Juana Manila
Nearby clinics
1000
Zamboanga City, Zamboanga
1015
New Hohola Commercial Area
1000
1000
1000
139
Manila
1000
1000
1000
1000
Juana Manila is a movement to promote health and better healthcare services for every Filipina.
Remembering also the women and children who are victims of war
Today, we commemorate the Battle of Manila 1945 that killed thousands of people including women and children
[WOMEN'S WALL]
Last May 27, 2023, Juana Manila held an online art exhibit on the untold predicament of women deprived of liberty (WDL) in the Philippines. This event showcased the artworks of Batch 2023 Junior Interns of Ospital ng Maynila Medical Center that centered around the magnolia flower - a symbol of perseverance due to their hardy nature and ability to adapt in harsh environments. Similarly, we want to represent the struggles that WDLs are facing in their current situations with the magnolia flower, and we hope to bring to light that even with their tenacity and perseverance, we should still take care of them and see them as living beings with human rights.
[WOMEN'S WALL]
"Art should comfort the disturbed and disturb the comfort"
- Cesar Cruz
Isang araw na lang at matutunghayan na natin ang mga sining na pupukaw sa ating damdamin at bubukas sa ating kamalayan tungkol sa kalagayan ng mga "women deprived of liberty" sa bansa.
Samahan nyo kaming saksihan ang mga obrang nilikha ng mga junior intern batch 2023 ng Ospital ng Maynila.
Magregister upang magkaroon ng pagkakataong mapasali sa raffle.
Pre-registration link: https://tinyurl.com/WomensWallReg
[WOMEN'S WALL]
Handa na ba kayo? Dalawang tulog na lang! Busugin ang inyong mga mata at damdamin sa mga likhang sining na layong maipakita kung ano nga ba ang hitsura ng “KALAYAAN” sa mundong puno ng kawalang-katarungan at kaapihan.
Magregister na sa link na ito para din sa tiyansang manalo sa magaganap na pa-raffle at quiz. Siguraduhing bisitahin at basahin ang mga post para sa mas mataas na tsansang manalo
Pre-registration link: https://tinyurl.com/WomensWallReg
[WOMEN'S WALL]
Kung totoo man ang kwento ng 3 hiling ng genie
Ito Lamang ang aking hiling
1. Mabuhay ng walang panghihinayang
2. Bigyan ako ng lakas na harapin ang bukas
3. Mayroong makasama sa aking hinaharap
Lalo na't may 3 araw na lang...
Sa darating na Sabado, ika-27 ng Mayo, pagpatak ng alas siyete ng gabi, samahan niyo kaming maantig sa iba't ibang likhang sining na tila nagpupumiglas upang maipahayag ang mensaheng 'kalayaan' sa paligid ng kahirapang sakdal.
Magregister sa link na ito: https://tinyurl.com/WomensWallReg
[WOMEN'S WALL]
Maganda ang numerong 4
4 na alas sa sugal ng buhay
4 na gilid ng isang kahon
Ngunit huwag magpakahon sa ating mga isipan
Ngayong may 4 araw na lang...
Sa darating na Sabado, ika-27 ng Mayo, pagpatak ng alas siyete ng gabi, samahan niyo kaming maantig sa iba't ibang likhang sining na tila nagpupumiglas upang maipahayag ang mensaheng 'kalayaan' sa paligid ng kahirapang sakdal.
[WOMEN'S WALL]
Marami tayong itinuturing 5 sa ating buhay.
5 pandama ng katawan.
5 W's sa pamamahayag.
5 talutot sa isang bulaklak.
At ngayon… 5 araw na lang!
Dahil sa darating na Sabado, ika-27 ng Mayo, pagpatak ng alas siyete ng gabi, samahan niyo kaming maantig sa iba't ibang likhang sining na tila nagpupumiglas na ipahayag ang mensaheng ‘kalayaan' sa paligid ng kahirapang hinaharap.
Sapat at masustansya ba ang pagkain sa preso?
May malinis bang tubig na handang makuha at magamit?
Nakakaangkop ba sa panahon ang mga selda?
May kakayahan ba silang mapanatili ang kalinisan ng kanilang sarili at paligid?
Natutugunan ba ang mga pangangailangang pisikal, emosyonal, sikolohikal, at sekswal ng ating mga kababaihang lugmok sa bilangguan?
Silipin natin ang mundo ng mga Juana sa lente ng mga babaeng nasa loob ng piitan at alamin ang kanilang kalagayan.
Tinatayang 20,653 preso lamang ang kapasidad ng ating mga kulungan sa bansa, ngunit nasa 146,203 na katao na ang nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Dahil dito, tumataas ang tiyansa ng pagkakasakit dahil hindi nagiging sapat ang espasyo para sa mga preso at pagbaba ng kalidad ng sanitasyon, pagkain, at tubig na tinatamasa ng bawat indibidwal sa loob ng mga kulungan.
Sa kasalukuyan, mahigit kumulang 14,000 na kababaihan ang nakakulong at nananatili sa likod ng mga bakal na rehas -- ang ating mga "Women Deprived of Liberty". Maliban sa mga problemang kinakaharap ng isang pangkaraniwang preso, hinaharap din nila ang mga hamong dala ng pagiging "babae".
Ngunit, Sino nga ba at Ano ang kalagayan ng ating mga "Women Deprived of Liberty"? Halina't atin silang kilalanin.
Mga mare, ma'am, madam, misis, tita, ate, momshie!
Tara! Lakad tayo!
[BIDA JUANA SERIES #4]
Hindi makukumpleto ang talakayan sa kasaysayan ng sining ng pagluluto sa Pilipinas kung hindi mababanggit sa usapan ang mga naging kontribusyon ni Teresita Reyes, o mas kilala sa pangalang "Mama Sita".
Ipinanganak sa lungsod ng Maynila noong ika-11 ng Mayo taong 1917, si Mama Sita ay nagmula sa pamilyang kilala bilang magagaling sa pagluluto at naging daan sa pagpapatayo ng pinakaunang mga restawran at kainan sa Pilipinas. Kasunod ang yapak ng kaniyang kusinerang ina, ginawang makulay at kakaiba ni Mama Sita ang panlasang Pilipino sa pamamagitan ng paghahalo at pagtutugma ng mga sangkap na natural sa Pilipinas. Ito ang nagbigay ng daan upang mabuo ang ngayo'y mga resipe at sarsa na ginagamit sa pagpapasarap sa paghahanda ng mga putahe gaya ng kare-kare, sinigang, adobo, at iba pa.
Sa patuloy na pagpapabuti ni Mama Sita sa kaniyang galing sa talentong ito ay nakapaglakbay siya sa iba't ibang bahagi ng mundo upang matuto sa iba't ibang mga mangangalakal, kusinero, at magsasaka habang ipinakikila at ipinatitikim sa mga banyaga ang makulay na kultura ng pagkaing Pilipino. Sa kasalukuyan, ang mga pamanang ito ni Mama Sita ay nagpapatuloy bilang mga produkto ng Mama Sita’s Holding Company at pagkaing inihahanda ng The Aristocrat Restaurant.
Dahil sa kaniyang mga kontribusyon sa pagpapatanyag sa mga tradisyonal na pagkaing Pilipino saan man sa bansa at sa mundo, tunay na si Mama Sita bilang isang Pilipinang magpahanggang sa ngayon ay may malaking ambag sa pagpapatatag ng ating kultura at pagkakakilanlan.
[BIDA JUANA SERIES #3]
Si Dr. Fe del Mundo ay isa sa mga pinakamahusay na tagapangalaga ng kalusugan ng mga batang Pilipino. Siya ay nag-aral sa UP College of Medicine, kung saan sya ay nakapagtapos bilang class valedictorian. Ilan sa mga kontribusyon ni Dr. Fe ay ang kanyang pananaliksik sa mga sakit na tulad ng poliomyelitis, rubella, at varicella. Ito ang nagsilbing batayan sa pagpapalaganap ng malawakang pagpapabakuna sa mga kabataang Pilipino upang maiwasan ang mga nakamamatay na sakit. Bukod dito, isa rin sya sa mga nagbigay kalinga upang umunlad ang kalusugan sa mga komunidad. Inimbento nya ang incubator na gawa sa kawayan para sa mga komunidad na walang kuryente. Malaki ang naging tulong nito sa pagligtas sa mga sanggol na isinilang na kulang sa buwan at may jaundice.
Upang maging laganap ang pagkakaroon ng isang modernong ospital para sa mga bata, itinatag ni Dr. Fe del Mundo ang Children’s Medical Center, na syang kauna-unahang ospital ng mga bata sa Pilipinas.
Dahil sa pagiging dalubhasa sa larangan ng pediyatriko, si Dr. Fe ay tinagurian bilang “Dakilang Lakambini ng Pedyatriyang Filipino.” Sya rin ang kauna-unahang babaeng pinarangalan ng gantimpala bilang Pambansang Siyentipiko noong 1980.
[BIDA JUANA SERIES #2]
Si Juana ay hindi lang maganda, matapang pa!
Si Purificacion “Pura” Villanueva Kalaw ay representasyon ng mga Pilipinang hindi lang nakakabighani ang ganda, wala ring takot na pumapanig sa tama. Siya ang kauna-unahang beauty queen nang magwagi siya sa isang patimpalak noong 1908 bilang “Queen of the Manila Carnival,” na ngayon ay kilala na bilang “Miss Philippines.”
Maliban sa pagiging beauty queen, siya ay isang mamahayag at manunulat na nagtaguyod ng karapatan ng mga kababaihan. Noong 1906, sa murang edad na 20 taong gulang, inorganisa niya ang Asociacion Feminista Ilongga na tinaguriang kauna-unahang kilusan ng mga babaeng sumulong ng kanilang karapatang bumoto. Ito ang kauna-unahang panukalang-batas sa pagboto na nakarating sa Philippine Assembly at naipasa noong 1937. Itinaguyod niya ang kredo ng samahan na nagsasabi na “Kung anong kayang gawin ng mga kalalakihan, kaya din ng kababaihan."
Ang mga kontribusyon ni Pura Kalaw sa kanyang panahon ay tinatamasa ng bawat kababaihang Pilipino ngayon nang ipagkaloob ang kapangyarihang makapili at bumoto ng mga nararapat sa puwesto. Isang napakalaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga kababaihan, handog ng isang na si Pura Villanueva Kalaw.
[BIDA JUANA SERIES #1]
Si María Orosa e Ylagan ay isang Pilipinang food technologist at chemist na kilala sa kanyang mga inimbentong pagkain para tugunan ang problema ng malnutrisyon sa Pilipinas noong panahon ng Hapon. Ilan sa kanyang mga imbensyon ang Soyalac at Darak. Noong siya ay naging kapitan ng Marking's Guerillas, ang mga pagkaing ito ang pinupuslit ng mga karpenterong nagtatrabaho sa Corregidor upang makakain ang mga Pilipino at Amerikanong nakakulong doon. Naging kilala naman siya sa publiko dahil sa kanyang inimbentong calamansi nip at banana ketchup.
Naging susi rin siya sa pagpapakilala ng mga pagkaing Pinoy sa ibang bansa. Sumulat siya ng isang cookbook na pinamagatang "Filipino Recipe" na nagtampok ng iba't ibang tradisyonal na putahe at mga diskarte sa pagluluto.
Sa kabuuan, ang mga kontribusyon ni Maria Orosa ay may malaking epekto sa Pilipinas, lalo na sa pangangalaga ng pagkain, pananaliksik sa agham, at pambansang pagkakakilanlan. Ang kanyang pamana ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga batang Pilipino, lalo na sa mga kababaihan, upang ituloy ang kanilang karera sa agham at teknolohiya.
Dear Juana,
Kay layo na ng narating natin. Marami nang mga ilaw ng tahanan na silang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Marami na sa atin ang tinitingala sa mga larangan ng medisina, abogasya, agham, sining, pamamahayag, at pulitika. Marami na ring mga batas ang naisulat para masiguradong napapangalagaan ang ating mga karapatan. Mayroon na ring isang buong buwang nakalaan para ipagdiwang tayo.
Ngunit bakit ganoon? Noong sablay ang pag-U turn ng kotse sa harapan namin, “Babae siguro ang drayber” ang sabi ng tsuper ng jeep na aming sinasakyan. Noong may batang lalaking umiiyak sa mall, “Para kang babae” ang sabi sa kanya ng magulang niya. Noong may dumaan ako sa harap ng construction site, sipol ang pagbati ng mga trabahador sa akin.
Malayo na, ngunit mukhang malayo pa. Deka-dekadang kasaysayang nanlalamang sa atin ang kailangang kalabanin. Ang kailangang baguhin. Ang kailangan lipulin.
Gayunpaman, sa labang ito, ang daling maging matapang. Ang daling maging panatag. Ang daling tumindig. Sapagkat kung may isa pang bagay na tinuro ang kasaysayan sa atin, iyon ay "Ang pinipilit ibaba ay laging umaangat."
Sa labang ito, kasama kita. Sama-sama tayo.
Nagmamahal,
Juana
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila
1000
Manila
Ang nangungunang Shioka effervescent tablet ng Japan
Manila 1102 Manila
Manila, 1089
Ang Shioka ay isang produkto para sa mga taong dumaranas ng mga sumusunod na problema: Ang mga kaba
Manila, 1002
LEGIT PROVEN AND TESTED PM LANG PO PARA MATULUNGAN LEGIT NA LEGIT.CAN SHIP ABROAD
Unit M2 Mezzanine Floor, Rosita Building, 1452 Taft Avenue , Ermita
Manila, 1000
Manila, 1089
Ang Shioka ay isang produkto para sa mga taong dumaranas ng mga sumusunod na problema: Ang mga kababaihan ay naghihirap mula sa uterine fibroids, ovarian cysts Ang mga babae ay dum...
828 FR Hidalgo Street, Corner Elizondo Street
Manila, 1001
This page aims to diagnose patients that are suffering from different ailments. We specialize in providing health care for women. Our team of Medical Technologists and OBGYN Doctor...
Manila
Ang nangungunang Shioka effervescent tablet ng Japan
32nd Street, 5th Avenue, Taguig, Metro Manila, Philippines
Manila, 1634
Health Solutions for Women. Tested for safety by the US FDA
Manila 1102 Manila, Philippines Manila
Manila, 1089
Ang Shioka ay isang produkto para sa mga taong dumaranas ng mga sumusunod na problema: Ang mga kababaihan ay naghihirap mula sa uterine fibroids, ovarian cysts Ang mga babae ay du...