San Lorenzo Health Center-Gapan City

Health care services

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 29/04/2023

✅ Conducted orientation on BHW regarding MR OPV SIA Campaign
✅ Planning and strategies discussed
✅Explained roles and responsibilities of each group

Ngayong May 1-31, 2023, inaanyayahan namin ang mga BakuNANAY at ang mga PAPAvaccine na samahan kami sa aming kampanya na maging ligtas ang mga chikiting kontra Polio, Rubella, at Tigdas!

Iniimbitahan namin kayong makilahok sa Chikiting Ligtas Campaign upang maprotektahan ang mga kabataan sa sakit. Huwag nating hayaang mahirapan o magkasakit ang mga bata dahil sa sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Tungkulin natin lahat magpabakuna upang maging ligtas para sa .

Chikiting Ligtas 2023 22/04/2023

Ngayong May 1-31, 2023, inaanyayahan namin ang mga BakuNANAY at ang mga PAPAvaccine na samahan kami sa aming kampanya na maging ligtas ang mga chikiting kontra Polio, Rubella, at Tigdas!

Iniimbitahan namin kayong makilahok sa Chikiting Ligtas Campaign upang maprotektahan ang mga kabataan sa sakit. Huwag nating hayaang mahirapan o magkasakit ang mga bata dahil sa sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Tungkulin natin lahat magpabakuna upang maging ligtas para sa .

Kung gusto mo rin makibahagi sa kampanyang ito, gamitin ang frame gamit ang link na ito: https://twb.nz/chikitingligtas2023, itaas ang kamalayan sa pagbabakuna at sama sama nating abutin ang !

Chikiting Ligtas 2023 Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) Campaign of the Department of Health - 2023

17/04/2023

📣📣📣 ANNOUNCEMENT📣📣📣

BUKAS NA PO ARAW NG MARTES ANG BAKUNAHAN NG BATA DITO SA ATING San Lorenzo Health Center-Gapan City

05/04/2023

Mga masisipag na tagapag lingkod ninyo sa kalusugan dito sa bayan ng Gapan.

.

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 25/03/2023

MAPAGPALANG ARAW MGA KA-BARANGAY

BARANGAY ASSEMBLY DAY
1st Semester of CY 2023

March 25, 2023 (Araw ng Sabado)

"B-BIDA KA! Barangay BIDA Ka sa Pagpatupad ng Kapayapaan, Pangangalaga sa Kalikasan, at Pagpapaigting ng Pagkakaisa Tungo sa Isang Ligtas, Mapayapa, Maunlad at Masaganang Pamayanan."

Sa pangunguna ng ating butihing Kagalang-galang Ama ng Barangay, Punong Barangay Danilo DG San Jose kasama ng kanyang Sangguniang Konseho, ang pagsasagawa ng Unang Semestre ng Barangay Assembly sa taong 2023

Nakapaloob dito, ang mga Accomplishment Reports o mga nagawa, ginagawa, at mga gagawin pang mga proyekto,programa at mga plano ng ating Sangguniang Barangay ng San Lorenzo

28/02/2023

📣📣📣
Magandang araw po mga batang Gapan..
Ang Gapan City Health Office ay magkakaroon ng BLOODLETTING ACTIVITY na gaganapin sa MARCH 02, 2023 sa GAPAN CITY AUDITORIUM simula 8:00am hanggang 3:00pm. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganapin na aktibidad.. Maraming salamat po

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 23/02/2023

Magandang umaga mga ka-Brgy

LIBRE lang at WALANG BAYAD ang ating Family Planning Method tulad ng pills, depo at condom dito sa ating San Lorenzo Health Center-Gapan City. Magpunta lang po dito sa health center para kayo ay ma screen kung anong FP method ang nararapat sa inyo.

Mga FAMILY PLANNING na available sa ating health center
✅ Pills
▪️ COC- hindi nararapat sa mga nagpapa suso ng ina
▪️POP - para sa mga nagpapa dede hanggang 6 na buwan
✅ DMPA or depo - pwede din sa mga nagpapa suso ng ina at ito inineksyon kada 3 buwan
✅Condom- ang wasto at palaging pag gamit ng condom tuwing nakikipagtalik ay nakatulong sa pag- iwas sa pagbubuntis at mga sexually transmitted infections (STI) at HIV/AIDS
✅Implant- hanggang 3 taon ang bisa
- maliit ang malambot na vinyl rod na ilalagay sa ilalim ng balat sa braso ng babae.

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 23/02/2023

Tignan: Family Planning Usapan Session sa Purok Riles San Lorenzo kasama ang ating mga BHW Neneth at Marlyn. Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa at tumanggap ng serbisyo.

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 21/02/2023

Look: Katatapos lang ang isinagawang Health Education Week sa Brgy San Lorenzo Senior Citizens Office. Ang layunin ng aktibidad na ito ay magbigay ng kaalaman para sa kalusugan sa mga magulang tulad ng Family Planning, Leptospirosis, Rabies, National Immunization Program at Nutrition. Meron ding libreng laboratory para sa mga buntis. Maraming Salamat po sa lahat ng nakilahok sa aming programa at sa pakikipag tulungan ng LGU City Health Office Ma'am Liza Bautista sa Nutrisyon, HPO Ma'am Oya, CHU 1 Midwife at Nurses at DOH HRH, at sa mga BNS/BHW ng Brgy San Vicente, Sn Lorenzo at Pambuan. At sa pangunguna ng ating Kapitan Danny San Jose at sa mga Kawani ng Brgy San Lorenzo

Salamat po 🤗

20/02/2023

Magandang araw mga ka-Brgy
Inaanyayahan po namin kayo bukas na makilahok at magsasagawa ng maiksing programa ang City Health Office at DOH HRH ng "KALUSUGAN PARA SA LAHAT" sa pakikipag tulungan ng ating Brgy San Lorenzo sa pangunguna ng ating Kapt. Danny San Jose na gaganapin bukas February 21 2023 ganap na ala- 09:00 ng umaga dito sa ating Brgy.

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 16/02/2023

📌Paglilinis ng kanal sa harap ng Gapan East Elementary School pangunguna ng ating Kapitan Danny San Jose

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 16/02/2023

📌Family Planning Usapan Session sa Patubig kasama ang aming Midwife Cynthia at mga Barangay Health worker Marlyn at Neneth. Salamat po sa pag tanggap ng libreng serbisyo. Ang pills or depo ay LIBRE lang po at walang bayad.
📌 New acceptor- 5 pills

13/02/2023

Magandang gabi ka mommies

Paalala lang po, may bakunahan po ni baby sa miyerkules simula alas 08:00 ng umaga sa ating San Lorenzo Health Center-Gapan City wag pong kalimutan dalhin ang baby book ng ating anak. See you there. 👶🤗

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 03/02/2023

📣📣📣

Mga ka-Barangay

Dahil National Deworming Month ngayun abangan po ang ating mga BHW or Barangay Health Worker at sila ay magbabahay bahay para magbigay ng pamurga sa mga bata para maiwasan po ang pagkakaroon ng bulate sa katawan ng bata. Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa sa aming programa ng San Lorenzo Health Center-Gapan City at sa suporta ng ating Kapitan Danny San Jose.

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 31/01/2023

Maraming salamat po Gapan East Elementary School sa pakikiisa sa programa ng LGU, Brgy San Lorenzo Health Center-Gapan City at DOH para ma proteksyonan ang mga Grade school student laban sa Tigdas.

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 26/01/2023

📣📣📣 ka-Barangay

Sa pangunguna po ng ating Kapt. Danny San Jose ang Barangay San Lorenzo po ay bumili ng gamot laban sa Hypertension at Diabetes. Magdala lamang po ng reseta ng gamot or ang inyong index card ng maintenance at dalhin sa ating San Lorenzo Health Center-Gapan City.

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 26/01/2023

4p's Family Development Session
Program discussed regarding
🔸Family planning
🔸Covid Vaccination
🔸MR-Td SBI
🔸Blood letting program

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 25/01/2023

Ano ang OPT or Operation Timbang

Ito ay taunang pagtitimbang at pagsukat ng taas ng bata edad 0-59 buwan gulang para malaman kung sino sinong mga bata ang may mababang timbang, bansot or sobra sa timbang. Ang BHW ng San Lorenzo ay nagbabahay bahay para sukatin at timbangin ang inyong mga anak. Maaari po sanang makipag makiisa at ipa timbang ninyo ang inyong mga anak.

Mga purok na na bisita ng ating Barangay Health worker
✅ Patubig
✅ Riles

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 25/01/2023

📣📣📣
Mga ka-Barangay
Kasalukuyan pong may bakunahan ng bata dito sa ating San Lorenzo Health Center-Gapan City. Padala po ang inyong anak ngayung araw kung ito ay may kulang ng bakuna.

Photos from San Lorenzo Health Center-Gapan City's post 24/01/2023

Mga ka-Barangay

Sa pangunguna po ng ating Kapitan Danny San Jose Inaanyayahan po namin kayo na pabakunahan nyu ang inyong mga anak laban sa Tigdas Grade 1 at Grade 7 sa Gapan East Elementary School na gaganapin sa January 31, 2023 09:00am.

23/01/2023

📣📣📣
Magandang umaga po mga ka-Barangay San Lorenzo. Magkakaroon po tayo ng bakunahan ng baby sa January 25 2023, araw ng miyerkules dito po sa ating San Lorenzo Health Center-Gapan City. Padala po ang ating mga baby kung hindi po napasaksakan nung nakaraang linggo at kung ito po ay kulang ng bakuna. Salamat po

17/01/2023

Paalala po mga ka mommies. Bukas na po ang bakunahan ng baby sa Brgy San Lorenzo Health Center-Gapan City 🤗

14/01/2023

Good day po. Eto po ung bagong fb page namin
Sa ibaba eto po ang schedule monthly ng bakuna ng bata sa Brgy San Lorenzo Health Center-Gapan City

Want your practice to be the top-listed Clinic in Gapan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

San Lorenzo
Gapan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Other Medical & Health in Gapan (show all)
Bucana Rabies Center Bucana Rabies Center
Bucana , Gapan City Nueva Ecija
Gapan, 3105

Zynergia-Hazel de Guzman Zynergia-Hazel de Guzman
Tramo Drive
Gapan, 3105

Synergia (modified as Zynergia) is an attic greek word of Synergy which means “working together”

Grand Cross Alcohol Grand Cross Alcohol
San Vicente
Gapan, 3105

Sweet Angel Clinic - Gapan Sweet Angel Clinic - Gapan
Front Of Gapan City Public Market
Gapan, 3105

Diego-Almonte Medical Clinic Diego-Almonte Medical Clinic
Valmonte Street, Purok 4
Gapan, 3105

Adult Medical Clinic in Pambuan, Gapan City

Brave Kyla Fight AVM Brave Kyla Fight AVM
San Nicolas Gapan City
Gapan, 3105

DepEd-SDO Gapan City Medical and Dental Teleconsultation Services DepEd-SDO Gapan City Medical and Dental Teleconsultation Services
Don Simeon Street San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Gapan, 3105

This page is intended for medical and Dental teleconsultation of DepED-SDO Gapan City Teaching and N

Coffee Session Coffee Session
Maburak Gapan City Nueva Ecija
Gapan, 3105

100% aunthentic 100% effective no Palpitate 100% legit

I-Fern Gapan City, N.E I-Fern Gapan City, N.E
San Lorenzo, Gapan City, Nueva Ecija
Gapan, 3105

Top 1 World Class Brand.

Organic Glutathione by Kirei Organic Glutathione by Kirei
Gapan, 3105

We are selling Organic Glutathione from KIREI

Dra.Garcia Dra.Garcia
Gapan, 3102