagiging pangatlo ang shaytan..”
Natural na kapag aayusan na ng bakla/beki/bading ang babae ay hahawakan nya ito.
قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: (لأنْ يُطعَنَ في رأسِ رَجُلٍ بِمِخْيَطٍ من حَديدٍ خيرٌ من أن يمَسَّ امرأةً لا تَحِلُّ له)
السلسلة الصحيحة للألباني 226
Sinabi ng Sugo ﷺ ng Allāh:
“Mas mainam pang matusok sa ulo ng bakal na karayom ang lalake kaysa sa hawakan niya ang babae na hindi maaari sa kanya.”
Kaya payo sa mga Mahram/guardian maging responsable tayo sa ating mga kababaihan, pangalagaan natin sila at magkaroon tayo ng selos, responsibilidad natin sila at itatanong sila sa atin sa kabilang buhay.
Big shout out to those who’ve recently engaged with me!
Abdilaziz S Imbō
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Telephone
Website
Address
Bongao
7500
Bongao
Please like and follow this page for the official announcements and updates of TTSAT
Blk4 Tubig Boh Bongao TawiTawi
Bongao, 7500
Tesda Accredited
College Of Fisheries, MSU-TCTO, Sanga-Sanga
Bongao, 7500
Fisheries Student Organization is the official student organization of the College of Fisheries of MSU-TCTO since 1990.
Capitol Hills
Bongao
This is the official page of Tawi-Tawi Provincial Scholars
IPHO-Daerah
Bongao, 7500
Builds diversity among future nursing professionals.
Bongao
This is the official page of Bongao Adventist Elementary School Computer Class.