My Catechist

CATECHIST OF GOD

24/02/2024

Paalala sa lahat!
Narito po ang paalala sa ilang pagbabago ng misa tuwing araw ng linggo.

24/02/2024

Magandang araw po sa lahat!
Para sa mga nagpalista na po para sa ating Visita Iglesia sa darating na ika-25 ng Marso, 2024; Lunes Santo. Kinakailangan na po ninyong makapagbigay ng kahit kalahati ng payment para sa secured na seat at slot po ninyo po.

Kailangan na din po ang shirt sizes po ninyo para sa visita iglesia shirt.

Mayroon pa po tayong 48 slots na available para sa VISITA IGLESIA.

Maraming Salamat po.

24/02/2024

Tinatawagan po ang lahat ng mga hindi pa tumatanggap ng sakramento ng Kumpil. Magkakaroon po ang ating parokya ng Kumpilang Bayan sa darating na ika-13 ng Abril, 2024 sa ganap na ika-10 ng umaga. Ito ay bilang bahagi ng ating ika-12 taong kapistahan ng ating patrong San Pedro Calungsod.

Kaugnay po nito, narito po ang mga kinakailangang requirements:

1. PSA Birth Certificate
2. Marriage Contract ng Magulang (kung kasal)
3. Communion Certificate
4. Baptismal Certificate
5. Para sa mga 18 taong gulang-pataas, kailangan ninyo pong kumuha ng Certificate of No Record sa tatlong magkakaibang parokya.
a. Ina ng Awa Parish
b. La 'Anunziata Parish
c. Our Lady of the Abandoned Parish

Ang huling araw ng pagpapatala at pagpapasa ng requirements ay sa darating na ika- 2 ng Marso, 2024.

Para sa iba pang katanungan, makipag ugnayan lamang po sa opisina ng ating parokya. Maraming Salamat po!

24/02/2024

Tinatawagan din po ang lahat ng mga hindi binyagang katoliko. Magkakaroon po tayo ng Adult Baptism sa darating na Sabado de Gloria, ika-30 ng Marso, 2024.

Sa mga nagnanais na magpatala, ipasa lamang po ang mga kinakailangang requirements:

1. PSA Birth Certificate
2. Marriage Contract ng Magulang (kung kasal)
3. Certificate of No Record sa tatlong magkakaibang simbahan.
a. Ina ng Awa Parish
b. La' Anunziata Parish
c. Our Lady of the Abandoned Parish.

Ang huling araw ng pagpapatala at pagpapasa ng requirements ay sa darating na ika- 2 ng Marso, 2024. Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan lamang po sa opisina ng ating parokya. Maraming Salamat po!

13/02/2024

ASH WEDNESDAY 😇🙏✝️

The season of Lent, a 40-day period of preparing for the commemoration of the passion, death, and resurrection of Jesus Christ, begins with the observance of Ash Wednesday.

✝️ What is Ash Wednesday?

It marks first day of the 40 days of Lent, a roughly six-week period (not including Sundays) dedicated to reflection, prayer and fasting in preparation for Easter. It ends on Holy Thursday, the fifth day of Holy Week (the week leading up to Easter) that marks the Last Supper.

Ash Wednesday is an obligatory day of Fasting and Abstinence for Catholics, except for sick people and pregnant or nursing women. Catholics are also obliged to abstain every Friday during the Lenten Season.

Fasting - Only one full meal and two smaller meals are allowed during the day; binding to all 18-59 yrs old.

Abstinence - Avoiding Meat or Products made of animal fats; binding to all 14 yrs old and above.

In addition to certain rules about foods and fasting, many Christians (and even non-Christians) abstain from additional foods, luxury or material goods or certain activities and habits.

✝️ Where do the ashes come from?

They’re obtained from the burning of the palms of the previous Palm Sunday, which occurs on the Sunday before Easter, and applied during services. Palm Sunday marks Jesus’ return to Jerusalem, when people waved palm branches to celebrate his arrival. The ashes are typically mixed with Holy Water.

✝️ What do the ashes mean?

The ashes, applied in the shape of a cross, are a symbol of penance, mourning and mortality. Centuries ago, participants used to sprinkle themselves with ashes and repent much more publicly, but the practice fell away sometime between the 8th-10th century before evolving into what it is today. There aren’t any particular rules about how long the ashes should be worn, but most people wear them throughout the day as a public expression of their faith and penance.

Be merciful, O Lord, for we have sinned. ✝️🛐

➕🖤
Ctto

13/02/2024

Bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo, narito ang mga iskedyul ng ating mga misa.

6:00 ng umaga
5:00 ng hapon

Ito ay gaganapin sa ating Parish Chapel. Maraming Salamat po!

Bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo, narito ang mga iskedyul ng ating mga misa.

6:00 ng umaga
6:00 ng hapon

Ito ay gaganapin sa ating Parish Chapel. Maraming Salamat po!

13/02/2024

Ang ating parokya ay magkakaroon ng Palaspas for a Cause.
Sa mga nagnanais na bumili ng palaspas, mangyari ay makipag-ugnayan o tumungo sa opisina ng ating parokya upang magpatala para sa reservation.

Ang palaspas ay nagkakahalaga ng 40.00, sa mga bibili ng higit sa isa mayroon po tayong 3 for 100.

Ang malilikom na pondo sa programang ito ay gagamitin sa mga nalalapit na programa at gawain para sa Mahal na Araw.

Maraming Salamat po!

Photos from Parokya San Pedro Calungsod's post 13/02/2024

Narito ang eksaktong kuha ng rito ng pagsusunog ng mga palaspas para sa Miyerkules de Abo na pinangunahan ng bagong kura paroko ng parokya, Rev. Fr. William P. Ramos.

Ang pagsasa- abo ng mga Palaspas noong mga nakaraang taon ay sumisimbolo sa ating pagtalikod at pagsisisi sa mga kasalanang ating nagawa.

Narito po ang Oras ng mga Banal na Misa sa Miyerkules de abo.

6:00 ng umaga
6:00 ng gabi

13/02/2024

Malugod na Pagtanggap!
Rev. Fr. Willie P. Ramos
Kura Paroko
San Pedro Calungsod Quasi Parish
February 12, 2024

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa kanyang unang misa sa parokya bilang bagong kura paroko.
Sa ganap na ika- 6 ng gabi sa ating Parish Chapel.

11/02/2024

"ISA KANG PARI BIYAYA NI KRISTO"
Maraming Salamat po Father Jason sa
Pagtuturo
Pag-Gabay
Pagpapanday sa aming Pananampalataya
Sa Loob ng 6 na Taon babaunin namin ang mga ARAL na inyong Tinanim sa aming mga Puso ❤

Sama sama po nating ipagdasal ang ating kura paroko Rev. Fr. Jason Bill C. Valeza, nawa sa iyong panibagong tatahaking parokya at mga panibagong hamon sa iyong pagkapari mabigyan ka ng kalakasan ng pangangatawan at nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa mas marami.

Maraming Salamat sa mahigit 7 taong paggabay, pagmamahal at paghuhog sa parokya. Tunay na ikaw ay isang pari, nagsilbing ama, kadamay at maging kaibigan.

Tatandaan namin ang lahat ng iyong mga ibinahagi na turo at aral ng buhay sa pagiging kristiyano.
Mabuhay ka Fr. Jason.

St. Juan Vianney ...
ipanalangin mo ang aming mga pari.

Maraming Salamat Fr. Jason Bill C. Valeza

𝐅𝐫. Jason Bill C. Valeza Parish Priest of San Pedro Calubgsod Quasi Parish from June 2017 - February 11, 2024.

10/02/2024

Bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo, narito ang mga iskedyul ng ating mga misa.

6:00 ng umaga
6:00 ng hapon

Ito ay gaganapin sa ating Parish Chapel. Maraming Salamat po!

29/01/2024

KATOLIKO BA ANG BIBLIYA MO?

Mga ka-Tol, ngayong National Bible Month, nais mo bang siguraduhin na ang Bibilyang hawak mo, o yaong balak mong bilhin, ay kumpleto at tapat sa orihinal na ayos nito, at may basbas ng Simbahan upang gamitin ng mga Katoliko? Hanapin mo ang mga nasa ibaba para ikaw ay makatiyak!





Credit to The Real Owner

28/01/2024

“Man shall not live by bread alone, but by every WORD that comes out of the mouth of God.”

- Matthew 4:4

A blessed National Bible Sunday, mga ka-lingkod!

May this day be the beginning of our journey towards our love for the Scripture — reading and proclaiming the Word of God and meditating on them.

Credit to

Photos from My Catechist's post 28/01/2024

God will Protect and Watch Over You, Guiding you towards a life of Faith and Love. He will Bless you on this Special day of Baptism.”.

Congratulations ❤
Welcome po sa Buhay Pananampalataya😊

27/01/2024

Announcement

Maaari na pong dalhin ang inyong mga TUYONG PALASPAS bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na Miyerkules ng Abo.

Maaaring dalhin lamang ito sa opisina ng ating parokya o kaya sa mga lingkod ng simbahan.

Maraming Salamat po.

Photos from Parokya San Pedro Calungsod's post 26/01/2024

Maraming Salamat Fr. Jason sa Anim na Taon na Pagmamahal,Pag-Gabay at Pag-Unawa at Pagpapanday ng aming Pananampalataya isa kang Biyaya ni Jesus sa Parokya. Patuloy po ang aming Panalangin sa iyong lilipatang Parokya Father.
❤❤❤

21/01/2024

The essence of the feast of Señor Santo Niño, is a reminder to all of us to be like these little children: obedient, cheerful, innocent and humble.

We adults may boast of the great knowledge of our faith, but we must look at the faith of these little children, the faith that comes from pure trust in God.

With big smile, together..... VIVA PIT SEÑOR!
📸ctto

Photos from My Catechist's post 21/01/2024

Viva Pit, Señor!

Today, we celebrate the feast of Santo Niño, which is observed annually on the third Sunday of January in the Philippines. Santo Niño, which translates to Holy Child, is the symbol of the birth of Catholicism here in our country.

The image of the Child Jesus is highly respected in the Philippines. It is considered a miraculous image by most Filipino Catholics and is also cherished as the emblem of the Catholic faith in the nation.

Just like the young Jesus, let us transcend our faith and devotion to our God in every work and way in our lives.

Credit to the Real Owner

Photos from My Catechist's post 14/01/2024

Mateo 19:14
Sinabi ni Jesus,
“Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

Congratulations and Welcome sa Buhay Pananampalataya 😊
01/14/2024 ❤

14/01/2024

Announcement

Simula sa Linggo, ika -7 ng Enero, 2024
Ang lahat ng ating misa at magaganap sa ating Parish Chapel. Ito ay sa kadahilanang pagsasaayos ng ating covered court. Narito po ang mga schedule ng ating misa

6:00AM ENGLISH MASS
8:00AM TAGALOG MASS / BINYAG
4:00PM TAGALOG MASS
6:00PM TAGALOG MASS

Maraming Salamat po

13/01/2024

Sunod-sunod na naman ang mga pagdiriwang nating mga Katoliko ng mga sikat na kapistahan dito sa ating bansa. Noong nakaraang mga araw ay ipinagdiwang natin ang Kapistahan ng Mahal na Poong HESUS Nazareno. Sa mga susunod na linggo naman ay ang Kapistahan ng Batang HESUS. Kasabay nito ay sunod-sunod din ang pag-atake sa ating pananampalataya mula sa iba’t -Ibang mga sekta. Sinagot na natin ang kanilang paratang na tayo daw ay sumasamba sa mga diyos-diyosan at ngayon naman po ay atin namang hihimayin ang bibliya patungkol sa ating pagdiriwang ng mga kapistahan.

1. MAY NASUSULAT PO BA SA BIBLIYA PATUNGKOL SA MGA KAPISTAHAN O FIESTA?

Meron po. Sa aklat ng Genesis, makikita po natin na si Abraham ay naghanda ng isang malaking piging o salu-salo ng awatin na sa pagsuso ang kanyang anak na si Isaac.

“Lumaki ang bata, at nang ito'y awatin, naghanda nang malaking salu-salo si Abraham.” -Genesis 21:8

Maging ang mga Israelita ay nagtakda rin ng mga kapistahan bilang pag-alaala sa kanilang mga tagumpay.

“as the time when the Jews got relief from their enemies, and as the month when their sorrow was turned into joy and their mourning into a day of celebration. He wrote them to observe the days as days of feasting and joy and giving presents of food to one another and gifts to the poor.” -Esther 9:22

Maging ang Panginoong HESUS mismo ay dumadalo ay nakikiisa sa mga kapistahan noong kanyang panahon.

“Pagkaraan nito'y pumunta si Jesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Judio.” -Juan 5:1

2. BAKIT PO ANG DAMING UMIINOM NG ALAK KAPAG KAPISTAHAN? NASA BIBLIYA DIN PO BA ITO?

Mababasa po natin sa Bibliya na ang pag-inom ng alak ay bahagi ng pagdiriwang ng mga kapistahan at hindi po ipinagbabawal ng Diyos:

“Sa Bundok ng Zion, aanyayahan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang lahat ng bansa para sa isang malaking handaan.Pinakamasasarap na pagkain at alak ang kanyang ipinahanda.” -Isaias 25:6

“Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom sapagkat iyon ay itinakda ng Diyos para sa iyo. Nawa'y lumigaya ka sa bawat oras.” -Mangangaral 9:7-8

Ang ipinagbabawal po ng Diyos ay ang PAGLALASING O ANG LABIS NA PAG-INOM NG ALAK:

“Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.” -Efeso 5:18

3. BAKIT PO MAY SAYAWAN KAPAG KAPISTAHAN? NASA BIBLIYA DIN PO BA ITO?

Opo. Ang pagsasayaw po ay isang paraan upang magpuri sa Diyos. Mababasa natin sa Salmo ang ganito:

“Let them praise his name with dancing and make music to him with timbrel and harp. For the LORD takes delight in his people; he crowns the humble with victory.” -Psalm 149:3-4

At ito naman po ang sinasabi sa Exodo:

“Then Miriam the prophet, Aaron’s sister, took a timbrel in her hand, and all the women followed her, with timbrels and dancing.” -Exodus 15:20

4. BAKIT PO MAY PRUSISYON KAPAG KAPISTAHAN? BIBLIKAL DIN PO BA ITO?

Opo. Simula pa po sa unang tipan, ang pagpruprusisyon po ay kaugalian na ng bayang ng Diyos. Mababasa po natin ang mga sumusunod:

“{Just as you enter} the town there, you will meet a procession of prophets coming down from the high place, with harp, tambourine, flute, and zither before them, and they will be prophesying.” -1 Samuel 10:5

“Then they all returned with joy to Jerusalem, every soldier from Judah and Jerusalem, with Jehoshaphat at the head of the procession, because the LORD had made them rejoice over their enemies.” - 2 Chronicles 20:27

“Then I brought up the princes of Judah upon the wall, and appointed two great companies that gave thanks and went in procession; whereof one went on the right hand upon the wall toward the dung gate.” -Nehemiah 12:31

“The second thanksgiving procession went to the left, and I followed it with half the people along the top of the wall, past the Tower of the Ovens to the Broad Wall.” -Nehemiah 12:38

“I remember this as I pour out my heart: how I walked with many, leading the festive procession to the house of God, with joyful and thankful shouts.” -Psalm 42:4

“People have seen Your procession, God, the procession of my God, my King, in the sanctuary.” -Psalm 68:24

08/01/2024

When someone says we are worshipping a piece of wood. I can’t help but wonder how they mislead people by saying that we worship the saints. The Nazareno is an image of Christ but it is not Christ Himself. He bears the image of Christ so we respect and venerate it. The Blessed Sacrament may not have the physical qualities of Christ but it is Christ Himself.

Between the two, we offer adoration to the Blessed Sacrament. We offer veneration and respect to the image of the Black Nazarene

Credit to the Real Owner

Photos from My Catechist's post 07/01/2024

Ngayong araw ng Linggo, Enero 7, ay ipinagdiriwang natin sa Pilipinas ang Dakilang Kapistahan ng pagpapakita ng Panginoon o Epiphany of the Lord. Mahalaga ang Pagdiriwang na ito sapagkat ito’y nagtuturo sa atin ng isang mahalagang katotohanan: SI HESUS AY TAGAPAGLIGTAS NG LAHAT, hindi lamang ng mga hudyo. Binibigyang diin rin sa araw na ito ang mahalagang papel ng mga mananampalataya sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng kaligtasan.

Hindi natatapos ang Pasko sa pagkakatagpo kay Hesus. Ito ay simula pa lamang ng mas malawak na gawain upang hanapin ang mga sugatan, ang mga nawawala at mga naliligaw, at sila’y ibalik muli sa Grasya ng Panginoon.

Credit to Real Owner

04/01/2024

PAGLILINAW: TAYONG MGA KATOLIKO AY HINDI SUMASAMBA SA MGA IMAHEN. Narito po ang isang maikling Katekesis patungkol sa paksang ito:

1. Tayo pong mga katoliko ay hindi sumasamba sa kahit na anong imahen ng Panginoon at mga banal. Malinaw po iyan sa turo ng Simbahan na mababasa natin sa Catechism of the Catholic Church 2132: “The honor paid to sacred images is a respectful veneration, NOT the adoration due to God alone.”

2. Ang respectful veneration ng ating catechism ay kahalintulad ng pagkakaroon mo ng respeto sa larawan ng iyong sinisinta o minamahal. Nakatuon ang pagsinta at pagmamahal mo, hindi sa kanyang larawan, kundi sa taong nasa larawan mismo.

3. Hindi po absolutong ipinagbabawal ng Diyos ang paggawa ng mga imahen. Sa katunayan, ang Diyos mismo ay nagpagawa rin ng mga imahen kagaya ng bronze serpent, ark of the covenant, at mga cherubim.

4. Ang ipinagbabawal ng Diyos sa Bibliya ay ang paggawa ng mga imahen ng mga diyos-diyusan o ang mga diyos na hindi naman totoo na ang layunin ay gawing “object of worship.” Kahalintulad ito ng Golden Calf kung saan nagalit ang Diyos.

5. Samakatuwid, ang respectful veneration na ginagawa nating mga katoliko sa imahen ng Hesus Nazareno at iba pang mga banal ay hindi po kasalanan. Sapagkat una, malinaw na hindi naman po natin sinasamba ang mga ito. At, pangalawa, ang mga imaheng ito ay representasyon ng ating totoong Diyos at Kanyang mga banal.

6. Isa pa pong patunay na ang paggawa ng mga imahen ng Panginoon at mga banal ay hindi masama ay ang kaugalian ng mga unang Kristyano. Makikita po natin ang mga pook-himlayan noon o catacumba na punong-puno ng mga imahen ng Panginoon. Maging ang ebanghelistang si San Lucas po ay isa ring pintor na ang pangunahing subject ay ang Birheng Maria.

7. Kung ganoon po pala na hindi ito kasalanan, ano po ang kasalanan sa tagpong ito? Ang malaking pagkakasala po ay ang panghuhusga sa mga katoliko na tayo raw ay sumasamba sa imahen at mga diyos-diyosan. Ang panghuhusga pong ito ng ibang tao ay labag sa utos ng Diyos na “you shall not BEAR FALSE WITNESS against your neighbor.”



📸 Kuya Jahbee Cruz

Photos from My Catechist's post 25/12/2023

Si Hesus ang Star ng Pasko ❤

Merry Christmas from CATECHIST of
Parokya San Pedro Calungsod Quasi Parish 🥰

Blessed Birth Day Mahal namin Jesus 😊

23/12/2023

ARAL NG IKA-SIYAM AT HULING SIMBANG GABI: Hindi habang panahon ang dilim. Darating din ang Liwanag. Si Hesus ang Liwanag. Siya ang mag-aahon sa atin mula sa mga pagdurasa nating bunga ng ating pagkakasala. 🙏



Credit to the Real Owner

22/12/2023

ARAL NG IKA-WALONG SIMBANG GABI: Ang pangalan na “Juan” ay nangangahulugan na ang Diyos ay mapagpala. Ang mga biyaya ng Diyos ay bukas para sa lahat ng tao. Ang Kanyang awa
ay laging naghihintay sa pagbabalik-loob nating
mga makasalanan. 🙏



Credit to the Real Owner

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Muntinlupa City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Luwalhati Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan ❤️
Magalak ng Lubos ang Buong Sambayanan ❤️
Give Thanks with a Grateful Heart ❤️-Sa Daming Pagsubok na iyong nalagpasan o sinusubok ka ngaun wag mong susubukin ang ...
Ang Linggo ng Palaspas ay ang Ika-anim at huling Linggo ng Kuwaresma bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Sa Araw na ...
Mainit ang Panahon kasing Init ng Pagmamahal ng Diyos sa Atin 🥰-Kanta/Sayaw para sa kanya 👆Topic: Ang Unang Kasalanan (K...

Website

Address

SOUTHVILLE 3 POBLACION MUNTINLUPA CITY
Muntinlupa City

Other Religious Organizations in Muntinlupa City (show all)
Youth Ablaze Ministry Youth Ablaze Ministry
Muntinlupa City, 1770

We are the young and we love Jesus! Youth Ministry of Lighthouse Christian Community - Alabang!

Nugen & Yupper Team Muntinlupa Nugen & Yupper Team Muntinlupa
TEC Cinema 1, Tunasan National Road
Muntinlupa City, 1773

Nugen and Yuppers Ministry is a home base group for youths ages 13-25 and young professionals ages 2

Destiny Arise Gospel Church Destiny Arise Gospel Church
163 Manila S Road, Tunasan
Muntinlupa City, 1773

Sto. Nino Chapel Intercity Homes Sto. Nino Chapel Intercity Homes
Muntinlupa City, 1771

Sto. Nino Chapel Intercity Homes Community

Bayview Iemelif Church Bayview Iemelif Church
Muntinlupa City, 1780

Bayview IEMELIF Church (Official page)

St. James COPA Foundation, Inc. St. James COPA Foundation, Inc.
Cuenca Cor Ibaan Street
Muntinlupa City, 1780

Official page of St. James Church of The Poor Apostolate (COPA) Foundation, Inc.

Kingdom Advance Ministries Kingdom Advance Ministries
#2 Don Manolo Boulevard Alabang Hills Village, Alabang (New Life Main Building)
Muntinlupa City, 1780

New Life Kingdom Advance Ministry is one of the ministries of New Life Main. We are committed to running together with our Church's vision which is to Build a Strong Local Church. ...

St James the Great Alabang St James the Great Alabang
Cuenca Cor Ibaan Sts. Ayala Alabang Village
Muntinlupa City

Parish of St. James the Great, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City Parish Priest: Fr. Rodel Paulino Parochial Vicar: Fr. Stephen Villanueva Resident Priests: Fr. William Ramo...

SJESSP-Ministry of Altar Servers SJESSP-Ministry of Altar Servers
Commerce Avenue, Ayala Alabang, Muntinlupa, Metro Manila
Muntinlupa City

MCGI Locale of Cupang Muntinlupa MCGI Locale of Cupang Muntinlupa
0573 A, PUROK 4 Cupang
Muntinlupa City, 1771

Mag - anyaya Magbigay inpormasyon Pag seserbisyo

Alabang Young Watchers Department Alabang Young Watchers Department
220 Purok1 Blk7 Bautista Street Bayanan Muntinlupa
Muntinlupa City, 1772

This is the official page of Alabang Young Watchers Department.

San Isidro Labrador Tunasan Muntinlupa San Isidro Labrador Tunasan Muntinlupa
Tunasan
Muntinlupa City, <>

San Isidro Labrador Tunasan muntinlupa