FotografiaConsuelo
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from FotografiaConsuelo, Camera/Photo, Paombong.
Pormal nang binuksan ang 11th Paombong Sto. Niño Exhibit.
Atin pong dalawin ang mga imahe ng batang Hesus sa Parish Center Hall ng Parokya ni Santiago Apostol Paombong Bulacan. Ito pong exhibit na ito ay bukas sa publiko ng 7:00 n.u hanggang 7:00 n.g.Itong exhibit na ito ay alay sa Sto. Niño dela Consolacion Y Correa de Paombong mula sa Segunda Patrona ng Bayan ang Nuestra Senora dela Consolacion Y Correa de Paombong.
Sto. Niño dela Consolacion Y Correa de Paombong.
Maawa ka po sa amin.
Sa mga nais pong humingi ng mga litrato p**i private message po lamang si (Francez Sulit) sa kanyang facebook
24 Mayo 2020
Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Hesukristo
Mabuting Balita
(Mateo 28, 16-20)
Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.
Noong panahong iyon: Ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟮
𝗜𝗸𝗮- 𝟭𝟯𝟱 𝗮𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼 𝗣𝗮𝗱𝗿𝗲 𝗣𝗶𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗲𝘁𝗿𝗲𝗹𝗰𝗶𝗻𝗮
-𝘐𝘴𝘢 𝘴𝘪 𝘗𝘢𝘥𝘳𝘦 𝘗𝘪𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘯𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘶𝘯𝘢𝘯. 𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘢𝘬𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯.
-𝘚𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯𝘢'𝘵 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘣𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘗𝘶𝘴𝘰 𝘯𝘪 𝘏𝘦𝘴𝘶𝘴.
𝘗𝘈𝘕𝘈𝘓𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕 𝘒𝘈𝘠 𝘚𝘈𝘕𝘛𝘖 𝘗𝘈𝘋𝘙𝘌 𝘗𝘐𝘖 𝘕𝘎 𝘗𝘐𝘌𝘛𝘙𝘌𝘓𝘊𝘐𝘕𝘈
𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘰 𝘗𝘢𝘥𝘳𝘦 𝘗𝘪𝘰,
𝘵𝘶𝘮𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯
𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭
𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘮𝘪𝘯𝘵𝘶𝘩𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰.
𝘈𝘭𝘢𝘯𝘨-𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘪𝘴
𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘪𝘴𝘢
𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯𝘪 𝘏𝘦𝘴𝘶𝘴,
𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘨𝘶𝘥-𝘭𝘶𝘨𝘰𝘥 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯
𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨
𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭.
𝘕𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘯𝘪𝘥𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯
𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘶𝘮𝘪𝘩𝘪𝘯𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨
𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥.
𝘈𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘺𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵
𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘪𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘣𝘪𝘨𝘰 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯.
𝘚𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴
𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘢𝘯.
(𝘉𝘢𝘯𝘨𝘨𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘢𝘯.)
𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯
𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺.
𝘈𝘔𝘌𝘕.
𝘚𝘈𝘕𝘛𝘖 𝘗𝘈𝘋𝘙𝘌 𝘗𝘐𝘖, 𝘐𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪!
Dakilang Kapistahan ni Sta. Rita de Cascia
"Patron ng mg Imposible"
PANALANGIN KAY STA. RITA DE CASCIA Patrona ng Imposible
Sta. Rita, ibinigay ka ng Diyos sa amin bilang halimbawa ng wagasna pag-ibig at pagtitiyaga, at Kanyang pinahintulutan na makihati ka sa pagdurusa ng Kanyang anak, ang iyo nawang
halimbawa ang magbigay sa akin ng lakas na pasanin ang aking krus araw-araw.
Sa iyong kagandahang-loob dinggin ang aking panalangin at iyong ipanalangin, O Patrona ng Imposible na ipagkaloob ng Diyos ang aking kahilingan ayon sa Kanyang kalooban
(Banggitin ang kahilingan)
Sa pamamagitan ni Jesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.
St. John Paul II, Blessed Carlo Acutis named among WYD 2023 patrons Pope St. John Paul II and Blessed Carlo Acutis will be among the patrons of World Youth Day 2023 in Lisbon.
PANALANGIN SA BIRHEN NG FATIMA
Mayo 13
O Ina ng marikit na pag-ibig, Mahal na Birhen ng Rosaryo, alang-alang sa mahiwagang pagpap**ita mo sa Cova da Iria ng Fatima, kami’y buong pamimintuho at pagmamahal na dumudulog at nagbibigay dangal sa iyo.
Noong ikaw ay nasa lupa, lubusan kang nakiisa kay Jesus sa pagtubos sa sangkatauhan. Ngayong nariyan ka sa langit, taglay ang katwan at kaluluwa, sa maluwalhating luklukan ng iyong pagka-reyna, patuloy ka pa ring kaisa ni Jesus na walang tigil na namamagitan sa kapakanan naming iyong mga anak na makasalanan. Kung kaya’t lumitaw ka sa Fatima, upang bigyankami ng babala para maiadya kami sa kapahamakang nakaamba.
Narito kami ngayon, O butihing Ina na tumutugon sa iyong babala at kami’y taimtim na dumadalangin, buong katotohanang nagbabalik-loob, nagbabayad puri sa napaka-buting Ama sa langit, at nagpapakasakit dahil sa karumaldumal na mga pagkakasala ng sanlibutan.
Tilamsikan Mo kami ng lagablab ng Iyong pagmamahal, upang kami’y mapuspos ng maalab na pag-ibig sa Diyos nang higit sa lahat at kami’y maging mulat at gising na sa katauhan ng aming kapwa lalo na’t aba at kapus-palad aming makita, tanggapin, igalang, at mahalin si Kristo.
Pawiin Mo sa amin ang kasakiman, ang kamandag ng pagkamakasarili at pag-iimbot, ng pagsasamantala at pang-aapi. Ikintal Mo sa aming puso ang hinahon, ang pagtitimpi at kababaan ng loob, upang tulad Mo, maihasik namin sa lahat ang kapayapaan, ang katarungan, pagmamalasakitan at pagmamahalan.
Tanglawan Mo kami ng liwanag ng pananampalataya upang sa lahat ng bagay ang hanapin lamang namin ay ang lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ang ikauunlad ng aming sarili, ng aming kapwa at ng sambayanan maging sa hanapbuhay at kabanalan.
Loobin Mo sanang maisabuhay namin ang Salita ng Diyos at sa aming tunay na ugali at kilos, maipamalas namin ang aral at halimbawa ni Kristo. Itulot Mong maipahayag namin sa aming kapaligiran ang Magandang Balita ng Kaligtasan upang tunay na magkaroon ng Kristiyanong kapatiran.
Inang Birhen ng Fatima, alisin mo sa aming mag-anak at sa lahat ng mag-anak ang pagkakawatak-watak. Pag-isahin mo kami sa pagkakasundo-sundo at sa pag-ibig sa kabanalan. Iligtas mo kami sa kapahamakan at lalung-lalo na igawad mo sa amin ang tanging biyayang kailangang-kailangan namin ngayon (tahimik na banggitin ang mga kahilingan).
Dinggin mo nang buong giliw ang aming taimtim na dalangin. Siya nawa.
Unang Araw ng Nobenaryo sa karangalan ni:
ST. RITA NG CASCIA
"Patron ng mga Imposible "
Pambungad na Panalangin:
Ama sa Langit, ibinigay mo sa amin si San Rita bilang halimbawa ng kabanalan at katapangan. Nakibahagi siya sa pagsinta ni Hesus nang tumanggap siya ng sugat sa kanyang ulo mula sa korona ng mga tinik. Tulungan mo kaming maging banal tulad ni St. Rita. Nais naming palakasin sa mahihirap na panahon upang maunawaan namin ang misteryo ng pasko tulad ng ginawa ni St. Rita.
Panalangin ng araw:
Banal na San Rita, may dakilang pagmamahal ka sa Diyos. Nagdarasal tayo sa Diyos para sa mga problema sa ating mga puso. Mangyaring pagyamanin ang aming mga panalangin ng iyong sariling tiwala at walang pag-iimbot na mga panalangin sa Panginoon. Inaalay namin ang aming mga panalangin para sa kaluwagan, mangyaring dinggin at dalhin ang aming mga intensyon sa Panginoon. (Banggitin ang iyong intensyon...)
San Rita, ikaw ang patron ng imposible. Sa oras ng aming pangangailangan at pagdurusa, lumilipad kami sa iyo nang may kumpiyansa dahil malapit ka sa Panginoon. Mabigat ang bigat mo noong buhay mo at alam mo ang pinagdadaanan namin ngayon. Inaalay namin ang aming mga panalangin para sa kaluwagan, mangyaring dinggin at sagutin kami. Amen
San Rita, puno ng habag sa paghihirap ni Kristo. Ipanalangin mo kami.
Tayo'y Manalangin para sa Mapayapang Halalan sa Mayo 9, 2022
Panalangin para sa Pambansa at Panglokal na Halalan
Manalangin tayo upang sa papalapit na pambansa at panglokal na halalan ay tunay na maghari ang kalooban ng Diyos, na Siyang gumagabay sa lahat ng bansa.
Sama-sama nating idalangin: Iligtas mo kami, Panginoon.
Mula sa pamimilit, pananakot, karahasan, at terorismo …
Mula sa panloloko, pagsisinungaling, at pagbaluktot sa katotohanan …
Mula sa panunuhol, kasakiman, at sabwatan upang makapandaya …
Mula sa kawalang-muwang sa panlilinlang at makitid na pananaw …
Mula sa pagbabanta, pananakot, at lapastangang pananalita …
Tagapamuno: Sama-sama nating idalangin: Dinggin Mo kami, Panginoon.
Upang ang aming budhi ang siyang gawing tunay na pamantayan …
Upang ang kabutihan ng nakararami ang aming pinakamataas na layunin …
Upang ang dignidad ng tao ay palagiang igalang …
Upang ang kapos-palad at mahihina ay pag-ukulan ng higit na pansin …
Upang ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi ipagwalang-bahala …
Upang ang pagkakaisa ay magbigay-daan sa landas ng kapayapaan at kaunlaran …
Upang ang banal na pagkatakot sa Diyos at pag-ibig sa kapwa ang maging gabay ng mga nagnanais manungkulan sa pamahalaan …
Manalangin tayo.
Lahat: Pastol ng aming kaluluwa at Tagapagligtas ng sanlibutan, ang pulitika ay Iyong kaloob sa amin; isang paanyaya upang maglingkod sa iba at lumago sa kabanalan. Gabayan Mo ang pulitika sa aming bansa katulad ng pag-gabay mo sa amin. Nawa ang aming pulitikal na p**ikilahok para sa mga botante at kandidato ay magdulot ng kaluwalhatian sa Iyong mahal na ngalan at matulungan din kaming yumabong sa kabutihan, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen

Unang Sabado ng Buwan
Debosyon sa Mahal na Birhen ng Consolacion
Ika-7 ng Mayo, 2022
Pagdarasal ng Coronilla ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa
Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. (Matapos ang Bawat artikulo ng Sumasampalataya ay magkakaroon ng paninilay o maikling katahimikan at susunod ang pagdarasal ng Ama namin at Aba Ginoong Maria.)
1. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
2. Sumasampalataya ako kay Hesus, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
3. Ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
4. Pinagpakasakit ni Pontio Pilato, Ipinako sa krus, namatay, inilibing.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
5. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao at nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
6. Umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng Amang makapangyarihan sa lahat.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
7. Doon nagmumulang paparito at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
8. Sumasampalataya ako sa Diyos Espiritu Santo.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
9. Sumasampalataya ako sa Banal na Simbahan Katolika, sa kasamahan ng mga Banal.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
10. Sumasampalataya ako sa kapatawaran ng mga kasalanan.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
11. Sumasampalataya ako sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na Tao.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
12. Sumasampalataya ako sa buhay na walang hanggan.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
(Ang huling Ama namin at Aba Ginoong Maria ay ipapahayag para sa natatanging panalangin o natatanging hangarin na Santo Papa.)
Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan; aba, pinananaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw ng taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay! Aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga matá mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ip**ita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
Namumuno: Ipanalangin mo kami, o Santa Ina ng Diyos.
Bayan: Nang kami ay maging karapat dapat sa mga pangako ni Hesuskristong aming Panginoon.
Manalangin tayo:
Panginoon Hesukristo, Ama ng Awa at Diyos ng lahat ng kaaliwan, ang Iyong mga mananampalataya ay nagsasaya sa dulot na pangangalaga ng Banal na Birhen Maria, Ina ng Kaaliwan. Sa pamamagitan ng kanyang maka-inang pamamagitan, nawa kami ay makalaya sa anumang ligalig at kapahamakan sa aming buhay at nawa kami ay maging marapat na patuluyin sa kaligayahan walang hanggan sa langit, na kung saan ikaw ay nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.
San Agustin, ipanalangin mo kami.
Santa Monica, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
Nuestra Senora de la Consolacion y Correa, ipanalangin mo kami.
PANALANGIN SA MAPAGHIMALA AT MAPAGKALINGANG PATRON SAN JOSE
Panalangin kay San Jose
O San Jose, na ang pangangalaga ay napakadakila,
napakalakas, napakaagap sa harap ng trono ng
Diyos, inilalagay ko sa inyo lahat ng aking
kapakanan at mga naisin.
O San Jose, sa pamamagitan po ninyo ay tulungan
n'yo ako at tanggapin po ninyo para sa akin,
buhat sa inyong Banal na Anak ang lahat ng
biyayang pangkaluluwa sa ngalan ni Hesus na
aming Panginoon, upang habang ako'y naririto
sa lupa sa ilalim ng iyong makalangit na
kapangyarihan, maialay ko ang aking
pasasalamat at pagdakila sa lubhang
kaibig-ibig sa lahat ng Ama.
O San Jose, hindi kailanman ako napapagod sa
pagninilay sa iyo, at kay Hesus na natutulog sa
iyong mga bisig; nangingimi akong lumapit sa iyo
habang siya ay namamahingang malapit sa iyong
puso. Haplusin mo po Siya sa aking ngalan at
hagkan mo po ang kanyang banal na ulo para sa
akin at hilingin mo po sa Kanya na ibalik sa akin
ang halik na yaon sa huling sandali ng aking buhay.
Mapaghimala at Mapagkalingang San Jose,
aming Ama at Patron, ipanalangin mo po kami.
Ite ad Ioseph!
Let us pray for Pope Francis!
News Alert. Prayer Alert.
Let us pray for Pope Francis!
According to the Holy See Press Office, Pope Francis canceled his engagements on Tuesday due to ongoing knee pain. “Due to pain in his knee, and on medical advice, Pope Francis has interrupted the activities planned for today, including participation in the Council of Cardinals, a new session of which is underway these days,” the press office said on April 26. Pope Francis is now 85 years old and has been experiencing pain in his right knee.
Lord, we pray for Pope Francis’ good health and speedy recovery. Amen.
Today, the whole Augustinian Family celebrates the Feast of the Conversion of our holy father St. Augustine. The story of his conversion is an inspiration for all of us, that God calls each one of us at the right time, we have just to cooperate with His grace working within us. As long as we live there is hope, every day is a day of conversion for us "until Christ is formed" in us as St. Paul would say. Let us allow the Lord to take His rightful place in our lives.
Viva San Agustin!!!
Feast of The Divine Mercy
Prayer
O greatly, merciful God, Infinite Goodness, today all mankind calls out from the abyss of its misery to Your mercy-to Your compassion, O God; and it is with its mighty voice of misery that it cries out. Gracious God, do not reject the prayer of this earth’s exiles!
O Lord, Goodness beyond our understanding, who are acquainted with our misery through and through, and know that by our own power we cannot ascend to You.
We implore You; Anticipate us with your grace and keep on increasing Your mercy in us, that we may faithfully do Your holy will all through our life and at death’s hour.
Let the omnipotence of Your mercy shield us from the darts of your salvation’s enemies, that we may, with confidence, as Your children, await Your final coming-that day known to You alone.
And we expect to obtain everything promised us by Jesus in spite of all wretchedness.
For Jesus is our Hope: Through His merciful Heart as through an open gate we pass through to heaven. Amen.
“Víctimæ pascháli laudes
ímmolent Christiáni
Agnus redémit oves:
Christus ínnocens Patri
reconciliávit peccatóres.”
(Let Christians offer sacrificial
praises to the passover victim.
The lamb has redeemed the sheep:
The Innocent Christ has reconciled
the sinners to the Father.)
Fotografia Consuelo would like to Wish everyone a blessed and happy Easter!!!
O Father, most merciful, in the beginning you created us, and by the passion of your only Son you created us anew. Work in us now, both to will and to do what pleases you. Since we are weak and can do no good thing by ourselves, grant us your grace and heavenly blessing, that in whatever work we engage we may do all to your honor and glory.
Keep us from sin and empower us daily to do good works, that as long as we live in the body we may always perform service to you. After our departure give us pardon of all our sins, and receive us to eternal life; through him who lives and reigns with you and the Holy Spirit, forever and ever. Amen.
Ang Paggunita sa Pitong Hapis ni Maria
Abril 08, 2022
Ang Viernes Dolores o Biyernes ng Hapis sa Filipino ay ginaganap sa araw ng Biyernes bago ang Linggo ng Palaspas.
Ito ay pag-alaala at paggunita ng mga Kristiyano sa Pitong Sakit (Hapis) ng Mahal na Birheng Maria.
~~~
Mahal na Poong Hesus Nazareno,
ipanalangin mo kami.
Mater Dolorosa,
ipanalangin mo kami.
450 Taon ng Biyaya at Pagpapala
Paggunita sa Ika-450 Taon ng Pagkakatatag ng Simbahan ng Sto Niño ng Tondo
1572-2022
Mga Agostino:
Unang Misyonero sa Pilipinas
Noong 1 Septiembre 1564 ay hinirang ng Audienca ng Mexico ang iba pang pinuno sa paglalayag nina Legazpi at Urdaneta. Makakasama ni Urdaneta ang lima pang prayleng Agostino na pinili ng Provincial upang simulan ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa kapuluan sa Pilipinas. Ang mga Misyonerong Agostino kasama ni Urdaneta ay ang sumusunod: Martin Rada, Diego Herrera, Andres Aguirre, Pedro Gamboa at Lorenzo Jimenez.
Unang Sabado ng Buwan
Debosyon sa Mahal na Birhen ng Consolacion
Ika-2 Abril , 2022
Pagdarasal ng Coronilla ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa
Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. (Matapos ang Bawat artikulo ng Sumasampalataya ay magkakaroon ng paninilay o maikling katahimikan at susunod ang pagdarasal ng Ama namin at Aba Ginoong Maria.)
1. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
2. Sumasampalataya ako kay Hesus, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
3. Ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
4. Pinagpakasakit ni Pontio Pilato, Ipinako sa krus, namatay, inilibing.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
5. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao at nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
6. Umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng Amang makapangyarihan sa lahat.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
7. Doon nagmumulang paparito at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
8. Sumasampalataya ako sa Diyos Espiritu Santo.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
9. Sumasampalataya ako sa Banal na Simbahan Katolika, sa kasamahan ng mga Banal.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
10. Sumasampalataya ako sa kapatawaran ng mga kasalanan.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
11. Sumasampalataya ako sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na Tao.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
12. Sumasampalataya ako sa buhay na walang hanggan.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)
(Ang huling Ama namin at Aba Ginoong Maria ay ipapahayag para sa natatanging panalangin o natatanging hangarin na Santo Papa.)
Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan; aba, pinananaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw ng taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay! Aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga matá mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ip**ita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
Namumuno: Ipanalangin mo kami, o Santa Ina ng Diyos.
Bayan: Nang kami ay maging karapat dapat sa mga pangako ni Hesuskristong aming Panginoon.
Manalangin tayo:
Panginoon Hesukristo, Ama ng Awa at Diyos ng lahat ng kaaliwan, ang Iyong mga mananampalataya ay nagsasaya sa dulot na pangangalaga ng Banal na Birhen Maria, Ina ng Kaaliwan. Sa pamamagitan ng kanyang maka-inang pamamagitan, nawa kami ay makalaya sa anumang ligalig at kapahamakan sa aming buhay at nawa kami ay maging marapat na patuluyin sa kaligayahan walang hanggan sa langit, na kung saan ikaw ay nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.
San Agustin, ipanalangin mo kami.
Santa Monica, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
Nuestra Senora de la Consolacion y Correa, ipanalangin mo kami.
Kapistahan ni SAN PEDRO CALUNGSOD,
Martir Katekista at Ikalawang Pilipinong Santo
"Our faithful companion towards a Synodal Church"
350th Martyrdom Anniversary (1672-2022)
PANALANGIN KAY SAN PEDRO CALUNGSOD
O San Pedro Calungsod, batang manlalakbay, mag-aaral, katekista, misyonero, tapat na kaibigan at martir, loob namin'y iyong pinapalakas sa iyong katapatan sa panahon ng pag-uusig, sa iyong tapang na ituro ang pananamanpalataya sa gitna ng pagkamuhi; at sa ngalan ng pag-ibig, dugo mo'y dumanak alang-alang sa Mabuting Balita.
Angkinin mo ang aming alalahanin at agam-agam (ilahad ang kahilingan) at imapamgitab kami sa harap ng luklukan ng Awa at Biyaya upang sa aming pagkakamit ng tulong sa Langit ang Mabuting Balita'y lakas loob naming ipahayag at isabuhay dito sa daigdig. AMEN.
Consecration of Russia and Ukraine to the Immaculate Heart of Mary (Fátima, Portugal)
CONSECRATION OF RUSSIA & UKRAINE TO THE IMMACULATE HEART OF MARY
His Excellency, Most Rev. Dennis C. Villarojo, D.D., the Clergy, the Religious, & the Lay faithful of the Diocese of Malolos will join Pope Francis in prayers for the consecration of Russia and Ukraine
on MARCH 25, 2022, FRIDAY, Solemnity of the Annunciation
at the Malolos Cathedral
10:30 PM | Rosary ( Before the National Pilgrim Image of Our Lady of Fatima)
11:00 PM | Holy Eucharist & Prayer of Consecration
12:00 MN | Holy Hour
Mapaghimala at Mapagkalingang Patron San Jose, ipanalangin mo kami.
Bisitahin at mag-alay ng panalangin sa mapaghimalang Patron San Jose sa 2nd Josephian Exhibit sa Capilla de San Jose, San Jose, Paombong, Bulacan.
Ang exhibit ay tatagal hanggang sa ika-15 ng Marso. Ito ay bukas sa publiko mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi.
Ite ad Ioseph!
(Sa mga tagapangalaga na gustong malinaw na litrato mangyari lamang po na p**i "Private Message ang FB page ng Fotografia Consuelo Maraming Salamat! )
Ikalawang Araw ng Nobenaryo kay San Jose
Marso 11, 2022
11 Marso 2022
SOLEMN EUCHARISTIC CELEBRATION
on the occasion of the
60TH ANNIVERSARY OF THE CANONICAL ESTABLISHMENT OF THE DIOCESE OF MALOLOS
Mabuhay! Ang Diocese ng Malolos!
His Excellency, The Most Reverend
DENNIS C. VILLAROJO, DD
Bishop of Malolos
the Clergy, the Religious and the Lay Faithful
request your presence at the
SOLEMN EUCHARISTIC CELEBRATION
on the occasion of the
60TH ANNIVERSARY OF THE CANONICAL ESTABLISHMENT OF THE DIOCESE OF MALOLOS
presided by His Grace
ARCHBISHOP CHARLES JOHN BROWN, DD
Apostolic Nuncio to the Philippines
on March 11, 2022, Friday, 9AM
at the Immaculate Conception Cathedral and Minor Basilica
City of Malolos, Bulacan
*There will be a Civic and Liturgical Reception for the Apostolic Nuncio at 8:30AM.
MARCH 08 | INTERNATIONAL WOMEN'S DAY
International Women's Day is a day of celebrating the cultural, economic, political, and social achievements of women. As we remember the roles and contributions of women in our society, may we also remember the holy women of the Church. Let us reflect on their truly blessed lives, the moment they bravely said "yes" to God's calling, and their contributions to our faith.
📷 DEMETS CHURCH SUPPLIES
Lord Heal our land.
Today March 7, 2022, We pray the rosary for Bulacan and our 3,708,890 countrymen from there.
Lord Heal our land.
Miyerkules ng Abo
Marso 2, 2022
Ang Miyerkusles ng Abo ay ang unang araw ng Panahon ng Kuwaresma, ang pasimula ng pagsisisi at pagbabalik - loob sa Panginoon. Sisimulan sa Miyerkules ng Abo ang apatnapu't anim na araw ng pagninilay, ang pagpapakasakit ng Diyos at ang kanyang muling pagkabuhay.
Prayer for Peace
Lord Jesus, You came so that the world will know the peace that You have experienced with the Father eternally. You also taught us that in this life there will be wars and rumors of wars. Nations will rise against nations as violence works itself out in the world. However, through You, the world may be saved. O Lord, send Your spirit into the hearts of all men, that the world might know true peace through Your abundant mercy.
Lord, it is right and proper that those with hot tempers be cooled. Such is the case with many world leaders whose nations sit at the brink of war. For fear of escalating tensions, I ask that You send Your spirit of peace and compassion to facilitate the cooling of hostilities. Let love and forgiveness reign in the hearts of all, that the spirit of hate and strife would find no foothold in all the world through Christ, our Lord. Amen.
Most Holy Name of Jesus, save us.
Mary, Queen of Peace, pray for us.
Joseph, Support in Difficulties, pray for us.
During the General Audience on Wednesday, Pope Francis made a heartfelt appeal for peace in Ukraine, saying that the threat of war had caused “great pain in my heart.”
“Once again the peace of all is threatened by partisan interests,” he stressed. Pope Francis appealed to those “with political responsibility to examine their consciences seriously before God, who is the God of peace and not of war, who is the Father of all, not just of some, who wants us to be brothers and not enemies.”
Speaking at the end of the General Audience, Pope Francis invited everyone to make 2 March, Ash Wednesday, a Day of Fasting for Peace.
“I encourage believers in a special way to dedicate themselves intensely to prayer and fasting on that day. May the Queen of Peace preserve the world from the madness of war,” he said.
Source:
https://www.vaticannews.va/en/pope/news/2022-02/pope-announces-2-march-as-day-of-prayer-and-fasting-for-ukraine.html
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
227 Sitio Gusi Sto. Rosario Paombong Bulacan
Paombong, 3001
Friying foodies Crispy queen food delivery service
Sto. Nino Bata Purok 1 Paombong Bulacan
Paombong, 3001
Maloko, Maingay, Boowhang in short MASAYA ♥♥♥
Bulacan
Paombong, 3001
Services Offered: Photo booth Photo Coverage Video Coverage Leather Album Invitation/Tarpaulin for any occasion: BIRTHDAY BAPTISMAL WEDDING ANNIVERSARIES