Federation of Parents and Teachers Association in Marikina City - FPTAM

Federation of Parents and Teachers Association in Marikina City - FPTAM

This is the Official page of the Federation of Parents and Teachers Association in Marikina City or FPTAM for the School Year 2019 to 2020.

17/06/2024

Bakit ganun? Simula ng nawala ako bilang president ng FPTAM, wala ng naging proyekto?

Kasi puro pulitika na.

Ultimo DepEd nagtatanong sa akin sino ang presidente kasi di nagsa-submit ng report at di pumipirma ng mga resolution ng Local School Board.

Pulitikahin niyo pa ang PTA para sa susunod wala pa rin kayong maging proyekto! Hahahahahahahaha.

Naging self-serving eh. Ayuda ang inisip mula sa pulitiko. Eh di walang nagawa para sa mga bata. Kawawang PTA. Kawawang mga bata.

Tapos ngayon wala pang pasukan pero nagiikot na ulit yung mga utak ng pagkahati-hati at bumubuo na sila ng grupo na isasabak nila sa SPTA elections para sa ayuda este para makuha ulit nila ang pwesto.

Eric Krister Nicolas Songcuan
Past President
FPTAM

18/06/2023

Happy fathers day to all those mothers that played both roles and to all the real fathers.

14/05/2023
Photos from Federation of Parents and Teachers Association in Marikina City - FPTAM's post 08/04/2023

Turn Over Ceremony,Outgoing Schools Division Superintendent,Ms.Sheryll T. Gayola and Incoming Schools Division Superintendent Dr.Ma.Evalou Concepcion A. Agustin.Thank you po Ma'am Sheryll and Welcome po Ma'am Evalou.
From :FPTAM

25/03/2023

HAPPY WOMEN'S MONTH

05/03/2023

As a sign of respect and support to the newly-elected officers of Federation of Parents and Teachers Association in Marikina City - FPTAM, I will be transferring the administration duties of this page to the ExeCom Chairman Socrates Tolentino and his fellow officers - Joeman Positar Getino, Angel Gleandelle and Charry Fernandez Magnetico.

Like I always say, let us work in unity - whatever group we belong to. And as always, let us utilize this platform as an avenue to listen to the voices of the parents and in other PTA-related concerns.

Sincerely,
Eric Krister Songcuan
Former President
FPTAM

09/12/2022

Pagbati ng Happy Marikina Teacher's Day sa mga kapwa ko g**o dito sa ating lungsod! πŸ’™πŸ’™πŸ’™

30/11/2022

Good morning everyone. Reminder lang po na ang meeting na ito ay patawag ng DepEd Marikina DO:

To all elected SPTA Presidents for SY 2022-2023 and incumbent FPTAM Officers:

1. Meeting on December
1, 2022, Thursday, from 3:30pm onwards at the Audio-Visual Room of SDO-Marikina City
Building, 4th Floor involving the incumbent-outgoing Federation Officers headed by Mr.
Eric Krister Songcuan to set the details of the incoming federation elections via the
Federation Elecom.

2. Invited as participants to this event are those elected President of the School Parents-Teachers Association (SPTA) for School Year 2022-2023 so that they will be guided by
Federation Elecom as to how the elections will be conducted, when will be the scheduled
date, and all other pertinent concerns.

Please share info sa mga incumbent FPTAM Officers at newly elected SPTA President for School Year 2022-2023.

* Hindi po kasama sa meeting ang mga dating GPTA Presidents na hindi officer ng FPTAM.

11/11/2022

Bukas na liham para sa mga magulang at mga g**o sa Marikina:

Bilang kasalukuyang PTA Federation President sa Marikina, nais ko po sanang umapela sa mga magulang, lalung-lalo na kung ang inyong anak ay nasa elementarya at high school at wala pa sa hustong gulang, na obserbahan o subaybayan ang kanilang mga social media accounts.

Nakaka-alarma ang ilang mga insidente kung saan ang ating mga estudyante ay namumulat sa mga hindi magagandang epekto ng social media katulad na lamang ng mga sumusunod:
1. Pagpapasa ng mga malalaswang litrato o panoorin
2. Pakikipag-relasyon sa mga taong hindi kilala o mga nakilala lamang sa chat na kung minsan ay humahantong pa sa pagsama dito at hindi pag-uwi sa bahay na nagiging dahilan ng labis na pag-aalala ng mga magulang
3. Pagkamulat sa mga bisyo katulad ng sigarilyo, alak, droga at sugal
4. At marami pang iba

Para sa mga magulang, batid ko ang kahalagahan ng pagiging pribado o pagkakaroon ng privacy ng ating mga anak pero sila ay kailangan din nating protektahan mula sa ganitong mga bagay. Kung kailangan nating i-check paminsan-minsan ang kanilang mga social media accounts lalo na kung sila ay wala pa sa hustong gulang, ito ay ating gawin. At kung kailangan natin silang sunduin mula sa eskwelahan para masig**o ang kanilang ligtas na pag-uwi, ito rin ay ating gawin. IT IS OUR PRIMARY RESPONSIBILITY TO PROTECT OUR KIDS.

At para naman sa mga g**o, sana po ay tulungan po ninyo kami, bilang mga pangalawang magulang ng aming mga anak, na sila ay paalalahanan sa mga maaaring maging epekto ng aking mga nabanggit hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi pati na rin sa kanilang sarili, mga magulang at pati na rin sa eskwelahan.

Maraming salamat po.

Eric Krister N. Songcuan
President
Federation of PTA in Marikina (FPTAM)

10/11/2022

Developing story:
Natagpuan na po yung batang nawawala. Will give you more updates later. Please remove all shared posts na lang po. Salamat.

29/10/2022

MARIKINA RIVER WATER LEVEL UPDATE
OCTOBER 30, 2022, 6:26am

WATER LEVEL : 16.8meters ⬇️
SECOND ALARM 🚨🚨

29/10/2022

As of 6:05PM, Marikina River water level is at 17.3 meters. 2nd alarm is now in effect. Please be safe. Call Marikina City Rescue 161 for concerns. Nandito lang din po ako to relay emergency messages.

28/10/2022

MarikeΓ±o, mag-charge na kayo ng mga powerbanks, gadgets at emergency lights. Mas lalakas pa ang ulan sa bandang hapon. Ingat ang lahat. Call Reskyu Onesixone for emergencies. πŸ™

Photos from Eric Krister Nicolas Songcuan's post 16/10/2022

Meeting of outgoing and incoming SPTA Presidents of different public schools in Marikina City! Maraming salamat po sa inyong pagdalo at pakikinig! πŸ’™

πŸ“· Cata Nepomuceno

05/10/2022

Happy Teacher's Day sa lahat ng mga g**o sa Marikina! Maraming salamat po sa inyong serbisyo! Mabuhay po kayo! πŸ’™

28/09/2022

Bukas na liham para sa mga School Heads at Teachers kung saan nagkaroon ng mga maling pamamaraan noong PTA elections:

Magandang araw po sa inyo!

Kung nagkaroon man ng mga iregularidad o mga pagkakamali sa inyong paaralan noong nakaraang PTA elections, huwag po sana ninyong takutin ang mga magulang na nagparating sa akin ng mga paglabag sa Omnibus Guidelines.

Bilang kasapi ng pamunuan ng paaralan, dapat kayo ang nangunguna sa pagtuwid sa isang bagay na mali at hindi kayo ang kumukunsinti dito. Imbis na itama at maging mabuting halimbawa, ang iniipit ninyo ay ang mga magulang na nagpadala sa akin ng mga mensahe patungkol sa mga naging kamalian sa nangyaring botohan. Tama po ba iyon? Mali.

Kung ang pagsasabi ng isang bagay na tama ay gagawin nating mali, para na rin nating sinabi na katanggap-tanggap ang pagsasabi ng isang kasinungalingan.

Sana po ay binasa muna ninyo ang DepEd Order Number 13, Series of 2022 bago kayo nagpatawag ng halalan. Kung ginawa po ninyo iyon, wala sanang naging problema dahil malalaman ninyo kung ano ang mga tamang proseso.

At ako, bilang kasalukuyang presidente ng PTA Federation ng Marikina, ay may obligasyon na ang bawat sumbong ay pakinggan at aksyunan. Hindi ako kailanman nagbingi-bingihan dahil ako ay may paninindigan. Ako rin ay may karapatan, kasama ang iba pang mga miyembro ng Federation, na sulatan ang DepEd Marikina upang hilingin na imbestigahan ang mga nasabing paglabag.

Huwag po silang mga magulang ang inyong pag-initan o takutin.

Una, dapat po ay tanungin ninyo ang inyong mga sarili kung sino ba ang may mali. Pangalawa, kung meron po kayong problema sa ginawa nilang pagpaparating sa akin ng mga maling proseso, ako po ang inyong kausapin at hindi sila.

Bukas po ako sa anumang pakikipag-usap dahil bilang presidente ay kailangan kong protektahan ang karapatan ng mga magulang kasama na rin kayong mga g**o, estudyante at eskwelahan. At bilang pangulo ng Federation ng PTA sa Marikina, responsibilidad ko rin na itaguyod ang tamang pamamaraan sa halalan upang ang institusyong ito ay mapanatiling malinis at ang integridad at kredibilidad nito ay patuloy na mapangalagaan.

Maraming salamat po at sana ay huwag nating gawing personal ang usaping ito. Ipagpatuloy natin ang gawaing tama at ating itama ang anumang gawaing mali, sinasadya man o hindi, ng walang tinatakot o sinisisi dahil naniniwala ako na ang bawat usapin ay nadadaan sa tamang usapan at pagsunod sa tamang proseso.

Lubos na gumagalang at patuloy na nagtataguyod sa malinis, may integridad at may kredibilidad na PTA,

Eric Krister N. Songcuan
President
Federation of PTA in Marikina (FPTAM)

*** Ang sulat na ito ay para lamang sa mga g**o at school heads na kumukunsinti sa nangyaring mga pagkakamali. Hindi ito para sa lahat. May mga magulang po na nagparating sa akin na sila ay iniipit ng ilang g**o dahil sa kanilang pagbibigay ng mga impormasyon sa akin patungkol sa mga naging iregularidad noong nakaraang PTA elections.

25/09/2022

As Tropical Cyclone Warning Signal No. 3 is raised over Metro Manila due to Typhoon Karding, heavy rainfall is expected until Monday.
As part of our preemptive measures, we are hereby suspending classes in ALL LEVELS both in PUBLIC and PRIVATE schools in MARIKINA CITY on Monday, September 26, 2022.
Everyone is encouraged to stay indoors.

Source: Marikina PIO

20/09/2022

Due to the PAGASA weather bulletin that heavy to intense rains may be expected this afternoon, we are hereby suspending afternoon classes in ALL LEVELS both in PUBLIC and PRIVATE schools in Marikina City today, September 20, 2022. This preemptive measure is intended for the safety of our students.

15/09/2022

FQA:

Kapag 2 consecutive times ka ng naging officer ng PTA, kahit anong level o position, pwede bang tumakbo?

No, kailangan mong magpahinga muna at bawal ka ng tumakbo this school year.

Ang guardian, pwedeng maging member ng PTA?

Yes. Walang problema dun. Pero hindi pwedeng ma-elect o bumoto. Pwera lang kung meron kang court order na nagpapatunay na ikaw ang legal guardian. Pag sinabing legal at court order, kelangan dumaan sa proceedings sa korte. Hindi pwede yung sulat lang ng magulang o barangay certificate.

15/09/2022

Para sa mga may katanungan patungkol sa eleksyon ng HRPTA, GrPTA at SPTA sa mga pampublikong paaralan sa Marikina,, pwede po kayong mag-comment dito sa post ko at ako mismo ang sasagot para di kayo malito at para malaman niyo kung pwede pa yung opisyal na nahalal na o ihahalal pa lang.

Para naman sa masipag magbasa, pindutin niyo lang itong link sa baba ng DepEd Order No. 013 Series of 2022 entitled "Omnibus Guidelines on the Regulation of Operation of the PTA" where you can download the 74-page pdf copy of the said DepEd Order:
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2022/03/DO_s2022_013.pdf

www.deped.gov.ph

Photos from Marikina PIO's post 02/09/2022

Relative to this, Yellow Rainfall Warning was issued by PAGASA at 1:15 p.m today, Sept 2, 2021, therefore classes in ALL LEVELS in both PUBLIC and PRIVATE schools in Marikina City are hereby suspended.

23/08/2022

Due to Yellow Warning advisory from PAGASA issued at 12:06 p.m., CLASSES are hereby SUSPENDED in ALL LEVELS in Marikina City as of 12:30 p.m. today, August 23, 2022.

Source: Marikina PIO

12/08/2022

Watch the live coverage of DepEd Marikina City Schools Division Office Stakeholders' Convergence 2022!

https://fb.watch/eRCbOGzXJM/

12/07/2022

The SY 2022-2023 shall open on Monday, August 22, 2022, and shall end on July 7, 2023, according to the Department of Education. It shall consist of 203 school days or as may be determined by further issuance/s in case of changes in the school calendar due to unforeseen circumstances, according to DepEd Order No. 34, s. 2022.

The SY 2022-2023 shall open on Monday, August 22, 2022, and shall end on July 7, 2023, according to the Department of Education. It shall consist of 203 school days or as may be determined by further issuance/s in case of changes in the school calendar due to unforeseen circumstances, according to DepEd Order No. 34, s. 2022.

READ: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/837833/deped-sets-opening-of-school-year-2022-2023-on-august-22/story/

Meet 03/06/2022

To all SPTA/GPTA Presidents. Please be reminded of our meeting tomorrow, Saturday via GMeet at 9am. ALL must attend. Here is the link:

meet.google.com/btf-ycwy-uso

Sobrang importante ito kaya dapat ang lahat umattend. Salamat po.

Meet Real-time meetings by Google. Using your browser, share your video, desktop, and presentations with teammates and customers.

Meet 30/05/2022

Dear all SPTA/GPTA Presidents. Coming from my discussion with Dr. Cena yesterday, lets meet on Saturday via GMeet. I will discuss the face to face graduation and virtual moving up ceremony. May requirement na pinapagawa per school. ALL must attend. Meeting is at 9am. Here is the link:

meet.google.com/btf-ycwy-uso

Kindly put it in your calendar. Sobrang importante ito kaya dapat lahat umattend. Salamat po. For SPTA/GPTA Presidents lang po ito.

Meet Real-time meetings by Google. Using your browser, share your video, desktop, and presentations with teammates and customers.

14/01/2022

ACADEMIC HEALTH BREAK MULA ENERO 17 HANGGANG 29 SA LAHAT NG ANTAS NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SA MARIKINA CITY - MAYOR MARCY TEODORO

Naitala kahapon ang 34,021 na daily active cases sa bansa na may positivity rate na 47.2 %. Pinakamataas na tala mula ng nagsimula ang pandemya. At dahil sa maraming nagkakasakit na mga bata, g**o at kanilang kaanak sa Lungsod ng Marikina, minabuti na magdeklara ng isang Academic Health Break na magsisimula sa January 17 hanggang January 29, 2022 alin sunod sa provision ng Section 16-General Welfare Clause ng Local Government Code.

Sa kadahilanan ng public health emergency na ito, mainam na mabigyan ng pagkakataon ang bawat pamilyang taga-Marikina na makatuon sa pagpapagaling ng kanilang karamdaman, makapagpahinga, makapagquarantine at maasikaso ang kanilang mga pangangailangan sa mga panahon na ito. Ang lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong lungsod ng Marikina ay inaabisuhang huwag munang magsagawa ng online o face-to-face classes at magbigay ng mga gawaing bahay sa kanilang mag-aaral habang epektibo ang nasabing health break.

Tinatagubilin na bawasan muna ang paglabas sa inyong bahay, maliban lamang kung essential o lubhang mahalaga ang lakad at gawain.

Pinapananalagin namin na kayo po ay laging ligtas at mabuti parati ang kalagayan.

- Mayor Marcy Teodoro

Source: Marikina PIO

Photos from Federation of Parents and Teachers Association in Marikina City - FPTAM's post 24/12/2021

Mula po sa FPTAM, GPTA Presidents and Officers ng mga pampublikong eskwelahan sa Marikina, lubos na pasasalamat po ang aming ipinararating sa inyo, Mayor Marcy at Ma'am Maan Teodoro! Maraming salamat po sa inyong regalo sa amin at asahan po ninyo ang aming patuloy na suporta sa inyong pamamahala! Maligayang Pasko po sa inyo at sa inyong buong pamilya! πŸ’™

Eric Krister Songcuan
President
Federation of PTA in Marikina (FPTAM)

10/12/2021

Happy Marikina Teacher's Day!
Maraming salamat sa serbisyo sa mga mag-aaral na MarikeΓ±o!
πŸ’™

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Marikina City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Marikina City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 7pm