Ang Santoleño

Ang Santoleño

PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG SANTOLAN, DIBISYON NG PASIG, NCR

23/01/2024

Pagod na ba ang beshy namin? Aww, huwag, friend! Don't! Pahinga ka lang, pero huwag kang susuko!

Pagbati, mga Ka-Santoleño!

Ngayong araw ay natapos na ang ating mga pagsusulit para sa ikalawang markahan/unang semestre. Malugod na pagbati sa inyong dedikasyon sa pag-aaral! Opisyal na ngang nagtatapos ang ikalawang markahan/unang semestre!

Kahit anomang iskor ang inyong nakuha, tandaan niyong tagumpay pa rin ang inyong nakamit dahil nagsikap at ginawa niyo ang lahat ng inyong makakaya! Huwag kayong manghinayang dahil mayroon at mayroon pa ring mga susunod na tsansa upang bumawi!

At dahil nga sa ibinuhos ninyong dugo't pawis sa pag-aaral, dasurb na dasurb niyo ang isang linggong pahinga!

Simula bukas, 24 Enero 2024 hanggang sa Martes, 30 Enero 2024, mid-year break o 'sembreak' na!

Nangangahulugan lamang na isang linggo na walang pasok ang mga estudyante sa paaralan. Sa susunod na Miyerkoles (31 Enero 2024) naman ay ang muling pagbabalik ng klase, gayundin ang ating pagsalubong para sa ikatlong markahan/ikalawang semestre!

Huwag masyadong mahigpit sa sarili, Ka-Santoleños! Kinakailangan niyo ring magpahinga, unahin ang sarili, at maglibang-libang!

✒️: Aalliyah Chesca Francisco, Mark Joseph Rosal
🎨: Silc Cabangal, Iggi Boy Dela Cruz

21/01/2024

MATHPINASAYA! Kakaibang Dulog sa Pagtuturo ng Math, Itinampok sa MATH FAIR 2024

Reporters: Rhian Cenera at Kathlyn Constantino
Scriptwriters: Janelle Mosit at Ivana Lexine Peralta
Videographers/Video Editor/Director: Ivana Lexine Peralta

Photos from Ang Santoleño's post 18/01/2024

Tinig ng mga Batang Santoleño: SHS Glee Club, Ibinida sa Kamakailang Audition

Muling nagbukas ng pinto ang Glee Club ng Santolan High School para sa mga mag-aaral na nagnanais maging bahagi ng ginintuang tinig ng paaralan.

Dinagsa ng mag-aaral ang Music Room noong Lunes, ika-15 ng Pebrero 2024, upang ipamalas ang kani-kanilang husay sa pag-awit sa pagbabakasaling maging miyembro ng Glee Club.

"Maraming mahuhusay umawit sa Santolan High School. Talaga namang napabilib ako sa mga nag-auditions. Alam kong marami rin ang nais mag-audition pero napangunahan ng hiya kaya humahanga ako sa mga naglakas-loob na ipamalas ang kanilang galing sa pag-awit." ani Ma'am Zabala.

Dagdag niya pa rito, "Ang naging criteria namin ay una siyempre ang quality ng boses. Kaya hinahayaan namin silang kumanta ng choice of song nila para malaya sila magpamalas ng galing. Pangalawa ay ang pitch test kung saan tinitingnan naman kung gaano katalas ang tenga ng auditionee sa pagkuha ng tamang tono at kung ano ang kanilang vocal range."

Sa isang panayam kay Gng. Anna Jean Zabala, ang g**o na nangunguna, inihayag niya na mayroong mga aktibidad ang Glee Club para sa nalalapit na Buwan ng Sining at sa darating na Valentine's Day para sa taong ito.

✍️: Alviona Lagasca at Preya Atienza
📸 & 🖼: Czarina Rivera at Zyra Daileg

Photos from Ang Santoleño's post 17/01/2024

SantoleKNEW

Alam mo ba na hindi lamang isa ang naging EDSA People’s Power Revolution, sa ating kasaysayan, mayroong dalawang ganitong uri ng protesta na naganap sa Pilipinas.

Bukod sa kilalang kilala na EDSA People’s Power Revolution noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay nagkaroon din ng protesta laban kay Pangulong Joseph Estrada at tinawag naman ito bilang EDSA DOS.

Ayon sa Rappler, ang naging dahilan nito diumano ay ang pagtanggap ni Estrada ng 10 million kada buwan mula sa mga malalaking tayaan ng jueteng para sa proteksyon, inakusahan ding ibinulsa ang 1.3 milyong kickback mula sa 200 milyon na badyet na nakalaan para sa mga to***co farmers.

Bukod pa sa mga ito ay naulat din ang kaniyang utos na kunin ang 52 na mamahaling sasakyang nakumpiska ng Bureau of Customs upang ipamigay sa mga opisyales ng kaniyang gabinete.

Sa kabilang banda, ang lalong nag-udyok ng kilos-protestang ito ay ang pag-alis bigla ni Pangulong Estrada sa kaniyang impeachment trial na kung saan karamihan ng nasa husgado ay bumoto upang buksan ang envelope na may matibay na ebidensya laban sa kaniyang kaso.

Naganap ito noong Enero 17 taong 2000 kung saan nagtipon-tipon ang mga mamamayan sa tapat ng EDSA shrine upang ipahayag ang kanilang layuning pababain sa puwesto ang nasabing Pangulo at sa mga susunod na araw naman ay inalis din ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippine (AFP) ang kanilang suporta kay Estrada.

Tatlong araw ang itinagal ng EDSA Dos at napagtagumpayan ang kanilang hangaring patalsikin sa puwesto ang dating Pangulong Estrada.

Gayunpaman, napalitan din kaagad ang Pangulo at iniluklok ang Bise Presidente nitong si Gloria Macapagal Arroyo.

Ngayon ka-Santoleño, alam mo na!

Isinulat ni: Princess Balutan
Larawan ni Josh Lazarte

Mga impormasyong mula sa:
https://www.rappler.com/newsbreak/158523-look-back-edsa-ii-joseph-estrada-gloria-arroyo/

16/01/2024

Misyon Tungo sa Magandang Buhay: Nagkakaisang Adhikain, Pinasiklab sa Division Wide Career Caravan 2024

REPORTERS: Aalliyah Franciso at Jeanrose Jamero
SCRIPT WRITER: Princess Dipolog, Silc Cabangal
VIDEOGRAPHERS: Roxette Santurcas
DIRECTED BY: Roxette Santurcas
EDITED BY: Princess Anne Balutan

15/01/2024

𝑨𝒏𝒈 𝑯𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒊𝒏𝒈𝒈𝒐...

Sa kabila ng mga aktibidad para sa buwan ng sipnayan, hindi pa rin mawawala ang mga gawain sa bawat asignatura, dahil na rin sa nalalapit na ikalawang markahang pagsusulit sa Enero 22 at 23. Maghanda ka na sapagkat pagkatapos ng linggong ito'y tila sasabak ka na naman sa giyera ng pagsusuri kung ikaw ay may natutuhan.

Sa huling isang linggo ng ikalawang markahan, nagawa mo na ba ang mga kailangang ipasa sa iyong mga g**o? Ikaw ba'y kontento sa'yong mga naisakatuparan sa markahang ito? Tapusin na ang mga dapat tapusin, tama na ang pag-procastinate, nang sa ganoon ay 𝘤𝘩𝘪𝘭𝘭𝘢𝘹 na pagkatapos ng pagsusulit.

Anong plano mo sa huling isang linggo? Magsisimula ka na bang mag-review o sisigiraduhin mo munang tapos na ang isipin mo sa bawat asignatura? Share mo na yan!

Isinulat nina: Shanin Gutierrez at Andy Seda
Larawan ni: Shaieza Narvasa

Photos from Ang Santoleño's post 12/01/2024

TINGNAN: Drop Everything and Read! (DEAR)

Aktibong nakiisa sa Catch-Up Fridays ang mga mag-aaral ng Santolan High School Alin sunod sa DM001s.2024 Implementation. Ayon sa memorandum ito ay naglalayong bigyang importansya ang pagpapaunlad ng mahahalagang kasanayan ng mga mag-aaral lalo na sa pagbabasa.

Sa pamamagitan ng DEAR Day, binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maglaan ng oras para sa pagbasa ng kanilang napiling materyal. Ang programa ay naaayon sa layunin ng pagpapalakas ng mga pangunahing aspeto ng edukasyon tulad ng pagbabasa, pag-iisip, at pagsusulat. May layunin itong mapalakas ang mga pundamental na kakayahan ng mag-aaral, tulad ng critical thinking at analytical skills, upang maging handa sila sa mga hamon ng basic education.

Sa pagbibigay-diin sa Catch-Up Fridays, naglalayon ang paaralan na mabigyan ng sapat na oras at atensyon ang pagpapaunlad ng mga kasanayang ito, na itinuturing na pundasyon sa pangkalahatang edukasyon ng mga mag-aaral.

Ka-Santoleño kumusta ang pagbabasa ninyo?
Ibahagi ang inyong naging karanasan sa ibaba.






Larawan nina Sir Jovet Calimag at Ivana Lexine Peralta

Photos from Ang Santoleño's post 12/01/2024

Dominanteng Santoleños
Santolan High School, binuwag ang puwersa kontra Dela Paz High School!

TINUDLA ng Santolan High School (SHS) ang sibasib ng Dela Paz High School (DPHS) sa ginanap na Volleyball at Basketball Cluster 10 Elimination Tournament noong 05 Enero 2024.

Ang agaw-bolang sitwasyon ang nagpaigting sa SHS na sumalaksak ng mababalasik na 98 (kontra DPSHS, 64) sanhi ng pagtagaktak ng pagsisikap.

Ayon kay Olie Jarque, isa sa mga manlalaro ng basketball, ang naging susi nila upang makamit ang tagumpay ay sa pamamagitan ng pagsasanay ng kanilang mga katawan at para na rin sa teamwork ng koponan.

“Nag-practice kami ng dalawang araw nang todo para mabatak ang katawan at muscles. Nag-practice din kami upang mag-improve at magkaroon ng team chemistry.”

Dagdag pa niya, dahil sa bunga ng kanilang pagsisikap ay natambakan nila ng 34 ang kabilang koponan, dahilan para magwagi ang SHS tangan ang iskor na 98-64.

Hindi rin nagpahuli ang volleyball team ng SHS nang magpamalas ng mga makamandag na tirada, dahilan para makamit din ang tinatamasang pagsalo sa tagumpay.

Para naman kay Jocef Del Rosario, manlalaro ng koponan ng volleyball, ang paraan naman nila ng pagsasanay ay sa pamamagitan ng pakikipaglaro ng volleyball sa kani-kanilang mga kaibigan o kaya iba pang kakilala.

"We were only told almost literally 1 week before the cluster meet, so we had little time to prepare since it was within the holidays, may mga out of town pa. We did our training by asking people we knew if we could play with them. Thankfully, we won the cluster meet with a score of 2-1 on every set, making us advance to City Meet."

Kaugnay pa nito, ayon din kay G. Jefferson Ordillas, g**o sa MAPEH at coach ng isports, ang pangunahing layunin ng torneo ay makakuha ng mga manlalarong magiging kinatawan ng Cluster 10.

“Ang purpose ng tournament ay mamili ng players na magpe-present ng cluster team (Cluster 10), secondary level para sa nalalapit na Pasig City Athletic Meet. 'Yong napanood niyo ay dalawang school lang since ang Cluster 10 ay binubuo ng dalawang High School. Ibig sabihin, ang nakalaban lang natin sa Cluster natin ay Dela Paz.”

Saad pa niya, sinimulan ni G. Franklin Fortu, g**o sa MAPEH, ang kompetisyon para kumuha ng mga atletang dedikado at may talento sa larangan ng isports mula sa dalawang paaralan.

Tangan ang mga bolang sumisimbolo sa tagumpay, susubukan muli ng dalawang koponan mula sa SHS na kumubra ng pagkapanalo sa ikalawang arangkada. Wala pang opisyal na anusyo sa nasabing Pasig City Athletic Meet.

Men's Basketball Team

Team Coach: G. Franklin Fortu
Team Captain & MVP: Frank Reniva
Olie Samuel Caingat
Laurence Cordero
Rendz Guevarra
Jv Honorio
Matthew Jugo
Christopher Zapanta
Kobe Blake Dela Cruz
Franzenn Claveria
Anthony Almasco
Daniel Constantino

Men's Voleyball Team

Team Coach: Gng. Claricel Ilagan
Team Captain: Babor, Prince JB D.
Mendizabal, Mc Cane G.
Lanzado, Dolly mark O
Eito, Marlon L.
Avila, Shane Bryan N.
Valenzuela, John Noah P.
Kintanar, Matt Benedict
Del Rosario, Jocef Vilcent G.
Valencia, Prince Nicole
Gonzales, Jethro
Tamparong, Dione A.
Deluna, Brian Christian A.

Isinulat at Inedit nina: Zyra Daileg, Czarina Rivera, Carl Dacoycoy, at Aalliyah Francisco

Mga Larawan mula kay: Jocef Del Rosario, Prince Babor, Daniel Constantino

10/01/2024

Mathematics Month '24: Math Proficiency, Paiigtingin

Isinulat ni: Adrian Singson

Tututukan sa pagdiriwang ng Mathematics Month ngayong Enero ang kahusayan ng mag-aaral sa Matematika kaugnay ng tema nitong " Education for Mathematical Proficiency", sinimulan ito nang ika-9 ng Enero sa pamamagitan ng Quiz Bee.

Pinangunahan ito ng mga g**o sa Matematika kasama ang mga mag-aaral na miyembro ng Sipnayan Club.

"Pinu-push na lang talaga namin ang medyo mahihina sa math lalo na sa klase, kaya naisup namin na mai-enjoy nila ang math outdoor activities para naman ma-experience nila," ani ni Ma'am Pilita Evangelista, Puno ng Math Department.

Binibigyang-halaga ng selebrasyong ito ang masanay ang mga mag-aaral sa interactive games tulad ng Rubik's cube, Tower of Hanoi, Soduko, Kakuro, Geometric Bingo, Tangrams, at Math Quiz Bee.

Dagdag pa ni Ma'am Evangelista sa pahayag, ang antas ng SHS sa pag-aaral ng Math ngayon ay 'Still at the bottom o di kaya'y huling huli na, kaya't kailangang maging proficient mathematically ng bawat mag-aaral sa tulong ng fun-filled games.

Matinding paghahanda ang ginawa ng kagawaran ng Matematika para maisakatuparan ang mga aktibidad na ito.

Patuloy pa itong palalawigin hindi lamang para sa kasiyahan ng mga mag-aaral sa sabjek na ito kundi upang mailabas din ang talento at ma-improve ang kanilang proficiency pagdating sa Mathematics.

Larawang likha ni: Josh Lazarte

09/01/2024

𝗞𝗶𝗻𝗮𝗴𝗶𝘀𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮: 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗜𝘁𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗡𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝗻𝗼

Ka-Santoleños, ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Pista ng Itim na P**ng Hesus Nazareno. Ngayon din ay ating tuklasin ang ilang kaalaman hinggil sa P**n.

Ang Itim na Nazareno, o mas kilala rin bilang P**ng Hesus Nazareno, ay ang imahen ni Hesus na may pasan na krus na ngayon ay nasa Simbahan ng Quiapo sa Maynila.

Ang Pista ng Itim na Nazareno ay isa sa pinakamalaking prusisyon sa Pilipinas. Tinatawag itong Traslacion kung saan habang ipinaparada ang andas ay naroon din ang mga debotong handang magsakripisyo sa siksikan at pabago-bagong panahon, masilayan at makalapit lamang sa P**n.

𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗶𝘁𝗶𝗺 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝗻𝗼?

May iba't ibang teorya kung bakit itim ang kulay ng P**ng Hesus Nazareno. Isa na rito na ang naging sanhi kung bakit itim ang kulay ng P**n ay dahil sa nasunog na barkong naghahatid sa P**n mula Mexico patungong Pilipinas dito sa Maynila. Nag-iba man ang kulay, ngunit hindi ito naging dahilan upang kumupas at madurog ang rebulto.

Nang dahil dito, maraming nanampalataya, naging deboto, at naniwala sa Kaniyang himala.

𝗜𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗵𝗶𝗻𝗴𝗴𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗣𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗡𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝗻𝗼:

• Halos 14 na oras at 59 minuto ang itinagal ng prusisyon.

• Ngayon na lamang muling nagbalik ang Traslacion matapos ang tatlong taon dahil sa pandemya.

• Ayon sa Quiapo Church, anim na milyon ang mga debotong nagtungo sa P**n, isa sa mga pinakamalaking pulutong sa kasaysayan sa taon-taong pagdiriwang ng relihiyon.

• Ang salitang “Nazareno” ay hango sa Nazareth, ang lugar kung saan nanirahan si Hesus.

--

✒️: Aalliyah Chesca Francisco, Iggi Dela Cruz

Kinuhang larawan mula sa quiapochurch.com.ph

08/01/2024

𝐊-𝟏𝟐 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐞𝐫𝐢𝐨𝐝: 𝐒𝐇𝐒, 𝐚𝐚𝐥𝐢𝐬𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐔𝐂'𝐬 𝐚𝐭 𝐋𝐔𝐂'𝐬 𝐬𝐚 𝐒.𝐘. '𝟐𝟒 - '𝟐𝟓

KINUMPIRMA ng Commission on Higher Education (CHEd) sa memorandum na kanilang inilabas nitong ika-18 ng Disyembre 2023, na hindi na dapat mag-alok ang mga State at Local Universities and Colleges (SUC’s at LUC’s) ng Senior High School (SHS) Program sa darating na Taong Panuruang 2024-2025.

Ayon kay CHED Chairperson Popoy De Vera, noon pang 2021 ito dapat na naipatupad, dahil doon natapos ang transition period ng K-12 Curriculum, subalit hindi ito naipagpatuloy dahil ang bansa ay sumasailalim pa sa new normal.

Kaugnay nito mayroong kasunduan ang Department of Education (DepEd) at CHEd noong 2015 na payagan ang mga SUC’s at LUC’s na magkaroon pansamantala ng SHS hanggang matapos ang pagbabago sa pagpapatupad ng panibagong kurikulum.

Dahil dito, hindi naiwasan ng ilang mga mambabatas na punahin ang CHEd sa kanilang desisyon para sa pag-aalis ng SHS program sa mga unibersidad at kolehiyo, lalo na sa magiging epekto nito sa mga estudyante at kanilang mga magulang.

“Students will be forced to enroll in private schools which have higher tuition or stop entirely, if the facilities in public schools are sorely lacking,” saad ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.

Ngunit ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, maaaring pumili ang mga mag-aaral sa SHS na maaapektuhan na mag-enroll sa mga public DepEd schools, at base sa mga reports ng mga Regional Director, kaya pang tumanggap ng mga public schools ng mga estudyante.

Gayunpaman, nais pa rin ng ilang mga grupo, tulad ng The Teachers Dignity Coalition (TDC), na pag-usapan ang pagkakaroon ng ekstensiyon sa pag-iimplementa nito, nang sa ganoon ay matalakay ang mga plano para sa posibleng epekto nito sa mga estudyante.

Isinulat ni: Ramiele Gonzales
Larawan nina/mula sa: Riel Villanueva, Ramiele Gonzales, at page ng Commission on Higher Education (CHEd)

Mga impormasyon mula sa: CHEd, Rappler, Philippine Star, at Inquirer net

Photos from Ang Santoleño's post 06/01/2024

𝐖𝐞 𝐀𝐫𝐞 𝐒𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐧 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐩𝐥𝐞 𝐅𝐨𝐫 𝐎𝐭𝐡𝐞𝐫𝐬 𝐓𝐨 𝐅𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰 — 𝘚𝘒 𝘒𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢𝘥 𝘓𝘢𝘶𝘳𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘔𝘦𝘯𝘥𝘰𝘻𝘢
𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼𝗹𝗮𝗻, 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺

NAKILAHOK ang Santolan sa malawakang pagpapaigting ng “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program” alinsunod sa Memo Circular No. 2024-001 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong ika-6 ng Enero 2024 sa HBO, Camia, at Gabriel.

Naglunsad ng Bayanihan sa K*K: Kalinisan, at Kaayusan ng Kapaligiran ang Barangay Santolan na naglalayong magbigay-pansin sa pagpapanatili ng kalinisan sa kalikasan.

Nakiisa rin dito ang iba't ibang organisasyon tulad ng SK Council, Eco Waste Management, S.E.S (Santolan Elementary School) Volunteers, S.H.S. (Santolan High School) Volunteers, YO's (Youth Organizations), at Youth Volunteers.

“Masaya dahil nakatulong tayo sa kalikasan, masaya habang naglilinis kasama ang mga friends, and as a student, alam naman natin sa school din dapat. Dapat magrecycle rin tayo ng mga basura natin, and magtapon sa mga tamang lalagyan,” pagbabahagi ni Glicer Piquero, volunteer mula sa Grade 10 - Piano ng kaniyang karanasan sa pagsali sa Clean-Up Drive.

Ayon din kay Joram Maglangit, Department Head ng Eco Waste Management, ang proyekto ng DILG na Manila Bay Clean-Up Operation ay linggo-linggo nilang ginagawa, kaya naging malaking tulong ang pakikibahagi ng mga youth volunteers upang mamulat na kailangang malinis ang kapaligiran.

“Malaki ang pwedeng maiambag ng programa kagaya ng Clean Up Drive sa Kabataan, unang una yung pagkakaroon ng disiplina upang maging malinis at kaaya aya ang ating komunidad, pangalawa yung pagkakaroon ng inisyatibo na manguna para simulan ang paglilinis lalo na sa mga tapat bahay nila, syempre ang pangatlo ay 'yong makita nila kung gaano kaganda ang komunidad kapag malinis ito,” wika naman ng SK Kagawad na si Laurence Mendoza.

Dagdag pa niya, maraming proyekto, programa, at aktibidad na inihanda ang SK Santolan partikular ang Komite ng Kalikasan, kabilang dito ang Zero Waste Management na kung saan naglalayong mabigyan-importansya ang ganda ng kapaligiran sa pamamagitan ng maaaring pagpapalit sa basura ng mga bagay na maaaring magamit nila.

Isinulat ni: Princess E. Dipolog
Larawan nina: Ralph Iglesia, Roxette F. Santurcas, at ng Sangguniang Kabataan ng Santolan

02/01/2024

𝐔𝐦𝐚𝐚𝐥𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐊𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐥𝐞ñ𝐨: 𝐏𝐀𝐊𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟑, 𝐁𝐮𝐦𝐢𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧

Reporter: Iggi Dela Cruz
Videographer: Princess Dipolog, Mark Joseph Rosal
Scriptwriter: Princess Dipolog
Video Editor: Princess Balutan

Photos from Ang Santoleño's post 31/12/2023

Send BAKASYONEXTEND to 123123

Manigong bagong taon, Ka-Santoleño!

Isa, dalawa, tatlo, tayo'y babalik sa ikatlo ng Enero. Mag-ingat sa pagsalubong ng bagong taon upang sa ating pagbabalik sa paaralan ay haharap tayong buo't kompleto. Oh, baka mapasarap ang tulog mo, wag mong kalilimutan na tayo'y babalik na sa 'ting paaralan.

Paumanhin kung nabasag namin ang inyong kaligayahan! Kaya bago ang lahat, paano ang magiging atake mo ngayong bagong taon? I-react mo na 'yan!

Isinulat nina;
Ramiele Gonzales, Shanin Gutierrez

Template at Larawan nina; Princess Balutan, Mr. Paul John Arellano, Ralph Iglesia

Photos from Ang Santoleño's post 30/12/2023

SantoleKNEW!

Alam mo ba? Si Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda (Hunyo 19,1861-Disyembre 30, 1896) o mas kilala bilang Dr. Jose P. Rizal ang kinikilalang “Pambansang Bayani ng Pilipinas”.

Bagaman hindi ito sumabak sa mga labanan ay tinuring pa rin siyang isang bayani dahil sa kaniyang mga isinulat na sadyang nagpagising sa diwang makabayan ng mga Pilipino, isa na rito ang sikwel na nobelang pinamagatang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”.

Ang Rizal Day ay ipinagdiriwang bilang paggunita sa mga sakripisyo ni Dr. Jose Rizal sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas.

Bukod pa rito, ito rin ang araw na binaril si Rizal ng mga Espanyol at ng ilang kapwa nito Pilipino sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na ‘Luneta Park’ kung saan naroon din ang Rizal Monument na siyang dinarayo ng mga tao bilang pasyalan.

Kaya ngayon Ka-Santoleño, alam mo na!





Isinulat ni: Princess Balutan
Template at Inedit nina:Princess Balutan, Shanin Gutierrez

24/12/2023

NO TO JEEPNEY PHASEOUT!

𝐉𝐄𝐄𝐏𝐍𝐄𝐘 𝐌𝐎𝐃𝐄𝐑𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌,
𝐒𝐀𝐆𝐀𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐇𝐈𝐑𝐀𝐏!

𝘗𝘢𝘯𝘨𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘛𝘶𝘥𝘭𝘪𝘯𝘨 (𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘭) 𝘯𝘪 𝘙𝘢𝘮𝘪𝘦𝘭𝘭𝘦 𝘈𝘴𝘩𝘭𝘦𝘺 𝘎𝘰𝘯𝘻𝘢𝘭𝘦𝘴
𝘗𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘛𝘶𝘥𝘭𝘪𝘯𝘨 (𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳𝘪𝘢𝘭 𝘊𝘢𝘳𝘵𝘰𝘰𝘯𝘪𝘯𝘨) 𝘯𝘪 𝘑𝘶𝘱𝘪𝘵𝘦𝘳 𝘑𝘰𝘯𝘦𝘴 𝘐. 𝘔𝘰𝘳𝘢𝘭𝘦𝘴

HINDI SOLUSYON ang pag-extend ng traditional jeepney phase-out hanggang December 31 sa hinaing ng mga tsuper at komyuter sa bansa.

Anti-poor ang nilulutong programa ng gobyerno na naglalayong tanggalin ang mga hari ng kalsada at palitan ito ng mga makabagong public utility vehicles (PUV).

"Usapang pera," 'yan ang daing ng mga tsuper.

Ito ay dahil ang mga tradisyonal na dyip ay nagkakahalaga lamang ng P150,000 hanggang P200,000, di-hamak na mas mura kung ikukumpara sa mahigit na P2 milyong presyo ng mga modern jeepneys.

Malaking dagok para sa mga tsuper ang pagpapalit ng mga dyip. Hindi nila ito kaya at tiyak na mababaon sila sa utang.

Handa naman daw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa modernisasyong ito. Magbibigay daw sila ng subsidiya at special support sa mga tsuper na bibitiwan ang kanilang mga prangkisa.

Ngunit para sa mga apektado hindi ito sasapat lalo na’t may iba pang pagkakagastusan.

Kung susumahin, ang normal na kita ng mga modernong dyip kada araw ay 6,000 pesos, at kung sa diesel pa lamang ay 2,500 pesos na, paano pa nila mababayaran ang mga loans at maintenance nito?

Samakatuwid, pabigat sa mga tsuper na bayaran ang mga utang na ito para lang mapalitan ang kanilang mga tradisyonal na dyip.

Mahigpit na nga ang buhay para sa kanila, mas paghihigpitin pa ba natin sila ng sinturon?

Patungkol dito, naghayag ng saloobin sa Rappler si Danilo, isang tsuper, “Marami kaming maaapektuhan… Kawawa naman kaming maliliit na drayber at operator, hindi naman namin kayang kumuha ng ganoong halaga.”

Sino bang may ayaw ng modernisasyon? Lahat naman sig**o ng komyuter ay gusto ng maginhawang biyahe.

Ngunit handa ba ang mga mamamayan sa nagbabadyang taas-singil sa pamasahe dulot ng modernisasyong ito?

Kung ang modernisasyong inilalatag ng gobyerno ay sasagasa sa mga mahihirap sa halip na itaas ang antas ng kanilang pamumuhay at tutugon sa lumalalang krisis ng transportasyon, hindi pa pulido ang programang ito.

Bukod pa rito, ngayon pa nga lang ay nagsisiksikan at nagkukumahog na sa pagsakay ang mga komyuters tuwing rush hour dahil sa kakulangan sa pampublikong transportasyon, paano na lang kung aalisin pa ang mga tradisyonal na dyip?

Binigyang-diin ito ni Sen. Grace Poe, "It is also contrary to the public welfare, as it will compound the acute shortage of public transportation modes in the country. Tingnan na lamang natin ang mga pila tuwing rush hour. Naghahabulan,”

Sa kabila nito, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, dapat nang ipatupad ito ngunit kailangan ng ibang paraan sa pag-implementa.

Kung gayon, hindi ba dapat napag-isipan muna nila kung paano? Nang sa gayon ay hindi mahirapan at hindi ma-agrabyado ang mga mahihirap na tsuper.

Para sa pamahalaan, umisip kayo ng modernisasyong makatao, makamasa, at programang hindi maglulubog sa utang.

Sila ay nangangambang mawalan ng kabuhayan. Kung gusto talaga ng bansa ng pagbabago, paglaanan pa ito ng panahon upang mas masusing pag-aralan ang jeepney modernization sa bansa.

Nakikiisa ang Pamahayagang Pangkampus sa Filipino sa panawagan sa mas makataong jeepney modernization program na siya sanang tutugon sa problema naming mga mag-aaral sa transportasyon.

19/12/2023

Hingang Malalim: Sandata Laban sa Katunggali Kong Saya

Hinga… buga!
Hinga… buga!
Hinga… buga!
Ito ang hudyat ko sa pagsabak sa panibagong araw na nag-uumapaw sa mga bagong karanasan. At sa pagtahak ko sa mga karanasang ito, paniguradong iba’t ibang emosyon ang kaakibat nito— saya, lungkot, takot, at kaba. Lahat ng emosyong ito ay kalaban ko, ngunit ang pinakamatindi ay ang kasiyahan… Oo, kasiyahan.
Noong una hindi ko rin alam kung bakit tinatanaw kong kaaway ito. Ngunit habang nagdaraan ang panahon, unti-unting lumilitaw sa pagkatao ko ang tunay na dahilan— dahil ang saya ay nakakalungkot, nakakatakot, at nakakakaba. Ang sakit isipin at tanggapin, pero ito ang totoo.
Nakakalungkot. Kasi paniguradong matatapos din ito. Nakakatakot. Sapagkat sa paglipas nito, haharapin ko na naman ang mga problema at pasakit na panandaliang isinantabi ko. Nakakakaba. Dahil hindi ko alam kung may naghihintay ba sa aking kapalit ang kasiyahang ito.
Hindi tanaw sa aking personalidad, ngunit hangga’t makakaya ko, iniiwasan ko ang ngiti, tawa’t halakhak. Marahil sumasagi agad sa aking isipan ang mga susunod na mangyayari sa oras na mawala ang mga ito. Dagdag pa ang ideyang hindi nararapat sa akin na maramdaman ang emosyong ito.
Gayunpaman, napakahirap nitong, tanggihan, labanan, at alpasan. Kung kaya, sa bawat giyerang katunggali ko ang kasiyahan, hingang malalim ang sandatang palagi kong bitbit. Hingang malalim na yumayakap sa aking lungkot, takot, at kaba, nagbibigay ng kapanatagan ng loob at nagsisilbing tagapagbukas ng aking puso’t isipan na damdamin at namnamin ang sayang aking nadarama.
Kaya sa susunod na masasalubong ko na naman ang saya, ang gagawin ko na lamang ay…
Hinga… buga!
Hinga… buga!
Hinga… buga!
At handa na akong tanggapin, magpatalo, at hindi kumawala sa saya.

Isinulat at larawan ni: Roxette F. Santurcas

17/12/2023

Pag-alab ng Pusong Pamahayagan: Santolan HS, Muling Ipinamalas ang Galing sa 29th DSPC

Reporter: Silc Cabangal
Videographer: Ralph Laurenz Iglesia, G. Reynaldo Dizon
Video Editor: Roxette Santurcas

16/12/2023

WASTONG ASAL PARA SA KINABUKASAN: Ugaling Pilipino, Pinaningning sa ESP Culminating Activity

Reporter: Ianna Rombano
Videographer: Princess Anne Balutan, Alliyah Chesca Francisco
Video editor: Princess Anne Balutan

16/12/2023

REGALONG HANDOG: Biyaya ng Pasko, Pinagsaluhan sa Santolan High School

Reporter: Zyra R. Daileg
Videographer: Princess Anne R. Balutan, Aalliyah Chesca B. Francisco
Video Editor: Princess Anne R. Balutan

15/12/2023

Taunang Selebrasyon: Pagsalubong sa Pagtatapos

NANGIBABAW ang kasiyahan ng mga estudyante sa Santolan High School sa ginanap na pagdiriwang ng Year-End Party kahapon ng ika-14 ng Disyembre.

Para sa Baitang 7 hanggang 9, at pati na rin Senior High School Students, ang kanilang pagdiriwang ay ginanap ng umaga at sa Grade 10 naman ay mula hapon hanggang gabi.

"For me, masaya, smooth and memorable yung naging takbo ng Year-End party ng section Biology. Napanood ko yung iba't ibang performances na inihanda ng mga kaklase ko, nakapag laro with friends at naenjoy ko rin yung Shakey's na food, pati yung mga snacks na prinovide ng buong Biology", ayon kay Arianne Joy Copino na mula sa Grade 9.

Nagkaroon naman ng patimpalak sa sayaw para sa mga Grade 10 Students na pinangunahan ni G. Reynaldo Dizon II na may temang "Pasasalamat sa kasalukuyang panahon, kagalakan sa darating na taon".

"Humingi kami ng gabay sa Panginoon para sa nagawang performance, at dahil dito naiuwi namin ang 1st Place sa naganap na kompetisyon. Ang lahat ng sacrifices at efforts ay naging worth it. Lahat ng idea kagaya na lamang ng music, props, at step ay kami-kami lang ang nagbahagi. Dahil sa aming "UNITY" ay hindi naging malabo ang nakamit na panalo. Sa kompetisyon na ito napatunayan ko na ang totoong diwa ng Pasko ay ang pagkakaisa", ani Rico Cabañal, mula sa Drums na nag-uwi ng 1st Runner Up sa nasabing kompetisyon.

Ngayong natapos na ang Year-End Party, ang dalawang linggong "break" na matagal-tagal na inasam ng mga estudyante ay narito na.

Isinulat nina: Kent Cuaresma, Carl Dacoycoy
Larawan ni: Gwyneth Guanzon

15/12/2023

Naging masaya ba ang lahat sa year end party?

Ito na ang huling araw ng taon na magkakasama kayo ng inyong mga kamag-aral at g**o sa paaralan. Nawa ang bawat isa ay nakatanggap ng regalo at nasunod ang kanilang mga wishlist o pansarili nilang kagustuhan. Mga Ka-Santoleños, kumusta ang inyong mga natanggap na regalo?

Larawin ni Samantha Irish Berido
Isinulat ni Kathlyn Constantino

Photos from Ang Santoleño's post 15/12/2023

Maraming salamat po Santolan HS Batch 2002 Alumni Association sa ipinagkaloob po ninyong Teleprompter at Wireless Lavalier for Cellphone para sa Filipino at English Journalism 🙏🏻❤️

Photos from Ang Santoleño's post 12/12/2023

𝗠𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼𝗹𝗮𝗻 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝘁 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗞 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼—𝗦𝗞 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗚𝘂𝗶𝗮

MAINIT NA SINALUBONG ng student-leaders ang konseho ng Sangguniang Kabataan ng Santolan (SK) ngayong ika-12 ng Disyembre para ihain ang magagawang proyekto ng SK bilang tulong at handog sa paaralan.

Pinangunahan ni Gng. Jeremiah Arcueño ang nasabing pagpupulong katuwang ang mga g**ong tagapayo ng mga dumalong organisasyong pampaaralan.

Binigyang-linaw rin ang ideya ng pagsasama ng SK Council at ng mga organisasyon sa paaralan upang maitaguyod nang matagumpay ang kanilang inihahandang mga adhikain.

Ayon kay SK Kagawad Guia Mariano, sisiguruhin ng konseho na masusuportahan ng SK ang mga programa at proyekto ng paaralan.

“Maasahan ng Santolan High School na kaakibat ninyo kaming SK sa lahat ng mga proyekto ninyo—sa lahat ng puwede naming suportahan sa inyo. Kaya tayo may programs at projects dahil mayroon tayong nakikita na kinakailangan din ng kabataan. Bilang mga ate at kuya ninyo sa SK, sisiguraduhin namin na masusuportahan talaga namin kayo sa lahat ng programa at proyekto,” ani SK Kagawad Guia.

Kaugnay nito, para naman kay Undersecretary Jose Cruz, mapaiigting pa ang inklusibo at progresibong barangay nang may bayanihan at pagsasama.

"Dapat kasama ang beneficiaries natin dahil sila ang partners natin. With that, malalaman natin kung ano 'yong mga pangangailangan nila, ano ang gusto nila, at ano ang dapat ibigay natin sa kanila. With that, mas magiging inklusibo ito dahil lahat tayo ay kalahok sa pagdedesisyon at sa pagpaplano—lahat tayo ay kasama—at dahil dito, mas lalago pa ang connectivity ng bawat isa, here within the community ng ating Barangay Santolan," ani USec. Jose Cruz.

Layunin ng SK na marinig ang mga boses ng bawat organisasyon sa loob ng paaralan nang sa gayon ay mas mapatatatag pa ang ugnayan, pagtutulungan, at pagbabayanihan.

✒️: Aalliyah Francisco, Princess Balutan, Silc Cabangal
🎨: Silc Cabangal
📷: Roxette Santurcas, Samantha Pabis, Princess Balutan

Want your organization to be the top-listed Government Service in Malabon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

MATHPINASAYA! Kakaibang Dulog sa Pagtuturo ng Math, Itinampol sa MATH FAIR 2024
Misyon Tungo sa Magandang Buhay: Nagkakaisang Adhikain, Pinasiklab sa Division Wide Career Caravan
Umaalog na Kulturang Santoleño: Pakalog Festival 2023, Bumida sa Pagsalubong ng Bagong Taon
Pag-alab ng Pusong Pamahayagan: Santolan HS, Muling Ipinamalas ang Galing sa 29th DSPC
WASTONG ASAL PARA SA KINABUKASAN: Ugaling Pilipino, Pinaningning sa ESP Culminating Activity
REGALONG HANDOG: Biyaya ng Pasko, Pinagsaluhan sa Santolan High School
Santolan HS, Nakiisa sa Pagtatanim ng mga Puno Alisunod sa D.M. 069 S. 2023
Ika-450 na Taon ng Pasig: Kulturang Pasigueño, Ibinidad sa Inter-School Streetdance Competition
KAHANDAAN AT KALIGTASAN: Mga Plano Para sa Paaralan, Pinalakas sa S.O.S.A. 2023
MGA PLANO SA MAS INKLUSIBONG EDUKASYON, INILATAG SA SOSA 2023
SOSA 2023 REPORT SA SCHOOL DROPOUTS, HAMON SA EDUKASYON
ONE HEALTH WEEK '23: Pagpapaigting sa Nutrisyon at Kalusugan, Itinampok ni Bb. Serreon, RND

Category

Website

Address

Malabon
Other Public Schools in Malabon (show all)
Kinder Mango 1and 2 S.Y. 2021-2022 Kinder Mango 1and 2 S.Y. 2021-2022
Asogue Street 7
Malabon, 1470

Math Club SY 2022-2023 Math Club SY 2022-2023
B. Rivera Street, Tinajeros, Malabon City
Malabon, 1470

Tinajeros National High School Mathematics Club

Batang Empowered and Resilent Team - "Malabon ES" Batang Empowered and Resilent Team - "Malabon ES"
Hulong Duhat Naval Extension
Malabon

BERT (Batang Emergency Response Team) is a duly organized trained group of pupils of Malabon ES

Bagong Lote Elementary School PTA Officers Bagong Lote Elementary School PTA Officers
Bagong Lote Elementary School, Potrero
Malabon, 1475

BLES- SPTA 2023-2024 Official page

Barkada Kontra Droga BKD - Acacia Elementary School Barkada Kontra Droga BKD - Acacia Elementary School
Maria Clara Street
Malabon, 1470

MNHS Mathiniks Club MNHS Mathiniks Club
M. Naval Street Hulong Duhat
Malabon, 1470

Official MNHS Mathiniks club FB Page

Grade 8 Math E-Live District V Grade 8 Math E-Live District V
Malabon, 1470

We feel that our students' academic excellence is critical to their success. Our first objective is to establish partnerships and build different tactics that will aid in the devel...

Grade 10 MATH E-Live: District I Grade 10 MATH E-Live: District I
District I
Malabon, 1470

This page is exclusive for Malabonians grade 10 students in the district I.

TINTA TINTA
San Vicente Village, Maysilo
Malabon, 1470

Maysilo Elementary School News

Potrero National High School (PNHS) Potrero National High School (PNHS)
Dunwoody Street University Hills, Subdivision
Malabon, 1475

Good students of PNHS

HUMSS GUILD TNHS SHS HUMSS GUILD TNHS SHS
B Rivera Street Barangay Tinajeros
Malabon, 1470

Colon National High School Colon National High School
Purok 4, Barangay Colon
Malabon, 9502

This is the OFFICIAL page of Colon National High School. If you have queries that concerns the school, feel free to visit, LIKE the page and/or send your messages to us.