IFI Parokya ng santa Maria Magdalena - Pililla, Rizal
Ang simbahang may adhikaing Hindi magbabago
ANG PARA SA DIYOS AT SA BAYAN
SANTACRUZAN AT FLORES DE MAYO 2024
MAYO 18 AT 19, 2024
KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT SA LANGIT NG PANGINOON
MAYO 9, 2024
5:00 PM - BANAL NA MISA
6:00 PM - PAGHAHATID SA. IMAHEN NG KRISTO NG MULING PAGKABUHAY SA TAHANAN NG PAMILYA MARISTELA AT CASTALONE
Ang mga Hermanos at Hermanas ng Santacruzan at Flores De Mayo sa Taong 2024
NORLAND F. FENIQUITO
Hermano
HANNAH LUANNE M. CASTALONE
Hermana
ELLAZAR JUSTINE T. MARANAN
Hermano
PRECIOUS ANNE I. CATUD
Hermana
MABUHAY!
ANG IKA - 98 TAONG PAGDIRIWANG NG SANTACRUZAN AT FLORES DE MAYO NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE SA PAROKYA. NG SANTA MARIA MAGDALENA PILILLA, RIZAL
1926 - 2024
ANG KAPISTAHAN NG
NUESTRO PADRE HESUS NAZARENO
JANUARY 9, 2024
"AMA KO..SUMILANG NAWA ANG AMING PAGSASARILI"
La Virgen Hermosa de Balintawak. 😍
Maligayang Kapistahan dakilang Patrona ng Simbahang Malaya , IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE!
Awit sa Ina at Bayan ng Pililla,
SANTA MARIA MAGDALENA…
IFI - Parokya ng Santa Maria Magdalena Pililla, Rizal
Umawit: Koro Magdalena
marianne Villegas
Jhaey Liyag Marcelino
Jayr Mataro Panganiban
Margarita Tolentino Gimena-Rones
Gwyneth Rones
Marnielle Gonzales
Titik at musika: Ret Maj Sixto Gimena
Sa Pagtugtog ni: Joel Flores (✝️)
Dakilang Kapistahan ng Apostol ng mga Apostol..
SANTA MARIA MAGDALENA
Ina ,Pintakasi at Patrona ng Bayan ng Pililla..
PANALANGIN KAY STA. MARIA MAGDALENA
O minamahal naming Maria Magdalena, Isinugo ka ng Panginoong Jesu-kristo upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay at ang dulot nitong kaligtasan sa lahat ng tao. Idalangin mo sa Panginoon na aming matamo ang biyaya ng tunay na pagkakilala sa Kanya at sumaamin ang Kagandahang-loob ng Diyos upang mahalin namin Siya katulad ng pagmamahal na iniukol mo sa Kanya. Ipanalangin mo rin na aming matamo ang biyayang ito (banggitin ang biyaya na nais makamit). Sa tulong ng iyong panalangin, ang mga biyaya na aming hinihiling ay magpasigla nawa sa aming puso upang mapaglingkuran din namin Si Jesu-kristo at luwalhatiin ang Ama sa patnubay ng Espiritu Santo ngayon at hanggang sa buhay na walang hanggan. Amen.
O MAGDALENANG MAPAGMAHAL: IPANALANGIN MO KAMI SA MAYKAPAL..
Ika-16 na taong Anibersaryo ng Mahal sa Señor Sepulkro de AGlipay…
Isang nakakabigla at nakakalungkot na balita ang pagpanaw nang isa sa minamahal nating pari sa Diyosesis ng Rizal at Pampanga. Ang iyong mga naiwang aral at kabutihan dito sa lupa ay mananatili magpakailanman. Ngayon ay kapiling kana ng ating Amang nasa Langit. 🖤
Hinirang ka ng Panginoon upang maging Saserdote ng kanyang Bayan
Saserdote ka ng Bayan
Saserdote ka ng Panginoon Magpakailanman.
Kapahingahang walang hanggan ang igawad Mo, Oh Panginoon sa aming kapatid na si Reberendo Padre Jhaybee Dela Vega at tumanglaw nawa sa kanya ang Liwanag na walang katapusan.
🙏🏻🤍
Ang Samahan ng Cofradia De Sta Maria Magdalena Pililla, Rizal ay lubos na nakikiramay at nag dadalamhati sa Paglisan ng ating Kapatid Reberendo Padre Joniboy Dela Vega, Kura Paroko ng San Geronimo, Morong Rizal.
Gabayan ka nawa ng Mahal na Señor Sepulkro De Aglipay at Patrona Sta Maria Magdalena tungo sa landas ng kanyang Kaharian ng ating Panginoon At nawa Dalhin mo ang Bango ng Kapayapaan na Hatid ni Santa Maria Magdalena tungo sa Langit. Mahimlay Nawa Siya sa Kapayapaan . Amen
Ako’y nagpapasalamat Oh Bathalang Maykapal, pagkat sumapit nang walang sakuna sa bagong araw…
maligayang ika-120 taong proklamasyon ng Pagkakatatag, SIMBAHANG MALAYA!!!
Viva Santa Maria Magdalena! Viva Apostola Apostolorum!!
Dakilang Kapistahan ng Apostol ng mga Apostol..
SANTA MARIA MAGDALENA
Ina ,Pintakasi at Patrona ng Bayan ng Pililla..
PANALANGIN KAY STA. MARIA MAGDALENA
O minamahal naming Maria Magdalena, Isinugo ka ng Panginoong Jesu-kristo upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay at ang dulot nitong kaligtasan sa lahat ng tao. Idalangin mo sa Panginoon na aming matamo ang biyaya ng tunay na pagkakilala sa Kanya at sumaamin ang Kagandahang-loob ng Diyos upang mahalin namin Siya katulad ng pagmamahal na iniukol mo sa Kanya. Ipanalangin mo rin na aming matamo ang biyayang ito (banggitin ang biyaya na nais makamit). Sa tulong ng iyong panalangin, ang mga biyaya na aming hinihiling ay magpasigla nawa sa aming puso upang mapaglingkuran din namin Si Jesu-kristo at luwalhatiin ang Ama sa patnubay ng Espiritu Santo ngayon at hanggang sa buhay na walang hanggan. Amen.
O MAGDALENANG MAPAGMAHAL: IPANALANGIN MO KAMI SA MAYKAPAL..
IKA-SIYAM AT HULING ARAW NG NOVENA SA KARANGALAN NI STA. MARIA MAGDALENA PATRONA NG BAYAN NG PILILLA
SI STA. MARIA MAGDALENA AY APOSTOL NG MULING PAGKABUHAY NI JESUS
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (20:11-18)
Si Maria'y nakatayong umiiyak sa labas ng libingan; yumuko siya at tumingin sa loob. May nakita siyang dalawang anghel na nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Jesus, ang isa'y sa gawing ulunan at ang isa nama'y sa paanan. Tinanong nila si Maria, "Ale, bakit kayo umiiyak?" Sumagot siya, "Kinuha po nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung Saan dinala”. Lumingon siya pagkasabi nito, at nakita niya si Jesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon. Tinanong siya ni Jesus, "Bakit ka umiiyak? Sino ang hinananap mo?" Akala ni Maria'y siya ang tagapag-alaga ng halaman, kaya't sinabi niya, "Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko. "Maria" ani Jesus. Humarap siya at kanyang sinabi, "Raboni!" - ibig sabihi'y ' 'G**o" "Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakapupunta sa Ama," wika ni Jesus. "Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos." Kaya’t si Maria Magdalena'y pumunta sa mga alagad at sinabi, "Nakita ko ang Panginoon!" At tuloy sinabi sa kanila ang bilin ni Jesus.
PANALANGIN KAY STA. MARIA MAGDALENA
O minamahal naming Maria Magdalena, Isinugo ka ng Panginoong Jesu-kristo upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay at ang dulot nitong kaligtasan sa lahat ng tao. Idalangin mo sa Panginoon na aming matamo ang biyaya ng tunay na pagkakilala sa Kanya at sumaamin ang Kagandahang-loob ng Diyos upang mahalin namin Siya katulad ng pagmamahal na iniukol mo sa Kanya. Ipanalangin mo rin na aming matamo ang biyayang ito (banggitin ang biyaya na nais makamit). Sa tulong ng iyong panalangin, ang mga biyaya na aming hinihiling ay magpasigla nawa sa aming puso upang mapaglingkuran din namin Si Jesu-kristo at luwalhatiin ang Ama sa patnubay ng Espiritu Santo ngayon at hanggang sa buhay na walang hanggan. Amen.
O MAGDALENANG MAPAGMAHAL: APOSTOL NG MGA APOSTOLES....
IPANALANGIN KAMI SA MAYKAPAL!!!
NOVENA SA KARANGALAN NI STA. MARIA MAGDALENA
IKA-WALONG ARAW
NASAKSIHAN NI STA. MARIA MAGDALENA ANG MULING PAGKABUHAY NI JESUS
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (28:1-10)
Nakaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng Unang Araw ng Sanlinggo, pumunta sa libingan ni Jesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang animo'y patay nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa mga babae, "Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya'y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya. Lurnakad na kayo at ibalita Sa kanyang mga alagad na siya’y muling nabuhay at mauuna sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo." At dali- dali silang umalis ng libingan. Pinagharian sila ng magkahalong takot at galak. At patakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari. Ngunit sinalubong sila ni Jesus at binati. At lumapit sila, niyakap ang kanyang paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Jesus, "Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!"
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN KAY STA. MARIA MAGDALENA
O minamahal naming Maria Magdalena, Isinugo ka ng Panginoong Jesu-kristo upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay at ang dulot nitong kaligtasan sa lahat ng tao. Idalangin mo sa Panginoon na aming matamo ang biyaya ng tunay na pagkakilala sa Kanya at sumaamin ang Kagandahang-loob ng Diyos upang mahalin namin Siya katulad ng pagmamahal na iniukol mo sa Kanya. Ipanalangin mo rin na aming matamo ang biyayang ito (banggitin ang biyaya na nais makamit). Sa tulong ng iyong panalangin, ang mga biyaya na aming hinihiling ay magpasigla nawa sa aming puso upang mapaglingkuran din namin Si Jesu-kristo at luwalhatiin ang Ama sa patnubay ng Espiritu Santo ngayon at hanggang sa buhay na walang hanggan. Amen.
O MAGDALENANG MAPAGMAHAL: APOSTOL NG MGA APOSTOLES....
IPANALANGIN KAMI SA MAYKAPAL!!!
NOVENA SA KARANGALAN NI SANTA MARIA MAGDALENA...
IKA-PITONG ARAW:
HINAHANAP NI STA. MARIA MAGDALENA ANG BANGKAY NI JESUS
Ang mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (20:1-10)
Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Jesus, at sinabi sa kanila, "Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!" Kaya't si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro'y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuloy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyomg ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya'y naniwala. ( Hindi pa nila nauunawaan ang nasasaad sa kasulatan, na kailangang muling mabubuhay si Jesus). At umuwi ang mga alagad.
PANALANGIN KAY STA. MARIA MAGDALENA
O minamahal naming Maria Magdalena, Isinugo ka ng Panginoong Jesu-kristo upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay at ang dulot nitong kaligtasan sa lahat ng tao. Idalangin mo sa Panginoon na aming matamo ang biyaya ng tunay na pagkakilala sa Kanya at sumaamin ang Kagandahang-loob ng Diyos upang mahalin namin Siya katulad ng pagmamahal na iniukol mo sa Kanya. Ipanalangin mo rin na aming matamo ang biyayang ito (banggitin ang biyaya na nais makamit). Sa tulong ng iyong panalangin, ang mga biyaya na aming hinihiling ay magpasigla nawa sa aming puso upang mapaglingkuran din namin Si Jesu-kristo at luwalhatiin ang Ama sa patnubay ng Espiritu Santo ngayon at hanggang sa buhay na walang hanggan. Amen.
O MAGDALENANG MAPAGMAHAL: APOSTOL NG MGA APOSTOLES....
IPANALANGIN KAMI SA MAYKAPAL!!!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Pililla
1910
Pililla
Ang Imahen ay matutunghayan sa Pandiyosesis na Dambana ng Sta. Maria Magdalena Pililla, Rizal.
Diocesan Shrine And Parish Of Street Mary Magdalene
Pililla, 1910
Fiat Volvntas Tva | OFFICIAL FB PAGE MMXXII
M. Bautista Street Brgy. Wawa Pililla Rizal
Pililla, 1910
"Kabataang Pro Deo et Patria"
Pililla
St. Joseph the Worker Parish Church Pililla Rizal in communion with the Anglican Church in the Philippines (Traditional)
A. Bonifacio Street Quisao Pililla Rizal
Pililla, 1910
Sitio Barak, Bgy Quisao, Rizal
Pililla, 1910
This page is used to witness the saving grace of Almighty God thru His Son Jesus Christ, His gift of eternal life with Him in heaven and the enabling power of the Holy Spirit to li...
M. BAUTISTA Street WAWA, PILILLA, RIZAL
Pililla, 1910
Samahan ng mga Aglipayano sa Bayan ng Pililla
Quisao
Pililla, 1910
A devotees of Patron San Diego De Alcala de Quisao Pililla Rizal.