Wyeth Philippines Progressive Workers Union - WPPWU

Wyeth Philippines  Progressive Workers Union - WPPWU

You may also like

Makdkdk
Makdkdk
Sikat 2D 3D
Sikat 2D 3D

Wyeth Philippines Progressive Workers Union over sixty years as a labor Union affiliated in DFA

Photos from League of Filipino Students's post 24/12/2023
VP Duterte reminds Pinoys to help the needy on Christmas 24/12/2023

PUV DRIVERS ARE NEEDY!

VP Duterte reminds Pinoys to help the needy on Christmas Helping fellow Filipinos should not only be during Christmas, but it should be done every day, Vice President Sara Duterte said on Sunday, Dec. 24, as the Philippines is set to celebrate Christmas. 

24/12/2023

MANGGAGAWA, MAG-UNYON, MAG-UNYON!

24/12/2023
Photos from Mayday Multimedia's post 23/12/2023

Photos from Kilusang Mayo Uno's post 23/12/2023

21/12/2023

Photos from Kilusang Mayo Uno's post 21/12/2023

Baka po may extra pa para sa inyong pang noche buena, tulong pinansyal para sa Welga ng mga Tsuper laban sa pag-aalis ng kanilang kinabubuhay.

21/12/2023

NO TO PUV PHASEOUT. IBASURA ANG FRANCHISE CONSOLIDATION AT ANG PALPAK, PAHIRAP AT HUWAD NA PUVMP.

Panawagan naming mga manggagawa kay BBM at sa gobyerno na ibasura na ang PUVMP at FRANCHISE Konsolidasyon. Pampubliko, Pang-masang Transportasyon ang nararapat para sa interes ng mga mahihirap na komyuters.

Mahigit 140,000 tsuper at Operators ang mawawalan ng kabuhayan dahil sa phaseout dulot ng PUVMP. Mahigit dalawamput-walong milyong komyuters naman ang babalikat ng tinatayang umabot sa mahigit 40 na minimum na pamasahe, kabilang dito kaming mga manggagawa na kakarampot at hindi nakabubuhay ang sahod.

Kayat nakikiisa kaming mga mang- gagawa sa panawagan ng mga tsuper at operator na ibasura na ang franchise consolidation at PUVMP. Panawagan din natin sa mga manggagawa suportahan ang laban para sa KABUHAYAN at Sahod na Nakabubuhay, 1100.

NAKABUBUHAY NA SAHOD, 110O. NGAYON NA!
NO TO PUV PHASEOUT.
NO TO PUVMP. NO TO FRANCHISE CONSOLIDATION.

PAMPULIKO AT PANGMASANG TRANSPORTASYON, NGAYON NA!

Photos from Drug Foods and Beverage Workers's post 14/12/2023

ITAAS SAHOD SA ANTAS FAMILY LIVING WAGE1100, HINDI TAAS PAMASAHE DULOT NG PUV PHASEOUT!

Suportahan ang Transport Strike para sa Kabuhayan at Abot Kayang Pamasahe. No to PUV PHASEOUT. NO CORPORATE TAKE-OVER! Pang Masang Tasportasyon, Ngayon na!

12/12/2023

Kabataan Rep. Manuel's response to Malacañang's order to not extend deadline of franchise consolidation:

Kung 30% ng public vehicles ang pagbabawalang bumiyahe sa Bagong Taon (dahil ayaw nilang isuko sa mga negosyo ang prangkisa nila), paano na ang commuters?

Malacanang is so insensitive to the plight of commuters. Palibhasa, lipad nang lipad at hindi naman nagko-commute.

Worse, kasama sa sinasabing 70% na nagkonsolida ng prangkisa ay ang mga tsuper at operator na napilitang isuko ang sariling prangkisa kahit labag sa loob nila -- para lang tiyakin na makakabiyahe pa sila sa Bagong Taon. May mga tsuper na gustong tumiwalag sa consolidation!

Hindi hinihingi ng mga tsuper at operator na i-extend ang deadline for franchise consolidation. Ang nais nila ay pagbasura mismo sa consolidation dahil nangangahulugan ito ng pagsuko ng franchise at pagpasa ng public transport system sa malalaking negosyo at car companies.

12/12/2023

🚨 IMPORTANTENG MENSAHE NG MGA TSUPER AT OPERATOR NA LALAHOK SA STRIKE NGAYONG DECEMBER 14-15! PAKIPASA SA LAHAT! 🚨

Para sa mga mahal naming komyuter, mga kapwa namin tsuper at operator, at sa lahat ng aming kababayan, inanunsyo na ni Bongbong Marcos kanina ang kamatayan ng aming hanapbuhay sa dulo ng taon. Sa pagraratsada ng franchise consolidation, mapipinsala ang higit 21 million na komyuter, masasagasaan ang kabuhayan ng lagpas 100,000 na tsuper at 40,000 na operator, at pwersahang papatirikin ang mga pangarap namin para sa mas maayos na kinabukasan.

Sa katunayan, ang prangkisa ay para nang diploma sa aming mga tsuper na hindi nakapag-aral. Ito ang nagsilbing gamit namin para maabot namin ang aming mga pangarap - ang pagsilbihan ang nakararami naming kababayanan, ang pag-aralin ang aming mga anak, at ang buhayin nang matiwasay at marangal ang aming mga pamilya.

Alam naming matagal na tayong lumalaban para maipagtanggol ang karapatan namin dito, pero ilang beses na rin tayong hindi pinapakinggan. Alam namin ang halaga nito para sa aming mga pamilya at para sa buong bayan, kaya hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagsasawa sa pagtatanggol nito. Pero hindi namin ito kayang gawin ng kami-kami lang, kailangang-kailangan na namin kayo.

Suportahan niyo po sana kami laban sa anumang karahasang maaaring gawin ng gobyerno laban sa mga lalahok sa strike. Ang pagdadaos ng strike na ito ay batayang karapatan namin, at sana masamahan niyo kami na ipagtanggol ito.

Mga kapwa naming Pilipino, matagal na tayong magkasangga sa pag-abot natin ng ating mga pangarap at pagtataguyod ng ating mga pamilya. Jeep na ang sinakyan natin sa hirap at sa ginhawa, sa pagkabigo at sa tagumpay. Hinatid na namin kayo sa mga palengke, pagamutan, opisina, at paaralan. Ngayon ihatid niyo sana kami papalayo sa gutom at kahirapan.

🕯️
🕯️ 🕯️
🕯️ KAPAG 🕯️
DI MO PINASA
🕯️ ITO WALA NANG 🕯️
JEEP SA ENERO
🕯️ 🕯️
🕯️ 🕯️
🕯️

12/12/2023

BLUE SHIRT BUKAS

🟦👕 BLUE SHIRT DAY LABAN SA FRANCHISE CONSOLIDATION 👕🟦

Magandang gabi mga kababayan!

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa ng ating mga tsuper at operator sa pagtatanggol ng kanilang kabuhayan.

Magsuot po tayo ng BLUE 🔵💙🌊💎 tulad ng mga polo ng mga mahal nating tsuper bukas, December 13, para ipakita ang malawak nating suporta!

Huwag pong kakalimutang i-post ang ating mga blue na damit bukas at ilagay ang at ! Punuin natin ng blue ang lahat bukas nang malunod ang mga pahirap na red at green sa gobyerno!

Photos from Kilusang Mayo Uno's post 12/12/2023
Photos from Wyeth Philippines  Progressive Workers Union - WPPWU's post 11/12/2023

TAMA NA, SOBRA NA, WELGA NA! NO TO PUV/JEEPNEY PHASEOUT. ANG LABAN NG TSUPER LABAN NG KOMYUTERS!

Inanunsyo ngayong araw ng Piston: Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide ang Nationwide Transport Strike sa Dec. 14-15, 2023 para labanan ang pag-phaseout sa mga Public Utilty Vehicle o Jeepneys. Masaker ito sa kabuhayan ng mga Driver/Operator, at dagdag pahirap sa mga manggagawa at Komyuters, sakaling ipatupad ang taning ng LTFRB ngayong December 31, 2023!

Sa PUV Modernization Program at Omnibus Guidelines ng LTFRB, mapiphase-out ang mga Public Utility Vehicles gaya ng Jeepneys at maipasa sa iilang mayayamang Kapitalista ang mga prangkisa at pagpapatakbo ng Public Transport. Hindi nanaman maawat ang pagtaasan ng pamasahe dulot nito.

Katunayan noong naisabatas ang Oil Deregulation Law at naipasa ang Petron, MRT, LRT sa kontrol ng iilang mayayaman ay hindi na maawat ang pagtaas ng pamasahe at patuloy na tumataas din ang presyo ng mga biliin. Peke ang PUV modernization program, Dagdag yaman ito sa iilang mayayaman habang dagdag hirap sa mga manggagawa at mamamayan.

Kayat sinusuportahan naming mga manggagawa at mananakay na Tutulan at Labanan kasama ang mga Drivers at Operators, dahil dagdag pahirap ito sa kakarampot na ngang sahod nating mga Manggagawa. Dapat ng ibasura ang PUV modernization, Oil Deregulation Law at iba pang iskema na ang tanging layunin ay bawiin at pababain ang salat na salat na sahod ng mga manggagawa.

NO TO CORPORATE TAKEOVER OF PUBLIC TRANSPORTATION.
YES TO PUBLIC MASS TRANSPORT!

Laban ng Tsuper Laban ng Komyuter. Mabuhay ang Uring Mangagawa.

11/12/2023

☀️ ⚡Magandang araw mga kababayan!

Sa December 31, nanganganib nang mawala ang mga mahal nating jeepney sa kalsada. Mawawalan din ng kabuhayan ang mga kapatid nating tsuper at operator sa mga susunod na taon.

💥 Para labanan ito, magkakaroon muli ng transport strike sa December 14 at 15. Pero kailangan ng mga kapatid natin ng tulong para mataguyod ito.

🤝 Ipakita natin ang diwa ng pakikipagkapwa ngayong pasko para sa mga kapwa nating Pilipino. Samahan natin sila sa pagtatanggol ng kanilang kabuhayan.

Super salamat kay Tarantadong Kalbo sa pagpapahiram ng likhang sining nya! talaga para sa mga mahal nating tsuper!

----
EASTWEST BANK:
Balai Obrero Foundation Inc
200057848889

GCASH:
Emelinda Sagcal
09561594733

Christelle Jane Delvo
0997 153 7231

IN-KIND DONATIONS

- Water
- Toiletries
- Rice
- Canned Goods
- First aid
- Medicine

DROP-OFF:
Tulong Obrero Headquarters
63 Narra Street, Proj. 3, Quezon City

21/11/2023

KWENTONG TRANSPORT STRIKE

"Para ka na ring binaril sa Luneta," ang paglarawan ni Kuya Reynaldo sa pagsuko ng mga prangkisa ng mga jeepney.

Sampung taon nang nagmamaneho ng jeep si Kuya Reynaldo, at ngayo'y sinusuportahan ang pag-aaral ng bunso niyang kapatid.

Dahil sa pagpupursigi, kanya na rin ang minamanehong unit. Gabi nga lang siya bumibiyahe. Mainit daw kasi.

Pero dahil sa nakaambang deadline ng consolidation sa Disyembre, lahat ng pinaghirapan nila, lahat ng ipinaglaban nila ng kanilang samahan para sa tiyak na kabuhayan, ay mawawala.

Madali lang naman daw sanang masolusyunan itong paghihirap ng tsuper na dulot ng "modernization." Isang salita lang ng Pangulo. Tapos.

Kaso nga, naglilibot pa sa USA. Busy sa paghahanap yata ng mga kaalyado, sabi daw sa news kagabi.

Kagabi rin, pagkatapos ng unang araw ng tigil pasada, ilan sa kanila sa MAPAJODA ay pinayagan ring lumarga ng ilang ikot para makasakay ang mga na-stranded na commuter sa Marikina.

Pinara at nasabihan siya ng isang enforcer na hirap na hirap ang mga commuter buong araw dahil sa pinaggagawang welga.

"Pagpasensyahan niyo na po, at konting tiis lang," 'ika niya. "Bukas, may trabaho pa kayo. Bukas, wala na kami."

Napatahimik na lang daw yung enforcer. Tumuloy lang si Kuya Reynaldo.

Photos from Wyeth Philippines  Progressive Workers Union - WPPWU's post 20/11/2023

PUV O JEEPNEY PHASEOUT DAGDAG PAHIRAP SA MGA MANGGAGAWA AT KOMYUTERS. TUTULAN, LABANAN!

Phaseout at hindi modernisasyon. Ipapasa sa mga iilang mayayaman at korporasyon ang pagpapatakbo ng mga Public Utility Vehicle.

Kapag tuluyang mawalis ang Jeep ngayong Dec 31, 2023, hindi lamang driver at operator ang aalisan nito ng Ikabubuhay. Dagdag pahirap ito at pasanin ng kakarampot na sahod ng mga manggagawa o baryang kita ng mga mananakay.

Katunayan, sa mga tumatakbong minibus, mas mataas ang pasahe kumpara sa mga tradisyunal na Jeep. Ganundin, sa mga LRT at MRT halimbawa, hindi maampat ang tuloy-tuloy na pagtaas ng pamasahe mula ng hinawakan ng mga pribadong korporasyon.

Ang PUV Phaseout aka Modernisasyon ay walang pinagkaiba sa iba pang iskema gaya ng Oil Deregulation Law. Gaya ng di maampat na Oil Price Hike- Direkta nito nitong inaatake ang kakarampot na ngang sahod naming mga manggagawa at baryang kita ng mga mananakay.

Kayat, nakikiisa kami at sumusuporta sa laban ng mga Driver at Operator na tutulan at Labanan ang PUV Phaseout. Pagpapabasura ng Oil Deregulation Law na nagiging dahilan ng hindi maawat na pagtaas ng langis at mga bilihin.

MANGGAGAWA, MAGKAISA! LABAN NG DRIVER, LABAN NG KOMYUTERS!

Photos from Bukluran ng Manggagawang Pilipino's post 11/11/2023
Photos from ALL Nexperia FIGHT's post 06/11/2023
03/11/2023
Laurel 'an excellent choice' for DA chief, says solon 03/11/2023

Excellent choice or Payback Time😄

Laurel 'an excellent choice' for DA chief, says solon The veteran solon described Laurel as someone with a "strong background in the fisheries industry". 

02/11/2023

ALERT: Technol Eight Phils. Corp breaches deal with union, forces machines out of factory and puts workers' jobs on the line

Alas-tres ng hapon noong October 31, 2023, puwersahang ipinuslit ng management ng Technol Eight Philippines Corporation ang dalawang makina ng pabrika. Labag ito sa kasunduan na sinangayunan ng management at unyon nito lamang Oktubre 27, 2023 kung saan walang makina ang lalabas hangga't hindi pa dumadating ang kapalit na makina.

Kinukundena ito ng mga manggagawa dahil ang paglabas ng mga makinang ito ay nangangahulugang malalagay sa panganib ang trabaho ng 20 sa mga manggagawa ng Technol Eight, isang malinaw na paglabag sa Job Security na nakasaad sa kanilang Collective Bargaining Agreement. Ang 20 na iyon ay mga miyembro rin ng unyon. Ayon sa mga manggagawa, walang malinaw ng plano ang management sa pagpapalit ng makina.

Ang Technol Eight Phils. Corp ay isa sa mga overseas bases ng Japanese na kumpanya na Toyotetsu sa Laguna Technopark, Biñan, Laguna. Pagawaan ito ng automotive parts tulad ng heat insulators at hood lock assembly.

31/10/2023

ALERT: PATAKSIL NA NAGLABAS ANG KAPITALISTANG TECHNOL EIGHT NG 2 MAKINA NGAYONG ARAW! PILIT NA PINIGILAN NG MGA MANGGAGAWA ANG PAGLALABAS NA ITO SUBALIT NAITABOY ANG MGA MANGGAGAWA HANGGANG SA GREENFIELD SA BIÑAN, LAGUNA.

NANANAWAGAN KAMI SA MGA MAMAMAYAN NA SUPORTAHAN ANG PAGLABAN AT PAGKUNDENA SA ILIGAL NA ATAKE NA ITO NG KAPITALISTA! MAY PLANT LEVEL PA NA PAG-UUSAP SA PAGBALIK NG PASOK NG MANGGAGAWA SA NOVEMBER 7 SUBALIT TRAYDOR ANG KAPITALISTANG TECHNOL EIGHT! WALANG PAGGALANG ANG KAPITALISTANG ITO SA MGA NAGING USAPAN AT ILIGAL NA TINAKAS ANG MAKINA! 20 NA MANGGAGAWA ANG MAWAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA GINAWANG ITO NG KAPITALISTA! ISA ITONG KRIMEN SA MGA MANGGAGAWA!

PANAGUTIN ANG KAPITALISTANG TECHNOL EIGHT SA KATAKSILANG ITO!

Photos from Kilusang Mayo Uno's post 29/10/2023

SOLIDARITY TO THE WORKERS AND PEOPLE OF PALESTINE!

Photos from Be Glad's post 28/10/2023
28/10/2023

FOR IMMEDIATE RELEASE

‘WE HAVE ARRIVED!’
Filipino Freelance Journalists’ Guild Launched

Metro Manila, Philippines - Metro Manila-based freelance journalists made history together on Saturday, October 21, 2023, as they lunched and launched the Filipino Freelance Journalists’ Guild (FFJ). The announcement comes after two years of arduous organizing and research into the possibility of creating a group that is solely dedicated to freelance journalists in the Philippines.

While the event was organized by Manila-based freelancers, the guild envisions expanding its reach to the regions.

“Finally, there will be an organization that will specifically cater to the needs and demands and grievances of freelancers, especially in a changing media landscape such as ours,” its interim chairperson, Maro B Enriquez, said in a Facebook post.

Jonathan de Santos, the National Union of Journalists of the Philippines’ (NUJP) current chairperson, also extended his congratulations and message of support: “The formation of this guild shows how we can go from solidarity with each other to organizing and joining together for stronger collective action.” The NUJP organized the feasibility study on freelancers, and helped with the launch of FFJ.

With the FFJ’s establishment comes the hope that freelancing in the Philippines will become more favorable to the plight of the Filipino freelancer through its creation of programs and campaigns that will not only uplift its members, but the journalism community as a whole.

# # #

Labor groups push for P750 daily wage nationwide amid inflation 26/10/2023

NATIONAL MINIMUM WAGE IBALIK, NAKABUBUHAY NA SAHOD NOW NA!

Labor groups push for P750 daily wage nationwide amid inflation Labor groups on Thursday urged the government to take action on the passage of a bill that will raise the nationwide daily wage to P750.

26/10/2023

Rule of law in the Philippines remained one of the weakest in East Asia and the Pacific, as the country fell one spot in the latest index of the World Justice Project.

Read: https://www.philstar.com/headlines/2023/10/26/2306513/rule-law-philippines-remains-one-weakest-region

24/10/2023
24/10/2023

Genocide of Israel to Palestinian People.

24/10/2023

Hinahayaan ng gobyerno ang pagtaas ng presyo dahil mas malaki ang makakamal na kita ng malalaking korporasyon, kroni at kasosyo. Mauuna pa yatang maging P20 ang fishball kaysa sa isang kilo ng bigas.

BASAHIN: tinyurl.com/25ytbmjc 🔗

Market Watch | Farmers cannot afford rice these days, says group - Bulatlat 23/10/2023

Market Watch | Farmers cannot afford rice these days, says group - Bulatlat “We are justified in opposing high rice prices that burden consumers and even farmers who cannot afford it anymore. The public must strongly oppose and protest against exorbitant rice and food prices. However, Marcos Jr’s price ceiling and other palliative measures do not explain why rice is exp...

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPWU-DFA-KMU)

WPPWU- DFA- KMU. Ang Unyon ng mga manggagawa ng Wyeth. Anim (6) na dekada nang nagsusulong ng Tunay, Palaban at Makabayang Unyonismo. Tunay na isinusulong ang interes ng nakararami. Pinakamataas ang pagkilala nito sa sama-sama at konsolidadong lakas ng masang kasapian bilang pinakamabisang sandata ng Unyon laban sa mga atake ng kapitalista at sa bulok na sistemang umiiral sa kasalukuyan. Militante nitong tinatanganan ang prinsipyong “ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa mas mabuting pamumuhay at kalagayan sa paggawa ay hindi dapat ihiwalay sa pakikibaka para sa paglaya ng sambayanan”.

Lumikha ng matinding kahirapan at pagkabusabos sa hanay ng mamamayan ang mga hindi-pantay na tratado sa ekonomiya at militar na pinasok ng gobyerno ng Pilipinas matapos igawad ng Estados Unidos ang huwad na kalayaan ng bansa noong July 4, 1946.

Malayang nakapasok ang dayuhang kapital at pamumuhunan partikular na ang mula sa US na nagpakasasa sa likas na yaman ng bansa lalo na sa murang lakas paggawa ng mga Pilipino. Ang kalagayang ito ang muling nagpaalab sa kilusang anti-imperyalista at anti-pyudal sa Pilipinas. Sa kalagayang ito isinilang ang WPPWU na itinatag noong ika-14 ng Pebrero taong 1959.

Isa ang WPPWU sa mga unang unyong bumasag sa mahabang panahon ng pananahimik sa hanay ng kilusang paggawa. Ang unang pangalan ng Unyon ay A.T Suaco & Co. Labor Union. Pagpasok ng produktong Amerikanong Wyeth Brothers sa Pilipinas noong 1962 ay naging Wyeth-Suaco Labor Union ito. Taong 1974, sa gitna ng pasistang diktadurang paghahari ni Marcos sa isang banda at paglakas ng kilusang mapagpalaya sa kabila ay nagpalit ulit ito ng pangalan--- Wyeth-Suaco Laboratories Progressive Workers Union (na sa kinalauna’y naging Wyeth Philippines Progressive Workers Union o WPPWU) na tanda ng pagtatatak nito sa sarili bilang palabang unyon.

Videos (show all)

#NoToPUVPhaseout #SahodItaasPresyoIbaba
NO TO PUV PHASEOUT. LTFRB TUNGO SA MALACAÑANG!#NoToPUVPhaseout #SahodItaasPresyoIbaba
#NoToPUVPhaseout #SahodItaasPresyoIbaba #familylivingwage1100
#SahodTrabahoKarapatanIpaglaban#TrabahoKailanganHindiTanggalan
Ngayon | Araw ng International Workers’ Memorial Day. Sa buong mundo, inaalala ngayon ang lahat ng mga manggagawang nama...
PANDEMIC CORONA-VIRUS. PANAWAGAN PO SA MGA KUMPANYA AT GOBYERNO. PROTEKTAHAN PO NATIN ANG MGA MANGGAGAWA SA PAGLALAAN NG...
Wyeth Philippines Progressive Workers UNION - DFA - KMU
Mangagawa ang Naglilikha ng TUBO o Yaman ng Kapitalista kaya makatwiran na makamtan nila ang kabahagi ng naturang Yamang...

Category

Address

Calamba
Other Labor Unions in Calamba (show all)
Mmysceu GROUP PAGE Mmysceu GROUP PAGE
CIP II Calamba Laguna
Calamba, 4027

Mmysceu is a Local Union stablished year 2020. Updated Member as of October 2022: 257 total members

Lnmfep-Olalia-Kmu Lnmfep-Olalia-Kmu
Canlubang
Calamba

Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric Phils.-OLALIA-KMU