Rachel A. Ubana / Serbisyo Basta Ubana, Lopez Videos

Videos by Rachel A. Ubana / Serbisyo Basta Ubana in Lopez. Mayor Rachel Acaylar - Ubana Official Fan Page

Attended the first Philippine Mayor’s Forum organized by the United Nations and the DILG. It’s inspiring to hear the speech of President BBM which recognizes the important role of Mayors/LGUs in nation-building, and It’s good to have a President who understands and values your job, and a government who supports your effort in improving the lives of your constituents. #ThankyouPBBM

Other Rachel A. Ubana / Serbisyo Basta Ubana videos

Attended the first Philippine Mayor’s Forum organized by the United Nations and the DILG. It’s inspiring to hear the speech of President BBM which recognizes the important role of Mayors/LGUs in nation-building, and It’s good to have a President who understands and values your job, and a government who supports your effort in improving the lives of your constituents. #ThankyouPBBM

Sina Jason Mora at Ryanne Angelique Talavera ang aking ikinasal noong ika-9 ng Oktubre 2023. Mabuhay ang bagong kasal!

The October Peace Concert in Lopez, Quezon was brought to us by Gov. Dra. Helen Tan, the Provincial Gov’t. Of Quezon, Cong. Atty. Mike Tan, the Armed Forces of the Philippines 2ID & 201st BDE & QPPO. Maraming salamat po! From Lopez LGU and LopeZeños! DISCLAIIMER: All music and songs herein belong to their rightful original owners. No copyright infringement intended.

Happy Patronal Fiesta, Lopez! Our Lady of the Most Holy Rosary Feast Day.

COMMERCIAL MUNA. Uso pa ba ang pamamayabas? Halina’t mamundok at mamayabas! Kasama sina Konsehala Ineng at ate Cecil ay na tiyempuhan namin na may bunga ang nag-iisa at maliit na punong ito ng bayabas sa aming maliit na bundok.

#gratefulheart #grateful #reelsvideo #gratefulthankfulblessed #gratitude #givethanks #giftoflove

Many thanks to our kababayan ms. Chantal Kyla Arias, for this cologne gift set! Stay sweet! DISCLAIMER: This is not an ad or a paid advertisement.

Pasasalamat sa CARD sa kanilang donations. Ipamamahagi po namin ito sa aming mga empleyado at sa iba pa nating mga kababayan.

Medyo tanghali na po pero Breakfast ko pa daw po ito. #mais #nilabongmais #agahan #breakfast #okra #pamahawta #pamahaw #pamahawsakabuntagon

Eh-eh! Mas mauuna pa atang matututong mag lato-lato itong apo namin kesa sa maglakad ng maayos 🤣😅🤣😅 #latolatofever #latolatoviral #latolatopractice #latolatogaming

6-26-23 Civil wedding of Ernick Con Lizano and Fatima Grace Manza. Praying for a fruitful and blessed marriage! #civilweddingph #civilwedding #kasalmayor #lopezquezon #kasalan

Nakikiisa ang Bayan ng Lopez sa kampanya ng Quezon Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Dra. Helen Tan at sa samahan ng mga Chest Doctors ng Lalawigan laban sa paninigarilyo at paggamit ng vape dahil sa hindi mabuting idinudulot nito sa kalusugan ng mamamayan.

BYAHENG RILES. Ganito kabalam ang pagbibyahe along da riles. Kailangan mo ng mahabang pasensya lalo na kapag nata trapik ka, walang kaibahan sa kalsada. Tingnan ang iba't ibang uri ng "iskits" o sasakyan kapag naglalakbay sa riles. #homealongtheriles #HomeAlongDaRiles #railroadtracks #railroadliving #lifealongtherail #railroad #railroadlife

Mga batang masisigla mula sa Paaralang Elementarya ng Bebito! Maraming salamat po sa mga guro, kay Kapitan Villancio, kay Konsehal Ingeng Sevilla at Konsehal Efren Paraiso. #bebitoelementaryschool #brgybebito #LopezQuezon #serbisyobastaubana #mrau #serbisyobastaubanasakalusugan

Maraming salamat po sa aking mahal na Nanay gayundin ang pagpupugay sa lahat ng uri ng nanay (kasama na ang mga lalaking tumatayong nanay, mga nanay-nanayan, at iba pa.) At dahil ako rin ay isang nanay--ng aming tahanan at ng buong bayan, ang dalangin ko sa araw ng mga nanay ay hindi para sa aking sarili kundi ang mabuting kalagayan at kalusugan pa rin ng ng aking mga anak at ng lahat ng mamamayang Lopezeño. Gabayan nawa palagi ng Panginoon ang lahat ng mga ina, upang sa kabila ng mga pagsubok, paghihirap, pagtitiis at kahinaan ay magagampanan nila ng tama at maayos ang kanilang napakahalagang papel sa mundong ito. Keep them safe and sound, and bless them all oh Lord. *Maraming salamat po Municipal Engr. Jay Amazona sa regalong larawang ito. Wish ko lang na ganito nga ako karikit. DISCLAIMER: The music used in this post belongs to its rightful owner and not mine. No copyright infringement intended.

Wow, bibo naman ng mga kindergarteners ng Villahermosa Elementary School! Salamat kiddos! Salamat din po sa mga mahuhusay na ma'ams and sirs for the warm welcome! #kindergarten #LopezQuezon #LIVElopez #municipalityoflopez

I've received 5,000 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. God bless you all! 🙏🤗🎉

Pampa good vibes naman. Pahinga muna sa usaping baha.☺️ Meet Mrs. Regina Villancio, ang kaisa-isang ginang na aking nakilala na labing anim (16) ang anak. Amazing, di va? May hahamon kaya?

Please be advised: Not Passable po ang ating Maharlika Highway cor. Diversion Road sa barangay Del Pilar. Kahit po wala nang ulan ay manatili pa rin po sa matataas na lugar at patuloy po ang pagbaba ng tubig mula sa ating mga kabundukan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Poblacion area ng ating bayan. Keep safe mga kababayan.

2-20-23 Pagkakasal kina Eduardo Ramos Jr. At Rose Villaplana. Medyo natagalan bago mai post, ganun pa man, binabati po natin ang mga ikinasal. Nawa'y mamuhay sila ng matiwasay at magiging matagumpay sa kanilang buhay mag-asawa.

DAHIL WALA NANG ORAS PARA KUMAIN AY IPINA SHARON NA LANG NG MGA KAPITAN AT CDWs ANG KANILANG MGA INIHANDA SA AMIN, MULA SA 11 BARANGAY NA AMING NAPUNTAHAN SA ARAW NA ITO. SALAMAT PO! DI KO ALAM NA GANITO KADAMI PALA!

USO PA BA ANG HARANA? Pinauso muli ng ating mga LGU Department Heads ang harana at may pa-sorpresa pa sila sa akin noong araw ng mga puso. Love you all!

Proud naman ako sa aking asawa, nagustuhang maglingkod din sa Laang Kawal ng Pilipinas, Phil. Air Force. Congrats, Major Sonny B Ubana Isaias B. Ubana II!

UNBOXING THE TANGERINE GIFT BOX FROM GOV. DRA. HELEN TAN. Late posting this because the lola was so busy lately. Every day should be Valentine's Day, anyway.

PULIS LOPEZ, ALWAYS DA BEST! Nagpapasalamat po tayo sa PNP Regional Training Center CALABARZON sa pamumuno ni PLt. Col. Marlon V. Rufo sa pag-.anyaya sa atin bilang Guest of Honor and Speaker sa pagbubukas ng kanilang Sports Fest. Masaya din tayong makadaupang-palad ang ating mga Criminology graduates mula sa LSPU at graduates ng iba pang mga Unibersidad sa bayan ng Lopez tulad ng PUP at PNU na kasama na sa mga trainees na ito at nangangahulugang madadagdagan na naman ang mga kababayan nating pulis. Mabuhay ang mga bagong Pulis Lopez!

HAPPY SI JUVAL AT NAKITA DIN SI MAYOR NA KANINA PA NIYA INABANGAN. MALIGAYANG ARAW NG PAGMAMAHAL! NAWA'Y MARAMI KAYONG PUSONG PINASAYA SA ARAW NA ITO.

KASAL-MAYOR. 1.30.23. PAGKAKASAL KINA FRANCISCO ORGINA JR. AT JANETH ALBACIA. Sinimulan po natin ang linggong ito sa pamamagitan ng pagkakasal sa dalawa nating kababayan na mula sa brgy. Del Rosario at Villa Aurora na sina Junjun at Janeth. Idalangin natin na lubos na biyayaan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Happy Chinese New Year!

Sinaglitan ko po ang mga Pamaskong Handog para sa mga Responsableng Lopezeño sa Barangay Concepcion. Salamat po Kap. Joel Bile at Sangguniang Barangay sa pagpapahiram ng inyong covered court. #serbisyobastaubana #LopezQuezon #mrau #sbu #LIVELopez #salopeztaralets #lopezeñopanalo #onlyinlopez #firstinquezon