Camarero De Nuestra Señora

Camarero De Nuestra Señora

Official Page of Camarero de Nuestra Señora.

06/10/2023

Octubre 7: Dakilang Kapistahan ng Ina at Reyna ng Banal na Sto. Rosario

Nuestra Señora Del Rosario De Ugong

Mahal na Reyna Ng Kabanal Banalang Rosaryo Butihing Patrona Ng Kapilya Sa Iyong Mapagmahal at Pagkandili at Pamamatnubay ay Buong Tiwala Na naka salalay Ang aming kapakanan Ikaw Ay Isang Ina Sa Amin ay ibinigay kaya naman kami'y umaasang matibay na kami Iyong tutulungan sa Lahat ng Aming pangangailangan, ilapit mo kami sa iyong anak na si Hesus at pag alabin mo ang aming mga puso sa pag ibig at pag lilingkod Sa Kanya at sa aming kapwa kasangkapanin mo kami sa pag lalaganap ng debosyon sa iyo lalo na ng debosyon sa kabanal banalang rosaryo para sa kapayapayan ng Daigdig at pag babalik loob ng mga makasalanan, Isinasamo naming pagpalain mo kaming lahat ang mga magulang upang ang kanilang pag sasama ay maging ganao na larawan ng pag mamahal ng Diyos sa amin at maging mabisang huwaran sila ng kanilang mga anak s akanilang tunay na buhay Kristiyano ang aming mga kabataan patatagin mo sila sa paninindigan sa kabutihang asal gaya ng pag galang sa mga matatanda at may kapangyarihan, katapatan, pagkamasunurin, at pag lilingkod ilayo mo sila sa masasamang bisyo na sisira sa kanilang pagkatao, Pairalin mo Sa aming lahat ang kababang loob maging bukas kaming umunawa sa aming kapwa tumanggap ng aming pagkakamali at kahinaan humingi ng tawad at mag patawad para makabuo ng isang matatag na sambayanan ng Diyos.

Nuestra Señora Del Rosario, Ipanalangin mo kami!

Viva! Nuestra Señora Del Rosario!
Mabuhay! Sto. Domingo na nagtatag nito!

Bilang pag diriwang ng liturhikal na kapistahan ng ating mahal na Patrona, ang ating kapilya ay magdaraos ng Banal na Misa bilang pag diriwang sa kapistahan sa ganap na ika 6:15 ng hapon.

Ang makikitang imahen ay ang matandang imahen ng patrona ng brgy. Ugong.

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 06/10/2023

Isang pagbati sa aming mga kapatid sa pananampalataya sa Brgy. Rosario ng isang mapagpala at masayang Kapistahan ng Patrona Sto. Rosario de Pasig!

Viva! Sto. Rosario de Pasig!
Viva! Maria!
Mabuhay! Sto. Domingo na nagtatag nito!

Ang mga kuhang larawan ay nang galing sa Sto. Rosario de Pasig Parish.

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 06/10/2023

Oktubre 7, 2023
Dakilang kapistahan ng ating Mahal na Ina, sa ilalim ng Titulong Nuestra Señora Del Santissimo Rosario o Our lady of the most Holy Rosary.
Ngayong araw ay ipinag diriwang natin ang Liturhikal na Kapistahan ng ating mahal na patrona, NS. Del Rosario, sa kapilya ng NSDR chapel brgy. Ugong Pasig.

Aba ginoong maria
Napupuno ka ng grasya
Ang panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus

Santa Maria ina ng Diyos
Ipanalangin mo
Kaming makasalanan
Ngayon at kung kami mamamatay

Amen

Sama sama tayong manalangin sa ating mahal na Ina, nawa'y patuloy niya tayong gabayan, patnubayan, ingatan at ipagkandili sa ating kapatid na si Hesus.

Viva! Nuestra Señora Del Rosario!
Mabuhay! Sto. Domingo na nagtatag nito!

05/10/2023

Oktubre 6, 2023

Bisperas ng pistang liturhikal ng ating mahal na patrona, Nuestra Señora Del Rosario.

Aba ginoong maria
Napupuno ka ng grasya
Ang panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus

Santa Maria ina ng Diyos
Ipanalangin mo
Kaming makasalanan
Ngayon at kung kami mamamatay
Amen.

Regina Sacratissimi Rosari, Ora pro nobis!

30/09/2023

Oktubre, Mes De Sto. Rosario

Ang buwan ng Oktubre ay iniaalay sa ating mahal na Ina, sa ilalim na titulong "Nuestra Señora Del Rosario" o "Our Lady of the Most Holy Rosary".

Tayo ay manikluhod, sa birhen ina ng Diyos.
Rosaryo ay dasalin ng mataimtim.

Regina Sacratissimi Rosarii
Ora Pro Nobis!

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 03/07/2023

Ang pistang pasasalamat ng mga taga brgy ugong ay ginaganap tuwing ika dalawang linggo ng noviembre, makikita sa larawan ang pag diriwang ng mga taga barrio ugong sa isang "kainan sa kalye" na sinimulan sa mga unang naging tagapangalaga ng patrona na si +Doña Engracia na siya ring nag simula ng "kainan sa kalye* na hanggang sa mga panahong ito ay ginagawa pa rin matapos ang karakol, unang ginanap ang "kainan sa kalye" sa harapan ng bahay ni +Doña Engracia na kalaunan ay inilipat na mismo sa harapan ng simbahan.
Lahat ng taong sumama, nakiisa, nag bigay ng oras at nakisaya ay inaanyayahang kumain at makisalo sa nasabing selebrasyon. Hanggang sa ngayon. Ang gawaing ito ay ipinagpapatuloy ng kapilya ng NSDR.

03/07/2023

🐊🌿

First Tuesday Devotion in Honor of St. Martha

5:30 PM - Novena
6:00 PM + Holy Mass to be followed by Procession (Ligid-Simbahan)

03/07/2023

Ang makikitang imahen ay ang ikalawang replica ng patrona, NS. Del Rosario de ugong, bago dumating ang replica mayor na siya ngayo'y isinasayaw tuwing pistang pasasalamat na ginagaganap tuwing ika 2 Linggo ng Buwan ng Nobyembre.

29/06/2023

PANALANGIN KAY SAN PEDRO APOSTOL

O Pinagpalang San Pedro,Ikaw na nag-iingat ng Pintuan ng Kalangitan at sa pamamagitan nito ay hindi nakakapanaig ang Kapangyarihan ng impiyerno. Ikaw ang batong kinasasalalayan ng Simbahan at Pastol ng kawan ni Hesus, ikaw na mahimala at may karapatang magtali at magkalag dito sa lupa at sa langit. Ikaw na lumakad sa ibabaw ng tubig at sa pamamagitan mo ay maraming napagaling na mga maysakit. Sa pamamagitan po nawa ng Iyong matimyas na pagtitiwala at pananalig kay Hesus na iyong Maestro, ay hanguin nyo po nawa kami mula sa aming pagkakasadlak sa dagat ng kasalanan at sa pamamagitan po ng Iyong luhang itinangis sa iyong pagsisisi sa iyong nagawang pagtatwa sa Panginoon ay malinis rin nawa ang aming pagiging makasalanan. Tulungan nyo po nawa kami, o Pinagpalang Apostol, na kami’y makatulad sa Inyong pagsunod sa landas ni Kristo patungo sa kabanalan. Sa pamamagitan Nyo po nawa, matanggap din po namin ang aming gantimpala sa kalangitan kung saan makakasama po naming Kayong magpupuri sa Diyos, kasama ng Kanyang mga Anghel at mga Banal. Amen.

Apostol San Pedro, Ipanalangin mo kami!

Ang makikitang imahen ay ang imaheng lumalabas sa Kapilya ng Nuestra Señora Del Rosario tuwing biyernes Santo.
Ang imaheng ito ay asa ilalim ng pangangalaga ng pamilya Velasco

27/06/2023

JUNE 27 | Feast of Our Lady of Perpetual Help

PRAYER TO OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP

O Mother of Perpetual Help, grant that I may ever invoke your most powerful name, which is the safeguard of the living and the salvation of the dying.

O Purest Mary, O Sweetest Mary, let thy name henceforth be ever on my lips.

Delay not, O Blessed Lady, to help me whenever I call on you, for, in all my needs, in all my temptations I shall never cease to call on you, ever repeating thy sacred name, Mary, Mary.

O what consolation, what sweetness, what confidence, what emotion fill my soul when I pronounce your sacred name, or even only think of you.

I thank God for having given you, for my good, so sweet, so powerful, so lovely a name.

But I will not be content with merely pronouncing your name: let my love for you prompt me ever to hail you, Mother of Perpetual Help.

Amen.

22/06/2023

Nuestra Señora Del Rosario de Ugong

Ang kapistahan ng patrona ay ginaganap tuwing ika dalawang linggo sa buwan ng Nobyembre, bilang pasasalamat sa Patrona sa lahat ng pag gabay, patnubay at biyayang ibinibigay sa mga mamamayan sa barrio ugong.
Nag dadaos din ng pag diriwang ng Pistang Liturhikal tuwing ika-7 ng Oktubre, bilang pag gunita sa kapistahan ng Sto. Rosaryo.

Nuestra Señora Del Rosario, Ipanalangin mo po kami!

Ang makikita sa larawan ay ang Matandang imahen ng patrona sa ginanap na pistang pasasalamat noong taong 2021

22/06/2023

Magalak Bayan ng Diyos!

Sa Unang Pagkakataon ang ating Parokya, Sta. Clara de Montefalco ay nabigyan ng pagkakataon na makapag daos ng Misang Pasasalamat sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Antipolo at ng ating Mahal na patrona.

Ang Misa ay gaganapin sa Pandaigdigang Dambana ng Antipolo sa darating na ika-24 ng Hunyo, 2023 sa ganap na ika-10 ng umaga. Ang paglalakbay ay sisimulan sa ating parokya na pangungunahan ng ating Kura Paroko Rdo. Padre Darwin L. Calderon, kaisa sa bumubuo ng Parish Pastoral Council.

Halina at sama-samang maglakbay kasama ang ating mahal na patrona, Sta. Clara de Montefalco patungo sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng kapayapaan at mabuting pag lalakbay.

Mga Ka-Parokya, TAYO NA SA ANTIPOLO at ang bawat deboto ay bisita!

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 21/06/2023

Inmaculate Conception Cathedral of Pasig 1st Augustinian Procession
(May 06, 2023) bilang pag diriwang ng ika-450 ng simbahan ng Pasig.

Nuestra Señora Del Rosario Replica Mayor
Barrio Ugong lungsod ng Pasig

Ang unang pag Bisita ng Replica Mayor ng Brgy. Ugong sa katedral ng Pasig.

21/06/2023

Walang pinipiling edad, kasarian at estado ng buhay ang pagiging isang tunay na "Deboto".

Matanda man o bata, mayaman man o hindi, lahat tayo ay maaring maging deboto ng mga na Ina ng Sto. Rosario, at iba pang santo o santa.

Ina sa Ina.

03/05/2023

Magalak ka, barrio Ugong!

Ang ating Patrona, Nuestra Señora Del Rosario ay makikiisa sa selebrasyon ng ika 450 ng simbahan ng pasig sa pamimintuho sa nag iisang patrona ng buong pasig, Inmaculada Concepcion sa patnubay ng mga paring agustino sa pag papalaganap ng kristyanismo.

Lalahukan ito ng mga santong agustino at mga patrona ng bawat barrio sa buong diyosesis ng Pasig.

4:30 ng hapon - Banal na misa at susundan ng isang maringal na prusisyon ng bawat Patrona ng buong barrio ng Pasig at mga Santong Agustino.

Viva! Nuestra Señora Del Rosario !
Viva! Inmaculada Concepcion de Pasig!

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 30/04/2023

Brgy. Ugong, Magalak ka!

Ating samahan ang ating Ina at Reina ng Barrio Ugong, Nuestra Señora Del Rosario, sakanyang pag lahok sa selebrasyon ng ika-450 taon ng ating inang simbahan, Immaculate Conception Cathedral, nagaganapin sa ika 6 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Ang ating Replica Mayor ay siyang mag rerepresenta ng ating brgy!

Ang misa ay gaganapin ng ika 4:30 ng hapon at susundan ng Prusisyon ng mga Patron ng ika 5:30 ng hapon.

Viva! Inmaculada Concepcion!
Viva! Nuestra Señora Del Rosario de Ugong!

24/04/2023

Sabi nila, kung gugustuhin ng Birhen, walang pwedeng maging Hadlang.

Nawa'y dinggin ang aming ipinapanalangin, mahal naming ina!

Nuestra Señora Del Santissimo Rosario de Ugong
Ipanalangin mo po kami!

21/04/2023

Halina't samahan ang Ina at Reyna ng Pasig sa kanyang pag labas sa kanyang bayan para sa pag diriwang ng ika - 450 na taon ng simbahan ng pasig.

La Inmaculada Conception de Pasig
Patrona Y Coronada

Viva! La Virgen!

Sa pagdiriwang ng ika-450 na taon ng Simbahan ng Pasig ang lahat ay inaanyayahang dumalo at makiisa ngayong ika-22 ng Abril sa pagsisimula ng makasaysayang pagdiriwang na ito.

Magkakaroon ng La Luz de Maria sa ganap na 4:30 ng hapon na susundan ng Banal na Misa sa ika-5 ng hapon. Pagkatapos nito ay ang Maringal na Prusisyon tampok ang ating opisyal na replika ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion de Pasig.

28/03/2023

Ang kapilya ng Nuestra Señora Del Rosario ay mag kakaroon ng Kumpisalang Bayan sa ganap na ika 5 ng hapon.

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 26/03/2023

Ang buong samahan ng Camarero De Nuestra Señora ay lubos na nag papasalamat sa mga sumuporta sa aming aktibidad para sa holy week sa taong ito, maraming salamat din sa Pastoral ng aming kapilya. Nuestra Señora Del Rosario chapel, sa pag payag at pag bigay suporta sa aming grupo. Maraming salamat din sa mga camarero ng buong brgy ugong, buting, taguig at pateros. Sa mga bumasa, KILUS choir, Apostolada ng panalangin, sakristan ng kapilya, MPC at sa iba pa.

Hindi magiging matagumpay ang aktibidad na ito kung hindi dahil sa inyong suporta.

Sa susunod na taon po ulit!

Ang mga larawan ay ang mga banal na imahen na lumalabas sa taguig, pateros, Buting at brgy. Ugong.

Ang kuhang larawan ay sa Joseph Bernardo Media

Maraming salamat po!

20/03/2023

Malapit na!

Isang paanyaya para sa lahat.

Ang Samahan ng Camarero de Nuestra Señora, ay magsasagawa ng Pabasa ng Pasion sa Marso 25, 2023 - simula 8 ng umaga. Ito ay kakalahukan ng mga imaheng pang prosisyon ng piling pamilya sa ating barangay at ilang imahe mula sa ibang lugar. Kasunod nito ang Lenten Exhibit na gaganapin sa Marso 26, 2023 na bukas para sa lahat simula 8am-10pm. Ito ay gaganapin sa Purok Dos covered court. Kayo po ay inaanyayahan na dumalo at makiisa.

12/03/2023

Isang paanyaya para sa lahat.

Ang Samahan ng Camarero de Nuestra Señora, ay magsasagawa ng Pabasa ng Pasion sa Marso 25, 2023 - simula 8 ng umaga. Ito ay kakalahukan ng mga imaheng pang prosisyon ng piling pamilya sa ating barangay at ilang imahe mula sa ibang lugar. Kasunod nito ang Lenten Exhibit na gaganapin sa Marso 26, 2023 na bukas para sa lahat simula 8am-10pm. Ito ay gaganapin sa Purok Dos covered court. Kayo po ay inaanyayahan na dumalo at makiisa.

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 16/01/2023

Makikita sa larawan ang paglahok ng imahen ng Sto. Niño de Cebu ng Brgy. Ugong Pasig sa bambino festival 2023.
Nilahukan ng iba't ibang imahen ng bawat brgy sa buong pasig.

Viva! Sto. Niño de Cebu!
Viva! Sto. Niño de Pasig!

Ang Kuhang larawan ay sa Media ng Inmaculada Concepción ng Pasig.

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 14/01/2023

22nd Bambino Festival
Brgy. Ugong Pasig City

Sto. Niño de Cebu

Thankyou brgy. Chairwoman Liz Santiago and Council for trusting Camarero De Nuestra Señora!

See you later mga kapwa camarero!

Viva! Sto. Niño de Pasig!
Viva! Sto. Niño de Cebu!

05/01/2023

Ang makikitang imahen ay ang opisyal na Sto niño ng Camarero De Nuestra Señora , sa ilalim na titulong Sto. Niño del Santissimo Rosario.

Inihango ang titulo sa patrona ng Barrio Ugong na Nuestra Señora del Rosario.

Viva! Sto niño!

Photos from Camarero De Nuestra Señora's post 31/12/2022

Enero 1, 2022
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos.

"Ang puso ko'y nag pupuri, nag pupuri sa panginoon. Nagagalak ang aking Espiritu sa'king tagapag ligtas"

Aba ginoong maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay sumasa iyo, bukod kang pinag pala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.

Santa Maria, ina ng Diyos ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamatay. Amen.

Nuestra Señora Del Rosario de Barrio Ugong, ipanalangin mo kami!

Ang makikita sa larawan ay ang imahen ng patrona Y protectora del barrio ugong.

Bilang pag diriwang ng dakilang kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos.

24/12/2022

"isang dalaga'y mag lilihi batang lalaki ang sanggol, tatawagin siyang Emmanuel at ang kahuluga'y nasa atin ang Diyos!"

Isang mapag palang pasko sa bawat pamilya, nawa'y gawing makabuluhan, puno ng kasiyahan,pag bibigayan at pag mamahalan ang kapuskuhang ito.

Mula sa Camarero De Nuestra Señora ,Maligayang Pasko po!

Photos from Katolikong Litratista's post 21/12/2022
01/12/2022

Paanyaya!

Ang samahan ng Camarero de Nuestra Senora ay nag hihikayat sa mga edad 15 hanggang 30!
Upang maging miyembro ng grupo. Ang nga nag nanais makibahagi sa pag aalaga sa imahen ng ating patrona ay mangyari lamang mag bigay mensahe sa page na ito.

Maraming salamat!

Ad Iesum, Per Mariam
Pueblo Amante de Maria

Photos from Katolikong Litratista's post 17/11/2022

💙 🤍

12/11/2022

Maligayang Kapistahan! Barrio ugong!
Nawa'y maging masigla, masaya ang bawat pamilyang mag diriwang sa pistang pasasalamat ngayong taon!

Viva! Nuestra Señora Del Rosario!

Nuestra Señora Del Rosario, Ipanalangin mo kami!

Bukas po araw ng ating kapistahan ay matutunghayan muli ang dance of joy sa ating barrio sa ganap na ika 9 ng umaga matapos ang misa ng 8 ng umaga.

10/11/2022

Bilang pag hahanda sa nalalapit na pistang pasasalamat ng Barrio Ugong, ang orihinal na imahen ng patrona del barrio ay muling lalabas para sa kanyang Prusisyon sa Bisperas ng kapistahan sa darating na Noviembre 12, 2022 (Sabado) pag katapos ng misa.

Ang lahat ay inaanyayahang mag alay ng dasal sa pag daan ng orihinal na imahen sa buong barrio Ugong.

Want your business to be the top-listed Event/venue in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Original image of Nuestra Señora Del Rosario de Ugong

Category

Website

Address

C Santos Street Brgy. Ugong Pasig
Pasig