Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club

Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club

Araling Panlipunan Department

09/04/2024

Ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan!

Ngayong araw, ika-siyam ng Abril 2024.Ating iginugunita ang Araw ng Kagitingan, kilala bilang “Day of Valor” at kilala rin bilang “Bataan day” ngayon ay atin itong iginugunita bilang pag alala sa pagbagsak ng Bataan noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Abril 9 1942, isinuko ni Major General Edward King Jr. ng Estados Unidos sa hukbong Japanese ang 76,000 sundalo, pagkatapos ng tatlong buwan na labanan sa Bataan. Ang mga sundalong Filipino, Americano at Tsinoy ay sapilitang pinalakad at sa huling yugto, patungong Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac ay ipinagsiksikan sila sa mga kotse ng tren na umaabot sa 140 km. Mahigit kumulang 54,000 sundalo lamang ang nakaabot ng buhay sa kampo dahil libo-libong sundalo ang binawian ng buhay sa “Death March” dahil sa init, gutom, uhaw, karamdaman at pagmamaltrato ng mga Japanese.

Kaya’t ating gunitain ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na buong tapang at paninindigan na ipinaglaban ang Bataan laban sa puwersa ng Hapon.

06/03/2024

Sa espesyal na araw na ito, hiling namin sayo ay maging masaya ka at malusog na pangangatawan.

Wishing you a very happy birthday. This year, you’ll achieve what you deserve,
and you deserve the very best in every way! Remember, your success depends on you.

Maligayang Kaarawan Kuya Rodney Sososco!

28/02/2024

Sa espesyal na araw na ito, hiling po namin sayo ay maging masaya at malusog po na pangangatawan.

Wishing you a very happy birthday. This year, you’ll achieve what you deserve,
and you deserve the very best in every way!

Maligayang Kaarawan po Ma’am Romualdez!

30/12/2023

“Rizal Day”

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas ay si José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Isinilang siya noong Hunyo 19, 1861. Sa Calamba,Laguna. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.

Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay, ang kanyang ina ang naging unang g**o niya. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagaaral sa Biñan, Laguna. Siya ay nakapag tapos ng Batsilyer sa Agham ng may mataas na karangalan sa Ateneo de
Manila noong Marso 23, 1876.

1877, ang kanyang pag-aaral ay ipinagpatuloy niya sa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos nya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany. Siya rin ay natutong bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko.

“Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ang kanyang dalawang nobela na naglalahad ng nga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Hunyo 18, 1892 siya ay umuwi ng Pilipinas at siya ay nagtatag ng samahan na tinatawag na “La Liga Filipina.” Ang layunin nito ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Hulyo 6, 1892 Siya ay nakulong sa Fort Santiago, Hulyo 14, 1892 siya ay ipinatapon sa Dapitan. Siya ay namalagi sa Dapitan ng apat na taon na kung saan siya ay nanggagamot sa mga may sakit at hinikayat ang mamamayan na magbukas ng paaralan at gayundin sa pagpapaunlad ng kapaligiran.

Setyembre 3, 1896 siya ay inaresto habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano. Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at muling ikinulong sa Fort Santiago.

Disyembre 26, 1896 napagbintangan siya na siya ang nagpasimula ng rebelyon laban sa mga kastila kadahilanan upang siya ay hatulan ng kamatayan.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang ang mga susunod pang henerasyon ay mamulat na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta)

"Upang mahinuha ang
tadhana ng isang nasyon,
nararapat na buklatin ang
aklat na naglalahad ng
kanyang kasaysayan"
-Dr. José P. Rizal

Ating ipagdiwang at magbigay pugay sa kagitingan at katapangan ng ating kasaysayan!

29/12/2023

Ilang oras matapos basahin sa kanya ang hatol na bitay noong December 29, 1896, mula 12:00 p.m. hanggang 3:30 ng hapon, naiwang mag-isa si Rizal sa kanyang selda sa Fort Santiago. Marahil sa mga oras na ito isinulat ni Rizal ang kanyang huling tula na kalauna'y pinamagatang 'Mi Ultimo Adios'. Sa oras na ito isinulat na rin ni Rizal ang kanyang huling liham para sa matalik na kaibigang si Prof. Ferdinand Blumentritt. Sa liham na kanyang isinulat sa wikang German, ipinagpaalam ni Rizal sa kaibigan na siya'y babarilin kinabukasan. Iginiit din ng bayani na siya'y inosente. Kinumusta rin ni Rizal sa kanyang huling liham ang asawa ni Blumentritt na si Rosa Muller, at ang mga anak nilang si Friedrich (Federico), Konrad (Conradito) at Dolores (Loleng). Nag-iwan din siya ng isang aklat bilang kanyang huling alaala.

Umiyak si Blumentritt nang matanggap ang balitang pumanaw na ang kanyang kaibigan. Nang humupa ang kanyang paghihinagpis, nasabi niyang "𝘚𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘦𝘹𝘦𝘤𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥, 𝘙𝘪𝘻𝘢𝘭 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘦 𝘮𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘺 𝘸𝘪𝘵𝘩𝘰𝘶𝘵 𝘩𝘦𝘴𝘪𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘥𝘢𝘺 𝘰𝘯𝘸𝘢𝘳𝘥𝘴, 𝘢 𝘯𝘦𝘸 𝘦𝘳𝘢 𝘰𝘧 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦 𝘩𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘩𝘢𝘴 𝘣𝘦𝘨𝘶𝘯."

Bilang pagkilala sa pagkakaibigan nila, ipinangalan kay Blumentritt ang ilang kalye sa bansa maging ang isang istasyon ng LRT.

25/12/2023

𝗦𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 '𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢' 𝗔𝗧 '𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦'?

Bagama’t walang eksaktong petsa ng kapanganakan ni Hesus, ipinagdiriwang ng nakararaming Kristiyano sa mundo ang petsang December 25 bilang anibersaryo ng kapanganakan ni Hesus. Ang pinakamatandang tala ukol sa pagdiriwang sa Pasko ay sinasabing naganap sa isang iglesia sa Roma noong 336 A.D. Bagama’t malabo ang tunay na dahilan kung bakit napili ang petsang December 25, nagkakasundo ang maraming historyador na ibinase ang petsang ito sa kapistahang pagano.

Ang salitang English na ‘Christmas’ ay nagmula sa salitang Old English na ‘Christes maesse’, na nangangahulugang ‘Christ’s mass’ o ‘festival of Christ’. Ang salitang ‘Yule’ naman ay nagmula sa salitang German na jōl o sa salitang Anglo-Saxon na geōl na nangangahulugang ‘feast of the winter solstice’. Tinatawag naman itong ‘Navidad’ (Spanish), ‘Natale’ (Italian), at ‘Noël’ (French) sa ilang wika, na may kaugnayan naman sa salitang ‘nativity’. Ang salitang ‘Christ’ mula sa Christmas ay nagmula sa salitang Griyego na Chrīstos (Greek: Χριστός), kung kaya’t minsa’y pinapaikli ang Christmas bilang Xmas.

Sa Pilipinas, tinatawag ang Christmas bilang Pasko. Ayon sa historian na si Xiao Chua, nagmula ang Pasko sa salitang Espanyol na ‘Pascua’, na tumutukoy sa malalaking pistang Hudyo (gaya ng Passover), gayundin sa misterio pascual o paschal mystery ng kapanganakan, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus.

Chua, Xiao (December 23, 2015). Ilang paglilinaw sa kasaysayan ng Pasko. Retrieved from https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/548900/ilang-paglilinaw-sa-kasaysayan-ng-pasko/story/

Fink, Jenni (December 25, 2019), Why Is It Called Christmas? The Origin and Meaning of the Name Explained. Retrieved from https://www.newsweek.com/why-it-called-christmas-origin-meaning-name-explained-1478918

Hillerbrand, Hans. Christmas. Retrieved from https://www.britannica.com/topic/Christmas

History.com (March 4, 2010). Christ is born? Retrieved from https://www.history.com/this-day-in-history/christ-is-born

22/12/2023

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗛𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗙𝗟𝗔𝗩𝗜𝗔𝗡𝗢 𝗬𝗘𝗡𝗚𝗞𝗢

Ngayong araw ginugunita ang anibersaryo ng kapanganakan ni Gen. Flaviano Yengko, isa sa mga pinakabatang heneral ng himagsikan, kahanay nina Gen. Gregorio del Pilar at Gen. Manuel Tinio. Binansagan bilang ang ‘Bayani ng Labanan sa Salitran’, si Gen. Yengko ang pinakabatang heneral na nasawi sa pakikipaglaban sa kasagsagan ng pakikibaka laban sa mga Espanyol noong 1896-1898.

Isinilang sa Tondo, Maynila noong December 22, 1874, karamihan sa mga impormasyong nalalaman ukol kay Yengko ay nagmula sa kapwa niyang heneral na si Gen. Jose Alejandrino. Noong una, wala talagang plano na sumali sa himagsikan si Yengko. Ngunit dahil minamaliit ng ama ng kanyang Cavitenang nililigawan, na isang makabayan at nakikisimpatiya sa mga rebolusyunaryo, minabuti ni Yengko na sumali sa rebolusyon. Upang patunayan sa ama ng kanyang iniirog na siya ay karapat-dapat sa kanyang anak, sumali si Yengko sa labanan sa Binakayan (Cavite) noong November 9-11, 1896. Ginawang kapitan ni Gen. Emilio Aguinaldo si Yengko kasunod ng labanan. Mula Biankayan, ipinagpatuloy yun Capt. Yengko ang laban sa Labanan sa Zapote (Las Pinas-Cavite) noong February 17, 1897, na nagdala sa kanya sa pagiging brigadier-general.

Noong March 1, 1897, sa pagtatangkang pigilan ang mga Espanyol na mapasok ang Imus, Cavite, nakipasagupa ang mga Filipino, sa pangunguna ni Gen. Yengko, sa mga Espanyol sa labanan sa Salitran (ngayo’y bahagi ng Dasmarinas, Cavite). Sa labanang ito napuruhan si Yengko matapos magtamo ng sugat sa tiyan. Agad na dinala si Yengko sa Imus, Cavite upang gamutin. Ginamot siya ng babaeng kanyang pinakamamahal, ang Cavitenang kanyang iniirog, matapos payagan ng ama ng babae ang anak na gamutin si Yengko. Dahil sa tindi ng pinsalang natamo, binawian ng buhay si Yengko makalipas ang dalawang araw, noong March 3, 1897, sa edad na 22.

Sanggunian:

[1] Ocampo, Ambeth (June 24, 2011), Love in the time of revolution
(Retrieved from https://opinion.inquirer.net/6833/love-in-the-time-of-revolution)

[2] Project Vinta, On this day: Birth of Flaviano Yengko
(Retrieved from https://web.facebook.com/pvinta/photos/a.1924058474508083/2854930734754181/)

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 12/12/2023

Yesterday, December 11, 2023 the Araling Panlipunan Club conducted VAWC orientation. This activity involves room to room visit aimed at promoting the law that protects women and children from violence and informing the learners the importance of respect and equality.

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 05/12/2023

December 4, 2023 Dampol 1st National Highschool (SHS) Joined the 18-days campaign to end Violence Against Women (VAW)

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 05/12/2023

December 4, 2023 Dampol 1st National Highschool (JHS) Joined the 18-days campaign to end Violence Against Women (VAW)

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 01/12/2023

"Photography: Capturing moments that become timeless memories."

INTRAMURALS 2023
DAY 3

Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club PHOTOBOOTH

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 30/11/2023

INTRAMURALS (DAY 2)

Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club
PHOTOBOOTH

Part 2

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 30/11/2023

INTRAMURALS (DAY 2)

Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club PHOTOBOOTH

30/11/2023

Sa espesyal na araw na ito, hiling namin sayo ay maging masaya ka at malusog na pangangatawan.

Wishing you a very happy birthday. This year, you’ll achieve what you deserve,
and you deserve the very best in every way! Remember, your success depends on you.

Maligayang Kaarawan Sebastian Miranda!

29/11/2023

"Bonifacio Day"

Ngayong araw, Nobyembre 30, 2023 ika-160 na kaarawan ni Andres Bonifacio. Isa sa bantog bayani ng ating bansa, panganay sa mga anak nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Si Bonifacio ay isinilang sa Tondo Maynila.

Si Bonifacio ay sumali din sa isang samahan na nagtataguyod ng reporma sa bansa, Ang La Liga Filipina. Nang ipatapon sa Dapitan si Dr. Jose Rizal, dito na itinatag ang Kataastaasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga anak ng bayan (K*K) nagkaroon ng dalawang asawa si Bonifacio. Una ang kanyang kapit bahay sa Palomar, Tondo na si Monica na namayapa sa ketong. Pangalawa ay si Oryang o Gregoria De Jesus—“Lakambini ng Katipunan”

Agosto 23, 1896 siya ang namuno sa tinatawag na Sigaw Pugadlawin, kung saan sabay-sabay na pinilas ng mga miyembro ang kani-kanilang mga sedula.

Marso 22, 1897 naganap ang kauna-unahang eleksiyon sa kasaysayan ng Pilipinas ang kumbensiyon sa Tejeros. Ito ay pinangunahan ni Bonifacio, kapalit ni Lumbreras. Si Bonifacio ay nagging nominado sa pagka-pangulo, ngunit mas lamang ang boto kay Hen. Emilio Aguinaldo.

Abril 27, 1897 naganap ang maikling labanan sa pagitan nina Bonifacio at Aguinaldo, dito namatay ang kanyang kapatid na si Ciriaco. Samantala, nahuli sina Andres at Procopio. Sumunod na araw, nilitis sa Indang ang magkapatid, kung saan sila ay nakasuhan sa sedisyon at pinirmahan ni Aguinaldo ang isang dokumentong pumapayag sa pagbitay sa magkapatid. Mayo 10, 1897 binaril ang magkapatid sa Bundok ng Nagpatong, Maragondon, Cavite.

Ating ipagdiwang at magbigay pugay sa kagitingan at katapangan ng ating kasaysayan!

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 29/11/2023

INTRAMURALS 2023
"Strike a pose and snag your memories in the flicker of a flash! 📸✨ "

Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club
PHOTOBOOTH

14/10/2023

𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Noong October 14, 1943 nang pasinayaan sa isang seremonya sa harap ng Legislative Building (ngayo'y National Museum of Fine Arts) ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Noong araw na iyon, nanumpa si José P. Laurel bilang Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Suportado ng bansang Japan ang republikang ito bilang bahagi ng kanilang mga plano na 'palayain' ang mga bansa sa Asya mula sa 'pananakop ng mga Kanluranin'.

Upang ipakita sa mga Filipino na maganda ang kanilang hangarin para sa Pilipinas, itinatag ni General Wachi Takeji, Director General ng Japanese Military Administration (JMA) at second-in-command ng Imperial Japanese Forces, ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI) noong December 8, 1942 – sa unang taong anibersaryo ng pagputok ng World War II sa Pasipiko. Ang KALIBAPI ay isang ‘non-political service organization’ kung saan ang mga kasapi lamang nito ang pinapayagang makapagsilbi sa pamahalaan. Tinatayang nagkaroon ng higit 350,000 mga kasapi ang KALIBAPI pagdating ng July 1943. Noong May 6, 1943, ipinangako ni Premier Hideki Tojo ang kalayaan sa Pilipinas. Ito ang naging hudyat sa pagkakabuo sa Preparatory Commission for Philippine Independence (PCPI) noong June 20, 1943, sa unang kumbensyon ng mga kasapi ng KALIBAPI. Ang PCPI, na binubuo ng mga kasaping pinili ng JMA mula sa KALIBAPI, ang siyang babalangkas sa bagong Saligang Batas na papalit sa noo’y 1935 Philippine Constitution.

Si Jose Laurel ang nagsilbing Pangulo ng KALIBAPI habang si Ramon Avancena ang First Vice President at si Benigno S. Aquino Sr. (ama ni Ninoy Aquino) ang Second Vice President. Muling pumili ang Japanese Military Administration (JMA) ng 108 na mga kasapi ng KALIBAPI para naman sa bubuuing National Assembly. Unang nagpulong ang National Assembly noong September 6, 1943 sa Legislative Building (ngayo’y National Museum of Fine Arts) sa Maynila upang ratipikahan ang 1943 Philippine Constitution na binuo ng PCPI.

Noong September 20, 1943, idinaos ang isang eleksyon para sa magiging kasapi ng bagong General Assembly. Hindi naging maayos ang halalan dahil sa kakaunti ang mga kumandidato, at nabigyan ng balota maging ang mga hindi kasapi ng KALIBAPI. Makalipas ang limang araw, September 25, idinaos naman ang isang pampanguluhang halalan para sa magiging Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Tanging mga kasapi lamang ng National Assembly ang maghahalal sa bagong Pangulo. Nais sanang tumakbo sa pagkapangulo ni Jorge Vargas, Chairman ng Philippine Executive Commission, ngunit binawi niya ito at sa halip, sinuportahan ang kadidatura ni Jose Laurel. Nagwagi sa halalan si Jose Laurel, ang kaisa-isang kandidato sa pagkapangulo, bilang una’t huling Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Noong October 14, 1943 nang pormal na pasinayaan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.

Sa pagbabalik ng mga puwersa ng U.S. sa Pilipinas, napilitan ang mga Hapon, kasama si Pangulong Laurel, na ilikas ang pamahalaan sa Baguio at kalauna'y sa Japan. Noong October 23, 1944, ipinanumbalik ni Gen. Douglas MacArthur ang Pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas at ipinawalang-bisa ang lahat ng mga batas na nabuo sa ilalim ng Ikalawang Republika. Dalawang araw matapos sumuko ang Japan, August 17, 1945, pormal na binuwag ni Laurel ang Second Philippine Republic. Isang buwan matapos magwakas ang Second Philippine Republic, isang desisyon ang inilabas ng Korte Suprema ng Pilipinas na nagpapawalang-bisa sa mga batas na nabuo sa ilalim ng Ikalawang Republika. Gayunman, kinikilala ng hukuman ang pagkakaroon ng Ikalawang Republika at isinama si Laurel sa talaan ng mga naging Pangulo ng bansa.

Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (2015). Philippine Electoral Almanac Revised and Expanded Edition

Presidential Museum and Library. Understanding the Second Philippine Republic. Retrieved from https://web.archive.org/.../5235-70th-anniversary-of-the.../

Project Vinta (October 14, 2020). Second Philippine Republic. Retrieved from https://www.facebook.com/.../a.192405847.../2796628127251109

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 13/10/2023

Naganap ngayon araw, Oktubre 13, 2023 ang panunumpa sa tungkulin ng mga nahalan na opisyal ng Araling Panlipunan Club!

Sa pagtanggap ng tungkulin ng mga opisyal ng Araling Panlipunan Club nagmumula ang bagong yugto ng paglalakbay tungo sa kaalaman at pag-unlad. Nawa’y Magsilbi at maging inspirasyon kayo sa inyong mga kapwa mag-aaral.

Sama-sama tayong magsikap para sa edukasyon at pagsulong!"

📘🎓"

25/09/2023

Ngayong araw ipinagdiriwang sa buong bansa ang ‘Kainang Pamilya Mahalaga Day’.

Alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas, kinikilala ng estado ang kahalagahan ng pamilya bilang isang saligang institusyong panlipunan at pundasyon ng bansa. Dahil dito, marapat na patatagagin ang kaisahan ng pamilyang Filipino. Bilang pagtalima sa Saligang Batas, idineklara ni noo’y Pangulong Fidel Ramos ang huling linggo ng Setyembre bilang ‘Family Week’ alinsunod sa Proclamation No. 60 na kaniyang nilagdaan noong September 28, 1992. Noong August 1996 naman nang kaniyang ideklara ang ikaapat na Linggo ng Setyembre bilang ‘Family Thanksgiving Day’ sang-ayon sa Proclamation No. 847. Noong September 2009 nang ideklara naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang huling Lunes ng Setyembre bilang ‘Salu-salo ng Pamilya Mahalaga Day’ base sa Proclamation No. 1895. Inamyendahan ito ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong January 2012 at tinawag na ‘Kainang Pamilya Mahalaga Day’ ang huling Lunes ng Setyembre base sa Proclamation No. 326.

Mahalaga ang pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan. Ayon sa pag-aaral, ang mga batang madalas na kasabay kumain ang pamilya ay mas may malawak na bokabularyo, mahusay sa klase, at nailalayo sa obesity, depresyon, paggamit ng iligal na droga, at paninigarilyo.

Fausto, Rose Fres (September 28, 2022). Family Week and family meals. Retrieved from https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2022/09/28/2212657/family-week-and-family-meals

Proclamation No. 326, s. 2012. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/2012/01/26/proclamation-no-326-s-2012/

21/09/2023

[From the archives]

𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥

September 21, 1972. Nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagsasailalim sa buong bansa sa batas militar. Sinipi ng administrasyong Marcos ang banta ng komunismo, partikular na ng Communist Party of the Philippines, rebelyon sa Mindanao, pambobomba sa Plaza Miranda, at kalauna'y pananambang kay Defense Minister Juan Ponce Enrile bilang dahilan sa pagdedeklara ng batas militar sa bansa.

Nagtagal ng halos isang dekada ang martial law sa bansa, na pinawalang-bisa noong January 1981. Pinaniniwalaang idineklara ni Pangulong Marcos ang batas-militar sa bansa upang palawigin ang kanyang kapangyarihan. Naitala rin ang libu-libong paglabag sa karapatang-pantao, pag-atake sa oposisyon ng rehimeng Marcos, extrajudicial killings, torture, at pagkakabilanggo ng ilang tutol kay Pangulong Marcos.

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 20/09/2023

Pagbati sa mga tagapagtaguyod ng Kasaysayan!

Naganap ngayong araw , Septyembre 20, 2023 ang pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal ng ating samahan, ang Araling Panlipunan Club.

Pagbati sa mga Bagong Opisyal ng taong panuruan 2023-2024

18/09/2023

Calling all Araling Panlipunan enthusiasts!

"Get ready to choose your leaders and be part of history. Mark your calendars! AP Club Election of Officers is happening on September 20, 2023, at Dampol 1st NHS covered court.

Join us in shaping the future of our club!

29/08/2023

𝗪𝗘𝗟𝗖𝗢𝗠𝗘 𝗧𝗢 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗬𝗘𝗔𝗥 2023 - 2024, 𝗗𝗔𝗠𝗣𝗢𝗟𝗜𝗔𝗡𝗦!

Day 1 of S.Y. 2023-2024

God bless us all in this new school year.

𝗪𝗘𝗟𝗖𝗢𝗠𝗘 𝗧𝗢 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟯-𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗗𝗔𝗠𝗣𝗢𝗟𝗜𝗔𝗡𝗦!

Embrace the journey on your first day of school.
Let's learn, inspire, and create together!

Photos from Dampol 1st National High School-Araling Panlipunan Club's post 28/08/2023

BIRTWAL NA SIMPOSYUM SA ARAW NG MGA BAYANI

TEMA: Karangalan, Katungkulan, Kabayanihan

"Kasama ang mga g**o ng Araling Panlipunan sa Dampol 1st National High School na nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani: Nagtuturo, Nagmumulat, Nagbibigay Inspirasyon!"

12/06/2023

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝟏𝟐5𝐭𝐡 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐏𝐄𝐍𝐃𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐃𝐀𝐘 🇵🇭

Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang ika-125 taon ng Philippine Independence Day! Ang pagmamahal sa ating bayan ay walang katapusan. Huwag natin kalimutan ang mga sakripisyo ng ating mga bayani na nag alay ng kanilang buhay at sarili upang makamit natin ang kalayaan.

Patuloy kang maging malaya! Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas! 💚

27/04/2023

𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗖𝗧𝗔𝗡

Ngayong araw ginugunita ang ika-502 taong anibersaryo ng makasaysayang 'Labanan sa Mactan'.

Bago pa man ang makasaysayang ‘Labanan sa Mactan’, nauna nang kinilala ng ibang lider sa Cebu ang kapangyarihan ng Espanya. Naging kaalyado ni Ferdinand Magellan ang Cebu na pinamumunuan ni Rajah Humabon. April 26, 1521, isang araw bago ang labanan, ipinadala ni Zula, isa sa mga pinuno ng Mactan (ngayo’y bahagi ng Lapu-lapu City, Cebu) ang kanyang anak upang magbigay kina Magellan ng dalawang kambing. Ipinaabot din ng anak ni Zula kay Magellan na hindi nito maipaaabot ang iba pang mga pangako dahil sa hindi pagkilala ni Lapulapu (Cilapulapu sa tala ng chronicler ng ekspedisyon na si Pigafetta), isa pang lider ng Mactan, sa Hari ng Espanya. Dahil dito, humingi ng tulong si Zula ng karagdagang tauhan mula kay Magellan upang labanan si Lapulapu. Sa kabila ng paghimok ng mga tauhan na huwag nang makisali sa gulo si Magellan, nagyabang ang Portuguese na kapitan ng Armada de Maluco at ipakikita kung ano ang mangyayari sa sinumang hindi kikilala sa Hari ng Espanya. Madaling-araw ng April 26 nang sila’y maglayag patungong Mactan mula Cebu dala ang higit dalawampung balanghai.

Umaga na ng April 27 nang marating nina Magellan ang isla ng Mactan (Matan). Ayaw noong lumaban ni Magellan sa mga katutubo at sa halip, ay nagpadala ng ultimatum kay Lapulapu. Ani Magellan, magiging magkaibigan sila ni Lapulapu kung ang huli’y kikilalanin ang Hari ng Espanya at magbabayad ng buwis. Ipinagkibit-balikat ito ni Lapulapu kung kaya’t napilitan na ang grupo ni Magellan na bumaba sa barko at lumusong sa tubig. Dito na sila sinalakay ng higit 1,500 tauhan ni Lapulapu. Nagpalitan ang mga putok ng baril mula sa mga Espanyol at mga palaso at kawayang sibat mula sa mga katutubo. Agad na iniutos ni Magellan na sunugin ang mga bahay ng katutubo upang sila’y takutin. Nang makitang nasusunog ang mga bahay, lalong nagalit ang mga katutubo.

Napakaraming sibat ang sumalubong sa mga Espanyol hanggang sa tamaan ng sibat na may lason ang kanang binti ni Magellan. Dahil dito, inutusan ni Magellan ang mga tauhan na umatras. Hindi na rin makalaban ang iba pang mga Espanyol dahil sa mga nagliliparang bato at sibat. Napakalayo rin ng kanyon mula sa pampang upang kanilang magamit. Nang matukoy ng mga tauhan ni Lapulapu si Magellan, agad nila itong kinuyog at tinanggalan ng helmet. Isang katutubo ang naghagis ng kawayang sibat sa mukha ni Magellan, ngunit napatay rin siya ng huli. Sinugatan muli si Magellan sa kaliwang binti at saka sinugod gamit ang bakal at kawayang sibat hanggang sa mapatay si Magellan. Kinahapunan, nagpadala ng mensahe ang mga Espanyol sa mga katutubo ng Mactan upang bawiin ang labi ni Magellan ngunit di pumayag ang mga ito.

Ang ‘Labanan sa Mactan’ ang unang naitalang pagkapanalo ng mga katutubo laban sa mga Espanyol. Bagama’t walang ebidensya na si Lapulapu ang nakapatay kay Magellan, kinilala siya bilang ‘unang bayaning Filipino’ dahil siya ang lider ng mga tauhang pumaslang sa Portuguese na manlalayag. Dahil sa labanan, napurnada ang pananakop ng mga Espanyol sa bansa, hanggang sa pagdating ni Legazpi noong 1564. Ilang mga monumento at pagkilala rin ang ibinigay para kay Lapulapu.

Sanggunian:
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig ni Antonio Pigafetta, salin ni Philip Yerro Kimpo (2017)

Photos from BULACAN History and Heritage's post 27/04/2023

Pormal na Pagbubukas ng SINEliksik Bulacan Research Hub na ginanap ngayong 27 Abril 2023 sa Dampol 1st Elementary School at Dampol 1st National High School, bayan ng Plaridel, Bulacan

Ito ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo. Sa pormal na paglulunsad ay ipinagkaloob ang seal ng SINEliksik Bulacan Research Hub ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ni Dr. Eliseo S. Dela Cruz sa Dampol 1st Elementary School sa pamamagitan ng kanilang punong g**o na si G. Maverick V. Catahan at sa Dampol 1st National High School sa pamamagitan ng kanilang punong g**o na si G. Ronald E. Panganiban. Ito ay simbolikong pagpapatunay ng pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ng Dampol 1st Elementary School at Dampol 1st Naitonal High School sa proyektong SINEliksik Bulacan Research Hub. Nagkaloob rin ng aklat bilang karagdagan sa koleksyong Bulacaniana sa research hub.

Ang proyektong SINEliksik Bulacan Research Hub ay bahagi ng programang SINEliksik Bulacan. Layunin nitong maging espasyo na maglalaman ng mayamang koleksyon ng biswal at limbag na reperensya sa anyo ng Docu Film, Heritage Book at Poster para sa
pananaliksik ng mga g**o at mag-aaral patungkol sa lokal na kasaysayan at pamana ng lalawigan ng Bulacan.

Photos from DepEd Tayo - Dampol 1st National High School's post 06/04/2023

Nakikiisa ang Dampol 1st National High School sa ilalim ng patnubay ng aming School Principal, Ronald E. Panganiban at ng buong Kagawaran ng Edukasyon sa pagsuporta sa ika-81 na pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at 2023 Philippine Veterans Week (April 5-12, 2023) na may temang

“Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino”.

30/12/2022

Paalala lang po mga ka-Trivia, hindi po birthday ni José Rizal ngayong araw.

Ngayong araw ginugunita ang ika-126 taong anibersaryo ng kamatayan ni G*t José Rizal, Filipinong martir, repormista, manunulat, siyentipiko, at kinikilalang pambansang bayani ng Pilipinas. Binaril siya sa Bagumbayan (Luneta) sa edad na 35 dahil sa akusasyon ng rebelyon, sedisyon, at pagtatatag ng samahang tumututol sa mga Espanyol.

(i-click lamang ang aming hashtag na para sa mga post na may kinalaman ukol kay Jose Rizal)

Want your school to be the top-listed School/college in Plaridel?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

ATTENTION, DAMPOLIANS!ANG ARALING PANLIPUNAN CLUB AY INAANYAYAHAN ANG LAHAT NG MGA MAG-AARAL NA MAKIISA SA PAGDIRIWANG N...

Category

Website

Address

Dampol
Plaridel
3004
Other Schools in Plaridel (show all)
BSOA-Santo Niño College foundation,Inc.Banga South Cotabato. BSOA-Santo Niño College foundation,Inc.Banga South Cotabato.
Park Doña Emelda
Plaridel, 9511

Education is the most powerful weapon we can use to change the world!!

DPR - PATS SHS Student Council DPR - PATS SHS Student Council
Plaridel, 3004

The highest student - governing organization in DPR-PATS!

Colegio de Immaculada Concepcion of Bulacan, Inc. Colegio de Immaculada Concepcion of Bulacan, Inc.
Mataas Sampalok Bulihan
Plaridel, 3004

"𝕺𝖓𝖈𝖊 𝖆 𝕮𝕴𝕮𝖎𝖆𝖓, 𝖆𝖑𝖜𝖆𝖞𝖘 𝖆 𝕮𝕴𝕮𝖎𝖆𝖓."

Grade 3 Anahaw Grade 3 Anahaw
Mariano Street
Plaridel

grade3 section

Supreme Student Council Supreme Student Council
Rocka Village II, Tabang, Bulacan
Plaridel, 3004

SOLID GROUND SCHOOL

12-Rolls Royce 12-Rolls Royce
0137 Lumang Road, Bulacan
Plaridel, 3004

DepEd Tayo - Don Nemencio Clemeña Memorial School DepEd Tayo - Don Nemencio Clemeña Memorial School
BULIHAN
Plaridel, 3004

Official Page of DNCMS

Ma’am Beth’s Tutorial Service Ma’am Beth’s Tutorial Service
Parulan, Bulacan
Plaridel

Tutorial Service

MCTI - Montessori College of Technology Inc. MCTI - Montessori College of Technology Inc.
Looc
Plaridel

SENIOR HIGH SCHOOL (GAS, HUMSS, ABM)

Faithway Baptist Christian Academy Faithway Baptist Christian Academy
Lao Proper
Plaridel, 7209

To God be the Glory

ALS Sir JP ALS Sir JP
Plaridel, Bulacan
Plaridel

This is the Official page of ALS Teacher JP . Please follow my other social media page.