Parokya ni San Agustin
This is the official page of the
Parokya ni San Agustin
𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟎 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 | 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐝𝐞 𝐓𝐨𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐨
𝘒𝘶𝘮𝘱𝘦𝘴𝘰𝘳, 𝘗𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘨𝘶𝘴𝘵𝘪𝘯𝘰, 𝘔𝘪𝘴𝘵𝘪𝘬𝘰, 𝘢𝘵 𝘗𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘒𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘶𝘳𝘨𝘢𝘵𝘰𝘳𝘺𝘰
𝐏𝐮𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨!
Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni San Nicolas de Tolentino, isang paring Agustino at Pintakasi ng mga Kaluluwa sa Purgatoryo. Si San Nicolas de Tolentino ay isinilang bilang isang gantimpala ng Maykapal sa kaniyang mga magulang na matiyagang nananalangin sa harap ng dambana ni San Nicolas ng Bari kung saan siya ipinangalan. Nahubog siya sa gawang kabanalan at naging Agustino. Sa mahigit 30 taon, nanatili siya sa bayan ng Tolentino kung saan siya nagpakita ng maraming kababalaghan at gawang kabanalan. Nang magkasakit nang malubha si Nicolas, nagpakita sa kaniya ang Mahal na Birhen at ni San Agustin kung saan inutusan siyang kumuha ng tinapay at basain ito ng kaunting tubig. Nang ginawa niya ito at kinain, bigla siyang gumaling. Siya ay tinuturing bilang pintakasi ng mga kaluluwa sa Purgatoryo dahil may nagpakita sa kaniya na patay at hiningian ng panalangin. Ipinagdasal niya ito at ang iba pang mga kaluluwa sa Purgatoryo at nagpakita muli ang patay kasama ng iba pang mga patay na nailigtas sa Purgatoryo sa bisa ng panalangin ni San Nicolas. Siya ay pumanaw noong ika-10 ng Setyembre, 1305, ang huling panalangin ni San Nicolas ay ukol sa Mahal na Birheng Maria.
Ang tinapay na tinutukoy sa debosyon kay San Nicolas de Tolentino ay kilala bilang 𝗣𝗮𝗻 𝗱𝗲 𝗦𝗮𝗻 𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗮𝘀 o "Tinapay ni San Nicolas." Ayon sa tradisyon, ito ay ipinamahagi ni San Nicolas bilang bahagi ng kanyang mga gawaing pangkawanggawa, at pinaniniwalaang may kapangyarihang magpagaling ng maysakit.
Ang kwento tungkol sa tinapay ay nagsimula sa isang pangitain ni San Nicolas, kung saan sinabihan siya ng isang anghel na magpakain ng tinapay na binasbasan upang gumaling ang mga may karamdaman. Simula noon, ang tinapay na ito ay naging bahagi ng kanyang debosyon, at hanggang ngayon, sa ilang lugar, ang mga tinapay na inaalay sa mga deboto sa araw ng kanyang kapistahan ay pinaniniwalaang may bisa para sa kaligtasan o pagpapagaling.
Sa Pilipinas, ang 𝗣𝗮𝗻 𝗱𝗲 𝗦𝗮𝗻 𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗮𝘀 ay kilala rin bilang biskwit na may hugis tao o santo, at ginagamit bilang bahagi ng mga tradisyonal na debosyon kay Apung Kulas.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐝𝐞 𝐓𝐨𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐨
Panginoon, Ikaw ang aming pinagkukunan ng tapang at lakas ng loob sa pagharap sa araw-araw na buhay. Ipinagkaloob Mo po sa amin si San Nicolas de Tolentino upang higit na pag-alabin ang aming pananampalataya. Biyayaan Mo po kami ng kakayahang maisabuhay ang Inyong mga aral, manatiling tapat at mahinahon sa gitna ng kahirapan at pagsubok sa buhay. Maging lingkod nawa kami tulad ni San Nicolas sa aming kapwa lalo na sa mga mahihirap at mga nagdurusa, mabuhay nawa kami bilang tapat Mong tagapaglingkod. Amen.
𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐝𝐞 𝐓𝐨𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐨, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢!
Sa mga nakiisa po sa Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, Maraming Salamat po!
La Nina Maria, Ipanalangin Mo Kami.
𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 | September 8, 2024
Sa ating pagdiriwang sa Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria ang lahat ay inaanyayahang dumalo sa isang Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Batang Maria. Ang prusisyon ay isasagawa pagkatapos ng Banal na Misa sa 5:30 ng Hapon. Para sa gaganaping prusisyon, huwag pong kalimutan mag dala ng Rosaryo at Kandila
Halina at ating pasalamatan ang Panginoon sa pagbibigay niya sa atin ng isang mapagmahal na Ina. Sama-sama nating ipagdiwang at parangalan ang ating Mahal na Ina sa kanyang espesyal na araw.
La Nina Maria, Ipanalangin Mo Kami.
Happy Birthday Mama Mary!
Viva La Virgen!
𝐈𝐤𝐚-𝟎𝟖 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞| 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚
𝐏𝐮𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚!
Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng Simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. Ang kaarawan ng Mahal na Birhen ay may malalim na simbolismo at kahalagahan sa ating pananampalataya. Ito ay tanda ng pag-asa at bagong simula, sapagkat sa kanyang pagsilang, ipinakita ng Diyos ang kanyang plano ng kaligtasan para sa sangkatauhan. Si Maria ang naging daluyan ng biyaya at awa ng Diyos, at sa kanyang kababaang-loob at pagtanggap sa kalooban ng Diyos, natupad ang dakilang plano ng kaligtasan.
Ating ipagdiwang ang Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng pagdarasal para sa kapayapaan ng mundo at pakikipagkaisa sa ating kapwa tao. Nawa, sa ating pamimintakasi sa Mahal na Birhen ay lumago tayo na mas maging malapit sa Anak niyang si Hesus.
𝐎 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚, 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢!
Prot. No. 377/2024
𝐂𝐈𝐑𝐂𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐋𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐨. 𝟐𝟑, 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟒
𝗙𝗘𝗔𝗦𝗧𝗦 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗟𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗩𝗜𝗥𝗚𝗜𝗡 𝗠𝗔𝗥𝗬 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗫𝗔𝗟𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗥𝗢𝗦𝗦
Greetings of peace!
In view of the upcoming concurrences in our liturgical celebrations, I enjoin all our communities to observe the following:
1. On September 8, 2024, Sunday, the liturgical celebration of the 23rd Sunday in Ordinary Time will be observed; the Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary is impeded this year by the Sunday in Ordinary Time following the norms governing the liturgical calendar. (Table of Precedence of Liturgical Days, II, 6)
As a gesture of devotion to the Blessed Virgin Mary, the offering of incense and flowers, prayers, or Marian hymns may be observed at the conclusion of the mass.
The Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary will not be transferred to the following day.
2. The liturgy for the Feast of the Exaltation of the Cross will be celebrated during the evening masses on September 14, 2024, Saturday and not the 24th Sunday in Ordinary Time since the Feasts of the Lord take precedence over Sundays in Ordinary Time. The Feasts of the Lord that fall on Sundays will be celebrated as solemnities.
Therefore, on the evening masses, Gloria and Credo are recited or sung. The readings are the following: Nm 23:4-9/Ps 78:1-2.34-35. 36-37. 38/ Phil 2:6-11 / Jn 3:13-17.
Vespers II of the Feast will be prayed.
Those who participate in these evening Masses already fulfill their Sunday obligations. Daytime Masses on September 14 will also follow the usual norms of the celebration of a Feast.
Given at the Chancery Office, City of Imus, Cavite on the 4th of September 2024.
(SGD.) +REYNALDO G. EVANGELISTA, D.D.
Bishop of Imus
_______________________________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Youtube: https://www.youtube.com/
𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐞𝐝𝐞𝐛𝐨𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬-𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚
𝐀𝐯𝐞 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐏𝐮𝐫𝐢𝐬𝐢𝐦𝐚!
Ipinangako ng ating Mahal na Ina ang mga natatanging grasya at biyaya sa sinumang palagiang makatutupad sa pagdedebosyon sa kanyang Kalinis-linisang Puso tuwing unang Sabado ng limang buwang sunod-sunod. Nawa, sa pamamagitan ng pagdedebosyon sa Kalinis-linisang Puso ni Maria, makamit natin nawa ang mga grasya at biyayang ating kinakailangan.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬-𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚
𝑂 𝐾𝑎𝑙𝑖𝑛𝑖𝑠-𝑙𝑖𝑛𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑠𝑜 𝑛𝑔 𝑀𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝐵𝑖𝑟ℎ𝑒𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎, 𝐵𝑢𝑘𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑙𝑎, 𝐵𝑢𝑘𝑎𝑙 𝑛𝑔 𝐵𝑖𝑦𝑎𝑦𝑎 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝐷𝑖𝑦𝑜𝑠. 𝐼𝑘𝑎𝑤 𝑛𝑎 𝐼𝑛𝑎 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑚𝑎𝑔𝑎𝑏𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛. 𝐼𝑛𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎𝑝𝑖𝑡 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑖𝑚𝑡𝑖𝑚 𝐴𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑔𝑖𝑏 𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑠𝑎
𝐷𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑤𝑎𝑖𝑛! 𝐼𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔
(𝑏𝑎𝑛𝑔𝑔𝑖𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔𝑎𝑛)
𝑃𝑖𝑛𝑎𝑘𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝐼𝑛𝑎, 𝑖𝑑𝑢𝑙𝑜𝑔 𝑚𝑜 𝑛𝑎𝑤𝑎
𝑆𝑎 ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑛𝑖 𝐽𝑒𝑠𝑢𝑠 𝑛𝑎 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑎𝑘 𝑎𝑡 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛. 𝐴𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑖ℎ𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑡 𝑎𝑘𝑜 𝑎𝑦 𝑢𝑚𝑎𝑎𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝐴𝑦 𝐾𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑟𝑖𝑛𝑔𝑔𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑁𝑔 𝐾𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝐴𝑚𝑎, 𝑁𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑠𝑎𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛.
𝐴𝑚𝑒𝑛.
𝑶 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔-𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒖𝒔𝒐 𝒏𝒊 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒂, 𝑖𝑝𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖!
𝙁𝙀𝘼𝙎𝙏 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀𝙎:
𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐈𝐒𝐇𝐎𝐏𝐒 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄 𝐋𝐈𝐓𝐔𝐑𝐆𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐋𝐄𝐍𝐃𝐀𝐑
At the National Meeting of Diocesan Directors of Liturgy, it was announced that three changes will be made to the Philippine General Roman Calendar:
𝟭. 𝗧𝗿𝗮𝘀𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝗹𝗮𝗰𝗸 𝗡𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝗲𝗹𝗲𝘃𝗮𝘁𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗮 𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁 𝗼𝗻 𝗝𝗮𝗻𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟵
𝟮. 𝗦𝘁. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗻𝘇𝗼 𝗥𝘂𝗶𝘇 𝗮𝗻𝗱 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗮𝗻𝗶𝗼𝗻𝘀 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝗰𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝘀 𝗮 𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁 𝗼𝗻 𝘁𝗵𝗲𝗶𝗿 𝘁𝗿𝗮𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗱𝗮𝘁𝗲, 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟴
𝟯. 𝗦𝘁. 𝗣𝗲𝗱𝗿𝗼 𝗖𝗮𝗹𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱'𝘀 𝗺𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝗺𝗼𝘃𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟭, 𝘄𝗵𝗲𝗿𝗲 𝗶𝘁 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗮𝗹𝘀𝗼 𝗯𝗲 𝗰𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝘀 𝗮 𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁, 𝗿𝗲𝗽𝗹𝗮𝗰𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟮.
______________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Youtube: https://www.youtube.com/
𝐏𝐮𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥-𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐬𝐨!
Ngayong Unang Biyernes sa Buwan ng Setyembre, ay ating pinagdedebosyonan ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus. Tayo ay makiisa sa pagpupuri kay Hesus sa Santisimo Sakramento sa pamamagitan ng pagdalo sa Banal na Misa sa ganap na ika-6:00 ng gabi na susundan naman ng Banal na Oras. Halina at purihin si Hesukristo sa Kabanal-Banalang Sakramento sa Altar at ialay sa Kaniya ang lahat ng ating papuri, pasasalamat at mga pangangailangan. Ating italaga sa Kaniyang Kamahal-mahalang Puso ang Buwan na ito.
𝑷𝑨𝑮𝑻𝑨𝑻𝑨𝑳𝑨𝑮𝑨 𝑺𝑨 𝑲𝑨𝑴𝑨𝑯𝑨𝑳-𝑴𝑨𝑯𝑨𝑳𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑼𝑺𝑶 𝑵𝑰 𝑯𝑬𝑺𝑼𝑺
𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛𝑔 𝐻𝑒𝑠𝑢𝑘𝑟𝑖𝑠𝑡𝑜, 𝑖𝑡𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖 𝑠𝑎 𝐼𝑦𝑜 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛; 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑖𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎. 𝐴𝑛𝑔 𝐼𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙-𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑠𝑜, 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑛𝑔 𝐼𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑔𝑎𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑚𝑢𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑙𝑎𝑔𝑖𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑏𝑢𝑘𝑎𝑙 𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑏𝑎𝑔 𝑎𝑡 𝑔𝑟𝑎𝑠𝑦𝑎; 𝑝𝑎𝑔-𝑎𝑠𝑎 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑠𝑎 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡. 𝐵𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑔𝑜𝑛, 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑙𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖 𝑎𝑡 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝐼𝑦𝑜. 𝑇𝑢𝑟𝑢𝑎𝑛 𝑀𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑔𝑖 𝑚𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑖𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐼𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐸𝑠𝑝𝑖𝑟𝑖𝑡𝑢 𝑆𝑎𝑛𝑡𝑜: 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑖𝑝 𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑝𝑢𝑠𝑜, 𝑠𝑎 𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎, 𝑔𝑎𝑤𝑎, 𝑡𝑢𝑤𝑎 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔𝑑𝑢𝑟𝑢𝑠𝑎. 𝑇𝑢𝑙𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑀𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑔𝑖𝑡 𝐾𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎, 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑠𝑢𝑛𝑑𝑖𝑛. 𝑁𝑎𝑖𝑠 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑖𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝐼𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑔𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑛𝑎 𝐺𝑎𝑤𝑎𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑚𝑢𝑛𝑑𝑜 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑙𝑜𝑜𝑏𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐼𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐴𝑚𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑝𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡; 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 ‘𝑠𝑖𝑏𝑖𝑙𝑖𝑠𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑟𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔’ 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛. 𝐾𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙-𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑠𝑜 𝑛𝑖 𝐻𝑒𝑠𝑢𝑠, 𝑡𝑢𝑙𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑀𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖𝑙𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑛𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦. 𝑇𝑢𝑙𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑀𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙, 𝑚𝑎𝑔𝑙𝑖𝑛𝑔𝑘𝑜𝑑, 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑑 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎’𝑡 𝑖𝑠𝑎. 𝑁𝑎𝑤𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑎 𝐼𝑦𝑜 𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔. 𝐾𝑎𝑖𝑠𝑎 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑙𝑖𝑛𝑖𝑠-𝑙𝑖𝑛𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑠𝑜 𝑛𝑔 𝐼𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐼𝑛𝑎, 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑠𝑎𝑟𝑖𝑤𝑎 𝑎𝑛 𝑔𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑎 𝐼𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙-𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑠𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 ℎ𝑖𝑔𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑙𝑢𝑤𝑎𝑙ℎ𝑎𝑡𝑖𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐴𝑚𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛.
𝐻𝑒𝑠𝑢𝑠, 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 𝑎𝑡 𝐽𝑜𝑠𝑒, 𝑏𝑎𝑠𝑏𝑎𝑠𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑜𝑟𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛. 𝐴𝑚𝑒𝑛.
𝐊𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥-𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐢 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬, 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐬𝐚𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐡𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐌𝐨!
𝐈𝐤𝐚-𝟎𝟓 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞| 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐓𝐞𝐫𝐞𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐥𝐜𝐮𝐭𝐚
𝐏𝐮𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨!
Ngayon ay ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni Santa Teresa ng Kolkata. Si Madre Teresa or kilala sa tawag na Teresa ng Kolkata ay ipinanganak noong ika-10 ng Agosto, 1910. Ipinanganak siya at pinangalanan bilang Agnes Gonxha Bojaxhiu sa Skopje sa Macedonia. Nag-aral siya sa Irlanda at noong siya ay 18 taong gulang ay napagpasiyahan niyang maging madre dahil sa paniniwalang iyon ang gusto ng Diyos para sa kanya. Pagkatapos ng ilang buwan na pagsasanay ay agad siyang ipinadala sa Kolkata, India at doon ay pormal niyang tinanggap ang pagmamadre. Ang Kolkota ay lugar kung saan maraming tao ang hirap, may mga sakit at laganap ang kagutuman. Doon, siya ay nagturo sa isang paaralan, at 'di nagtagal ay naging punong g**o ng siyam na taon. Isang araw, habang Naglakbay siya sa isang tren patungo sa Darjeeling nang makatanggap siya ng isang "inspirasyon," isang mensahe na nagsabi sa kanya na iwan ang kumbento at tulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pamumuhay sa kanila.
Sa loob ng dalawang taon, kinumbinsi ni Mother Teresa ang kanyang mga superyor na pahintulutan na umalis sa kumbento upang sundin ang kanyang tawag. Ito ay naging isang mahaba at nakakabigo na proseso. Para sa kanyang mga superiors, tila mapanganib at walang saysay na magpadala ng isang babae sa labas ng slums ng Kolkata. Gayunpaman, sa wakas, pinagkalooban si Mother Teresa ng pahintulot na umalis sa kumbento sa loob ng isang taon upang matulungan ang mga mahihirap sa mahihirap.nakasakay sa isang tren ay nakarinig siya ng tinig na nagsasabing iwan niya ang kumbentong kinalalagyan niya at tulungan ang mga mahihirap.
Noong 1948, itinatag niya ang samahan ng mga madre na tinawag na Mga Misyonera ng Kawanggawa na ang layunin ay magkaisa para makakapagbigay ng tulong sa mga maralita. Dahil sa naipamalas niyang angking kabutihan, binigyan siya ng Gantimpalang Nobel noong 1979. Siya rin ay kinilala bilang isang "Buhay na Santo" dahil sa taglay niyang kabutihang loob at pagtulong sa sa mga taong may mga karamdaman at malulubhang sakit.
Sa huling dalawang dekada ng kanyang buhay, nagkaroon na siya ng ibat-ibang uri ng sakit. Gayunpaman, hindi pa rin siya huminto sa kanyang misyon at patuloy na naglakbay sa buong mundo upang magbigay ng tulong. Si Madre Teresa ay pumanaw sa edad na 87 sa taong 1997, noong ika-5 ng Setyembre, at na-canonize noong ika-4 ng Setyembre, taong 2016. Siya ay isa sa mga pintakasi ng World Youth Day bilang modelo ng kababaang-loob at pagtulong sa kapwa.
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍
Hesus, iginawad Mo kay Santa Teresa ng Calcutta ang karangalan na maging halimbawa ng matatag na pananampalataya, masighing pag-ibig, tanda ng walang kaparis na kababaang-loob, at tagapagtaguyod ng karangalan ng bawat tao. Idinadalangin namin sa'Yo, na siya ay aming alalahanin at gawing ehemplo bilang isa sa mga Dakilang Santa ng Iyong Iglesia Katolika.
Nawa'y dinggin Mo ang mga pamimintuho niya para sa Iyong bayan at ipagkaloob ang aming hinihiling
(𝙗𝙖𝙣𝙜𝙜𝙞𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖𝙣)
Sa pamamagitan ng Iyong grasya,
akayin kami na masundan ang tinahak na landas ni Santa Teresa ng Calcutta: Ang pagdamay sa pagkauhaw mo sa Krus
at kilalanin ka sa mga walang wala
higit lalo sa yaong mga tinalikdan at kinalimutan. Idinadalangin namin ito kasama ni Maria aming Ina.
Amen.
𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐓𝐞𝐫𝐞𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐥𝐜𝐮𝐭𝐚, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢!
Pinagmulan:
https://www.ourparishpriest.com/2021/09/saints-of-september-santa-teresa-ng-calcutta/
https://tl.eferrit.com/nanay-teresa/
𝐈𝐤𝐚-𝟎𝟒 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 | 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐧𝐭𝐚𝐬, 𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚, 𝐑𝐞𝐲𝐧𝐚, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧𝐨
𝐀𝐯𝐞 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚!
Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Consolacion y Correa, ang Patrona ng Orden ng mga Agustino. Ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Consolacion ay nagmula sa kasaysayan ng buhay ni Santa Monica, ang ina ng ating patron na si San Agustin. Noong si Santa Monica ay alalang-alala dahil sa pagkalugmok ni San Agustin sa mga 'di kanais-nais na mga gawain, ang Mahal na Birhen ay nagpakita sa kaniya upang ibigay ang sinturong itim na sumisimbolo ng proteksyon at Banal na Pagkalinga sa kanya at sa mga taong humihingi ng kanyang maka-inang pagmamahal.
Sa pakikiramay ng Mahal na Birhen kay Santa Monica ay ibinigay niya ito kay Santa Monica at sinabing ipalaganap sa mga tao ang pagsusuot ng Correa o ng sinturong itim. Ibinigay naman ni Santa Monica ang sinturon na ito kay San Agustin na siya namang nagdala sa kanya sa buhay kabanalan hanggang sa siya ay kilalanin bilang Santo.
Ibinigay niya naman ito sa kanyang komunidad. Dahil dito, ang pagsusuot ng Correa ng mga paring Agustino at ng mga kasapi ng Orden nito ay tanda ng katapatan at pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Consolacion.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧
Mahal na Birhen ng Consolacion y Correa,
aming Ina at Reyna ng lahat ng mga Bayan at mga Bansa, Ipinagkaloob mo sa amin ang iyong sintas bilang sagisag ng iyong pagsaklolo sa aming mga napapagal dito sa mundo.
O Salamin ng kalinis-linisang dangal at kapurihan, tinipon mo kaming iyong mga anak sa ilalim ng iyong lambong ng pagpapamahal, at ngayon kami’y napakakandong sa iyo tulad ng isang sanggol na walang ibang inaasahan kundi ang pag-alo mong tunay.
Inang Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati, kami ay lumalapit sa iyong mapagkalingang awa, Ikaw na pinili ng Diyos upang maging Ina ni Hesus na aming Panginoon. Samahan Mo kami sa aming paglalakbay at paglalayag sa buhay na ito, upang sa mga pagkakataon na kami ay nadarapa, nahihirapan, namimighati, nabibigo at nalulumbay ay pagkalooban mo kami ng aliw at kapanatagan sa aming mga puso. Patuloy mo kaming ipamagitan sa Iyong Anak na si Hesus para sa aming mga panalangin at kahilingan ito...
(Banggitin ang kahilingan)
O Maria, ibulong mo sa puso ng Iyong pinakamamahal na Anak ang aming mga hapis, at kalumbayan upang kami ay kanyang liwanagan at saklolohan at ipamalas ang kanyang kaluwalhatian na maghahatid sa amin ng tuwang walang kapantay. Amen.
𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐲 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐞𝐚, 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧𝐨, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢!
𝐀𝐯𝐞 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚!
Sa buwan na ito ng Setyembre, ay ating pinagdedebosyonan ang Pitong Hapis ng Mahal na Birheng Maria. Ang pagdedebosyon sa Pitong Hapis ng Mahal na Birhen ay naglalayong makiisa sa mga paghihirap at sakit na dinanas ng ating Panginoong Hesus. Sa pamamagitan ng pakiisa sa Mahal na Pasion ni Kristo at sa mga hirap at hapis ng Kanyang Mahal na Ina ay napaparangalan natin Siya at ang Kaniyang matimyas na pag-ibig sapagka't pinaparangalan natin ang Kanyang Ina. Ang Pitong Hapis ng Mahal na Ina ay hango sa mga kaganapan sa Banal na Kasulatan kung saan ito ay nakatuon sa pagninilay sa buhay ng Panginoong Hesus.
Ang debosyong ito ay sinimulan ng Orden ng mga Servita noong 1668 at opisyal na naipahayag sa Simbahan noong ika-19 na siglo na pinahintulutan ni Papa Pio VII. Ito ay naglalayong makiramay sa Mahal na Ina sa tindi ng mga hapis at sakit na naranasan niya. Katangi-tangi Maria dahil kusang-loob niyang tinanggap pagdurusa kasabay ng kanyang Banal na Anak mula kapanganakan hanggang kamatayan upang iligtas ang mundo.
Ang pitong hapis ni Maria ay sumisimbolo sa pitong punyal na nakatarak sa kanyang puso:
1. Ang propesiya ni Simeon sa sanggol na si Hesus (Lukas 2:34)
2. Ang Pagtakas Patungong Ehipto ng Banal na Mag-Anak (Mateo 2:13)
3. Ang Pagkawala ng Batang Hesus ng Tatlong Araw (Lukas 2:43)
4. Ang Pagkasalubong ni Jesus at Maria sa Daan ng Krus (Lukas 23:26)
5. Ang Pagkamatay ni Hesus sa Krus, kung saan ang kanyang Ina'y nakatayo sa paanan ng Krus (Juan 19:25)
6. Ang Pagbababa Mula sa Krus kay Hesus, kung saan kinalong ni Maria ang bangkay ni Hesus (Mateo 27:57)
7. Ang Paglilibing kay Hesus (Juan 19:40)
Nang magpakita ang Mahal na Birheng Maria kay Santa Brigida ay nangako siya ng Pitong Biyaya sa mga magdarasal at magninilay sa Pitong Hapis bilang araw-araw na debosyon.
1. Bibigyan ko ng kapayapaan ang kanyang pamilya,
2. Magkakaroon siya ng pagkaunawa sa mga Misteryong Maka-langit,
3. Dadamayan ko siya sa kanyang mga sakit at sasamahan ko siya sa kanyang mga gawain,
4. Ibibigay ko ang kanyang mga kahilingan kung hindi ito lihis sa naisin ng aking mahal na Anak, at kung ito ay para sa ikakabuti ng kanyang kaluluwa,
5. Ipagtatanggol ko siya sa kaaway at kakalingain sa bawat sandali ng kanyang buhay,
6. Makikita niya ang aking mukha, at siya’y aking tutulungan sa oras ng kanyang kamatayan,
7. Nakamit ko na sa aking mahal na Anak, ang pangakong mapapasa-Langit ang taong magpapalaganap ng debosyon ng “Pitong Hapis”, dahil sa ang lahat niyang kasalanan ay patatawarin na rin.
Kaya't halina at ating damayan ang ating Mahal na Ina. Pagnilayan ang kanyang mga hapis at magkamit ng mga biyaya mula rito.
𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐡𝐚𝐡𝐚𝐩𝐢𝐬, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢!
...
𝐈𝐤𝐚-𝟑𝟏 𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 | 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐧𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐀𝐫𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞𝐚 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐝𝐞𝐦𝐨, 𝐦𝐠𝐚 𝐃𝐢𝐬𝐢𝐩𝐮𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐤𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨
𝐏𝐮𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨!
Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan nina San Jose ng Arimatea at San Nicodemo, ang Dalawang Disipulong Kumuha at Nagbaba ng Katawan ni Kristo mula sa Krus.
Si Jose na taga-Arimatea ay binanggit sa apat na salaysay ng Ebanghelyo. Ipinapahiwatig nito ang pagpapahalagang ibinibigay ng sinaunang sambayanang Kristiyano sa ginawa ni Jose noong si Hesus ay namatay sa krus. Si Jose ay isang mayaman at iginagalang na kagawad ng Sanedrin. Siya ay isang mabuti at matuwid na tao na kabilang sa mga naghihintay sa pagdating ng paghahari ng Diyos. Hindi siya sumang-ayon na hatulan si Hesus. Lihim siyang alagad ni Hesus tulad ni Nicodemo dahil sa kanilang takot sa mga Judio. Subalit nang dumating ang sandali ng matinding pangangailangan ng karamay ni Hesus, agad-agad siyang nagtungo kay Pilato at ipinagkaloob sa kanya na ilibing ang Panginoon. Pinaniniwalaang sinalok niya sa Banal na Kalis ang tubig at dugong tumagas sa tagliran ni Jesus noong siya’y sibatin.
Si San Jose Nicodemo naman ay pumunta sa Kalbaryo kasama ni San Jose ng Arimatea upang kunin ang bangkay ni Hesus, at may dala siyang pabango, mga tatlumpung kilong pinaghalong mira at aloe. Isa siyang Pariseo at pinuno ng mga Judio, na pumunta kay Hesus isang gabi upang tanungin siya tungkol sa kanyang misyon. Ipinagtanggol niya si Hesus sa harap ng mga punong pari at mga Pariseo, na nagnais na ipadakip ito. Ang larawan o imahen ni San Nicodemo ay may hawak na banga o sisidlan ng pabangong ipapahid sa bangkay.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐤𝐢𝐧𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐝𝐞 𝐀𝐫𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞𝐚 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐝𝐞𝐦𝐨
Aming Mahal na San Jose ng Arimatea at San Nicodemo,
Kami po ay humihingi ng inyong patnubay at tulong. Nagsakripisyo kayo ng inyong mga ari-arian at kalagayan para sa pag-aalaga kay Hesus, at sa inyong mga gawa, ipinakita ninyo ang tunay na pananampalataya at tapang. Ipanalangin ninyo kami sa Diyos, upang kami rin ay maging matatag sa ating pananampalataya, at maging handa na gumawa ng mabuti para sa kapwa.
Tulungan ninyo kami na sundan ang inyong halimbawa ng pagmamahal at sakripisyo. Sa inyong mga panalangin, kami po ay umaasa at naglalagay ng tiwala. Sa ngalan ni Hesukristo, Amen.
𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐝𝐞 𝐀𝐫𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞𝐚 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐝𝐞𝐦𝐨, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢!
Pinagmulan:
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&opi=89978449&url=https://www.tumblr.com/wyncevictorino/9615876372/agosto-31-kapistahan-ni-san-jose-ng-arimatea&ved=2ahUKEwjyia3815uIAxWksVYBHdvfIAEQFnoECBYQAQ&usg=AOvVaw25SZOY3Y95dACPrrmsiHTa
August 29, 2024 Birthday Celebrant!
Ngayong espesyal na araw ni Bro. John Paolo Valenzona mula sa ReSocCom/Ministry of Altar Servers, aming ipinapaaabot ang aming pagbati at pagdiriwang sa iyong kaarawan.
Ang iyong dedikasyon sa paglilingkod ay patuloy na nagbibigay liwanag at inspirasyon sa aming lahat.
May you have all the joy your heart can hold, all the smile a day can bring, all the blessings a life can unfold, may you get the world's best in everything.
Wishing you a Happy Birthday!
Rev. Fr. Geoffrey Zacarias
PSA Parish Priest
Prusisyon para sa karangalan ni San Agustin 2024
Fiesta Mass 2024
Bahagi ng Homiliya ni Rev. Fr. Geoffrey Zacarias
𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐇𝐢𝐩𝐨𝐧𝐚, 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐀𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐏𝐢𝐧𝐭𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐂𝐢𝐭𝐲 (𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 28, 2024)
Maligayang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Agustin! Sa espesyal na araw na ito, tayo’y nagtitipon upang magpasalamat sa buhay at aral ng ating Patron na si San Agustin.
Ang ating kapistahan ay isang pagkakataon hindi lamang para magtipon-tipon, kundi para rin magsama-sama sa isang makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya at pagkakaisa. Narito ang iskedyul ng mga aktibidad para sa makasaysayang okasyong ito:
6:00 PM BANAL NA MISA SA KAPISTAHAN NI SAN AGUSTIN at pagbabasbas sa mga imahen o replica ni San Agustin.
*Mangyare lamang na dalhin ang inyong mga imahen o replica ni San Agustin upang mabasbasan.
7:00 PM MARINGAL NA PRUSISYON KAY SAN AGUSTIN.
Magsama-sama tayo sa makulay at makabuluhang pagdiriwang na ito. Nawa'y sa bawat aktibidad, muling magningning ang ating pananampalataya at debosyon kay San Agustin. Maligayang Kapistahan sa lahat! Tayo’y magkaisa sa pagdiriwang ng ating pagmamahal sa Diyos at sa ating Patron, San Agustin.
VIVA TATA USTENG!
𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐇𝐢𝐩𝐨𝐧𝐚, 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐀𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐏𝐢𝐧𝐭𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐂𝐢𝐭𝐲 (𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 28, 2024)
𝐏𝐮𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨!
Ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pintakasi at Ama ng pinagpalang pamayanan ng Mabuhay City, ang ating Mahal na Patron na si San Agustin.
Sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Agustin, tayo sa Sambayanan ng Mabuhay City ay nagtitipon upang ipagpasalamat ang kanyang buhay na puno ng sakripisyo, pagninilay, at walang kapantay na pananampalataya sa Diyos. Si San Agustin, sa kanyang paglalakbay mula sa pagkagumon sa materyal na bagay patungo sa makaDiyos na buhay, ay nagsisilbing inspirasyon sa atin na hindi tayo nag-iisa sa ating sariling mga pagsubok.
Ang kanyang mga aral ay nagbibigay sa atin ng liwanag upang mas lalo pang mapalalim ang ating pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Sa Sambayanan ng Mabuhay City, ang debosyon natin kay San Agustin ay isang paalala ng ating pagnanais na maging mas mabuting tao at mas malapit sa Diyos. Tayo'y nagkaisa sa pagdarasal at pagninilay upang magbigay ng higit na halaga sa ating relasyon sa Diyos, tulad ng ginampanan ni San Agustin sa kanyang buhay.
Nawa’y sa tulong at patnubay ni San Agustin, maging inspirasyon tayo sa isa't isa upang patuloy na maglingkod sa ating pananampalataya at tumulong sa mga nangangailangan. Sa araw na ito, ipagdiwang natin ang kanyang buhay na puno ng pag-asa at pagmamahal, at magpatuloy tayong magsikap sa ating paglalakbay sa pananampalataya. Maligayang Kapistahan, San Agustin! Magsama-sama tayo sa pag-ibig at debosyon para sa Diyos sa sambayanan ng Mabuhay City
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧
San Agustin aming gabay at patnubay ikaw na naging kasama, sa paglalakbay ng sambayanan ito patungo sa panginoon. Ipanalangin mo kami upang ang aming maling nakasanayan at maling paniniwala ay maituwid sa tulong at awa ng aming Panginoong Hesukristo Ipanalangin mo kami na manaig sa amin ang katalinuhan biyaya ng Espiritu Santo at amin itong magamit sa paglilingkod sa Diyos at sa aming Kapwa. Nawa'y sa tulong mo matanggap namin ang aming mga kahilingan (𝒃𝒂𝒏𝒈𝒈𝒊𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒉𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒂𝒏).
Tulungan mo kaming maisabuhay ang iyong halimbawa na maalab at masamba ang banal na santatlo. Nawa'y masumpungan din ang aming napapagal na puso ang kapayapaan at magalak kami sa pag-ibig ng iisang diyos Amen.
𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐧𝐮𝐛𝐚𝐲, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢!
VIVA TATA USTENG!
Maraming Salamat po Diocese of Imus
Viva San Agustin!
𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟐𝟖: 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐆𝐔𝐒𝐓𝐈𝐍, 𝐨𝐛𝐢𝐬𝐩𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐦𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐆𝐔𝐒𝐓𝐈𝐍
Minamahal naming San Agustin, taglay ang lubos na pananalig at pagtawag sa Diyos Ama na pinagbubuhatan ng lahat ng pagka-ama sa lupa. Kami ay napaampon sa iyo at tumatawag din sa iyo bilang isang ama. Dala ng mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnay ng aming bayan sa iyo at sa iyong pagtugon sa aming mga kahilingan na nagpapahayag ng iyong maka-amang pagtangkilik, ikaw ay naging malapit sa amin ito rin ay nagmula sa iyong kabantugan sa pangangasiwa bilang Obispo sa sambayanan ng Diyos na ipinagkatiwala sa iyo. Puspos ng karunungan ng Diyos, inalagaan mo ang noon ay munti pa at lumalaking simbahan sa pagbibigay linaw sa kanyang mga aral. Kaya ikaw ay tinagurian bilang isa sa mga Ama ng Simbahan. Ngayon aming ama, patuloy mong ipamalas ang iyong maka-amang pangangalaga sa amin. Ang iyo nawang pagpapamalas na ito ay maghatid sa aming pagkilala sa Diyos Ama na may lalang sa ating lahat at tunay na pinagmumulan ng bawat biyayang ipinakikiusap namin sa iyo. Idalangin mo sa Diyos na makamit namin sa buhay na ito ang mga kinakailangan namin, lalung-lalo na ang kahilingang ito
(Ilahad ang kahilingan.)
Pagkalooban nawa kami ng Diyos ng Banal na Karunungan na patuloy na magsasaliksik sa Kanya at sa Kanyang kalooban, upang si Kristo ang katotohanan at karunungan ng Diyos ay maghari sa amin ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
San Agustin, aming ama, ipanalangin mo kami.
¡Viva Tata Usteng!
¡Viva San Agustin!
Pagbati ng isang Maligayang Kapistahan sa Diocesan Shrine of St. Augustine and Parish of Sta. Cruz - Tanza, Saint Augustine Parish, Mendez-Nuñez at Parokya ni San Agustin, Mabuhay City, Paliparan 3, Dasmariñas City.
San Agustin de Tanza
Saint Augustine Parish, Mendez-Nuñez, Cavite
Parokya ni San Agustin
_______________________________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Youtube: https://www.youtube.com/
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the place of worship
Website
Address
Block 40, Phase 4, Mabuhay City Subdivision, Barangay Paliparan 3
Dasmariñas
4114
Dasmarinas Community Christian Bible Baptist Church
Dasmariñas, 4115
Bible-believing, Christ-centered church
Sacred Heart Of Jesus Parish, Brgy. San Simon, DBB-C
Dasmariñas, 4114
This is the SACRED HEART OF JESUS PARISH - KNIGHTS OF THE ALTAR official page. If you are a bonafide member of the said organization, please "like" this and keep in touch with us. ...
Summerwind Village IV
Dasmariñas, 4114
Official Choir Group of Parokya ng San Lorenzo Ruiz, Summerwind IV, Burol Main, Dasmarinas City, Cavite, since 2021.
DLSU-D
Dasmariñas
This page provides you information and updates about the visit of the relic of the Founder in our Uni
Dasmariñas, 4114
Hello! We are The Good Shepherd's Choir from Ang Mabuting Pastol Parish, Pala pala, Dasmariñas City, Cavite. We hope you to warm welcome us here on Facebook by liking our page. Tha...
Block 22 Lot 61-63 Phase 1, Golden City, Barangay Salawag, Dasmarinas City, Cavite
Dasmariñas, 4114