DJ Papa Sam

(A Proud Member of Tri-Media Masbate)
✅Local Media Artist & Radio Disc Jockey

06/08/2024
05/08/2024

Ano ang masasabi niyo sa comment ng nanay ng ating Gold Medalist na si Caloy Yulo?

Ctto

02/08/2024

Ok lang ung mga kamag anak o kapatid na hindi malalapitan financially,
hindi ibig sabhin nun hindi na sila maaasahan.
sometimes kase meron din silang dinadala or problema na hndi lang natin alam kaya wag tayong magtatampo
Pag hindi tayo napautang /nabigyan /napahiram.
Hindi yung pagpapautang ang sukatan ng pagiging totoong kadugo. 😊
Maraming rea*ons. maraming pagsubok ang bawat isa araw araw.
maging sensitive tayo.

May kanya kanya tayong laban na hinaharap at haharapin pa. 😌
Yung iba tahimik lang pero nalugi pala. 💔
Yung iba tahimik lang may sakit na pala. 💔
Yung iba tahimik lang baon na pala sa utang. 💔
Yung iba tahimik lng may mga binabayaran din yan loan💔
Yung iba tahimik lng may mga Pag subok din yang pinagdaraanan sa araw araw💔

Baguhin natin ang paniniwala na dahil maraming taong nakangiti sa social media at sobrang strong.
Minsan,ang gara ng porma, pasyal pasyal un ung stress reliever nila eh.
Pa selfie selfie nakangiti nakatawa.
pero sa likod nun durog na durog na pero pilit na lumalaban para sa pamilya. 😌

01/08/2024

Gurang na an Idol niyo sa Radyo🤣✌️

08/07/2024
08/07/2024

MOBO HYMN COMPOSITION CONTEST

Calling all MOBOANOS!

Mechanics:
-Content must be all about Mobo (History, Culture and the present progress of Mobo)
- Must be an original composition
- Sung and applied to music (completely recorded upon submission of entry)
- Use of fast beat and/or marching for the tempo.
-Use of tagalog so everyone can understand.

Deadline for the submission of Entries: July 29,2024

You may submit your entries to the Tourism Office, Headed by Mr. Ryan Jerusalem or AMAM representatives, Mr. Rafael Adrian Perez Mabagos and Rogen Labao-Tumbaga

The top 3 entries will be selected and will be further evaluated and ranked as:

- Champion: will be used as the official Mobo Hymn
-1st Runner up
-2nd Runner up

*Exciting cash prizes to be announced later

07/07/2024

𝙏𝘼𝙈𝘼 𝘽𝘼𝙉𝙂 𝙉𝘼𝙂𝙃𝘼𝙉𝘼𝙋 𝙆𝘼𝘼𝙂𝘼D 𝙎𝙔𝘼 𝙆𝘼𝙃𝙄𝙏 𝙉𝘼 𝙒𝘼𝙇𝘼 𝙋𝘼 𝙆𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂 𝘾𝙇𝙊𝙎𝙐𝙍𝙀?



(July 7, 2024)
1:00 3:00
Dear Papasam,
Just call me Cielo hindi ko tunay na pangalan at kasalukuyang nagwowork sa isang private company dito sa Bicol pero taga Masbate po ako.

Actully gusto ko na sana noon pang last month magpapadala ng love story sayo, ka*o, baka kasi kaya pa naming ayusin ng ex bf ko ang aming relasyon.

Ngunit hindi na pala, dahil sa halos 2 weeks palang kaming naghiwalay ipinagpalit niya na kaagad ako sa kanyang kaworkmate at ang masaklap pa dati ko pang kakilala ang gurl.

Oo, aaminin ko in the first place nagcheat ako sa kanya, dahil sa natukso ako sa nakilala ko sa fb, nagawa ko lang naman yun dahil sa halos wala na syang time sa akin at puro nalang trabaho niya ang kanyang iniisip kasabay ang kanyang business.

Inamin din naman niya sa akin na nagkulang sya ng time kaya nga naging okay pa kami for 1 month kaya lang ang taong naging dahilan ng aming paghiwalay ay panay ang kulit sa akin at gustong gusto niya akong siraan talaga sa bf ko at nang napuno na nga ang bf ko ayaw na rin niyang hingin pa ang paliwanag ko hanggang sa tuluyan na nga kaming naghiwalay at ngayon iniwan niya akong luhaan.

Ayaw ko na kasing magjowa na muna, at gusto kung magpukos muna sa aking trabaho at pamilya, samantalang sya masayang masaya na ngayon sa bago niya,ngunit ang hindi ko maintindihan panay pa rin ang parinig niya sa social media sa akin na para bang grabi talaga ang ginawa kong kasalanan sa kanya.

Sya itong naghanap kaagad na wala pa kaming closure. Bakit ako pa rin ang masama sa ibang tao at sa buong pamilya niya?

Gusto ko lang po sanang humingi ng advice sa inyong programa, alam kung mahirap na kaming magkabalikan pa, pero ang hindi ko maintindihan masamang babae ako sa lahat ng kakilala niya. Samantalang okay lang sa kanila na naghanap kaagad sya at masaya na sa bago niya.

Huwag naman sana nila akong husgahan dahil tao lang din naman ako na hindi perpekto.

Hihintayin ko po ang inyong payo
Hanggang dito nalang po
Lubos na gumagalang Cielo ng Bicol.

Pakiplay po ng song na bakit ikaw pa rin.
Thank you & more power.

DjPapasam Lodi is a member of One Masbate Nu Media Association🎤📸

27/06/2024

Pwede naba?😊✌️

16/06/2024
16/06/2024

𝘏𝘢𝘱𝘱𝘺 𝘍𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳'𝘴 Day 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰 𝘭𝘢𝘭𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢 𝘔𝘰𝘣𝘰😊

𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙞 𝙜𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙜 𝙈𝙤𝙗𝙤: 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙍𝙖𝙮𝙢𝙪𝙣𝙙 𝘿𝙤𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙡𝙫𝙖𝙘𝙞𝙤𝙣💙

Like, follow and share

16/06/2024

𝙋𝙄𝙉𝘼𝙆𝙐𝙍𝙄𝙋𝙊𝙏 𝙉𝘼 𝘽𝘼𝘽𝘼𝙀 𝙎𝘼 𝘽𝙐𝙊𝙉𝙂 𝙈𝙐𝙉𝘿𝙊 𝙆𝙄𝙇𝘼𝙇𝘼𝙉𝙄𝙉. ◥°

Si Hetty Green, ang pinaka kuripot na babae sa kasaysayan, ang kanyang kayamanan ay tinatayang nasa mahigit $2.3 bilyon. Si Hetty Greene ay ipinanganak sa Amerika noong 1835. Siya ay nag-iisang anak na babae ng isang mayamang negosyante.
Nagmana siya sa kanyang ama ng kayamanan na tinatayang nasa $7.5 milyon. Noong siya ay dalawampu't isang taong gulang, lumipat siya upang manirahan sa New York upang mamuhunan ng kanyang pera sa Wall Street at tinawag na Wicked Witch ng Wall Street.
Nagpakasal siya sa isang milyonaryo na katulad niya, ngunit nabubuhay pa rin sa mga tirang cake at basag na biskwit sa mga grocery store at nangatuwirang makakuha ng libreng buto para sa kanyang a*o araw-araw!! Si Hetty Greene ay isang napaka-miserableng babae. Nanahi siya ng salawal noong siya ay 16 taong gulang at hindi ito pinalitan o binili ng iba hanggang sa araw ng kanyang kamatayan.
Hindi siya gumastos ng kahit isang sentimos, kaya sinabing hindi siya gumamit ng mainit na tubig, na nagsuot siya ng itim na damit na hindi niya binago hanggang sa ito ay tuluyang nasira, at nabubuhay siya sa pagkain ng pie na nagkakahalaga lamang ng dalawang sentimo.
Dahilan ni Hetty na putulin ang binti ng kanyang anak dahil nang mabali niya ito, naantala siya sa pagpapagamot dahil pinilit niyang huwag siyang gumastos at patuloy na naghahanap ng libreng medikal na atensyon.
Namatay si Hetty Greene noong 1916 sa edad na 81 sa New York City, at naipa*ok sa Guinness Book of World Records bilang "pinaka kuripot na tao sa mundo.🌏"
Na-stroke ang dahilan ng kanyang pagkamatay dahil sa away sa kanyang kasambahay dahil humingi ang kasambahay ng dagdag sa kanyang kakarampot na suweldo.
Namatay siya at nag-iwan ng napakalaking kayamanan, at ang kanyang mga anak ay hindi nagmana ng kanyang labis na kuripot, ngunit sa halip sila ay bukas-palad hanggang sa punto na ang kanyang anak na babae ay nagtayo ng isang libreng ospital gamit ang kanyang pera

📸OFW Brigada News Mid....

27/08/2023

PAREHO KUNG LIHIM NA KARELASYON ANG PAREHONG TATAKBONG KAPITAN SA AMING BARANGAY


(Agosto 27, 2023)
1:00 3:00 PM
Dear Papasam,
Magandang araw po sa lahat ng yung suking taga antabay sa inyong sikat na programa sa radyo ang love story.

Gusto ko rin pong ishare ang kwento ng buhay ko, itago mo na lang po ako sa pangalang Ms. M isang government employee kaya naman malapit din sa akin ang mga taong politiko.

Nagkaroon ako ng dalawang lihim na karelasyon ang isa incumbent kapitan at ang isa naman ay dating seaman at tatakbo ring kapitan ngayon at silang dalawa pa mismo ang magkalaban.

Papasam, iwan ko ba ang dami ko na ring nakarelasyon na single pero niluluko rin ako at ang gusto lang na may mangyari sa amin kaya naman simula noon hindi na rin ako nagseryuso pa sa pakikipagrelasyon.

Hanggang sa dumating ang time na sinubukan ko nga ang makipagrelasyon sa mga taong may sabit na atleast sabi ko sports lang. At heto nga ang magkalaban sa politika ngayon lihim kung karelasyon at ang dating seaman ang mas mahal ko kaya lang yun nga may pamilya din sya.

Ang problema ko lang po ngayon, buntis ako ng isang buwan at ng sinabi ko sa kanya gusto niyang umalis muna ako ng bahay namin at pumunta ng ibang lugar at sya na raw umano ang bahala na magsuporta sa akin.

Naisip ko rin, paano ang trabaho ko at sure ako na pag nalaman ng pamilya ko talagang lalabas ang mga marites sa amin at baka masira pa ang political career ng seaman.

Papasam, tulungan niyo po ako ano po ba ang dapat kung gawin ngayon kasi naguguluhan na po talaga ako.

Hihintayin ko po ang inyong advice
Lubos na nagtitowala Ms. M ng 3rd district

Pakiplay po ng la*on mong halik
DjPapasam Ronald Tauto-an is a proud member of Masbate Tri Media Club

20/08/2023

ISANG GABING PAGIBIG


(Agosto 20, 2023)
1:00 3:00 PM
Dear Papasam,
Magandang araw po sa lahat ng yung suking taga antabay sa programang love story ng DYME Masbate.

Itago mo nalang po ako sa pangalang sexy lady isang single mom, at empleyada sa isang private company dito sa masbate.

Papasam, sobrang napakapihikan ko sa lalaki noon kaya naman, pili lang talaga ang naging bf ko at maliban diyan mas gusto ko kasi talaga yung may spark kaya ganun nalang siguro ako kung pumuli ng lalaki na makakasama habang buhay.

Isang araw pumunta ako sa isang beach resort para magbonding kasama ang ilan sa aking mga malalapit na kaibigan at dun nga nakilala ko si Mr. A pinsan sya ng isa kung kaibigan at sa unang tingin ko palang sa kanya tumibok kaagad ang puso ko ng sobra, as in na love at first sight ako noon sa kanya.

Hanggang sa dumating ang oras na tanging kami nalang dalawa noon sa beach dahil sa magsiuwian na ang aking mga kaibigan at dun nga nakapag usap kami ng maayos inamin din niya na love at first sight din sya sa akin,iwan ko ba ng time na yun baliwala na lang sa akin kung ano man ang pagkatao niya.

Para akong bulag sa pagkatao niya na alam kung may asawa na syang tao ngunit LDR nga lang sila dahil sa nasa malayo ito nagwork. Ganun pa man dahil sa bugso ng aking puso ng araw na yun ipinaubaya ko pa rin sa kanya ang aking buong pagkatao.

Halos 24 hours kami noon na magkasama at ihi at kain lang ang aming pahinga, huli na na nang naisip ko na baka kung mabuntis ako at sure ako na pagagalitan ako ng pamilya ko.

Kinabukasan noon, nagpaalam na kami sa isat- isa at lingid sa aking kaalaman nung week rin pala nun uuwi ang kanyang mrs. Kaya nawalan na muna kami ng kontak sa isat-isa hanggang sa umabot ng 20 days bago kami nagkaroon ng kontak at dun nga twice na akong nag PT at dun ko nalaman na buntis na pala ako.

Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa aking pagbubuntis ngunit sa halip na matuwa ito ay no comment lang sya at kinabukasan naka block na ako sa fb niya.

Wala na rin akong nagawa pa, noong una hindi natanggap ng parents ko ang pangyayari subalit kinalaunan naging okay na rin sa kanila simula ng mailabas ko ang isang anghel na baby gurl.

After 6 years nagkita kami ni Mr. A sa isang restaurant at yun humingi sya ng sorry sa nagawa niya at sinabi niyang ang mrs niya pala ang nag block sa fb account ko inamin kasi niya ang tungkol sa amin kaya lang hindi niya kayang maiwan dahil sa kasal sila at natatakot sya na baka ipakulong sya dahil sa nangyari sa amin.

Papasam, sabi niya sa akin kasi aayusin daw niya ang annulment papers nila ni mrs niya at kung bibigyan ko pa raw sya an 2nd chance kami na ang magsasama habang buhay kaya lang natatakot ako sa posibleng mangyari lalo pa't sa ngayon nakamove on na ako an tahimik narin ang buhay naming mag ina sa tulong aking buong pamilya.

Ang problema ko ngayon panay ang pangungulit niya at pati asawa niya nakikiusap na sa akin na kung pwede hayaan ko nalang daw sila kasi mahal daw niya ang asawa sa kabila ng ginawa sa kanya.

Gusto naman kasi ni Mr. A na mabuo ang pamilya niya sa kasama ang anak namin kasi daw hindi na niya mahal ang asawa niya.

Naguguluhan po ako ngayon papasam kung ano po ba ang dapat kung gawin tungkol sa aking sitwasyon ngayon.

Sana po ay mabigyan niyo ako ng karampatang payo tungkol sa problema ko ngayon, hanggang dito nalang po!

Lubos na gumagalang sexy lady ng Milagros, Masbate.

Pakiplay po ng song na after all this year

DjPapasam Ronald Tauto-an is a proud member of Masbate Tri Media Club

30/07/2023

NABUNTIS AKO NG CHATMATE KO AT NAWALA NA PARANG BULA


(Hulyo 30, 2023)
1:00 3:00 PM
Dear Papasam,
Magandang hapon sayo, at sayong libo libong tagapakinig sa programang love story ng masbate,

Gusto ko rin pong ishare ang kwento ko, itago mo na lang po ako sa pangalang Ana hindi ko tunay na pangalan.

Papasam, masyado akong pihikan pagdating sa mga lalaki, kaya naman sa halip na lalaki ang mga naging bf ko sinubukan kong makipagrelasyon noon sa mga le***an.

Halos apat din ang naging karelasyon ko noon na le***an, kaya lang naisip ko na kahit anong gawin namin maling mali po talaga kaya nagdesisyon na ako na magpukos nalang sa business ko.

Maraming mga lalaki ang nanligaw sa akin iba't iba ang trabaho at mga guapo din naman, hindi naman sa pagmamayabang palagi akong muse noon sa school namin kahit na noong college time ko kaya lang mas gusto ko kasi talaga yung may spark sa puso ko.

Nagtapos ako sa kursong business course, naging banker din ako noon kaya lang sobrang nakakapagod kaya naisip ko na mag sarili nalang ako ng negosyo atleast ako ang amo at aasenso pa ako sa buhay ko.

Hanggang sa nauso na nga ang fb, nakilala ko si Edwin hindi niya tunay na pangalan, noong una panay ang pagparamdam niya sa akin and something care at kung ano2x pa.

Taga Quezon Province sya at isa daw umano syang single dad, iniwan sila ng dalawa niyang anak ng asawa niya at sumama daw ito umano sa kanyang ka chatmate, kaya naawa din ako sa kanya.

Halos mahigit isang taon din ang aming pagiging chatmate ni Edwin, hanggang sa nagdesisyon kami na magmeet sa Maynila last month lang.

Unang meet palang namin, mas lalo akong nainlove sa kanya kasi di hamak na mas guapo at mas maappeal sya sa personal kaysa sa fb lang.

Pumayag ako sa mga gusto niyang mangyari na mag stay kami sa hotel ng 3 days para mas makilala pa namin ang isat-isa, binigay ko sa kanya ang aking bataan at sya lang ang kauna unahang lalaki na minahal ko ng sobra.

After noon, back to reality kami videocall chat and text, unti2x ko na syang pinakilala sa pamilya ko at sa mga friends ko, papasam may tiwala ako sa kanya kasi kahit ex wife niya nakachat ko na rin at ipinaubaya na sa akin si Edwin at alagaan ko raw.

Subalit nitong linggo lang nagising ako na nakablock na ako sa fb niya at maging ang contact number niya ay out of coverage area na rin, ni wala akong ibang contact sa mga relatives niya maliban sa ex wife niya.

Sabi ng ex wife niya maging sya raw ay nakablock na rin sa fb ni edwin kaya tuloy nagtataka ako kung paano nangyari yun eh hindi ko pa naman alam ang exact address niya sa Quezon Province.

Ngayon tuloy, nahihirapan na po ako dahil feeling ko na scam siguro ako at ang pinakamahirap pa sa ngayon buntis ako ng 3 weeks at alam kung sya lang ang ama ng pinagbubuntis kasi sakto sa araw noong nagkita kami sa maynila.

Naisip ko rin na kung nahacked ang fb account niya eh dapat nag kontak na sya sa akin at bakit naka out of coverage na ang kanyang cp number.

Kaya tuloy ngayon naguguluhan ako kung paano ba ako makapag move on at paano ko malaman ang buong katotohanan, hindi pa naman ako pwedeng magbiyahi ng malayo sabi ng OBGYN ko kasi masilan daw ang pagbubuntis ko lalo't nasa 35 years old na ako ngayon.

Tanong ko lang po, paano at ano po ba ang dapat kung gawin para ma*olve na itong problema ko ngayon kasi hirap na hirap na po talaga ako at hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kung gawin sa problema ko.

Hihintayin ko po ang inyong mga advice sa akin

Hanggang dito na lang po, lubos na gumagalang Ana ng Burias Island.

Pakiplay po ng song na Kahit Isang Saglit!

DjPapasam Ronald Tauto-an is a proud member of masbate tri media club

Want your business to be the top-listed Media Company in Kalibo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

#RodeoFestival2024#Day1Dayun po kamo sa Masbate🇵🇭
EDUCATIONAL ASSISTANCE MULA KAY 2ND DISTRICT REP. ATTY. ARA KHO SA MASBATE CITY, PINILAHAN NG DAAN-DAANG MGA ESTUDYANTE!...
Pasalinggaya sa Masbate 2024 Dinagsa ng halos 100K katao.Thank you Governor Boboy Hamor & Governor Antonio T. KhoPlease ...
PANOORIN: Ballena nakitang palutang lutang sa karagatan ng Uson, Masbate kaninang umaga Marso 5, 2024Kaagad naman itong ...
Hanap niya daw AFAM🤣🤣
All provincial road including barangay road. According to Governor Antonio T. Kho#PressConference02-21-2024             ...
Reduce poverty line, dagdag trabaho, at iba pa.. According to Governor Antonio T. Kho#PressConference02-21-2024         ...
WATCH: Mini Presscon @ Provincial Information Office📸🎤Political Genuine Unification in Milagros Masbate presided by Gove...
36 Barangays ng Cataingan, Masbate walang kalaban ang mga Punong Barangays👇👇#pressconference2023 #ProudmemberofMasbateTr...
WATCH: Para sa mga matatalong kagawad😊For entertainment purposes only!
Galing talaga ng bubuyog😊🤣DISCLAIMER: No copyright infringement caption intended. I do not own the music in this video. ...
Cha cha pa more😅DISCLAIMER: No copyright infringement caption intended. I do not own the music in this video. Music belo...

Category

Telephone

Website

Address

Kalibo

Other Digital creator in Kalibo (show all)
Piyo Words Piyo Words
Andagaw
Kalibo, 5600

Inspirational Goodvibes

Hanna Social Space Hanna Social Space
Osmeña Avenue
Kalibo, 5600

I am Hanna, your Social Media Manager. I can optimize social media pages, create content, and increa

Mhia's Dash of Delish Mhia's Dash of Delish
New Buswang Kalibo
Kalibo, 5600

A Page that may satisfied ur Cravings.��

JDM online shop JDM online shop
Kalibo, 5600

Apparells for men and women that suits your budget �

Jo-Ann famini Jo-Ann famini
Ilang Ilang Street Andagao
Kalibo, 5600

love self only!�

KLO Plane Spotters KLO Plane Spotters
Kalibo International Airport (KIA)
Kalibo, 5600

Full of Love in Aviation

Jude Andrew Sevilla Jude Andrew Sevilla
Kalibo, 5600

ARViE Licious ARViE Licious
Kalibo, 5600

DOG LOVER

M & C Lights And Sounds M & C Lights And Sounds
Malinao Aklan
Kalibo

Are you looking for the best quality lights and sounds? Pm this page for more information! 💜🙌🏻

KUYA J KUYA J
Kalibo

Warang kita Tats Warang kita Tats
Kalibo, 5600

Drone Enthusiast and Photographer

Judy rose rouado Judy rose rouado
1512, Bougainvilla Street
Kalibo, 5600

Please like and share my page thank you