Aldwin Roy Ponce Baltazar

Random stuff will be posted here. This is life lately.

02/02/2024

Paano tayo makakatulong sa isang tao na naging biktima ng isang sakuna, aksidente o malagim na pangyayari?

1. Alamin kung saan pede magbigay ng tulong direkta sa taong apektado. Saka magpaabot ng tulong.
2. Magbigay ng tulong kahit walang nakakaalam.
3. Kung walang maibibigay pero may kilala ka na pede makatulong sa tao, pede mo ilapit ang tao na yun para matulungan.
4. Kung wala talaga maitutulong, maari mo ipagdasal ng sinsero sa panginoon ang mga naapektuhan.

5. Wag mo na ipost o ikalat ang litrato ng tao na naging biktima na nasa kalunos lunos na kalagayan lalo na kung wala naman pahintulot ng tao na iyon na gamitin ang litrato niya, sabay ilalagay mo sa post ay .......

31/01/2024

Hindi dapat magpanic na nawala ang Gcash sa Google Play store at hindi makapagbank transfer kung wala din naman yung account in the first place.

06/01/2024

Just press the play button and just let life roll for the present because most of the time our lives don't have any rewinds, and if ever there is a forward button, try not to use that button for so long.

You might skip the good parts.
Live the present.

29/12/2023

Live

29/12/2023

Pakiramdam ko maling linya talaga napasok ko hindi bilang dentista but as a su***de hotline counselor.

Been asked a lot of times this year to either talk some sense to someone with the lines "sige na nakikinig sayu yun" or mapaghabilinan na "pre ikaw na bahala sa kanila." mabigat pero kaya naman. Mas ok na yun kesa sa kukunin ako para magsalita sa eulogy o sa huling lamay.

Ang iniisip ko lang what if ako na yung malagay sa ganung sitwasyon na ako na pala yung nasa end of the rope or ako na yung tao na maghahanap na paghahabilinan ko kung mawawala ako.

Parang wala, kasi ayoko maglalagay sa mga tao na mahal ko sa buhay or importante sa akin sa position na ganun, kaya nga hangga't kaya ko nagpapalakas ako, humahanap ng ikakasaya kahit sa maliliit na bagay at mas maging realistic sa araw araw.

Sa kabilang banda kung mayroon ka dinadala at gusto mo ng ibang makausap na mas capable sa ganitong sitwasyon ishare ko na din ito.
Yan ang legit na hotline for mental health ng DOH.

https://doh.gov.ph/NCMH-Crisis-Hotline

Photos from Aldwin Roy Ponce Baltazar 's post 15/12/2023

Hack alert.

Wag na ninyo tangkain na iclick yung link pag may natanggap kayu message about a delivery attempt. It is a malware. Be cautious with shortened hyperlinks na kasama sa mga messages na nadating.

I think yung database ng mga popular online shopping platforms may data breach na din. Nangyayari kasi ito sa mga araw ng expected delivery dates. To be sure always check timeline ng app if nasaan na yung inaantay ninyo at magantay na lang.

15/12/2023

Bili ka nga ng battery yung mura lang.

OK, yung squamy.

12/12/2023

"Tuy pede ba na diyes mil (10000) ang ilagay mo sa resibo? Para may extra ako mahingi sa anak ko." Sabi ng kausap ko.

"Pasensya na po tay, kung anu lang po ang halaga ng ibabayad ninyo yun lang po." Siya ko naman sagot.

"Kung sabagay mahirap nga iyon." Hirit niya.

"Sig**o Tay mas maige na sabihin na lang ninyo sa anak ninyo yung iba pa na gusto ninyo, yung totoo lang. Malay naman natin magpasobra at pasko naman. Pati anak ninyo yun. Eto nga at ipinapapagamot niya kayu. " Payo ko sa kanya.

"Sige. Pasensya ka na anak."

Kahit papapaano may kurot.

Makailang beses ko na ito naexperience sa trabaho.
Iisa lang lagi sinasabi ko. "Magsabi lang po kayu ng totoo." Lalo na kung linyahan mula sa magulang para sa anak.
Madalas kasi ang rason ay nakakahiya kasi manghingi.
Pero tandaan natin na mas nakakahiya yung malaman ng kausap natin na hindi tayo totoo sa sinasabi natin. Minsan hindi na lang nakibo kasi ayaw na lang din ng kausap natin na humaba pa ang usapan lalo na kung ang isang kasinungalingan ay magpapatong patong pa para lang mailusot. Sa lahat ng bagay yun ang masakit yung pinagsisinungalingan or pinagmumukhang tanga ang kausap.

Sa kabilang banda naaawa naman ako sa matanda. Na kailangan pa umistyle para lang magkaroon. Na kung sana tumanda siya na meron siya naitabi para sa sarili niya di siya malalagay sa ganung pagkakataon. Na sana hindi na kailangan magsinungaling dahil pamilya din naman ang hinihingian, lalo pa at anak.

Nakakaawa din ang anak, hindi ko din naman alam kung ganun lagi ang sitwasyon nagigisa sa sariling mantika.

Pero ito yung mga pagkakataon na hanggat maari ayoko nararanasan, yung ako yung magsasabi sa mas matanda sa akin kung ano ang tama. Kasi minsan mas sabik ako na makadinig ng mga bagaybagay na ako yung matututo ng tama mula sa matatanda.

Photos from Aldwin Roy Ponce Baltazar 's post 10/12/2023

Since ginawa ko na hobby ang pagoverthink, isa sa mga tanung ko dati ay bakit mayaman at maunlad ang Singapore kahit maliit at wala sila natural resources. Kung tutuusin mas bata sila na bansa kumpara sa Pilipinas , 1965 sila naging isang bansa. Sabay ang weird pa dun kung ang Pilipinas ay lumaban para maging malaya ang Singapore pinalayas bilang parte ng Malaysia. Isang bansa na para sa Malaysia hindi worth para maging parte ng Malaysian federation dahil madami ay illiterate, o***m addict at dahil na din sa usapin ng lahi. Sa dami ng nabasa ko at napanood na documentary para lang masagot ang tanong ko may isang lagi lumalabas na sagot. Education. Sa simula pa lang yung pinuno nila na si Lee Kuan Yew, pinakaunang prime minister nila, ay hinimok niya yung mga kababayan niya na wag mawalan ng pagasa sa pagpapatalsik sa kanila ng Malaysia at kailangan magaral, maging edukado at wag magsettle sa pagiging ordinaryo dahil yun lang talaga yung way para makasurvive yung republika nila. Fast forward today, isa na sila sa pinakamayaman na bansa.

Then recently napagusapan ang education crisis dito sa bansa. Kung papaano tayo naging consistent sa isa sa pagiging low ranked countries in terms of performance sa pagbabasa, mathematics at science. Yung Singapore andun din consistent pero as number one. Sana seryosohin natin itong tignan. "Natin" ibig sabihin problema ito ng magulang, mga g**o, paaralan, gobyerno at mga magaaral, tayung lahat.

Sabi nga dun sa mock test ng bunsong anak ko na nabasa ko na ang sabi "Habang nasasaktan ang buong mundo sa paghihiwalay ni Kathryn at Daniel." ayun ang batang pilipino napagiwanan na ng buong mundo.

07/12/2023

Betrayal will never come from your enemies.

Cause an intent of an enemy is often times expressed directly.

It will come from close associates, friends or worst within the family.

That is why betrayal will always be painful.

07/12/2023

Yung proseso ng pagputol sa isang connection dito sa social media or pag UNFRIEND ay hindi yan masasabi na aksidente or "napindot" lang.

5 conscious na choices ang kailangan mo gawin para magawa ito.

Una hahanapin mo yung tao sa list sa search bar.

Pangalawa pipindutin mo yung profile mismo ng tao.

Pangatlo pipindutin mo ngayun yung friends tab saka lalabas yung options na unfollow, edit friend's list, take a break, favorites at yung unfriend. Yun pa talaga pinakadulo kasi umaasa pa din si Facebook na maging connected pa din kayu sa isa at isa.

Pangapat ay yung pagpindot mismo sa unfriend.

Panglima at panghuli ay pagconfirm sa decision mo na yun. Hanggang sa huli hoping pa din si Facebook na you reconsider. Para bang tinanong ka ng app na "Sigurado ka na ba talaga?".

Then it is done.

Sa totoo lang walang masama na magputol ng connections. Hindi mo naman lahat kaibigan. Lalo na kung sa tingin mo ay hindi mo naman talaga kaibigan, importante sa iyo ang tao na yun, na pede naman kayu maging civil na lang sa isa't isa. Sa pagunfriend binibigyan mo pa nga ng pabor ang sarili mo lalo na kung para sa peace of mind mo ito.

Ang masama ay kung ikaw yung nang unfriend sabay palingharap ka nga then kapag nakita mo ngayun yung tao sasabihan mo na.

"Naku nahack ata FB ko. Nawala ka na sa friends list ko. "
Or worst yung dahilan na "napindot" lang. Sobrang talksh*t yun dahil sabi ko nga ang dami mo pagdadaanan processo para mang unfriend.

22/11/2023

Star City.

23/10/2023

Almost 1 am na ang hirap pa din matulog, di ko makalimutan yung nangyari sa clinic kanina na napagkamalan ko na tauhan ng pinsan ko sa water refilling station nila yung isang pasyente na ang gusto lang naman ay kumuha ng dental certificate para makapasok na siya sa trabaho pero ako sobrang enthusiastic ko siya sinalubong sa pinto at pilit ko inaabot yung dalawang 5 gallon na basyo ng tubig sa kanya.

Nahimasmasan lang ako ng sabihin niya na "Ako po yung nagpabunot sa inyo nung nakaraan." πŸ˜…

23/10/2023

🎞️πŸŽ₯ To Kill A Mockingbird

Photos from Aldwin Roy Ponce Baltazar 's post 19/10/2023

Nakiusap na wag sa tilapya tank maghugas, kung anuman yang hinuhugasan.

Photos from Aldwin Roy Ponce Baltazar 's post 09/10/2023

Dito sana ako kakain ng hapunan after mass. Papasok na sana ako pero bigla ko kinuwestyon sarili ko, parang hindi ako karapatdapat tumuloy sa loob dahil mas kilala ko sarili ko at hindi ako wholesome. Bumili na lang ako tinapay saka ko kinain sa bus pauwi.

09/10/2023

After the workshop, decided to go the nearest church to pray and attend mass.

Nandun na sa part ng "Ama namin", eh ganadong ganado ako kumanta medyo malakas pa yung entrada ko.
Sabay english version pala, di naman ako na orient.
Edi parang hinabol ko yung bitaw ko na "Ama" palunok sabay switch to english. Pakiramdam ko that time mga tao sa gilid ko nagpigil ng tawa.

08/10/2023

Nagdownload pa ako ng pelikula sa Netflix eh mas madrama pa ata yung kwentuhan ng mag kumare sa likod ko patungkol buhay magasawa nila.
Parang gusto ko na lang magiba ng puwesto sa upuan.

Pagdating ng Skyway at ganito pa din tema nila bibigyan ko na ng unsolicited advice ito na "For once piliin mo na sarili mo mam, na wag mo hayaan na gawin kang doormat ng lalaki na yan. Co-dependency or relationship addiction na yang sitwasyon ninyo."

Photos from Aldwin Roy Ponce Baltazar 's post 08/10/2023

Heading to Makati now for a workshop.
Decided to commute dahil sa puyat kanina.
Sa tagal ko na hindi gumagamit ng bus ngayun ko lang nalaman na card na pala gamit.
As usual may nakita ako kakilala. Sabay tanung "Bakit ka nagcommute Doc? "
Dapat pala sa pinakasulok sa likod nakapwesto.

Parang hindi naman ako pinanganak na prinsipe para di mag bus. Eh mukha nga ako mandurukot nung mas bata ako. πŸ˜…πŸšπŸšŒ

Photos from Aldwin Roy Ponce Baltazar 's post 04/10/2023

Lagi tayong may mga choices sa buhay, maging mabuti or masama. At sa araw na ito gusto kong pasalamatan itong si Mam Lorna ng Instawash Cabuyao branch sa pagpili ng tama, maging mabuti.

Sa pagiging tapat sa trabaho at pagsasauli ng pera na nakasama sa mga pinalabahan ko sa kanila. Tutuusin wala din ako idea na may nawawala ako na 3100 pesos. Kung tutuusin pede na niya iyun hindi ideklara dahil unang una hindi naman ako naghahanap pero pinili niya maging tapat at magtrabaho ng may integridad.
Maraming salamat po. Nawa at dumami pa ang katulad ninyo. God bless you.

18/09/2023

Bantayang Bato.
Arc de Triomphe of Santa Rosa, Laguna

18/09/2023

Nakakalungkot nga din naman minsan na batiin ka ng isang tao na kakilala, kaibigan at lalo na kamaganak ng mga linya na. "Mayaman ka na anu?"

Sabay ang tono pa ng pagkakasabi ay ramdam mo na hindi masaya para sa iyo.
Hindi naman ako or kami yumaman, para sa akin nakausad, naging self reliant. Hindi para mangabala ng ibang tao para mabuhay. Yun ang iniisip ko na estado.

Sig**o lahat naman tayo nangarap na yumaman o kung hindi man yung umunlad kahit papaano. Umuusad. Maka-ahon.
May iba akong kilala na sa kanila ang gusto lang nila ay simpleng buhay. Yung daw nasa probinysa, sariwa ang hangin, may maluluto sa kusina, pakape kape lang habang nakatanaw sa magandang view kahit maliit na bahay kubo. Pero kung iisipin, san ka naman kukuha ng lupa sa probinsya, san ka kukuha ng ipangluluto at ipangbibili ng kape kung wala ka din kabuhayan. Paano pag nagka emergency tulad ng pagkakasakit. Yun ang mabigat.
Wala pa ata ako kilala na tao na ginusto ang kahirapan at pagdurusa.

Sa ngayun sig**o kaya masaya disposition ko sa buhay ay matagal ko na natutunan na mayroon at mayroon na mas magiging better or magandang buhay sa akin, at di ko na yun dapat intindihin dahil ibang buhay na yun.
Ang sarap sabihin sa iba na "good for you."
Nasa punto ako na lahat ng ginagawa ko ay primarily para sa sarili ko at sa pamilya ko, sa ikakaunlad namin. Kung may sobra na pede itulong o ibahagi edi mas maganda. Hindi ko na para saklawan o panghimasukan ang problema ng iba lalo na kung yung tao wala din naman ginagawa para tulungan ang sarili.

Sana lahat tayu makaahon. Sana.....

17/09/2023

Hindi naman nakakahinayang magtip sa barbero nung napagbigyan niya ako sa request ko na ipattern sa gupit ni Luka Doncic.

Ayun Luko Doncic kinalabasan.

16/09/2023

"Minsan pinupuri ang mga mahihirap sa pagiging matipid. Ngunit ang magrekomenda ng pag-iimpok sa mahihirap ay parehong nakakatawa at nakakainsulto. Ito ay tulad ng pagpapayo sa isang taong nagugutom na kumain ng mas kaunti."

Isinalin sa tagalog at hango sa libro na "The Soul of Man Under Socialism" ni Oscar Wilde.

15/09/2023

Sa buhay parepareho lang naman ang kailangan natin para mabuhay, kumain at may maiinom na malinis na tubig, madamitan, may bahay na matirahan na kung saan makapagpahinga at makatulog.
The basics.
Pero hindi ibig sabihin nun, pareho na ang realidad ng buhay ng bawat isa sa atin.
Kaya may nagagalit ngayon dun sa sikat na "wais na misis" na kayang pagkasyahin ang isang libong piso para isang linggo. Maaring si wais na misis ay out of touch sa realidad ng mas nakakarami na sadyang hindi na kasya ang ganung halaga o maari din na yun talaga realidad ng buhay niya. Nagawa niya pagkasyahin. Yun ang personal na experience niya. Kumbaga kwento nya yun eh ibinahagi niya lang. Kaso minsan yung kwento pede maging nakaka inspire or nakakainis.

Eh iba't iba ang kwento ng bawat isa sa atin.
Sana nga anu iisa lang yung realidad ng bawat isa sa atin. Yung 1000 kasya sa isang linggo.

Kaso hindi.....

11/09/2023

Magiging malinis nga ang kamay mo kaso kaluluwa mo kapalit.
Wag na lang.

10/09/2023

Attendant: Kuya buko pie po o kahit itong Espasol naming mga taga Laguna, wala po nan sa Maynila.

Napabili naman ako, for once hindi ako naging probinsyano sa paningin niya.

07/09/2023

Batiin ko kaya isa isa ang bawat napasok ng "Tuloy po kayu, kain po."

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cabuyao?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Picked up some late night coffee.
Palazzo Verde
Cheese wheel pasta by PARMIGIANO Ristorante Pizzeria #food #restaurant #italiancuisine #cheese #reels #AlabangWest

Category

Website

Address

Delfino Baltazar Dental Clinic
Cabuyao
4025

Other Public Figures in Cabuyao (show all)
Charise Pempengco Fansclub Charise Pempengco Fansclub
Cabuyao

Charise Pempengco adalah seorang remaja dari Philipina yang bersuara emas dan powerfull

Laugh Clips Laugh Clips
Cabuyao, 4025

This is for entertainment purpose only.

π™Žπ™‡π™Šπ™’π™™π™žπ™£π™œβ€’β€’β€’ π™Žπ™‡π™Šπ™’π™™π™žπ™£π™œβ€’β€’β€’
Cabuyao

Stance build in motorcycle or cars JDMοΏ½/THAIοΏ½/VIPοΏ½/Classic/Ratlook

TanthanAmen TanthanAmen
Cabuyao

REPENTANCE . PRAY. JESUS. SALVATION

Raizel delmendo dela cruz Raizel delmendo dela cruz
Banay Banay
Cabuyao

L's siblings L's siblings
Brgy. Marinig
Cabuyao, 4025

happy baby

Lakwatcha Dora Lakwatcha Dora
Birmingham Village
Cabuyao, 4025

this page is about everything i am doing in every single minute of life

Single Dad PH Single Dad PH
Cabuyao

influencer

Maesteo Avilato Faith Healer Maesteo Avilato Faith Healer
Cabuyao, 4025

Healer of God

Judy Ann abad Judy Ann abad
Southville Marinig
Cabuyao

Judy nn 4 GIRLS

Istoryahi.ph Istoryahi.ph
Cabuyao, 4025

@followFormoreVIDEOS

Retro Boys Laguna Retro Boys Laguna
Cabuyao, 4025

Classic Motorcycle Group For Invitation/Collaboration send email to us: [email protected]