Dita Ayaton
You may also like
ready to serve
Ang karunungan ay kayamanan,β€οΈβ€οΈβ€οΈ
KABATAANG PagbilaoWINS, magsumikap sa buhay upang pangarap na kaginhawahan sa PAMILYA ay maialay
PASADO na BUDGET 2024
WALANG NADEDELAY sa SANGGUNIANG BAYAN.
ON-TIME
Mandato po namin sa Sangguniang Bayan na
1- bigyang kapangyarihan ang Municipal Mayor na magamit at magastos ang pondo ng bayan,
2-inaatasan din kami ng batas na suriin kung tama ba ang plano at paggasta sa mga pondong ito.
3- babantayan na namin kung tama ang oaggasta sa ilalim ng aming OVERSIGHT FUNCTION
Kudos sa Comm. on Finance Chairperson Councilor Manuel Luna at Your Service at miyembro at bukng SB
PASADO na BUDGET 2024
WALANG NADEDELAY sa SANGGUNIANG BAYAN.
ON-TIME
Mandato po namin sa Sangguniang Bayan na
1- bigyang kapangyarihan ang Municipal Mayor na magamit at magastos ang pondo ng bayan;
2-inaatasan din kami ng batas na suriin kung tama ba ang plano at paggasta sa mga pondong ito;
3- babantayan na namin kung tama ang paggasta sa ilalim ng aming OVERSIGHT FUNCTION.
Kudos sa Comm. on Finance Chairperson Councilor Manuel Luna at Your Service at mga miyembro ng Committee at sa buong SB. π
Welcome to our 64th Regular Session, tayo na pong manuod at makiisa sa mga talakayan sa Sangguniang Bayan
DISCLAIMER No copyright infringement intended. I do not own any original audio in this video and this video are belong to their rightful owners.
For Entertainment purposes only, Copyright infringement not intended.
September 19, 2023 | 63rd REGULAR SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYAN.
Natapos po natin ngayong araw ang panibagong pagpupulong para sa linggong ito. Pansamantala po nating naging Tagapangulo si Konsehal Jeffrey TiΓ±ana, kompleto rin pong dumalo ang lahat ng Konsehal kasama si Acting Vice Mayor Manny Luna.
π¦COMMITTEE MEETING
Committee on Finance, Budget and Appropriations.
Agenda: 1st Endorsement from Hon.
Angelica P. Tatlonghari, Municipal Mayor, dated August 15,2023 subject: Addendum No. 2 to the LDIP 2023-2028 and SAIP No.
2 CY 2023 for immediate and appropriate action.
PagbilaoWINS π ito po ang ulat ng ating Kapulungan mula sa nakaraang sesyon, isang ordinansa at isang resolusyon ang ating naipasa.
Mula po ngayon ay ihahatid namin sa inyo ang mga updates sa mga isinasabatas nating mga usapin.
Sabi mo diet ka na baka parang araw araw ay chEAT DAY
June 16, 2023 | Ocular inspection, isinagawa
Nagtungo ang mga Sangguniang Bayan Members sa Municipal Waters ng ating Bayan upang magsagawa ng inspection na may kaugnayan sa mga ordinansang nais ipanukala upang maginh ganap na batas na ipatutupad sa ating Bayan.
Kasama sa nasabing gawain Ang inyong lingkod Kons. Dita Ayaton, Kons.Aldrien Calabia, Kons. McCool Martinez, Kons. Deony Dapla at Kons. Manny Luna. At ito ay sa kabatiran ni VMayor Shierre Ann Portes Palicpic.
125th Celebration of Independence Day
Ang naganap na Joint Session kanina ay tumatalakay sa condonation ng REAL PROPERTY TAX (RPT) ng power plant, nawa ito ay mabigyan ng positibong tugon ng ating mahal na Pangulong Marcos.
Ang nasabing buwis ay mahalaga upang ang mga proyekto at programa ay magkaroon ng kaganapan lalo't higit sa sektor ng EDUKASYON. Sapagkat ang malaking bahagdan o percentage ng RPT na makokolekta ay mapapapunta sa tinatawag na Special Education Fund.
PagbilaoWINS, samahan ninyo kami upang magkaroon ng kaganapan ang mga bagay na ito.
πππ
28th Regular Session of the Sangguniang Bayan
Pagbilao, Quezon
For second reading
β€οΈ An Ordinance Granting One-time Retirement Incentive to Pagbilao, Quezon Retired Public School Teachers, allocating the amount in the Annual Appropriation Ordinance and for Other Purposes
Ito pong nasabing ordinansa ay isinusulong ng inyong lingkod, Konsehal Dita Ayaton.
27th Regular Session | January 10, 2023
Maghahain ang inyong lingkod Konsehal Dita AYATON at Kons. Garcia ng mga resolusyon para sa mga sumsunod:
β€οΈ Construction of School Library at Binahaan Integrated School
β€οΈ Construction of Two-storey with six classrooms at Binahaan Integrated School
Gayundin ang inyong lingkod ay magsusulong ng resolusyon sa β€οΈmagbili ng lupa para sa ekspansyon ng Talipan National High School.
Kagalakan ko pong kayong aking paglingkuran!
November 2, 2022 | 17th Regular Session
Ganap na pong nasusugan ang pagbibigay ng insentibo sa mga Senior Citizen na may pamagat ng "AN ORDINANCE AMENDING SECTION 3.1.B OF MUNCIPAL ORDINANCE NO. 7 SERIES OF 2018 , ENTITLED AN ORDINANCE GIVING RECOGNITION AND GRANTING CASH CASH INCENTIVE TO OCTOGENARIAN, AND NONAGENARIAN RESIDENTS OF THIS MUNICIPIPALITY.
Ang ginawang pag-ameyenda ang mga nakatatandang mamamayan ay makakatanggap ONE TIME INCENTIVE sa paghayon nila sa mga nabanggit na age bracket:
Septuagenarian ( 70-79 yrs old ) = Php. 3,000.00
Octogemnarian (80 - 89 yrs old) = Php. 5,000.00
Nonagenarian (90-99 yrs old) = Php. 10,000.00
Matatandaan na ang Municipal Ordinance No. 7 Series of 2018 ay ang may-akda ay si dating Konsehal Ariel T. Martinez. Samantalang ang mga pagbabago, pagsususog o pag-ameyenda ay isinulong ng inyong Lingkod Konsehal Dita Ayaton at Konsehal Jeffrey TiΓ±ana.
Stay Healthy mga minamahal kong Senior Citizens!
October 24 - 26, 2022 | Women Involved in Nation Building , Regional Seminar Workshop at Baguio City
Isang makabuluhang talakayan mula sa Regional Seminar Workshop na aking dinaluhan na kasama ang mga Department Heads at mga Opisyales ng ating Lokal na pamahalaan. Kaalamang maaari naming gamitin sa paglilingkod sa bawat Pamilyang PagbilaoWIN.
Salamat sa Diyos at ligtas kami sa naganap na lindol kaninang hating gabi. Patuloy nating ipagdasal ang mga naapektuhan ng pangyayaring ito.
Back to work na ulit bukas ... Committee Meetings.
Happy to serve my beloved PagbilaoWIN!
β€οΈβ€οΈβ€οΈ
Lady Local Legislators' League of the Phillipines (4L) - Pagbilao Chapter, Nagpulong
Oktubre 19, 2022, pinangunahan ni Vice Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang isang pagpupulong ang 4L Pagbilao Chapter upang palakasin ang paglilingkod ng mga kababaihan sa loob sa sanggunian ng bayan at barangay.
October 18, 2022 | 15th Regular Session
Establishment of Lusog-Isip Hotline
for 2nd Reading
Ito po ay resolusyon kahilingan sa ating Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes na magkaroon ng nasabing hotline para tumugon sa pangangalaga ng ating mental health.
100 days in SERVICE
Magalang ko pong inihahain sa inyong ang aking mga nagawa sa nalolooban ng ng isang daang araw ng aking panunungkulan .
β€οΈ 2 Proposed Ordinances - Benepisyo sa Senior Citizens at insentibo sa mga Retired Teachers
β€οΈ 4 Approved Ordinances, ito sa dininig nga inyong lingkod bilang Chairperson kasama ang mga miyembro sa ilalim ng Committee on Good Government , Public Ethics and Accountability
β€οΈ 8 Resolutions, na nagpapahayag ng pagbati, kahilingan at pakikiramay.
Thank you very much Vice Mayor Shierre Ann Portes Palicpic for making the Sangguniang Bayan a productive agency.
Sa mahabang session, hindi alintana ang pagod kung lalakipan ng pagmamahal sa paglilingkod. Love you PagbilaoWINS.
β€οΈπππ
Bilang bahagi ng Local School Board ang inyong lingkod ay kaisa sa mga programa ng ating pamahalaang bayan pagdating sa Sektor ng Edukasyon.
Hello mga mag-aaral lalo't higit sa mga magulangin na walang sawang tinutulungan ang kanilang mga anak sa pagsagot ng mga modules.
Ramdam nyo na ba?
This is it! Face to face is real.
TINGNAN: Lahat ng mga paaralan sa Unang Distrito ng Pagbilao ay napagkalooban na ng Safety Seal Certificate mula sa Department of Interior and Local Government at kasiya-siyang nakasunod sa mga itinakdang panuntunan na nakasaad sa DepEd Memorandum No. 30 s. 2022.
Ang Safety Seal Certification ay isang patunay na ang isang establisyimento ay sumusunod sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan.
Kaugnay nito, ang nasabing mga paaralan ay nagsimula na ng kanilang Progressive Limited Face-to-Face Learning at lubos na sinusuportahan ng Pamahalaang Lokal ng Pagbilao at ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.
Kayang Kaya Basta't Sama-sama!
Sa ating mga minamahal na SENIOR CITIZENS na magiliw na nakikinig sa mga drama at gayundin din ang matamang nakatutok sa mga balita sa TRANSISTOR RADIO, ito ay nagsisilbing pampalipas oras at pangtanggal inip sa buong araw nilang pagharap sa buhay.
Maraming Salamat sa Lokal na Pamahalaan at Pagbilao Energy Corporation sa proyektong ito.
Para sa mga Job Seekers πβ€οΈπ
Mga minamahal kong PagbilaoWINS
Ito ang inyong Konsehal Dita de Rama Ayaton muling ibinibigay ang aking sarili upang maging boses ng bawat PAMILYANG PagbilaoWINS.
May katapatan sa aking PUSO dala ang karunungan, kakayahan at karanasan mga naging sandata ko sa nakalipas na tatlong taon ng ako'y inyong pagtiwalaan bilang nag-iisang BABAE sa konseho. At masasabi ko na nagampanan ko ng buong husay sa mga RESOLUSYON at ORDINANSA na pinagpunyagian para sa kagalingang panlipunan at kaunlaran ng bayan ng Pagbilao.
Ngayon muli tayong haharap sa isang desisyon sa MAYO 9, 2022, pipili tayo ng lider na mamumuno sa ating minamahal na bayan. Dalangin ko ay pag-isipan nating mabuti ang ating iboboto at palagiang isa-isip na ang mahalagang boto na inyong ipagkakaloob ay magdadala sa atin sa PANIBAGONG BUKAS na nawa'y puspos ng PAG-ASA.
Ako si Bernardita DITA de Rama AYATON, simpleng ina ng tahanan - NANAY DITA, nag-aruga sa mga kabataan at nagpunla ng karunungan - MAAM AYATON at ang inyong lingkod bayan - KONSEHAL DITA AYATON, karangalan ko pong kayong aking paglingkuran.
DITA sa PUSO ko, kayo ang ipapanalo ko!
Upang masiguro ang programa ay tuloy-tuloy sa implementasyon, isinulong ng inyong lingkod Konsehal DITA AYATON na maging ORDINANSA ang PagbilaoWIN Una Ka (P1K). Ito ay para pangalagaan ang mga NAGBUBUNTIS nating kababayan tungo sa isang MALUSOG na Bayan ng Pagbilao!
β« 2. AYATON, DITA
Konsehal
PagbilaoWINS, sa PUSO ko Kayo ang Ipapanalo ko!
Kasama si Konsehal Manuel Luna, ang inyong Lingkod 2οΈβ£ Konsehal AYATON, DITA naging sensetibo sa mga pangangailangan ng mga HEALTH WORKER at naging mga naapektuhan ng Covid-19. Naisulong ang ORDINANSA laban sa DISKRIMINASYON sa panahon ng pandemya.
β«οΈ 2. AYATON, DITA
Konsehal
Kasama si Konsehal Manuel Luna, ang inyong Lingkod 2οΈβ£ Konsehal AYATON, DITA naging sensetibo sa mga pangangailangan ng mga HEALTH WORKER at naging mga naapektuhan ng Covid-19. Naisulong ang ORDINANSA laban sa DISKRIMINASYON sa panahon ng pandemya.
β«οΈ 2. AYATON, DITA
Konsehal
Sadyang tayo ay Bayan ng Nananalo, TAYO AY PagbilaoWINS! Kaya naman isang ordinansang nagtatakda ng CASH INCENTIVES sa mga kukuha ng Licensure Examination kung sila may magiging TOP NOTCHER sa kani-kanilang Examination.
β«οΈ2. AYATON, DITA
Konsehal
πPagbibigay ng balidasyon at pagkilala sa mga BARANGAY na may magagandang programa para sa mga bata.
πDahil sa dinaranas nating pandemya, marapat lng bigyang pansin ang MENTAL HEALTH ng bawat isang PagbilaoWINS
MGA NAIPASANG ORDINANSA NG INYONG LINGKOD, PARA SA KALINGANG PANLIPUNAN NG BAYAN NATING MINAMAHAL.
πππ₯°
β« 2. AYATON, DITA
Konsehal
Sa PUSO ko, PagbilaoWINS kayo ang ipapanalo ko!
April 11, 2022 | Sitio Maruhi, Brgy. Pinagbayanan
Buo ang pag-asa sa ating mga PUSO, sama-sama nating haharapin ang panibagong bukas.
β« 2. AYATON, DITA
Konsehal
Sa PUSO ko, Kayo ang ipapanalo ko
PagbilaoWINS, DITA sa PUSO ko
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Brgy. Bukal
Pagbilao, 4302
Motivate to gain strength, courage and self confidence as woman
Pagbilao, 4302
Municipal Councilor Pagbilao, Quezon Brgy. Bukal 2010-2022 Brgy. Kagawad 2002-2007 SK Ckairwoman
Pagbilao, Quezon
Pagbilao, 4302
#PAOnaLO SA PUSO NG #PAGBILAOWINS ππβ€
Pagbilao
Pagbilao
Welcome to this page, this page is for Kathleen Cabatay. No fight just love.
Barangay Binahaan, Sitio Crossing
Pagbilao, 4302
MAACsiyong Serbisyo Kabataang Progresibo!