Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh

Stage 2B Cervical Cancer

Yehs Vlog #15 My brachy journey 04/02/2023

Pls like & Subscribe my brachy journey

Yehs Vlog #15 My brachy journey

27/03/2022

New Funeral Schedule of James,
Sorry nagkaron po ng changes, hindi namin pare pareho naisip na may 31 pala ang March

On the 29th March last night ni James here at Antique

On the 30th March, going to IloIlo (Cremation) then, wake at Manduriao Pueblo Daddy Jess' Residence. For an OVERNIGHT.

On 31st March, back to CALAMBA, we will be arriving Calamba night time.

From 31 he will be in CALAMBA na.

1st April - 3rd of April, wake at CSummit 124 Rizal St. Chipeco Compound Calamba City

3rd April huling lamay

4th April - time TBA, Last Mass at ST. JOHN THE BAPTIST CHURCH, CALAMBA CITY

Thank You!
(tinjames)

23/03/2022

Para sa mga nagtatanong kung kailan daw si James sa Calamba

Eto po ung Schedule:

March 23- 29, wake at Taringting Funda Dalipe San Jose Antique. (Lola Mommy Cons Residence)

March 30 - Cremation at IloIlo City

March 30- April 01, wake at Manduriao IloIlo City (Lolo Daddy Jess' Residence)

April 01 - Travel to Calamba from IloIlo via RORO

April 01 - Evening, Arrival at Batangas Port going to James & Kristin's Residence at Chipeco Compound Calamba

April 02 - 04 , wake at CSummit, Chipeco Compound Calamba

April 05 - time TBA, Mass at St. John The Baptist Chirch

So Yes, we will be in Calamba Soon.

22/03/2022
Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 20/03/2022

03.19.22 / 6:48pm at
Antique Medical Center

James' Update:

Naitransfer na po namin si James dito sa AMC kagabi. Pikit mata napinatubuhan na po namin sya. Sa ngayon nandito parin kami sa regular room, hindi pa po namin sya maitransfer sa ICU kasi kinakailangan mag deposit kami ng 50k, kagabi pa lang ng iadmit namin sya halos nakagastos kami ng almost 30k, kasi deposit ng 10k for admission, antigen sa dalawang magbabantay ako at si mommy, RT-PCR kay James.
Cash basis din ang bayad namin tuwing bibili ng gamot kasi wala kaming malaking amount na dineposit. Kaya every reseta, bibilhin mong talaga CASH. Kaya kagabi pa lang sa mga reseta at gamot ni James halos inabot kami ng 30k.
Madugong gamutan at reseta parin ngayong umaga.

Umaasa parin kaming kapag nakita ni Papa God na hindi namin basta basta isusuko si James, magbago ang isip nya at pagalingin na nya si James. Kung hindi man, maluwag sa loob naming tatanggapin yon, dahil alam namin sa sarili naming Ipinaglaban namin sya hanggang huli.

Mga kaibigan, kapamilya, kaanak, kakilalala, kapamilya sa tiktok, kami po ng aming pamilya ay nais naming humingi ng kaunting tulong pinansyal sainyo. Walang maliit na halaga sainyong tulong. Malayo po ang mararating nyan. Talagang sa ngayon po nag sstruggle na kami, kung kayat nandirito po ulit ang page na ito ni James para sana kami ay makahingi ng kaunting tulong.

Tulong panalangin ay higit din po naming kailangan. Sana po maisama ninyo sabpah darasal ang aking asawa.

Humihingi ako ng pasensya at pang unawa sa aming kinahaharap na sitwasyon. Pasensya na po kung kinakailangan ko ang tulong nyo.

Para sa gusto pong mag pa abot ng tulong ito po ang aking Gcash Account

GCASH ACCT
MARIA KRISTIN YEH - 0998 397 5122

LANDBANK CALAMBA BRANCH
Acct Name: JAMES ANTHONY O. YEH
Acct No. : 2547 0254 34

Hindi ko alam kung papano kami makakabawi sa inyo sa ngayon, pero alam kong ang nasa itaas ang babawi para sa amin.

Maraming Salamat Po

GOD BLESS
TinJamesTheBattleJourney

Pls subscribe din po kayo sa aming YT Acct, malaking tulong kung kami po ay mamomonetize.
YT Acct: TinJames

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 20/03/2022

03.19.22

Tuloy ang laban hunny... kahapon, nung inuwi ka namin from Angel Salazar Hosp, dahil na din sa matagal mo ng request na gusto mo ng umuwi, at huling salita mo na tama na tama na ayoko na. Pikit mata inuwi ka namin ng Mommy mo, tutol man ang loob kong iuwi ka, dahil alam ko na ang kakahitnatnan mo.

Kahapon ipinaubaya na kita sa itaas, sinabi ko na din sayo na kung hndi mo na kaya, bumitaw kana, magpahinga kana. At maiintindhan ko.

Kahapon durog na durog ako... Nasa bahay na tayo ng Mommy mo, wala na lang kaming ginawa kundi ang umiyak habang pinagmamasdan ka. Tumawag na ng pari para ma- anoint kana. Habang dinadasalan ka ni Father, ayaw tumigil ng luha ko. Kasi alam ko anytime iiwan mo na talaga ako.

Hanggang sa nag desisyon ang Mommy mo, Daddy mo, Tita mo na ibalik ka sa hosptal at patutubuhan ka. Nagalit ako, kasi bakit kapa namin inalabas sa hosptal, tapos ibabalik ka ulit, panibagong tusok nnaman ng karayom, panibagong sakit nnaman para sayo, tapos gusto nilang tubuhan ka, takot na takot ako, nung una ayaw ko pumayag kasi sasaktan ka nanaman. At ibinilin mo na sa akin, na iuwi kana at ayaw mo na.
Nag isip ako dahil desisyon ko na lang ang hinihintay nila at tumatakbo ang oras. Tinitigan kita, kinausal sabi ko bigyan mo ko ng sign, for the first time na imulat mo mga mata mo kagabi , kaya sabi ko sige ibalik na natin sya, patubuhan na. Laban kung laban hanggang dulo.

Nasa ER tayo ng ANTIQUE MEDICAL CENTER, ako ang hinanap para pirmahan ang waver, takot na takot ako pumirma, dasal lang ako ng dasal na sana tama ang naging desisyon ko na sang ayunan sila, inisip ko na lang "MOTHER KNOWS BEST" kasi si Mommy mo ang tlagang nagpursige na ibalik at patubuhan ka.

Inisip ko nanay mo un, hndi sya maghahangad ng masama sayo. Ganon din kay LoloDad at Tita. Kaya hala sige.... Laban!!!!

Habang tinutubuhan ka, kahit nakasarado ang pintuan, kapag may lumalabas tapos takbo dito takbo don ang nurse, takot na takot ako .. kahit papano nasisilip kita, pero kitang kita ko gaano kang nasasaktan... Wala na kong ginawa kundi umiyak na lang at ipagdasal ka.

Hanggang sa ilabas ka nila at iakyat sa kwarto, awang awa ako sa itsura mo at sitwasyon mo. Sabay kinausap ako ng Doctor na, kung sakali na mag cardiac arrest ka, ipapa CPR kpa daw ba? Sa isip ko ha ano to joke?! Kakatubo lang , cardiac arrest agad... Alangan isuko pa kita diba. Isang revive lang, pag talagang wala, wag na.....

Nung nasa kwarto na tayo, panay ang tanggal mo ng tubo sa bibig mo, pati ang catheter mo tinatanggal mo din. Kahit itinali ka nila pilit mo paring inaabot para tanggalin. Parang sinasabi mo sa akin na "Kristin ano ba ang tigas ng ulo mo" buong mag damag hindi ako natulog, tinabhan lang kita at hinawakan ang kamay mo, kasi ntatakot akong maabot mo ung tubo at tanggalin mo. Natatakot akong gumising na baka wala kana...

Pero hunny, nalampasan natin ung critical stage kagabi... Ngayon kahit papano nag stable ang lagay mo... Nakokonsensya ako sa sinabi ko sayo na sige magpahinga kana, para na kitang sinukuan😥 sorry hunny, kung nasabi ko un. Ayaw ko na kasi makitang hirap na hirap kana... Pero siguro, iba parin ang instinct ng Nanay, mabuti nakinig ako sa mommy mo. Mabuti hndi ka nya tlaga isinuko.

Hindi pa tayo makapasok ng ICU ngayon kasi kailangan naming maka raise ng 50k, yaan mo hun at magagawan ng paraan yan. Pero dapat nasa ICU kana... Feeling ko mas safe ka don. Madugo nga lang bayarin pero, bahala na si Batman mahalaga, mabuhay ka... Dbale for sure mamayang gabi lang nandon kana.

Kaya hunny, tuloy ang laban. Ang layo na ng narating natin. Ang haba na ng pinagdaanan natin, kaya hunny kapit lang, laban parin tayo ha. Kung kukunin kaparin ng nasa itaas, alam ko sa sarili ko na hndi kita sinukuan hanggang sa huli. Lumaban ako, lumaban kami hanggang sa huli. Basta hunny pag d na kaya, wag pilitin ok.

Uuwi pa tayo ng Calamba tuparin mo ang pangako mo. Dito lang ako hunny nag hhintay sa pagbabalik mo.

Mahal kita alam mo yan!!!
One Big Fight!!!

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 19/03/2022

03.18.22

Sa siyam na buwang p**ikipaglaban, siyam na buwang punong puno ng adventure ang buhay natin. Nakita ko kung papano ka lumaban. Hanggang ngayon, palaban kaparin. Hangang hanga ako sayo hun, sabi ko nga sayo cguro kung ako yan, baka hndi ko tinagalan, pero ikaw, nalabanan mo, hndi ka sumuko. At alam na alam mo ding, wala sa bokubolaryo ko ang sukuan ka. Kaya kahit san man tayo makarating, mapa , CDH, Cabrini Hosp, CMC, St. Lukes at dito sa Angel Salazar Hosp Antique kasama mo ako, karamay mo. Kung nasan ka, nandon kami ng mga anak mo , hinding hindi ka namin iiwan.

Bago tayo magpunta dito sa Antique, punong puno tayo ng pag asa at pangarap, ang lakas mo pa dba. Nangako kapa sa akin, na babalik tayo ng Calamba na nakapag 2cycle kana ng RICE therapy mo, kasi nga dba mag papa PET SCAN pa tayo sa Manila. Tapos mag Bone Marrow pa tayo.
Sabi ko noon sayo natatakot ako mag punta ng Antique kasi baka mamaya hindi na kita makasama pagbalik, pero siniguro mo sakin na babalik tayo ng magkakasama. Nangako kapa sakin dba.

Kagabi at kanina sinabi ko sayo habang nag aagaw buhay ka... Maiintndihan ko, kung hindi mo na kayang tuparin ang pangako mo sa akin. Ayaw kong sukuan ka, pero nakkita ko kung gano kana kahirap na hirap. Pero lumalaban ka sabi mo nga sa akin nung nkakapag salita kapa ng maayos "kasi nangako ka" hunny, ako ang nangangako sayo, maisasama parin kita sa pag uwi, iuuwi parin kita sa atin. Ayaw man kitang isuko hunny pero siguro may mga laban na kailangan ng bitawan. Okey kami ng mga bata tulad ng sabi ko sayo, at ako ang nangangako sayo, na palalakihin ko silang maayos. Magiging okey din kami in time. At diba sinabi ko sayo, na kapag dumating ang oras na ako naman ang kailangang mawala sa mundong to, ipangako mo sa aking ikaw ang una kong makikita kasi tulad dati palagi mo akong sinusundo. Gusto ko ikaw ang susundo sa akin pag dumating ang panahon na yon. Sabi mo sa akin OO, yan na lang tuparin mo sa pangako mo sa akin hunny.
Hindi ako mag ggbye sayo, kasi alam kong magkkita ulit tayo sa tamang panahon.

Sa ngayon hunny, ipinapaubaya na kita sa Poong May Kapal, sya na ang bahala sayo, sya na ang bahala sa atin. Kung hindi na kaya hunny, tama na pahinga na ha. Basta hawakan mo lang mga kamay ko, kahit sa huling sandali tandaan mo hinding hindi ko bibitawan yan.

Mahal kita, mahal na mahal...

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 14/03/2022

James' Update
03.14.22 / Antique

Bukas saktong 9mths simula ng ma-admit ka and ma-diagnosed. Siyam na buwang p**ikipaglaban at p**ikipag patintero kay "kamatayan". Ilang beses ko na din narinig sa mga doctors mo na, "anytime" but don't lose hope kasi iba parin ang "prayers" kaya cguro hanggang ngayon nandito kaparin kasama namin ,kasi madami kang "prayer warriors".
July 2021, nakita ko kung gaano ka nahirapan, nakita ko ang hallucinations mo, at ang akala ko kukunin kana sa akin, pero lumaban ka, at hndi kita sinukuan. Ngayon, March 2022, nag sisimula ko nnamang makita kung anong nakita at naranasan natin last July2021, andyan ung tulog ka na lang ng tulog, halos hndi ka kumakain, andyan ung hallucinations mo, nkakakita ka ng mga tao, bagay na ikaw lang ang nakakakita. May mga bagay kang sinasabi na hndi ko maintndhan. Halos makalimutan mo na ang pangalan ni Shobe and Shoti😥 parang nabalik ka nanman sa dati😥 akala ko nalampasan na natin ung Chapter na yon, pero bakit parang nabalik tayo don? Pinaka worst na sinabi mo is "BARONG" d ko maintndhan pero parang nag hhanap ka, tapos sinabi mo na "ay hindi hindi, ung lagayan ng ano, ung ano lagayan ng abo, yon kasi mabigat ako hndi mo ko madadala pauwi, ung lagayan ng abo na lang para d ka mahirapan" hunny bakit mo sinabi yan? Bakit prang nagbbilin ka? Hindi ka pwde mawala dahil nangako ka sa akin na sabay tayong uuwi ng Calamba pero buhay kang uuwi. Sinabi mo sa akin at nangako ka nag magtatagumpay tayo dito sa Antique. Nangako ka at panghahawakan ko yon.
Ang selfish ko ba dahil kahit alam ko hirap na hirap kana ayaw ko paring bumitaw?? Nakkita ko naman kasi na nalaban kaparin at nakkita ko na gusto mo tuparin pangako mo na uuwi tayo ng Calamba magkasabay.

Yes, nasa Antique na po kami, hindi na namin kinaya ang gastusin sa Calamba, sobrang madugo kasi talaga. Nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa amin na mga pamilya, kaibigan, pinsan, kakilala. May ibang tao din dati na nag donate sa amin. Maraming Salamat po, hndi ko na maisa isa sa dami, ng dahil din po sainyo, nadugtungan nyo buhay ng asawa ko. Taos puso po akong nagpapasalamat.

Ngayon nandito kami sa Antique, inuwi namin si James sa Mommy nya, para sana makatipid, kasi mkakalibre daw kami dito kahit papano. Ganon parin may gastos parin. At alam ko nahihirapan na din ang Mom ni James physically, emotionally and financially.

Iniisp ko kung umuwi na lang kami ng Calamba, pero ayaw ko maging selfish dahil alam kong hndi na kakayanin pa ni James ang mag travel.

Hunny, kinaya natin dati, alam ko kakayanin natin ulit ngayon. Magpagaling ka, at alam kong gagaling ka. Uuwi tayo kapag kaya mo na. Kapag dumating sa point na, hndi na kaya pa ng katawan mo, maiintindhan ko kung hndi mo na matutupad ang pangako mo, ako ang tutupad ng pangako ko sayo na iuuwi kita sa atin. Pero alam ko, kakayanin mo, alam ko lalaban kapa.

Mahal na Mahal kita hunny alam na alam mo yan. Baunin mo san ka man magpunta💕

Thank You po sa inyong lahat💕

04/01/2022

May mga ilang kaibigan sa tiktok na nagtatanong po ng Gcash/Bank Acct namin... Hindi po namin alam pabo kayo pasasalamatan, kahit sa tiktok nyo lang kami nakikita at nakilala pero d po naging hadlang sainyo na tulungan kami. Salamat po TIKTOK FAMILY💕🙏 Si Papa God na po ang bahalang magbalik ng blessing💕 Salamat po tlaga💕 pls see below photo

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 29/12/2021

Anim na buwan mula nong magsimula tayong hamunin ng pag subok. Anim na buwang nakipag laban at nakipag patintero kay kamatayan. Anim na buwang wla tayong ibang dalangin sa itaas kundi ang gumaling ka. Sa amin na buwang yan lalo mo kong pinahanga sa katapangan mo hun. Iniisip ko nga papano kung sakin nangyari yan? Bka d ko kayanin. Kita kong lahat ng paghhirap mo, saksi akong lahat sa mga daing mo. Alam ko ang hirap at pagod ng katawan mo pero patuloy kang nalaban. Bawat tusok ng karayom, hindi mahanap ang ugat mo, ilang nurses ang kailangang magpalitan para lang mahanap ang ugat mo. Andyan ung naitusok na pero mamaya bbigay din ang ugat mo kaya maghhanap nnaman. Andyan ung alam kong may trauma kana ,pag tutusukin kana kasi ,una mong hinahanap kamay ko para hawakan mo , dahil sabi mo para lumakas ang loob mo. Andyan ung unti unti nawalan kana ng buhok, nangayayat ng sobra. Nawalan ng gana sa pagkain. Nilagnat, nag ka covid, nagka pneumonia, nagka shingles lahat lahat na pero nanatili kang lumaban.
Buong akala natin sa panahon na lumilipas okey kana. Kasi umaayos ang p**iramdam mo, dating hndi ka makalakad, pero tingnan mo ngayon nkakalakad kana ng maayos, nakapag Baguio pa nga tayo. Nakakapag alaga kapa ng mga manok mo, nkakapag luto ka ulit. Nagagawa mo na unti unti ang mga dati mong hndi pansamantalang nagagawa. Kaya ang buong akala natin tapos na tayong makipag patintero kay kamatayan. Pero bakit ganon? Parang extended yata? Parang ang layo pa pala natin sa finish line? May dulo paba to?
Isang araw biglang dadating ang resulta ng PET SCAN mo, sasabihing, active parin ang LYMPH NODES mo and MULTIPYING 😥 ano to joke? Ano ung mga lahat ng naramdaman mo na okey ka, joke?
Ok ok ok.. madaling sabhin magsisimula tayo ulit sa umpisa. Ulitan.... parang ang simple lang dba? Pero wala naman tayo magagawa kundi mag back to zero, start from scratch. Bagong treatment, etchepwera na si R-CHOP, ipasok si R-ICE oh game na?Tapos maghahanda tayo kasi kakailanganin kang iBone Marrow Transplant 😥 wheeeeeew, sana kung gano kadali itype ganon din kadali gawin, kaso hindi. Kung milyonaryo lang sana tayo hunny, kahit ilang session pa ng chemo at transplant hnding hndi natin pproblemahin ang kadatungan, pag galing mo lang iintindhin natin. Kaso hindi, pero alam kong kakayanin natin to. Basta wag kang susuko, hindi tayo susuko. Hanggang dulo ikaw at ako. Kapit lang may awa si Lord. 🙏💕

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 23/12/2021

December 15, 2021 BACK TO REALITY yes po, he had his PET SCAN & CT Scan at St. Lukes Global just before the 5th cycle chemo.
As per doctor's advise kasi ,before we proceed to his 5th cycle kailangan muna ng PET SCAN & CT SCAN if hndi maging maganda result ng PET hndi na itutuloy ang 2cycles pang natitira and magbabago po ng gamot.

Dec 17 we got the results and Dec 21 our Onco read it to us... 😢😢😢😢

Unfortunately hindi po nag respond ang mga lymph nodes ni James sa chemo treatment, yes po ung malalaking nodes nya nawala naman natunaw sila but maliliit po sila pa ang hndi natunaw at dumami sila. As per docs advise nsa sa amin na if ittuloy pa ang 2cycles na nttira but then again no guarantee na mag rerespond si James since 1st to 4th cycle ay hndi po gumana.
Our second option is magiiba si James ng treatment, but BACK TO ZERO po kami. And mas mahal na ang gamot ni James. 64kphp with PWD discount ung.RITUXIMAB na dating gamot nya. Orig price was 94kphp... (salamat sa pwd) sabi ng doctor namin is rituximab na ung murang gamot for him next would be double , triple the price 😢 kung kakayanin namin financially, hindi.. we need Millions for his treatment, hindi naman kami mayaman. Our savings is about to end. Baka hanggang 2cycles lang tapos d na namin alam papano ssunod.

We are knocking again at your hearts, not to ask for donation but to support us and tell your friends to purchase out WATCH & TSHIRT FOR A CAUSE this would be our 5th Batch.

Tshirt 450php and Watch 450php (SF NOT INCLUDED)

How to order just send me a PM or comment here.
Leave ur full name, contact number, complete address
What to order: TShirt (Color, Size) Watch (Color and quantity) pls see photos below

But PLEASE NO RUSH ORDER. STRICTLY PAYMENT FIRST.

HOW TO PAY? via GCASH
0998 397 5122 , MARIA KRISTIN C. YEH

Bank Account (please screen shot when payment is done)

LandBank Calamba Branch
James Anthony Ouano Yeh
2547 0254 34

Thank you all much, please please please include my husband in your prayers.

God Bless and Merry Christmas🎄💕🙏

*Photos Below*

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 23/12/2021

Dec 9-11, 2021 Our Family went in Baguio, the whole family (My Sister & My Cousins) at first we are very hesitant to join because of James' condition. But our pretty Onco made sure that it is safe for James to travel and he needs it as well for him to relax and enjoy life.

Before we headed to Baguio, Dec 7, he had his Blood Transfusion, thank you to Kon. Turne Lajara for helping us again to red cross Calamba. SALAMAT po talaga💕

God Bless🙏

23/12/2021

Dec 7, 2021 Blood Transfusion OPD

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 31/10/2021

Latest Update:

First of all gusto kong iflex ung Onco namin na SUPER BAIT, very helpful talaga sya, last chemo nya nung 3rd cycle ni James hinanapan nya kami ng Rituximab na may 50% discount so ayon nakuha ko sya ng 53kphp
Itong 4th cycle naman inenroll nya kami sa FREE RITUXIMAB sa may East Ave Med Center.

Oct. 26 Tuesday, na interview ako and nag pasa ng requirements. Un lang tyagaan sa pila at pag hhintay. Andun kami 8am natapos kami past 2pm. Thank You so much sa aking BBN (Best Buddy Nano) pinag drive nya ako/kami ni Tita. Nano thank u to the rescue na naman🙏🏼 Sarah Padua thank u sinamahan mo kami...

Oct. 27 Wednesday nag pa swab na si husband RT-PCR kasi bago ma admit directly to the room need ng NEGATIVE Result. Oct. 27 din nag pa reserve na ako ng room sa CMC admitting office para sureball na may room na kami. Since direct to the room ang order ni doc, ayaw din kc ni doc na dadaan kami ng ER. Tapos dumaan muna kami kay Lord sa simbahan nag tirik ng candle para mag pasalamat sa lahat ng blessings at syempre na sana dugtungan nya pa bujay ni James.

Oct. 28 Thursday ayun release ng ritxumab ni james. Jusko ang saya saya ko.. 600mg ang ibinigay sa kanya as needed ni james. Kumpleto bngay nilaaaa waaah... Thank U Lord.. Imagine nakatipid ako ng 64kphp yata or 67kphp kasi kung bbilhin ko sya tulad dati original price ng Mabthera Rituximab 600mg 94kphp since may PWD si James 64kphp na lang yata un or 67kphp ang mahaaal dba..
Since nsa Manila na din kami dumaan na din kami ng San Juan Manila sa MedInfinity para bilhin ung VINCRISTINE na gamot 2vials 600pesos lang sya so mura na un..since direct ako supplier.

Oct. 29 Friday, 2pm tinwagan na kami ng CMC sinabi na ready na ung room ni james at pwde na punta anytime. Bale ang binili kong gamot na lang is ung PEGSTIM ini-inject un right after chemo price nya 24,774php wla pang del charge so plus 460php..
Ung bnili kong gamot na lang sa hosp CYCLOPHOSPAMIDE, DUXORUBICIN, DYHPEN, RATIN & DEXAMETHASONE (p**i korek pag mali spelling 😆) binili ko sa labas ung PARACETAMOL, PREDNISONE & OMEPRAZOLE since over the counter sila. Para makatipid ang mahal nila sa hosp eh. So ayan alahat gamot ni husband ang dami dba..

Oct. 30 ayun 7am pa lang nag start na chemo natapos kami ng past 2pm. Tapos dinischarge na din kami agad. By 6pm bahay na kami... Yeeey!!

As of now ok na ok si James🙏🏼 ganito naman sya palagi after chemo malakas sya. But after ilang days, like mag 4 to 5days after chemo bigla na syang nanghhina, nakahiga na lang sya, masama p**iramdam, wlang gana kumain, kung minsan nilalagnat sya, nababa ang hemoglobin. Kaya kdalasan sinasalinan sya dugo. But after ilang days ulit, unti unti na gegain nya ung strength nya , so prang normal sya ulit... kasi nag ppreparw na daw katawan nya for the next chemo so ganon ang routine.

Side effect ng chemo sa kanya, right after chemo mga 3days yan, sobra syang pawisin as in. Kahit naka aircon pa sya. Kaya dpat alalay kasi kalaban nya pneumonia pag natuyuan ng pawis. Pag dating 4to 5days ayun wla na panlasa, ang panlasa nya LATA daw. Kaya d halos makakain, minsan nilalagnat sya, tulog lang ng tulog. Nababa WBC kasi. Kaya hemoglobin nya shoot down din. Pero eto overall ok sya...

Sa lahat po ng mga nag dasal, nag dadasal kay James sobrang SALAMAT tlaga... Kahit kailan hnding hndi namin makakalimutan ang mga nagawa ninyong tulong sa amin esp sa lahat ng mga nag paabot ng financial help at mga sumuporta sa watch and shirt for a cause... Si Lord na po bahala mag balik ng blessing na minsan nyong ibinigay sa amin..

Bago kami mag 5th cycle on Nov. 22 kailangan din ni james mag pa PET SCAN muna medyo may kamahalan 75kphp daw ang halaga... kaya nais sana namin mag benta po ulit ng relo para kahit papano makadagdag sa pang PET SCAN ni james. Salamat.po

God Bless🙏🏼💕
Our photos below

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 13/10/2021

Late Update: 3rd cycle chemo again was a success! Thank God...
Oct 7 a day before his chemo and also 43rd bday ni James, nag tirik muna kami ng candle, nagpsalamat kay Lord at humiling na sana pag bigyan pa kami ng 2nd life ni James na sana maging successful ulit ang 3rd cycle nya.
After namin nag pa swab kami ulit dahil iaadmit ulit si James. So before sya iadmit need muna pa swab.

Oct. 8, nakakuha na kami ng room. Nag repeat CBC si husband kasi bumaba CBC nya last week that week na nag pa CBC sya 76 hemoglobin nya. Kaya need sya itransfuse. But... d namin alam pagka cbc sa kanya bigla tumaas hemoglobin nya naging 89 kaya hndi na sya sinalinan ng dugo. Ang ginawa lang is hinaydrate na muna sya para sa chemo the next day.
Oct.9 chemo day nya. Mas mabilis kaysa nung 2nd chemo, kc 2nd chemo IV kc. Pero itong 3rd subue, ung ituturok lang sa tyan kaya wla pang 5hrs tapos na chemo nya. After chemo same day pinauwi na din kami. Ang bilis noh...

Preparing kami for his 4th cycle chemo. This coming Oct. 19 may interview ako sa East Ave for FREE RITUXIMAB na sana makakuha kami. Schedule ng 4th chemo nya is on Oct. 29 sana masunod namin ang sked.

This coming Saturday Oct 16, repeat CBC again kung mababa Hemoglobin blood transfuse sya ulit.. Pero sana sana sana sana.... normal...

Thank You so Much po...





Photos below

10/10/2021

Our journey is not over yet, but at least we are in a half. And we can't do this alone, so to all of you who prayed and continue praying for my husband THANK YOU💕 to all of you who gave us financial help THANK YOU💕 to all of you who supported us in our Watch and Tshirt for a cause THANK YOU💕🙏🏼 Thank You So Much for battling with us... God Is Really Good that he sent us ANGELS 🙏🏼 God Bless You All -James & Tin-





Take us out in the dark oh Lord, Lead Us to the right and brighter way we ask this in Jesus Name Amen🙏🏼

-background music not mine, ctto fb pls wag mo sama imute ganda ng song- 💕🙏🏼

Prayer & Financial Support for Daddy James Anthony Yeh Send a message to learn more

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 22/09/2021

IloIllo, Cebu, Davao, Sta Rosa, Calamba & Manila
Thank You So Much for being my husband's LIFE SAVER!!!

Done booking IloIlo & Cebu..

GOD BLESS YOU PO

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 20/09/2021

Update:

Sept 20, 9pm finally we got admitted at CMC nagka-kwarto din sa wakas... Thank You sa admission team na hndi nag sawang ipag reserve kami ng room at npkhaba ng pasensya sa akin dahil sa pangungulit ko. Thank You din K.Timmy C. hinelp mo ako sa dugo ni James, sobra sobrang salamat🙏🏼💕

Time check 1:43am, halos ktatapos lang ng mga labs ni James, daming pinapagawa ulit ni Doc, C-Xray, blood culture, potassium, sodium, creatinine etc.. naka ilang tusok din kasi tlagang ayaw na lumabas ng dugo nya, sa swero pahirapan din bago sya mahanapan ng ugat. But since fighter si James kinaya nyang lahat..

Tomorrow's agenda, later pala since madaling araw na, kkuha naman ng dugo sa redcross, badly needed kasi na masalinan sya. Supposed to be ngayon kya lang wlang dugo dito sa hosp, sa redcross bukas pa daw ng morning kaya ayun d pa sya masalinan ng dugo.

Thank God ung swab test namin kahapon Sept20, negative and sobrang bait ni ate na nap**iusapan kong makuha namin agad result kasi 1-2days pa daw sana or dpat tues afternoon pa, pero psalamat ako nung hapon sinend nya agad sakin ung result, kc kung wlang result hndi din kami ma-aadmit, kaya ate sobrang salamat sayo...🙏🏼

Thank You Papa God, kasi ang dami mo nnamang pinadalang Anghel para tulungan kami. Thank You kasi hndi mo kami pinababayaan... Ikaw na pong bahala 🙏🏼💕

Sa mga nais pong tumulong sa amin, nag bebenta kami ng tshirt and watch both for a cause. Lahat ng proceeds mappunta po sa hospital bills ni James, chemo, etc etc.. In and Out nnaman kami ng hospital, halos kalalabas lang namin last week Monday Sept.13, ngayon nandito kami ulit. Malaking tulong po ang pag bili nyo sa amin, hndi lang po kami ang mattulungan ninyo kundi mga batang cancer patient din na may hawak ng group na ito. Si Lord na po ang bahalang magbalik ng blessings sa inyo. Open ako to accept PRE-ORDERS for my 4th Batch, strictly PAYMENT FIRST VIA GCASH/LANDBANK, NO RUSH ORDER, SHIPPING FEE EXCLUDED VIA GOGO EXPRESS - WE SHIP NATIONWIDE💕

GCASH ACCOUNT:
MARIA KRISTIN C. YEH / 0998 397 5122

LANDBANK CALAMBA BRANCH
ACCT NAME: JAMES ANTHONY OUANO YEH
ACCT NO.: 2547 0254 34


450php ONLY

Thank You For Sharing💕🙏🏼

Photos below

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 20/09/2021

Good Evening po.. sa mga nag order po ng watch and shirt, dumating na po ung orders ninyo ngayong gabi lang din... As much as I wanted to book it na hndi ko po magawa dahil iaadmit po kami ulit ni husband tonight badly needed nya kasing ma-blood transfuse, promise pag uwing pag uwi po namin, aasikasuhin ko po kaagad. Pasensya na po ulit..



GOD BLESS PO...

20/09/2021

RT-PCR test this morning at CMC.. praying for a negative result..

Photos from Prayer & Financial Support for Kristin Chipeco Yeh's post 19/09/2021

Update:

Sept 13, Monday, Finally Thank God nakalabas din kami ng hosp. So far so good, wlang episode ng pag susuka.. Though Tuesday twice syang natumba, bigla na lang daw naghhina ung tuhod nya dahilan para bgla syang bumagsak, twice nangyari sa kanya same day. But aware naman kami na manghhina sya since ktatapos lang ng chemo nya. Overall ok naman sya..

But, Friday Sept 17 nagka fever sya 38.3 after nya uminom ng paracetamol nawala din naman agad, kaya chill chill lang kami, so hndi natuloy ung supposed to be CBC nya. Sept. 18 Saturday again nilagnat sya pero pagkainom nya ulit paracetamol ok sa alright nnaman sha na parang nag dahilan lang. Sept. 19 Sunday madaling araw, inaapoy tlaga sya nglagnat 38.7 so ayun medyo mataas na... mawawala tapos babalik ulit... Nag msge agad ako kay Dra. Ayun nga dali dali nyang pina CBC si james at baka nag drop down kc ung WBC nya. Baka need iadmit..

Sunday Sept 19, 6pm nsa CMC na kami nag papa CBC. 8pm nakuha ko result.. :( ang baba ng Hemoglobin nya 😢😢😢 67, ngayon kinakailangan nnaman kaming admit ulit for blood transfusion 😢 kaya lang wla nnaman bakanteng kwarto... punuan ulit... haaaay... tapos kinakailangan nnaman kami mag pa RT-PCR, bago mag admit pra d na kami nag hhntay ng result sa isolation room at diretso na kami sa regular room if ever magka bakante na since nagpareserve na ako kanina... Worry ko is, tomorrow pa lang kami mag papa swab, then Tues morning pa ang result... kaya ung reservation ko is tues pa din. Baka lalong mag drop down hemoglobin nya kung d masalinan agad ng dugo 😢 Lord please ikaw na po bahala sa husband ko, yan lang po bday wish ko.. pls po..

Hunny just hang on ok.. kaya yan.. iloveyou! Fight fight fight🙏🏼🙏🏼🙏🏼💕

Sa mga nag order ng watch most probably tomorrow ang dating kasi nag msge na sakin ang J&T hopefully tomorrow. But pls bear with me again, kc ma-aadmit kami ulit but right after po ng admission namin, ibook ko agad pra maipdala na sa inyo ung watches salamat po💕 God Bless

Sa mga nais pong tumulong sa amin, malaking tulong na po ang pag bili nyo ng tshirt and watch for a cause sa amin. Lalo na po ngayon na In and Out nnaman kami ng hosptal. Sobrang laking bills na din kasi. NO RUSH ORDER LANG PO, PAYMENT FIRST VIA GCASH. PRE-ORDER.

GCASH ACCT:
MARIA KRISTIN C. YEH
0998 397 5122

LANDBANK CALAMBA BRANCH
ACCT NAME: JAMES ANTHONY OUANO YEH
ACCT NO.: 2547 0254 34

Want your practice to be the top-listed Clinic in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

RT-PCR test this morning at CMC.. praying for a negative result..
Iloveyouhunny

Category

Telephone

Website

Address

Calamba City Laguna
Calamba
4027

Other Hospitals in Calamba (show all)
AMSI Doctors' Lying In Center AMSI Doctors' Lying In Center
Km. 49 National Highway Parian Calamba City
Calamba, 4027

Birthing Home manned by competent Obstetricians and Midwives

Saviour Medical and Dental Cooperative - Marketing Department Saviour Medical and Dental Cooperative - Marketing Department
Pamana Medical Center Building, Marketing Department, Mezzanine Floor, Brgy. Halang, National Highway
Calamba, 4027

Official PAGE of Marketing Dept. of Saviour Medical&Dental Coop which owns the Pamana Medical Center

Calamba Cancer Center Calamba Cancer Center
CMC Avenue, Crossing, Bgry. Real
Calamba, 4027

The Calamba Cancer Center exist to close the cancer care gap.

Calamba Doctors' Hospital Calamba Doctors' Hospital
National Highway, Brgy Parian
Calamba, 4027

"A Legacy of Service and Excellence" Providing our patented "Alagang Kapamilya" healthcare since 1994.

Global Care Medical Center of Canlubang, Inc Global Care Medical Center of Canlubang, Inc
Jose Yulo Sr. Avenue, Brgy. Canlubang
Calamba, 4028

Global Care Canlubang

Pamana Medical Center By Abby Pamana Medical Center By Abby
National Hiway Brgy. Halang
Calamba, 4027

Pamana Medical Center in Calamba City Laguna, was established in 1990 as a secondary level hospital. PMC boasts of proven quality healthcare track record among the resident of the ...

Calamba District Hospital MisOcc Calamba District Hospital MisOcc
Purok 4 Bunawan
Calamba, 7210

This is the Official Account of Calamba District Hospital, A government hospital located in Bunawan, Calamba Misamis Occidental. ER Mobile : 09815839881 Admin Mobile : 09308180578

CDH DRIVE THRU Laboratory CDH DRIVE THRU Laboratory
Km. 49 National Highway, Parian
Calamba, 4027

Hassle-free Laboratory test. Get tested without leaving your car. Cashless payment. Results through

Pamana Medical Center, Calamba Laguna - Health Services Pamana Medical Center, Calamba Laguna - Health Services
NATIONAL Highway HALANG
Calamba, 4027

Pamana Medical Center Official Account for Healthcare Services

Pinoy Pedia on Call Pinoy Pedia on Call
Room 3110 Calamba Medical Center, National Highway, Crossing
Calamba, 4027

A Pinoy pediatrician caters to the health needs and the development of the pediatric age group in a