Mabel's Organic Farming

Mabel's Organic Farming

Organic Fruits , Vegetable & Livestock

04/02/2023

ABOVE & BEYOND ๐Ÿ™

20/10/2022

Bible Devotion
Thursday, October 20, 2022

Lucas 23:20-21
Sa pagnanais na mapalaya si Jesus, minsan pang nagsalita sa kanila si Pilato, ngunit sumigaw ang mga tao, โ€œIpako siya sa krus! Ipako siya sa krus!โ€

Pagninilay :
Sa kabila ng mga mabubuting ginawa ni Hesus "pinakain,pinagaling,nagbigay pag asa sa mga tao ay nagawa pa din itong ipapako ang Panginoong Hesus sa krus. Sa paglilingkod sa Diyos ay nariyan ang hamakin at pagbibintangan tayo ng masama gayong mabuti naman ang ating ginagawa; May Diyos na nakakakita sa atin at gaganti ng mabuti para sa atin .

Panalangin :
Nawa mapaglingkuran ka namin o Diyos kahit anuman ang nangyayare sa amin maging mabuti man o masama sapagkat ikaw naman ang dahilang ng aming paglilingkod. Amen! ๐Ÿ™

18/10/2022

Bible Devotion
Tuesday, October 18, 2022

Lucas 19:5
Pagtapat ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya kay Zaqueo at sinabi, โ€œZaqueo, bumabรข ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa iyong bahay.โ€

Pagninilay :
Si Zaqueo ay isang makasalanan sapagkat siya ay kurakot na maniningil ng buwis ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi siya tagpuin ng Diyos dahil alam ni Hesus ang nilalaman ng puso niya. Tulad ng ginawa ni Zaqueo ay dapat wala dapat na maging hadlang upang makalapit tayo sa presensya ng Panginoon. Sikapin natin na magkaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos dahil Diyos lamang ang may kayang baguhin ang ating mga masasamang nakaraan at mga pag uugali.

Panalangin :
Maraming salamat po O Diyos . Dalangin ko na ikaw ang palagi kong hahanap hanapin sa bawat oras ng aking buhay, sa ngalan ni Hesus Amen!๐Ÿ™

16/10/2022

Bible Devotion
Sunday, October 16, 2022
"Palalimin ang Pananampalataya"

Lucas 17:6 Tumugon ang Panginoon, โ€œKung ang inyong pananampalataya ay maging sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito ng sikamoro, โ€˜Mabunot ka at matanim sa dagat!โ€™ at susundin kayo nito.โ€

Pagninilay :
Ang pananampalataya ay pinaniniwalaan natin ang mga bagay na hindi pa natin nakikita dahil karamihan sa tao ay maniniwala lamang sila kapag ito ay nakita na nila, Ngunit iba ang prinsipyo ng Diyos. Maniwala ka muna at ipapakita niya ito sa iyo. Upang lumalim ang ating pananampalataya sa Diyos ay kailangan nating makinig palagi ng salita ng Diyos.

Panalangin:
Maraming salamat po O Diyos sa iyong salita na aking napapakinggan upang mas maunawaan ko ang kalooban at madagdagan ang aking pananampalataya, patuloy mong palalimin ang aking pananampalataya dahil alam kong nagkukulang ako dito, sa ngalan ni Hesus Amen! ๐Ÿ™

15/10/2022

Bible Devotion
Saturday , October 15, 2022
Ibahagi ang "Salita ng Diyos"

Lucas 16:27โ€ญ-โ€ฌ28
โ€œNgunit sinabi ng mayaman, โ€˜Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap ko pong papuntahin na lamang ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama, sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila'y bigyang-babala upang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.

Pagninilay :
Nais ng mayaman na ibahagi ang kanyang kalalagyan sa kanyang mga kapatid na hindi sumasampalataya sa"Salita ng Diyos" ngunit huli na dahil hindi na nya na ito kailanman magagawa. Tayong mga buhay na lingkod ng Diyos ang ay kailangang maibahagi ang salita ng Diyos upang ang mga taong makakarinig nito ay magkaroon ng pananampalataya at pagsisihan ang kanilang mga kasalanan sapagkat nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay hindi mapahamak.
Kaunti na lamang ang panahon na ibinigay ang Diyos para gawin natin ito.

Panalangin :
Bigyan mo kami ng puso o Diyos na marunong mahabag sa aming kapwa upang magawa naming maibahagi ang iyong salita kagaya ng mga unang naglingkod sa inyo na nagbahagi sa amin ng iyong salita kaya kami nagkaroon ng pananampalataya sa iyo. Amen ๐Ÿ™

14/10/2022

Bible Devotion
Friday, October 14, 2022
"Wala sa Dami ng Yaman"

Lucas 12:15
At sinabi niya sa kanilang lahat, โ€œMag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.โ€

Pagninilay :
Hindi masamang mag impok ng kayaman dito sa lupa dahil kailangan natin ito; Ngunit kung ito ang magiging dahilan ng ating pagkakawalay sa Diyos dahil mas binibigyan natin ito ng importansya ng higit sa Kanya ay nagkakamali tayo at siguradong hindi ito kaluluugdan ng Diyos.
Hind dapat pera o anumang yaman ang puwedeng pumalit sa Diyos sa ating mga buhay dahil sa Diyos ito nagmumula; At anumang ipapalit nating mga bagay ng higit sa Diyos ay yun ang nagiging diyos diyosan natin.

Panalangin :
Patawarin Mo ako O Diyos dahil hindi Ikaw ang aking inuuna sa aking buhay; Turuan Mo akong magtiwala sa Iyong mga salita upang hindi ako mahumaling sa mundong ito. Amen!๐Ÿ™

11/10/2022

Bible Devotion
Tuesday, October 11, 2022
โ€œ Magpatuloy hanggang Wakas โ€œ

Lucas 14:29-30
Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya'y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. Sasabihin nila, โ€˜Ang taong ito'y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.

Pagninilay :
Sa pagsunod sa Panginoon bilang isang alagad ay napakasarap sa umpisa; nariyan ang hahangaan ka dahil sa iyong paglilingkod at pagbabago ng pamumuhay."NGUNIT" Kung tayo ay hihinto at babalik sa dating masamang pamumuhay ay pagtatawanan at kukutyain tayo ng mga taong nakatingin sa atin .
Tapusin natin anuman ang ating nasimulan na paglilingkod sa Diyos dahil sa huli naghihintay ang Panginoon para tayo ay yakapin at sasabihin Nyang magaling! mabuti at tapat na lingkod.

Panalangin :
Salamat po o Diyos sa iyong kalakasan at kasiguraduhan na kami ay magtatagumpay sa aming paglilingkod kung kami ay magpapatuloy lamang at hindi susuko. Amen ๐Ÿ™

09/10/2022

Bible Devotion
Sunday, October 09, 2022
"Naghahanap ang Diyos ng Bunga"

Lucas 13:6
Sinabi pa sa kanila ni Jesus ang talinhagang ito.โ€œMay isang taong may tanim na puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ang puno, ngunit wala siyang nakita.

Pagninilay : Hindi nalulugod ang Panginoon sa isang taong walang bunga; Ito yung mga taong matapus makakilala sa Panginoon ay wala ng ginawa o binaon na lamang ang kanyang nalalaman tungkol sa mabuting balita.
Ibahagi natin ang mabuting balita ng kaligtasan dahil darating ang panahon na hahanapan tayo ng bunga ng Diyos at tayo mananagot sa Kanya.

Panalangin :
O Diyos Bigyan Mo kami ng lakas at talino upang maibahagi ang mabuting balita , upang kami ay patuloy na mamunga . Amen! ๐Ÿ™

07/10/2022

Bible Devotion
Friday, October 07,2022
"Amang Nasa Langit"

Lucas 11:13
Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!โ€

Pagninilay :
Kung ang ating ama dito sa lupa ay walang hinangad sa atin kundi mapabuti tayo kahit sila pa ay makasalanan, Anu pa ang Amang Diyos na nasa langit na mabuti at banal? Walang hindi ibibigay ang ating Ama na nasa langit kung ito ay para sa ikabubuti natin.

Panalangin :
O Amang Diyos na nasa langit maraming salamat po sa Iyong dakilang pag ibig sa aming mga anak Mo, lubos po akong nagtitiwala sa Iyong kalooban. Amen!๐Ÿ™

06/10/2022

Bible Devotion
Thursday, October 06, 2022
โ€œ Kayamanang Walang Hanggan โ€œ

Lucas 10:41- 42
Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, โ€œMarta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito'y hindi aalisin sa kanya.โ€

Pagninilay:
Katulad ni Martha ,sobrang abala natin sa anumang mga bagay bagay gaya ng trabaho,negosyo,pamilya, etc. na nakakalimutan na natin kung sino ang dapat ang number 1 sa puso natin, ang Panginoong Hesus at ang relasyon natin sa Kanya ay maituturing na kayamanang hindi nassisira at pangwalang hanggan.

Panalangin :
Patawarin mo kami o Diyos dahil naging sobrang abala kami sa mga makamundong gawain . Nawa Ikaw lagi ang maghari sa aming mga puso .Amen๐Ÿ™

04/10/2022

Bible Devotion
Tuesday, October 4, 2022
โ€œ Higit pa Sa Yaman ng Mundo "

Lucas 9:25
Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.

Pagninilay :
Ang isang kaluluwa ay mas mahalaga kahit ikumpara pa ito sa pinakamahal na yaman sa mundo o maging sa mundo man sapagkat ito ang tinubos ng Diyos mula sa kalaban.
Pag ingatan natin ang ating mga sarili sa mga bagay na makakapagpalayo sa atin sa Diyos dahil napakahalaga ng kaluluwa natin sapagkat ito ay pang walang hanggan, Mamuhay tayo sa kabanalan sapagkat kapahamakan ang kahihitnan ng mga taong walang kinikilalang Diyos.

Panalangin :
O Diyos ,turuan mo ako na mabuhay sa kabanalan at katwiran mo dahil kalooban mo na kami ay maligtas mula sa kapahamakan, sa ngalan ni Hesus Amen!๐Ÿ™

03/10/2022

Bible Devotion
Monday, October 03, 2022
โ€œ Humingi ng Katalinuhan โ€œ

Lucas 8:10
Sumagot si Jesus, โ€œIpinagkaloob na sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba'y nagsasalita ako sa pamamagitan ng talinhaga. Nang sa gayon, โ€˜Tumingin man sila'y hindi sila makakita; at makinig man sila'y hindi sila makaunawa.โ€™โ€

Pagninilay :
Sadyang ang salita ng Diyos ay mahiwaga at mahirap maunawaan sapagkat kinakailangan nito ng espiritu ng Diyos upang maunawaan.
Hingin natin sa Diyos ang katalinuhan upang maunawaan natin ang kanyang salita pagkat hindi natin ito mauunawaan ng wala ang kanyang banal na espiritu.

Panalangin:
Bigyan mo kami o Diyos ng katalinuhan upang maunawaan namin ang inyong mga salita at mas makilala namin kayo. Amen ๐Ÿ™

02/10/2022

Bible Devotion
Sunday, October 02, 2022

Lucas 7:23 Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!โ€

Pagninilay :
Ang mga taong hindi nag aalinlangan sa Panginoon ay punong puno ng pag asa at pananampalataya sa kanya, Kaya napakapalad natin kung isa tayo sa mga taong hindi nag aalinlangan sa pag ibig nya.
Upang hindi tayo mag alinlangan sa Panginoon lagi tayong makinig at magbasa ng kanyang salita upang mapuno ang puso natin ng pananampalataya.

Panalangin:
Patawad Panginoon sa aming pag aalinlangan sayo kahit nariyan ka palagi para kami ay gabayan, ipaunawa nyo po ang iyong mga plano para sa amin. ๐Ÿ™

29/09/2022

Bible Devotion
Thursday, September 29, 2022
"Ipahayag ang Magandang Balita"

Lucas 4:43 Subalit sinabi niya, โ€œDapat ko ring ipangaral sa ibang mga bayan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, sapagkat iyon ang dahilan kaya ako isinugo.โ€

Pagninilay :
Ang halaga ng buhay ng isang tao ay ang magawa ang kanyang purpose ng pagkatawag sa kanya ng Diyos . Ipinahayag ni Hesus ang mabuting balita sa mga tao tungkol sa paghahari ng Diyos, sapagkat ito ang kanyang layunin kaya Sya isinugo dito sa mundo . Tulad ng ating Panginoong Hesus ibahagi natin ang mabuting balita ng kaligtasan dahil ito ang kalooban ng Diyos .

Prayer:
Panginoong Hesus , nais kitang tularan , nawa'y magawa ko ang maibahagi ang magandang balita sa mga taong hindi Ka pa kilala upang matupad ko ang layunin ng Iyong pagkatawag sa akin. Amen! ๐Ÿ™

28/09/2022
28/09/2022

Mabuting Bunga"
Lucas 3:9
9Ngayon pa ma'y nakahanda na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.โ€
May nakatanim na sa ating mga puso na salita ng Diyos ngunit nasa sa atin ito kung nais natin itong pagbungahin o patayin. Magiging mabuting bunga ito kung magiging laman ito sa ating o makikita sa ating mga pamumuhay. Kung hindi naman ito mamumunga ay yung masamang buto ang mamumunga sa atin na itinanim sa ating mga puso ng mundo.
Kapahamakan ang kahihinatnan ng mga taong nakakilala na sa Panginoon ngunit bumalik sa masama at lumang buhay dahil ang nais ng Diyos ay mapapatuloy sa banal na buhay.
Hindi itinananim ng Diyos ang kanyang salita sa ating mga puso para sayangin lamang dahil kalooban niya na ito ay mamunga sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa para sa ikaluluwalhati niya.
Maraming salamat po O Diyos sa iyong salita na patuloy mong nilalagay sa aking puso. Tulungan mo akong mamunga at maging laman ito sa aking buhay para sa ikaluluwalhati ng iyong ngalan. Amen!

12/09/2022

Bible Devotion
Monday, September 12, 2022
โ€œ Paano Gumawa ng Mabuti? "

Scripture: Mikas 6:8
Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

Pagninilay :
Si Hesus ay naging makatarungan sa lahat, patuloy na nagmamahal sa atin at higit sa lahat buong pusong sumunod at nagpakumbaba sa Kanyang Diyos Ama, tularan natin Sya sa Kanyang gawa dahil Sya ay Diyos na mabuti .

Panalangin :
Turuan Mo kami o Diyos na magawa ang mga nais Mo at matularan namin ang Iyong Anak na si Hesus sa kung paano gumawa ng mabuti. Amen! ๐Ÿ™

11/09/2022

BibleDevotion
Sunday , September 11, 2022
โ€œ Share The Good News "

Luke 2:10
But the angel said to them, โ€œDo not be afraid. I bring you good news that will cause great joy for all the people.

Pagninilay :
Without the good news of Christ, there is no joy,there is no peace and there is no salvation. Lahat tayo ay kapahamakan ang kahihitnan kung wala ang mabuting balita na dala ni Cristo. Huwag tayong matakot ibahagi ang mabuting balita sapagkat hindi lamang kaligtasan at pag asa ang dala nito kundi ligaya sa ating mga puso kahit dumaraan pa tayo sa mga ibat ibang uri ng pagsubok ay kaya pa rin nating maging maligaya. Higit pa sa anumang yaman sa mundo ang dalang ligaya ng mabuting balita.

Panalangin :
Maraming salamat po O Diyos sa dalang kaligtasan mo sa aming mga makasalanan. dalangin ko na maibahagi ko din ito sa iba dahil sa iyo lamang matatagpuan ang tunay na pag asa at ligaya, sa ngalan ni Hesus Amen! ๐Ÿ™

10/09/2022

Bible Devotion
Saturday, September 10, 2022
"Daigin ng Mabuti ang Masama"

Mga Taga-Roma 12:17 -18
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal. Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

Pagninilay :
Daigin natin ng mabuti ang mga masasamang nagagawa sa atin ng kapwa nang sa ganun ay makita nila na tayo ay mga tunay na anak ng Diyos dahil hindi tayo nakikiayon sa takbo ng mundong ito. Sa huli ay may Diyos pa rin na hahatol sa mga nagawa ng tao maging mabuti man ito o masama.

Panalangin :
Dalangin ko O Diyos na madaig ko ng mabuti ang masama. Tulungan mo akong magawa ito dahil hindi ko ito makakaya nang wala ka. sa ngalan ni Hesus Amen! ๐Ÿ™

09/09/2022

Calamansi โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

09/09/2022

Bible Devotion
Friday, September 09, 2022
"Magpatawad upang Mapatawad"

Lucas 6:37
โ€œHuwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo paparusahan ng Diyos. Patawarin ninyo ang inyong kapwa at kayo'y patatawarin din ng Diyos.

Pagninilay :
Ipinapakita sa talata na ito na anuman ang gagawin natin sa ating kapwa ay paniguradong babalik ito sa atin dahil may Diyos na nakakakita ng ating mga ginagawa.
Kung nais nating patawarin tayo ng Diyos ay magpatawad din tayo sa nagkasala sa atin;Kung nais nating mabuti ang bumalik sa atin ay dapat mabuti rin ang gawin natin sa ating kapwa dahil ang Diyos ang magbabalik ng lahat ng ito.

Panalangin :
Patawad po O Diyos kung ako man ay naging palahatol sa aking kapwa, Nakalimutan ko na nariyan kayo na tunay na hahatol sa aming mga makasalanan, Itama Nyo po ang aking puso upang lagi po akong handang magpatawad sa aking kapwa. Amen! ๐Ÿ™

08/09/2022

Bible Devotion
Thursday, September 08, 2022
โ€œ Diyos ang Kalakasan Ko "

2 Corinthians 12:9
And He said to me, โ€œMy grace is sufficient for you, for My strength is made perfect in weakness.โ€ Therefore most gladly I will rather boast in my infirmities, that the power of Christ may rest upon me.

Pagninilay:
Magpasalamat tayo sa Diyos sa mga pagsubok o anumang mabibigat na pasanin ang nararanasan natin sa buhay dahil ginagawa tayong mapagpakumbaba nito at nilalapit tayo nito sa Diyos. At higit sa lahat ay papalitan ng Diyos ang ating kahinaan ng kanyang kalakasan, Mas mabuti ito sapagkat ang lakas na nagmumula sa Diyos ay walang hangganan at hindi katulad ng sa tao.

Panalangin:
Maraming salamat po O Diyos dahil ikaw ang nagiging kalakasan ko sa tuwing ako ay mahina. Dalangin ko na ikaw ang maitaas sa buhay ko ,sa ngalan ni Hesus Amen!๐Ÿ™

22/08/2022

Bible Devotion
Monday, August 22, 2022
โ€œ Bibigyan ng Lakas"

1 Mga Taga-Corinto 10:13
Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.

Pagninilay :
Binigay ang pagsubok hindi upang pahirapan tayo kundi patatagin ang ating pananampalataya sa Diyos at linangin ang ating mga karakter. Anuman ang ating pinagdaraanang pagsubok ay siguradong pagtatagumpayan natin dahil lakas ng Diyos ang sumasa atin.
Ating harapin ang mga pagsubok na puno ng pananampalataya sa Diyos sapagkat tapat siya sa kanyang mga pangako. Ang lakas na nagmumula sa kanya ay sapat upang lagpasan natin ang anumang pagsubok sa buhay.

Panalangin:
Maraming salamat po O Diyos kahit na may mga pagsubok ay nananatili pa din akong matatag dahil sa kalakasan na binibigay mo sa akin. sa ngalan ni Hesus Amen!๐Ÿ™

28/07/2022

Bible Devotion
Thursday, July 28, 2022
"Si Hesus ang Makita sa Atin"

1 Juan 2:6
Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo.

Pagninilay :
Kailanman ay hindi maaring magsama ang masama at mabuti; Katulad ng nasusulat kung tayo ay sa Diyos ay nakikita dapat ito sa buhay natin si Hesus kung paano Sya namuhay. Huwag lamang nating sabihin na tayo ay sa Diyos kundi ipakita natin ito sa ating pamumuhay .

Panalangin :
Turuan Mo ako O Diyos na mabuhay na naaayon sa Iyong kalooban dahil ang pagiging Kristyano ay hindi lamang sa salita kundi sa aming mga ginagawa. Amen!๐Ÿ™

Videos (show all)

Sweet tomatoes ๐Ÿ… I

Telephone

Website