Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - JPLPC Malvar
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - JPLPC Malvar, Education Website, Malvar.
Ang p**a at puti ay hindi lang kulay, kundi isang simbolo ng ating kolektibong layunin na bumuo ng matatag at magandang ugnayan. Ang naging selebrasyong ito ay araw na puno ng ngiti, tawanan at masayang kwentuhan kung saan ang bawat isa ang nagsilbing tanglaw sa bawat sulok ng samahan.
Ang iyong alaala ay mananatili sa aming mga puso. Isa kang anghel na nagbigay ngiti sa aming mga labi. Paalam, Ma’am Marilou De lima🕊️
Buong Tanglaw ay nalulungkot sa iyong paglisan.
Mula sa iyong Pamilyang TaNgLaW,
Isang pagbati ang aming sigaw,
Ikaw ay magiging inspirasyon,
At magsisilbing motibasyon upang makamit ang aming mga misyon.
Pagbati, Ma’am Marjorie Gamo Dris, LPT
Isang maligayang Pagbati mga ka-TaNgLaW!
Noong nakaraang linggo, naganap sa ating pamantasan ang Intramurals 2023. Ang lahat ay nagpamalas ng galing, husay at karangalan sa departmento. Ipinakita ninyo ang inyong mga talento sa larangan ng isports.
Tunay nga na nagkaisa at nagtulungan ang lahat na maisakatuparan at mapagtagumpayan ang ganitong selebrasyon.
Kayo ay karangalan, at Tayo ay panalo!
Mabuhay TANGLAW, g**o ng kaalaman at daan ng talento sa paligsahan.
Pagbati, Binibini!
TATAK TANGLAW❤️
Kilalanin ang isang ka-TaNgLaW na buong pusong maglilingkod sa ating University Student Council bilang miyembro ng “Student Grievances Commission.”
Kami ay sumasaludo sa iyong determinasyong mamuno at magbigay serbisyo. Malugod naming ipagmamalaki ang iyong kahusayan!
Hindi maitatanggi na ikaw Ginoo ay isang TATAK TANGLAW! ❤️
Pagbati sa inyo mga minamahal naming ka-TaNgLaW!
Ang inyong Talento ay yaman na siyang ipinagmamalaki ng ating samahan. Tunay na ang bawat ka-TaNgLaW ay may kahusayan sa larangan ng Sining at Panitikan. Muli ninyong ipinamalas ang lakas at galing ng isang TATAK TaNgLaW!
Pakikiramay sa isang anghel na minsang nagbigay ngiti sa kaniyang mga kamag-aral at kapamilya.
Ang buong TaNgLaW ay lubhang nalulungkot sa iyong paglisan, ngunit ang iyong iniwang alaala ay mananatili sa aming mga puso’t isipan.
Mahal na mahal ka namin, Bb. Gigi🕊️
Mga tagapagtaguyod ng Literatura at Wika!
Maligayang Pagbati sa ating lahat mga Ka-TaNgLaW!
Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa upang kilalanin ang mga taong magtataguyod sa ating literatura at wika, nagkakilala at nagmutawi ang mga ngiti sa labi ng bawat isa. Ikinagagalak namin kayong patuluyin sa ating tahanan, mga ka- TANGLAW! ❤
Isang pamilyang magpapalakas sa wikang Filipino!
Paki-tag naman po ang nais pa ninyong lumapit sa inyong búhay. Libreng maakses ang KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino sa kwfdiksiyonaryo.ph.
President Ferdinand R. Marcos Jr. extends his warm greetings to the Filipino people on the celebration of Buwan ng Wikang Pambansa.
In his message, the President emphasizes the value of the Filipino language, heritage, and culture in unifying the nation. He calls on the public to cherish and promote the use of the language, not just for communication but also for instilling collective awareness and progress for future generations. Additionally, PBBM encourages citizens to demonstrate their love for the country and work towards the realization of shared aspirations for the Philippines among the Filipino people.
Isang Maligayang Pagbati, mga Ate at Kuya!
Ang araw na ito ay ang araw ng tagumpay. Sa apat na taon ng inyong pagsusumikap sa pag-aaral ay nagbunga na ang inyong hirap at pagsusumikap.
Marahil ito ay unang hakbangin pa lamang sa inyong karera ngunit ngayon pa lamang ay humahanga at ipinagmamalaki nanamin ang inyong kahusayan.
Mula sa inyong mga Ka-TaNgLaW, Pagbati sa matagumpay na pagtatapos ng kolehiyo, mga Ma’am at Sir!
Ma’am Allegre, Dazel S.
Ma’am Atienza, Danica C
Ma’am Briones, Lyca Joyce D
Ma’am Cabato, Mhelody
Sir Canatuan, Carlo D.
Ma’am Capili, Judyline
Ma’am Coro, Leyalyn V.
Ma’am Cruzat , Perly Shielaline S.
Ma’am De Villa, Jessa Mae V.
Ma’am Delima, Marilou A.
Sir Dimaunahan, Gian Kirby D.
Ma’am Dris, Marjorie G.
Ma’am Harina, Kaycee M.
Ma’am Hernandez, Laleine Mae A.
Ma’am Hernandez, Rhosell N.
Sir Ilao, Richard M.
Ma’am Javier, Adona B.
Ma’am Labay, Renzy Mae C.
Ma’am Macaraig, Angelica G
Ma’am Maloles, Stefanny R
Sir Palmaria, Ryan Pananganan
Ma’am Par, Jenny Rose L.
Sir Pujante, Remgel M.
Sir Ramirez, Ronnel R
Ma’am Rodriguez, Aira Mae
Ma’am Sandoval, Shane L.
Ma’am Semira, Zyra E.
Ma’am Tabares, Janeth B.
Sir Tolentino, Edmond V.
Sir Villegas, Spencer V.
Buwan ng Agosto, Buwan ng ating Wikang Pambansa!
Ang Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - JPLPC Malvar ay kaisa sa pagdiriwang ng ating Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon na may temang “Filipino at Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. “
Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Bilang 1041 noong taong 1997 na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31. Ito ay tradisyon na sa ating mga Pilipino na buhayin ang ating mga kultura at mas palakasin ang puwersa ng wikang Filipino.
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa! 🇵🇭
Ngayong araw ginugunita ang ika-162 na kaarawan ng ating Pambansang Bayani. Walang hanggang pasasalamat Dr. Jose Rizal!
Sa angkin niyang talino at katapangan ay nakamit natin ang Kalayaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbing inspirasyon ng maraming Pilipino mula noon hanggang sa ngayon.
Pagpupugay sa iyong makabuluhang buhay!
Ang Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika ay nakikiisa sa paggunita ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ika-12 ng Hunyo taon-taon ay pinagdiriwang ang araw ng Kasarinlan bilang pag-alala at pagpapahalaga sa ating mga bayaning lumaban upang itaguyod ang ating bansa at matamasa ang kalayaan ng bawat Pilipino.
Taas-noo nating ipagmalaki na tayo ay malayang Pilipino!
Isang anghel ang kinuha na ng ating ama ngunit kaniyang alaala ay mananatiling nakatatak sa ating puso’t isipan.
Mahal na Mahal ka namin, aming Lakambini Ara Shein.
"Ang Ligaw na Ibon sa Punong Kahoy"
BSED FILIPINO 2 ✨❤️
Pagbati sa inyo mga minamahal naming ka-TaNgLaW!
Noong ika-21 ng Abril, 2023 ay naganap ang eleksyon para sa mga bagong opisyales ng Konseho ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangg**o. Narito ang ating mga ka-TaNgLaW na nagwagi at buong pusong nagnanais na maglingkod sa minamahal nating departamento.
Ang inyong dedikasyon sa serbisyo sa paglilingkod ay tunay na kahanga-hanga. Ipadama ninyo sa buong departamento ang serbisyo ng isang TaNgLaW. ✨✊
Isang puso para sa TaNgLaW!
Isang puso para sa departamento!
Laban, Puso, Tatak Filipino
"Nandito na ang Filipino, kapit-bisig taas noo. Tindig, sugod tatak Filipino."
Noong Marso 31, 2023 ay muli na namang namayagpag ang pangalan ng ating mga ka-TaNgLaW sa ginanap na EDUCAMP 2023 na may temang "Breaking Out of the Box: Exploring Possibilities and Opportunities" sa pangunguna ng Konseho ng Edukasyong Pangg**o.
Pagbati sa ating mga Ka-TaNgLaW na itinaas ang bandera ng ating medyor. Tunay ninyo kaming pinahanga sa angking husay, galing at talino sa iba't ibang larangan na nakaangkla sa nasabing programa.
Pinakita ninyong ang Filipino ay talagang mabagsik, malupit at walang inuurungan.
Pagbati mga minamahal naming ka-TaNgLaW!
Taas noo kaming nakasaludo sa inyo at patuloy na naniniwala sa inyong husay at galing hanggang dulo. ✨
Laban, Puso, Tatak Filipino. ✊💖
Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board - Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.
Ngayong taon, ipagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan na may temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan” na may layuning tuklasin ang pagkakaisa ng bawat Pilipino na gumagabay sa pagbuo ng isang bayan. Abangan ang mga kapana-panabik na aktibidad na inihanda ng NCCA kasama ang iba pang katuwang na ahensya at institusyon mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas sa official NCCA page ngayong darating na Abril.
Halina’t tuklasin ang kultura ng pagkakaisa sa pamamagitan ng panitikan!
Sa mga patuloy na nagsusumikap para sa ating magandang búkas, nagpupugay po kami sa inyo!
Husay. Galing. Tibay
Tatlong salitang binaon ninyo sa inyong laban. Pinanday kayo ng panahon at lumilok kayo sa kasaysayan ng ating sintang pamantasan para sa maka-Filipinong paraan ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining.
Pagbati mga Ka-TaNgLaW!
Itinayo ninyo ang bandera ng mga mag-aaral na may pagmamahal sa kultura at sining sa inyong pag-indayog at pagbabahagi ng husay sa larangan ng musika.
Pagbati rin sa ating Kolehiyo sa pagkamit ng Pangkalahatang Kampyeon sa nagdaang Pagdiriwang ng Buwan ng Sining noong Pebrero 28, 2023 na may temang "Ani ng Sining, Bunga ng Galing".
Tunay ninyong ipinakita ang husay ng mga mag-aaral na may pusong asul sa iba't ibang larangang maka-sining!
Laban. Puso. Tatak G**o! ✨💖
Matapos ang dalawang taon, sa kauna-unahang pagkakataon ay isinagawa ang face-to-face na oryentasyon sa departamento.
Kaugnay nito, nakiisa ang mga mag-aaral ng Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangg**o sa isinagawang oryentasyon upang pasimulan ang pasukan para sa ikalawang semestre na may temang "One Step Closer: Re-orientation for the New Shift of Academe" noong ika-23 ng Enero taong kasalukuyan.
Kaisa ng konseho at ng departamento ay inaasahan ng pamilyang TaNgLaW na naikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang mga muling paalala para sa pagbubukas ng panibagong semestre.
Padayon ka mga ka-g**o sa hinaharap! ✨💖
**o
P A G B A T I !
Para sa mga nagwagi sa Dungaw 2021 Batstateu-Intercampus
Pagkamit ng Unang Gantimpala sa Patimpalak na E-Guhit:
HARVEY M. DE GUZMAN
Pagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa Patimpalak na Spoken Word Poetry:
BRYAN A. MACEDA
Pangkalahatang Kampeon sa Dungaw 2021 - Batstateu-Intercampus:
BATANGAS STATE UNIVERSITY- MALVAR CAMPUS
P A G B A T I !
Para sa mga nagwagi sa patimpalak na Reverse Spoken Poetry
Ikatlong Pwesto:
REGINE FAITH M. SOLETA
College of Teacher Education
Ikalawang Pwesto:
MAVRICK I. LAZARRA
College of Arts and Sciences
Unang Pwesto:
HANNA A. DIAZ
College of Engineering
P A G B A T I !
Para sa mga nagwagi sa patimpalak na Pinaghandaang Talumpati
Ikatlong Pwesto:
DONALYN YOSORES
College of Engineering
Ikalawang Pwesto:
JONATHAN M. MONTEALTO
College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management
Unang Pwesto:
HARUNOBU ROSALES
College of Teacher Education
P A G B A T I !
Para sa mga nagwagi sa patimpalak na Face Shield Next Top Model (Lakambini)
Ikatlong Pwesto:
CLARIZA JANE O. CUADRA
College of Arts and Sciences
Ikalawang Pwesto:
TONI ROSE O. ARCE
College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management
Unang Pwesto:
RANZIELLE GRACE P. CORO
College of Teacher Education
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
4233
Pres. J. P. Laurel Highway Malvar, Batangas
Malvar, 4233
Santiago National High School- Malvar, Batangas School ID: 307717 Email us at [email protected]
San Joaquin Road, Brgy. Poblacion
Malvar, 4233
This page is for Educational purposes only
G. Leviste Street Poblacion
Malvar, 4233
The ICT Services Malvar is the IT support provider of the BatStateU - JPLPC Malvar, its students, fa
G. Leviste Street Poblacion
Malvar, 4233
OK SA DEPED PROGRAM ADOLESCENT REPRODUCTIVE HEALTH-TEEN HEALTH KIOSK
G. Leviste Street, Poblacion, Batangas
Malvar, 4233
This is the official page of the Resource Generation Office of the Batangas State Univeristy JPLPC-Malvar
Batangas State University TNEU/JPLPC Malvar
Malvar, 4233
Hi! We are the League of Accountable Youth for Active Governance ⛵️🌊
G. Leviste St. Poblacion
Malvar, 4233
This page serves as the official page/account of the registrar's office of the batangas state university JPLPC-Malvar.