Amier pangawilan

I want share about islam
Daawah

27/04/2023

Tara mga legit resbakers follow for follow 🔙

27/04/2023
27/04/2023

Tandaan nyu hnd masamang bumitaw😌
Lalo na pag mainit pa yung Takip ng kaldero😆😂

27/04/2023

Call all active page here legit rebakers
Tara follow to follow back

09/04/2023

Gd evening everyone fallow for fallow nanamn poh,tau mga idol resbackan agad walang pang matagalan,resbackagad!

03/02/2023

Jummah mubarak💟💟

02/02/2023

BATAYAN NG HALAL AT HARAM NA PAGKAIN MULA SA MGA HAYOP❗❗

👉 Note: Upang hindi ka malito kung ano ang HALAL o HARAM MULA SA MGA PAGKAIN, BASAHIN ANG POST NA ITO❗

👉 Dahil sa napakaraming uri ng hayop sa kalupaan, karagatan at sa kalawakan (ibon) at hindi lahat ng mga hayop na ito ay hayag o detalyado ang batayan (Daleel), Ating minabuti na banggitin sa bawa’t usapin ang:
PANGKALAHATANG PRINSIPYO SA ISLAM HINGGIL SA PAGKAIN upang makatulong sa tamang pagpapalabas ng hatol (hukom)❗

☆☆ MGA URI NG PAGKAIN AT ANG HATOL NITO AY NAHAHATI SA TATLO:

1-May matibay na batayan ng pagpapahintulot kainin

2- May matibay na batayan na ipinagbawal kainin

3-Wang batayan ng pagpapahintulot at pagbabawal.

☆☆ PALIWANAG:

1-MAY MATIBAY BATAYAN NG PAGPAPAHINTULOT

Kabilang sa pangkalahatang Prinsipyo hinggil sa pagkain ay:
“Ang lahat ng pagkain na malinis at hindi nakakapinsala ay ipinahintulot kainin at ito ay nahahati sa dalawa:

-MGA PANANIM “PRUTAS AT GULAY"
☆ Ito ay HALAL hangga't di nakakapinsala at nakakamatay!!

-MGA HAYOP “sa kalupaan, kalawakan at tubig”

ITO AY NAHAHATI RIN SA DALAWA:

a -Mga Hayop na naninirahan sa tubig “dagat o ilog” katulad ng isda at lahat ng uri nito.
Ito ay HALAL hangga't hindi nakakapinsala, nakakalason o nakakamatay!!

Mayroon ding ipinagbawal kainin dahil ito ay marumi, may pangil at mabangis tulad ng AHAS!

👉👉 Hinggil sa BUAYA sa sunod nalang na post.

- Ang lahat na ipinagbawal patayin ay ipinagbawal din kainin tulad ng palaka!!

-Ang lahat ng pagkain mula sa tubig ay hindi kailangan ang pagkatay!

b - Ang mga Hayop na naninirahan sa kalupaan na may matibay na batayan na ito ay HALAL, Ngunit bago ito makain ay dumaan sa tamang pagkatay, ito ay ang mga sumusunod:

a-BAHEEMATUL AN-AM
Ito ay ang lahat ng uri ng KAMELYO, BAKA at KAMBING
kabilang sa kawan na ito ay ang usa, tupa, kalabaw, kanggaro!!

b-KABAYO

c-RABBIT

d-DABB
Ito ay kahalintulad ng hitsura ng bayawak ngunit hindi ito bayawak.
Ang bayawak ay Haram kainin dahil ito ay kumakain ng buhay o patay na hayop, Samantala ang DABB ay ang tanging kinakain lang nito ay damo o halaman at kadalasan namumuhay sa desyerto

e-MANOK, kabilang sa kawan nito ay ang: PATO, ITIK, TURKEY AT GANSA
f- TIPAKLONG O BALANG “grasshopper”. Ang tinutukoy na balang ay ang kulay dilaw.

g- A**O SA KAGUBATAN “wild donkey o Zebra”, kadalasan ang kulay nito ay itim na may desinyong stripe.

2-MGA HAYOP NA IPINAGBAWAL KAININ DAHIL SA MAY MATIBAY NA BATAYAN

👉 Ang pangkalahatang Prinsipyo hinggil sa pagkain na HARAM ay:
“ANG LAHAT NA PAGKAIN NA MARUMI AT NAKAKAPINSALA AY IPINAGBAWAL KAININ”
Ito ay ang mga sumusunod:

a-MAYTAH "patay na hayop"
Ang lahat ng hayop na HALAL ang origin nito katulad ng kambing etc. ngunit hindi dumaan sa pagkatay ay matatawag ding MAYTAH at kabilang din ang nahiwalay na parte ng hayop na hindi nakatay at gayundin ang balot!!

b-DUGO
Ang lahat ng dugo ng Hayop na halal ang origin nito tulad ng kambing etc. ay bawal kainin ang dugo maliban lamang sa natirang dugo pagkatapos katayin at ang natirang dugo pagkatapos lutuin!!
Kaya, bawal sa Islam ang pagkain ng hayop na dinuguan!!

c- LAHAT NG HAYOP NA HALAL ANG ORIGIN NGUNIT ITO AY INIALAY SA DIYUS-DIYUSAN,
Sa ganitong kalagayan ay HARAM ito kainin

👉 HARAM din kainin ang namatay sa pamamagitan ng:
PAGBITIN, PAGPALO, NAHULOG, NASAGASAAN, NALUNOD, NATAMAAN NG SUNGAY NG KAPWA HAYOP O KINAGAT NG MABABANGIS NA HAYOP,
ANG LAHAT NITO AY HARAM KAININ MALIBAN LAMANG KUNG INABUTANG BUHAY AT NAKATAY AGAD,
SA GANITONG KALAGAYAN AY HALAL ITO KAININ!!

d-LAMAN NG BABOY

e-ANG LAHAT NG HAYOP NA NAKAKAPINSALA SA KATAWAN
katulad ng: nakakalasong hayop, nakakalasing o nakakamatay!!

f-ANG LAHAT NG MGA MABABANGIS NA HAYOP NA MAY PANGIL
tulad ng: LEON, UNGGOY, LOBO, TEGRE, A*O, PUSA, LEOPARD etc.

g- ANG LAHAT NG MGA IBON NA NANDADAWIT SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA KUKO
tulad ng: LAWIN, KUWAGO, PALKON etc..

h- ANG LAHAT NG MGA IBON NA KUMAKAIN NG BUHAY AT PATAY NA HAYOP
tulad ng: AGILA, UWAK etc.

i- LAHAT NG HAYOP NA IPINAHINTULOT PATAYIN
Katulad ng: UWAK, ALAKDAN “SCORPION”, DAGA, NANGANGAT NA A*O etc.

j- LAHAT NG HAYOP NA IPINAGBAWAL PATAYIN
Katulad ng:
Langgam, palaka, pukyutan (bee) etc.

k-LAHAT NG MARURUMING HAYOP
tulad ng: LAHAT NG URI NG:
DAGA, UOD ,PESTE, A*O, UNGGOY, AHAS, LANGAW, PUTAKTI etc.

l-JALLALAH
Ang Jallalah ay hayop na mula sa Halal kainin katulad ng itik, pato o manok ngunit kadalasan ang kinanain nito ay mula sa marurumi,
Sa ganitong kalagayan ay HARAM ito kainin maliban lamang kung ito ay ikulong ng tatlong araw at pakakainin ng malilinis na pagkain saka ito ipinahintulot katayin at kainin

m- A**ONG INAALAGAAN (donkey)
Ang a**ong ito ay kalimitan inalagaan at ginamit bilang sasakyan at kaiba ito sa a**o sa kagubatan na ipinahintulot kainin.
Kadalasan ang hugis nito ay walang stripe sa katawan

3-WALANG BINANGGIT NA PAGBABAWAL AT PAGPAPAHINTULOT

Ang mga bagay na nanahimik ang Batas hinggil dito (walang batayan ng pahintulot at wala ring batayan ng pagbabawal),
Ang tamang pananaw ng mga pantas (ulama) hinggil dito ay HALAL “ipinahintulot"

Alinsunod sa sinabi ng PROPETA (sumakanya ang biyaya at pagpapala):
“….At nanahimik sa mga bagay bilang Habag sa inyo na hindi naman ito kinalimutan ay huwag na ninyo itong hanapin”
Ang Hadith ay authentic ayon kay Hakim

Isinalaysay ni Abu Dardaa (kalugdan siya ni Allah) na Sugo ni Allah ay nagwika:
“Anuman ang Ipinahintulot ni Allah mula sa kanyang aklat, ito ay HALAL at anumang ipinagbawal ito ay Haram at ang mga bagay na hindi na inihayag (nanahimik), ito ay kapatawaran (ipinahintulot”

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "….وسكت عن أشياء رحمة لكم من غير نسيان فلا تبحثوا عنها” أخرجه الحاكم (2/375) وصححه، ووافقه الذهبي

حديث: "ما أحل الله في كتابه فهو حلال، وما حرم فهو حرام، وما سكت عنه فهو عفو”

✍️ Zulameen Sarento Puti

02/02/2023

MAAARI BANG TUMULONG ANG MAYBAHAY SA PAGNENEGOSYO KASAMA ANG ASAWA?❗❗

👉 Conclusion: Wala pong pagbabawal sa batas ng Islam na tulungan ng maybahay ang kanyang asawang lalaki sa pagnenegosyo (pagtitinda) kapag nagawa ang kundisyon nito.

☆ Ang pamamalagi ng babae sa kanyang tahanan ay siyang pinaka mainam sa lahat at ang kanyang paglabas sa kanyang tahanan ay madalas pinagmumulan ng pagsubok (Fitnah) sa mga kalalakihan.

👉 Sinabi ni Allah: "O mga kakakabihan! Manatili kayo sa inyong mga tahanan" Soorah Al'Ahzab: 33
قال تعالى: "وَقَرْنَ فِي بُيُوتِكُنَّ" الأحزاب: 33

- Ngunit kung hindi maiwasan makapagtrabaho, nararapat at mainam na ang nature ng trabaho ay nababagay din sa mga kababaihan tulad ng pagtuturo, panggagamot o anumang gawain na natatangi lamang sa mga babae na walang paghahalo ang lalaki at babae,
Sa ganitong kalagayan ay walang pagbabawal na siya ay magtrabaho

- Gayundin Ang pamamalagi ng maybahay sa kanyang tahanan upang mag-aruga sa kanyang asawa, anak o pangalagaan ang dangal ay siyang pinaka mainam na kalagayan para sa kanya dahil ang pagiging matuwid na pamayananan ay nagsisimula rito.
Sa ganitong kalagayan, dito nagtagumpay ang mga Salaf (sinaunang mananampalataya)

👉👉 HINGGIL NAMAN SA PAGTULONG NG MAYBAHAY SA KANYANG ASAWA SA LARANGAN NG PAGNENEGOSYO AY WALA NAMANG PAGBABAWAL KAPAG NAGAWA ANG MGA SUMUSUNOD:

♦️ Malayo sa Fitnah

♦️ Nagsusuot ng Hijab

♦️ Walang mixing ng lalaki at babae

♦️ Kung lalabas ng tahanan ay kailangan magpaalam sa kanyang asawa.

♦️ Kung hindi maiwasang makipag-usap sa mga lalaki, kailangan may kasama siyang Mahram at hindi maaari na sila lamang dalawa at hindi makipaglambingan sa usapin.

👉 Sinabi ng Propeta:
"Huwag magsama ang lalaki at babae sa isang pribado" Inulat nila Imam Albukhari at Muslim

Ang dahilan nito ay upang makaiwas sa tukso dahil ang pangatlo nila ay si Shaitan

حديث: ((لا يخلوَنَّ رجل بامرأة))؛ متفق عليه.

☆ Hinggil naman sa Hadith na binanggit: "Bago dumating ang araw ng pagkagunaw ng mundo ay tutulungan ng babae ang kanyang asawa sa paghahanapbuhay (negosyo, pagtitinda)"

Ang Hadith na ito ay hindi sumasalungat sa pagpapahintulot sa pagtulong ng babae sa asawa.

- Ang mga maliliit na tanda ng pagkagunaw ng mundo kapag ito ay naging hayag na, hindi nangangahulugan na tayo ay titigil na sa paghahanap buhay, bagkus patuloy parin tayo at lalo pa natin paigtingin ang ating IBADAH.

- Ang paglabas ng mga tanda na ito ay hindi na ito maiiwasan dahil simula pa sa pagdating ni Propeta Muhammad ay lumabas na ang mga tanda.

- Maraming mga tanda ang lumabas na hindi natin namalayan tulad ng pagdami ng mga kababaihan, paligsahan ng pagpatayo ng gusali, paglaganap ng Zina, Musika, ang pagtalaga sa tungkulin ng mga taong hindi karapat-dapat at marami pang iba.

May mga tanda na lilitaw at maglalaho rin at mayroon din na mag uumpisa palang tulad ng pagdami ng pananim sa bansang Arabia.

✍️ Zulameen Sarento Puti

02/02/2023

KAPAG NAGKAISA ANG PINUNO AT MGA ULAMA SA PAGSUGPO LABAN SA SHIRK MAKAASA TAYO SILA AY MAGTAGUMPAY❗❗

👉 Nagtagumpay ang bansang Saudi Arabia sa pagsugpo laban sa mga gawaing Shirk dahil ang pinuno at ang mga ulama ng Salafiyya ay nagkakaisa at nagtutulungan.

- Hindi maipagkaila na bago pa man nag umpisa sa kanyang Da'wah si Shaikh Muhammad Bin Abdulwahhab ay laganap na ang gawaing Shirk sa bansang Arabia, Ngunit dahil sa biyayang pagkakaisa ng pinuno at mga Ulama at dahil narin sa tulong ni Allah kung hindi man tuluyan nawala ay nabawasan ng malaki ang gawaing mga Shirk.

👉 Ipinag-utos ni Shaikh Muhammad Bin Abdulwahhab sa haring si Uthman mula sa angkan ng ALSAUD na gibain ang mga dome at istraktura na itinayo sa mga libingan pati narin ang pagputol sa isang punong kahoy na doon nagsasagawa ng Tabarrok ang mga tao.

👉 Sa panahon ng paghahari ni Umar Bin Khattab kanyang napag alaman na may mga tao na nakikipag-unahan sa pagsasagawa ng dasal sa ilalim ng punong kahoy na inaakala nila dito sa ilalim ng kahoy na ito nagtipon-tipon ang Propeta pati ang mga Sahaba. Kaya, pinaputol ni Umar ang nasabing punong kahoy.

☆ KAPAG ANG PINUNO NA ANG MAG-UTOS SA PAG-ALIS SA MGA GAWAING SHIRK AT SA MGA LUGAR NA ISINASAGAWA ANG TABARROK, MAKAASA TAYO NA MABABAWASAN O MAWAWALA ANG GAWING SHIRK.

- Alhamdulillah dahil nagising na ang publiko kung ano ang tamang Akeeda (Akeedatus Salaf) at ang mga lihis na grupo ay nakikilala narin tulad ng mga Soofi, Quboori at mga kahalintulad nila.

- Tayo ay magpasalamat kay Allah dahil hindi na karamihan ang gumagawa ng Shirk unlike sa ibang bansa na mismo ang kanilang mga pinuno at ang nag-aangkin ng kaalaman na nag-tatabarrok sa mga libingan at minsan sa masjid pa nila inililibing ang mga namatay sa kanila.

ALLAHUL MUSTAAN❗

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

قال ابن تيمة رحمه الله تعالى: (أمر عمر رضي الله عنه بقطع الشجرة التي توهموا أنها الشجرة التي بايع الصحابة النبي صلى الله عليه وسلم تحتها بيعة الرضوان لما رأى الناس ينتابونها ويصلون عندها كأنها المسجد الحرام أو مسجد المدينة) اهـ (إقتضاء السراط المستقيم 1/ 306)

قال المؤرخ ابن غنام رحمه الله:
" أمر الشيخ محمد الأمير عثمان بهدم القبب ... وقطع الأشجار التي كانت الخلق لها في كل ساعة منتابة فبادر عثمان لذلك وامتثل

02/02/2023

Utot day 😀😀

Buti dimo sinama yung coffee day ☕😏
Nako jan tayo magkaka debate nyan

Coffee a day takes my sleep away

Photos from ‎Ibrahim Kaisy-إبراهيم القيسي‎'s post 02/02/2023

Masha allah

Photos from MCM Daily's post 01/02/2023
R5 on TikTok 01/02/2023

R5 on TikTok WALA AKONG KINATATAKOTAN, NGAYON LANG.. Alvarez

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cotabato City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

#capcuteditor
capcutedith

Category

Telephone

Website

Address

Makasendeg
Cotabato City
Other Comedians in Cotabato City (show all)
ASSAT meme ASSAT meme
Nuro Upi Mag
Cotabato City, GRAZYBOY

Kimskie Kimskie
Some Where
Cotabato City

always balda basta sa gugma 😭

Batang kiatao Batang kiatao
Cotabato City

https://www.youtube.com/@BatangKiatao Personal Vlog

Morsidvlog Morsidvlog
Datu Anggal Midtimbang Mag
Cotabato City

DOSRIA BAND ALLAH HU AKBAR ☝

MC Khen Vlog MC Khen Vlog
Cotabato City

Trust The Process

Kingteyu Kingteyu
Pikit
Cotabato City, 9409

CONTENT CREATOR

lahat ng Vedio copy lahat ng Vedio copy
Baseco Compound
Cotabato City, 9600

tiktok compation and pilikola ng pinoy

Batang42 vlogger Batang42 vlogger
Cotabato City

BASKETBALL COMMITTEE ZUMBA BIDA SHOWTIME PGT SEA*ON 2 ZUMBA KING

Khael vlog Khael vlog
Midsayap
Cotabato City

PLEASE �:Follow FOLLOW NALNG PO

backs TV vlog backs TV vlog
Pigcawayan
Cotabato City, 9412

mypersonal vlog

Marl buleg Marl buleg
Simuay Sultan Kudarat
Cotabato City, 9416

Jamalil Sahid Jamalil Sahid
Pob. M. B
Cotabato City

[email protected]