GO PUNTA

Private page whose goal is to express thoughts, opinions, and suggestions for a better community

Photos from GO PUNTA's post 12/03/2023

🩸 IS LIFE, DONATE BLOOD!
Ang masayang pagsalubong ng SANGGUNIANG BARANGAY sa pangunguna ni kapitan JAPOK CARANDANG at kapitana VICKY CARANDANG sa bagong chairwoman ng Philippine Red Cross Laguna Chapter, Mayora SUSAN RIZAL.
Nabanggit sa kanyang pagbisita ang kahalagahan ng BLOOD LETTING dahil sa nagkakaroon tayo ng kakapusan sa dugo sa kasalukuyan dulot ng maraming kadahilanan.

UNA na ang pandemya, sa loob ng tatlong taon ay lubhang naapektuhan ang maayos na pagsasagawa ng mga blood donations dahilan upang dumaan tayo sa malubhang krisis sa dugo dahil sa kawalan ng mga blood donors.

PANGALAWA ang lifestyle. Pagkatapos ng pandemya ay balik na sa normal ang buhay ng mga tao at hindi maiiwasan ang kabi-kabilang kainan. Nakakalimutan na, hanggang sa tuluyan na mawala ang healthy living dahilan upang ang mga dating blood donors ay hindi na makakapagbigay ng dugo dahil sa hindi na magandang kundisyon ng kalusugan, marami na ang may MAINTENANCE na iniinom kaya hindi na angkop na maging blood donor.

PANGATLO ang fashion. Dahil sa makabago at modernong panahon, karamihan sa mga kabataan na nasa tamang edad at may kakayang magbigay ng dugo, professionals at maging mga ordinaryong mamamayan na dapat sana ay magiging target ng blood letting ay hindi na rin mapapahintulutan dahil sa TATTOO sa katawan.

Nakakalungkot isipin pero totoong nangyayari. Marami na ang nakakaranas ng krisis sa dugo, masakit makita na ang mahal mo sa buhay ay naghihintay sa patak ng dugo upang madugtungan ang buhay pero wala kang magawa dahil kahit ikaw sa sarili mo ay walang kakayahan.
Sana hindi pa huli ang lahat. Sana ay ibalik natin ang malusog na pamumuhay upang makatulong tayo na muling mapalakas ng kampanya ng RED CROSS na makapagbigay ng dugo at makasagip ng maraming buhay. Hindi natin alam, baka bukas ay tayo naman ang mangangailangan.
Sa mga natitira pang may malusog na pangangatawan tumulong po sana tayo. DONATE BLOOD AND SAVE LIVES.

Photos from GO PUNTA's post 09/03/2023

DUCK….COVER….HOLD!

Isinagawa ngayong hapon March 9, 2023 @2:00 pm ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa loob at labas ng Barangay Punta Covered court kasama ang mga kawani ng barangay at mga estudyante ng Punta Integrated School. Ang Earthquake drill ay pinangunahan ng mga BQRT’s sa pamumuno ni konsehal Beloy Ofren

07/03/2023

NAHIHIRAPAN KA BA MANINGIL NG UTANG? ALAM MO BA NA HINDI MO KAILNGAN NG ABOGADO PARA MAKASINGIL? ALAMIN MO LANG ANG TAMANG PROSESO SA PANININGIL.

Una, DEMAND LETTER

Magpadala ka ng demand letter o sulat na nagsasaad na ikaw ay naniningil. Ang sabi ng batas, dapat may demand para magkaroon ng delay. Kapag may delay, pwede ka na maghain ng reklamo. Maliban kung nakalagay sa inyong usapan o kontrata na due and demandable na ang utang ng hindi kailangan ng demand.

Iniisip niyo siguro na kailangan ng abogado para makagawa ng demand letter no? HINDI kailangan. Ikaw na mismo ang gumawa ng demand letter. Pero ano naman ang nilalaman ng demand letter? Kailngan lang na ikaw ay maningil, lagyan mo ng halaga at deadline, mga tatlo hanggang limang araw pagkatanggap ng sulat. Oo nga pala, pwede ka lang humingi ng interest kung ito ay nakasulat sa kontrata.

May mga nagtatanong din, pwede ba magdemand ng verbally, o sa salita lamang? Oo naman, pwede, siguraduhin mo lang na may witness ka at maihaharap mo sa korte o opisina na didinig ng kaso, kung iyan ay aabot pa sa ganoon. Eh kung narinig ng kapitbahay mo na ikaw ay nag demand, pwede ba siya ang witness o testigo mo? Yes, pwede, as long as siya ay maihaharap mo sa husgado o opisina na pinag rereklamuhan mo.

Pangalawa, BARANGAY

Kapag hindi tinugunan ang iyong demand o paniningil, dedepende ang daloy ng kaso sa kung kayo ay nakatira o residente ng parehas na bayan (City or Municipality) o hindi.

Simulan natin kung kayo ay nakatira o residente ng magkaiba ng bayan. Ipunin mo na lahat ng dokumento mo at dalhin sa korte. Sabi ng batas hindi niyo na kailangan dumaan sa barangay.

Kung kayo naman ay nakatira o residente na nasa parehas na bayan (city or municipality), magpunta ka muna sa barangay kung saan residente ang sinisingil at mag hain ng complaint para ipatawag ang sinisingil mo. Bawal ang abogado sa mga hearing sa barangay, maliban nalang kung abogado ang nagreklamo o inireklamo.

Kung mag karoon kayo ng kasunduan, good. Kung hindi pa din nagbabayad pagkatapos ng tatlong hearing, bibigyan ka ng barangay ng Certificate to File Action, ito ay isang dokumento na kinakailngan isama sa inyong reklamo sa hukuman or korte. Ito ay isang katibayan na pwede na magsampa ng kaukulang aksyon sa korte, o sa kaukulang tanggapan ng gobyerno.

Pangatlo, KORTE

Sa korte na tayo. Depende kung ang kabuuang utang ay hindi lalagpas ng Isang Milyong Piso (Php 1,000,000.00) o lalagpas.

Kung hindi naman lalagpas ng isang milyon, swerte ka dahil napakabilis lang ng proseso. Hindi mo pa kailangan ng abogado. Ikaw na mismo ang haharap sa judge.

Pumunta ka lamang sa Municipal, Metropolitan, Municipal Trial Court in Cities, o ang tinatawag na MTC or MTCC kung saan ka residente o kung saan residente ang may utang sayo. Sabihin niyo na kayo ay magfifile ng SMALL CLAIMS na kaso at kumuha ng small claims form.

Mababait ang mga korte, tumutulong sila kung papaano niyo sasagutan ang small claims form. Pagkatapos niyo sagutan, lagdaan, pa notaryuhan niyo at magbayad ng docket fee. Huwag po kayo mag alala, maliit lang naman po ang docket fee. Siguraduhin niyo lang din na kompleto ang mga dokumento niyo o mga testigo niyo.

Oo ng apala, hindi na ito magtatagal katulad ng ordinaryong kaso kasi hindi ito appealable. Ibig sabihin, kung makita ng judge na may utang nga ang kabilang partido o ang inihabla, base sa mga testimonya at ebidensya na iyong iprinisenta, uutusan agad magbayad ang kinasuhan.

Kung ito naman ay lagpas sa isang milyong piso, hindi na papasok sa small claim case o sa small claims court. Sa ganitong kaso, kailangan mo na kumuha ng abogado dito.

Pagkatapos niyo maifile and complaint at makabayad ng docket fees, padadalahan na ng summons ang inireklamo.

Kung may katanungan po kayong legal o may gusto kayo ikonsulta sa Abogado natin sa Konseho, Kosehal Atty. Ge Teruel, maari kayo pumunta sa Calamba City Hall, 3rd Floor, at magpaschedule ng appointment.

Panghuli, Kung kayo ay nautangan at nahihirapan maningil o ginhost na kayo ng umutang sa inyo, huwag niyo daanin sa social media ang paniingil. Nako, kayo pa ang mahahassle kasi pwede kayo makasuhan ng Cyber Libel. Yan ang palagian bwelta sa mga naniningil sa social media o online.

Ikaw na nga inutangan, ikaw pa nakasuhan ng Cyber Libel. Kaya, sundin niyo nalang itong proseso na ito. Mag tiwala kayo sakin, hindi ito mahirap, para lang kayo naglalakad ng ibang mga papeles sa city hall o barangay.

Last but not the least, ang pinaka importante: huwag ka magpapautang kung may posibilidad na mahihirapan ka maningil o hindi ka na mababayaran. Kung magpapautang ka man, yun halaga na pwede na hindi singilin. Depende na yan kung gaano ka kayaman hehe

At kung kayo naman ay mangungutang, magbayad naman kayo. Naiinitindihan ko na meron mga tao na kailangan na kailngan talaga, pero siguraduhin niyo lang na makakabayad ka kahit paunti unti. Mahirap din naman po yun may galit o maraming galit sayo dahil may utang ka o marami ka pinag kakautangan. Dito kasi sa atin, ang babait pag nangungutang, panay pangako pa. Pero pag singilan na, nakakahiya maningil, o parang ikaw pa ang masama o walang p**isama. PAG SINGILAN NA, NAKAKAHIYA MANINGIL. Hindi pa alam ng nautangan kung papaano sisimulan maningil.

Sana po ay nakatulong ang post na ito. God Bless po!

Photos from Smart Probe Inc's post 07/03/2023

Lets VOLT IN, Barangay Punta! Support our very own ALLYSA MARIEJOY D. ABILA

06/03/2023

HAPPY BIRTHDAY PO!

06/03/2023

MISSION ACCOMPLISHED
03062023

Sa inisyatibo ng ating magiting na kapitan JAPOK CARANDANG kasama si Konsehal CESAR SAMIANO at sa pinagsamang pwersa ng mga kapulisan ay nadakip kagabi ang mga hinihinalang suspek sa panggagahasa sa isang 17 anyos na dalagita noong sabado sa Brgy. Palo-Alto.

Sobrang pasasalamat po ang ipinapaabot ng pamilya sa tulong na ipinagkaloob ng ating barangay sa pangunguna ni kapitan Japok sa mga oras na wala silang matakbuhan, sa mga sandaling naghahabol sila ng katarungan pero manhid at bingi ang mga kinauukulan sa kanilang barangay na dapat sana ay una nilang karamay. Suntok sa buwan, pero sa kabila ng kawalang pag asa ay hindi sila sumuko, maraming paraan ang Diyos upang makamit nila ang katarungan at sa isang iglap ay ipinagkaloob sa kanila si kapitan. Salamat dahil hindi pa naging huli ang lahat, nadakip ang mga kriminal.

Sana po ay maging wake up call ito para sa lahat ng barangay. Sa lahat ng public servant. Ito po ang ating sinumpaang tungkulin sa harap ng sambayanan, ang magligkod ng tapat at pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan at masiguro ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa loob ng barangay. Dapat araw-araw ang sebisyo publiko, walang linggo, walang holiday, walang family day, at sa oras na nahihimbing ang lahat, dapat gising tayo. Nagmamasid, nagbabantay. Yan ang tunay na serbisyo. Yan ang tatak CARANDANG.

05/03/2023

ISANG TAWAG na nmn po ang ating natanggap ngayong hapon 6:24, humihingi ng tulong dahil sa nangyaring r**e sa anak nila kagabi sa Brgy. Palo Alto. Dahil araw ng linggo, bigo silang makapagsampa ng reklamo. Ayon sa ina, inilapit na nila sa womens desk at pulis ang kaso pero wala silang nakuhang tugon kaya inilapit nila sa atin at nagbaka sakaling magawan ng paraan. Hindi po tayo nag aksaya ng mga sandali, agad tayong tumawag sa ating peace and order committee, konsehal CESAR SAMIANO na agad mamang ipinagbigay alam sa ating kapitan. Sa loob lamang ng ilang minuto ay dumating na sa loob ng subdivision si Kapitan JAPOK CARANDANG kasama si deputy MARTIN CABATO at imbistigador MELITON MENDOZA. Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si konsehal CESAR SAMIANO at agad na silang nakipag ugnayan sa mga awtoridad ng Palo-Alto.

Mapalad ako dahil nagkakaroon ako ng pagkakataon na masaksihan ang mga ganitong pangyayari na akala ko ay sa tv ko lang nakikita, totoo pala. Mapalad ako dahil nagiging instrumento ako ng mga taong nangangailangan ng tulong na maiparating sa kinauukulan ang kanilang mga hinaing. Mapalad tayo, dahil mayroon tayong mga opisyal ng barangay na laging nandyan anumang oras. Walang linggo, walang holiday, walang family day basta tinawag ng tungkulin, sila ay darating.

Nakakahabag makita ang isang ina, tumatangis sa sinapit ng kanyang anak. Ang bawat patak ng kanyang luha ay parang mga karayom na tumutusok sa aking puso, ramdam na ramdam ko sa kanyang pananalita ang sakit at takot, takot para sa kanilang kaligtasan at ramdam ko rin ang pag asa sa kanilang mukha ng makita nila si kapitan Japok at konsehal Cesar dahil naramdaman nila na may kakampi sila, na may mga taong magmamalasakit sa kanila, na may mga taong tutulong sa kanila.

Wag na sanang madagdagan pa ang ganitong uri ng karahasan. Lahat tayo ay maging vigilant at responsableng magulang para sa ating mga anak at maging masunuring anak sa mga magulang dahil ang ganitong pangyayari ay sugat na dadalhin ng biktima habang buhay.

Photos from GO PUNTA's post 05/03/2023

TO THE RESCUE

TAOS PUSONG pasasalamat po ang ipinaaabot ni G. JOHN CARIÑO, HOA VP ng Punta Altezza Subdivision kina Deputy MARTIN CABATO, at sa ating Imbistigador MELITON MENDOZA dahil sa agarang pagresponde sa aksedente na kanyang kinasangkutan ngayong hapon 1:02 pm sa Barangay Batino.

Ayon po kay G. Cariño, sobrang natouch siya sa responde ng barangay dahil hindi niya akalain na kahit araw ng Linggo, sa katanghaliang tapat ay makakahingi siya ng saklolo. Ipinaaabot din po niya ang Pasasalamat kay kapitan JAPOK CARANDANG sa napakagandang training na ipinapasunod niya sa kanyang nasasakupan, walang lugar, walang oras na dapat piliin, basta nasa kagipitan ay darating ang suporta ng barangay. Salamat din po Admin ROGELIO MENDOZA sa maagap na tugon.

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT.

POV: it is not the intensity of the accident. It is how u respond and extend your help to the people in needs that matter. Your good deeds matter. Dahil ang pinakamalaking kasalanan ay yong alam mong may magagawa ka pero hindi mo ginawa. Maaaring maliit na bagay, pero sa taong natulungan, itoy isang napakalaking pabor at magiging word of mouth na mayroon tayong barangay na maaasahan sa oras ng pangangailangan. Dahil dyan, patuloy ninyong itinataas ang level of public service ng ating barangay.
KUDOS PO

Photos from GO PUNTA's post 04/03/2023

CLEAN AND GREEN

Gubat noon, Barangay Community Garden ngayon.
Sa mayaman at maka-kalikasang pag-iisip ni kapitan JAPOK P. CARANDANG at Agriculture Committee Konsehala MYRA P. LANCETA ay nabuo ang Barangay Community Garden.

Sa tulong ng buong pwersa ng BQRT, ang gubat na bahagi ng barangay ay isa na ngayong patag at maaliwalas na taniman. Nagkaroon din ng pagkakataon ang pangkat ng mga lupon na magkaroon ng aktibidad dahil kasama sila sa mga magtatanim at mangangalaga dito.

Sa pangunguna ng napakasipag nating kapitan ay nag-umpisa na ang pagtatanim ng mga binhi at hindi magtatagal ay makikita na natin ang bunga ng pagsisikap, pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa tungo sa isang luntian, malusog at maka kalikasang pamumuhay.
KEEP UP THE GOOD WORK

Photos from GO PUNTA's post 04/03/2023

Ang katatapos na KASANDIGAN NG MASA 1st SUMMIT na ginanap sa Central 1 noong ika-25 ng Pebrero 2023. Masayang pagsasama-sama sa kauna-unahang pagkakataon ng mga opisyales na binubuo ng 54 na barangay. Ang Kasandigan ng Masa ay isa sa pinakamalaking organisayon sa buong laguna na itinatag ni Mr. Christopher Sanji, managing director ng Red Cross, Laguna.

Guest speakers ng Summit ang ilan sa mga kilalang personalidad sa larangan ng radyo at telebisyon mula sa TV 5, GMA7 at ABS-CBN.

Panauhing pandangal sina Gov. Ramil Hernandez, Cong. Ruth Hernandez, Cong. Cha Hernandez at Vice Mayor Totie Lazaro.

Tumanggap ng pagkilala ang mga awardees mula sa ating barangay Punta. Pinarangalan ang ating kapitan JAPOK CARANDANG at Konsehal CESAR SAMIANO bilang pagkilala sa kanilang taos puso at di matatawarang pagsuporta sa mga programa ng gobyerno.
Some good things never last!

Ang Kasandigan ng Masa: Barangay Punta Chapter ay nabuo sa pagsusumikap at pagpupunyagi ng butihing kabiyak ni kapitan Japok Carandang, ang pinakamamahal nating ina ng barangay kapitana VICKY CARANDANG.

Photos from GO PUNTA's post 26/02/2023

FUTURE HEROES

Isang malaking karangalan po sa Barangay Punta ang mapili ng PNP upang dito sila magsagawa ng kanilang ENHANCE COMMUNITY IMMERSION PROGRAM na may temang “PAMAYANAN: Kaagapay ng Kapulisan Tungo sa Kaunlaran”

Ito ay binubuo ng PSBRC BATCH 2021-03 MASID-ALAB mula sa Class ALPHA & DELTA.

Sa unang araw ay nagkaroon ng lecture proper tungkol sa Financial Literacy at RA 9262 (anti-Violence against Women and Children), Drug awareness and Prevention at pinaka highlight ang GIFT GIVING.

Sa huling araw ay isinagawa ng mga Police Trainee ang LIBRENG GUPIT, demonstration of HAND CUFFING, ARNIS DEFENSIVE TECHNIQUES at ang TREE PLANTING sa bahaging Silangan ng barangay. Sa kabuuan ay naging maayos, makabuluhan at kap**i-p**inabang para sa buong barangay ang isinagawang programa dahil maraming natutunan ang mga nagsidalo lalo na ang mga nasa hanay ng BPSO.

Kaya ipinaaabot po ng SANGGUNIANG BARANGAY PUNTA sa pangunguna ng ating butihing kapitan JAPOK CARANDANG ang taos pusong PASASALAMAT sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE headed by PCOL JOSELITO E. VILLAROSA JR.
MABUHAY PO KAYO!

24/02/2023

Bumabati po ang GO PUNTA ng MALIGAYANG KAARAWAN sa minamahal nating konsehal CESAR SAMIANO. It is an honor to share this special day with such a good leader with a generous heart. Many happy returns of good days, good health, happiness and successful career, sir. God Bless!!!

Photos from GO PUNTA's post 23/02/2023

Kaninang umaga February 23, 2023, kasabay ng pamimigay ng handog na aginaldo ni Mayor Ross Rizal para sa mga SENIOR CITIZENS na may kaarawan, isang malaking sorpresa para sa ating mga minamahal na seniors ang karagdagang “REGALO MULA SA PUSO” ni Konsehal CESAR SAMIANO. Lahat sila ay nagulat at sobrang natuwa sa di inaasahang biyaya na kanilang matatanggap sa kanilang kaarawan mula sa ating butihing Konsehal.
Mula po sa GO PUNTA at sa lahat po ng SENIOR CITIZENS na nakatanggap na at makakatanggap pa ng iyong biyaya, MARAMING MARAMING SALAMAT PO at dalangin po namin ang patuloy na pagpapala upang mas marami pa ang iyong matulungan at mapasaya sa kanilang kaarawan.

20/02/2023

Good evening! List of Players update Day 1 for Midget Division.

Registration is ongoing to all division. Open at 8:00 am to 4:00 pm Mon-Fri. Saturday 8:00 am to 7:00 pm only. Strictly no extension policy. If you are a registered voters, Pls. bring a photocopy of your voters id/ voters stub/ voters certificate. And if you are not, Pls. bring photocopy of voters id/ voters stub/ voters certificate of your parents. Thank you. 🫶

Division:
Midget - 14 and below
Junior - 15 to 22 yrs old
Senior - 23 to 39 yrs old
Veterans - 40 above

Photos from GO PUNTA's post 18/02/2023

Humarap ang buong SANGGUNIANG BARANGAY sa pangunguna ni kapitan JAPOK CARANDANG kasama ang WOMENS DESK at Pangkat ng LUPONG TAGAPAMAYAPA sa AUDITING COMMITTEE sa nakaraang araw ng Biyernes (February 17, 2023).

Photos from GO PUNTA's post 05/02/2023

SENIOR CITIZENS ASSEMBLY
02042023
“Sanay di magmaliw ang dati kong araw, Nang munti pang bata sa piling ni nanay, Nais kong maulit ang awit ni inang mahal, Awit ng pag ibig habang akoy nasa duyan.”

Napakasarap balikan ng nakaraan, nong tayo ay bata pa at walang ibang sinasandalan kundi si nanay at si tatay. Simula sa unang iyak natin ay nandyan sila, sa ating pagtulog ay matiyagang nagbabantay. Pag may lamok bubugawin, masuyong hahaplusin ang murang balat at masuyong yayakapin sa buong magdamag upang maging sanggalang sa malamig na hangin.
Sa unang hakbang ay matyaga silang nakaalalay, at sa bawat pagbagsak ay buong giliw silang aalalay at mulit muli ay itatayo hanggang sa tuluyan na tayong makatayo sa sarili nating mga paa.
At sa unang baitang natin sa paaralan, walang sawa si nanay at si tatay sa paghatid sundo sa atin sa eskuwela. Ang kanilang sakripisyo ay hindi doon magtatapos dahil kahit natapos na natin ang pinakamataas na baitang na ating narating, nandyan pa rin sila para sa atin.

Pero ang lahat ay may hangganan, mabilis na lumilipas ang panahon, marahil abala tayo, hindi natin napapansin, matatanda na pala si nanay at si tatay. Handa na ba tayong ibalik sa kanila ang serbisyong ibinigay nila sa atin noong tayo ay bata pa? Ang maging gabay nila sa kanilang katandaan? Ang maging saklay kung hindi na nila kayang humakbang na mag-isa?
Habang may panahon pa, yakapin natin sila ng mahigpit at ipadama sa kanila ang pagmamahal sa bawat araw dahil hindi natin alam kung bukas o sa makalawa ay mararamdaman pa nila ang yakap natin. Habang hindi pa nagsasara ang telon ng kanilang buhay ibigay natin sa kanila ang pagkalinga at serbisyong espesyal para lamang sa kanila.

SALAMAT PO KAPITAN JAPOK CARANDANG, sa pagsisikap mong imbitahang magsidalo ang mga Senior Citizens sa araw na ito para sa isang espesyal na pagtitipon para lamang sa kanila. Bakas sa kanilang mga labi ang kasiyahan, SALAMAT PO sa pagsisikap mo na mapag-isa at maitaguyod ang isang samahan na tututok sa kanilang karapatan at prebelihiyo. SALAMAT PO sa mga tumutulong upang maitawid sa kahirapan ang ating mga Seniors at gabayan sila sa mga oras na wala na silang ibang makakapitan.
SANA PO AY MARAMI PA ang maglaan ng panahon at sapat na tulong upang mabigyan ng sapat na kalinga ang ating mga SENIORS habang may lakas pa sila at nararamdaman pa nila ang inyong pagmamahal. Dahil konting panahon na lamang ang kanilang ilalagi sa mundong ibabaw, ibigay natin sa kanila ang lubos na KALINGA at PAGMAMAHAL
Salamat po konsehala MYRA LANCETA
Salamat po konsehala M**H CABATO
Salamat po konsehal ROMEO DELA GUARDIA
Salamat po konsehal RITCHIE VILLANUEVA

Photos from GO PUNTA's post 04/02/2023

MORE THAN WORDS
“ASK NO MORE”…hindi na kailangan pang humiling dahil kusa silang darating. Kung ano ang nakikita mo, nakikita rin nila. Kung ano ang hiling mo, solusyon ang tugon nila, hindi laway, hindi salita, GAWA. February 4 @ 6am, ang masukal at madamong bahagi ng Sentosa Subdivision ay nagmistulang parke sa isang iglap. Ang mapanglaw na kalsada ay nagkaroon ng buhay, naging maaliwalas ang tanawin, nawala ang takot at pangamba para sa mga nagdaraan. Walang imposible basta nagkakaisa, walang mabigat basta nagtutulungan. Ito po ay sa inisyatibo ng hindi matatawaran sa kasipagan, ang ating JAPOK CARANDANG kasama sina Konsehal CESAR SAMIANO, konsehal BELOY OFREN, konsehal RITCHIE VILLANUEVA at hindi rin nagpahuli sina konsehala MYRA LANCETA at konsehala M**H CABATO. Napakagandang pagmasdan na ang mga matataas na opisyal ng barangay ang namumuno sa isang “BAYANIHAN”. Nagiging isang napakagandang ehemplo sa mga mata ng bawat indibidwal at huwaran para sa mata ng bawat kabataan. Kasama ang mga BQRT’s na laging kaagapay sa lahat ng bagay, ang mga BARANGAY TANOD na hindi matatawaran ang sipag at kakisigan. Sa inyo pong lahat, HATS OFF! Ip**ita natin sa lahat na ang ating serbisyo publiko ay hindi sa simula lamang. Iparamdam natin sa lahat na ang ating hangaring maglingkod ay parang apoy na nag aalab mula umpisa hanggang sa huling sandali ng ating panunungkulan. Iukit natin sa bawat puso ang pangalan ng nag-iisa at walang katulad na kapitan JAPOK CARANDANG.

Photos from GO PUNTA's post 30/01/2023

FLAG CEREMONY 01302023
7:30 am
Ganito po kami sa Barangay Punta tuwing Lunes. Magsisimula ang lahat sa pamamagitan ng Flag Ceremony. Ang Lupang Hinirang ay pinangunahan ni Konsehala Myra Lanceta kasama ang lahat na kawani ng Barangay na maagang gumigising para makatupad sa kanilang panata sa tungkulin. At hindi kompleto ang programa kung hindi maririnig ang mga pangungusap mula sa aming kapitan JAPOK CARANDANG para sa lingguhang ulat ng ating barangay.

30/01/2023

JOBSEEKERS

Photos from GO PUNTA's post 28/01/2023

FROM DUSK TILL DAWN

Isa na namang tagumpay ng SANGGUNIANG BARANGAY PUNTA ang katatapos na Comelec Registration na ginanap ngayong araw ng Sabado sa Barangay Punta Covered Court. Dumagsa ang mga first time voters na kabataan na nagparehistro, gayon din ang mga nagsipagpalipat ng tirahan na hindi alintana ang haba ng pila, at marami ang nagtiis ng gutom pero bakas pa rin ang saya at ngiti sa kanilang mga labi.
Isang pasasalamat din po sa buong team ng COMELEC dahil ang itinakdang 5pm na pagtatapos ng registration ay umabot pa hanggang 9pm sa dami ng gustong maging rehistradong botante ng Barangay Punta.
Salamat po SANGGUNIANG BARANGAY sa pamununo ng ating napakabait, napakasipag at butihing kapitan JAPOK CARANDANG dahil hindi kayo nagdalawang isip na dalhin sa ating barangay ang COMELEC upang maidulot sa amin ang ginhawa at mas mabilis na serbisyo ng pagpaparehistro. Hindi po nasayang ang inyong pagsisikap dahil napatunayan namin kung gaano karami ang mga taong NAGMAHAL, NAGMAMAHAL at patuloy na MAGMAMAHAL pa sa inyo. Hinding hindi po namin kayo iiwan hanggang sa dulo…para sa tuloy-tuloy na pagbabago.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

26/01/2023

Minsan, ang pinakamahirap na karanasan ang nagiging daan upang makamit natin ang pinakamagandang buhay. Hindi madali, pero walang imposible kung mananatili kang matatag at hindi bibitaw sa iyong pangarap. Marami ang sumusuko, pero may mga nagtatagumpay. Marami ang naniniwalang hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang ano mang pangarap basta may tiyaga, pagsisikap, determinasyon at tiwala sa Poong Maykapal. Dahil ang pagsubok ay ipinadadanas upang ihanda ka sa totoong hamon ng buhay, upang maging produktibo at kap**i-p**inabang kung dumating na ang iyong minimithing tagumpay because God’s plan is perfect and everything is fall into places in a right time.
Kung isa ka sa nakakaranas at dumadaan sa ganitong sitwasyon, KAPIT LANG, hindi laging may bagyo at tag-ulan. There is always a sunshine behind every dark clouds.

Note to every demanding students

Photos from GO PUNTA's post 23/01/2023

SHOE BAZAAR

Nag-uumpisa na po ang shoe bazaar. Come and get yours.
Barangay Punta Covered Court❤️❤️❤️

Photos from Shoes Central Laguna Team's post 22/01/2023
22/01/2023

PANAWAGAN!
Kung sino po ang nakaiwan/nawawalan ng bag na nasa larawan, napulot po ito ni MR. ABRAHAM BLANCAS na taga Sentosa Subdivision at ito po ay kasalukuyang nasa kanyang pangangalaga.
Panawagan po sa lahat ng GO PUNTA followers, kung maaari po sana ay p**i share ang post na ito upang makarating sa kinauukulan.
SALAMAT PO!

Photos from GO PUNTA's post 17/01/2023

Minsan, tatanungin ka ng tao kung ano ang trabaho mo at doon sila magbabatay kung anong respeto ang ibibigay nila sayo. Wag maging parte ng mapanuring mundo dahil hindi natin hawak ang kapalaran ng kahit sino, bilog ang mundo, baka bukas o sa makalawa ay titingala ka sa taong sinisino mo.
Ipinagmamalaki ko na isa akong residente ng Barangay Punta and always a fan of our hardworking kapitan JAPOK CARANDANG. Sa kabila ng kanyang estado sa lipunan bilang punong barangay ay hindi mo mararamdaman na isa siyang mataas na puno kundi mararamdaman mo siya bilang amang mapagmahal, mapagkalinga at higit sa lahat ay makatao at isang amang buong pusong naglilingkod ng tapat at pantay-pantay sa kanyang nasasakupan. Sa kabila ng napakaraming aktibidad sa araw-araw ay hindi mababakas sa kanya ang pagod, walang reklamo sa kabi-bilang tawag ng tungkulin at maging ang pansariling pangangailangan ay isasakripisyo kung kinakailangan. Habang ang iba ay mahimbing pang natutulog, maaga syang makikita sa barangay hall bago pa sumikat ang araw. At pagdating ng hapon habang ang iba ay nagpapahinga na at kampante na sa malambot na upuan, si kapitan JAPOK ay makikita sa tapat ng Punta Integrated School kasama ng ating mga BQRTs upang mangasiwa sa daloy ng trapiko at upang masigurado ang kaligtasan ng mga mag-aaral na nakikipagsiksikan sa napakaraming sasakyan.
Mga taga Punta, mapalad po tayo sa pagkakaroon ng isang kapitan na may malasakit, makatao, maka Dyos at makatarungan. Tapat sa serbisyo, buong pusong naglilingkod at higit sa lahat, maaasahan sa anumang oras na inyong kailangan

Photos from GO PUNTA's post 15/01/2023

BLESSED SUNDAY
Darating ang araw, magiging kwento na lamang tayo. Kaya hanggat maaari, gawin nating maganda ang ating kwento, gawin nating makabuluhan ang bawat pahina ng ating buhay. Gumawa ng mabubuting bagay at mag iwan ng ngiti upang maging maganda ang takbo ng istorya mo,...bago mo isarado ang libro ng buhay mo.
Masaya ako sa simpleng pamumuhay ko, may masayang pamilya kahit namumuhay ng solo, may trabaho na sapat upang suportahan ang sarili ko, ang mahalaga ay may sariling bahay na masasabi mong sarili mo, at may mga kaibigan, hindi facebook friend, KAIBIGANG TOTOO.
Masaya ako sa trabaho ko, dahil siguro sa gusto ko ang mga ginagawa ko at mababait ang mga kasama ko. Old folks said, not all from your work are your friends, just do your job, get paid and go home. Siguro sa iba, OO, pero sa akin, HINDI. Wala akong p**ialam kung hindi kaibigan ang turing nila sa akin basta ako, wala akong masamang tinapay, hindi batayan ang sweldo basta gusto ko magtrabaho at masaya ako sa ginagawa ko, dahil naniniwala ako, no man is an island. Maaaring hindi ngayon, hindi bukas, pero darating ang pagkakataon na susubukin ang kapasidad mo bilang tao, at sa pagkakataon na yon ay malalaman mo kung naging mabuti ka bang tao, kung naging sapat ba ang p**ikisama mo..........
I was so blessed, dahil hindi ko napapansin, pero sa oras ng kagipitan, yong wala akong ibang choice kundi maging matatag, blessings poured as rain from peoples i dont think but cares.
Isa ako sa naapektuhan ng bagyong Paeng, trapped inside my house for a couple of days, wala akong mahingan ng tulong sa loob ng subdibisyon, dahil mismong BOD ang nagsabing wala silang magagawang tulong dahil hindi kakayanin ng gwardiya, wala daw sapat na manpower ang aming subdibisyon. After hearing that, hindi na ako nagdalawang isip na tumawag kay konsehal CESAR SAMIANO para humingi ng tulong, at sa loob lamang ng sampung minuto ay dumating ang grupo ng BQRT para tulungan ako. Simula noon naisip ko, hindi pala basehan ang lugar na tinitirhan mo, hindi nga pala uso sa subdibisyon ang word na “bayanihan” mabuti na lamang at may mga BQRT na maaasahan sa oras ng kagipitan.
Another Sunday morning, kapitana VICKY CARANDANG passing by and saw me clearing weeds on my little garden. Just a mutual conversation before she left. 30 minutes to be exact, nakita ko dumarating ang Rescue, akala ko may importanteng misyon sa loob ng subdibisyon, Kuya Manding driving the car, kumaway ako at nagulat ako dahil kasama pala si kapitan JAPOK kaya naisip ko na may importanteng sadya nga sila kaya tuloy na ako sa paglilinis ko dahil lumagpas na sila. Paglingon ko, sobrang nagulat ako dahil lahat sila ay bumaba ng sasakyan at papalapit sa kinaroroonan ko, armed with sharpened karit each of them. Hindi ko alam ang sasabihin ko, speechless, gulat, lalo na nang mag umpisa na sila magsipag tabas dahil hindi ko inakala na yong istriktong kapitan ng barangay nyo, pinuno ng barangay Punta, may dalang itak at magtatabas ng bakuran ko! Alam ko po ang effort ni kapitan JAPOK sa kanyang barangay, nagbubungkal ng kanal, nagtatambak ng lupa sa mga lubak na kalsada, nagmamason, nagtatanod at minsan nagpapass way pa. given na po yon, pang araw araw na po sa kanya yon, pero yong sadyain ang lugar ko at magtabas is something beyond expectation. KAP. JAPOK, kuya MANDING, kuya ADA at kuya GARRY, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. Hindi ko na po kailangan magsalita na hindi ko kaya mag isa, na kailangan ko ng tulong ninyo. Kayo na po ang kusang lumapit at magkaloob ng serbisyo. Ngayon ko po naramdaman na kahit malayo ako sa pamilya ko ay hindi pala ako nag iisa. Hindi po ako nagkamali sa bangka na aking sasakyan, dahil may isang kapitan na laging handang sumagip sa oras ng pangangailangan. Ang inyo pong kabutihan at kagandahang loob ay isasama ko sa bawat pahina na aking isusulat upang pagdating ng araw, you and your good deeds will be remember. Dahil sa inyong lahat, hindi lamang po naging malinis at maaliwalas ang aking kapaligiran, naramdaman ko ang samyo ng hangin at init ng araw na tumatagos hanggang sa loob ng aking munting tahanan. TO GOD BE THE GLORY
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

#gopunta LUPANG HINIRANG
Sa minamahal nating Barangay Secretary, Sec. Dante Perez, Maligayang Kaarawan Po! Mula po sa SANGGUNIANG BARANGAY at sa ...
#gopunta CALAMBAKUNAPasasalamat po sa bumubuo ng SANGGUNIANG BARANGAY sa pangunguna ng mabait at masipag na kapitan “JAP...
#gopunta VISIONBarangay Covered Court THEN and NOWDahil sa pagsusumikap ng SANGGUNIANG BARANGAY sa pangunguna ni konseha...
#gopunta REALITYMaraming salamat po sa bumubuo ng SANGGUNIANG BARANGAY sa pangunguna ng ating butihing kapitan “JAPOK” C...

Category

Website

Address

Barangay Punta
Calamba
4027
Other Public Services in Calamba (show all)
Kuya Egay Llarena Kuya Egay Llarena
Calamba

E - nvironment G - ood governance A - ccountability Y - outh

KULOT Lozano KULOT Lozano
Morales Subdivision Barangay Paciano Rizal
Calamba, 4029

Public Service

Kuya Polly Brual Kuya Polly Brual
Baranggay 5
Calamba, 4027

MAY PUSO,TAPAT AT MAKATAO

Kon. Weng Naredo Kon. Weng Naredo
Barangay Bucal
Calamba, 4027

This is the Official page of Team CalamBagong Bucal. #KWengNaredoTayo #BabaeNaman

BARS Encarnacion BARS Encarnacion
Calamba, 4027

Mga kaBARSkada, aarangkada na ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa Calambeño!

Paul Malabanan Siphoning & Declogging Services Paul Malabanan Siphoning & Declogging Services
Calamba, 4027

Siphoning & Declogging Services

Municipal Health Office - Calamba Municipal Health Office - Calamba
Southwestern Poblacion
Calamba, 7210

Andrew Salahop Estrada Andrew Salahop Estrada
Miramonte Village
Calamba

Private resort pansol

Calamba TV Calamba TV
Brgy Uno Poblacion (Crossing)
Calamba, 4027

Hello, Calambeño! Para sa'yo ito! Informative at pampa-good vibes para lagi kang happy😎

Serbisyong Mayapenyo Serbisyong Mayapenyo
Barangay Mayapa
Calamba, 4027

Official Public Service page #PusoAtMalasakit #SerbisyongMayapenyo

Edukwalidad Edukwalidad
Calamba, 4027

Let us grow through the exchange of knowledge and join me advocating quality education for all even

Angat Kabataan - Brgy. Parian Calamba City. Angat Kabataan - Brgy. Parian Calamba City.
Brgy. Parian Calamba City, Laguna
Calamba

Kasama mo sa Pag-Angat, Kabahagi mo sa Lahat!