Budgetarian Food Crawl

Features budget friendly food blog!

09/04/2023

Maraming salamat po sa lahat ng nag-like at nag follow! Mula sa 30 followers, nasa 300 na po tayo ngayon!

Maraming salamat po! ❤️❤️

09/04/2023

Posting soon! Less than ₱150 pa rin!

Sorry medyo matagal tagal tayong walang post. Medyo busy lang at naglipat kasi ako ng bahay. Pero share ko sa inyo yung napuntahan kong sizzlingan! Super sarap ultimo kanin, masarap!

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 24/02/2023

❤️ Six Ladies Palabok, Divisoria Mall ❤️

Palabok na masahog, masarap at di ganun kamahal! ₱60 pesos lang!

Dito lang ako nakakita nh palabok na nilalagyan ng squid ink. Kakaiba yung kulay pero masarap. May p**o rin na pwedeng orderin partnet ng palabok.

📌 Ilalim sya ng palengke so don't expect too much sa place. Pero kung di ka maselan sa lugar, go na!
📌 Pwede mong timplahan yung palabok mo ng bawang, onion chives, paminta etc! Lahat nasa lamesa kumuha ka ba lang.
📌With chicharon kaya naman mas lalonh naging malasa.
📌 This is a Carinderia so if bet mong magkanin, ay pwedeng pwede! May lechon kawali, bicol express atbp.
📌 If trip mong mag lugaw at tokwa, available din!

Overall, masarap mga pagkain. Di tinipid, malinis ang psgkakagawa at marami ang servings!

Babalik ba ako? Yes! Lalo na kapag nadayo ako ng Divisoria ulit.

Although kung palabok rin lang ang pag uusapan, bukod sa mga palabok sa Quinta Market, Quiapo, may isa pa akong kinakainan na super sarap sa halagang ₱35 pesos sa may Caloocan. Post ko next time!

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 21/01/2023

Fried Noodles na di bitin???

At napadpad na nga ako sa Welcome Plaza sa Libertad, yung mall na katabi ng LRT Station going to Monumento.

Sa baba nun, merong Puregold, counter 24 and 25 makikita mo yung BUDGET BOY HONGKONG STYLE FRIED NOODLES!

At eto na nga ang kinagulat ko, P60 pesos lang yung inorder ko pero halos di ko maubos! No joke! Akala ko pa dalawa kaming nag order pero OMG! Para sakin lang pala yung niluto ni kuya!

📌Napakarami ng servings, LEGIT!
📌Marami yung gulay, may repolyo, leeks, at toge! Sa iba, toge lang pero dito, maraming gulay!
📌Kalasa nya yung mga fried noodles sa mall pero sobrang dami as in!
📌May kasama na syang 2pcs siomai
📌Malinis yung pwesto, pwede ka ring umorder ng gulaman
📌Sauce all you want!!!!
📌At uulitin ko, DI KA MABIBITIN!
📌Sobrang mura. 💯

Rating ko? ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

📍Location: Ground floor, Welcome Plaza Libertad, hanapin nyo lang yung puregold counter 24 and 25.

Isa lang daw location nila, at dun lang sa mall na yun. Sana mag expand sila since isa to sa patok na negosyo. At sana di sila magsawang magbigay ng maraming servings para sulit na sulit! 🤙🏻🤙🏻🤙🏻

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 10/12/2022

📍QUIAPO FOOD CRAWL📍

Saan nga ba masarap kumain kapag nasa Quiapo Church ka banda? Or kapag after mo magsimba?

Kung masipag kang maglakad, marami kang pwedeng kainan. Less than P100 pesos mo, busog ka na, nalibang ka pa dahil masarap magikot-ikot.

After mong mag-simba, daan ka na dito!

P75 pesos! Palabok Overload!

Sugod na sa trending na Jolli Dada’s Eatery!

Dito lang to sa Quinta Market, Quiapo, Manila.
📌Mas ok kung pipila ng maaga
📌Order kayo ng p**o nila super lambot at masarap!
📌 Pwede rin umorder ng extra chicharon pero sa laki neto, di ka na mabibitin
📌Syempre, order na rin ng malamig na softdrinks 🤙🏻

Globe Lumpia House Delivery Service
📌Super solid na Lumpiang Sariwa
📌Murang mura, P35 petot only!
📌Malaman, medyo maliit pero sobrang sarap!

Desserts?
Vienna Bakery sa labas lang ng Quinta Market katabi ng Excellente Chinese Cooked Ham
📌less than P20 pesos may bagong lutong lumpia ka na
📌One of the best hopia na natikman ko
📌Buttery tapos masarap yung crust nh mismong hopia
📌Napatake-out kami sa sarap!

So next time na madaan ka sa Quiapo, di kelangang gumastos ng mahal para mabusog kaya sugod na!

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 03/12/2022

P99 NA SUPER LAKING PORKCHOP! 🤤🤤🤤

And as what I have said, bumalik kami sa Cafe Gostoso to try their other food choices just a week after our last visit.

This time inagahan namin ng konti pero mas dumami pa pala ang tao since our post went viral! Maraming salamat sa inyo! ❤️

Very accomodating pa rin sila as usual and they offered their version of CRISPY SISIG and it was sooooo good!
📌Hindi mataba, hindi puro atay at sobrang malasa!
📌You can ask for chili and calamansi tapos may toyo sa table and other condiments din.

We ordered PORK CHOP and trust me, pang dalawang tao sya (see pictures below) ! 😂
📌 Pwede sa walang ipin kasi napakalambot ng karne! I was not expecting that since fried sya!
📌 Crispy on the outside but soft yung mismong karne.
📌 Sooobrrrang laki! 👌👌👌
📌P99 pesos rin!

Their food was great and recommended na inuman mo ng malamig na mountain dew after! Pwede ka ring humingi ng yelo. 🤙🏻

May mga student meal din sila and other choices like lechon kawali, hungarian hotdog etc.

So ano pa! Kung di ka pa convinced kumain dito, ewan ko na lang!

P.S: may mga stray dogs minsan pero mababait sila and they are just around hoping to get some food. Please don't "shooo" them away or kick them away. 🐶🐶🐶

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 27/11/2022

P99 pesos! P 99 pesos!

📌Unli Java Rice - buttery, may lasa at hindi food coloring lang!

📌Unli Gravy - Masarap, lasang legit na gravy talaga

📌Unli Soup - Sinigang soup pero mas better kesa sa Mang Inasal 🤙🏻

Cafe Gostoso
📍Infront of STI Caloocan/ U.E Caloocan

-Chicken na lang naabutan namin since around 12 midnight na kami nagpunta pero andami pa ring taong nakapila at dumadating! We had to wait for couple of minutes pero worth it!

-Malaki yung chicken (see pictures below) and malasa! Nakailang kanin kami kasi masarap yung kanin and soup.

-Other food choices: sizzling sisig, hungarian, pork chop and sizzling lechong kawali na for sure masarap din 💯

We'll definitely come back! 👌👌👌

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 06/11/2022

Baka madayo kayo sa Lucky Chinatown, don't forget to try !

Their asian noodles is packed with flavor and loaded with toppings! What's interesting is that hinding hindi ka mabibitin sa beef or dumplings na toppings and take note, Super sarap ng dumplings nila na perfect din isawsaw sa chili sauce!!!!

Price? Syempre, 150 petot lang yan! Perfect sa maulan at malamig na weather! 🤘🏼

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 04/11/2022

Sign na to! Mag Popeyes ka na!

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 28/10/2022

Ang pinipilahang mamihan sa Binondo! Sugod na sa MAMIHAN NI LAKAY!

Pumila ng maaga para hindi maubusan dahil umaga pa lang,mahaba na ang pila 💯 (7am pa lang nakapila na kami! Hehehe)

📍Location is sa kanto ng Dasmarinas St cor. Quintin Paredes st, Binondo!

-Masarap ang sabaw, malasa, hindi gaanong kalapot at maraming bawang at onion chives
-Pwedeng magpa-refill ng sabaw
-Hingi ka ng chili garlic at kalamansi para mas sumarap

Pinaka-dabest? LECHON KAWALI!
-Malutong, malaman at malambot!
-Marami ang servings ng laman, di ka mabibitin!
-Sobrang crispy ng balat! 😛
-Order ka na rin ng mga lutong ulam like caldereta, dinakdakan or dinuguan

Price ranges from 75-100 petot! Winner na winner kaya rampa na!

25/10/2022

Marami pong salamat Shanghai Fried Siopao sa pag-share ng aming post! God Bless your business po! ❤️

25/10/2022

Masarap at malutong na LECHON KAWALI! Less than 100 petot pa rin! 💯

Uploading soon!

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 20/10/2022

Binondo Food Crawl!

Sa less than 100 petot mo, may mabibili ka na! Mas makakatipid ka kung may kasama ka, kaya ayain na ang barkada!

Must try!

Shanghai Fried Siopao
-Siopao is 35 petot pero SOBRANG SARAP!
-Malaman, Siksik at Malasa!💯

D**g Bei Dumpling
-Kuchay Dumplings is 200petot (14pcs, steamed)
-Malambot at malasa, with sauce pa!

LGA Fastfood
-Perfect dito kumain lalo na kung barkada kayo
-Winner ang buttered Chicken
-Marami ang servings
-Isa sa pinakamasarap na Pancit Canton na nakain namin!


-Mura ang mga tinapay
-Malambot at masasarap ang sliced cakes
-With expiration date ang mga tinapay
-Maraming choices!

Mamili ka na rin ng gulay along the way, at bumili ng nga prutas!

**gBeiDumplings

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 08/10/2022

Kainan sa Sangandaan! Punta na sa DanMig's Canteen!

Located at Sangaandaan Market, tabi lang ng SM Sangaandaan, Caloocan City!

Mura, masarap, marami ang servings! Pwede magrequest ng kalahati sa ulam kung nagtitipid ka. 💯

Taste: ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️
Serving: ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️
Price: ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Bili ka na rin ng Pancit Bihon! Ate syempre, less than 80 petot lang ang price ng mga ulam! Oh diba!

Recommendations: Lumpiang Shanghai, Menudo, Caldereta 🤙🏻

P.s: Pwede magpa toppings ng sarsa sa kanin kapag dine-in ka! Bongga!

02/10/2022

Basta less than 150 petot na pagkain, popost natin! Mura pero syempre, masarap! 💯

Send a message to learn more

Photos from Budgetarian Food Crawl's post 02/10/2022

Mami with Unli Rice? Drop in! Perfect sa maulang panahon!

Malapot at mainit na sabaw, unli rice, at open kahit madaling araw! ✅

Prices starts at 40 petot!

Taste: 4/5 ⭐️⭐️⭐️⭐️
Price: 5/5 ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️
Serving: 5/5 ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Location: Juan Luna Street, Gagalangin Tondo Manila. You can see them right infront of Puregold JR.

Want your restaurant to be the top-listed Restaurant in Caloocan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Posting soon! Less than ₱150 pa rin! Sorry medyo matagal tagal tayong walang post. Medyo busy lang at naglipat kasi ako ...
Masarap at malutong na LECHON KAWALI! Less than 100 petot pa rin! 💯Uploading soon! #Binondo #Ongpin #budgetarianfoodcraw...
#lgafastfood #binondofoodcrawl #ongpin #foodtrip #budgetarianfoodcrawl #DongBeiDumplings

Website

Address

Metro Manila
Caloocan
1410
Other Fast Food Restaurants in Caloocan (show all)
El Chubby Pizza Sangandaan & Bago Bantay El Chubby Pizza Sangandaan & Bago Bantay
Caloocan, 1408

The most affordable and best quality pizza

AJ BELLY BUSOG AJ BELLY BUSOG
Caloocan, 1412

THANK YOU FOR VISITING OUR NEW PAGE AJ BELLY BUSOG . We been operating for more than a year now. We promised to give our customer a beyond satisfaction and taste guaranted that wi...

J-Pax's J-Pax's
Ph5 A Blk28 Lt17b Bagong Silang
Caloocan

North Caloocan's Best Mexican Style Food Hub

REB'S Diner REB'S Diner
Caloocan, 1400

Formerly known as "Babyq sa Kawali", Reb's Diner is an online food restaurant that prides itself on its special fried rice meals. Palmera branch will be serving soon.

Lukas’ Street Bites Lukas’ Street Bites
Camarin
Caloocan, 1100

Papi's Burger Papi's Burger
#31Pilar Street, Morning Breeze Subdivision
Caloocan, 1400

The New Burger in Town

AL-jehan Halal food house AL-jehan Halal food house
Caloocan, 1400

Muslim recipe

Super Burger Super Burger
121, 5th Street (Formerly B. Serrano) Corner P. Jacinto, Brgy. 87
Caloocan, 1400

Affordable and Quality Flamed Grilled Quarter Pounder Burgers

Boodle At Kapeehan Boodle At Kapeehan
Metroplaza Mall, Barangay 185, Caloocan City, Metro Manila
Caloocan, 1400

The boodle way of sharing.

COOLTO SHOP COOLTO SHOP
124 San Diego Street
Caloocan, 1014

Looking for Authentic taste of Mediterranean food? WE GOT YOU :)

BRAVO Sizzling House  - Deparo road Bagumbong BRAVO Sizzling House - Deparo road Bagumbong
Blk 1 Lot 9 North Crest Village, 1421 Caloocan City
Caloocan, 1400

✅UNLI RICE - GRAVY- BULALO SOUP 99PHP