MGA Pasigueñong SENTI

MGA Pasigueñong SENTI

Ito ang tunay na sentimyento ng mga Pasigueñong gustong mag-move-on.SAMA-SAMA tayong alamin ang kuw

02/07/2020

Araw ng Pasig... Mabuhay!!! Gising update! Mag-ingat sa PALABAS! Mabuhay mga Senti!

19/06/2020

Lokohin n'yo Lelang n'yo, huwag ang Lelang namin!

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 12/06/2020

Huwag niyo kaming busalan dahil lang taliwas sa pananaw nyo ang katotohanang nilalatag namin. Hindi ito PR stunt at Publicity na ginawa ng normal ngayon sa Pasig.
Karapatan naming punahin ang aming mga pinuno at panagutin sa kanilang kilos, salita at pangako. Walang fake news dito, walang kaming batas na nilalabag, hindi paninira ang katotohanan. Karapatan naming magtanong at magsuri. Huwag niyo kaming idikit sa sinumang pulitiko kapag nabubuking at nasasagasaan ang interes ninyo. Wala kaming pake sa pulitika at ambisyon niyo.
Tungkol sa Senti ng mga Pasigueño ang page na ito, kung hindi mo kayang galangin yun, huwag kayo dito.

04/06/2020

Realtalk, mararamdaman mo kung taos sa puso ang pagtulong ng isang tao. Ganito na ang naging new normal sa Pasig mula ng nagsimula ang palabas ni Lawhi.

02/06/2020

Magsuri mga Senti, hindi lahat ng sinasabi sa mainstream at social media ay puno ng katotohanan. Sa panahong ito kailangan matuto kang tumimbang at magsuri kundi paiikutin ka ng PR ng mga makapangyarihan at maimpluwensang pandemic star.

01/06/2020

Di bale ng bagsak sa Social Distancing, Transparency, Mass/Expanded Testing, Contact Tracing, Barangay Coding Implementation, Food Aid Distribution,Worst Bottleneck in Metro Manila at kulelat sa mga ayuda, basta ang mahalaga araw-araw ang pamedia para matupad ang pangarap na maging pandemic star. Magsuri... Ingat mga SENTI.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 29/05/2020

Ang siste ay palabasing alam ni kumag ang ginagawa niya. Na nangingibabaw siya sa lahat ng pinuno. Na naka-survive siya sa pandemya with flying colors (obviously color yellow & red). Para maitago ang kahilawan niya, ang kakulangan niya sa kilos, ang pagka-kulelat niya, ang kanyang dunong-dunungan na walang namang sense at higit sa lahat ang kanyang pagsisinungaling hindi lamang sa mga Pasigueño kundi sa mga Pilipino (ibang level na ito noh).

Kung mapapansin niyo, simula na naman ang sabay-sabay na propaganda, todo build-up na pa-media, agresibong branding kay kumag, walang tigil na Black PR, publicity to the max at pang-iistir upang makalikha ng isyu na kahit ang pangulo ay maaapektuhan (protect Vico kuno, bakit?). Sabay deny kunyari si kumag, siyempre gamit ang media. Independiyente daw siya, HA? ganyan katinding manggoyo yan. Magsuri tayo mga senti, ibang level na ito, ginawang entablado ang Pasig, pero hindi pa daw siya namumulitika ng lagay na yan. At sa pagbubukas ng GCQ sa NCR, kanilang ipinakikilala ang kanilang pinu-push na PANDEMIC STAR! Nakakaawa lang talaga ang mga nahihypnotize ng political hype na ito, lalo na yung mga Pasigueñong o mga pinoy na paniwalang-paniwala sa sinusubo ng mediang kurap.

Ang PART 1 nito - https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273706793994993&id=110069480358726

28/05/2020

Bigtime ka, kapag ang PIO mo ay ang media... pag may problema o isyu ka, media to the rescue. Sa ere bida siya kuno sa performance, pero sa totoong buhay kung hindi siya kulelat, late o kapos sa gawa... kung hindi mangongopya hindi papasa, parang iskul bukol lang di ba? Spoiled talaga ito si Lawhi, kung ano man ang gusto niyang sabihin siguradong maririnig, kahit walang sense. Kahit wala namang ginagawang kakaiba at underwhelming ang performance, aba bida pa rin - Kase pinasisikat - obvious naman di ba? Kaya sa kanya madalas nakatutok ang camera, hindi dun sa mga karapatdapat.

Alam naman ng lahat na hindi siya maka-Duterte (magaling lang itong mang-stir at mambola), kaya kapag ok ang hangin playsafe siya sa pangulo (kahit halata diring-diri siya), pag may banat ang ang dilaw, ladlad at ume-effort si Bratenela... kaya yung sabihin niyang - hindi daw siya DILAW... OH COME ON!!! Ang malupet n'yan eh baka may naniwala pa rin sa bola niya. Binabaliktad niya kunyari ang lahat kase unti-unting nakikita ng mga tao ang malaking papel niya sa pulitikahan sa Pilipinas - na gustong-gusto niya (kunyari ayaw, fake talaga).

Nahahalata din ng lahat na malayo ang focus niya - hindi sa Pasig... So arya na naman ang style niyang "FAKE IT 'TILL YOU MAKE IT"... Sabay drama na focus daw siya sa Pasig, oh come on!!! Hindi kailangan ng PUBLICITY para patakbuhin ang LGU, pinatunayan na yan ng maraming Mayor sa Pilipinas, na hindi man lang nahagip ng camera kase lahat ng media nakasunod sa iyo. Kung talagang naka-focus ka sa Pasig... Eh bakit hanggang ngayon nganga pa rin ang mga Pasigueño, habang pinupulitika mo ang mga hindi kampi sa'yo (Hindi niyo yan mapapanood sa TV). Kaya kahit ayaw naming mga Pasigueño, wala kaming magawa kundi panoorin na lang ang palabas mo sa TV - kase ikaw lang ang palabas.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 26/05/2020

Ang galing mo sa palabok, pero palagi namang kulelat sa kilos. Kaligtasan ng mamamayan ang priority dito hindi kaligtasan ng image mo... sakay ka lang ng sakay sa isyu para magmukha kang busy pero wala namang nangyayari.

25/05/2020

Karapatan po natin na pumuna, umangal at mang kritiko upang mayroong maglahad ng magkabilang angulo ng kuwento. Huwag tayo papayag na sugpuin ang ating kalayaan. Marami pong troll pages si Mayor Lawhi at ayaw nilang nasisita ang mga mali nilang gawain.

24/05/2020
Cebu City, NCR must ‘continue significant restrictions’ – experts 24/05/2020

For NCR and Cebu City, the number of new COVID-19 cases is still very high.

Cebu City, NCR must ‘continue significant restrictions’ – experts CEBU CITY, Philippines -- The national government must ‘continue significant restrictions’ in areas high-risk of the coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak such as Cebu City. This was

22/05/2020

Nakasalalay sa isang mahiwagang Masterlist kung masasagip ng PSAP ang mga kababayan nating naghihikahos sa gitna ng pandemyang ito. Isang masterlist na kasing gulo, hindi maaasahan, walang katiyakan at kasing hilaw ng pinuno na kahit pandemya na ay namumulitika pa rin.
Tanong:
Hindi ba malaki ang maitutulong ng mga taga-Barangay upang mapabilis ang lahat - sila ang nakakakilala sa mga pamilyang nakatira sa kanilang nasasakupan? Nakikipag-ugnayan ba sila sa mga taga-barangay?
Panahon ba ito para unahin na naman ang data gathering? Ang mga mas nangangailangan ng PSAP na yan ay walang computer o hindi marunong mag-computer para mag-register pa online. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?
Maasahan ba ang minadali na namang data gathering scheme ni Lawhi? Totoo ba ang mahiwaga at kahina-hinalang masterlist ni Lawhi? May masterlist nga ba?

Ginogoyo na naman ba tayo na lahat ay mabibigyan? Pareho ba ang sinasabi ni Lawhi sa totoong nangyayari sa Pasig?

Visualizing the History of Pandemics 21/05/2020

Visualizing the History of Pandemics

Visualizing the History of Pandemics The history of pandemics, from the Antonine Plague to the ongoing COVID-19 event, ranked by their impact on human life.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 19/05/2020

Parang pagong ang lahat pero hulaan niyo kung sino matulin sa kanila. Kahit ang babagal nito, pagpinanood ninyo sa TV ito - ang tulin nito.

16/05/2020

Kung hindi mo pa siniseryoso ang pandemyang ito, panahon na para ibahin ang iyong kaisipan at humanda sa bagong klase ng pamumuhay. Huwag agad maniniwala sa mga pambobola at mga pa-media. Maging mapanuri, maingat at tumulong sa kapwa... kailangan natin ang isa-isat upang malagpasan ito. Huwag nating sayangin ang sakripisyo ng mga bayaning nagunguna upang sugpuin ang pandemyang ito. Do your part and stay safe mga Senti.

15/05/2020

Buti pa yung mga bills may katiyakan, yung mga pambobola at announcement hanggang media na lang. Alin ang naiba sa Utitilty Bills vs. Pasig Supplemental SAP? Magmuni-muni muna mga Senti habang nagiintay ng ayuda.

Materials from the May 13, 2020 Palace Press Briefing 14/05/2020

From the May 13, 2020 Palace Press Briefing | Phased Transition from ECQ to GCQ

13/05/2020

Payong Senti... New normal, new mind set. Hango sa fundamental law of protection.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 12/05/2020

Siyempre hindi naman tayo ang masusunod( tinalaga tayo na modified enhanced community quarantine ), pero base sa kalagayan natin dito sa Pasig, ano sa inyong palagay ang bagay sa atin? Para sa inyong basihan naglagay din kami ng mga info update mula sa DOH Covid-19 Tracker, COVID-19 Stats Philippines at covid19Philippines.com. (Kasama na ang paliwanag tungkol sa mga klase ng community quarantine) Ano sa palagay ninyo mga Senti?

10/05/2020

Happy Mother's Day

09/05/2020

Happy Mother's Day!

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 08/05/2020

Nakakasawa na yung mga pambobola, pa-media at pa-cute na post na nilalayo tayo sa mas mahalagang bagay upang matapos na ang pandemyang ito.

07/05/2020

Umpisa na ang bigayan ng Supplemental SAP. Ngunit marami pa ring katanungan ang iba tungkol sa guidelines. Ang malinaw, sapat ang pondo ng Pasig upang mabigyan ang lahat ng nangangailangan.

06/05/2020

Mabawasan kaya ang pa-media ni Lawhi? Tuloy ang palabas.

- Ang legislative franchise ng ABC CBN ay para sa 25 years lamang alinsunod sa Republic Act No. 7966 at nagexpire last March 4, 2020. Ang gobyerno pa rin ang may ari ng radio at tv frequency at ipinahiram lamang ito sa ABS CBN.

- May Quo Warranto Petition na inihain ang Solicitor General na nagsasabing maraming paglabag sa Saligang Batas at batas ang ABS CBN at dapat maforfeit ang franchise nito. Isa na dito ang pagbebenta ng pay per view sa free channels at pag-allow ng foreign ownership.

- Tanging Kongreso lamang ang pwedeng magrenew ng franchise ng ABS CBN. Walang kapangyarihan ang NTC na iextend ang operation nito.

- Since 1957, tinawag ang ABS CBN na kingmakers dahil sa kakayahan nilang magluklok ng mga pinuno ng bansa kahit isa lamang silang korporasyon at dahil sa kapangyarihan na ito, ang Lopez family ay tinawag na oligarchs.

- Malalim ang utang na loob ng mga Lopez sa mga Aquino at meron silang bias against the current administration. Wala kasi silang kapangyarihan at benepisyo na natatanggap kapag hindi mga kandidato nila ang namumuno sa bansa.

- Ito din ang dahilan kung bakit ganon na lamang ang pagpromote nila sa mga katulad ni Lawhi na kahit baguhan sa pulitika ay halos araw-araw ang media coverage. Obvious din na favorite sila ni Lawhi dahil mahigit 1 taon na naka pinned tweet sa Twitter page niya ang interview sa kanya ni Karen Davila sa ANC, isa sa cable channels ng ABS CBN. Obviously, hindi ka naman ipropromote ng isang malaking media company kung wala silang makukuha sa iyo di ba? Kaya nga sila tinawag na kingmakers eh.

Puwede naman maging neutral eh bakit obvious na obvious naman ang pagkiling at pag-push ng ibang media sa wala namang "ginawang kakaiba" na pulitiko tulad ni Lawhi... kayo na po ang magsuri tungkol sa isyu ng ABS-CBN at kung gaano kalawak ang kapangyarihan ng media (kakayahan nitong bilugin ang ating isipan). Bilang Pasigueño, ang concern lang ng mga Senti ay kung gaano ito naging instrumento sa palabas ni Lawhi.

References:
https://drive.google.com/file/d/11Iz7INNLq0byxmxlOYo4I2XuqQCx7FvS/view?fbclid=IwAR0SDpo61rtXu4aJBiCWj1S1Tz_iOk324lMrkbUpPBIr0csvUxAcJr-I9Z4

https://www.manilatimes.net/2020/02/14/opinion/columnists/topanalysis/abs-cbns-disgusting-betrayal-of-the-country-and-blatant-violation-of-its-franchise/685732/

https://www.facebook.com/799474206788126/posts/2925844077484451/

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 05/05/2020

Maraming hindi pa nakakatanggap, hindi ka nag-iisa. Kulang daw ang permit ayon sa isang source, kaya huwag sisihin ang mga kapulisan.
Para sa may mga permit na, anong masasabi ninyo? Malinaw ba ang mga patakaran o sistema?
Sa mga wala pa, anong say niyo?
Masanay na tayong lagi late ang serbisyo sa Pasig, yan siguro ang "new normal" laging late ang Pasig - pero sa media laging una, araw-araw televise pa - kahit huli na at nangopya. Sa totoo lang, di ba?!

For now, huwag na tayong lumabas kung walang permit o kung hindi natin "turn", para sa ikabubuti ng lahat

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 02/05/2020

Kaya pala pinalalabas niya na Flattening the curve na sa Pasig, kase yung ibang lugar unti-unti ng nakikita ang resulta NG KANILANG MASS TESTING.- Pasig waley pa. Sa media pinalalabas ng mga friends ni Lawhi na nauuna na naman siya - siya na naman ang bida - nagpa-flatten na ang pambobola.

Ito ang hindi bola:

- From March 16 to April 30, 17 times out of 46 days lang nagpost ng COVID Cases Updates ang Pasig PIO.
- New and Death Cases are still being reported up to now.
- No report being posted on number of people getting PCR Swab Tests unlike other LGUs like Valenzuela and Makati.
- No Mass Testing but only Target Testing of frontliners, probable and suspect cases. Asymptomatic patients not being tested.
Conclusion: Hanggang walang sapat na mass testing na nagaganap - at least 1% ng Pasig population (est. 8,517), hindi masasabing may flattening ng curve. Mas madaming tests, mas reliable ang data o chart.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 01/05/2020

Sino ba ang hindi gusto na mag-flatten ang curve? Ang sarap sanang isiping totoo - kaso HINDI NAMAN at alam niya yan. Sabi ni Lawhi noong kanyang FB Live noong April 27, nag-flatten na daw ang curve for COVID 19 sa Pasig. Recently, nagpakita pa siya ng chart pero hindi naman yun ang resulta ( "CHERRY PICKING" na naman - style LAWHI). Bakit kailangan pang bolahin at paikutin ang mga isip ng Pasigueño, katulad din ng mga boka niya sa media na ang pakay lang ay publicity. Pagsisilbi ba sa bayan ang tawag diyan? Ano ito lokohan?

Sa twitter post niya broad-based testing lang daw ang kaya ng Pasig, sa CNN naman mass testing daw tayo. Eh asaan na ang mass testing sa Pasig? Meron lang ay broad testing for frontliners, PUIs, PUMs at Persons at risk. Ang matindi, wala din nilalabas na data ang Pasig kung ilan at sino-sino ang nagundergo ng Polymerase Chain Reaction Test (PCR). As of now, ang nilabas lang niyang data ay yung 875 rapid testing for frontliners which is deceiving kasi ang results nito ay hindi sinasasama sa Confirmed Covid 19 Cases. Taliwas din ito sa sinabi niyang mauuna itest ang mga PUIs at PUMs.

Ayon sa 10% benchmark na itinalaga ng World Health Organization, dapat meron at least 3,250 patients na undergo ng PCR/Swab Tests for the 325 confirmed cases (as of April 30) - yun ang pwudeng pagbatayan ng sitwasyon sa Pasig. So paano naging enough yung testing eh ang MOA with Medical City was signed on April 15 lang at ang capacity lang nito ay 200+ per week? Hindi na rin nagrereport ang Pasig ng anumang data sa number of PUIs at PUMs at persons monitored thru contact tracing. Wala ding binigay na abiso kung magkakaroon ng mass testing before May 15. Given na nakatago ang data, ang nagflatten lang talaga sa Pasig eh yung tiwala kay Lawhi dahil sa hilaw na pamumuno at istilong panggogoyo. Ito ba ang kailangan natin sa panahon ng pandemya? Magsuri mga Senti.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 30/04/2020

"False Narrative" sa madaling salita, panggogoyo! Bakit kailangan bolahin ang mga Pasigueño tungkol sa flattening the curve ekek kung wala ka namang mass testing at hirap na hirap kang ipatupad ang social distancing sa lugar mo. Katulong mo pa ang media sa pag-cocover-up ng mga kakulangan at kahilawan mo. Pati din sa pag-build-up sayo sa mainstream media kahit wala ka namang ginawang kakaiba kundi mangkopya at gumawa ng stir (yan DAW yung city's innovative at out of the box measures). Kapag napupuna ka tungkol sa Social distancing, sa barangay mo isisisi. Kapag tungkol sa Quarantine Pass naman, sa Pulis mo ibabanda. Tulad ngayon ang daming nalilito sa pamumuno mo, pero dinidistansya mo pa rin ang sarili mo sa mga isyu, para iba ang masisi at ikaw lagi ang bida. Style mo Bulok! Para may mapa-media lang kahit ano sasabihin kahit wala naman sense. Ano ba itong palabas na ito, bakit kailangan kang pasikatin sa buong Pilipinas? Kulay ba ng virus - DILAW?
Kung walang pupuna at magsusuri, mabubuhay na lamang kami sa pekeng palabas na nilikha mo. Ang kailangan ng tao ngayon sa gitna ng pandemya ay gabay, katotohanan at tulong hindi pambobola.
Kung "PANGGOGOYO" ang paguusapan malabo ng ma-flatten ang curve ng panggogoyo dito sa Pasig... kase yan na ang style mo ever since. Nasa iyo lahat ng advantage - popularity, laki ng pondo at dami ng resources... pero binubuhos mo lang sa Media, nakakasuya na. Hindi makakain ng mga Pasigueño ang "Sweet Talk" at boladas mo sa mainstream at social media. Yun ang katotohanan.

28/04/2020

PAANO NA KAMI KUNG WALA KAYO? Pagpalain kayo ng diyos. SALAMAT PO!

27/04/2020

Totoo ba ito? Bully alert sa gitna ng pandemya! Totoong bang bini-bully ni Lawhi ang mga hakbang ng kanyang council? Bintang mo gawa mo na naman!
Guess who, kung sino ang sincere at concern sa mga Pasigueño - si VM & Council o si Lawhi? O watch-out kayo, pagdating sa harap ng camera maiiba na yan... Magsuri Pasigueño.
Masyadong mahiwaga itong si Lawhi. Isa ka ba sa paniwalang-paniwala sa PUBLICITY ng prinsipe ng Pasig? Goodluck na lang sa'yo.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 23/04/2020

Pera ng Pasig ang ipamimigay na Supplemental SAP, Bilyon ang halaga nito at Sobra-sobra... Sistemang Lawhi ang pamamaraan, sistemang hilaw na walang katiyakan. Yari na naman tayo. Isa lang ang sigurado MAMI-MEDIA ito!

- As per Mayor Vico Sotto, beneficiaries ng Supplemental Social Amelioration Program ng Pasig for 200,000 families will come from the data na nakalap noong panahon ng Pamaskong Handog last year. Ang problema: very incomplete, unreliable at arbitrary ang listahan na ito dahil wala naman talagang sistema at methodology ang kunwa-kunwariang survey-taking na nangyari. Aminado din si Mayor Vico na incomplete ang data nila. Hindi sila humingi ng tulong sa barangay sa paggawa ng database, ngayon kasama sila sa distribution ng Supplemental SAP. Naku may masisisi na naman si Lawhi kapag pumalpak siya dito.

Base sa karanasan ng pamaskong handog noon, maraming sumobra ngunit maraming hindi nabigyan. Nakita natin na napunta ang sobra-sobrang Pamaskong handog sa mga konsehal at ibang tauhan ni lawhi at hanggang ngayon ay naging ayuda pa ito para sa mga graduating students. Bukod pa sa anomalya na may mga nakakapaguwi ng sobrang mga pamaskong handog. ACHE-CHE!

- Nangako si Mayor Vico na LAHAT ng pamilya sa Pasig na wala sa listahan ng DSWD ay tatanggap ng P8,000.00. Pero kung hindi naman lahat ng pamilya ay nabigyan ng Pamaskong Handog noong December 2019, at hindi lahat ng mahihirap ay nabigyan ng 400,000 food packs noong Marso, ano sa palagay niyo ang kahahantungan ng pinangako niyang ayuda sa lahat ng pamilya, mayaman man o mahirap - matututpad ba ito o pang-media leverage lang? Oh lights, camera... pasok ang pabida bebe!

Pahabol:
Pwude naman palang House to house eh, EH BAKIT PINALABAS PA ANG MGA TAO NOONG MGA NAKARAANG AYUDA? TAPOS PAG MAGULO, SISI PA RIN SA TAO. Ang Solusyon sa pandemyang ito ay kung maaari sana lahat ay mag-"STAY AT HOME ", di ba?

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 18/04/2020

Gusto ni Prince Covi na lagi siya ang bida, kaya iyan... pati ang pamumuno sa Pasig, na-virus na. Alamin natin sa mga Senti ang mga sintomas ng leadership na hilaw at may Corona V.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 16/04/2020

Patawag muna bago Sistema. Pinatawag muna lahat ng driver tsaka nagisip ng sistema kung paano mapapatupad ang Social Distancing. Alam mo na ang kahahantungan kapag pinapunta mo ang ganitong karaming tao sa maliit na espasyo ng wala maayos na sistemang nakahanda. Pinatawag pero pinauwi din, pinahirapan at pinaasa... ang sakit noon para sa mga taong walang balak lumabag sa batas ngunit sila pa ang sinisisi kung bakit walang disiplina - umuwi walang bitbit kundi sama ng loob. Sila'y pagod, gutom at nangangailangan kaya susunod sila kung saan mo sila aakayin, kung walang maayos na plano ang resulta siyempre magulo. Sa ganitong sitwasyon, may pagkukulang ang namumuno.

Hindi kataka-taka kung bakit hindi makita ng mga Pasigueño ang resulta ng ibinibida ng kanilang Mayor kapag ito'y nakaharap sa camera at ginogoyo ang bansa. Malapit siya sa media, ngunit sagad ang SOCIAL DISTANCING niya sa pulso ng mga Pasigueño.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 14/04/2020

Ano ba talaga meron? Halatang-halata naman na puro hype lang itong si Mayor Lawhi. Wala namang kakaiba sa ginagawa, konting kibot lang, laman na agad ng news... tindi ng build-up teh. Kahit pang news lang ang mga statement, hindi naman ganun nangyayari sa totoong buhay. Laging bida sa usapin pero yung mga totoong bida, ayun mga Pasigueño hanggan ngayon... kagulo! Pasigueño Naman! Acheche!!!
Eh bakit nga ba yung ibang totoong magagaling na pinuno eh hindi hina-HYPE sa news?

07/04/2020

Kanino bang pakana itong drama sa gitna ng pandemya? Pakana ba daw ito ng Malacañang para ipitin ang kumag? Pakana ba ito ng dilawan at pulahan para mapanchin ang kanilang bebe, upang makalikha sila ng dahilan para magalit ang tao sa pangulo? May bahagi ba dito ang mga biased na media upang umayon tayong lahat sa pinalalabas nilang katotohanan kuno? O sadyang nakita lang ng NBI na pagkatapos magpapanchin at magpasaway nitong si Kumag ay hindi pa naman talaga ito nag-comply sa derektiba, may mga bumabyahe pa rin ba na public transpo o laganap pa rin ang paglabag sa social distancing sa Pasig, so nararapat lang mapaliwanag. Kase totoo naman. kase wala namang kaso pa, sulat lang, pinagpapaliwanag lang. OA naman ung iba!
Eh, sino ba talaga ang nagsimula ng pagimik na ito, walang iba naman kundi ang kumag. Protekkumag n'yo ngala-ngala n'yo.

OH GISING NA EVERYBODY, BALIK TAYO SA PANDEMYA! MAG-COMPLY!
Hayaan nating magsubmit ng script este ng kanyang explanation yung batang gusto bumida sa gitna ng pandemya.
Masyado tayong nilalaro ng mga kumag, ginawang location set ang Pasig, tayo naman asa at abang lang sa consuelo de bobo. Palapakan sa umaagos na pag-asa.

Photos from MGA Pasigueñong SENTI's post 07/04/2020

Maging mapanuri mga Senti... huwag magpagoyo. Concentrate na lang sa totoong problema. Protect your family sa PAPANCHIN.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Category

Website

Address

Santolan
Pasig
1800
Other Bloggers in Pasig (show all)
The Deranged Writer The Deranged Writer
Pasig

💀 #Yes, I wear a mask sometimes. And according to some, I look like Bruno Mars underneath the mas

SamfCruzPhotography SamfCruzPhotography
Pasig, 1603

Professional and event photographer; travel, products, foods, advertising, baptismals, birthdays, pa

Dana Sergio Dana Sergio
Howard Village
Pasig, 4026

sipag lang

Sherwin Sherwin
Pasig

Maybunga Pasig

Mommy Lovydove And Family"Kalubak" Mommy Lovydove And Family"Kalubak"
Pasig

Hi Mga Momshie at Papshie!! Kung Bago Pa Lang Kayo Sa Page Ko Huwag Kalimutang Mag Like at I Follow Ito At P**i Subcribe Narin Ang Aking YT Channel salamat Po!!!

Ericoh legaspi Ericoh legaspi
DUHAT EXT
Pasig, 1611

KAYA KO TO GIMAWA UPANG IBAHAGI KO ANG PAGIGING KANSER SA ML JOKE FOR FUN LANG GUSTO KO LANG DIN NAMN MAGPASAYA NG TAO WELCOME KAYO DITO SA PUSO KO� ���

Kimmbly Kimmbly
Rosario Pasig City
Pasig, 1600

Alhamdulillah for everything

Papang Byaheros Papang Byaheros
Pasig

Lakwatsyerong probinsyano

engkanto vlog engkanto vlog
#9 Quirino Street Lifehomes1subd Rosario Pasig City
Pasig, 1609

di baleng tamad d naman pagod��

Manilyn basa Manilyn basa
Caingin
Pasig, 4026

JoanaBlog JoanaBlog
Pasig

personal

Paranormal Events Partner with Involve Paranormal Events Partner with Involve
3884, Gumamela Extension, Napico
Pasig, 1611

About paranormal world and beyond