Dok Rey Matawaran

ANG DOKTOR NG BAYAN

07/09/2024

Bakit kaya kay BBM umaapela si Senator Bato na tigilan na ng PNP ang search kay Quiboloy sa KOJC, di ba dapat kay Quiboloy sya dapat umapela na Sumuko na para matapos na, ginagawa lng ni Gen. Torre ang trabaho niya, kung wala siyang kasalanan sa korte niya patunayan kaysa pinahihirapan niya ang mga sumasampalataya sa kanya.

09/05/2022

Maraming salamat po bayan ng Dinalupihan!

Ako po si Dok Rey Matawaran taos noo at buong pusong tinatanggap ang aking pagkatalo sa mayoralty race ng bayan ng Dinalupihan.

Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng nagpakita ng suporta sa aking kandidatura, kasamang tumindig, at naniwala na kaya nating labanan ang luma at bulok na sistema ng pamamahala sa Dinalupihan nating mahal.

09/05/2022

Mga kababayan may 2 oras pa!

Sa aking mga kababayan na galing sa trabaho, mayroon pa tayong 2 oras upang bumoto sa mga presinto. Ating i-practice ang ating karapatan na bumoto at pumili ng lider ng ating bayan.

08/05/2022

Magandang gabi po mga kababayan. Kalma lang po tayo. Wala pong umatras. Lalaban tayo hanggang huli!

Photos from Dok Rey Matawaran's post 08/05/2022

Ano nga ba ang mga dapat mong dalhin o tandaan para sa isang mabilis at maayos na pagboto? Narito ang guidelines sa pagboto mula sa Commision on Elections.

Hinihikayat ko po ang lahat na bumoto, lalong lalo na ang humigit kumulang 75,000 na eligible voters ng Dinalupihan. Tayo po ay makiisa sa paggawa ng kasaysayan at pagtugon sa ating responsibilidad sa bayan.

08/05/2022

Ngayong Linggo ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Linggo ng Mabuting Pastol. Nawa'y ang turo ng Mabuting Pastol na ating Panginoong Hesukristo ay isabuhay natin araw araw, lalong lalo na sa makasaysayang eleksyon bukas.

Photos from Dok Rey Matawaran's post 08/05/2022

Nais kong batiin ang aking mahal na asawa, Mama Daisy ng isang maligayang araw ng mga ina. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin at sa ating mga anak. Gayundin sa aking mahal na nanay na walang ibang ginawa at inisip kung hindi kami ay mapabuti, at lumaki kaming magkakapatid na maayos at may takot sa Diyos. I love you both. 💖

Happy Mother's Day po sa lahat ng nanay sa bawat tahanang Dinalupiheño. Hindi lamang po kayo ilaw ng tahanan. Kayo rin ang liwanag sa aming landas.

07/05/2022

Walang power, pero may power pa ang taumbayan!

Panoorin ang pananalita ng pasasalamat ni Vice Mayor Atty. Francis Miranda.

07/05/2022

Barangay Roosevelt - Barangay Colo
May 7, 2022

07/05/2022

Barangay Bangal - Barangay Roosevelt
Grand Rally
May 7, 2022

Photos from Dok Rey Matawaran's post 07/05/2022

Ako po ay naniniwala na ang kabataan ang pag asa ng bayan. Kaya ipanalo po natin ang isang maayos na kinabukasan para sa ating mga kabataan sa paghalal ng mga pinunong walang bahid ng korupsyon, hindi nabibilang sa isang political clan, may nagawa, at magagawa pa.

Patuloy lang po ang paglaban natin para sa ng bayan ng Dinalupihan.

⚫️1 MATAWARAN, Dok Rey
Mayor

⚫️ 4 MIRANDA, Atty. Francis
Vice Mayor

Konsehal
⚫️ 7 De Leon, Marvin
⚫️ 9 Delos Angeles, Luningning
⚫️ 11 Gayla, Ronald
⚫️ 13 Macaspac, Jerry
⚫️ 17 Santos, Alfredo Jr.
⚫️ 19 Timple, Dr. Joselito
⚫️ 22 Trinidad, Engr. Arnold "Bo"

#28 ACT CIS PARTYLIST

07/05/2022

Parating na ang tropang . Stay tuned!

Photos from Dok Rey Matawaran's post 07/05/2022

ACT CIS DOLE-TUPAD BENEFICIARIES, PAY OUT NA!

Kanina po ay isinagawa ang payout ng ating 500 beneficiaries ng TUPAD program sa barangay Colo, Dinalupihan, Bataan.

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ACTCIS Partylist sa patuloy na paghahatid ng serbisyo sa aking mga kababayan. Kami po sa Office of the Vice Mayor ay natutuwa at nagpapasalamat sa inyo sa pagpili ng aming opisina na maging daluyan ng tulong sa pag-asa sa buong Bataan.

06/05/2022

Huling hirit ng tropang !

Malugod ko po kayong inaanyayahan na sumama bukas sa aming gaganaping motorcade at miting de avance kasama ang buong .

Magkita kita po tayo sa ganap na 2:30PM sa Olongapo-Dinalupihan, Boundary, Bangal, Dinalupihan, Bataan, at lalarga ng eksaktong 3PM. Tayo po ay magtatapos ng motorcade sa Basketball Court ng New San Jose, Dinalupihan, Bataan. Ito po ay susundan ng Miting De Avance sa ganap na 6PM.

Ihalal po natin sa Mayo 9 ang Tropang !

1 MATAWARAN, Dok Rey
Mayor

4 MIRANDA, Atty. Francis "Hansy"
Vice Mayor

Konsehal ng Bayan
7 DE LEON, Engr. Marvin "Bongbong"
9 DELOS ANGELES, Luningning "Neng Linao"
11 GAYLA, Ronald
13 MACASPAC, Jerry Lechon
17 SANTOS, Alfredo Jr.
19 TIMPLE, Dr. Joselito
22 TRINIDAD, Engr. Arnold "Bo"

Photos from Dok Rey Matawaran's post 05/05/2022

Bagamat malapit na po ang huling mga araw ng kampanya, patuloy pa rin po tayo sa pagbisita sa aking mga kababayan. Kanina po ay nakasama natin ang mga matatanda ng bayan.

Kasama po sa binalangkas nating comprehensive development plan ang pagsisiguro na mapabuti ang kalagayan ng ating mga lolo at lola sa pamamagitan ng mas aboy kamay na serbisyong sosyal.

⚫️ 1 MATAWARAN, Dok Rey
Mayor

Photos from Dok Rey Matawaran's post 05/05/2022

at

Patuloy ang pamamahagi natin ng mga hand pump sa ating mga kababayan na hindi pa rin naaabot ng serbisyo ng tubig nawasa. Makakaasa po kayo na kung tayo ay palarin, ating tratrabahuhin ang pagpapabilis ng pag abot ng mga basic social services sa ating mga kababayan sa malalayong lugar.

Sisiguraduhin po natin ang pag- angat pa ng kalidad ng pamumuhay sa bayan ng Dinalupihan.

05/05/2022

Narito ang step by step process ng pagboto sa darating na Lunes, Mayo 9, 2022.

04/05/2022

VOTE BUYING IS THE ROOT OF ALL POLITICAL EVIL!!!

“DOC HINDI KA MANANALO KUNG WALA KANG PERA.”

“DOC KELANGAN MO NG 60M PARA MANALO KA BILANG MAYOR.”

“ANG KALABAN MO MAY PERA IKAW WALA, PAG DATING NG MISMONG HALALAN PERA ANG NANANAIG SA MGA TAO.”

Ito po ang mga katagang madalas nating naririnig sa mga taong nakakausap natin bago at pagkatapos natin magdesisyon na humabol bilang Mayor ng Dinalupihan.

Ngayon hayaan nyo pong ipaliwanag ko sa inyo kung bakit hindi kailangan ng pera at ayaw natin at ating kinokondena ang vote buying. Ang Mayor po ay sumasahod lamang ng humigit kumulang 100K sa loob ng isang buwan at ang Mayor po ay uupo lamang sa loob ng 36 months o sa loob ng tatlong taon. Kung atin pong kukwentahin ang sasahurin po ng isang Mayor ay aabot lamang ng more or less 3.6 M pag tapos ng isang termino nito.

Ngayon meron po ba dito sa bayan ng Dinalupihan na makakapagpaliwanag sa atin kung paano at saan babawiin ng kandidatong ito na gagastos ng ganitong kalaking pera ang halagang 60M na ito?

Opo tulad po ninyo alam kong alam nyo na rin ang kasagutan sa tanong na ito.

Wala po tayong pakialam kung saan man galing ng kandidatong ito ang kanyang ipinamumudmod na pera sa taong bayan. Hindi nya po kasalanan na magkaroon ng ganung kalaking pera. Ngunit higit po nating dapat isipin at ikabahala ay kung SAAN AT SA PAANO NYANG PARAAN ITO BABAWIIN???

And yes! Your guess is as good as mine.

Dahil ang kandidatong mamimili ng boto ay siguradong MAGNANAKAW SA BAYAN!!!

Just imagine kung magkano ang nanakawin ng mga politikong tulad nito kapag ito ay naupo na sa kanilang mga puwesto? 60M? Sa atin po bang palagay ay sapat na na mabawi nila ang ginastos nila sa halalang ito? Paano sa palagay ninyo ang gagastusin nila sa susunod na tatlong taon ng kanilang pagkandidato muli? Tama po kayo ulit. Bukod sa pagbawi ng 60M na ginastos nila ngayon 2022 election eh siguradong kailangan nila muli ng another 60M o higit pa para sa 2025 election. Masaya tayo sa kakaunting pera na natatanggap natin pero ang hindi natin alam ay ginigisa lamang tayo ng mga ito sa sarili nating mantika. Kaya sinisigurado ko sa inyo na ang kakapuranggit na inyong salaping matatanggap ay siguradong kaban ng bayan ang sukli!!!

GISING DINALUPIHAN!!!

Wag po sana nating pagkaitan ng pagkakataon ang isang taong gusto lamang maglingkod sa ating bayan ng tunay at tapat ngunit pilit hinahadlangan dahil lamang sa ito ay walang pambili ng boto. Maging pamantayan po sana natin ang talino, husay at kakayanan ng isang kandidato at hindi sa kung magkano ang kayang ibigay nito. Masakit man pong marinig eh tila “MONEY CONTEST” na po ang nagiging labanan sa tuwing araw ng eleksyon at hindi labanan ng kakayanan at prinsipyo ng isang kandidato. Panahon na po para itigil natin ang bulok na sistema na pinamulat satin ng mga bulok na politiko na walang ibang alam gawin kundi bayaran ang boto ng Dinalupihan. Panahon na para pumili tayo ng lideratong may talino, may prinsipyo at walang bahid ng kahit anumang korapsyon sa gobyerno. Wag na po natin hintayin na dumating ang panahon na isa sa ating mga anak ay mangangarap na sumubok pumasok sa lingkod bayan ngunit dahil lamang sa wala itong pera ay mawawalan ito ng karapatan na tuparin ang kanyang mga pangarap!

Hindi ko po kayo pipigilan na tanggapin ang ibinibigay nilang pera. Alam ko pong hindi nyo ito hiningi sa kanila bagaman ito ay kusang loob na binibigay sa inyo para lasunin ang inyong mga isip na sila ang nararapat ninyong iboto. Ganun pa man ako ay umaasa at nanawagan sa inyong lahat na sa May 9 tayo pong lahat ay bumoto ng naayon sa ating puso at konsensya at hindi ng naaayon sa pera. Wag magpagipit sa kung kanino man...

IKAW ANG MASUSUNOD AT HINDI ANG PERA NILA!

DINALUPIHAN, TUMINDIG KA!

AT TAAS NOONG ISIGAW..

“HINDI KO BINEBENTA ANG BOTO KO! SAY NO TO VOTE BUYING!”

Photos from Dok Rey Matawaran's post 04/05/2022

ANG BOTO KO AY PARA SA BAGONG DINALUPIHAN.

Ikaw kababayan, para kanino ang boto mo?

Photos from Dok Rey Matawaran's post 04/05/2022

Kahapon po tayo ay nakiisa, sa pamamagitan ng aking chief of staff sa familiarization and testing ng mga Vote Counting Machines (VCM) para sa nasyonal at lokal na eleksyon sa darating na Lunes. Nagpapasalamat po ako sa staff ng COMELEC sa paganyaya, at pagsisiguro ng isang malinis, ligtas, at patas na eleksyon.

Photos from Dok Rey Matawaran's post 03/05/2022

Maraming salamat po barangay Magsaysay. Ipano natin sa Mayo 9 ang !

⚫ 1 MATAWARAN, DOK REY
Mayor

⚫ 4 MIRANDA, ATTY. FRANCIS HANSY
Vice Mayor

Konsehal
⚫ 7 DE LEON, ENGR. MARVIN
⚫ 9 DELOS ANGELES, LUNINGNING
⚫ 11 GAYLA, RONALD
⚫ 13 MACASPAC, JERRY
⚫ 17 SANTOS, ALFREDO JR.
⚫ 19 TIMPLE, DR. JOSELITO
⚫ 22 TRINIDAD, ENGR. ARNOLD

Photos from Dok Rey Matawaran's post 03/05/2022

Ang lider na tapat ay hindi natatakot isiwalat ang kanyang pagkatao sa taombayan. Kaya't narito po ang ang aking mga credentials bilang isang propesyonal at politiko. Tignan at suriin po ninyo ang aking mga accomplishments at plano para sa Dinalupihan.

Nawa'y ang amin pong binalangkas na mga programa para sa bayan ay magkatotoo. Ipanalo po natin ang taombayan! Ipanalo natin ang Dinalupihan!

03/05/2022

Pagbati po ng isang masaya at ligtas na pagdiriwang ng kapistahan sa aking mga kababayan sa barnagay Tucop. Viva Sto Cristo! Viva Sto Cristo!

Photos from Dok Rey Matawaran's post 02/05/2022

Bagamat lumakad po tayo kanina sa barangay Maligaya, tumatakbo pa rin po ako sa pagka Mayor. 😉

Maraming maraming salamat po sa mainit na pagtanggap mga kababayan ko. Nakakataba po ng puso ang mga ngiti na sumasalubong sa buong .

Ipanalo natin ang sa Mayo 9!

⚫ 1 MATAWARAN, DOK REY
Mayor

⚫ 4 MIRANDA, ATTY. FRANCIS HANSY
Vice Mayor

Konsehal
⚫ 7 DE LEON, ENGR. MARVIN
⚫ 9 DELOS ANGELES, LUNINGNING
⚫ 11 GAYLA, RONALD
⚫ 13 MACASPAC, JERRY
⚫ 17 SANTOS, ALFREDO JR.
⚫ 19 TIMPLE, DR. JOSELITO
⚫ 22 TRINIDAD, ENGR. ARNOLD

02/05/2022

Hindi ako aatras. Lalaban tayo hanggang sa huli.

Aking pinabubulaanan ang alegasyon na ako ay aatras sa pagtakbo bilang alkalde ng bayan ng Dinalupihan. Ito ay pawang kasinungalingan at bunga lamang ng pagnanais ng mga “makapangyarihan” na lituhin ang taumbayang nanawagan ng pagbabago sa sistema at mahusay na pamamahala sa bayan ng Dinalupihan.

Ang hangarin ko sa pagtakbo bilang mayor ay malinis at dalisay. Sa aking paninilbihan bilang vice mayor at doktor sa ating bayan, nakita ko ang mga kakulangan at problema na kailangang tugunan at solusyunan. Ito ang nagtulak sa akin upang humabol sa pagka-alkalde. Nais ko pang ma-iangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga Dinalupiheños.

HINDING HINDI TAYO AATRAS SA PAGTAKBO. HINDI KO KAYO IIWAN SA LABAN NA ITO.

02/05/2022

Happy Eid Al Fitr! 🌙

We join our Filipino Muslim brothers and sisters as they celebrate the end of their month-long fasting of Ramadan. May Allah grant us good health and resistance. Mubarak!

Photos from Dok Rey Matawaran's post 01/05/2022

Bumisita ako sa farm ngayong araw ng manggagawa. Sinamahan ko sila sa pagtatanim ng buko, at pamimingwit ng isda. Sinubukan din naming paandarin ang traktora upang mapatag ang lupa. Grabe! Wala talagang katumbas ang sipag ng aking kapwa magsasaka. Mabuhay po ang lahat ng Manggagawang Pilipino!

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Dinalupihan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Walang power, pero may power pa ang taumbayan! Panoorin ang pananalita ng pasasalamat ni Vice Mayor Atty. Francis Mirand...
Barangay Roosevelt - Barangay ColoMay 7, 2022#Teamdokatty #SerbisyongMayPuso #DoktorAngMayorko #1matawaran
Barangay Bangal - Barangay Roosevelt#TeamDokAtty Grand Rally May 7, 2022#SerbisyongMayPuso
Naitala na sa bansa ang unang kaso ng Omicron subvariant BA 2.12. Ito po ay mula sa isang 52 years old na babae kauuwi g...
14 STREETS MOTORCADEApril 3, 2022#teamdokatty #dinalupihanbataan #serbisyongmaypuso #serbisyongdimatatawaran
4 ATTY. FRANCIS "HANSY" MIRANDA para Vice Mayor#Teamdokatty #Serbisyongmaypuso #Serbisyongdimatatawaran #dinalupihanbata...
7 ENGR. MARVIN DE LEONKonsehal ng Bayan | Sustainable Infrastructure and Environmental Protection#Teamdokatty #Serbisyon...
22 ENGR. ARNOLD "BO" TRINIDADKonsehal ng Bayan | Transportation, Transparency, Ways and Means#Teamdokatty #Serbisyongmay...
17 ALFREDO SANTOS JR. Konsehal ng Bayan | Senior Citizens' Rights and Agriculture#Teamdokatty #Serbisyongmaypuso #Serbis...
13 JERRY MACASPACKonsehal ng Bayan | MSMEs Empowerment, Employment, Trade and Industry#Teamdokatty #Serbisyongmaypuso #S...
9 LUNINGNING "NENG" LINAO DELOS ANGELES Konsehal ng Bayan | Women, Children and LGBTQIA Rights and Welfare #Teamdokatty ...
11 RONALD GAYLA Konsehal ng Bayan | Education, Arts and Culture, Sports and Youth Development #Teamdokatty #Serbisyongma...

Category

Address

Dinalupihan
2110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Other Public Figures in Dinalupihan (show all)
Mimim's Thoughts Mimim's Thoughts
Dinalupihan, 2110

Budget Friendly , Fresh and Quality

Ganda k Ganda k
Dinalupihan

Mayah  Sweet Escapades Mayah Sweet Escapades
Dinalupihan, 2110

Personal blog

Ukayan Satipo retail&bulk order Ukayan Satipo retail&bulk order
Dinalupihan, 2111

ukay supplier direct importer

Henio Frame Shop Henio Frame Shop
General Luna Street
Dinalupihan, 2110

BEAUTIFUL & QUALITY!!!

Marvin Maniego Marvin Maniego
Dinalupihan

El Reloj Watch Repair Service El Reloj Watch Repair Service
Dinalupihan, 2110

we repair all kinds of watches we buy & sell gold, diamond,silver,coin old coin�

The 3Js vlogs The 3Js vlogs
Dinalupihan

REBRANDING SOON! (DANDELIONS OFFICIAL) Business and Vloging page TIKTOK/IG/YOUTUBE

Kdrama oppa Kdrama oppa
BATAAN
Dinalupihan, 2110

oppa/unnie

Clarenz rivera manalansan Clarenz rivera manalansan
Pag, Asa
Dinalupihan, JHEN1921

miss you all

marlyn alfonso marlyn alfonso
256 Maligaya 1 Street
Dinalupihan, 2110

good friend

Secret Finds and Etcetera Secret Finds and Etcetera
Dinalupihan, 2110

Welcome to my Tiktok Shop Recos 🤗