GCC Tanglaw

GCC Tanglaw

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GCC Tanglaw, Youth Organization, RDS Building, Felix Avenue cor. Sta. Lucia Drive Cainta Rizal, Cainta.

Photos from GCC Tanglaw's post 12/10/2024

Kayo'y tunay na kahanga-hanga sa kabila ng inyong pagsubok sa unang kwarter ng inyong pag aaral, hindi kayo sumuko. Ang inyong pag pupuyat, pag sisikap at kasipagan nag bunga ng tagumpay.
nawa'y patuloy kayong umunlad at ibahagi ang kaalaman at kasanayan sa lahat. ๐ŸŽ–๏ธโœจ

MULI, ISANG MAINIT NA PAG BATI!!!๐Ÿ‘๐Ÿป

HINDI DITO NAGTATAPOS ANG PAGTAKBO, SIMULA PA LAMANG NG ATING PAG BUO. ๐Ÿ“šโœจ

LABIS AKONG NAGAGALAK SA NATANGGAP NYONG KARANGALAN, MGA KA-TANGLAW! ๐Ÿซ‚

Photos from GCC Tanglaw's post 04/10/2024

Ito na ang huling bahagi ng mga pitik na nakuha ng mga maniniyot sa Tanglaw!๐Ÿ“ธ

Isang buong araw ng kasiyahan at tawanan ang naitala sa bawat kuha ng larawan. Ang mga sandaling ito ay hindi malilimutan. Sama-sama tayo sa mga alaala at saya na nabuo sa matagumpay na selebrasyog ito. Ang bawat litrato ay sumisimbulo ng panibagong kwento na nabuo. Sa susunod ulit mga Ka-Tanglaw!โœจ

Photos from GCC Tanglaw's post 04/10/2024

๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐—ฐ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป!๐Ÿ“ธ

Ang gaganda ng mga ngiti!๐ŸคŽโœจ Ito na ang Ikatlong bahagi ng kuha ng mga maniniyot sa Tanglaw! Maaari niyo nang i-save ang mga litrato kung kayo ay kabilang sa mga ito. Kami ay nagagalak na kayo ay nasiyahan at inyong tinangkilik ang aming photobooth.

Photos from GCC Tanglaw's post 04/10/2024

1...2...3... SMILE!๐Ÿ“ธ
Isa isa lang mga ka-tanglaw! Ito na i po-post na namin!

Narito na ang panglawang bahagi ng pinakahinihintay ninyong mga litrato na kuha ng mga maniniyot sa loob ng Tanglaw! Abangan ang iba pang mga litrato na aming i po-post!๐Ÿ“ธ

Photos from GCC Tanglaw's post 04/10/2024

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ž๐—ฎ-๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜„!

Oo na ito na, huwag na magalit ๐Ÿ˜” wag na kami i-spam ng message ๐Ÿ˜ ito na po-post na namin ๐Ÿ˜Š ito na ang unang bahagi ng mga litrato na kuha ng mga maniniyot sa loob ng Tanglaw!๐Ÿ“ธ

Photos from GCC Tanglaw's post 04/10/2024

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ž๐—ฎ-๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜„!

Naaliw ka ba? Aba dapat lang!๐Ÿ˜ Naubusan kami ng energy, pero hindi ng saya!๐ŸŽ‰

Sa pagtatapos ng GCC CLUB FAIR nitong Oktubre 3, 2024, nag-iwan ang okasyong ito ng isang kamangha-manghang karanasan at mga masasayang ala-alang tiyak na tatatak sa puso't isipan ng bawa't isa. โœจNapakasaya naming makita ang inyong sigla at mga ngiti na nagmumula sa inyong mga labi, habang kayo ay nakikilahok sa bawa't aktibidad na inihanda ng Tanglaw Club. Ang mga larawang ito ang tanda ng isang hindi malilimutang sandalingโ€”maikli man ngunit nag u-umapaw naman sa saya!๐Ÿฅฐ

Mula sa aming mga puso, ang organisasyon ng Tanglaw ay taos pusong nagpapasalamat sa bawa't isa na nagbigay ng suporta at sumamang naki-saya sa amin! Isa nanamang bagong kuwento at bagong koneksiyon ang nabuo sa tagumpay na pagtatapos ng club fair 2024! ๐ŸŽ‰Nawa'y nahanap nin'yo ang organisasyon na magiging daan upang mas mahubog pa ang inyong mga talento. Muli, isang pagbati sa matagumpay na pagwawakas ng club fair, Mabuhay Gardner pips๐ŸคŽโœจ

Photos from GCC Tanglaw's post 03/10/2024

Handa na kayo Ka-Tanglaw? Kasi kami handa ng serbisyuhan kayo ngayong araw! Kita kits sa room 304 para masaksihan ang aming mga hinandang palaro na sinisigurado naming mag sasaya kayo ngayong araw!

01/10/2024

EXCITED NA KAMING MAKITA KAYO KA-TANGLAW!!๐ŸคŽโœจ

GCC Club Fair 2024 | Oct. 04, 2024

Kilalanin ang Tanglaw!

Ipagdiwang ang kagandahan at yaman ng kulturang Pilipino kasama ang Tanglaw Club! Kung mahal mo ang mga tradisyon, wika, at pamana ng Pilipinas, dito ka nababagay. Magsama-sama tayo upang isulong at pangalagaan ang makulay nating kultura sa darating na Club Fair 2024! Sama-sama tayo sa pagliyab ng diwang Pilipino! โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

28/09/2024

Handa ka na ba para sa isang kapana-panabik na karnaval na puno ng saya at kaalaman? kaya't ano pang hinihintay n'yo?๐Ÿ˜ถ

Tara na sa Club Fair 24-25!๐ŸŽ‰ Saya ang hatid, maglaro ng mga nakakatuwang laro, sumali sa mga aktibidad, at matuto ng bagong bagay mula sa iba't-ibang clubs๐Ÿคฉ Huwag palampasin ang pagkakataong ito para magkaroon ng mga bagong kaibigan!๐ŸŽ‰

See you Ka-Tanglaw!!๐ŸคŽโœจ

06/08/2024

Mabuhay Madlang Gardner!

Ngayong Agosto, sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang โ€œFilipino: Wikang Mapagpalaya.โ€

Ang Buwan ng Wika ay isang taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ito ay pinalawig na pagdaraos ng Linggo ng Wika na pinalaganap noong Enero 15, 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, sama-sama nating ibunyag ang Wikang Mapagpalaya na nag-uugnay sa ating lahat.

Ang Wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon; ito ay simbolo ng ating pagkatao at Ipinapaalala sa atin ang kapangyarihan ng ating Wika na magbigay-laya sa ating mga isipan at puso. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino, ating naipapahayag ang ating mga damdamin, alaala, at mga pangarap. Naging malaki ang parte nito sa ating lipunan upang tayo'y magkaroon ng pagkakaisa at pag kakaunawaan. Ipagsigawan natin ang halaga ng Wikang Filipino at Wikang Mapagpalaya, ang ating tulay sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Magsama-sama tayo upang ipagdiwang ang ating Wika. Mabuhay!

๐Ÿ–ผ๏ธ: Liesli Binayug
๐Ÿ–Š๏ธ: Hannah Daniella Gonzaga | Mhyco Remigio

Photos from GCC Tanglaw's post 04/06/2024

Nais naming magpasalamat sa inyong serbisyo at mga sakripisyo bago ninyo tahakin ang bagong yugto ng inyong mga buhay. Hindi madali ang pagiging student leader, pero ito kayo at natapos ang isang taong puno ng saya sa pag seserbisyo. Alam nating kinulang ng panahon para mas mabigay ang maayos na serbisyo sa ating kapwa mag-aaral, ngunit sinigurado ninyong kayo ang tanglaw na magbibigay kaliwanagan sa mga kapwa mag-aaral. Lagi ninyong tandaan na ang inyong dedikasyon at kakayahan ay lubos na pinapasalamatan ng bawat isa sa Garder College- Cainta. Ang inyong serbisyo para sa kapwa estudyante ninyo ay hindi natatapos sa inyong termino. Bagamat ito ay isang magandang simula para sa nag-iintay na mas mabigat na responsibilidad.

Para sa mga miyembro ng ating organisasyon, gusto kong iparating ang aking pasasalamat sa inyong dedikasyon at suporta. Sa pagbubukas ng bagong yugto sa inyong buhayโ€”ito ay magbibigay ng mga oportunidad upang hubugin ang inyong karakter, lagi ninyong dalhin at wag kalilimutan ang mga aral na inyong natutunan dito sa organisasyon.

Muli, maraming salamat sa isang taong pag serbisyo, hanggang sa muli!๐ŸคŽโœจ


'24

Photos from GCC Tanglaw's post 24/02/2024

Narito ang mga litrato na nakuhanan noong Pebrero 13-14, 2024 sa ating 'niyutan'. Bakas ang ngiti sa mga estudyante ng GCC, habang nakikilahok sa ating aktibidad.

Photos from GCC Tanglaw's post 12/02/2024

MABUHAYYYYY GARDNER! Handa na ba kayong makita si "THE ONE" or isa kayo sa ghinost at iniwan? Ouch! Masakit yan damang-dama hanggang esophagus!๐Ÿ™

Ngayong pebrero hinding-hindi mag papahuli ang Tanglaw kaya naman sa simpleng aktibidad namin sisiguraduhin naming sasaya ang valentine's mo. Kaya huwag kalimutang puntahan ang aming booth para sa serbisyo naming tapat.๐Ÿซก

It's time of the month when love can be felt in the air. Love letter ba kamo? O baka naman goodbye letter?๐Ÿคท Kaya hinahandog namin ang CUPID DELIVER para sa mga taong torpe! Kaya sa murang halaga at mga karagdagang regalo para sa iyong minamahal maisusulat mo na ang mala MMK mong mensahe para kay crush, kaya ano pa get your paper and write it for your loved one.๐Ÿ’Œ

Let's share the days we spent together ika nga nila kaya i send na sa aming page ang memorable moments with your bf/gf, friend's, teacher, etc. Libreng-libre iyang maibabahagi sa amin. Pwede rin ito lagyan ng short caption na may 70 words.๐Ÿคณ

Let's capture the moment kaya andito na kami para maging daan na magkaroon ka ng February dump with him/her. Kaya ano pa grab the opportunity, minsan lang to!๐Ÿ“ธ

Wala pang regalo kay honeybunchsugarplum pampiyampiyam? Hala kaaaa! But don't worry we gotchu! May mga binebenta po kaming handcrafted crochet๐Ÿงถ. Kaya kung nais mong umorder hanapin lang si "Pauline Esteban" may provided broucher po kami sa table namin, mag tanong lang po kayo sa taong nag babantay roon. Get your fantasy gift for your loved ones!๐Ÿ’

KITA KITS MADLANG GARDNER!!

Photos from GCC Tanglaw's post 07/01/2024

๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™Š๐™‰๐™‚ S๐™„๐™ˆ๐™๐™‡๐˜ผ, ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‚!!๐Ÿ“œโœจ

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐ ๐ฅ๐š๐ฐ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐’.๐˜. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’!๐Ÿ“

Kasama ng pagpasok ng bagong taon ay ang pagsapit ng bagong yugto ng pamumuno sa organisasyong Tanglaw. Inihahandog ang mga bagong opisyal na mamumuno sa pagbibigay ng kaalaman, inspirasyon, at magsisilbing sandigan ng bawat mag-aaral ng Gardner College-Cainta.

Sa kanilang pagkahalal sa mga pwesto, ipinapahayag nila ang tapang at dedikasyon sa pagdadala ng mga pagbabago at tagumpay sa samahan. Ipapakita ang kanilang angking talento at galing sa madla.

"๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด." - President Manuel Roxas

Nawa'y magsilbi ang pagsipi na ito para sa mga bagong hinirang na opisyal at para sa kooperasyon ng organisasyong ito.

Muli, isang mainit na pagbati para sa mga nahirang na bagong opesyales ng Tanglaw. Ipagpatuloy niyo ang nasimulang gawaing ng organisasyon at pagyamanin sa mabubuting mga gawi. Nawa'y maging huwaran at inspirasyon kayo sa bawat mag-aaral ng Gardner College- Cainta. PADAYON!!!โœŠ๐Ÿ‘

__________
โœ๐Ÿป: Pauline Esteban, Hanna Daniella, Mhyco Remigio
๐ŸŽจ: Emark Valenzuela & Mark Justin Quinito

02/01/2024

Sa araw na ito, nais naming iparating ang aming pinakamarubdob na pagbati sa iyo. Maligayang kaarawan, Khier! Sana'y maging masaya at makulay ang araw na ito para sa iyo. Ang araw na ito ay isang espesyal na pagkakataon para iparating ang aming pasasalamat sa iyo para sa iyong dedikasyon at ambag sa mga gawain ng ating organisasyon.

Nawa'y patuloy kang pagpalain ng maraming biyaya at tagumpay sa iyong buhay. Patuloy mo sana kaming samahan sa pagtataguyod ng mga hangarin at adhikain ng ating organisasyon.

Maligayang kaarawan ulit! Nawa'y maging masaya ka sa araw na ito at patuloy na maging mahalaga na bahagi ng aming samahan.

31/12/2023

Isang buong taon tayong magkakasama sa mga iba't ibang mga kaganapan. Nagbigay ang taon na ito ng matinding plot twist sa ating buhay na hinding-hindi natin malilimutan. Nagkaroon rin tayo ng pagkakataon ngayong taon na palaguin ang ating sarili upang mas maging mabuting tao. Gamitin natin ang mga karanasang iyon para pasiglahin ang ating paglago at tagumpay ngayong taon.

Nawa'y sa pagpasok ng bagong taon o bagong yugto sa ating buhay, ay magkaroon ng masaya at masaganang pamumuhay sa atin at magkaroon pa ng maraming malupitang plot twist sa ating buhay. Sabay-sabay nating salubungin ang bagong taon ng may saya at ngiti sa ating labi.

Muli, Maligaya at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!!!๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰

24/12/2023

"Ang liwanag na ito, nasa ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas" ๐ŸŽถ

Habang ipinagdiriwang natin ang mahika ng Pasko, nais naming maglaan ng ilang sandali upang ipahayag ang aming pinakamainit na pagbati at pagpapahalaga sa bawat isa sa inyo.

Nawa'y ang kapaskuhan ay magdala ng kagalakan, kapayapaan, at kaligayahan sa inyong buhay, at nawa'y ang inyong mga araw ay mapuno ng tawanan at pagmamahal. Nasasabik kaming patuloy na maglingkod sa iyo at umaasa sa isa pang taon ng pagtutulungan, tagumpay, at pakikipagkaibigan.

Binabati namin kayo at ang inyong mga mahal sa buhay ng isang magandang kapaskuhan. Nawa'y mapuno ng init, saya, at hindi malilimutang alaala ang iyong mga pagdiriwang.

Muli, isang maligayang pasko mula sa Tanglaw!โ˜ƒ๏ธ๐ŸŽ‰

11/12/2023

Binabati ka namin ng maligayang kaarawan Gelsey!! Tunay kang tagapag-bigay saya sa buong organisasyon, ang iyong ngiti at ganda ang nagbibigay liwanag sa buong organisasyon. Hinihiling namin na ikaw ay maging masaya ngayong kaarawan mo at matupad ang iyong mga pangarap na matagal mo nang minimithi.

Ipagpatuloy mo pa ang mga nasimulan muna. Lagi mong tandaan na buong pusong sumusuporta ang organisasyon na ito sa paglalakbay mo. Nawa'y ika'y nasiyahan ngayong araw sa paggunita ng iyong kaarawan.

Muli, mula sa buong organisasyon ng Tanglaw binabati ka namin ng maligayang kaarawan. ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚

08/12/2023

Mainit na pagbati sa kaarawan ng isa sa pinaka mapagkakatiwalaan at masipag na miyembro ng Tanglaw. Maligayang Kaarawan Maria Sofia!!

Hanga kami sa iyong sakripisyo magampanan lamang ang iyong papel para sa organisasyon, lubos naming pinahahalagahan ang lahat ng iyong ginagawa para sa ating samahan.

Hiling namin ang kasiyahan at maayos na kalusugan para sa iyo gayun din sa nais mong tahakin.

Muli, maligayang kaarawan Maria Sofia!๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚

08/12/2023

"Ang mga balakid ay hindi hadlang kung susubukan mong lampasan. Kung makakatagpo ka ng pader, huwag kang susuko at bibitaw kaagad. Hanapin kung paano ito aakyatin, tatahakin, o lalampasan." - Michael jordan

Higit pa sa isang pagbati, Gng. Carthy Mar Cunanan, sa iyong matagumpay na pagsusulit sa LPT! ๐ŸŽ‰ Nagbunga ang iyong masigasig na pag-sisikap, mga oras na iyong inalay, at pati na rin ang iyong dugo at pawis para marating ang yugto ng tagumpay na ito. Isa kang inspirasyon bilang punong tagapayo ng organisasyong ito.

Muli, ipinaaabot namin ang aming galang at pagbati sa iyong tagumpay, Gng. Carthy Mar Cunanan! ๐Ÿ† Ibinabandera namin ang iyong tagumpay, na siyang tagumpay din ng buong organisasyon!๐ŸคŽ๐ŸคŽ

Photos from Supreme Student Council - Gardner College Cainta's post 01/12/2023

Abangan ang talaga namang pinaghandaan ng GCC Tanglaw!๐ŸคŽ๐ŸคŽ

15/11/2023

Magandang araw at maligayang kaarawan sa aming ka-tagapagnugot Ginoong Mark Justin Quinito

Binabati ka namin sa iyong kaarawan at gayon din kami ay lubos na nagpapasalamat sa iyong tiyaga at kooperasyon sa mga nakaraang aktibidad ng tanglaw lalong lalo na sa pagdalo sa mga pulong ng walang alinlangan at pagsusumikap sa paggawa ng mga editoryal na gawain. Lubos ang aming pasasalamat sa iyo at sa iyong mga natatanging editoryal na gawa. Nawa'y gabayan ka ng diyos sa iyong kasalukuyang mga layunin sa organisasyong ito.

Muli buong galang ka naming binabati sa espesyal na araw na ito. Tunay na kahanga-hanga ang iyong dedikasyon at kooperasyon sa mga aktibidad ng Tanglaw. Sa iyong walang alinlangang pakikilahok, pagbibigay halaga sa mga pulong, at masigasig na pagsusumikap sa pag-editoryal, naipakita mong karapat-dapat ka bilang ka-tagapagnugot ng Tanglaw. Kaming nagpapasalamat sa iyong mga nagawa para sa organisasyong ito

Sa araw na ito, nais naming maging bahagi ng iyong kasiyahan. Maligayang kaarawan, Ginoong Quinito! Ang pagsuko ang pinakamatindi nating kahinaan. Ang pinakatiyak na paraan upang magtagumpay ay sumubok nang isa pang beses - Thomas A. Edison.

Nawa'y ang mabuting pagsipi na ito ay maging inspirasyon sa iyo ngayong espesyal na araw, at patuloy kang magtagumpay sa bawat hakbang ng iyong buhay.

14/11/2023

Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan sa aming pangulo, Bb. Pauline Esteban!!

Kami'y lubos na nagpapasalamat sa iyong serbisyo at mga nagawa sa ating organisasyon. Naghatid ka ng saya at sigla sa organisasyon na ikinatuwa ng lahat at kami'y nagpapasalamat ng taos puso sa iyong mga nagawa para organisasyon.

Isa ka sa magandang kahulugan ng magaling na pinuno.
Naging inspirasyon ka sa lahat ng miyembro ng organisasyon na walang imposible at kaya nating gawin ang lahat. Saksi ang bawat miyembro ng organisasyon kung paano ka naging magaling na pinuno at magbigay ng ideya na tiyak na nagbigay ganda at kulay sa organisasyon.

Ang iyong dedikasyon at galing sa pagiging pinuno ang nagiging iyong lakas upang magpatuloy sa hamon ng buhay. Kami'y nagpapasalamat dahil sa iyong mga sakripisyong nagawa sa organisasyong ito at sinisigurado mo na maayos ang tingin at ang reputasyon ng Tanglaw kung kaya't kami ay taos pusong nagpapasalamat sa iyong mga nagawa dito. Inalay mo ang iyong dugo, pawis, at luha upang matiyak ang kaayusan at kagandahan sa bawat aktibidad na ating ginagawa.

Hinihiling namin ang malusog na pangangatawan at matupad ang iyong mga pangarap na matagal mo nang minimithi. Inaasam namin ang iyong kasiyahan ngayong araw at ipagpatuloy mo ang pagiging inspirasyon at pagdadala ng saya sa lahat ng miyembro ng organisasyon. Muli, binabati ka namin ng maligayang kaarawan.

20/10/2023

Kami ay labis na nagagalak na inyong natagpuan ang pinto ng aming organisasyon. Dito, kami'y nagsasama-sama upang ipagdiwang, ipahayag, at palaganapin ang kultura at tradisyon ng Pilipinas. Ito ang daan kung saan ang pagkakaisa at pagmamahal para sa ating lahi ay itinataguyod at itinataglay sa bawat aktibidad at proyekto. Ang pagiging miyembro ay hindi lamang pagiging bahagi ng isang samahan, ito'y pagiging bahagi ng isang pamilya na nagmamahalan at nagtutulungan. Sa mga nais sumali sa aming organisasyon mangyaring gawin ang mga sumusunod na hakbang upang maging ganap na miyembro ng aming organisasyon.

Mga hakbang para maging opisyal na miyembro ng Tanglaw:

Una: Rehistrasyon
- Ang organisasyon ng Tanglaw ay bukas na tatanggap ng mga bagong miyembro.
Pindutin lang ang link na ito at sagutan ang mga hinhinging impormasyon. Makatitiyak kayong ligtas at konpidensyal ang inyong impormasyon para sa pagsunod sa Data Privacy Act.

https://docs.google.com/forms/d/1fq4mFI_0oCynV0joL7S8inC6GdFm2pBIlpFlHWeRePo/viewform?edit_requested=true

Pangalawa: Pagtanggap ng mensahe sa aming Pangulo
- Makakatanggap ang mga mag-aaral na nag rehistro ng mensahe mula sa aming Pangulo kung sila ay nakapasa sa rehistrasyon.

Pangatlo: Sagutan ang Bylaws
- Ang ating Student Council Affairs (OSA) ay nagbigay ng soft copy ng Bylaws na kailangan sagutan ng mga bawat miyembro ng iba't ibang organisasyon sa ating campus upang maging tiyak na magiging responsable ang bawat miyembro.

๐Ÿ“Œ Bagong miyembro (New): 20 pesos
๐Ÿ“Œ Dating miyembro (Renewal): 10 pesos

Isang mainit na pagtanggap ang nag-aantay sa inyo. Sumama na at maging bahagi ng aming masayang samahan.๐Ÿซฐ๐Ÿซฐ

Photos from GCC Tanglaw's post 17/10/2023

Sipag at Tiyaga, iyan ang isa sa mga naging puhunan ng mga miyembro ng organisasyon ng Tanglaw upang makagawa ng isang napakagandang booth at makaisip ng mga aktibidad na siguradong masisiyahan ang mga estudyante ng Gardner College-Cainta sa nakaraang Club Fair. Sa bawat oras at panahon na ginugol ng aming organisasyon naging sulit ito dahil kitang-kita ang ngiti sa mga estudyanteng bumisita sa aming booth.

Unang una sa nais naming pasalamatan ay si G. Carthy Cruz ang aming club adviser na gumabay sa aming pagpa-plano, hindi mo man nasaksihan ng personal ang aming mga hinanda ngunit alam naming proud ka sa amin dahil kinaya namin ito. Ikalawa sa gustong naming pasalamatan ay sina Bb. Pauline Esteban at Bb. Princess Orozco ang Pangulo at Bise Pangulo ng Tanglaw na silang nanguna sa pagpa-plano ng mga pakulong aming ihinanda sa inyong lahat. Sobrang laki ng aming pasasalamat sa tatlong kababaihang ito na gumabay, namuno, tumulong, at nag-isip upang maging matagumpay ang isa sa di malilimutang araw para sa lahat ng mga mag-aaral ng Gardner College-Cainta.

Panghuli at hindi dapat kalimutang pasalamatan ay ang mga miyembro ng Tanglaw na tumulong, nakipag tulungan upang maging matagumpay ang Club Fair. Hindi magiging posible ang lahat ng ito kung hindi dahil sa inyong kooperasyon kung kaya lubos naming pinahahalagahan ang inyong sakripisyo at tulong. Lahat ng pagod at pawis na inalay ninyo ay sulit na sulit, sama-sama nating binuo ang mga magagandang bagay at gagawa pa tayo ng maraming magagandang alaala. Kita man sa mga mukha ang pagod ngunit nagagawa pa rin nating ngumiti dahil magkakasama tayong nagtutulungan.

Muli maraming salamat Tanglaw!๐Ÿฅฐ๐Ÿซฐ

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Cainta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

RDS Building, Felix Avenue Cor. Sta. Lucia Drive Cainta Rizal
Cainta
1900

Opening Hours

Monday 6am - 5pm
Tuesday 6am - 5pm
Wednesday 6am - 5pm
Thursday 6am - 5pm
Friday 6am - 5pm
Other Youth Organizations in Cainta (show all)
Bagong Silang Youth Council Bagong Silang Youth Council
Bagong Silang, West Floodway, Brgy. San Andres
Cainta, 1900

Bagong Silang Youth Council (BSYC) is a non-government youth organization in Brgy.San Andres Cainta Rizal

Senior Scouts of Fransisco P. Felix MNHS - JICA Annex Senior Scouts of Fransisco P. Felix MNHS - JICA Annex
Cainta Rizal
Cainta

Senior Scouts of Francisco P. Felix MNHS, JICA Annexโšœ๏ธ

URSC Volunteers URSC Volunteers
Cainta

Volunteers Organization promotes camaraderie & social awareness, uphold good relationship with others

Cainta Youth Movement Cainta Youth Movement
Blk 4 Lot 2 Kabisig Street
Cainta, 1900

KABATAANG KABISIG HANDANG TUMULONG AT MAG LINGKOD SA AMING NASASAKUPAN ๐Ÿ’™๐Ÿค™

TAG LIFE PH TAG LIFE PH
Gate 1, Karangalan Drive Corner, Felix Avenue
Cainta, 1900

TAG (The Anointed Generation) is the youth ministry of STNO full gospel church located in Cainta ๐Ÿคโœ๏ธ

KNYC 2022 "Gruar Chapter" KNYC 2022 "Gruar Chapter"
4th Street Gruar Phase 1 Barangay Sto. Domingo
Cainta, 1900

Hahahahahahahahah

LUTAW Project LUTAW Project
Eastville Subdivision
Cainta

Student Disaster Awareness Group

Kuya Aaron Kuya Aaron
San Isidro Balanti Cainta, Rizal
Cainta, 1900

Steal Kicks, all Pairs are Legit! ๐Ÿ’ฏ

Council of Student Organizations - STI College Ortigas-Cainta Council of Student Organizations - STI College Ortigas-Cainta
STI Academic Center Ortigas-Cainta, Ortigas Avenue Extension
Cainta, 1900

Council of Student Organizations (CSO) is a recognized student body that helps provide an environment

Life House Ministry Life House Ministry
Cainta

A youth organization under Jesus Christ's Church in the Valley (JCCV). Mission and Vision: -Building Life Groups -Empowering Life Coaches -Sharing Lives Together Branches: -Sund...

FEU Roosevelt Cainta: GLEE Club FEU Roosevelt Cainta: GLEE Club
Cainta

Official page of FEU Roosevelt Cainta's GLEE Club

K-Vlogkada K-Vlogkada
Youngstown Village
Cainta, 1900

We are a group of young professionals seeking for other source of income to help our church build ou