PAMANAmpalataya at BUHAY

Kamulatan at Pagsasabuhay ng mga Halimbawa at Aral ni Kristo para sa Sambayanan. Since January 16, 2020

TOPIC 1: KREDO (Part 1) with Bro. Chiz Bartolome 14/02/2024

https://youtu.be/S_hM-y-TW2Y?si=wzVmbVRA5G786iKL

GUYS PAKI-LIKE AND SHARE

TOPIC 1: KREDO (Part 1) with Bro. Chiz Bartolome Alamin ang Hiwaga ng Pananampalataya kasama si Bro. Chiz Bartolome sa PAMANAmpalataya at Buhay.Katanungan: Ano ang sinasampalatayanan nating mga Katoliko?

14/02/2024
14/02/2024

Halina at ating alamin ang hiwaga ng Pananampalataya kasama si Bro. Chiz Bartolome sa PAMANAmpalataya at Buhay

Katanungan: Ano ang sinasampalatayanan nating mga Katoliko?

GUYS PAKI-LIKE AND SHARE
follow my Youtube Account: www.youtube.com/

20/09/2023

Halina at ating alamin ang Hiwaga ng ating pananampalataya dito sa PAMANAmpalataya at BUHAY

TANONG NG PAMANAMPALATAYA AT BUHAY

1. ANO NGA BA ANG SINASAMPALATAYANAN NATING MGA KATOLIKO?

Itinuturo ng Salita ng Diyos sa (Efeso 4:5-6) sinabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Efeso, na tayo ay “mayroon iisang Panginoon, iisang pananampalataya, iisang binyag, iisang Diyos at Ama nating lahat, na higit sa lahat at kumikilos sa ating lahat.
Ipinauunawa sa ating lahat na tayo ay sumasampalataya na ang Diyos ay Ama, Anak at Espiritu Santo, tatlong persona sa iisang pagka-Diyos, na ating tinatanggap at sinasampalatayaan simula ng tayo ay tumanggap ng Sakramento ng Binyag. Sa pamamagitan ng Binyag tayo ay tumatangap ng biyayang nagpapabanal sa atin dahil tayo ay binibinyagan sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo at ang katotohanan ng pananampalataya na ito ay nakasaad sa ating KREDO.

Kaya sa turo ng Simbahan pinauunawa sa atin na ang ating paniniwala bilang isang Katoliko ay nakasaad sa ating Kredo. Ang KREDO ay kumikilala na ang Diyos ay ang Makapangyarihang Ama, Manlilikha ng lahat ng bagay, nakikita at hindi nakikita, kasama ng Banal na Anak na nagkatawang tao sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, at ng Espiritu Santo na siyang naghahayag sa Banal na Santatlo (KPK-300).

Kaya ang pananampalataya natin bilang mga Katolikong Kristiayano sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo ay binuod ng Simbahan at upang higit na maunawaan ng lahat ng mananampalataya. Ipinapahayag natin ito sa pamamagitan ng KREDO. Ito ay may dalawang bersyon, ang “APOSTOLES CREED” at ang mas mahaba at detalyadong bersyon, ang “NICENE CREED”. Ito ay ating ipinapahayag sa pagdiriwang ng Banal na Misa at sama-sama nating ipinahahayag ang ating pananampalataya bilang isang bayan o pamilya na pinagsasalo sa isang piging.

Hamon ng Pagsasabuhay:
Sa tuwing ipinahahayag ba nating ang ating pananampalataya o KREDO, dinadasal ba natin ito ng may kataimtiman, ng may katapatan at pananalig. Sa tuwing dinarasal mo ito nararamdaman mo ba ang pagtibay ng iyong pananampalataya at pananalig sa Diyos.

Tayo ay Magdasal:

Diyos na aming Ama, salamat sa pagsugo kay Hesus ang aming Panginoon at Tagapagligtas, at sa patuloy na pagsusugo ng Iyong Banal na Espiritu na siyang patuloy na gumagabay sa amin. Tulungan mo kaming magkaisa bilang isang pamilya upang magampanan namin ng matapat at may sigla ang aming misyon sa buhay. Maipahayag nawa namin sa tuwina ang aming tunay na pananampalataya sa Iyo, lalo na sa panahon na humihina ang aming pananalig, at kung kami ay dumadaan sa mga pagsubok sa buhay. Amen.

16/08/2023
19/07/2023

Share po natin sa ating mga kaibigan at kakilala para marami ang biyayaan ng banal na pagpapala at patuloy na ipagkandali ng Nuestra Señora De La Consolacion Y Correa de Paombong at ni Santiago Apostol, ang ating mga panalangin at pinagdadaanan sa buhay.

Photos from PAMANAmpalataya at BUHAY's post 11/01/2023
11/01/2023

Ating alamin ang hiwaga ng ating PAMANAmpalataya at BUHAY

"MALIBAN NA ANG TAO AY IPANGANAK SA TUBIG AT ESPIRITU, HINDI SIYA PAGHAHARIAN NG DIYOS" (Juan 3:5)

Ang pananampalataya natin sa Diyos ay nagtuturo sa atin upang ihanda natin ang atin buhay dito sa lupa patungo sa buhay na walang hanggan. Habang tayo ay may pagkakataon pa, sa mga bagay na ating gagawin, maliit man o malaking bagay, lagi nating bigyan puwang ang Diyos, upang siya ay tunay na makapasok sa ating buhay. Paghariin natin siya sa buhay natin upang maging masaya at makabuluhan ang buhay na kanyang ipinagkatiwala sa atin.

CTTO:

09/01/2023

Ating alamin ang hiwaga ng ating PAMANAmpalataya at BUHAY

"HUWAG KAYONG MABALISA; MANALIG KAYO SA DIYOS AT MANALIG DIN KAYO SA AKIN" (Juan 14:1)

Sa gitna ng ating kagipitan at alalahanin sa buhay, masarap paring maramdaman natin na hindi tayo nag-iisa at mayroon tayong kasama. Subalit lagi nating tatandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon, na ang mga taong nakapaligid sa atin ay laging naririyan para sa atin. Ngunit huwag tayong mabalisa o matakot sapagkat mawala man ang lahat ng iyan o lahat sa ating buhay, may isang hindi tayo kailanman iiwan at ito ay ang Diyos, manalig lagi tayo sa kanya, dahil kasama mo ang Diyos.

CTTO:

09/01/2023

Ating alamin ang hiwaga ng ating PAMANAmpalataya at BUHAY.

"ANG NANALIG SA AKIN, KAHIT MAMATAY AY MULING MABUBUHAY, AT SINUMANG NABUBUHAY AT NANANALIG SA AKIN AY HINDI MAMAMATAY KAILANMAN" (Juan 11:25-26).

Walang katiyakan ang buhay ng tao sa daigdig na ito. Kaya't hindi natin maaring panghawakan ang anumang bagay na mayroon tayo dito sa mundo. Lahat ay may hangganan at lumilipas. Subalit mayroong isang bagay lamang ang tiyak at siguradong tunay, ito ang Pag-ibig ng Diyos sa atin na kailanman ay hindi kukupas at nanatili habang buhay.

CTTO:

09/01/2023

Ating alamin ang hiwaga ng ating PAMANAmpalataya at BUHAY.

"LUMAPIT KAYO SA AKIN, KAYONG LAHAT NG NAPAPAGAL AT NABIBIGATAN SA INYONG MGA PASANIN, AT KAYO'Y PAGPAPAHINGAHIN KO" (Mateo 11:28-29).

Ang tao ay dumaranas ng iba't ibang bigat ng mga pansanin sa buhay, marami sa atin ay tila nawawalan na ng pag-asa, at hanggang dumating sa puntong wakasan nalamang ang kanilang mga buhay upang matakasan ang mga problema na dumadating.

Subalit, kung ating isusuko sa Diyos ang ating buong buhay, na magtiwala lagi sa Kanya at magsumikap na makasunod sa Kanyang mga turo at aral, matatagpuan natin ang ating kalakasan at kapahingahang nagbubuhat sa Kanya, hindi lamang ito biyaya para sa ating katawan kundi pati sa ating mga kaluluwa. Amen.

CTTO:

09/01/2023

Ating alamin ang hiwaga ng ating PAMANAmpalataya at BUHAY.

"NASAAN ANG IYONG PANANALIG" (Lucas 8:25).

Hindi na kailangan ang himala ng isang taong may tunay na pananampalataya. Na kahit libo-libong himala pa ang ating hilingin, ay hindi ito sasapat at hindi ganap na makikita at madadama ng isang taong walang paniniwala, pagtitiwala at pagsunod sa kaloobang ng Diyos. Mapagsumikapan natin laging makita ang himala ng pagkilos ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay at pakikipagkapwa, upang maramdaman natin ang mga biyaya ng Diyos na patuloy na ipinagkakatiwala sa atin. Matatangap lamang natin ang mga himala ng bibiyang ito kung tayo ay tunay na maniniwala, magtitiwala at susunod sa kalooban ng Diyos. Amen.

CTTO:

27/09/2022

Ang Pagbati at panalangin namin sa iyo Bro. Francis R. Bartolome sa iyong pagdiriwang ng 36th Birthday sa September 28, 2022. Maging gabay mo nawa ang buhay kabanalan ni San Lorenzo Ruiz sa iyong pakikibahagi sa Misyon sa pagtataguyod ng pananampalataya at buhay, ng maliit na Simbahang Sambayanan. Nawa lagi ka ipagkandili ni San Lorenzo Ruiz sa iyong apostolado ng paglilingkod.

Muli Maligayang kaarawan.

04/09/2022

In prayer, let us unite in the joy of Bro. Francis Bartolome, O.P., our Formation Officer who made his perpetual profession to the Order of Preaches as Dominican Laity Today. Let us congratulate and pray for his perseverance and fidelity.

24/08/2022

PAGPAPATULOY
Agosto 24, 2022
KAPISTAHAN NI SAN BARTOLOME APOSTOL

PANANALAGIN SA PAGKAKANDILI NI SAN BARTOLOME

Maari magcomment ng inyong mga panalangin at kahilangan o mga pangalan na nais ipagdasal.

CTTO: NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.

24/08/2022

Agosto² 24, 2022
KAPISTAHAN NI SAN BARTOLOME APOSTOL

PANANALAGIN SA PAGKAKANDILI NI SAN BARTOLOME

Maari magcomment ng inyong mga panalangin at kahilangan o mga pangalan na nais ipagdasal.

CTTO: NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Paombong?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

KREDO (PART 1) with Bro. Chiz Bartolome
KREDO (PART 1) with Bro. Chiz Bartolome
San Bartolome Apostol
Pagpalain mo Panginoon ang mga nanalig sa Iyo.
Maghari ka Puso ni Hesus sa aming buhay
NASAAN ANG IYONG PANANALIG#pamanampalataya #buhay
Pulong Panalangin ng Maliit na Simbahang Sambayanan sa Parokya ng San Pedro Apostol #magbuklod
PAGPAPATULOYAgosto 24, 2022KAPISTAHAN NI SAN BARTOLOME APOSTOLPANANALAGIN SA PAGKAKANDILI NI SAN BARTOLOMEMaari magcomme...
Agosto² 24, 2022KAPISTAHAN NI SAN BARTOLOME APOSTOLPANANALAGIN SA PAGKAKANDILI NI SAN BARTOLOMEMaari magcomment ng inyon...
LUNES- HUNYO 6, 2022 Night of Prayer with Bro. Francis Bartolome
LINGGO- MAYO 8, 2022 "MUSIC OF YOUR HEART with Bro. Chiz Bartolome
Ipinapanalangin ko po ang mga kahilingan at pagsusumo ng aking mga kapatid na ngaun na nakakapakinig ng Panalangin na it...

Telephone

Website

Address

Paombong
3001
Other Religious Organizations in Paombong (show all)
Bridge Of Grace Christian Ministry Bridge Of Grace Christian Ministry
National Road
Paombong

We Serve JESUS UPC Paombong Youth Department We Serve JESUS UPC Paombong Youth Department
Sto. Rosario
Paombong, 3001

UPC Paombong Youth Department Official Page

Capilla de San Isidro Labrador Capilla de San Isidro Labrador
San Isidro 1st Paombong
Paombong, 3001

Kapilya ni San Isidro Labrador, San Isidro I, Paombong, Bulacan

Tinaad Chapel Tinaad Chapel
Tinaad San Roque
Paombong, 3001

its a chapel in a sitio of barangay san roque.

San Isidro Sub Parish Pastoral Council San Isidro Sub Parish Pastoral Council
Paombong, 3001

Dukha ka mang sinasambit lubos ang iyong pag - ibig Isidro'y iyong ihibik kaming ampon mo't tangkilik

Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines
Paombong

The Official page of Blessed Carlo Acutis in the Philippines

Capilla de Sto.Niño - Paombong Capilla de Sto.Niño - Paombong
Barangay Sto. Niño
Paombong, 3001

Bisita ng Sto.Niño Paombong Bulacan | Follow on Tiktok @cdsn_paombong

Capilla de San Jose Capilla de San Jose
San Jose, Bulacan
Paombong, 3001

Ang tahanan ng Mapaghimala at Mapagkalingang Patron San Jose. Ite ad Ioseph! (Tumungo kay Jose!)

Parokya ng Santiago Apostol-Kalasag Parokya ng Santiago Apostol-Kalasag
Poblacion
Paombong, 3001

This is the Official page of Parokya ng Santiago Apostol ng Paombong.

La Consolacion Y Correa (Paombong, Bulacan) La Consolacion Y Correa (Paombong, Bulacan)
St. James The Apostle Parish
Paombong, 3001

To share the Devotion Our Lady of Consolation and Cincture , Loving Mother and Queen,Patrones of the

KKB Paombong KKB Paombong
Paombong, 3001

The Official Page of KKB Paombong A dynamic youth movement transforming young people through the full gospel of the Lord Jesus Christ for righteous and excellent leadership in the...