Baybayin Scripts
Writing is Everything!
Marami nang dumating sa buhay ko—
Marami na rin ang umalis dito.
Makakaya ko pa kung mangyari 'yon, ngunit hindi ibig sabihin ay kakayanin ko kapag ikaw mismo ang nawala sa tabi ko.
I can't lose you, dito ka lang—sa akin, sa tabi ko.
Kahit bilang kaibigan na lang, kahit 'yun na lang.
Hindi ko na alam, kahit yata paulit-ulit mo akong saktan ay ayos lang.
Ikaw naman kasi 'yan, ikaw na 'yan eh.
Siguro'y hayaan mo na lang muna ako, tignan at mahalin ka mula sa malayo. Maghihintay pa rin naman ako, ngunit hindi para manggulo. Tahimik akong maghihintay sayo, sa pagbabalik mo. Pakatatandaan mong nandito lang ako, palaging sabik sa mga yakap mo.
Marahil nga'y masakit maghintay sa walang kasiguraduhan, ngunit wala rin namang mawawala kung aking susubukan—tama ba?
Sa ngayon, hangad ko lamang ang iyong kasiyahan—
Kahit 'wag na 'yung akin, kahit 'yung sayo na lang.
Hindi masama ang umiyak, hindi masama ang magsabi ng problema.
Sa haba ng panahon na naging malakas ka, ayos lang maging mahina—kahit saglit. Palagi ka na lang kasing malakas, subukan mo namang sumaya.
Kinwento ko sayo kung paano akong nasaktan—
sa aking mga nakaraan.
Lingid naman sa aking kaalaman,
sayo ko lang pala ulit mararanasan.
Kung tutuusin nga, mahal—
mas masakit pa ito kaysa sa mga nauna.
Ngunit 'di na bale, walang sinabi ang mga hikbi ko
kung ikukumpara sa pagmamahal ko sayo.
Sa tuwing nag-aaway kayo, naririto ako.
Sa tuwing lumalabo ang relasyon niyo, nandirito ako.
Sa tuwing umiiyak ka, nandito pa rin ako.
Sa tuwing siya ang kasama mo, kitang-kita ko ang kinang sa mga mata mo—
Kung kaya't pinagmamasdan lang kita mula sa malayo.
Kahit nasasaktan na ako, nandito pa rin ako.
Pinanghahawakan ko pa rin kasi ang sinabi mo sa akin noon,
"Hintayin mo 'ko."
Mahal, naghihintay pa rin ako.
Tila ikaw yata ang nakalimot sa tinuran mo?
Hindi naman sa naiinip na ako,
pero mahal—
Kailan ba magiging ako?
Sa tuwing ako'y nalulungkot, sabi ko sa sarili ko—
"ayos lang, meron naman akong siya"
Sa tuwing hindi ko alam ang gagawin ko—
alam ko sa sarili ko kung kanino ako dapat tumakbo.
Buti na lang nand'yan ka,
dahil sa pagkakataong ito—hindi ko alam kung sino ako kung hindi ka dumating sa buhay ko. Napakalaking bagay na nar'yan ka, napakalaking bagay na sayo ko nahahanap ang pahinga na kahit sa loob mismo ng aming tahanan ay hindi ko makita.
Kukunin ko na ang pagkakataong ito para pasalamatan ka,
sa walang sawang pagsuporta,
sa pakikinig sa 'king mga problema,
sa totoo lang—
hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka,
buti na lang—
buti na lang, dumating ka.
Sana tama ang napili,
sana hindi magkamali,
sana kaya—hanggang huli.
Para ngang tahanan,
kung saan maaaring umiyak
kung saan maaaring pumalpak.
Aking tahanan,
Sayo lang lagi mananahan.
"WAGAS"
Kung saan ang bawat tawa
ay nagiging mga patak ng luha
Na sa bawat pagkapit ay siyang pagbitaw
at sa bawat paglapit ay siyang pag-ayaw.
Kahit piliting lumaban
uuwi rin namang talunan,
dahil ang pinakaiingatang wagas
ay hahantong din sa 'di inaasahang wakas.
—Pinterest
Sa milyong-milyong saya na naramdaman,
papalit din pala rito ay kadiliman.
Na kung saan, wala akong makitang liwanag,
ang dilim, may kung ano saki'y bumabagabag.
Iyon pala ay iyo nang paglisan—
nilisan mo na ang ating pag-iibigan,
habang ako pa'y lumalaban.
"KAIBIGAN"
Siguro nga 'di mo talaga ako madama
Na kahit kaya kong ukitan ang iyong mukha ng ngiti;
Palagi kang may pambura.
Pero hindi ako magsasawa;
Na palaging patawanin ka.
Na paalalahanan ka —
Kahit kaibigan lang ang turingan nating dal'wa.
—Ginoong Juan
Gusto ko sanang malaman mo,
Na kahit magkaibigan tayo—
Hindi lang basta kaibigan ang turing ko sayo.
Pero ayos lang 'yon,
Hindi naman kita pipilitin ngayon.
Sapat nang makita't makasama ka,
Sa piling mo nama'y nagiging masaya,
Doon ay hindi ako magsasawa,
Kahit pa kaibigan lang ang turingan nating dalawa.
"LIHAM
At bago sana ako mawala
Nais ko lang ipaalam na mahal kita
Kahit sa isang liham ko na lang ito maipadama
Pero ano pa nga bang halaga
Kung ito rin naman ang huling kataga
Kasabay ng mga luha
Huling papatak sa aking mga mata
Kaya mas mabuti na sigurong angkinin
Ang minsan nang naisulat na damdamin
Para sa oras na ako'y mamamaalam
Siya ring paglisan nitong aking liham"
-Tula'y nagmula sa Pinterest
"Walang pagod kitang hihintayin, Binibining Klay. Itatangi kita kahit sa malayo. Hanggang sa hilumin ang takipsilim ng isa pang takipsilim.
Binibining Klay, palagi kitang iibigin."
-Fidel
©Ron Canimo / roncanimoph
Nakakaranas ka man ng pagkalugmok ngayon, nakakaramdam ka man ng pagkukulang na hindi mo alam kung paano mapupunan, huwag kang mag-alala dahil darating ang panahon na matatapuan mo rin ang bersyon ng iyong sarili na kontento at masaya.
-Tintalata
Hindi ba't gano'n naman talaga? Kung kailan wala na, doon mo lang mapagtatanto kung gaano kahalaga 'yung binitawan mo na? Kaya sa huli, babawi ka na lang ngunit lingid sa kaalaman mong patuloy mo pa ring nasasaktan 'yung tao dahil ikaw naman ang bumitaw pero ginugulo mo pa rin ang kanyang isipan.
Pero kung ako man, mahirap nang manatili kahit pa anong pilit.
Naniniwala kasi akong walang nagiging masaya sa napipilitan lang.
Pwedeng pakinipisan?
Masyado kasing makapal—
tila hindi mo alam,
na masakit sa ulo ang makapal.
'Yung kaisa-isang taong nanatiling totoo sa harap ko, iniwan pa ako." —Maxpein Zin Del Valle-Moon
IKAW lang ang magiging TAHANnan,
sayo lang habang buhay na mananahan.
"Bakit ko pa kailangang pigilan ang puso ko? Kung pwede namang hayaang tumibok ito, bakit ko pa kailangang alisin siya sa isip ko? Kung pwede namang manatili siya sa buhay ko?" — Carmela Isabella
"Hindi ko man hawak ang kamay mo ngayon, asahan mong buong puso ko'y kailanman ay hindi bibitaw sayo." — Juanito Alfonso
Ang alam ko ay masaya tayo, masaya tayo sa tuwing tayong dalawa lang ang magkasama sapagkat nasusulit natin 'yung oras na mayroon tayong dalawa. Masaya tayo dahil nagagawa natin 'yung mga gusto nating gawin, ngunit hindi pala sapat na masaya lang kung wala tayong alam sa nararamdaman natin para sa isa't isa.
Kalabisan bang hilingin sayo ang kasagutan sa katanungang minahal mo rin ba akong talaga?
Ayos lang 'yan, dadaanan mo lang 'yan. Magtiwala ka lang sa sarili mong kakayanan.
Tulungan mo ang sarili mong makaalis sa sitwasyong ayaw mo 'pagkat sarili mo lang ang labis na makatutulong sa iyo.
Ilang mga mapanakit na pangungusap mula sa liham ni Maria Clara para kay Ibarra.
OO, G**O SILA.
PERO HINDI BASTA G**O "LANG"
Maraming mahirap na sitwasyon ang kinakaharap ng G**o sa bawat araw,
kaya't 'wag agad sana natin silang husgahan,
dahil hindi LANG sila G**o na walang pakialam,
sapagkat silang mga G**o, may puso rin at nagdaramdam.
Papasok sila sa paaralan,
iiwan ang problema sa kanilang tahanan,
upang hindi madamay pati mga mag-aaral.
G**o silang nangangailangan ng respeto at pang-unawa.
Hindi nanghihingi ng kahit anong kapalit basta estudyante nila'y masaya.
Oo, nagagalit sila. Dahil tulad natin, may problema rin naman sila.
G**o na nangangailangan din ng pang-unawa.
Hindi puro bato ng husga, 'wag naman natin silang imasama.
Hindi sila G**o LANG,
dapat din silang mahalin bilang isang tunay na MAGULANG kahit sa loob lang ng PAARALAN.
G**o silang nagbibigay aral sa mga mag-aaral,
hindi lang sa loob ng silid-aralan,
pati na rin sa tunay na hamon ng buhay.
HAPPY TEACHER'S DAY TO ALL TEACHERS IN THE WORLD!
Mabuhay ang lahat ng mga G**o saan man sa mundo!
Ang huling liham ni Ginoong Juanito at ni Binibining Carmela para sa isa't isa.
"Panoorin mo akong ipanalo 'yung laban na pinili mong hindi ako samahan." -Tahanan
Kakayanin ko. Kakayanin ko nang sarili ko lang.
"Ikaw naman palagi,
walang araw na hindi."
Ikaw lang ang minimithi kung kaya't pipiliin kang palagi. Sa kahit na anong sitwasyon, dumaan man ang malalaking alon, panahon man ay hindi umayon, ikaw at ikaw pa rin sa ang lalagiin sa haba ng panahon.
"Dito na lang ako sa sarili ko, dito na lang muna ako habang wala pang sigurado." —G. Ron Canimo
Habang tumatagal, maiisip mo na bilang na lang sa mundo kung sino ang mga sigurado. Halos lahat, gusto ng laro. Laro na kahit makasakit sila ng tao, tila ba'y nakadaragdag pa ito sa kanilang pagkatao.
Kaya habang wala pang sigurado, mas pipiliin ko na lang munang piliin at mahalin ang sarili ko. Dahil sa huli, sarili ko lang ang meron ako.
Palagi mong tandaan na kaya kong gawing libre ang oras ko kahit sa mga panahong marami akong ginagawa, maiparamdam ko lang sa'yo na narito ako—
nakahanda palaging makinig sayo.
©
NATIONAL HEROES DAY!
Agosto 29, 2022
Ngayon, ginugunita natin ang kagitingan ng mga mamamayang nakipaglaban para sa ating kalayaan.
"ITO ANG BAGO"
Likha ni: Ginoong Nathaniel Sotomil
Patulog na sana pero hindi pa kaya,
Kumakawala na aking dinadala.
Nag-iisa pero ayos na 'to,
kaysa may kasama nga ako,
hindi naman asal tao.
'Wag pilitin kung hindi ngayon.
Nakakainip maghintay pero sulit 'yon.
Nakatulala pero hindi nawawala,
kaysa may kasama ka nga, bigla rin namang mawawala.
Kuntento na ako sa pagiging ako,
ayaw ko na sa magulo.
Payapa na ang mundo ko,
at ang swerte ko.
Aminadong walang kausap palagi,
naiinip na sa sarili kong ugali.
Nagsasawa sa mga maling gawain.
Kaya ito binago para mag-iba ang tingin.
Sa bagong anyo ng dating ako,
hindi ako nagbago.
Itinama ko lang 'yung mali ko.
Hindi rin ako madamot,
ayaw ko lang maubusan.
Madaya ang tao alam mo yan,
kahit wala ka na, hindi ka pa rin bibigyan.
Magtitira ako para sa sarili ko lang,
at 'pag may ibang nangailangan,
hindi ko pagdadamutan,
masigurado ko lang na hindi ako mawawalan pagkatapos kitang bigyan.
Maasahan mo rin ako,
nandito lamang ako.
Kaya kong maging ako,
pero hindi sa anyo na gusto mo.
Kung may mali sa sarili ko.
Itatama ko 'yun at salamat kasi handa kang sabihin 'yun.
May sarili akong relo,
hindi ko kailangan ng oras mo.
Wala akong dapat patunayan sayo,
O sa kahit na sino.
Tanggap ko kung sino at kung ano ang mga mali ko.
Sa bawat pagmulat ko sa umaga nakangiti ako,
hindi na rin para ihambing pa sayo 'tong buhay ko.
Payapa ako.
Iwas sa gulo.
Pero lalaban ako kapag inapi mo.
Pasensya na pero lagi kong sinasabi 'to,
na sila lang ang makikinabang ng BAGONG AKO.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
4025