Salitanaw

Salitanaw

This Page is about My reflection on God's Word and My homily for the Day especially Sunday Liturgy

27/12/2020

Ang MAG-ANAK O PAMILYA parang FACEMASK,FACE SHIELDS at SOCIAL DISTANCING. Yung hirap na hirap ka na huminga pero kailangan mag suot ng FACEMASK kasi kailangan. Kailangan mo mag suot ng FACESHIELDS kasi nanlalabo na ang paningin mo. Minsan kaioangan ng saglitang SOCIAL DISTANCING para makita ng bawat isa ang kahinaan at pagkakamali nila.
# BANAL NA MAG-ANAK

25/12/2020

Christmas is not only about receiving,but
It is also about giving!
Is not about the gifts wrapped in Christmas wrapper but it is about the gift of one self to others.

13/12/2020

The joy is not an option,but a gift from God. Be happy if Christ is in you.

06/12/2020

Pagbabago ang magandang ihanda sa pagdating ni Hesus. Si Juan Bautista nanawagan na pagsisihan at talikdan ang kasalanan. Pagbabago mula sa pagiging matiyaga at nagsisikap para sa pag-aantay sa oagdating ni Hesus.

29/11/2020

Ang kahulugan ng Adbyento hindi lamang paghahanda sa pagdating na muli ng Panginoong Hesus, kundi ang Adbyento ang ay isang tunay na paghahanda natin sa misyon na iniatas sa atin ni Hesus. Adbyento ang paghahanda sa Misyon ng bawat isa sa atin sa kaganapan ng ating pananampalataya.

21/11/2020

No one left behind if Christ will reign in our heart. He is the KING, a true Servant King, who embraced death for the sake of His beloved people.

08/11/2020

Maging handa sa anumang oras sa pagdating ni Hesus. Ihanda ang sarili ng may kababaang-loob at pananampalataya. Sa paghahanda focus sa kung ano essential at mahalaga.
Ika-32 SOT

25/10/2020

God's love is always unlimited and never conditional.
-30thSunday

18/10/2020

Ang nais ni Hesus ay katapatan natin sa Kanya at sa ating mission, mission sa kapwa. Ibigay ang sa Diyos ang para sa Diyos at ibibigay Niya sa atin ang nararapat para sa atin.
Ika-29

11/10/2020

Tinawagan tayo ng Panginoon sa Kanyang Banal na Piging maging handa tayo na may kagalakan, kababaan, at pananampalataya.
#28

04/10/2020

Kung hindi natin kayang tanggapin si Hesus, sana tanggapin natin ang Kanyang layunin na tayo ay mapabilang sa Kanyang Kaharian.

26/09/2020

Sa Mabuting Balita sa linggong ito ika- 26,narinig natin ang kwento ng ama nag utos sa kanyang dalawang anak na pumunta sa ubasan. Ang panganay nagsabi ng AYOKO pero kalaunan pumunta sa ubusan, ang bunso nagsabi ng Oo pero kalaunan nagbago ang isip at hindi pumunta sa ubusan. Marahil ganito din tayo minsan pagbago-bago ng desisyon o pag-iisip sa buhay. Hindi tayo nalalayo sa 2 anak sa Mabuting Balita. Pero ang kaganadahan lang dito sa kwento ay may NAGBAGO. Yun nga lang ang isa from Yes-No at ang isa from No-Yes. San ka ba dito sa 2 anak na ito. Si YENO o si NOYE. Ang paanyaya sa ating Panginoon sa linggo ay sana meron magandang magbabago sa ating mga desisyon sa buhay. Sundin natin o sumunod ayun sa ating mabuting pagpapasya hindi yung lahi tayo nag aalangan.

20/09/2020

Hindi na naging normal, stable o certain ang buhay natin ngayon dulot ng COVID-19. Sa Linggo ito hamon sa atin ni Hesus imbis na magreklamo kundi yakapin ang new normal para maging new o bago din ang ating pananaw sa buhay lakipan ng pananalangin sa Panginoon hindi reklamo lang ang ginagawa natin. God's mysterious ways is always on time and updated.
25th Sunday of OT

16/09/2020
12/09/2020

I deserved to be forgiven and you also deserved for it. Mahirap man gawin pero ito ang paanyaya sa atin ni Hesus sa linggong ito ang magpatwad hindi magpatawa. Wag pagtawanan ang pagpapatawad sa ibang tao. Derserve nila yun. Buksan lang natin ng malaki mga puso natin dahil nakakagaan ng kalooban pag tayo ay magpatawad at pinatawad. Happy 24th Sunday sa lahat. Pagpalain at patawarin nawa tayo ng Panginoon.

05/09/2020

Kung hindi mo kayang kausapin o patawarin ang taong nagkasala sa iyo, eh sino? Minsan masakit man tanggapin pero kailangang gawin dahil yun ang gusto ng D
Pangionoon sa atin tulad Niya handang magapatawad at magmahal muli sa taong naging tinik sa ating lalamunan.

29/08/2020

Walang krus na hindi mabigat at iskanduluso. Walang krus na magaan lahat ay mabigat. Kaya lumapit tayo kay Hesus tularan natin Siya kung paano Niya kinaya at minahal ang Kanyang Krus hanggang kamatayan.

22/08/2020

Pagmahal mo ang isang tao dapat kilala mo siya. Yan ang napakasimpleng mensahe sa atin ni Hesus sa linggo ika - 21. Kilalanin mo si Hesus ng lubusan at kailanman hindi ka mapaparang. Kilala nga natin si Hesus pero natin Siya kayang ipagmamalaki sa iba.
Sino si Hesus sa buhay mo?

15/08/2020

Sa panahon ng COVID-19 pandemic mahirap o mayaman pwedi mahawaan. Sa madaling salita walang pinipili o hindi racist ang COVID-19 virus. Yun di ang Panginoon sa ating lahat. Walang pinipili kundi lahat ay kabilang sa Kanyang kawal. Stop discrimanating others. Marami pa din sa atin naintindihan kung sino ang Diyos sa buhay natin. O marami pa din sa atin hindi nakikita o nauunawaan ang pag-ibig ng Diyos. Our is God is for everyone not for any one. God is Universal, not particular. Ito ang nais ng ebanghelyo sa atin sa ika-20 ng linggo ng panahon.
God bless us all!

09/08/2020

# TAPA ( Takot, pangamba, alinlangan) ay bunga ng maliit na pananamplataya. Ngayong ika-19 linggo inaayayahan po tayo ni Hesus na lumapit sa Kanya. Ituon natin ang ating sarili sa pag-ibig ng Panginoon. Lahat ay malalampasan natin kung Siya ay ating tanggapin sa puso natin.
#19 SOT

06/08/2020

Ang pagbabagong-anyo natin ay magsisimula sa puso ng bawat isa sa atin bago ang lahat.
Feast of the Transfiguration

02/08/2020

Sa ikalabing-walong linggo ng panahon tayo po ay inaanyayahan tayo ng Panginoon ibahagi sa ating kapwa ang tunay na pagmamalasakit at pagmamahal po sa ating kapwa na walang anumang pasubali at masamang intention kundi ang pagsunod sa kaloob ng Diyos tulad ng ginawa ni Hesus. Ngayong linggo ay lingho ng mga mahal nating mga kaparian lalo na ang mga kura paroko atin silang ipagdasal na nawa'y maging matatag sila sa hamon ng Panginoon na maglingkod sa mas higit na nangangailangan.

. John Marie Vianney Sunday
for the Priest!
for the Church

18/07/2020

DAMO
MUSTASA
LEBADURA
Pinapakita sa atin sa Mabuting Balita ngayong ika-16 na Linggo na totoong hindi perpekto ang mundong ito talagang merong masamang damo na sumasabay sa ating pagsisikap. Pero hayaan natin ang masamang damo na mabuhay dahil darating ang araw na ito ay aanihin at itatapon sa empyerno. Ang mahalaga ay merong tayong pananampalataya na kasing laki ng butil ng mustasa para ng sa ganun ay hindi tayo malinlang ng masamang damo. Tulad ng lebadura na pinaghirapan ng todo na imasa sana ganun din ang ang ating pananalig sa Diyos. Tulad ng lebadura payabungin natin ang ating sarili sa pamamagitan ng buhay panalangin, pagtanggap ng mga Banal na Sakramento lalong higit ng Banal na Eukaristiya.

11/07/2020

Napapanahon ang Liturhiya ng Salita ng Diyos sa linggong ito ika - 15 Linggo sa Karaniwang Panahon. Nagpaanyaya sa ating ang Mabuting Balita, " Ang may pandinig ay makinig". Marahil marami na sa atin ang nakalimut makinig sa Salita ng Panginoon. Mas pinapakinggan natin ang bugso ng ating mga damdamin sa mga nangyayari ngayon. Ang tanung, meron pa bang lugar ang Salita ng Diyos sa ating mga puso? Kung yinatanggap lang natin na may Pananamplataya ang Salita ng Panginoon ito ay magbubunga ng maganda sa ating buhay. Tandaan natin na ang Salita ng Panginoon ang Siyang gabay natin para tayo ay mamuhay bilang taong may pagmamahal sa kapwa tulad ni Hesus. Hiwag nating hayaan na ang Salita ng Panginoon na ating napakinggan ay maglaho na hindi ito nagbunga sa ating buhay. Liwaagan nawa tayo ng Salita ng Panginoon kung paano tayo mamuhay na may takot sa Diyos, mapagmahal sa kapwa at tulad ni Hesus handag dumamay sa mga kapatid nating nangangailangan. Sa panahong ito na tila baga lahat tayo ay natatakot sa mga nangyayari sa ating kapaligiran dahil ang atung bayan ay nababalot ng takot dala ng COVID-19, hindi tamang pananaw sa hustiya at pagpapahirap ng mga sitwasyon dala ng demonyo. Tayo ay makinig sa Salita ng Panginoon. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na matalas pa ang ating tainga sa Kanyang Salita. Hindi ito panahon para umusbong ang takot at galit. Kundi panahon ito para tayo ay makinig, magnilay at higut sa lahat mamuhay na mapayapa sa tulong ng Salita ng Panginoon.
-15 SOT

04/07/2020

Lumapit ka!
Ito ang paanyaya sa atin ni Hesus ngayong ika-14 na Linggo ng Karaniwang Panahon. Huwag tayong matakot, mag-atubili, mahiyang lumapit sa ating Panginoon. Siya lamang ang ating kalakasan at Siya lamang ang sasagot sa mahirap at magulo nating buhay. Ngayong panahon ng COVID-19 marami sa atin umaasa sa SAP o sa Ayuda ng gobyerno tila nakaligtaan nating isipin at tanungin san ba nanggagaling ang ipinamahagi sa ating gobyerno na SAP o Ayuda? Oo sa kaban ng Bayan! Pero kung tayo ay lumapit at humingi kay Hesus na may kababaang-loob at pag-aralan ang Kanyang mga Salita, SIKSIK, LIGLIG, AT UMAAPAW na biyaya ang ibibigay sa atin ni Hesus. Lumapit sa akin kayong mga napapagal at bigyan ko kayo ng kapahingahan, ani ni Hesus.

29/06/2020

Sino ba si Hesus para sa atin ngayon panahon ng COVID-19? Ito ang tanung sa atin ng Panginoon ngayon Kapistahan ni San Pedro at San Pablo ang dalawang mataibay na haligi ng ating pananamplataya. Tulad ni San Pedro at San Pablo nawa'y maging matapang tayong ipagsigawan at ipagmamalaki ang ating Panginoong Hesus at ating Siyang ipakilala sa mga hindi pa Siya lubos tanggap sa kanilang buhay. Mamuhay sa katotohanan at tapang sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.
San Pedro at San Pablo, ipanalangin mo kami.
San Pedro at San Pablo

27/06/2020

Sa pagsunod kay Hesus tatlong I ang dapat mong isabuhay
1. I-wanan mo ang mga bagay na nakapalagayan
2. I-sipin mo hindi sapilitan
3.I- ntindihin mo ng maigi ang yong rason o dahilan sa pagsunod kay Hesus.
Ngayong ika-13 linggo ng karaniwang panahon sa umpisa pa lang simabi na ni Hesus sa gustong sumunod sa Kanya na kailangan niyang iwan ang lahat para sa Kanya kahit ang mga mahal mo sa buhay o yung mga bagay na nakaugalian na natin. Hindi sapilitan ang pagsunod kay Hesus kundi isapuso. Dahil kasama sa pagsunod sa Kanya ang hirap mawalay sa mahal sa buhay, husgahan ng iba, kutyain ng tao, maliitin ng iba at marami pa. Huwag natin alalahanin sa pagsunod kay Hesus sa una lang ang mahirap pero kalaunan pagmaintindihan mo o maunawaan para lang yang pumunta ka sa Mall kahit wala kang pera babalik-balik ka dun kasi alam masaya ka.

21/06/2020

Ang pagkatakot o takot ay bunga ng kulang ng pananampalataya. Panginoon dagdagan mo ang aming pananampalataya.

19/06/2020

A heart that burns in Christ's love will always be blessed.
Solemnity of the
Sacred of Heart of Jesus

14/06/2020

Si Hesus ang Siyang ating tunay na pagkain na kailanman hindi na tayo muli gugutumin.

SUNDAY

06/06/2020

Kailanman hindi natin maintindihan ang nakabalot na misteryo sa Santatlo pero ramdam natin ang kanilang gabay sa atin. Tulad ng COVID-19 hindi man natin nakikita pero ramdam natin ang epekto nito sa buhay natin. Ganyan din ang Banal na Santatlo hindi man natin nakikita pero nararamdaman natin ang presenya Nila sa buhay. Hilingin natin sa Banal na Santatlo na gabayan tayo sa ating buhay pananamplataya at palakasin ang ating loob sa pagharap sa krisis sa buhay natin lalo na ang COVID-19.

29/05/2020

Naguguluhan ka na ba? Mga pangyayari na hindi mo nauunawaan at kailangan mo intindihin. Napanghinaan ng loob sa mga sitwasyon mo ngayon? Sa panahon ngayon na nababalot ng kamangmangan, katigasan ng ulo, kawalan ng pag-asa at naging mapanghusga sa lahat ng pangyayari at tao. Kailangan natin ng katuwang o Patnubay. Ito ang kailangan mo...
1.Wisdom
2. Understanding
3.Counsel
4. Fortitude
5.knowledge
6.Piety
7. Fear of the Lord


HAPPY PENTECOST SUNDAY!

23/05/2020

Panghahawakan natin ang pangako ni Hesus na tayo ay sasamahan hanggang wakas. Siya ang ating pag-asa at buhay.

16/05/2020

Isang Saglit
Ito yung hiling ng bawat isa sa atin pagnakaramdam tayo ng pagkalungkot pag alam natin na iiwan tayo ng taong malapit sa puso natin. Marami tayong plano na kasama ang taong ito. Araw-araw masaya pero biglang sabihin sa atin malapit na ako aalis. Tapos bigla ka na lang nanahimik at sinabi mo sa isip o sa puso sana KAHIT ISANG SAGLIT man lang ay mayakap ka muli, makasama ka muli.
Ngayong ika-6 na linggo ng Pagkabuhay ito yung pakiramdam ng mga alagad ni Hesus nung sinabi Niya na pansamatalang iiwan ko kayo. Ito din yung naramdaman ni Maria at Marta nung namatay ang kanilang kapatid na si Lazaro at dumating si Hesus sinabi ni Marta, Panginoon, kung narito ka disin hindi sana namatay ang kapatid ko. Pero sa kabila ng kaunting panahon ng pagka lungkot ni Marta at ni Maria naibsan ito ng saya at tuwa. Ito rin ang nais ni Hesus sa atin ngayong lka-6 na linggo. Aalis siya pero babalik din Siya. Magkahalong lungkot at Saya pero nangingibabaw ang pagkabahala.
Mga mahal na mga kapatid sa pananampalataya, alam ko marami tayong nararamdaman na lungkot, pagkabahala o LUHA as lungkot at bahala na nararamdam pero isipin natin hindi tayo iiwan ng Diyos kasa-kasama Siya natin lagi. Tanggapin lang natin sa buhay natin na minsan andun ang pakiramdam na nangungulila tayo, nalulumbay tayo pero sa huli mapalitan ito ng isang buhay na puno ng kagalakan, ng tuwa, dahil babalik si Hesus dala ang panghabambuhay na kagalakan. Sa Kanyang pag-alis pansamantala ay iiwan Niya sa atin ang Patnubay, ang Banal na Espiritu na Siyang maging kalakasan natin sa pagharap ng maraming lungkot, pagkabahala at takot.
Si Hesus ang Daan, ang Katotohanan, at Buhay. At paulit-ulit Niya ito sinasabi sa atin. KAHIT ISANG SAGLIT nawa'y maramdaman natin ang LUHA ng buhay pero habangbuhay tayong magsasaya na kasama Siya sa kanyang pagbabalik.
-6 na linggo ng pagkabuhay

10/05/2020

Your heart don't be troubled, but Trust to God instead.

03/05/2020

Makinig sa Mabuting Pastol na Siyang ating LAKAS, PAG-ASA at KAPANATAGAN! Tulad ni Hesus ang Mabuting Pastol Nawa'y handa tayong MAGHANAP sa mga nawawalang tupa ng Diyos. Sa panahon ng COVID-19 natin maging MabutingbPastol tayo sa ating kapwa bugso ng ating pagtawag na maging kutuwang Niya sa Kanyang misyon na hanapin at pangalagaan ang mga nawawalang tupa.

25/04/2020

Tatakas ka ba o magpakatotoo ka?
May mga bagay na dapat tayong harapin sa buhay natin. Hindi solusyon ang takot at pangamba pag si Kristo ay kasama. Kapag tayo ay nagpakatotoo sa ating sarili na si Hesus ay nabuhay, Siya ay mananatiling ating kaagpay at kasama sa buhay.
EASTER

18/04/2020

Si Hesus na puno ng Banal na Awa ang magpapagaling sa atin sa lahat nating nararamdaman sakit, kagutuman o kawalan, tiwala lang sa Kanya.

04/04/2020

Linggo ng Palaspas hudyat ng pagpasok ng mga Banal na Araw. Nawa'y tanggapin natin si Hesus sa ating mga Tahanan na may kagalakan, Pananampalataya, at Pagmamahal.

Want your school to be the top-listed School/college in Indang?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Telephone

Website

Address

Indang