Sylvia C. Austria

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sylvia C. Austria, Public Figure, SAPANG, Jaen.

Photos from Sylvia C. Austria's post 07/10/2023

September 20, 2023 - Miyerkules

Ginunita po natin ang ika-7 taong anibersaryo ng pagkamatay ng ating butihing ama ng bayan, Mayor Santy R. Austria. Ang buong pamilya Austria kasama ang mga kapamilya, kaibigan at mga mamamayan ng Bayan ng Jaen ay dumalo sa ginanap na Banal na Misa sa San Agustin Parish Church.

Nagkaroon din ng pagbabasbas ng puntod ng ating minamahal na Mayor Santy upang mag-alay ng bulaklak, kandila at panalangin na pinangunahan ng ating kura paroko Rev. Fr. Paul Angelo Fernando.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 07/10/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
September 29, 2023

"LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES - NUEVA ECIJA CHAPTER MEETING GINANAP SA BAYAN NG JAEN"

Idinaos nitong September 29, 2023 ang meeting ng League of Municipalities of the Philippines - Nueva Ecija Chapter sa Bayan ng Jaen.

Ang LMP-NE ay ang official organization ng lahat ng mga Punong Bayan sa Nueva Ecija. Ito ay pinangungunahan ni LMP President Mayor Arvin Salonga ng Bayan ng San Antonio habang si Mayor Sylvia C. Austria ang tumatayong LMP Treasurer.

Mainit na sinalubong nina Mayor Sylvia C. Austria at Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria ang mga dumalong punong bayan at mga kinatawan nito.
Ang pagpupulong na ito ay para pag usapan ang mga paksa, proyekto at mga suliranin ng bawat bayan ng Nueva Ecija.

Taos pusong nagpapasalamat ang ating butihing Mayor Sylvia C. Austria at Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria at ang mga mamamayan ng Bayan ng Jaen sa pagdalo ng mga butihing Mayor ng iba't ibang Bayan dito sa Nueva Ecija.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 06/10/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
September 27, 2023

"UNITY WALK, COVENANT FOR PEACE BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTION 2023 ISINAGAWA SA BAYAN NG JAEN"

Ginanap sa simbahan ng Parokya ni San Agustin ang Unity Walk, Covenant for Peace sa Bayan ng Jaen. Ito ay dinaluhan ng ating Butihing Mayor Sylvia C. Austria at Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria katuwang ang COMELEC Jaen na pinangungunahan ni Election Officer Gershwin A. Matias at mga kapulisan sa pamumuno ni PMAJ Herbert G. Ocumen.

Dinaluhan din ito ng mga pinuno ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DILG, DepEd, BIR at iba pang may kinalaman sa pagdaraos ng Barangay and SK Election 2023 (BSKE 2023).

Naglalayon ang nasabing gawain para sa pagpapakita ng pakikiisa at suporta ng lahat ng mga kandidato ngayong BSKE 2023 para sa isang matahimik, malinis at maayos na pagdaraos ng halalan ngayong October 30, 2023.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 05/10/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
September 22, 2023

"BAYAN NG JAEN TUMANGGAP NG MGA PARANGAL KABILANG NA ANG MAY PINAKAMATAAS NA IDEAL LEVEL OF FUNCTIONALITY NG LOCAL COMMITTEE ON ANTI-TRAFFICKING AND VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN SA BUONG REGION 3"

Dinaluhan nila Mayor Sylvia C. Austria at Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria kasama sina Committee on Social Welfare and Development Chairman Konsehal Josephine Angeles, Mun. Accountant Jethro Ortiz at MSWD Officer Paperlyn U. Pablo ang KUMUSTUAHAN 2023 ng DSWD Regional Office 3.

Nakatanggap ng tatlong parangalan ang Bayan ng Jaen, ito ay ang mga sumusunod:

1. CERTIFICATE OF APPRECIATION " para sa Outstanding Contribution by Sharing Initiatives and Innovations in efficient ex*****on of Social Welfare and Development Programs and Services"

2. PASASALAMAT AWARD " para sa valuable contribution in implementing "Social Welfare and Development Programs and Services"

3. At ang pinakahuli ay ang CERTIFICATE OF RECOGNITION " for having an IDEAL Level of Functionality on the Local Committee on Anti-Trafficking and Violence against Women and their Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment for CY 2022 na may rating na 105% at kinilala bilang pinakamataas sa buong Region 3.

Karangalan ng Bayan ng Jaen ang mga tinanggap nito mula sa DSWD Regional Office 3.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 05/10/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF BAYAN NG JAEN
Province of Nueva Ecija
August 18, 2023

"BLESSING NG BAGONG 2 STOREY SCHOOL DISTRICT OFFICE BUILDING AT ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS) BUILDING PARA SA DEPED JAEN NORTH"

Sa pangunguna ni Mayor Sylvia C. Austria at Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria kasama ang DepEd District Supervisor na si Michael Fronda ay maayos na naisagawa ang pagpapasinaya ng bagong 2-Storey School District Office Building at Alternative Learning System (ALS) Building sa Brgy. Lambakin, Jaen, Nueva Ecija.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong magkaroon ng maayos na tanggapan ang school district supervisor, mga panauhing punong g**o at ang mga mag-aaral ng ALS. Ang pondo ay bahagi ng Special Education Fund (SEF) ng Bayan ng Jaen.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 15/09/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
September 14, 2023
"BALAY SILANGAN NG BAYAN NG JAEN PINASINAYAAN AT BINASBASAN "
Tinunghayan ni PDEA Provincial Officer na si Jenielyn R. Abejuela ang pagpapasinaya ng Balay Silangan sa Bayan ng Jaen na magsisilbing reformation center para sa mga mamamayan ng Jaen na nais magbago mula sa pagkakasangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Ang nasabing Balay Silangan ay ang ika-labing isa sa Lalawigan ng Nueva Ecija at ito ay sa inisyatibo ng hanay ng kapulisan sa pangunguna ni PMaj. Herbert Ocumen.
Todo ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Jaen sa pangunguna ni Mayor Sylvia C. Austria at Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria upang maisakatuparan ang isang drug free municipality.

Photos from Sylvia C. Austria's post 12/09/2023

"BLESSING OF SAN AGUSTIN PARISH PARKING LOT"
September 8, 2023

Pagdalo nila Mayora Sylvia C. Austria at Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria sa Blessing ng San Agustin Parish Parking Lot at pagdiriwang ang ika-10 Anibersaryo ng pagdedeklara sa ating parokya bilang Diocesan Shrine of Immaculate Conception.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 12/09/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
September 8, 2023
"DAGDAG PUHUNANG BIGAS IPINAMAHAGI SA SARI-SARI STORE"
Sa pangunguna nina Mayora Sylvia C. Austria at Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria, DTI Business Councilor Denise Ayshin Fajardo naipamahagi na ang Dagdag Puhunang Bigas sa ilang sari-sari store sa Bayan ng Jaen na nagmula sa Department of Trade and Industry.
Tumanggap ang 15 sari-sari store ng kabuuang 7 sakong bigas bawat isa. Inaasahan na ang ibinigay na dagdag puhunan ay mapapalago ng mga benepisyaryo.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 05/09/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
September 5, 2023

(DAY5) SENIOR CITIZENS SA LIMANG HULING BARANGAY SA JAEN TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA PAMAHALAANG BAYAN NG JAEN

Pinangunahan nina Mayor Sylvia C. Austria, Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria kasama ang mga konsehal na sina Kon. Josie Angeles, Norman Velarde, Tony Ocampo at ang OSCA Head na si Mr. Lamberto Francisco ang pamamahagi ng Financial Assistance para sa mga Senior Citizen ng Bayan ng Jaen.

Ang bawat Senior Citizen sa Bayan ng Jaen ay tinanggap ang 1st at 2nd Quarter na may kabuuang P1,000.00. Ang susunod na P1,000.00 ay ipapamahagi sa mga susunod na quarter. Matatandaan na ang makukuha ng bawat Senior Citizen ngayong 2023 ay may kabuuang halaga na dalawang libong piso (P2,000.00). Samantala, ang mga Senior Citizens na nasa banig ng karamdaman ay hindi na kailangan ng authorization letter upang makuha dahil ilulunsad na din ang door to door na paghahatid sa mga Bed Ridden na Senior Citizen.

Ngayong araw ay ang mga Senior Citizens sa Barangay Magsalisi, San pablo, Sto. Tomas South, Sapang at Niyugan ang tumanggap sa regular na Financial Assistance para sa Senior Citizens.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 01/09/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
August 29, 2023

"PAMAMAHAGI NG CASH FOR WORK SA MAMAMAYAN NG JAEN"

Cash for Work Program sa Bayan ng Jaen ay inilunsad sa mga ilang miyembro ng youth, solo parent, kalipi at 4Ps mula sa iba't ibang barangay. Ang mga benepisyaryo ay nagkaroon ng sampung araw na community gardening.

Dinaluhan nina Mayor Sylvia C. Austria, Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria at MSWDO Paperlyn U. Pablo ang payout sa mga benepisyaryo. Kasama din ang mga Sangguniang Bayan Members na sina Kon. Josie Angeles, Kon. Donald Carlos, Kon. Norman Velarde , Kon. Tony Ocampo at Kon. Gerry Quetua.

Nakatanggap ng may halagang Php 4,200 bawat isa ang 379 beneficiaries mula sa Cash for Work Program.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 31/08/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
August 21, 2023

" EMERGENCY CASH TRANSFER (ETC} PARA SA PAMILYA NA MAY PARTIALLY DAMAGE HOUSES NOONG BAGYONG KARDING IPINAMAHAGI SA BAYAN NG JAEN"

Kasama ang mga taga DSWD ay pinangunahan nina Mayor Sylvia C. Austria, Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria, Sangguniang Bayan ng Jaen at MSWDO Paperlyn Pablo ang pamamahagi ng EMERGENCY CASH TRANSFER (ETC} para sa mga pamilyang may partially damage na bahay noong bagyong karding.

Tumanggap ng nagkakahalagang P5,175 pesos ang bawat benepisyaryo na may kabuuang bilang na 2,252.

Malaking pasasalamat ng mga benepisyaryo sa ayudang natanggap para sa pagkukumpuni ng mga bahay na nasira noong nagdaang bagyong karding.

Photos from BAYAN NG JAEN's post 29/08/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
August 24, 2023

(DAY4) SENIOR CITIZENS SA JAEN TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA PAMAHALAANG BAYAN NG JAEN
Pinangunahan nina Mayor Sylvia C. Austria, Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria kasama ang mga konsehal na sina Kon. Josie Angeles, Norman Velarde, Tony Ocampo, Donald Carlos at ang OSCA Head na si Mr. Lamberto Francisco at FSCAP President Renato Balagtas, ang pamamahagi ng Financial Assistance para sa mga Senior Citizen ng Bayan ng Jaen.
Ang bawat Senior Citizen sa Bayan ng Jaen ay tinanggap ang 1st at 2nd Quarter na may kabuuang P1,000.00. Ang susunod na P1,000.00 ay ipapamahagi sa mga susunod na quarter. Matatandaan na ang makukuha ng bawat Senior Citizen ngayong 2023 ay may kabuuang halaga na dalawang libong piso (P2,000.00). Samantala, ang mga Senior Citizens na nasa banig ng karamdaman ay hindi na kailangan ng authorization letter upang makuha dahil ilulunsad na din ang door to door na paghahatid sa mga Bed Ridden na Senior Citizen.
Ngayong araw ay nauna ng tumanggap ang mga Senior Citizens sa Barangay Pakul, San Jose, Langla, San Roque at San Josef (Nabao).

Photos from BAYAN NG JAEN's post 29/08/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
August 23, 2023

(DAY3) SENIOR CITIZENS SA JAEN TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA PAMAHALAANG BAYAN NG JAEN

Pinangunahan nina Mayor Sylvia C. Austria, Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria kasama ang mga konsehal na sina Kon. Josie Angeles, Norman Velarde, Tony Ocampo, Donald Carlos at ang OSCA Head na si Mr. Lamberto Francisco at FSCAP President Renato Balagtas, ang pamamahagi ng Financial Assistance para sa mga Senior Citizen ng Bayan ng Jaen.

Ang bawat Senior Citizen sa Bayan ng Jaen ay tinanggap ang 1st at 2nd Quarter na may kabuuang P1,000.00. Ang susunod na P1,000.00 ay ipapamahagi sa mga susunod na quarter. Matatandaan na ang makukuha ng bawat Senior Citizen ngayong 2023 ay may kabuuang halaga na dalawang libong piso (P2,000.00). Samantala, ang mga Senior Citizens na nasa banig ng karamdaman ay hindi na kailangan ng authorization letter upang makuha dahil ilulunsad na din ang door to door na paghahatid sa mga Bed Ridden na Senior Citizen.

Ngayong araw ay nauna ng tumanggap ang mga Senior Citizens sa Barangay Ulanin Pitak, Calabasa, Lambakin, Sto. Tomas North at Putlod.

28/08/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
August 28, 2023

Ang Pamahalaang Bayan ng Jaen ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Patrong si San Agustin.

Isama po natin sa ating mga panalangin ang pag gabay sa ating mga pamilya at ang patuloy na pag-unlad at katahimikan sa Bayan ng Jaen.

HAPPY FEAST DAY ST. AUGUSTINE!

Photos from BAYAN NG JAEN's post 25/08/2023
15/08/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija

NEECO 1 - NOTICE OF POWER INTERRUPTION

Isang pabatid na magkakaroon ng pagkaantala ng serbisyo ng kuryente upang bigyan daan ang pagawain sa linya ng kuryente.

Narito ang mga detalye:

Petsa at Araw: August 16, 2023 | Miyerkules
Oras: 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon

Dahilan: Pagawain sa linya ng kuryente na pangungunahan ng NGCP.

Apektadong lugar: Buong Gapan City, Bayan ng Cabiao, San Isidro, Jaen, San Antonio, Batitang, Zaragoza at Tagulod, Candaba.

Photos from Sylvia C. Austria's post 04/08/2023

ANG ATING PAGKAPANALO AY TINULDUKAN NA NG KORTE SUPREMA!

Maraming salamat po sa inyong mga panalangin at suporta!!!

26/07/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
July 27, 2023

Maligayang Pagdiriwang ng ika-109 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag nang IGLESIA NI CRISTO.

Isang pagbati mula kina MAYOR SYLVIA C. AUSTRIA, VICE MAYOR ATTY. SYLVESTER C. AUSTRIA at Sangguniang Bayan ng Jaen.

14/07/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija

PAGBATI NG ISANG MALIGAYANG PAGTATAPOS
SA CLASS OF 2023 AT MGA MAGULANG!

Mula kina Mayor Sylvia C. Austria, Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria at Sangguniang Bayan ng Jaen

Photos from BAYAN NG JAEN's post 08/07/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
JULY 7, 2023

PANUNUMPA NG BAGONG PUNONG BARANGAY NG BRGY. CALABASA, JAEN, NUEVA ECIJA

Pinangunahan ng ating butihing Mayor Sylvia C. Austria ang Panunumpa sa Katungkulan ni 1st Kagawad Alex Villaflor bilang bagong punong barangay ng Brgy. Calabasa, Jaen, Nueva Ecija. Ito ay makalipas na sumakabilang-buhay si PB Leogivildo "Obe" Agapito.

Ang panunumpa ay tinunghayan din nila VM Atty. Sylvester C. Austria, Kon. Josie Angeles at mga kapamilya ni PB Villaflor.

01/07/2023

Ang Pamahalaang Bayan ng Jaen at ang buong Bayan ng Jaen ay taos pusong nakikiramay sa pamilya ni

Punong Barangay LEOVIGILDO "KAP. OBE" Q. AGAPITO ng Brgy. Calabasa, Jaen, Nueva Ecija

Photos from Sylvia C. Austria's post 12/06/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
JUNE 12, 2023

"KALAYAAN. KINABUKASAN. KASAYSAYAN".

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Jaen sa pagdiriwang ng ika-125 taong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ang ang pag-gunita sa makasaysayang araw ng kalayaan ay pinanguhan ng ating butihing MAYOR SYLVIA C. AUSTRIA kasama sina VICE MAYOR ATTY. SYLVESTER C. AUSTRIA, KON. JOSIE ANGELES, KON. TONY OCAMPO, KON. DONDON CARLOS, LNB PRES. JOEY PANTALEON, Pmaj Robert De Guzman, Fire Marshall Rufino Castro, Dr. Arnold De Castro, Dr. Michael Fronda, mga kawani ng DepEd, PNP, BFP at mga Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Jaen.

Bilang pagpupugay sa ating mga bayani ay nagkaroon ng pag-aalay ng bulaklak, 21 gun salute at taimtim na panalangin sa Bantayog ng Pinagtambangan sa Brgy. Sto Tomas South, Jaen, Nueva Ecija.

11/06/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija

June 12, 2023

Nakikiisa ang PAMAHALAANG BAYAN NG JAEN sa pangunguna nina MAYOR SYLVIA C AUSTRIA, VICE MAYOR SYLVESTER C. AUSTRIA AT SANGGUNIANG BAYAN NG JAEN sa pagdiriwang ng ika- 125 Taon ng ARAW NG KALAYAAN.

"KALAYAAN. KINABUKASAN. KASAYSAYAN".

10/06/2023

Ang Pamahalaang Bayan ng Jaen at ang buong Bayan ng Jaen ay taos pusong nakikiramay sa pamilya ni

Former Punong Barangay ROLANDO "KAP. BOGART" P. MANGUNAY ng Brgy. Dampulan, Jaen, Nueva Ecija

Photos from DRRMO Jaen's post 27/05/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
Mayo 26, 2023 / 3:00pm

PAGHAHANDA SA SUPER BAGYONG MAWAR ( BETTY), PRE-DISASTER RISK ASSESSMENT (PDRA) ISINAGAWA SA BAYAN NG JAEN.

Sa pangunguna ng ating butihing Municipal Mayor Sylvia C. Austria at Municipal Vice-Mayor Atty. Sylvester C. Austria ay nagkaroon ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ngayong araw bilang paghahanda sa paparating na Super Typhoon "MAWAR" (BETTY).

Ito ay dinaluhan ng ating Local Disaster Risk Reduction Management Officer IV Marsan B. Mateo kasama ang Jaen PNP, BFP, RHU, GSO at Liga Ng Barangay President.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga paghahanda at maagap na aksyon ng Pamahalaang Bayan ng Jaen at ng iba't-ibang ahensya mula sa banta ng panganib.

Inaasahan po ang kooperasyon ng bawat isa. Maging alisto at manatili po tayong nakaantabay sa mga susunod na ulat panahon.

Anumang insidente kaugnay sa lagay ng panahon ay mangyari po lamang ipagbigay alam agad sa aming tanggapan.

Maraming Salamat po!

27/05/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija
Weather System: Super Typhoon "BETTY"
As of 11:00am; May 27, 2023

JAEN PUBLIC ADVISORY #1

Bayan ng Jaen, mag-ingat at maghanda pa din kahit hindi kasama sa TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL.

Ayos sa mga dalubhasa, sa kasalukuyan ay walang direktang epekto ang nasabing bagyo sa Bayan ng Jaen. Ganoon pa man, inaasahan po ang kooperasyon ng bawat isa at maigting na pinapaalalahanan na maghanda sa mga posibilidad na maaring maging epekto ng bagyo.

Ang MAMAYAN NG BAYAN NG JAEN ay inaabisuhang maging HANDA AT ALISTO. Manatili po tayong nakaantabay sa mga susunod na ulat panahon galing sa ahensiya ng ating pamahalaan.

Makiisa at sabay-sabay po tayong manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

Maraming salamat po.

Photos from Atty. Sylvester C. Austria's post 24/05/2023

ISANG PAGBATI sa mga anak ng ating mga Konsehal na pumasa sa iba't ibang examinations:

ATTY. JUSTIN BRYAN I. OCAMPO
November 2022 Bar Examinations
Proud Daddy Kon. Tony Ocampo

and

ENGR. GAYSIE MAE F. QUETUA
April 2023 Electronics Engineers Licensure Exams.
Proud Daddy Kon. Gerry Quetua

Pagbati mula kina:

MAYOR SYLVIA C. AUSTRIA,
VICE MAYOR ATTY. SYLVESTER C. AUSTRIA
At Sangguniang Bayan ng Jaen

09/05/2023

Tiktok pagkatapos ng rice distribution.

Enjoy Life! Happy Work kahit sa kainitan.

"Alagang Umali, Alagang Austria"

Samahang Austria:

Mayor Sylvia C. Austria
Vice Mayor Atty. Sylvester C. Austria
Kon. Josie Angeles
Kon. Don-Don Carlos
Kon. Ronald Ison
Kon. Tony Ocampo
Kon. Norman Velarde
ABC Joey Pantaleon

08/05/2023

PGNE Rice Distribution
Brgy. San Roque, Jaen, N.E.
Handog nina Governor Oyie Umali At Vice Gov. Doc.Umali

07/05/2023

JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023
Manggulay: Bida sa Hamon ng Buhay

Isang taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinapaabot sa lahat ng tumulong at sumuporta sa ginanap na Jaen Manggulay Festival 2023.

Dahil sa inyong walang sawang pagmamahal ay naging makulay at makasaysayan ang pagdiriwang natin ng ika-158 taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Jaen.

Mula po sa inyong mga lingkod. Maraming maraming salamat po.

MAYOR SYLVIA C. AUSTRIA
VICE MAYOR ATTY. SYLVESTER C. AUSTRIA
SANGGUNIANG BAYAN NG JAEN
SANGGUNIANG BARANGAY
AT IBA PANG LINGKOD NG PAMAHALAAN

05/05/2023

Jaen Manggulay Festival 2023
Manggulay Music Festival and Variety Show

05/05/2023

JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023

WELCOME

MS. ALICE EDUARDO
MS. SMALL LAUDE
AND GUESTS

Jaen Municipal Gymnasium
May 5, 2023
11:30 AM

04/05/2023

JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023

Pagdiriwang sa Ika-158 Taong Pagkakatatag ng Makasaysayang Bayan ng Jaen

"MANGGULAY: Bida sa Hamon ng Buhay."

May 5, 2023
Jaen Municipal Gym
7:00pm

Guest Performers:
DAVID LICAUCO
SHAIRA DIAZ
ATE GAY
BUBAY
IMAGO BAND
SHOWTIME DANCERS

04/05/2023

JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023
Jaen, Nueva Ecija

BONGGA KA, LA!

04/05/2023

JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023

Pagdiriwang sa Ika-158 Taong Pagkakatatag ng Makasaysayang Bayan ng Jaen

"MANGGULAY: Bida sa Hamon ng Buhay."

May 5, 2023
Jaen Municipal Gym
7:00pm

Guest Performers:
DAVID LICAUCO
SHAIRA DIAZ
ATE GAY
BUBAY
IMAGO BAND
SHOWTIME DANCERS

03/05/2023

JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023
"MANGGULAY: Bida sa Hamon ng Buhay."

MARCHING TO THE BEAT OF THE SPECTACULAR FLOAT PARADE MANGGULAY FESTIVAL
AND MOTORCADE CRAZE.
May 4, 2023 (2:00pm)

Motorcade Guests
ALJUR ABRENICA
SANYA LOPEZ
MARK GORDON (Voltes V)
ELLE VILLANUEVA (Voltes V)

03/05/2023

JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023
Jaen, Nueva Ecija

GOVERNOR'S GRANDEUR: ROCK OUT WITH THE HOTTEST CONCERT OF THE YEAR (BARANGAY NIGHT) Handog nina Gov. Aurelio Umali, Ma'am Cherry Umali and Vice Gov. Doc Anthony Umali.

03/05/2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF JAEN
Province of Nueva Ecija

TRAFFIC ADVISORY!
MAY 4, 2023

PANSAMANTALANG PAGSASARA NG KALSADA UPANG BIGYAN DAAN ANG JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023 FLOAT PARADE

Magkakaroon po ng pansamantalang pagsasara ng San Leonardo-Jaen-San Isidro Road at Jaen-Zaragosa Road (Dampulan,Ocampo Rivera and San Vicente Area) sa oras ng pagdaan ng JAEN MANGGULAY FESTIVAL 2023 FLOAT PARADE AT MOTORCADE.

Hinihikayat ang mga motorista na umiwas sa nasabing mga daanan sa MAY 4, 2023 (HUWEBES) sa pagitan ng 1:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Jaen?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT! 🎉Narito ang mensahe ng ating Punong Bayan Hon. SYLVIA C. AUSTRIA 💛💚#MasaganangBag...
PRESIDENTIAL MESSAGE 🇵🇭Maraming Salamat PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE sa isang mainit na pagbati para sa kaarawan ni May...

Category

Website

Address

SAPANG
Jaen
3109

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Other Public Figures in Jaen (show all)
Akira Jimenez Akira Jimenez
Bulacan
Jaen

ㅋㅋ

Hazel.DL-ENGINEERING Virtual Services Hazel.DL-ENGINEERING Virtual Services
Sto. Tomas South, Nueva Ecija
Jaen, 3109

GENERAL VIRTUAL ASSISTANT FOR YOUR COMPANY

Ms.Universal Beauty Ms.Universal Beauty
Jaen, 3109

Music is Life

BikerBald BikerBald
Jaen, 3109

enjoy life, enjoy the view of nature. just bike it...

GRAY MAN'S TV GRAY MAN'S TV
Sapang Purok 3
Jaen, 3109

LOVE YOURSELF BEFORE THE OTHERS ��

Shaneen DF. Sta. Ana's Vlog Shaneen DF. Sta. Ana's Vlog
Lambakin
Jaen, 3109

I love vlogging🥰

Jennelyn Catata Salanguit Jennelyn Catata Salanguit
Jaen Nueva Ecija
Jaen, 3109

�KaReelSis�

Wag kang pasaway Wag kang pasaway
Cam Sur
Jaen, TABA

Jude Mark Mercado Official Jude Mark Mercado Official
Jaen Nueva Ecija
Jaen

Let us put God in our heart and spread the talent giving you by his God Glory ❤️🙏😇 ����

Amara Ukayan Amara Ukayan
Jaen, 3109

Welcome to the official page! Please Like, follow and share this page.

Sirken Sirken
Jaen, Nueva Ecija
Jaen, 3109

Training tourism events

J&J Vlog J&J Vlog
359, Embuscado Street, Baranggay Dampulan
Jaen, 3109

We are both chubby babies 🥰😍