Kiko Rustia
Chasing history! :)
Tignan ang highlights ng ating pangalawang taon noong nakalipas na 2023 sa pang publikong serbisyo na pinagkaloob ng mga Pasigueño sa atin.
Marami pa po tayo kelangan gawin, at marami pa po tayong magagawa lalong lalo na sa ating Committee on Environmental Protection & Human Ecology kung saan kelangan po natin mag tulong tulong upang malunasan at patuloy na problema natin sa basura at sa mga dumi ng alaga nating hayop.
Salamat sa pangunguna ng ating butihing Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Congressman Roman Romulo at sa buong suporta ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig. Maraming salamat din po kay Senator Raffy Tulfo para sa AICS na tulong pang pinansyal at kay Senator B**g Go sa assistance na binigay para sa TUPAD para sa mga Pasigueño.
Maraming salamat din po sa Pasig Swmo at sa Universal Robina Corporation sa lahat ng tulong sa Basura To Ayuda at aming mga Community Pantry at Barangay Fiesta 🙏🏻
Sa Community Pantry, 350 pax sa bawat 22 barangays.
Total of 7,700 pasigueños ang ating natulungang bigyan ng halos 8,000 kilos ng bigas at 7,000 kilos ng gulay sa ating mga community pantry. 🥬🥦
Maraming salamat sa ating opisina na bumubuo ng team Kiko 🙏🏻 sama sama tayo sa patuloy na pag lingkod sa ating mahal na lungsod ng Pasig. 💚
[ADMIN]
January 9, 2024
Feast of the Black Nazarene
Ipinagdiriwang natin ang di-mabilang na biyayang hatid ng ating Panginoon. Sa pag-aalab ng ating debosyon, nawa'y patuloy tayong gabayan sa ating paglalakbay ng pananampalataya. 🙏
Maligayang Lunes po! Andito po ang Schedule ng mga libreng Microchip at Anti-Rabies na bakuna ngayong linggo para sa ating mahal na mga alagang aso’t pusa! 🐕🐈 P**i contact nalang ang Veterinary Services Department of Pasig City para sa mga karagdagang detalye!
[ADMIN]
January 7, 2024
Happy 3 Kings Sunday!
Habang ipinagdiriwang natin ang masayang pagkakataon na ito, nawa'y gabayan tayo ng espiritu ng pagbibigayan at pagmamahalan sa buong taon. Patuloy nating ipamahagi ang kabutihan at kasiyahan sa mga nakapaligid sa atin. Sa pagtanggap ng mga biyayang dala ng Tatlong Hari, hinihikayat natin ang isa't isa na magpatuloy sa pagpapamalas ng kabutihan at kasiyahan. ❤
[ADMIN]
Happy New Year!
Taon-taon, laging may bagong pag-asa para sa ating mahal na Pasig. Sa pagtatapos ng 2023, napakalaking pasasalamat sa bawat isa sa inyo na nagbahagi ng kwento, pagsuporta, at pagmamahal.
Sa 2024, ang ating kolektibong layunin ay hindi lang ang pag-unlad ng ating lungsod, kundi pati na rin ang pag-unlad ng bawat isa sa atin. Sama-sama nating tahakin ang landas tungo sa mas maligaya at mas produktibong bukas.
Nais naming maging bahagi ng bawat hakbang tungo sa isang Pasig na mas nakatutok sa pangangailangan ng bawat isa, pati na rin sa kalikasan. Sa pagmamalasakit at pagsasanay ng maayos sa ating kalikasan, maaari nating makamtan ang isang mas maganda at ligtas na kapaligiran para sa lahat.
Sama-sama tayong magtanim ng pagmamahal sa kalikasan! 🌍💚
Maligayang Bagong Taon!
Bago pa man maging flooded ng pagbati ang inyong timeline... hayaan nyo mauna na kami ng aking pamilya 😍
Happy happy new year po sa inyong lahat!!🎆🧨🎇
Sa ating ama na nasa taas, pasalamatan natin sya sa lahat ng biyayang nagpasaya, at pati na rin sa mga pagsubok na humubog sa atin noong 2023....at pasalamatan natin sya sa bagong taon na ating haharapin na puno ng pagkakataon at pag asa!🙏❤️
Harapin natin ang 2024 sa piling ng ating mga mahal sa buhay, at nawa'y mapuno ang bagong taon ng mga masasayang ala-ala kasama ang ating mga pamilya!❤️
God bless po sa ating lahat!!
Mula sa Barangay Rustia, HAPPY HAPPY NEW YEAR!!!
Ps: ingat po sa mga paputok at alisto po sa ating kapaligiran para iwas sunog!
Magandang gabi po sa atin lahat!
Dalawang araw na lang, ay bagong taon na!
Makikiusap lang po ulit sa lahat ng Pasigueño...
Alam po natin na dahil sa dami ng celebrations at kasiyahan ngayong pasko at bagong taon, mas madami ang basura na napro-produce natin...
At pilit naman ng ating collector na ma-address ang dagdag pangangailangan sa collection na ito.
Pero para po din mas maayos at mabilis natin matugunan ang collection ng dagdag na basura, pakiusap po na magtapon po tayo sa tamang oras at sa tamang lugar po.
Ngayon, kung hindi po naka daan ang collector sa takdang oras, sabihan nyo po ako ng detalye at ako po ang makikipag coordinate sa collector natin.
Pero kung naka daan naman sa oras ang collector natin, sana po wag na tayo magtapon ng wala sa oras, at antayin na lang po ang kinabukasan para di maiwan sa lansangan ang basura natin..
Tulong tulong po tayo dito!❤️🙏
Maraming salamat po muli, and wishing everyone a blessed New Year!!
[ADMIN]
December 30, 2023
127th Death Anniversary ng ating Pambansang Bayani, Dr. Jose Rizal.🇵🇭
Sa ika-127 taon ng pagtatapos ng ating Pambansang Bayani, Jose Rizal, ipinagdiriwang natin ang kanyang buhay, gawain, at diwa ng pagmamahal sa bayan. Muli nating balikan ang mga aral na iniwan niya at ituloy ang pagtahak sa landas ng pambansang pag-unlad at katarungan.
Time check: 8:42am
First time sa buhay namin mag lechon ng ganito kaaga 😅
Happy birthday Kap Joel Dela Cruz! Salamat sa biglaan invite ngayong umaga ❤️
Muting Paalala po galing sa ating lokal na pamahalaan para sa ating mga kapwa Pasigueño ngayong darating na bagong taon! Para makaiwas sa disgrasya at sunog: Bawal po ang magpaputok!
🚫🧨🚫🎇🚫🎆
Live 🎥: 127th Anniversary ng Rizal Day sa Plaza Rizal
Confession:
Huling beses nanood ako ng pinoy movie sa cinema, MAGNIFICO... sa grabe ng iyak ko sabi ko ayoko na manood ulit ng pinoy movie sa cinema kasi alam ko iiyak ako ng grabe...
Kanina napilit ako ng Misis ko na sumama manood ng REWIND. Pinauna ko sila sa screening tapos humabol na lang ako dahil galing pa sa isang business meeting.
Sinadya ko tagalan yung meeting para susunduin ko na lang sila..kaso umabot pa ako sa last 20mins ng movie.
So ayun na nga, sumakit ulo ko at panga ko sa pag pigil ng luha ko na bumuhos din naman lalo na dun sa huling part 😭😭😭
Ayoko na talaga!!
Visited our Mama Nena and Tito Boy today ❤️
Mula sa aming pamilya.... Maligayang Pasko sa inyong lahat!🎄
Salamat sa pinaka maganda at pinaka mahalaga na regalo na naibigay nyo sa amin- ang pagkakaibigan, pagmamahal, at magandang samahan... Wala nang mas hihigit pa dito, kaya't salamat at naging bahagi kayo ng aming mundo. ❤️
Love,
Kiko, Cams, Pappu, Raine, Rai, and Raia Rustia 💚
Salamat sa Pasig City Parks and Playgrounds sa magandang Christmas Gift na to ❤️
Bumuka na ang bulaklak! Sobrang ganda ❤️ Thank you!
At salamat din sa lahat ng ng nagpadala ng regalo... di na sana kayo po nag abala, dahil ang pinaka mahalaga sa akin at wala nang papantay pa ay ang regalo ng ating pagkakaibigan at samahan ❤️
Pero thank u pa din hihi!
Eto at medyo bagsak pa din pakiramdam.. pero need gumalaw galaw na dahil sa mga mga family activities today 🤧
Double down na ng Berocca to at gamot hahaha, Trangkaso mawala ka na!!
Ilang oras na lang.... PASKO NA!!!❤️🎄❤️🎄
Pasensya sa mga imbitasyon na di ko madaluhan 😔 Nagtuloy-tuloy na ang aking trangkaso... hayaan nyo sana akong makabawi sa ibang okasyon 🙏❤️
Mag bilang paalala na din po ang aking lagay na uso po ang trangkaso o 'FLU' ngayon, lalo na't lumalamig na ang panahon.... at pati Covid cases medyo dumadami...
Di naman para wag na tayo magkaron ng mga pagtitipon at kasiyahan ngayong kapaskuhan, kundi para lang mag ingat tayo, magpalakas, at maging maingat lang ❤️
Health is wealth! At ang malusog na katawan ang best na regalo na matatangap ngayong kapaskuhan!
God bless po sa lahat at enjoy sa mga parties at gatherings! Sorry ulit at di ako maka join sa inyo, baka makahawa pa at maperwisyo ko ang pasko nyo hehehe 😅
Back to bed muna ako! 🤧🥱😴
Kaka gising lang at kulay green ang pasko 🎄😅🤒🤧
Christmas Trangkaso 🎄😭
Watching the 'Ano ang Kulay ng Pasko' play dito sa Quadrangle ng Cityhall... libre manood po ang lahat! Napaka ganda at dama ang mensahe talaga ❤️
Sinulat ito mismo ng ating konsehal Volta Delos Santos! ❤️
Hanggang Dec 22 lang po ito kaya't isama na ang buong pamilya!
..pero habang nanonood, eh nahanap ko na paano bubuksan ang lahat ng bintana ng City Hall... nandito lang pala sa harap ang instructions (2nd pic) 😅
Magandang magandang magandang umaga sa lahat!!!
Monday nanaman pero pasensya n at di ako makaka attend ng mga ganap sa City at sa mga invites... Christmas Family day ng mga junakis at may Christmas dance sila ❤️🎄 Medyo kabado na nga sila sa gagawin nila 😅
Hoping for you understanding po! Minsan lang maging chikiting mga ito at magka ganitong activities, and I wouldnt want to miss it, mahahalagang panahon at memories ito for them and us kaya susulitin ko na habang maliliit pa sila ❤️❤️
God bless po sa atin lahat!!
7days to go before Christmas!!! Yahoooo!! 🎄🎅🎁🧑🎄
Rain or shine (kahit walang shine kasi gabi na 😅), tuloy ang kasiyahan at gift giving natin para sa mga masisipag na empleyado ng ating City Hall!❤️
Gaya ng nasabi ko sa aking pagbati kanina, laking pasasalamat naming mga konsehal sa lahat ng tulong ng bawat isang kasama natin sa lokal na pamahalaan. Hindi po namin magagawa ang aming trabaho kundi din sa mga empleyado na kasama namin sa serbisyo ❤️
Happy holidays po sa ating lahat!!❤️ And looking forward ako sa mas pinalakas, pinaganda, at pinatamis nating pagsasama sa 2024!
[ADMIN]
December 14, 2023
Salamat ulit kay Senator B**g Go at kay Sir Andy Cheng sa tulong at pamimigay ng mga pampasaya sa ating mga TUPAD (TUlong PAnghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers) Program! Marami po ang na bigyan nyo po ng saya at biyaya. Congrats din sa mga nanalo ng bagong sapatos galing kay Senator B**g Go!
Day 2 ng Hearing para sa CLWUP at Zoning Ordinance
December 13, 2023
Sa loob ng halos 20 na taon ito po ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng ating lungsod ng Pasig, na nagkaroon ng Public Hearing para sa CLWUP at Zoning Ordinance kung saan na napakinggan ng 11th Sangguniang Panlungsod, City Planning & Development Office, at ng Local Zoning Board ang sentimyento at komento ng ating mga kapwa Pasigueño (Barangay Official, Civil Society Organization, HOA, at mga Negosyo) sa natatangi at wastong pag gamit ng mga lupain ng ating lungsod. Bilang chairperson ng committee on Land Use, obligasyon po natin maging patas at mapakinggan kung ang CLWUP at Zoning Ordinance ay katanggap tanggap. Sa pangunguna po ng ating butihing Mayor Vico Sotto, vice Dodot Jaworski at buong supporta ng Sangguniang Panlungsod ng Pasig sinisigurado po natin ang kinabukasan ng ating mga kapwa Pasigueño pag dating sa “Land Use.” Maraming salamat po ulit sa lahat ng dumalo dito, tuloy tuloy po ang ating tulungan sa pagbabago na hinahangad ng ating mahal na Lungsod Ng Pasig
Day 1 ng Hearing para sa CLWUP at Zoning Ordinance
December 12, 2023
Sa loob ng halos 20 na taon ito po ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng ating lungsod ng Pasig, na nagkaroon ng Public Hearing para sa CLWUP at Zoning Ordinance kung saan na napakinggan ng 11th Sangguniang Panlungsod, City Planning & Development Office, at ng Local Zoning Board ang sentimyento at komento ng ating mga kapwa Pasigueño (Barangay Official, Civil Society Organization, HOA, at mga Negosyo) sa natatangi at wastong pag gamit ng mga lupain ng ating lungsod. Bilang chairperson ng committee on Land Use, obligasyon po natin maging patas at mapakinggan kung ang CLWUP at Zoning Ordinance ay katanggap tanggap. Sa pangunguna po ng ating butihing Mayor Vico Sotto, vice Dodot Jaworski at buong supporta ng Sangguniang Panlungsod ng Pasig sinisigurado po natin ang kinabukasan ng ating mga kapwa Pasigueño pag dating sa “Land Use.” Maraming salamat po ulit sa lahat ng dumalo dito, tuloy tuloy po ang ating tulungan sa pagbabago na hinahangad ng ating mahal na Lungsod Ng Pasig.
[ADMIN]
December 11, 2023
Matagumpay na naganap ang Pasig City Solid Waste Management Board at Pasig City Task Force Manila Bay 4th Quarter Meeting kasama si Mayor Vico Sotto at lahat ng mga stakeholder na kasapi dito 😁
✅Isa sa mga tampok ay ang pagtingin sa mga materyales na gawa mula sa recycled na plastik mula sa ating Materials Recovery Facilities. Sa makita natin ang kanilang lakas, napakaka excite isipin ang potensyal na paggamit nito para sa mga hinaharap na proyekto.
✅Binigyan ang United Architects of the Philippines Pasig Chapter na tinanghal bilang Most Outstanding NAW Program 2023 para sa kanilang "Tindig Para sa Ilog Pasig" Project.
Ang mga tagumpay na ito ay nagbibigay inspirasyon sa ating layunin na pangalagaan ang kalikasan. Sama-sama tayong magtulungan para sa isang mas luntiang at maayos na Pasig City!
💚
Maraming sa Solid Waste Management Office - Pasig City pag organisa at pag asikaso ng ating 4th Quarter SWMB Meeting at sa lahat po ng dumalo🙏🏻👏🏻
URGENT HIRING!
Interested applicants may apply in person at the Main Office F. Manalo St. Bambang, Pasig City from Wednesday to Thursday between 8:30am to 3pm. Kindly bring your resume.
You may also email your resume at [email protected] with subject title "NAME OF POSITION" - Name"
[ADMIN]
December 13, 2023
Happy Fiesta Barangay Manggahan, Viva Santa Lucia!❤
Part 2: Ng Public Hearing ng Comprehensive Land & Water Use Plan (CLWUP) at Zoning Ordinance 2023-2032 sa pangunguna ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig, Committee On Land Use, at Pasig City Planning & Development Office ✅
Panoorin: Public Hearing ng Comprehensive Land & Water Use Plan (CLWUP) at Zoning Ordinance 2023-2032 sa pangunguna ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig, Committee On Land Use, at Pasig City Planning & Development Office ✅
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the public figure
Telephone
Address
Pasig, 1600
Giselle Sanchez is a world-class singer-stand up comedienne & host from the Philippines.
117 E. Rodriguez Jr Avenue
Pasig, 1604
Find your dream home or condo. Learn about our stock market journey. PRC RES18123818|DHSUD 4172777/8
Pasig
More than 30 years in the business and still counting NANETTE INVENTOR has firmly established herself as a multi-faceted performer: singer, comedienne, television and live host, re...
Pasig
Night Fix has a new schedule everybody! Wed-Fri 9-12am and sat 10-1am. Fridays is now Dancehall Ass grinding and s*x on the dance floor with your close on s**t! and saturdays is st...
Manggahan
Pasig, 1611
It's not the FUTURE that you're afraid of. It's repeating the PAST that makes you anxious.
Garnett Cor. F. Ortigas Jr. Road, Ortigas Center
Pasig
The wacky unscripted live radio!
Balibago Complex
Pasig, 4026
RESELLERS/RETAIL