Lapis ng Pag-ibig

kung sakaling maligaw ako sa mundo,
naway Panginoon ang gumawa ng daan.

28/04/2024

Sino makaka-unawa sa Isip ng Diyos?

Mga planong nakaka-bigla, Hindi alam ang simula, nguni't kailangan ituloy mula sa pananampalataya, Naranasan malungkot, magalak at mayamot, sadyang nakakatakot Ang pag dating ng kirot.

ma-uunawaan mo talaga na Diyos ang karunungan, kapag ang sarili ay di sang-ayon sa sariling kapasyahan,

Lagi nilalaban ang pinaka-malakas na kawal ng Hari, Nasa kondisyon ang katawan ganun din pag-uwi,

sa digmaan din nasa harap ang pinaka-malakas na sundalo, hindi matitinag kahit ano pa ang ibato,

Anong magagawa ng isang mabangis na oso, kung Iharap ang akala niya'y mas malaki ay talo na ito.

umiingay ang takore dahil sa init nito, Kakalat ang init pag nabuhos ito.

Ano nga ba ang plano Niya? Bakit may sitwasyong hindi abot ng unawa, mahihinto kapag nadapa, dipende sayo kung tutuloy ka pa? nalungkot ba ako kaya ako nag tuon sa sarili? O kaya ako nalulungkot dahil nag tuon sa sarili.

Aking naintindihan na ang karunungan ay di para i-hayag na madami kang nalalaman, kundi lantad sa iyong kilos ang iyong kaalaman at napapakinggan.

17/04/2023

Dati di ko alam ang pinag kaiba nang aksaya sa dapat pag aksayahan, kasi dati mas pinipili ko ang pag sama sa kaibigan, kesa gumawa ng mga gawain sa paaralan, at pag-uwi ay galit ang magulang kung san nanaman naparoon, kung nag aral nalang sana ako, parang mas pinili ko ang cotton candy sa isang lollipop, nabighani ako kasi malaki ito, ngunit panandalian lang pala. ngayon na nasa idad na ako sa huli ko nalalaman kung aksya lang ba or dapat pag aksayahan ang isang bagay, nalaman ko na di naman pala kailangan ng ulo ng isang langaw para mabuhay, o di naman habang buhay gumapang ang isang higad, ganun din sa tao may mga bagay na di naman pala kailangan, at mga bagay na aantayin mo lang, na parang isang kiliti ang aksayadong bagay na panandaliang kasiyahan.

Dapat pala kinain ko nalang ang keyk kesa ipunas sa mukha ng mga kaibigan, dapat pala nag solve nalang ako ng mga assignments kesa computer, o dapat pala nung una Panginoon nalang ang hinabol ko kesa sa mga taong lumalayo, dapat pala nanood nalang ako ng tv kesa maligo ng ulan, dapat pala di ko tinipid yung pamasahe pag-uwi, pero ngayon nalalaman ko na ang aksaya sa dapat pag aksayahan.

Ikaw ba suriin mo ang mga bagay na ginagawa mo, aksaya bayan o dapat pag aksayahan.

17/04/2023

bakit ako nalulungkot sa mga bagay na di ko alam, na para bang lumilipad ako sa kalagitnaan nang kalawakan, nag iisa, baka marahil malapit lang sakin ang kasiyahan pero malayo ang aking puso, nilagay ako sa lugar kung nasaan ang Panginoon, sa umpisa wala lang, sa umpisa di interesado, na para bang isa akong bulaklak sa isang malamig na niyebe at pinipilit umusbong, o isa akong kamatis sa isang pangit na lupa, dahil lantad ako sa lugar na yun, alam ng langit ang lahat, isang kamatis sa maruming lupa, bagama't nag bunga ako ng pangit na bunga, ngunit napaka tamis naman nito, ganto pala pakiramdam na nang galing ka sa dumi, na nagawang mag bunga nang masagana.

Sa Panginoon nag mistula akong canva na siya na ang bahalang kumulay sakin,nag mistula akong lobong lumilipad dahil kita lang nila ang lobo, nguni't sa loob ko ang dahilan kaya ako umaangat at umaabot sa langit sa madaling salita hindi ako ang dahilan nang pag kulay, pag angat, paglipad, pag usbong, at pag bunga ko, halos di ko na makilala ang sarili ko, minsan tinanong ko din na sino na ba ako? hanggang sa napag tanto ko na mali pala ang tanong dapat pala ang tanong ko ay

Ano ba ang ginawa mo Panginoon?

17/04/2023

Sa buhay ng tao may mga sariling deksyonaryo, sa deksyonaryo ko nung una nandito ang salitang lungkot, galit, at pag pupuna, ganun din sa diksyonaryo ng iba nandun ang mga salitang hindi dapat pakinggan o maisagawa, at aking napag tanto na wala din pala sakin ang salitang "katotohanan", o sadyang meron ako ngunit ayoko nito dahil di ko kayang tanggapin, noong sinulat ko ang salitang "katotohanan" sa deksyonaryo ko, lahat nang mga magagandang salita ay nadagdag ko, pagtimpi, at salitang saya, minsan kailangan mo lang pala tanggapin ang isang salita o isang bagay para maunawaan ang lahat, at isa sa pinaka mahalaga sa lahat ang salitang "pag-asa" na minsan nawawala minsan dumarating at minsan nanatili, isang salitang malikot at kahit kanino pwede mo ibigay, ngunit may isang salita sa deksyonaryo na kahit minsan di nawala, ang salitang "pag-ibig".

17/04/2023

Kanino ka umuuwi kapag pagod ka?
Kapag napapagod ako di pala sapat ang bahay lang para mag pahinga, dahil napag tanto ko na di lang pala basta bahay ang inuuwian o hinahanapan nang pahinga, yung iba may sari-sariling instrumento sa pag papahinga, yung iba anak, yung asawa, magulang, pero minsan ang tinatawag nilang pahinga ay dahilan papala ng pag dagdag nang pagka-pagod nila..
Pero subukan mo umuwi sa Panginoon, siya ang mag sisilbing tahanan, bahay, pahinga, at kapayapaan, umuwi ka sa kanya at bitawan mo na ang mga dinala mo, Panginoon ang bahalang mag Ligpit, mag asikaso, mag ayos ng mga bagay na dinala mo, siya ang mag sisilbing tahanan, na kapag nagawa mong marumihan, madapa, magalusan, masugatan sa labas, siya ang bahalang gumamot, luminis, umayos, at papayuhan ka nang mga bagay na makakatulong sayo.
Ikaw ba sino ang tahanan mo?

17/04/2023

Ipina-panalangin kita.
Ang pagiging spesyal ay di lang basta basihan sa kung ano binigay mo o kung ano pinapakita mo, minsan ang pagiging spesyal ay kung paano ka sinasama sa mga dasal, sa iyong kaligtasan, at masiglang pangangatawan.
Ganun na rin sa mga bagay na ginagawa mo, marahil di ka niya nakikita, pero ipina-pasalangit niya nalang ang buhay mo, dahil di ka niya tanaw, ngunit alam niyang kita ka ng langit, Alam niyang maaninag ka sa bawat oras na madilim ang araw mo, alam niyang masisilayan mo ang pag-asa at kompyansa sa sarili, dahil di ka niya tanaw, ngunit alam niyang maaninag ka nang ilaw.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Caloocan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address

Brgy 128
Caloocan
1234
Other Churches of God in Caloocan (show all)
Elijah Mission Church Inc. Elijah Mission Church Inc.
North
Caloocan, 3023

Let us all act as a son of God and a good member of this church. Please help in constructing this page.

Jesus Saviour Jesus Saviour
Caloocan

This page to encourage and give light about our God Jesus Christ that he is the LORD and saviour to o

JFGPC bagong silang community JFGPC bagong silang community
PH2 PKG2 BLK30
Caloocan

VISION To save and release people from the bandage of sin were demon posses by conceiving Faith from

COG Kaunlaran Village Caloocan COG Kaunlaran Village Caloocan
Caloocan

COG CALOOCAN - Kaunlaran village is also known as COG DAGAT DAGATAN. We are one of the churches of Church of God here in the Philippines. PUSH FURTHER for God's Glory!

DjVhon Bible Verse DjVhon Bible Verse
Dimasalang, Dalisay #61int
Caloocan

DjVhon bible verse everyday The Papuri Singer's! Topic on Djvhon bible verse

The Lord’s Hand The Lord’s Hand
Caloocan, 1400

“We are apostolic Kingdom People” Commissioned for the End-Time Harvest

Avail your own business Avail your own business
Oval Sampaguita Street, Maligaya Park Mbb. Building 2nd Floor
Caloocan, 1400

� Before to Invest always ask for company legalities � Business Permits � Proof of Payments ?

Jccw9 Community Bagong Silang Caloocan City Jccw9 Community Bagong Silang Caloocan City
Bagong Silang Caloocan City
Caloocan, 1428

CHURCH OF GOD

Christ's Mission Church Christ's Mission Church
321 Pampanga Street Brgy 145 Bagong Barrio
Caloocan, 1400

This is the Official page of Christ's Mission Church, Bagong Barrio Caloocan.

God Is Love Church of the Nazarene-GILCON God Is Love Church of the Nazarene-GILCON
Caloocan, 1428

Anyone who does not Love does not know God, because God is Love. -1John 4:8

Forever Living God Foursquare Gospel Church Forever Living God Foursquare Gospel Church
Bagong Silang
Caloocan

JESUS is the SAVIOR,BAPTIZER,HEALER and COMING KING. #WeAreFoursquare

THSCI-Libis THSCI-Libis
Tamban Street, Barangay 20
Caloocan

Touch of the Holy Spirit, Int.