Cabuyao News

Cabuyao News

Ang page na ito ay bukas sa kahit anong usaping politika, relihiyon, sports, science, showbiz o mga trending topic dito sa Pilipinas.

26/10/2024

๐€๐ ๐Ž๐๐„๐ ๐‹๐„๐“๐“๐„๐‘ ๐“๐Ž ๐“๐‡๐„ ๐๐‹๐”๐„ ๐‘๐ˆ๐๐๐Ž๐ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐ˆ๐“๐“๐„๐„ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐’๐„๐๐€๐“๐„ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐๐ˆ๐๐„๐’ ๐€๐๐ƒ ๐“๐‡๐„ ๐‡๐Ž๐”๐’๐„ ๐๐”๐€๐ƒ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐ˆ๐“๐“๐„๐„ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐‡๐Ž๐”๐’๐„ ๐Ž๐… ๐‘๐„๐๐‘๐„๐’๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐•๐„๐’

Mga kagalang-galang na Senador at Kongresista ng ating bayan, nakalulungkot na sa kabila ng hirap na dinanas ng mga kababayan nating sinalanta ng Severe Tropical Storm Kristineโ€”mga nawasak na bahay, kabuhayang winasak, at buhay na nawalaโ€”mas pinipili niyo pa rin ang walang katapusang mga pagdinig na tila ba isang nakagawiang palabas ng โ€œin aid of legislation.โ€ Sabihin niyo na, ano ba talaga ang inyong mga hangarin at prayoridad bilang mga opisyal ng bayan? Bakit parang mas mahalaga pa ang mga personal na agendaโ€™t ambisyon kaysa sa kapakanan ng mga taong naghalal sa inyo?

Sa gitna ng kalamidad na ito, inaasahan namin, bilang mga Pilipino, ang inyong pagkilos. Hindi baโ€™t napaka-simple at napaka-humane na unahin muna ang tulong at aksyon para sa mga nasalanta ng bagyo? Sa halip na mga hearing na โ€˜yan, hindi baโ€™t mas makabuluhan ang maglaan ng oras at lakas sa pagbibigay ng ayuda at rehabilitasyon para sa mga kababayang lubos na nangangailangan, lalo naโ€™t papalapit na ang Pasko?

Kayong mga mambabatas, panahon na sig**o para itanong sa inyong mga sarili ang totoong halaga ng mga pulong na โ€˜yan. Nasaan na ang sinasabing Bilyong-Bilyong pondo para sa Flood Control Projects? Ano na ang nangyari sa sinasabing mga proyekto laban sa baha? May nararamdaman ba ang mga Pilipino mula rito, o puro papel lamang? Nasaan ang malasakit?

At sa darating na Oktubre 28, imbes na manindigan para sa mas mahalagang mga isyu, handa kayong magpatuloy sa pag-imbestiga kay Dating Pangulong Duterte upang muling hukayin ang mga paratang at alegasyon. Sa gitna ng kalamidad, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, bakit mas matindi ninyo ang inyong galit sa isang tao kaysa sa nagkadapang bayan? May deadline ba kayong hinahabol? O may nagdidikta sa inyo ng mga susunod na gagawin? Kayong mga mambabatas, bakit hindi niyo ito gawin kapag natugunan na ang pangangailangan ng taong bayan?

Inaaksaya niyo ang milyong piso para sa mga pagdinig na โ€˜yan, habang napag-iiwanan ang mga tunay na tungkuling ipinangako niyo noong kayoโ€™y nangangampanya at halos lumuhod para sa aming mga boto. Sa puntong ito, lubos kaming nakikiusap: magpakatao kayo. Magpakita kayo ng kahit kaunting delicadeza. Ipagpaliban ang mga pagdinig na โ€˜yan at unahin ang mga biktima ng bagyong Kristine.

Kung ipagpapatuloy niyo pa rin ang mga ito, magiging malinaw ang inyong mga tunay na layunin. At kung mas pipiliin niyo ang inyong mga ambisyon kaysa sa kapakanan ng bayan, aba, hindi na kami magugulat. Magandang suwerte sa darating na 2025. Sana masilayan pa kayo ng Pilipino sa inyong mga ginawa.

21/07/2024

๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐›๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐ž๐ฐ ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐๐ซ๐จ๐œ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐€๐œ๐ญ ๐š๐ญ ๐€๐ง๐ญ๐ข-๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐œ๐œ๐จ๐ฎ๐ง๐ญ ๐’๐œ๐š๐ฆ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ

Sa kabila ng pagpasa ng dalawang bagong batas na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.โ€”ang Republic Act (RA) 12009 o "New Government Procurement Act" (NGPA) at RA 12010 o "Anti-Financial Account Scamming Act" (AFASA)โ€”ang tanong ay: Talaga bang mababawasan ang korapsyon at financial scams sa bansa? Maraming beses na ring nagkaroon ng mga ganitong inisyatiba, ngunit tila hindi nagbabago ang kalagayan ng bansa sa usaping korapsyon at pandaraya. Sa mga nakalipas na administrasyon, marami nang ipinangakong reporma at batas laban sa katiwalian, ngunit patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga tiwaling opisyal at sindikato, lalo na ngayon.

Nakakapanghina ng loob na sa kabila ng magandang balita at mga pangako ng pamahalaan, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagdurusa dahil sa katiwalian at pandaraya. Ilang beses na bang nagtiwala ang taumbayan sa mga ganitong batas, Pero patuloy pa rin tayong nalulubog sa kahirapan. Ang mga perang dapat sana'y para sa pag-unlad ng bansa ay napupunta lamang sa bulsa ng mga korap na opisyal. Ang bawat isa sa atin ay may kakilala o kapamilyang nabiktima ng online scams, at nakalulungkot na hindi sapat ang mga hakbang na ito upang ganap na maprotektahan ang kanilang mga karapatan.

Upang maging epektibo ang ๐—ก๐—š๐—ฃ๐—” at ๐—”๐—™๐—”๐—ฆ๐—”, kinakailangan ng masusing pagbabantay at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na ito. Hindi sapat na magkaroon lamang ng mga bagong batas; kailangang tiyakin na ang mga implementasyon nito ay walang kinikilingan at tapat. Dapat magsagawa ng malawakang edukasyon sa publiko hinggil sa kanilang mga karapatan at kung paano nila mapoprotektahan ang kanilang sarili laban sa mga scammers. Ang mga ahensya ng gobyerno, kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay dapat magtulungan upang mabilis at epektibong maaksyunan ang mga reklamo at kaso ng pandaraya.

Bukod dito, dapat din nating isulong ang transparency sa lahat ng antas ng pamahalaan. Ang bawat transaksyon ay dapat maging bukas sa publiko upang mabawasan ang pagkakataon para sa katiwalian. Kailangan ng mas malalim at komprehensibong reporma sa buong sistema ng gobyerno. Hindi sapat ang mga batas kung ang kultura ng korapsyon ay hindi mababago. Dapat ang mga tiwaling opisyal ay parusahan ng naaayon sa batas upang magsilbi itong babala sa iba.

Ang laban kontra korapsyon at pandaraya ay hindi natatapos sa pagpasa ng mga bagong batas. Ito ay isang patuloy na laban na nangangailangan ng partisipasyon ng bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at mahigpit na pagbabantay, maaari nating masig**o na ang mga bagong batas na ito ay hindi magiging karagdagan lamang sa mahabang listahan ng mga pangakong napako.

29/05/2024

๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐— ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—•๐—จ๐—ฌ๐—”๐—ข: ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก

Isang makasaysayang kaso ang isinampa ni Vice Mayor Atty. Leif Laiglon A. Opiรฑa, noong ika-25 ng Enero, 2023 laban sa Punong Lungsod, mga labing-dalawang (12) Konsehal ng Lungsod, at mga miyembro ng Local Finance Committee. Ang kaso ay tumutukoy sa paglabag sa a) Oppression o Abuse of Authority by Public Officers; b) RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices; at c) RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’ ๐’๐’Š ๐‘ฝ๐’Š๐’„๐’† ๐‘ณ๐’†๐’Š๐’‡: ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’“๐’–๐’๐’ˆ๐’‚๐’

Hindi maikakailang nakakapanlumo at nakakagalit ang mga pangyayari. Ang bise alkalde, na tanging nagtagumpay sa ilalim ng GO Cabuyao Team noong 2022 National and Local Elections, ay tila biktima ng walang awang panggigipit at pang-aabuso mula sa mga nasa kapangyarihan. Ang alkalde at ang mga konsehal, na lahat ay miyembro ng Team HD, ay walang habas na ginamit ang kanilang kapangyarihan upang parusahan ang kanilang politikal na kalaban.

Isang malinaw na halimbawa ang pag-apruba ng 2023 Annual Budget na nagdulot ng napakalaking pagbawas sa Maintenance and Other Operating Expenses (MODE) ng opisina ng bise alkaldeโ€”mula P60,025,000.00 noong 2022, ito ay naglaho na parang bula sa halagang P5,270,000.00 para sa 2023. Ito ay nagresulta sa displacement ng 274 empleyado at maparalisa ng mga serbisyong pampubliko na ipinagkakaloob ng opisina ng bise alkalde para sa mamamayan ng Cabuyao.

๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’•๐’‚๐’” ๐’๐’‚ ๐‘น๐’†๐’‘๐’“๐’†๐’”๐’†๐’๐’•๐’‚๐’”๐’š๐’๐’ ๐’‚๐’š ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’“๐’‚๐’‘๐’‚๐’•๐’‚๐’, ๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐‘ท๐’“๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’๐’†๐’‰๐’Š๐’š๐’

Masaklap na katotohanan na hindi lamang pondo ang kinuha mula kay Vice Mayor Leif Opiรฑa kundi pati na rin ang kanyang karapatang makilahok sa deliberasyon ng 2023 budget. Ang hakbang na ito ay hindi lamang malinaw na paglabag sa kanyang karapatan kundi isang manipestasyon ng tuwirang pagwawalang-bahala sa mga demokratikong proseso at prinsipyong bumabalot sa lokal na pamahalaan.

๐‘ฒ๐’๐’“๐’‚๐’‘๐’”๐’š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐’‚๐’Š๐’

Ngunit bakit nga ba binawasan ng pondo ang tanggapan ng Vice Mayor na nagbibigay ng serbisyo publiko? Samantalang mas pinaburan ang pagtaas ng budget para sa basura ng Mayor kung saan malinaw na may direktang pakinabang ang negosyo ng kanilang pamilya. Isang alokasyon kung saan lantad ang pagkakaroon ng interes ng pamilya ni Mayor Dennis Felipe C. Hain. Hindi na natin kailangan pang paliguy-liguyin ito. Malinaw na ang pondo ay hindi nakalaan para sa kapakanan ng publiko kundi para sa pagpapalago ng negosyo ng pamilyang Hain. Ang ganitong kalakaran ay hindi na dapat palampasin.

๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐‘ถ๐’Ž๐’ƒ๐’–๐’…๐’”๐’Ž๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฎ

Ang mabagal na aksyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Office of the Ombudsman ay nagiging malaking katanungan ngayon. Bakit tila may pagkabulag at pagkabingi ang mga ahensyang ito sa harap ng isang malinaw na kaso ng pang-aabuso at korapsyon? Hindi kaya sila rin ay may pinoprotektahan o mas malala ay nabayaran na rin ang mga nasa tanggapan ng Ombudsman ng Daang Milyong piso, gaya ng ipinagmamalaki ni Mayor Hain at ng kanyang administrador na si Dimaunahan?

๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’˜๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฏ๐’–๐’”๐’•๐’Š๐’”๐’š๐’‚

Sa lahat ng ito, isang matinding panawagan ang aming isinusulong: Panagutin ang mga salarin sa kanilang mga kalokohan. Huwag silang mag-isip na ito'y mamamatay na usapin dahil hanggang hindi naparurusahan ang lahat ng may sala, ang kampana ng Cabuyao ay patuloy na kakalampag upang iparinig ang hinaing ng mamamayan. Kailangang mapigilan ang tuloy-tuloy na pang-aabuso at madala sa hustisya ang lahat ng sangkot sa katiwalian.

Ang kasong ito ay isang simbolo ng laban ng mga ordinaryong mamamayan laban sa katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan. Sa kabila ng mga hadlang, patuloy nating itataas ang ating tinig at ipaglalaban ang tunay na hustisya para sa Lungsod ng Cabuyao. Ang bayan natin ay hindi dapat magmistulang balwarte ng mga mapagsamantala, kundi isang lugar kung saan ang bawat isa ay may patas na pagkakataon at protektado laban sa pang-aabuso.

ใ‚š ใ‚šviralใ‚ท

22/05/2024

๐Œ๐š๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ซ๐›๐ฎ๐ฅ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ๐จ๐ซ๐ž ๐€๐ข๐ซ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐…๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ฒ, ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ ๐š๐ญ๐š๐ง ๐’๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ๐จ๐ซ๐ž

Sa isang nakakagulat na insidente, ang Singapore Airlines flight SQ321, mula London patungong Singapore, ay nakaranas ng matinding turbulensya habang lumilipad sa ibabaw ng Irrawaddy Basin sa Myanmar.

Ayon sa Flightradar24, ang Boeing 777-300ER na eroplano ay biglang umakyat at bumaba nang ilang beses sa taas na 11,300 metro. Ang insidente ay nagresulta sa emergency landing sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok, Thailand. Nakarating ito sa paliparan bandang 3:45 p.m. ng may flashing lights at sirens ng mga emergency vehicles.

โ€œSa oras na 3:35 p.m., nakatanggap kami ng distress call mula sa Singapore Airlines flight na may mga pasaherong nasugatan dahil sa turbulensya at humihiling ng emergency landing,โ€ ayon sa pahayag ng Suvarnabhumi Airport. Agad na rumesponde ang mga medical team upang bigyan ng lunas ang mga nasugatan.

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ฒ, ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ ๐š๐ญ๐š๐ง

Karamihan sa mga nasugatan ay nagtamo ng mga sugat sa ulo, ayon kay Kittipong Kittikachorn, direktor ng Suvarnabhumi Airport. Kinumpirma rin niya ang pagkamatay ng isang 73-taong gulang na Briton, si Geoff Kitchen, dahil sa kondisyon sa puso.

๐Œ๐š๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฌ๐š๐ก๐ž๐ซ๐จ

Ikinuwento ni Andrew Davies, isa pang Briton, sa BBC Radio 5 na ang eroplano ay "biglaang bumagsak" na may kasamang "kaunting babala.โ€ โ€œNarinig ko ang mga tao na sumisigaw at may narinig akong malakas na tunog,โ€ aniya. Tinulungan niya ang isang babaeng sumisigaw dahil sa malalim na sugat sa ulo.

Si Allison Barker naman ay ikinuwento ang text ng kanyang anak na si Josh, na tinawag ang flight na โ€œcrazy.โ€ โ€œSobrang nakakakaba. Hindi ko alam kung buhay pa siya. Ito ang pinakamatagal na dalawang oras ng buhay ko,โ€ sabi niya.

Dumating sa Singapore ang 131 pasahero at 12 crew members sakay ng isang relief flight noong 5:05 a.m. ng Miyerkules, Mayo 22. Isang 28-taong gulang na estudyante na si Dzafran Azmir, ang nagpatotoo na may mga tao sa eroplano na โ€œtumama sa kisame at bumagsak sa hindi normal na posisyon.โ€

๐“๐ฎ๐ ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ๐จ๐ซ๐ž ๐€๐ข๐ซ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐š๐ญ ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง

Sa isang video message, sinabi ni Goh Choon Phong, CEO ng Singapore Airlines, na โ€œlabis silang nalulungkotโ€ sa insidente. Nagpahayag siya ng pakikiramay sa pamilya ng namatay at ipinangako ang tulong sa mga naapektuhang pasahero at crew members.

Nagbigay din ng pakikiramay si Singapore Prime Minister Lawrence Wong at nangako ng suporta sa mga pasahero at crew. Magpapadala ang Ministry of Transport ng Singapore ng mga imbestigador sa Bangkok upang magsagawa ng masusing pagsisiyasat.

Sinabi naman ng Boeing na sila ay โ€œhanda upang suportahanโ€ ang Singapore Airlines. โ€œIpinapaabot namin ang aming pakikiramay sa pamilya ng namatay, at ang aming mga isip ay nasa mga pasahero at crew,โ€ ayon sa pahayag ng Boeing.

Ang insidenteng ito ay nagpapaalala sa lahat ng panganib na kaakibat ng paglipad, ngunit nagpapakita rin ng kahalagahan ng mabilis na pagtugon ng mga emergency services at kooperasyon ng mga awtoridad sa panahon ng krisis.

03/05/2024

Sa ulat ng PHIVOLCS, isang sunog sa damuhan ang patuloy na nagaganap sa dulong kanlurang ng Taal Volcano Island nitong Huwebes ng gabi. Ayon sa ahensya, nagsimula ang sunog bandang 6:40 ng gabi sa kalapit na lugar ng DOST-PHIVOLCS' Binintiang Munti Observation Station (VTBM).

Binigyang-diin ng ahensya na madalas mangyari ang ganitong sunog sa lugar na ito at na may katulad na pangyayari noong nakaraang taon.

Ang mga nakunan ng litrato na ipinaskil sa social media accounts ng PHIVOLCS ay kinuhanan ng Agoncillo Observation Station (VTAG) mula 6:43 PM hanggang 7:10 PM.

29/04/2024

PHREATIC ERUPTION NG TAAL VOLCANO

Nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.

Sa pinakabagong bulletin nito, sinabi ng PHIVOLCS na tumagal ng mga dalawang minuto ang phreatic eruption.

Ang phreatic eruption ay isang pagsabog na dulot ng init at steam, na nagaganap kapag ang tubig sa ilalim ng lupa o sa ibabaw ay pinainit ng magma, lava, mainit na bato, o bagong deposito mula sa bulkan, ayon sa PHIVOLCS.

Isang mahinang paglabas ng usok hanggang 600 metro ang nagpapalutang papunta sa hilagang-northwest mula sa Bulkang Taal, ayon sa PHIVOLCS.

Mula alas-12 ng madaling araw ng Linggo hanggang alas-12 ng gabi ng Lunes, kabuuang limang volcanic earthquakes kabilang ang dalawang pagyanig na tumagal ng tatlong minuto ang naitala.

Nakita rin ang isang pangmatagalang pagkalugi sa Taal Caldera pati na rin ang isang pansamantalang pagtaas sa pangkalahatang hilaga at timog-silangan ng mga gilid ng Bulkang Taal Island.

Noong Abril 25, 3,383 tonelada ng sulfur dioxide ang inilabas ng bulkan sa gitna ng pagtaas ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Nagkaroon ng ilang phreatic eruptions ang Bulkang Taal sa mga nakaraang linggo.

Pinapanatili ang Alert Level 1 sa bulkan, na nangangahulugang ito ay nasa abnormal na kondisyon pa rin at hindi dapat ituring na natigil na ang kaguluhan o banta ng pag-aalboroto.

Sa ilalim ng alert level na ito, ang posibleng panganib ay biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at mapaminsalang akumulasyon o paglabas ng volcanic gas.

Maaring bantaan ng mga panganib na ito ang mga lugar sa loob ng isla ng bulkan.

Babala rin ng PHIVOLCS ang mga komunidad sa paligid ng Taal Caldera tungkol sa potensyal na pangmatagalang epekto sa kalusugan ng madalas na pagkahantad sa mataas na konsentrasyon ng volcanic SO2.

Ipinagbabawal ng ahensya ang pagpasok sa Taal Volcano Island, permanent danger zone o PDZ, lalo na sa paligid ng Main Crater at Daang Kastila fissure.

Dapat bantayan ng mga lokal na pamahalaan at suriin ang paghahanda ng kanilang mga komunidad at gawin ang angkop na mga hakbang sa pagtugon upang maibsan ang mga panganib.

Dapat ding payuhan ng mga awtoridad sa sibilyan na pagbabayad sa mga piloto na iwasan ang paglipad nang malapit sa bulkan dahil maaaring magdulot ng panganib ang airborne ash at ballistic fragments mula sa biglang pagsabog at ang ash na inilipad ng hangin sa mga eroplano, ayon sa PHIVOLCS.

22/04/2024

PAGASA NAGLABAS NG BABALA: Extreme Danger Heat Index, Posibleng Abutin ang 52ยฐC sa Ilang Lugar

Sa patuloy na epekto ng El Niรฑo at tag-init, naglabas ang PAGASA ng babala sa mga magulang hinggil sa mataas na panganib dulot ng mainit na panahon. Ayon kay Ana Liza Solis ng PAGASA, may posibilidad na abutin ang "extreme danger" heat index na 52 degrees Celsius sa ilang lugar. Ito ay nagdudulot ng malubhang discomfort sa katawan at nagpapataas ng panganib ng heatstroke.

Ang heat index, o kilala rin bilang "feels-like" temperature, ay tumutukoy sa kung ano ang nararamdaman ng katawan ng tao kapag pinagsama ang temperatura ng hangin at relative humidity.

Inaasahan pa ang pagtaas ng temperatura sa mga susunod na linggo, lalo na sa mga hilagang rehiyon, Metro Manila, at coastal areas. Kaya naman mariin ang paalala ng PAGASA na manatiling alerto at sundin ang mga hakbang sa kaligtasan laban sa init tulad ng pag-iwas sa matagal na pananatili sa ilalim ng araw, pag-inom ng maraming tubig, at pagsuot ng tamang damit.

Sa ilalim ng pag-init na ito, maraming lokal na pamahalaan, paaralan, at unibersidad ang nagpasyang itigil ang face-to-face classes o mag-adjust ng kanilang mga paraan ng pagtuturo upang pangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga mag-aaral at g**o. Ayon sa Department of Education (DepEd), may kapangyarihan ang mga ito na magpasya hinggil dito.

Sa kabuuan, mahalaga ang agarang pagkilos at pagtutok sa kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng matinding init. Paalala ng PAGASA, "Iwasan ang labis na pag-expose sa araw, laging maging hydrated, at magsuot ng tamang damit."

20/04/2024

๐ŸŒž PAALALA: Pag-iingat Laban sa Sobrang Init! ๐ŸŒž

Nararanasan natin ngayon ang matinding init! Upang maiwasan ang heat stroke at iba pang panganib, sundan ang mga sumusunod na gabay:

1. ๐Ÿšฐ Uminom ng Maraming Tubig: Panatilihing hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na tubig. Iwasan ang sobrang kape at alak, dahil maaaring makadagdag ito sa dehydration.

2. ๐Ÿ•’ Iwasan ang Matinding Init sa Gitna ng Araw: Hangga't maaari, iwasan ang labas sa mga oras ng pinakamatinding init, lalo na mula 10 AM hanggang 4 PM. Kung kinakailangang lumabas, magsuot ng maluwag na damit at panlaban sa araw.

3. ๐ŸŒณ Magpahinga sa Lilim: Kung kailangang lumabas, maghanap ng lilim tulad ng puno o payong. Iwasan ang diretso na sikat ng araw.

4. ๐Ÿงข Panatilihing Malamig: Panatilihin ang sarili at ang iyong tahanan na malamig sa pamamagitan ng paggamit ng electric fan o air conditioning.

5. ๐Ÿšถโ€โ™‚๏ธ Magpahinga at Magpahinga: Huwag pilitin ang iyong sarili sa pisikal na aktibidad kapag mainit ang panahon. Magpahinga at magpalamig sa loob ng bahay.

6. ๐Ÿก Tulungan ang Kapwa: Alalahanin ang mga kapitbahay, kaibigan, at kamag-anak, lalo na ang mga mas nakatatanda at may mga medikal na kondisyon.

Ingatan ang sarili at ang iba sa panahon ng matinding init. Mag-ingat at maging ligtas palagi

15/04/2024

PAMANTASAN NG CABUYAO: NASISILIP MULI SA KONTROBERSIYA SA SWELDO NG MGA G**O!

Sa isang muling pag-atake ng mga g**o ng Pamantasan ng Cabuyao laban sa pamunuan, mariing itinanggi ng isa sa mga g**o na naibigay na umano ang kanilang mga sweldo, lalo na ang "overload pay" na inaasahang matatanggap na.

Ayon sa mga g**o, hindi biro ang kanilang pinagdadaanan. Anila, hindi sila mga bata na basta-basta naloloko. Bagama't sinabi ng pamantasan na kasama na raw sa kanilang sweldo ang mga dapat nilang matanggap, at personal umano nilang na-validate na hindi pa talaga ito naibibigay na makikita naman sa kanilang mga payslip.

"Ang pag-aasam namin ay simple lang: tamang bayad para sa tamang serbisyo. Hindi namin maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari," pahayag ng isa sa mga g**o na nagpahayag ng kanilang saloobin ngunit humiling ng hindi pakilalang identity.

Isang mabigat na tanong ang ibinato ng mga g**o sa pamunuan ng pamantasan at kay Mayor Hain: Bakit hindi kayang solusyunan ang problemang ito, lalo pa at kayang-kaya naman ng lokal na pamahalaan ang maglaan ng pondo para dito? Sa halip na waldasin sa mga kasiyahan at mga proyektong hindi naman kinakailangan ng mga mamamayan, bakit hindi ito gamitin sa mga pangangailangan ng mga g**o at ng kanilang mga pamilya?

Hiniling ng mga g**o na masusing suriin ng pamunuan ang kanilang mga patakaran at tiyakin na ang mga pangako ay tinutupad. Nananatili silang bukas sa usapang mapayapa, ngunit muling pinaalalahanan ang pamunuan na hindi sila magpapalugmok sa patuloy na pang-aabuso at kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang mga serbisyo.

Manatiling nakatutok sa mga susunod na balita para sa mga pinakabagong pag-update sa kontrobersiyang ito sa Pamantasan ng Cabuyao.

12/04/2024

PREVENTIVE SUSPENSION IPINATAW LABAN KAY GOV. JUBAHIB NG DAVAO DEL NORTE NG 60 ARAW

Bilang sagot sa mga paratang ng pang-aabuso sa kapangyarihan at pang-aapi na inihain ni Board Member Orly Amit, ipinatupad ang preventive suspension laban kay Governor Jubahib. Binigyang-diin ni Chief Justice Lucas Bersamin na layunin ng hakbang na ito na pangalagaan ang integridad ng kaso sa pamamagitan ng pagpigil sa anumang potensyal na impluwensya sa mga saksi at pangangalawang sa ebidensya.

Ang suspensyon, na agarang epektibo, ay naglalayong mapanatili ang walang kinikilingan na pagtugon ng mga proseso at itaguyod ang mga prinsipyo ng katarungan. Sa pamamagitan ng pansamantalang pagtanggal kay Governor Jubahib sa kanyang posisyon, layunin ng mga awtoridad na tiyakin ang isang patas at transparent na imbestigasyon sa mga akusasyon laban sa kanya.

Bukod dito, kinumpirma ni DILG-11 regional director Abdullah Matalam na si Vice Governor De Carlo Uy ang papalit bilang acting governor sa panahon ng 60-araw na panahon ng suspensyon. Ang paglipat ng liderato ay naglalayong mapanatili ang tuloy-tuloy na pamamahala at serbisyo publiko sa gitna ng mga legal na proseso.

Ang desisyon na ipatupad ang preventive suspension ay nagpapakita ng pagtitiwala ng mga awtoridad sa pananagutan at tamang proseso, anuman ang posisyon o impluwensya ng isang tao. Ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapatupad ng katarungan at pagpapanatili ng batas sa ating lipunan.

10/04/2024

ALINGASNGAS NG ESKANDALO: ANG PAG ABUSO SA PONDO NG PAMANTASAN!

Sa gitna ng mga isyu ng problema sa pera ng Pamantasan ng Cabuyao, lalong lumilitaw ang kontrobersiya sa pagbenta ng mga scrap materials at pagbili ng overpriced na gamit ng kasalukuyang pamunuan.

Nabunyag na ibinenta ng pamunuan ng paaralan ang mga scraps at pinaglumaang gamit kahit na marami sa mga ito ay maayos at nasa working condition pa. Ang pagturing sa mga scrap materials at pinaglumaang gamit na maaari pa sanang gamitin ay tila isang malaking sayang. Dahil, napakalaking tulong sana ito sa paaralan kung ito ay maayos na pinamahalaan.

Dagdag pa rito, may mga ulat na nagpapakita na ang mga biniling gamit ay sobrang taas ang presyo kumpara sa kanilang tunay na halaga ay nagpapakita ng kawalan ng transparency at maayos na pamamahala sa pondo ng paaralan. Tila, nagiging gatasan ng mga namumuno ang Pamantasan, kung saan hinuhuthutan ang pondong dapat pinapakinabangan ng mga mag-aaral at mga kawani nito.

Sa gitna ng mga problema sa pera ng Pamantasan, ang ganitong klaseng pangyayari ay lalong nagpapalala sa sitwasyon. Mahalaga na magkaroon ng masusing imbestigasyon at pananagutan ang mga nasa pamunuan upang tiyakin ang integridad at patas na pamamahala sa pondo ng paaralan.

Ang mga isyu tulad nito ay nagpapalakas lamang ng agam-agam sa komunidad at nagpapababa ng tiwala sa mga namumuno. Ito ay hindi lamang simpleng kaso ng kawalang-pasensya, kundi isang pagtatanong sa katapatan at dedikasyon sa mga lider ng Pamantasan.

Kailangan ng malalim na pag-unawa at aksyon mula sa pamunuan upang maayos ang mga suliraning ito. Hindi sapat ang simpleng paliwanag o depensa. Kinakailangan ng konkretong hakbang upang matiyak na ang pondo ng paaralan ay wasto at tama ang paggamit, at ang interes ng komunidad ay laging prayoridad.

Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang pagpapakita ng integridad ng paaralan, kundi pati na rin ang pagpapanatili ng tiwala ng mga mag-aaral at komunidad sa institusyon ng edukasyon. Dapat ay magsilbing hamon ito sa lahat ng namumuno na maging tapat, responsable, at naglilingkod nang tapat para sa kapakanan ng lahat.

06/04/2024

PAMUMUNONG BULOK: PAGPAPALAKAS NG NEPOTISMO AT PAGPAPABAYA SA MGA EMPLEYADO SA PAMANTASAN NG CABUYAO NI PRESIDENTE CHARLEMAGNE LAVIร‘A.

Sa gitna ng mga kontrobersiyang na noon pa umuugong sa Pamantasan ng Cabuyao, lalo lang lumilitaw ngayon ang isyu ng nepotismo at pagpapabaya sa mga g**o ng pamantasan.

Nagpapakita ng kawalang-moralidad ang Presidente ng paaralan na si Charlemagne Laviรฑa, sa pagkuha bilang Executive Assistant ang kanyang sariling asawa at kasama ng marami sa miyembro ng kanilang pamilya. Ang ganitong pagkilos ay nagtataas ng tanong sa integridad at kredibilidad ng liderato ng paaralan.

Hindi lang naman ito ang suliranin ng mga apektadong empleyado sa pamantasan, sapagkat marami sa mga g**o ang nahihirapan ngayon dahil sa hindi tamang pagtrato sa kanilang sweldo at benepisyo. Sa kasalukuyan, marami sa kanila ang hindi pa nakakatanggap ng buong sahod na walang tiyak na petsa kung kailan ba ito maibibigay ng buo ng pamantasan na kanilang kinabibilangan.

Dahil sa ganitong kalagayan, marami sa mga g**o ang nagpapasyang tapusin na lamang ang semester at bumalik sa kanilang dating propesyon kung saan mas tiyak ang kanilang kabuhayan at seguridad ng kanilang pamilya. Ang tanong lang naman na maiiwan ay kung sino ang papalit sa kanila? Paano kung mabawasan na ng g**o ang pamantasan? Sino ang magtuturo sa mga mag-aaral? Kung ngayon nga ay hindi na maibigay ang sweldo ng buo sa existing na mga empleyado, pano pa kaya ang mga papalit dito?

Ang mga isyung ito ay hindi lamang dapat maging paksa ng diskusyon, kundi nagpapakita rin ng kahalagahan ng maayos at patas na pamamahala sa isang institusyon ng edukasyon. Ang Pamantasan ng Cabuyao ay dapat maglingkod sa interes ng edukasyon at hindi sa interes ng iilang piling tao lamang.

Sa harap ng mga hamon sa Pamantasan ng Cabuyao, ang liderato ay hinihikayat na kumilos nang may katarungan at integridad. Ang patuloy na praktis ng nepotismo at pagpapabaya sa mga g**o ay hindi lamang nakakasama sa moralidad ng institusyon kundi nagdudulot din ng kawalan ng tiwala sa pamunuan.

Kailangan nating suriin ang ating mga halaga bilang isang komunidad para sa
edukasyon. Ang karapatan ng mga g**o na makatanggap ng tamang sahod at benepisyo ay hindi dapat balewalain ng siyudad at pamunuan ng pamantasan. Ang kanilang mga pangangailangan ay kailangan ding bigyan ng pansin dahil meron silang mga pamilyang kailangang suportahan.

Bilang mga mamamayang may interes sa edukasyon, nararapat na tayong magtanong: Ano ang dapat na maging tunguhin ng Pamantasan ng Cabuyao? Paano natin matutugunan ang mga pangangailangan ng mga g**o at estudyante? Ano ang dapat na gawin upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng mga ganitong hamon?

Ang kinabukasan ng Pamantasan at ng mga mag-aaral nito ay nakataya sa kakayahan ng pamunuan na tumugon sa mga isyu at hamon na hinaharap natin ngayon. Ang mga desisyon at aksyon na ating isasagawa ay magtatakda kung anong klaseng institusyon ng edukasyon ang nais nating itaguyod para sa ating mga kabataan at para sa kinabukasan ng ating bayan.

Sa panahong ito ng pangangailangan sa masusing pagninilay, dapat nating suriin ang patas na distribusyon ng kapangyarihan at pangangalaga sa mga naglilingkod sa pamantasan. Ang hinaharap ng mga g**o at estudyante ang nakataya sa mga desisyon at aksyon ng pamunuan ng siyudad at pamantasan.

04/04/2024

ESKANDALO SA UNANG SESSION NG BUWAN NG ABRIL SA CABUYAO: PAG LAPASTANGAN SA KARAPATAN NG MAMAYAN!

Nakakabahalang pangyayari ang naganap sa unang sesyon ng buwan ng Abril sa Cabuyao, isang pangyayaring nagdulot ng pangamba at pagkabahala sa mga mamamayan. Matapos ang nasabing sesyon, lumutang ang katotohanang lubhang nakakaalarma sa mga taga-Cabuyao.

Siguradong di mabibilang na magpapahirap at pagpapasanin na idinulot ng inutang na halagang 4 bilyon mula sa Team Denha, na bawat Cabuyeรฑo ay naapektuhan. Ang ganitong kalakihan ng utang ay hindi lamang simpleng bagay na maitatago o malilimutan. Ito ay magiging isang pasanin na magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya at kalagayan ng bawat pamilyang Cabuyeรฑo.

Higit pa riyan, ang pagkakaroon ng mga desisyong pinagdarausan ng labis-labis na pag-apruba sa mga batas ay nagtutulak sa kawalan ng tiwala sa pamahalaan. Ang ganitong uri ng gawaing pagsasabatas na walang karampatang pagsusuri at debate ay nagpapakita ng kawalan ng transperensiya at integridad sa mga nakaupo sa kapangyarihan.

Hindi rin maitatanggi ang nakakabahalang katotohanang ang lahat ng mga konsehal ay waring pawang mga tau-tauhan lamang ng naka-upong Mayor. Ang ganitong uri ng pagkilos ay nagpapahiwatig ng kakulangan ng sariling prinsipyo at dignidad, na dapat sana'y nagsisilbing halimbawa sa kanilang komunidad.

Sa gitna ng lahat ng ito, nagiging kritikal ang panahon para sa bawat Cabuyeรฑo na maging mapanuri at kritikal sa mga nangyayari sa kanilang bayan. Ang ganitong uri ng katiwalian at kawalang-katarungan ay hindi dapat balewalain. Ito na ang tamang panahon para tayo mismo ang humakbang at magsalita para sa kabutihan at integridad ng ating bayan.

Sa gitna ng lahat ng ito, mahalaga ang pagkilos ng bawat isa upang igiit ang katarungan at tamang paglilingkod sa ating bayan. Hindi tayo dapat maging bulag sa mga pangyayaring nagpapakita ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Ang pangyayaring ito ay hindi lamang tungkol sa pera o sa mga batas na aprubado sa isang sesyon. Ito ay nagpapakita ng kalidad ng ating pamamahala at ang direksyon ng ating bayan. Kung ang ating mga pinuno ay hindi kayang panindigan ang kanilang sariling prinsipyo at dignidad, paano pa natin masisig**o na ang kanilang mga desisyon ay para sa kabutihan ng nakararami?

Nararapat na magsalita at kumilos tayo upang igiit ang tunay na katarungan at panagutin ang mga dapat managot sa kanilang mga pagkukulang. Tayo ang tunay na bantay ng ating bayan, at ang boses ng pagbabago. Hindi tayo dapat matakot o manahimik sa harap ng mga katiwalian at pang-aabuso. Sa sama-sama nating pagkilos, maaari nating baguhin ang takbo ng ating komunidad tungo sa isang mas maayos at makatarungan na kinabukasan para sa lahat ng mga Cabuyeรฑo.

ใ‚šviralใ‚ท

Videos (show all)

๐‚๐จ๐ง๐ญ๐š๐ข๐ง๐ž๐ซ ๐’๐ก๐ข๐ฉ, ๐๐š๐ฉ๐š๐›๐š๐ ๐ฌ๐š๐ค ๐š๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐ญ๐ข๐ฆ๐จ๐ซ๐žSa isang nakakagulat na pangyayari, isang malaking cargo ship ang nagin...

Telephone

Website