SamtheWarrior
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SamtheWarrior, Bulacan.
Mahigpit na yakap Momi & Mia. ๐ซ๐ซ
Fly high Lara! ๐๏ธ๐๏ธ
Thank you Make-A-Wish Philippines โญโจ๐๏ธ
So proud of you, Laban lang anak!๐๏ธ๐ช
๐ฉMaintenance Phase
Week 10 : Cycle 1 of 14
April 27, 2021 | Intrathecal Chemotherapy
Lord God, thank you so much po sa buhay na iyong bigay. ๐๐
Maganda po ang result ng CBC, Platelet, SGPT, Creatinine, Bilirubin, Electrolytes ( Na, K, Cl, Ca ) kaya natuloy po ang procedure chemo ni Kuya Sam kahapon. ๐โ๏ธ
Puno na po sa loob ng treatment room kaya mas pinili nlang namin sa may pantry siya mag flat on bed for 2 hrs. pra talagang may social distancing. ๐ท
Nahirapan si Kuya Sam gawa nka fasting siya then groggy after the procedure, nagsusuka din siya hanggang gabi dahil sa effect ng anesthesia. ๐ฅด๐คฎ Pero palaban ang warrior ko, pagka gising nagpaluto agad ng sopas (nka 1 bowl of sopas with 2 ripe banana pa)! ๐๐ฅฐ
Muli, maraming salamat sa inyong lahat sa walang sawang pagmamahal, support, care, financial & in kind help, at higit sa lahat ang inyong HEALING PRAYERS for Sam. Hindi ko na po kayo maisa-isa pa pero alam ni God at siya na ang bahalang magbalik sa inyong mabuting gawa sa kapwa. โค๏ธ๐๐
God Bless Us All! ๐๐
Ingat parin po tayo sa banta ng Covid19. ๐ท
๐ฉ Maintenance Phase
Week 9 : Cycle 1 of 14
Thank you so much Oh Lord God for a good CBC result of Kuya Sam yesterday. ๐๐โ๏ธ
Sorry anak alam kung masakit dahil nka 4 na tusok si Kuya Nurse bago na in ang importante tuloy ang chemo mo kahit MECQ.
May steroids kna namang gamot, good luck to us sa mga weird cravings mo na out of the blue. ๐
๐
Forever grateful and thankful po to all of you for the continues love, care, support, financial & in kind help and most especially sa inyong healing prayers for Sam. โค๏ธ
May God Bless Us All! ๐๐
Patuloy parin po tayong mag-ingat sa banta ng Covid19. ๐ท
To my first born and warrior son, Happiest Birthday to you anak!๐๐ฅณ๐๐โค๏ธ
Thank you Lord God sa pagkakataong ito.๐๐
Forever grateful and thankful sa iyo Ama.
Wala akong ibang hangad kundi ang kanyang lubusang pag galing.๐๐
Laban lang kuya Sam.
Advance Birthday gift from Japan with Love.๐
Thank you so much Ate Mean for the love, care and for always making Sam happy. โค๏ธโค๏ธโค๏ธ
God Bless You and Your Family ๐๐
Keep Safe always! ๐
Heaven got another Angel! ๐ผ
Hinahanap at pinupuntahan mo talaga si Sam pag nagkasabay tayo sa check up. Thank you for the sweet smile, love and courage you shared to Sam for such a short period of time. You maybe gone but you will never be forgotten little brave warrior. ๐๐
No more pain, Fly high Ate Angel!๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ
๐ฉ Maintenance Phase
๐ Cycle 1 of 14 ( for 2 years )
Thank you so much Oh Lord God sa magandang result po ng CBC ni Kuya Sam.๐
Napakabuti mo po O Diyos! Amen.
Yes po, after 1 year of intense treatment na weekly sa hospital ay sa maintenance phase na po si Kuya Sam sa awa ng Diyos.๐
Every other month na po ang punta niya sa hospital.
Mga tablets at syrup nlang po ang iniinom niya sa bahay daily.
Doble ingat parin po na wag siya magka infection para po tuloy- tuloy ang chemo niya dahil nga si Cancer ay traydor pede bumalik anytime at pagnagkaganon ay back to square 1 po.๐
Mula po sa aming pamilya ay lubos po ang aming pasasalamat sa inyong lahat na kasama namin sa simula palang ng laban ni Sam. Buong buhay po naming tatanawing utang na loob ang inyong patuloy na pagmamahal, malasakit, tulong financial at inkind at higit sa lahat inyong dalangin sa kanyang lubusang pag galing at sa lahat ng may mga Cancer.
Hindi man po namin kayo ma mention lahat pero kasama po namin kayo sa aming pag rosary araw araw kaya alam po ni Lord kung sino sino kayo. ๐๐
Maraming salamat po sa inyong lahat!โค๏ธ
Happy Cancerversary sayo Kuya Sam!๐ช๐๏ธ
Patuloy po tayong mag ingat sa bagong banta ng Covid 19!๐ท๐ท
God Bless Us All ๐
Run for Wishes! ๐ซโจ
RUN FOR WISHES! Make-A-Wish Philippines is partnering with Takbo.Ph for a fundraising virtual run to make wishes come true for children with critical illnesses. Share hope by finishing a total mileage of 21K, 50K, 100K or 200K anywhere in the world from April 1 to 30! ๐๐โโ๏ธโจ
As the whole Make-A-Wish community commemorates World Wish Day in April, we are reminded that we do not wait for hope โ we create it!
Register now at www.takbo.ph/vr/run-for-wishes-2021
Napaka swerte po ninyo, hindi niyo kailangan gawin yung ibang mga bagay ginagawa namin, Yung normal kayong namumuhay, wala kang iniisip na chemotherapy linggo linggo, maintenance medicines, ibat ibat klase ng gamot na matataas ang dosage. Higit sa lahat yung takot na hindi mo alam kung hanggang saan ang laban, hindi natin hawak ang buhay. Diyos lang ang may alam.
Yung pilitin mong maging malakas araw araw kasi dun lang sila humuhugot din ng lakas at pag asa. Alam niyo may mga araw na sobrang bigat na, may mga araw na gusto na naming sumuko pero hindi pwede.
Kasi yung sinusukuan mo lumalaban pa, bakit ka susuko?
Sa likod ng mga tapang at lakas na ipinapakita may pusong durog na durog na at pagod na pagod na. Pero hindi pwedeng sumuko sa laban.
Kung san san rumarampa
Lakad dun lakad dito. Kahit pagod at gutom go lng para s aming mga anak.
Salamat po sa mga nakaka intindi at nagmamahal, para naman sa mga nagtataas ng kilay at naiinis ipagdadasal namin na huwag ninyong danasin ang mga bagay na nararanasan namin, hindi niyo po alam kung ano hinaharap nmin araw araw. โค๏ธ
Ang Diyos lamang ang higit na makakapagpagaling sa ating mga anak ๐ mga mommies na katulad ko laban lang ๐ช
CCTO
Cancer is not just a condition.
Cancer is one of God's method of communication; a symbol of Him knocking into our hearts. His way of saying, "pansinin mo naman Ako".
Cancer is a reminder to us. That our body is not ours to simply enjoy; it is a way of saying that it is merely a borrowed lifeform to us here on Earth to respect as His temple.
Cancer is a calling to us. That we should learn to forgive what others have done against us, to appreciate despite the bad things the world throws us, and to mend our mistakes.
Cancer is a calling for love. That despite anything, love is still there. That despite the costly and body-damaging treatments, it shows how our loved ones are willing to sacrifice for us. That we also love them that we want to fight desperately to live.
Cancer is not just a condition. It is a lesson, a reminder and a plea.
Hugs to everyone. ๐ค๐ค
God Bless Us All. ๐๐
ctto - Eli Esller
Happy 41st Anniversary The Philippine Children's Medical Center โค๏ธ๐งโโ๏ธ๐ง๐๏ธ
โค๏ธโค๏ธโค๏ธ
BONE MARROW ASPIRATION
February 8, 2021
Lord, Thank you so much at Normal na po CBC lalo na ang ANC ni Kuya Sam. Kaya tuloy na tuloy na ang bone marrow niya! ๐ค
It's been a year since na diagnosed si Kuya Sam na may blood cancer - acute lymphoblastic leukemia.
Isang taong nakipag laban kay Big C sa mga tusok, side effects ng mga gamot, infections, operations, sa pagsasalin, pagod sa byahe at higit sa lahat sa gastos.
Wala mang kasiguraduhan ang aming Laban pero naniniwala kami na ang Diyos ay Buhay at at kailanman hindi niya kami pinabayaan.
Taos Pusong PasaSalamat po sa inyong lahat sa mga hinipo ni Lord na walang sawang nagmamahal, sumusuporta, karamay at patuloy na nagdarasal kay Kuya Sam. Hindi ko na po kayo maisa isa pa. Alam po ni Lord yan. Dahil sa inyo hindi namin nmalayan na isang taon na pala ang lumipas.๐ค
At si Kuya Sam ay for Maintenance Phase na!โค๏ธ
Napakabuti niyo po Panginoon.๐๐๐
Ngayon palang po ay inaangkin ko na ang magandang result ng bone marrow ni Kuya Sam.๐๐
God Bless Us All! ๐
Happy Birthday po Senator Ronald "Bato" Dela Rosa ๐๐ฅณ๐ป God Bless po and More birthdays to come. ๐๐
Daghan kaayong salamat sa imong dakong tabang para kay Kuya Sam! ๐คโค๏ธ
Last year pagkalipat namin sa PCMC, Ledger nyo lang po tlaga ang meron kami. Nakaraos po kami sa kabila ng pagsubok. At natuloy- tuloy po ang chemo ni Sam dahil narin po sa tulong nyo. โค๏ธโค๏ธ
Sa totoo lang po pag ganitong January mahirap po talaga makahingi ng tulong gaya ng ledger dahil mostly po wala pang mga funds. Pero si Sam po ito nabigyan nyo po ulit kahapon. Sakto po talaga dahil bone marrow po ni Kuya Sam sa Feb. 2.๐ค๐ค
Sana po hindi kayo magsawang tumulong sa mga nangangailangan, gaya namin na araw-araw lumalaban pra madugtungan ang buhay ng mga anak. ๐๐
Lubos po ang aming Pasasalamat.๐๐
Pagpasensyahan nyo na po Senator ang greeting ni Sam sa inyo. Minsan lang po kasi nsa good mood gawa ng gamot. ๐
Happy Birthday po ulit Senator! ๐๐๐
REINDUCTION PHASE 2
JANUARY 7, 2021
Intrathecal Chemotherapy, Cytospin at Cytarabine Injection.
At 7am NPO na po si Kuya Sam that time dahil papatulugin siya sa kanyang triple intrathecal chemo. Kumukuha sila ng spinal fluid as monitoring pra ma check if may cancer cell ba nkapasok sa brain.
After ng procedure 2 hrs. flat on bed at NPO parin dahil groggy pa sa anesthesia. Flat on chair lang si Kuya Sam dahil puno na sa loob. Pero ok lang ang importante tuloy ang gamutan.๐ค
Sa awa ng Diyos simulat simula ng TIT monitoring nya ay negative blast po ang result. Praise God. โค๏ธโค๏ธ
Kailangan nga lang po tlaga nya pagdaanan ang ganitong procedure.
So grateful and proud dahil strong si Kuya Sam. Umiiyak man siya sa sakit pero lumalaban na may Faith in God.๐
Maraming SALAMAT po sa inyong lahat sa patuloy na pagmamahal, suporta, tulong at higit sa lahat sa healing prayers ninyo para kay Kuya Sam.๐๐ Nakakataba po ng puso.โค๏ธโค๏ธ
God Bless Us All. ๐๐
REINDUCTION PHASE 2B
JANUARY 5, 2021 | Tuesday
CYCLOPHOSPHAMIDE CHEMO
At around 8:30am nagstart po swero nya with cyclo meds at natapos po ng 6pm. Ganon po ka tagal kaya nkailang palit ng damit gawa panay ihi nababasa.๐
Out Patient lang po kami kaya uwi agad pagkatapos.
Thank you Brave Kids Fighters Project:Brave Kids sa pahabol po na Pamaskong Handog!โค๏ธ
Thank you also Dra. Aiza sa gift for Sam kahit snob siya sayo pero lagi mo parin siyang binabati. ๐๐
Npakasarap pagmasdan ang magandang ngiti ni Kuya Sam.๐๐ฅฐ Hindi po siya nainip kahit matagal ang chemo niya that day dahil sa mga gifts na received nya.๐ค๐ค
Thank you so much Papa Jesus dahil hindi mo kami pinabayaan. Hinding hindi po kami magsasawang magpuri at magpasalamat sa iyo!๐ God Bless Us All ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Contact the practice
Telephone
Website
Address
Bocaue
Bulacan
Spirulina is among the world's most popular supplements with various nutrients and antioxidants!
Metrogate Homes Loma De Gato Marilao
Bulacan
Message us for product availability. We accept Gcash payment.
Sta. Clara Estates, Sta. Rita, Guiguinto
Bulacan, 3015
A Philippine-based company that operates in the province of Bulacan to provide medical, clinical and
Pandi
Bulacan, 3014
We are a legit distributor of Dr. Vita Boost Coffee. Chat with us to know more about the benefits of this product.
1009 Hangga Street , San Isidro II, Paombong
Bulacan
We offer pre-natal and birthing cares
Km 39 Pulong Buhangin Sta Maria Bulacan
Bulacan
We Bring Out The Zensational You!๐ค
Hulo Balubad
Bulacan, 3017
A One Stop Shop for all the health & wellness needs to help achieve the amazing health goals on a bu
Meycauayan
Bulacan, 3020
For more information on GFOXX SPIRULINA, feel free to contact us.
3rd Floor Map Building Santa Clara Sta. Maria Bulacan
Bulacan