Kalupi and Goods

Handcrafting leather goods since 2020.

11/09/2024

Payunir Minimalist Bifolds in black and red full grain leather. 🖤♥️

06/09/2024

Oo naman, nakakapagod.

Pero at the same time, nakakaproud din. 🖤

Salamat po sa support niyo. 🙏🏻

Hopefully, ma-improve ko pa yung bilis ng production. Di rin kasi talaga maiwasan maburnout. 😅

Pero don't worry, manageable naman.

Need lang more discipline pa.

Yun lang, G na ulit at may ihahabol pa ako sa shipping. Haha.

04/09/2024

Nasasabik sa kung ano pa ang mga mangyayari. 🖤

27/08/2024

Wala pa akong naiisip itawag dito sa Coin Purse pero post ko na rin na available na po ito ulit.

Available sa Black, Tan Brown, at Red.

May mga naghahanap e. Hehe.

Cool lang din to gawin kaya G lang. :)

Nga po pala, dito lang po sa page ako nagtetake ng order. Medyo komplikado po sa shopee e.

Ayun lang. Shoot a message po to order.

Salamat! 🖤

21/08/2024

Praktikal Minimalist Bifold in red veg tan full grain leather. ❤️

Kung maselan po kayo sa accuracy ng kulay, baka hindi para sa inyo to.

Di ko alam kung anong shade ng p**a to. Haha!

Tsaka may slight difference talaga sa kulay sa photos at sa personal due to lighting, screen differences, etc.

Ngayon, kung basta red e okay na sayo, goods to. 😁

Since wala pa akong specific design for women, bawi muna tayo sa kulay.

Message lang po kayo dito sa page if interested.

And paki-share naman kung may kilala kayong baka trip 'to.

Yun lamang po, salamat! ❤️

20/08/2024

Sakit na ng kamay ko kakagawa, haha.

Pero sige lang po, place lang ng order. 😂

Otw na ilang tools na malaking help para mapabilis ng bahagya ang process. 🖤

Pero sa ngayon, 1 week parin po lead time. Hehe.

Salamat po ulit sa orders niyo!

17/08/2024

Chill lang with my Praktikal minimalist bifold in tan brown.

Grabe talaga to, prototype lang to e. Biglang magiging best seller pa ata. Haha.

15/08/2024

Kapag messy daw ang office o table ibig sabihin busy dun na meaning din ay may pera.

Di ko lang sure dito sa table ko. 🤣

Sa upgrades ng gamit napupunta kita e.

Anyway, good thing parin naman yun.

Salamat po ulit sa orders!

Overwhelmed parin po si Kalupi.

Salamat talaga. 🖤

11/08/2024

Praktikal Minimalist Bifold in black veg tan leather. 🖤

Gusto ko na sana gumawa ng version nito na personal kong gustong design kaso di kakayanin next week.

Dami talagang orders!

Maraming salamat po sa support sa local brands and small businesses.

Hingi lang po ako ng konting patience dahil mag-isa lang po ako sa production. 🙈

09/08/2024

Thank you po sa orders! 🖤

Magiging busy ang mga susunod na weeks!

Grabe pala epekto ng 100k views sa reels. 🥺

06/08/2024

Personally, parang OA yung pwedeng makipagsabayan sa mga kilalang brand.

Need ko pa mas galingan.

Pero ang sarap lang din talaga makareceive ng ganitong feedback. Hehe.

01/08/2024

Okay na pala. 🖤

Baka di ko na to baguhin kasi may bumibili na e. Haha.

Na-justify na na merong transaction sa design na to.

Pero gagawa akong ng V2 na personal kong trip.

Ang problema ko, anong itatawag ko sa wallet na to. 🤔

Gusto ko tagalog word na pasok sa characteristic niya.

Parang gusto ko siya tawaging 'Praktikal'.

Ang balanse lang kasi ng dating niya.

Enough slots for cards and cash.

Kasya din resibo. Haha.

Ano sa tingin niyo?

'Praktikal Minimalist Bifold'? 🤔

25/07/2024

Stay safe everyone!

Stranded kami dito sa probinsiya. Pero hopefully ay makauwi na this weekend.

Daming nang backlogs. 😭

10/07/2024

NEED KO NG EXTRA 4000 PESOS SA FRIDAY!

Nag-iisip ako kanina paano ko magagawa yun. Tinignan ko mga skills and services na pwede ko i-offer.

Ito pinaka posible magkaron ng instant result. Hindi guaranteed pero posible.

Magbigay ako ng 500 DISCOUNT dito sa Long Wallet.

1999 na lang siya, dating 2499. Tas free na yung 4 letter stamp.

Pero dahil 4k lang need ko, 2 orders lang tatanggapin ko. And since sa friday ko lang siya need, until then lang yung discount.

Payment first syempre kasi next week ko pa yan madedeliver. Hehe.

Available din to sa color brown.

Yun lamang po! 🖤

Kaya baka may kakilala kayo na mahilig sa ganto.

O kaya may reregaluhan kayo. 😁

Or kayo mismo, gusto magsupport ng local brand.

Don't hezi na magchat.

G din po to sa kwentuhan basta may sense. Haha.

17/06/2024

Medyo torn ako kung saan magpofocus.

Kung sa more design ba or more people to reach.

Kasi validated namang may sales yung Minimalist Bifold tsaka itong Munti Card Holder.

Kaya parang ang need ko dito e mahanap pa yung mga tao na trip to.

Kaso yung creative juices naman kapag paulit ulit lang ginagawa, natutuyo.

Kapag gawa naman nang gawa ng new designs, mauubos naman resources ko. Haha.

Opportunity to para matuto.

We'll figure it out.

27/05/2024

Medyo challenging gawin tong Munti Card Holder ko kapag makapal yung leather na gamit.

Tsaka pang minimalist lang talaga kasi hanggang 4 cards lang kaya niya.

Kapag more than that sobrang hirap na hugutin. 🤣

Need ko diskartehan to kasi di laging may manipis na leather sa supplier e.

Ang common e ikaw talaga gagawa ng paraan. Good thing ay may mga tools naman para dun.

Pero kung aesthetics lang, laban na to ah. Haha.

Kung interested pala kayo magpagawa ng mga pinopost ko, feel free to send a message po.

Appreciated din po ang likes, comments, and shares! 🖤

07/05/2024

Ang hirap minsan kumilos no?

Lalo na kapag nagkakaproblema.

Pero anumang setback o disappointment yang pinagdadaanan mo, tandaan mo na. .

It may have broken your heart but it opened your eyes.

Take that win.

Nabasa ko lang din yan dito. Haha.

Pero totoo e. Lagi naman tayong may natututunan sa mga nae-experience natin.

Kunin mo na lang yung lessons dun at kilos na ulit.

At panalo ka pa nga dun kung yung natutunan mo e worth ng pain katulad ng na-experience ko.

Anyway, nag-iisip akong palitan tong label ng packaging, mas maganda ata yung tinatatak lang.

Natatanggal kasi tong sticker e. 😅

Ano sa tingin niyo?

02/05/2024

Grabe yung pagod ko maghapon. Tuyong tuyo na utak ko.

Wala akong maisip na isulat dito kaya ito, update na lang.

May nag-order nitong black na Minimalist Bifold ko.

Upload ko din yung video.

Yun lang, haha.

29/04/2024

Nakadarama ako ng kagustuhang maging malupit sa isang bagay.

Kapag malupit ka kasi sa isang bagay, may mga kaakibat yun na opportunity e.

At itong brand na to yung pinakaunang pumapasok sa isip ko. Haha.

May potential kasi talaga akong nakikita dito. Kailangan lang ng focus.

Tsaka bukod dun, talagang nag-eenjoy ako dito. Nasasapatan yung passion.

Gawa ako soon ng ibang design! 🖤

Pero di na siguro sales ang focus, gusto ko lang maging malupit sa leathercrafting.

Sales will follow na lang siguro. Haha.

Tsaka baka gamitin ko tong platform na to sa pagshare ng kung ano ano about self development at thoughts ko.

Hobby ko nitong mga nakaraan magsulat e.

Yun lang!

28/04/2024

"You can't win at everything but you can try." 🎶

Na-appreciate ko lang yung lyrics.

Totoo e, hindi naman talaga lahat maipapanalo natin pero pwede natin itry lahat hanggang sa manalo.

Tsaka kapag di mo tinry, absolute na yung result, walang panalo.

"Banat lang nang banat, malay mo bigla na lang na maka-isa ka."

Sabi pa nung isang kanta. Hehe.

27/04/2024

Grass is greener where you water it. Hindi laging sa the other side.

Kakalipat mo ng industry, di ka na tumagos ng learning curve. 😅

Focus ka muna sa isa.

Okay?

Advice lang po sa sarili. 😂

19/04/2024

Leather Valet Tray

Yun pala tawag ang dito.

Nagplan na ko dati maggawa nito e kaso feeling ko di okay ibenta gawa ng makonsumo sa leather.

Pero narealize ko ngayon, pwede naman yung chrome tanned na leather ang gamitin ko para laging may supply.

Sa presyo, siguro 299 sa first 5 orders. Then, pag-isipan ko kung goods na yun.

Approximately 7x6x1 Inches ang dimension nito.

Message me na lang po kung interested. 🙂

13/04/2024

Every master was once a beginner.

Di ko naman sinasabing ang lupet na ng gawa ko pero tignan mo naman kung gaano kalayo yung quality nitong pinakauna kong gawa.

Ang frustrating pa nung panahon na yan. Di ko ma-imagine na naggagawa ako ng wallet kasi nga dyan pa lang di na ko natutuwa. 😆

Wala namang magaling agad. Kaya anumang skill yang sinusubukan mong madevelop e mapapangitan ka talaga sa gawa mo sa una. Pero walang ibang pupuntahan yan kundi improvements basta ituloy mo lang.

Progression over perfection!

10/04/2024

10 HOURS!

Kapag nakazone, pero kapag chill lang, inaabot ako ng 14hrs sa paggawa nito. Haha.

So far, wala namang nagreklamo sa 2500 na price nito.

Tas nakaka-encourage kapag sinasabi nung mga client na yung Art at Craftmanship ang binabayaran nila.

Kaya salamat po talaga. 🙏

Ayun lang. 🖤

04/10/2023

Kahit ako mismo, hindi makapagdecide. 😅

Kung anong mas maganda, black ba or brown?

May something sa Black na gustong gusto ko e. Yung angas nandun pero simple parin.

Ang kaso, di ganun ka leather yung dating.

Ang gusto ko naman sa Brown, no questions asked, pasok na pasok talaga sa leather yung dating. Nandun din yung pagiging premium ng wallet.

Siguro dipende talaga sa preference ng isa.

Pero kung ikaw? Black o Brown?

Pwede mong i-comment. 😁

Photos from Kalupi and Goods's post 23/08/2023

Medyo naha-hassle-an ako sa transaction sa orders. Lalo sa shipping. Iniisip kong magshopee and lazada.

Tingin niyo mas okay? Mas madali din ba para sa side ng consumer?

Ito pala yung Tan Brown na Minimalist Bifold na available ngayon.

I-share ko lang yung pogi shots niya. 😁

And yung logo, baka pala maiba sa susunod, di pa lang ako makapagdecide ngayon. Medyo hassle kasi i-stamp yang current logo e.

Ang lakas makabagal ng production. 😅 Kaya gusto kong palitan.

Photos from Kalupi and Goods's post 18/08/2023

SORRY. 🥺

Sa mga nao-OC sa ganitong table. Haha!

Pasensiya na, kakabalik lang sa leather crafting e. Magulo pa ang workflow.

Itong Coin Purse, 1 hour ko lang gawin dati, 4 hours ko natapos ngayon. 😂

Pero angsaya ah. Hehe. Balik loob sa passion. 🖤

15/08/2023

LEZGOO

Nakabili na pala ko ng Black at Tan Brown na Veg Tan leather.

Butas nanaman ang bulsa. Haha. Sana mabawi agad.

Pwede na magplace ng order. 😁 Just shoot me a message!

Available lahat except sa LONG WALLET. 😅

10 hrs kasi gawin isang piraso nun e. Baka maumay agad ako niyan. Haha.

Minimalist Wallets muna tayo.

09/08/2023

Nakakamiss din talaga gumawa ng wallet. Hehe.

Nakakapagod pero babalik at babalik parin talaga e.

Lalo na't grabe din po kayo mag-appreciate!

Salamat sa mga dati nang client ni Kalupi. 😁

Message agad ih. Hayyys. 🖤

Punta lang po ako ng Marikina para makabili ng materyales tapos G na!

Photos from Kalupi and Goods's post 25/01/2023

May nag-inquire minsan sakin. Nung sinabi ko presyo, tinawanan ako.

Nagmura tas sabi napakamura naman daw. Sabay block sakin. Haha. Obviously sarcastic yun. 😅

Pero may mga client naman na basta na lang nagsesend ng order. Wala nang tanong tanong. Minsan 5 pcs pa at ipapang regalo daw. Tulad nitong ginagawa ko ngayon.

Di ko tuloy matantya kung tama o mali tong presyo nitong mga ginagawa ko e. Haha.

Anyway, basta may bumibili pa, gagawa parin ako. 😁

Want your business to be the top-listed Shop in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Ang saya lang niyan sa voiceover pero burnout na yan. Haha.
Wala nang energy mag-intro e. Haha. Clips from previous video pala to. Tinamad magshoot, intro lang nagawa. Haha. Ganun ...
Wala talagang time mag-video ng orders, tatagal kasi ako lalo sa production. Kaya ito na lang muna. Demo ng Praktikal Mi...
Hindi naman nagrereklamo, nag-a-update lang. Haha!
Sana ol di nag-ooverthink. Haha. Praktikal Minimalist Bifold nga pala.
Pakibilang kung ilang 'after nun' nabigkas. Hahahaha.
Product talaga kailangan pagandahin.
So ayan.
Tsaka pala tanggalin niyo muna yung laman. Hehe.
Share ko lang. Haha.
Sakto lang sa walang cash, pero may gcash pambili. 😆
Medyo humihirap gawin to kapag makapal gamit na leather. Nasanay ako sa manipis. Need more practice.

Telephone

Website

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 3pm
Thursday 9am - 3pm
Friday 9am - 3pm