RODEO Tabloid Online
Online News & Current Affairs
PROYEKTO NG DPWH MASBATE 3RD DEO, PINURI AT PINASALAMATAN NI MAYOR MARK ANTONIO!
(Ulat ni: D. Balatayo)
Pinuri at pinasalamatan ni Hon. Mayor Mark Antonio ang inihandog na proyekto ng tanggapan ng DPWH Masbate 3rd District Engineering Office (DEO) sa ilalim ng pangangasiwa at liderato ng butihing District Engineer na si Engr. Gerrylin M. Cantillep.
Sinimulan noong December 18, 2023 ang konstraksyon ng proyektong CSSP-SIPAG-Multi-Purpose Buildings/Facilities to Support Social Services sa Barangay Poblacion, Pio V. Corpuz, Masbate.
Natapos at nakumpleto naman ito noong March 18, 2024. Nakapaloob dito ang
isang (1) Unit ng Toilet, isang (1) PWD ramp, apat (4) na wall fans, isang (1) blackboard at emergency lights.
Ang nasabing gusali ay pansamantala munang gagamitin ng Grade 10 (Junior High School) students sa nabanggit na bayan.
Laking pasasalamat naman ng mga magulang, opisyales, titser at mga residente ng Limbuhan (Pio V. Corpuz) dahil sa napakalaking tulong na dulot ng proyektong ito ng DPWH Masbate 3rd DEO.
VP SARA DUTERTE, tender her resignation as DepEd Cabinet Secretary and Vice Chairman for NTF-ELCAC
HAPPY HAPPY FATHER’S DAY to All DADDY, DAD, TATAY, ITAY, PAPANG, PAPAY and AMA!
Greeting’s from the Father of LGU Masbate City: HON. MAYOR SOCRATES “ATES” MAGALLANES TUASON
PhilHealth KAPIHAN with Masbate MEDIAmen
Tunghayan at Abangan ang BAKBAKAN SA MASBATE
DPWH MASBATE 3rd DEO, PINASALAMATAN NG MGA TAGA DIMASALANG!
(Rodeo News Team)
Pinasalamatan ng mga residente sa bayan ng Dimasalang ang DPWH Masbate 3rd DEO dahil sa ipinagawa nitong proyekto na Mawig Creek Flood Control.
Ang nasabing proyekto sa Barangay Poblacion ay natapos at nakumpleto noong April 27, 2024.
Sinikap ni District Engineer Gerrylin M. Cantillep na matapos kaagad ang Flood Control upang di maapektuhan at makontrol ang pagbaha sa nasabing lugar.
Ipinatayo ang nasabing proyekto dahil sa tuwing sunod-sunod ang pagbuhos ng ulan na umaabot ng ilang araw ay binabaha ang barangay Poblacion kung kaya’t ito ay binigyang pansin ng DPWH 3rd District Engineering Office.
SCHOOL BUILDING NA PROYEKTO NG DPWH SA BAYAN NG USON, NAPAPAKINABANGAN NA NG MGA ESTUDYANTE!
(Ulat ni: Bombo Jess Parion)
Tuluyan ng napapakinabangan ang isa sa School Building na proyekto ng DPWH Masbate 3rd DEO sa ilalim ng pamamahala ni DE Gerrylin M. Cantillep sa bayan ng Uson, Masbate.
Pinuri at pinasalamatan ng mga titser, magulang at mga estudyante sa Uson National High School ang proyekto ng DPWH Masbate 3rd District Engineering Office.
Ang nasabing proyekto ay iilan pa lamang sa mga magagandang plano at programa ng DPWH sa ikatlong distrito sa lalawigan ng Masbate.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
5400
Opening Hours
Monday | 8am - 5pm |
Thursday | 8am - 5pm |
Friday | 8am - 5pm |
Purok 5, Barangay Ibingay
Masbate, 5400
Chronicle News and Public Affairs
Osmeña Street Masbate City
Masbate
Ito ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Paaralan ng Osmeña Colleges.